tl_udb/10-2SA.usfm

1887 lines
147 KiB
Plaintext

\id 2SA
\ide UTF-8
\h 2 Samuel
\toc1 2 Samuel
\toc2 2 Samuel
\toc3 2sa
\mt 2 Samuel
\s5
\c 1
\p
\v 1 Pagkatapos mamatay ni Saul, si David at ang mga kalalakihan na kasama niya ay bumalik sa bayan ng Ziklag pagkatapos talunin ang mga kaapu-apuhan ng taga-Amalek. Nanatili sila sa Ziklag sa loob ng dalawang araw.
\v 2 Sa ika-tatlong araw, mayroong isang lalaki ang hindi inaasahang dumating doon na nakasama sa hukbo ni Saul. Pinunit niya ang kaniyang kasuotan at nilagyan ng alikabok ang kaniyang ulo para ipakita na siya ay nagdadalamhati. Pumunta siya kay David at siya'y dumapa sa lupa sa harapan ni David para magbigay galang sa kaniya.
\s5
\p
\v 3 Tinanong siya ni David, "Saan ka nanggaling?" Sumagot ang lalaki, "Mula sa hukbo ng Israelita."
\v 4 Tinanong siya ni David "Ano ang nangyari? Sabihin mo sa akin ang tungkol sa labanan!" Tumugon ang lalaki, "Nagsitakas ang mga sundalo natin. Marami sa kanila ay namatay. At si Saul at kaniyang anak na lalaki na si Jonatan ay namatay."
\v 5 Sinabi ni David sa batang lalaki, "Paano mo nalaman na si Saul at Jonatan ay namatay?"
\s5
\p
\v 6 Sumagot ang batang lalaki, "Ako ay nasa Bundok Gilboa kung saan nangyari ang labanan. Nakita ko si Saul; nakasandal siya sa kaniyang sibat. Ang mga karwahe ng kaaway at kanilang mga nangangabayo ay paparating na malapit na malapit sa kaniya.
\q1
\v 7 Tumalikod si Saul at nakita niya ako, at tinawag niya ako. Sinagot ko siya at sinabi, "Ano ang gusto mong gawin ko?'
\s5
\p
\v 8 Sumagot siya, 'Sino ka?' Sumagot ako, 'Ako ay isang kaapu-apuhan ni Amalek.'
\p
\v 9 Pagkatapos sinabi niya sa akin, 'Halika rito at patayin mo ako. Matinding sakit ang nararamdaman ko.'
\p
\v 10 Kaya lumapit ako sa kaniya at pinatay ko siya, dahil nakita ko na sugatan na siya at wala na siyang pag-asang mabuhay pa. Kinuha ko ang korona mula sa kaniyang ulo at ang kaniyang gasa, na aking dinala sa iyo, aking panginoon."
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos si David at lahat ng mga kalalakihan na kasama niya ay pinunit ang kanilang mga damit para ipakita ang kanilang pagdadalamhati.
\q1
\v 12 Nanangis sila para kay Saul at sa kaniyang anak na lalaki na si Jonatan, at sila'y umiyak at nag-ayuno; patuloy nilang ginawa ito hanggang gabi.
\q1
\v 13 Pero tinanong ni David ang batang lalaki, na nagsabi sa kaniya tungkol sa labanan, "Saan ka nanggaling? "Sumagot siya, ang aking ama ay isang kaapu-apuhan ni Amalek, pero nakatira kami sa Israel."
\s5
\p
\v 14 Tinanong siya ni David, "Bakit hindi ka natakot na parurusahan ka kung pinatay mo si Saul, na hinirang ni Yahweh na maging hari?
\p
\v 15-16 Ikaw mismo ang nagsabi, 'Pinatay ko ang lalaki na hinirang ni Yahweh para maging hari.' Kaya ginawang mong magkalasa ang iyong sarili; nararapat lamang na ikaw ay mamatay!" Pagkatapos ipinatawag ni David ang isa sa kaniyang mga sundalo at sinabi sa kaniya, "Patayin siya!" Kaya pinatay siya ng sundalo.
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos gumawa ng isang madamdaming awitin si David tungkol kay Saul at Jonatan,
\v 18 at inutusan niya ang mga kalalakihan na ituro ito sa mga mamamayan ng Juda. Ang tawag sa awitin ay "Ang Pangako," at nakasulat ito sa Aklat ni Jaser:
\p
\v 19 Kayong mga Israelita, ang inyong dakilang mga pinuno ay namatay sa kabundukan! Ito ay nakakalungkot na ang mga magigiting na mga kalalakihan na ito ay namatay!
\p
\v 20 Huwag ninyo itong sasabihin sa ating mga kaaway sa rehiyon ng Filisteo. Huwag ninyong sabihin ito sa mga taong nakatira sa lungsod ng Gat. Huwag ninyo itong ipamalita sa mga kalye sa lungsod ng Ashkelon, o ang kanilang mga kababaihan ay magsasaya. Huwag ninyong pahintulutan ang mga kababaihan na pagano na magdiwang.
\s5
\p
\v 21 Inaasahan ko na hindi na uulan o bigyan ng kahit hamog kailanman sa mga bundok ng Gilboa at walang butil na tutubo doon sa mga bukid, dahil naroon ang panangga ni Saul, ang magiting na hari, ay bumagsak sa lupa. Ngayon ay wala ni isa ang magpapahid ng olibong langis sa panangga ni Saul.
\p
\v 22 Ang mga palaso ni Jonatan ay ang kaniyang mga lingkod na laging tumatagos sa katawan ng mga kaaway at nagpapadaloy ng kanilang dugo, at ang espada ni Saul ay kaniyang lingkod na laging pumapatay sa kaniyang mga kaaway.
\s5
\q
\v 23 Si Saul at Jonatan ay minahal; pinaligaya nila ang maraming tao. Sa buhay at kamatayan ay palaging magkasama. Sa labanan mabilis pa sila kaysa sa mga agila at higit pa kaysa sa mga leon ang lakas na taglay nila.
\p
\v 24 Kayong mga kababaihan sa Israel, magsitangis kayo sa pagpanaw ni Saul. Binigyan niya kayo ng magagandang kulay pulang mga kasuotan at binigyan niya kayo ng mga gintong palamuti para gamitin.
\s5
\q
\v 25 Labis na nakakalungkot na namatay ang aking kapatid na si Jonatan. Siya ay isang magiting na sundalo, at pinatay siya ng kaniyang mga kaaway sa bundok.
\p
\v 26 Si Jonatan, ang aking mahal na kaibigan, nagdadalamhati ako para sa iyo. Ikaw ay napakahalaga sa akin. Minahal mo ako sa kahanga-hangang paraan. Ito ay mas mahigit pa kaysa sa pagmamahal ng isang babae sa kaniyang asawa at kaniyang mga anak.
\p
\v 27 Labis na nakakalungkot na ang mga magigiting na kalalakihan na ito ay namatay, at ang sandatang taglay nila ay wala nang kabuluhan!
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pagkalipas ng araw na iyon, nagtanong si David kay Yahweh, dapat ba akong pumunta sa isa sa mga bayan ng Juda?" Tumugon si Yahweh, "Oo, pumunta ka doon." Pagkatapos nagtanong si David, "Saang bayan dapat ako pupunta?" Tugon ni Yahweh, "Sa Hebron."
\p
\v 2 Kaya pumunta doon si David, dinala niya ang kaniyang dalawang asawa, na si Ahinoam na nagmula sa lungsod ng Jezreel, at Abigail, ang biyuda ni Nabal, na nagmula sa lungsod ng Carmel.
\q
\v 3 Dinala rin niya ang mga kalalakihan na naging kasama niya, kasama ang kanilang mga pamilya. Nagsimula silang manirahan sa loob ng lungsod sa Hebron at ang kalapit na mga nayon nito.
\s5
\p
\v 4 Pagkatapos ang mga kalalakihan ng Juda ay pumunta sa Hebron, at ang isa kanila ay ibinuhos ang olibong langis sa ulo ni David para ipakita na hinihirang nila na maging hari ng mga lipi ni Juda. Nang malaman ni David na ang mga tao sa lungsod ng Jabes Galaad sa rehiyon ng Galaad ay ipinalibing ang katawan ni Saul,
\p
\v 5 nagpadala siya ng mga mensahero sa mga kalalakihan ng Jabes para sabihin sa kanila, "Ang nais ko na pagpapalain kayo ni Yahweh sa pagpapalibing kay Saul. Sa paggawa nito, ipinakita ninyo na tapat kayo sa kaniya.
\s5
\p
\v 6 Ngayon ninanais ko rin na matapat kayong ibigin ni Yahweh at magiging tapat sa inyo. At gagawa ako ng mga magandang mga bagay para sa inyo dahil sa ginawa ninyo para kay Saul.
\q
\v 7 Ngayon, kahit na si Saul ang inyong hari ay patay na, maging matatag at matapang, katulad ng mga tao sa Juda, na hinirang ako bilang maging hari nila."
\s5
\p
\v 8 Ganoon pa man, si Abner anak na lalaki ni Ner, ang pinuno ng hukbo ni Saul, ay kinuha si Isboset anak ni Saul at pumunta sa kabilang Ilog ng Jordan patungo sa lungsod ng Mahanaim.
\q
\v 9 Doon ipinahayag ni Abner na si Isboset ay ang hari ngayon na mamumuno sa mga rehiyon ng Galaad at Jezreel, at ang mga lipi ni Aser, Efraim, at Benjamin. Nangangahulugan ito na siya ang hari ng karamihan ng Israel.
\s5
\p
\v 10 Si Isboset ay apatnapung taong gulang nang siya ay nagsimulang mamuno sa mga Israelita. Pinamunuan niya sila ng dalawang taon. Pero ang mga lipi ng Juda ay matapat kay David.
\p
\v 11 Pinamunuan sila ni David ng pito at kalahating taon habang naninirahan siya sa Hebron.
\s5
\p
\v 12 Isang araw si Abner at ang mga opisiyal ni Isboset ay pumunta mula sa Mahanaim sa kabila ng Ilog Jordan sa lungsod ng Gibeon.
\v 13 Si Joab, na ang ina ay si Zeruias, at iilang mga opisyal ni David ay pumunta mula sa Hebron patungo sa Gibeon, at nagkita sila doon sa lawa. Lahat sila ay nakaupo, isang grupo sa isang tabi ng lawa at ang ibang grupo sa kabilang tabi.
\s5
\p
\v 14 Sinabi ni Abner kay Joab, "Sabihin natin sa iilang binata natin na sila ay maglaban-laban!" Sumagot si Joab, "Sige nga!"
\p
\v 15 Kaya ang labingdalawang kalalakihan mula sa lipi ni Benjamin ay nakipaglaban para kay Isboset, laban sa labingdalawang mga sundalo ni David.
\s5
\p
\v 16 Sinunggaban ng bawat isa sa kanila ang ulo ng lalaki na kanilang kalaban, at sinaksak ang kanilang espada sa gilid ng katawan ng lalaki. Ang naging resulta ay lahat ng dalawamput-apat sa kanila ay patay na nagsibagsakan. Kaya ang lugar na iyon na nasa Gibeon ay tinawag ngayong "Bukid ng mga Espada."
\p
\v 17 Pagkatapos ang iba naman ay nagsimula rin maglaban. Ito ay isang napaka-matinding labanan. Si Abner at ang mga kalalakihan ng Israel ay tinalo ng mga sundalo ni David.
\s5
\p
\v 18 Ang tatlong anak na lalaki ni Zeruias ay naroon ng araw na iyon: Si Joab, Abisai at Asahel. Si Asahel ay may kakayahang tumakbo ng napakabilis. Kaya niyang tumakbo kasing bilis ng isang mailap na gasel.
\v 19 Sinimulang tugisin ni Asahel si Abner. Tuloy-tuloy siyang tumakbo patungo kay Abner, nang hindi tumitigil.
\s5
\v 20 Lumingon si Abner sa kaniyang likuran, at sinabi, "Ikaw ba iyan Asahel?" Sumagot si Asahel, "Oo!"
\v 21 Sumigaw si Abner, "Tumigil kana sa pagtugis sa akin; ibang tao na lang ang tugisin mo!" Pero hindi tumigil si Asahel sa pagtugis kay Abner..
\s5
\p
\v 22 Kaya sinigawang muli ni Abner si Asahel. "Tigilan mo na ang pagtugis sa akin! Bakit kita papatayin? Papaano ako haharap sa iyong kapatid na lalaki na si Joab at ipaliwanag sa kaniya ang pagkamatay mo.
\p
\v 23 Pero tumanggi si Asahel na tumigil sa pagtugis kay Abner. Kaya biglang tumalikod si Abner at isinaksak ang dulo ng kaniyang sibat sa tiyan ni Asahel. Dahil napadiin ng pagkasaksak niya, ang dulo ng kaniyang sibat ay tumagos sa kaniyang katawan at lumabas sa likod ng katawan ni Asahel at bumagsak siya sa lupa, na patay. Ang ibang mga sundalo na nakarating sa lugar kung saan nakabulagta ang kaniyang katawan ay huminto at tumayo doon, nabigla sila ng makita ang katawan ni Asahel.
\s5
\p
\v 24 Pero si Joab at Abisai ay nagpatuloy sa pagtugis kay Abner. Sa paglubog ng araw nakarating sila sa burol ng Amma, na malapit sa silangan ng Giah, sa tabi ng daan patungong kagubatan malapit sa Gibeon.
\p
\v 25 Ang mga kalalakihan mula sa lipi ni Benjamin ay nagtipon sa palibot ni Abner sa isang linya pakikipaglaban at tumayo sa itaas ng isang burol.
\s5
\p
\v 26 Pagkatapos tinawag ni Abner si Joab, na sinabing, "Ipagpapatuloy ba natin ang labanan ng walang katapusan? Hindi mo ba naiisip na kung magpapatuloy tayo sa pakikipaglaban mas masama ang magiging kalalabasan? Lahat tayo ay kaapu-kaapuhan ni Jacob, kaya dapat na nating itigil ang ating labanan! Hanggang kailan mo sasabihin sa mga sundalo mo na tigilan na nila ang pagtugis sa amin?
\p
\v 27 Sumagot si Joab, "Hanggang nabubuhay ang Diyos, kung hindi mo sinabi iyan, ang aking mga sundalo ay patuloy na tutugisin ang iyong mga kalalakihan hanggang bukas ng umaga!"
\s5
\v 28 Kaya hinipan ni Joab ang isang trumpeta bilang hudyat na dapat silang tumigil sa pakikipaglaban. Kaya ang lahat ng kaniyang kalalakihan ay tumigil sa pagtugis sa mga sundalo ng Israel.
\v 29 Nang gabing iyon si Abner at ang kaniyang sundalo ay pumunta sa kapatagan sa gilid ng Ilog Jordan. Tumawid sila ng Jordan at naglakad silang lahat hanggang kinaumagahan, at sa wakas nakarating na sila sa Mahanaim.
\s5
\p
\v 30 Si Joab at ang kaniyang mga sundalo ay sama-samang nagtipon pagkatapos nilang tumigil sa pagtugis kay Abner. Pagkatapos nalaman ni Joab na bukod kay Asahel, labingsiyam lamang sa kanila ang namatay sa labanan.
\v 31 Pero ang mga sundalo ni David ay nakapatay ng 360 sa mga kalalakihan ni Abner, lahat mula sa lipi ni Benjamin.
\p
\v 32 Ilan sa mga sundalo ni Joab ay kinuha ang katawan ni Asahel at inilibing ito sa libingan kung saan ang kaniyang ama ay inilibing, sa Bethlehem. Pagkatapos martsa silang lahat sa gabi, at sa dapit-umaga nakarating sila sa kanilang mga tahanan sa Hebron.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Pagkatapos nito, isang mahabang digmaan ang nangyari sa pagitan ng mga gusto na ang kanilang maging hari ay ang anak na lalaki ni Saul at iyong mga gustong maging hari si David. Pero padami ng padami ang mga tao na gusto si David, habang mas kaunti ng kaunti ang gusto sa anak na lalaki ni Saul.
\s5
\p
\v 2 Ang mga asawa ni David ay nanganak sa anim na anak na lalaki sa Hebron. Ang panganay ay si Amnon, ang kaniyang ina ay si Ahinoam mula sa lungsod ng Jezreel.
\p
\v 3 Ang sumunod na anak na lalaki ay si Quileb, na ang ina ay si Abigail, ang biyuda ni Nabal, mula sa lugnsod ng Carmel. Ang sumunod na anak na lalaki ay si Absalom, na ang ina ay si Maaca, ang anak na babae ni Talmai, ang hari ng rehiyon ng Gesur.
\s5
\p
\v 4 Ang sumunod na anak na lalaki ay si Adonias, na ang kaniyang ina ay si Hagit. Ang sumunod na anak na lalaki ay si Shefatias, na ang ina ay si Abital.
\p
\v 5 Ang pinakabunso na anak na lalaki ay si Itream, na ang ina ay si Egla, ang isa pa sa mga asawa ni David. Ang mga anak ni David na ito ay ipinanganak sa Hebron.
\s5
\p
\v 6 Sa panahon ng hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga taong gusto ang anak na lalaki ni Saul ang mamumuno sa kanila at mga tao na gustong si David ang mamumuno sa kanila, si Abner ay nagiging mas makapangyarihan doon sa mga gusto na maging hari ang anak ni Saul.
\p
\v 7 Mayroong isang alipin na babae sa mga asawa ni Saul na ang pangalan ay Rizpa, ang anak na babae ni Aya. Pero isang araw sinipingan siya ni Abner. Kaya sinabi ni Isboet kay Abner, "Bakit mo sinipingan ang aliping asawa ng aking ama?"
\s5
\v 8 Labis na nagalit si Abner kay Isboset dahil sa sinabi ni Isboset sa kaniya. Sinabi niya sa kaniya, "Sa palagay mo ba ako ay isang aso na walang pakinabang mula sa Juda? Mula pa sa simula naging tapat ako kay Saul na iyong ama, sa kaniyang mga kapatid na lalaki, at sa kaniyang mga kaibigan. At pinigilan ko ang hukbo ni David na daigin ka. Kaya ngayon bakit mo ako binabatikos tungkol sa ginawa ko sa iilang babae.
\s5
\p
\v 9-10 Taos-pusong ipinangako ni Yahweh na hindi niya papahintulutan si Saul at ang kaniyang mga kaapu-apuhan na magpatuloy sa pamumuno. Ipinangako niya na papahintulutan niya na mamuno si David sa lahat ng lipi ng Israel at Juda, mula sa lungsod ng Dan na mas malayo sa hilaga patungo sa lungsod ng Beerseba na mas malayo sa timog. Nawa ay patayin ako ng Diyos kung hindi ko magawa iyon!'
\p
\v 11 Labis ang takot ni Isboset kay Abner, kaya hindi na siya nagsalita ng anumang bagay para sumagot kay Abner.
\s5
\p
\v 12 Pagkatapos nagpadala si Abner ng mga mensahero kay David nang naroon siya sa Hebron para sabihin sa kaniya, "Ikaw man o ako ay nararapat maging pinuno sa buong bansang ito, pero hindi si Isboset. Gayunpaman, kung gagawa ka ng isang kasunduan sa akin, tutulungan kita sa pamamagitan ng paghimuk sa lahat ng tao na ikaw ang kanilang maging hari."
\p
\v 13 Ipinadala pabalik ni David itong kasagutan, "Mabuti iyan! Pumapayag ako na gumawa ng isang kasunduan sa iyo. Pero bago iyan mangyari, mayroong isang bagay na dapat mong gawin. Kapag makikipagkita ka sa akin, dapat dalhin mo ang aking asawa na si Mical, anak na babae ni Saul."
\s5
\p
\v 14 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si David kay Isboset para sabihin sa kaniya, "Pumatay ako ng isangdaang kalalakihan mula sa Filisteo at tinanggal ko ang kanilang mga balat sa maselan na parte ng kanilang katawan para ipambayad kay Mical para maging asawa ko. Kaya ngayon ibalik mo siya sa akin!"
\q
\v 15 Kaya nagpadala si Isboset ng iilang kalalakihan para kunin si Mical mula sa kaniyang asawa na si Palti. Pero nang kinuha nila siya, sumunod ang kaniyang asawa sa kanila hanggang sa lungsod ng Bahurim, umiiyak habang sumusunod.
\p
\v 16 Pagkatapos lumingon si Abner at sinabi sa kaniya, "Umuwi kana!" Kaya umuwi nga siya.
\s5
\p
\v 17 Pumunta si Abner sa mga pinuno ng mga Israelita at kinausap sila. "Ginusto ninyo si David ang mag hari sa inyo sa mahabang panahon.
\q
\v 18 Kaya ngayon mayroon na kayong pagkakataon para ito ay mangyari. Alalahanin ninyo na ipinangako ito ni Yahweh, 'Sa tulong ni David, na maayos na naglingkod sa akin, ililigtas ko ang aking mga tao mula sa kapangyarihan sa lahat ng kanilang iba pang mga kaaway."
\s5
\q
\v 19 Kinausap din ni Abner ang lipi ng Benjamin. Pagkatapos pumunta si Abner sa Hebron para sabihin kay David kung ano ang napagkasunduan ng lahat ng tao ng Israel at ang mga tao ng lipi ni Benjamin na gawin.
\p
\v 20 Nang dumating si Abner kasama ang kaniyang dalawampung sundalo para makipagkita kay David sa Hebron, Naghanda si David ng isang piging para sa kanilang lahat.
\s5
\p
\v 21 Pagkaraan nito, sinabi ni Abner kay David, "Ginoo, aalis na ako ngayon at hihimukin ko ang lahat ng tao sa Israel na tanggapin ka para maging hari nila, na iyong ninanais." Pagkatapos umalis si Abner, ng may kapayapaan.
\s5
\p
\v 22 Pagkatapos, si Joab at ang ilan pang ibang sundalo ni David ay bumalik sa Hebron pagkatapos nilang salakayin ang isa sa mga nayon ng kanilang kaaway, dala-dala nila ang maraming mga bagay na kanilang nakuha. Pero si Abner ay wala doon sa Hebron, dahil pinadala siya ni David ng payapa.
\p
\v 23 Nang si Joab at ang mga sundalo na kasama niya na dumating, mayroon isang tao na nagsabi sa kanya na naparito si Abner at nakipag-usap sa hari, at pinahintulutan ng hari na ligtas na makaalis si Abner.
\s5
\p
\v 24 Kaya si Joab ay pumunta sa hari at sinabi, "Bakit mo ginawa iyon? Makinig ka sa akin! Si Abner ay kaaway mo, pero nang nakipagkita siya sa iyo, pinahintulutan mo siyang umalis!
\v 25 Hindi mo alam na nakipagkita siya sa iyo para lokohin ka at alamin ang lahat ng bagay na iyong ginagawa, at ang lahat ng mga lugar na pupuntahan mo?"
\p
\v 26 Pagkatapos iwan ni Joab si David, nagpadala siya ng mga mensahero para kunin si Abner. Natagpuan nila siya sa balon ng Sira at dinala siya pabalik sa Hebron, pero hindi alam ni David na ginawa nila ito.
\s5
\p
\v 27 Kaya nang bumalik si Abner sa Hebron, nakipagkita si Joab sa kaniya sa tarangkahan ng lungsod, at dinala siya sa isang gilid ng kuwarto na parang gusto niyang kausapin siya ng mag-isa. Pagkatapos sinaksak niya sa tiyan ng kaniyang kutsilyo si Abner. Sa ganoong paraan pinatay niya si Abner dahil pinatay ni Abner ang kapatid na lalaki ni Joab na si Asahel.
\s5
\v 28 Hindi nagtagal, nang marinig ni David kung ano ang nangyari, sinabi niya, "Alam ni Yahweh na ako at ang mga tao sa aking kaharian ay walang pananagutan kay Abner.
\v 29 Inaasahan ko na mayroong laging isang tao sa kaniyang pamilya na mayroong mga sugat, o isang tao na may ketong, o iilang lalaki na sapilitang gawin ang gawain ng mga babae, o isang tao na mamatay sa isang labanan, o isang tao na walang sapat na pagkain para umain!"
\v 30 Sa ganyang paraan pinatay si Abner ni Joab at ang kaniyang kapatid na lalaki na si Abisai, dahil pinatay niya ang kanilang kapatid na lalaki na si Asahel sa labanan sa Gibeon.
\s5
\p
\v 31 Pagkatapos sinabi ni David kay Joab at sa lahat na mga sundalo ni Joab, "Punitin ninyo ang inyong mga damit at maglagay ng magaspang na tela para ipakita na kayo ay malungkot, at magdalamhati para kay Abner!" At sa burol, naglakad si Haring David sa likod ng mga kalalakihan na nagdadala ng kabaong.
\v 32 Inilibing nila ang bangkay ni Abner sa Hebron. At sa libingan, ang hari ay umiyak ng napakalakas, at ang lahat ng tao rin ay nag-iyakan.
\s5
\p
\v 33 Inawit ni David itong malungkot na awitin para manangis kay Abner: "Hindi ito tama na si Abner ay dapat mamatay ng may kahihiyan!
\v 34 Walang isa man ang nagtali sa kaniyang mga kamay o naglagay ng mga kadena sa kaniyang mga paa, tulad ng ginagawa nila sa mga kriminal. Hindi, siya ay sadyang pinatay ng mga masasamang tao!"
\s5
\v 35 Pagkatapos maraming tao ang pumunta kay David para sabihin sa kaniya na kumain ng kaunting pagkain bago lumubog ang araw, pero tinanggihan ito ni David. Sinabi niya, "Aking inaasahan na papatayin ako ng Diyos kung kakain ako ng anumang pagkain bago lumubog ang araw!"
\v 36 Nakita ng lahat ng mga tao ang ginawa ni David, at sila ay nalugod. Totoo nga, lahat ng bagay na ginawa ng hari ay nagbigay ng kaluguran sa mga tao.
\s5
\v 37 Kaya lahat ng tao ay naunawaan na hindi ginusto ng hari na mamatay si Abner.
\p
\v 38 Sinabi ng hari sa kaniyang mga opisiyal, "Hindi ba ninyo naunawaan na isang pinuno at isang dakilang lalaki ang namatay sa Israel sa araw na ito?
\p
\v 39 Kahit na ako ay hinirang ni Yahweh na maging hari, sa araw na ito ako nakaramdam ng panghihina. Ang dalawang anak na lalaki na ito ni Zeruias, si Joab at Abisai, ay napakalupit. Hindi ko sila mapigilan. Kaya inaasahan kong malupit silang parurusahan ni Yahweh para sa kabayaran sa kasamaan na ginawa nila!"
\s5
\c 4
\p
\v 1 Nang mabalitaan ni Isboset lalaking anak ni Saul na pinatay si Abner sa Hebron, labis siyang pinanghinaan ng loob, at ang lahat ng mga Israelitang kasama niya.
\v 2 Mayroong dalawang opisyal si Isboset na mga pinuno ng pangkat ng mga sundalo. Magkapatid sila na ang mga pangalan ay sina Baana at Recab; mga anak sila ni Rimon na mula sa bayan ng Beerot sa lipi ni Benjamin. Ngayon ang Beerot ay nasa lugar na itinalaga sa lipi ni Benjamin.
\p
\v 3 Pero ang tunay na nakatira sa Beerot ay tumakas sa bayan ng Gittaim, kung saan sila ay nanatiling buhay.
\s5
\p
\v 4 Mayroong lalaking anak si Jonatan na lalaking anak ni Saul na ang pangalan ay Mefiboset. Limang taong gulang si Mefiboset nang mamatay sina Saul at Jonatan sa digmaan. Nang ipinamalita ng mga taong mula sa Jezreel, kinuha si Mefiboset ng tagapag-alaga niya at tumakbo, pero nang tumakbo siya ng napakabilis at nabitawan niya siya, at siya ay naging lumpo.
\s5
\p
\v 5 Isang araw, umalis sina Recab at Baana sa kanilang tahanan para pumunta sa bahay ni Isboset. Dumating sila roon nang tanghali, habang umiidlip si Isboset.
\v 6 Ang babae na nagsisilbing tagapagbantay ng pintuan ay nagsasala ng trigo; pero inantok siya at nakatulog. Kaya gumapang nang tahimik si Recab at ang kaniyang lalaking kapatid na si Baana.
\p
\v 7 Pinasok nila ang silid ni Isboset, kung saan natutulog siya. Pinatay nila siya gamit ang kanilang mga espada at pinugot ang kaniyang ulo. Dinala nila ang kaniyang ulo at naglakad ng buong gabi sa kapatagan ng Jordan.
\s5
\p
\v 8 Dinala nila ang ulo ni Isboset kay David sa Hebron. Sinabi nila sa kaniya, "Narito ang ulo ni Isboset, ang lalaking anak ng iyong kalabang si Saul, na nagtangkang patayin ka. Iyong kamahalan, ngayong araw na ito pinayagan ka ni Yahweh para maghiganti kay Saul at sa kaniyang mga kaapu-apuhan!"
\p
\v 9 Pero sumagot si David sa kanila, "Tunay na hanggang si Yahweh ay nabubuhay—at siya ang tanging nagligtas sa akin mula sa lahat ng aking paghihirap, sasabihin ko sa inyo ito:
\p
\v 10 Nang dumating ang isang mensahero ng Ziklag at sinabi sa akin 'Patay na si Saul!' (at inisip niya na ang balita na kaniyang dinala sa akin ay mabuting balita), sinabihan ko ang isa sa aking mga sundalo na patayin siya. Gantimpala iyon na aking ibinigay sa kaniya para sa kaniyang balita!
\s5
\p
\v 11 Dahil kayong dalawang masamang lalaki ay pumatay ng isang taong walang ginawang mali—at pinatay ninyo siya habang natutulog sa kaniyang higaan sa sarili niyang bahay, gagawa ako ng isang bagay na masama sa inyo. Sisiguraduhin kong paghigantihan kayong dalawa sa pagpatay sa kaniya, at buburahin ko kayo dito sa mundo!"
\p
\v 12 Pagkatapos nagbigay ng utos si David sa kaniyang mga sundalo, at pinatay nila ang dalawang lalaki, at pinutol ang kanilang mga kamay at paa, at sinabit ang kanilang mga katawan sa isang posteng malapit sa lawa sa Hebron. Pero kinuha nila ang ulo ni Isboset at inilibing ito nang may paggalang sa libingan ni Abner, doon sa Hebron.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Pagkatapos dumating ang mga pinuno ng buong lipi ng Israel kay David sa Hebron at sinabi sa kaniya, "Makinig ka, iisa lamang ang ating mga ninuno.
\p
\v 2 Sa nakaraan, nang si Saul ang ating hari, ikaw ang namuno sa ating mga sundalo sa labanan. Ikaw ang siyang ipinangako ni Yahweh, 'Ikaw ang magiging pinuno ng aking mga tao. Ikaw ang magiging kanilang hari."'
\s5
\q
\v 3 Kaya habang nakikinig si Yahweh, ang buong mga nakatatanda ng bayan ng Israel ay nagdeklara roon sa Hebron na si David ang magiging kanilang hari. At gumawa si David ng kasunduan sa kanila. Pinahiran nila siya gamit ang olibong langis para italaga siya na maging hari ng mga Israelita.
\q
\v 4 Tatlumpung taong gulang si David nang naging kanilang hari. Pinamunuan niya sila ng apatnapung taon.
\p
\v 5 Sa Hebron pinamunuan niya ang buong lipi ng Juda nang pito at kalahating taon, at sa Jerusalem pinamunuan niya ang buong tao bayan ng Juda at Israel nang tatlumput-tatlong taon.
\s5
\p
\v 6 Isang araw pumunta si David at ang kaniyang mga sundalo sa Jerusalem para makipaglaban sa pangkat ng Jebus na nanirahan doon. Akala ng mga tao roon na hindi kayang sakupin ng mga hukbo ni David ang lungsod, kaya sinabi nila kay David, "Hindi kaya ng iyong mga hukbo na pasukin ang aming lungsod! Kahit ang bulag at lumpong mga tao ay maaari kayong mapigilan!"
\p
\v 7 Pero tuluyang sinakop ng mga hukbo ni David ang kuta ng Bundok Sion; nang kinalaunan kinilala itong bilang ang lungsod ni David.
\s5
\p
\v 8 Sa araw na iyon, sinabihan ni David ang kaniyang mga sundalo, "Ang nais na paalisin ang mga tao ng Jebus ay kailangang dumaan sa lagusan ng tubig para pasukin ang lungsod. Pagkatapos maaari na nating salakayin ang mga taong iyon na aking kinamumuhian—at titingnan ko kung mayroong bulag at lumpong mga tao na kayang pigilan tayo!" Iyan ang dahilan kung bakit sinabi ng mga tao, "Hindi makakapasok ang bulag at lumpo sa palasyo ni David."
\p
\v 9 Matapos sakupin ni David at ng kaniyang mga sundalo ang lungsod na may matibay na mga pader sa palibot nito, tumira siya roon, at pinangalanan niya itong lungsod ni David. Nagtayo si David at ang kaniyang mga sundalo ng lungsod sa palibot ng kuta, simula kung sa lupain na nasa silangang bahagi ng bundok.
\p
\v 10 Nagpatuloy si David na maging labis na labis na makapangyarihan dahil tinutulungan siya ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbong anghel.
\s5
\p
\v 11 Isang araw si Hiram, ang hari ng lungsod ng Tiro ay nagpadala ng mga kinatawan kay David para makipagpulong tungkol sa paggawa ng kasunduan sa pagitan ng kanilang mga bansa. Sumang-ayon si Hiram na maglaan ng mga sedrong kahoy para gawing tabla, at mga mason para gumawa ng isang palasyo para kay David.
\p
\v 12 Dahil ginawa ni Hiram ang mga bagay na ito, napagtanto ni David na totoong hinirang siya ni Yahweh na maging hari ng Israel. Napagtanto rin niya na dahil mahal ni Yahweh ang mga Israelita at pinili niya sila na mapabilang sa kaniyang sarili, at dinagdagan niya ang kapangyarihan ni David bilang isang hari.
\s5
\p
\v 13 Pagkatapos lumipat si David mula sa Hebron patungong Jerusalem, kumuha siya ng maraming aliping babae para maging kaniyang mga asawa, at pinakasalan din niya ang ibang babae. Ang lahat ng mga babaeng iyon ay nagsilang ng maraming lalaking anak at babaeng anak.
\p
\v 14 Ang mga pangalan ng kaniyang mga lalaking anak ay sina Sammua, Sobab, Natan, Solomon,
\p
\v 15 Ibar, Elisua, Nefeg, Jafia,
\p
\v 16 Elisama, Eliada, at Elifelet.
\s5
\p
\v 17 Nang mabalitaan ng mga taga-Filisteo na naging hari na si David ng Israel, umakyat ang kanilang mga hukbo sa Jerusalem para subukang sakupin si David. Pero nabalitaan ito ni David na parating na sila, kaya bumaba siya sa ibang matibay na lugar.
\p
\v 18 Dumating ang hukbong Filisteo sa Lambak ng Refaim sa silangang-kanluran at nagsikalat sa loob nito.
\s5
\p
\v 19 Tinanong ni David si Yahweh, "Kailangan ba na ako at aking mga tauhan ay lusubin ang hukbo ng Filisteo? Tutulutan mo ba kaming talunin sila?" Sumagot si Yahweh, "Oo, salakayin sila, Dahil siguradong bibigyan ko ng kakayahan ang iyong hukbo na talunin sila."
\p
\v 20 Kaya pumunta si David at ang kaniyang hukbo sa lugar kung saan naroon ang mga hukbo ng Filisteo, at doon natalo nila sila. Pagkatapos sinabi ni David, "Pinuksa ni Yahweh ang aking mga kalaban tulad ng isang baha." Kaya pinangalanan ang lugar na iyon na Baal Perazim.
\p
\v 21 Nilisan ng mga taga-Filisteo ang kanilang mga diyus-diyosan doon, kinuha ni David at ng kaniyang mga sundalo ang mga ito.
\s5
\p
\v 22 Pagkatapos bumalik ang hukbo ng Filisteo sa Lambak ng Refaim at nagsikalat muli sa buong lambak.
\p
\v 23 Kaya nagtanong muli si David kay Yahweh kung kailangan ba na sila ay salakayin ng kaniyang hukbo. Pero sumagot si Yahweh, "Huwag mo silang salakayin mula rito. Sabihan mo ang iyong mga tauhan na palibutan nila at salakayin nila mula sa ibang dako, malapit sa kagubatan ng balsam.
\s5
\q
\v 24 Kapag nakarinig kayo ng isang bagay sa itaas ng mga puno ng balsam na tumutunog katulad ng tunog ng lakad ng hukbo, salakayin sila. Pagkatapos malalaman mong nanguna ako sa iyo para bigyan ng lakas ang iyong hukbo na talunin ang kanilang hukbo."
\p
\v 25 Kaya ginawa ni David ang sinabi ni Yahweh sa kaniya, at tinalo ng kaniyang hukbo ang hukbo ng Filisteo at hinabol ito mula sa lungsod ng Geba hanggang sa kanluran papuntang lungsod ng Gezer.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Pagkatapos pumili si David ng tatlumpung libong lalaki at sama-sama silang tinipon.
\p
\v 2 Pinangunahan niya sila patungo sa lugar ng Juda na tinawag noon na Baala, ngayon tinawag na Kiriat Jearim. Pumunta sila para dalhin ang banal na kaban sa Jerusalem, ang kaban na may pangalan ni Yahweh, pinuno ng mga hukbo ng anghel, nasusulat doon, at may larawang pakpak na nilikha sa ibabaw nito. Sa pagitan ng mga anyong iyon na kung saan ipinakita ang sarili ni Yahweh, kahit nanatili siyang hindi makita.
\s5
\v 3 Naroon sa bahay ni Abinadab ang banal na kaban sa ibabaw ng isang burol. Pumunta sila roon, at inilagay ang kaban sa bagong kariton. Sina Uzza at Ahio, ang dalawang lalaking anak ni Abinadab, sila ang gumagabay sa mga toro na humihila sa kariton.
\p
\v 4 Naglakad si Uzza sa tabi ng kariton, at naglakad si Ahio sa harapan nito.
\p
\v 5 Nagdiriwang si David at lahat ng mga Israelitang kalalakihan sa presensya ng Diyos, umaawit sila gamit ang kanilang lakas at pinapatunog ang mga kudyaping kahoy at mga alpa, at pinapalo ang mga pandereta, at pinapatunog ang kastanyedas at mga pompyang.
\s5
\p
\v 6 Pero nang dumating sila sa lugar kung saan naggigiik si Nacon ng butil, natumba ang mga toro. Kaya inilagay ni Uzza ang kaniyang kamay sa banal na kaban para manatili ito.
\p
\v 7 Sukdulan ang naging galit ni Yahweh kay Uzza, at pinatay siya roon sa tabi ng banal na kaban, dahil hinawakan niya ang kaban. Inutos ni Yahweh na ang mga kaapu-apuhan lamang ni Levi na tumulong sa mga pari ang dapat humawak sa banal na kaban.
\s5
\p
\v 8 Pero nagalit si David dahil pinarusahan ni Yahweh si Uzza. Kaya sa simula ng panahong iyon, tinawag ang lugar na iyon na Perez Uzza.
\p
\v 9 Pagkatapos natakot si David sa kung ano pa ang maaaring gawin ni Yahweh para parusahan sila, kaya sinabi niya, "Paano ko dadalhin ang banal na kaban sa Jerusalem?"
\s5
\p
\v 10 Kaya napagpasiyahan niya na hindi dalhin ang banal na kaban sa Jerusalem. Sa halip, dinala niya ito sa ibang lugar, ang bahay ni Obed Edom na Geteo.
\p
\v 11 Iniwan nila ang banal na kaban sa bahay ni Obed Edom nang tatlong buwan, at sa panahong iyon pinagpala siya ni Yahweh at ang kaniyang pamilya.
\s5
\p
\v 12 Lumipas ang mga panahon, sinabi ng mga tao kay David, "Pinagpala ni Yahweh si Obed Edom at kaniyang pamilya dahil inalagaan niya ang banal na kaban!" Nang nabalitaan ni David iyon, siya at ilang mga lalaki ay pumunta sa bahay ni Obed Edom, at labis-labis ang kagalakan nang dalhin ang banal na kaban mula roon patungong Jerusalem.
\p
\v 13 Nang ang mga taong nagdadala ng mga banal na kaban ay nakalakad ng anim na hakbang, tumigil sila, at doon pinatay ni David ang isang toro at isang matabang baka, at hinandog ang mga ito kay Yahweh bilang isang alay.
\s5
\p
\v 14 Nagsuot lamang si David ng isang linong tela na tinakip sa palibot ng kaniyang baywang, at sumasayaw nang napakasigla para parangalan si Yahweh.
\p
\v 15 Kinuha ni David at ng mga lalaking Israelita ang banal na kaban hanggang sa Jerusalem, na sumisigaw nang malakas at hinihipan ang mga trumpeta.
\s5
\p
\v 16 Habang dala-dala nila ang banal na kaban papasok sa lungsod, dumungaw sa labas ng bintana ng kaniyang bahay si Mical na kaniyang asawa, na anak ni Saul. Nakita niya si Haring David na tumatalon at sumasayaw na pinaparangalan si Yahweh. Pero namuhi siya sa kaniya.
\p
\v 17 Dinala nila ang banal na kaban sa loob ng tolda na pinatayo ni David para dito. Pagkatapos nagbigay si David ng mga handog para sunuging ganap sa ibabaw ng altar, at ibang mga handog para mangako ng pakikipagkaibigan kay Yawheh.
\s5
\v 18 Nang matapos ihandog ni David ang mga alay na iyon, humiling siya kay Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel, na pagpalain ang mga tao.
\p
\v 19 Namahagi rin siya ng pagkain sa lahat ng tao. Ang bawat lalaki at babae ay binigyan niya ng isang buong tinapay, ilang karne, at isang mamong pasas. Pagkatapos nagsibalikan ang lahat sa kanilang mga tahanan.
\s5
\p
\v 20 Nang bumalik si David sa tahanan para humiling kay Yahweh na pagpalain ang kaniyang pamilya, si Mical na kaniyang asawa ay dumating para salubungin siya. Sinabi niya sa kaniya, "Marahil ikaw, ang hari ng Israel, kung iniisip mong kumikilos ka sa isang marangal na paraan ngayong araw, pero ang totoo, kumikilos kang parang isang baliw. Halos hubad ka sa harapan ng mga babaeng lingkod ng iyong mga opisyal!"
\s5
\p
\v 21 Sumagot si David kay Mical, "Ginagawa ko iyon para parangalan si Yahweh, na siyang pumili sa akin sa halip na ang iyong ama at ibang miyembro ng kaniyang pamilya, na maging hari ng mga Israelita, ang mga taong nabibilang kay Yahweh. Patuloy akong sasayaw para parangalan si Yahweh!
\p
\v 22 Kahit isipin mong hindi kasiya-siya ang aking ginagawa, patuloy kong gagawin ito. Marahil kinamuhian mo ako dahil sa aking ginawa, pero paparangalan ako ng mga babaeng tinutukoy mo!"
\p
\v 23 Bunga nito, kailanman ay hindi nabuntis ang babaeng anak ni Saul.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Nagsimulang manirahan si Haring David sa kaniyang palasyo. Sa ngayon idinulot ni Yahweh ang mga pangkat ng kaaway na tumigil sa pagsalakay sa Israel.
\p
\v 2 Isang araw sinabi ni David kay propeta Natan, "Hindi tama na nandito ako, naninirahan sa isang magandang bahay na gawa sa kahoy na cedar, pero nakatago sa tolda ang kaban na naglalaman ng Sampung Utos ng Diyos!"
\s5
\p
\v 3 Pagkatapos sinabi ni Natan sa hari, "Tinutulungan ka ni Yahweh, kaya gawin ang anumang inaakala mong tama tungkol sa banal na kaban."
\p
\v 4 Pero sa gabing iyon, nagsalita si Yahweh kay Natan:
\v 5 "Umalis ka at sabihin sa aking lingkod, kay David, na ito kung ano ako, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel, sinasabi ko sa kaniya: hindi siya ang gagawa ng isang templo para aking tirahan.
\s5
\p
\v 6 Hindi ako tumira sa anumang gusali mula sa araw na inalis ko ang mga Israelita mula sa Ehipto hanggang sa ngayon. Sa halip, naninirahan ako sa aking banal na tolda, palipat-lipat mula sa isang lugar patungo sa iba kasama ang mga tao.
\v 7 Saan man ako pumunta kasama ng mga Israelita habang naglalakbay sila, hindi ko kailanman sinasabi sa mga pinuno kung sino ang itinilaga ko para pangunahan sila, 'Bakit hindi ninyo ako ginawan ng isang templong gawa sa kahoy na cedar?'
\s5
\p
\v 8 Kaya sabihin sa aking lingkod na si David na si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, na nagsasabing kinuha siya mula sa isang pastulan at mula sa pag-aalaga ng mga tupa, at hinirang siya para maging pinuno ng aking lahing Israelita.
\p
\v 9 Paalalahanan siyang kasama niya ako saan man siya pumunta. Pinuksa ko ang lahat ng kaniyang mga kaaway na sumalakay sa kaniya. Gagawin ko siyang napakatanyag, gaya ng mga kilalang pangalan ng lahat ng pinakadakilang tao na nabuhay sa lupa.
\s5
\p
\v 10-11 Noong una, sa panahong nagtalaga ako ng mga pinuno para sa aking mga taong Israelita, maraming malupit na mga pangkat ang umapi sa kanila. Pero hindi na kailanman ito mangyayari pa. Pumili ako ng isang lugar kung saan mapayapang maninirahan ang aking mga tao at kung saan walang manggugulo pa sa kanila. Pipigilan ko ang lahat ng kanilang kaaway na sumalakay sa kanila. At tatalunin ko ang lahat ng kanilang mga kaaway. Sabihin kay David na ipinapahayag ko sa kaniya na ako, si Yahweh, ang magdudulot na mamuno ang kaniyang mga kaapu-apuhan kasunod niya.
\s5
\p
\v 12 Kapag siya ay namatay at inilibing, pipili ako ng isa sa kaniyang mga anak para maging hari, at gagawin ko siyang napakamakapangyarihang hari.
\p
\v 13 Siya ang mag-aayos para gumawa ng isang templo para sa akin. Gagawin kong magpakailanman ang kaniyang pamumuno sa buong Israel.
\p
\v 14 Magiging ama ako para sa kaniya, at magiging anak siya para sa akin. Kapag gumawa siya ng maling bagay, parurusahan ko siya gaya ng pagpaparusa ng mga ama sa kanilang mga anak.
\s5
\p
\v 15 Pero hindi ako kailanman titigil na mahalin siya nang tapat gaya ng pagtigil ko sa pagmamahal kay Saul, na inalis ko mula sa pagiging hari bago naging hari si David.
\p
\v 16 Pamumunuan ng mga kaapu-apuhan ni David ang kaharian ng Israel magpakailanman. Hindi kailanman magwawakas ang kanilang pamumuno."
\p
\v 17 Kaya sinabi ni Natan kay David ang lahat ng bagay na sinabi ni Yahweh sa kaniya.
\s5
\p
\v 18 Nang marinig ni David ang mensahe ni Natan, pumasok siya sa banal na tolda at umupo sa harapan ni Yahweh, at ipinanalangin ito: "Yahweh, aking Diyos, hindi ako karapat-dapat sa lahat ng mga bagay na ginawa mo sa akin, at hindi rin karapat-dapat ang aking pamilya.
\p
\v 19 At ngayon, O Yahweh aking Diyos, bilang karagdagan sa iba pang mga bagay, sinabi mo kung ano ang mangyayari sa aking mga kaapu-apuhan sa hinaharap para sa maraming salinlahi.
\p
\v 20 O Yahweh na Diyos, ako na si David, ano pa ang masasabi ko sa pagpaparangal mo sa akin? Kahit alam na alam mo kung ano ang katulad ko, Yahweh aking Diyos, itinuring mo ako na para bang ako ang pinakamahalagang tao sa mundo!
\s5
\v 21 Ginawa mo ang lahat ng dakilang bagay na ito para turuan ako, at ginawa mo ang mga ito dahil gusto mong gawin ang mga ito at dahil pinagpasyahan mong gawin ang mga ito.
\p
\v 22 O Yahweh aking Diyos, dakila ka. Walang kang katulad. Ikaw lang ang Diyos, tulad ng palagi naming narinig.
\v 23 At wala nang iba pang bansa sa mundo katulad ng Israel. Ang Israel lamang ang tanging bansa sa mundo na iniligtas mo ang mga tao, tulad nang pagligtas mo sa kanila mula sa Ehipto. Pagkatapos ginawa mo silang kabilang sa iyo. At sa paggawa ng mga bagay na ito, kilala kana ngayon sa buong mundo. Habang sumusulong ang iyong mga tao sa lupaing ito, itinaboy mo ang ibang mga lahi na nasa Canaan, kasama ang kanilang mga diyos.
\s5
\p
\v 24 At idinulot mo kaming mga Israelita na maging iyong mga tao magpakailanman, at ikaw, Yahweh, naging aming Diyos!
\p
\v 25 At ngayon, Yahweh aking Diyos, idinadalangin ko na gagawin mo ang mga bagay na ipinangako mo sa akin tungkol sa aking mga kaapu-apuhan na magkatotoo at maging totoo magpakailanman, at gagawin mo ang mga bagay na sinabi mong gagawin mo.
\v 26 Kapag nangyari iyon, magiging tanyag ka magpakailanman, at ipagsisigawan ng mga tao, 'Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ay ang Diyos na namumuno sa Israel.' At idudulot mong mayroon akong mga kaapu-apuhang mamumuno magpakailanman.
\s5
\p
\v 27 Yahweh, ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita, ipinakita mo sa amin na gagawin mong mga hari ang aking mga kaapu-apuhan. Sa ganyang dahilan, naging sapat na matapang akong manalanging katulad nito sa iyo.
\p
\v 28 Kaya ngayon, O Yahweh, dahil ikaw ay Diyos, magtitiwala kaming gagawin mo kung ano ang iyong ipinangako. Ipinangako mo ang mabubuting bagay na ito sa akin.
\v 29 Kaya ngayon hinihiling ko na kung makalulugod ito sa iyo, pagpapalain mo ang aking mga kaapu-apuhan, para ipagpatuloy nila ang kanilang pamumuno magpakailanman. Yahweh na Diyos, ipinangako mo ang mga bagay na ito, kaya alam ko na kung gagawin mo ang mga bagay na ito, patuloy mong pagpapalain ang aking mga kaapu-apuhan magpakailanman."
\s5
\c 8
\p
\v 1 Kinalaunan, sinalakay ng hukbo ni David ang mga hukbo ng Filisteo at tinalo ang mga ito. Kinuha nila ang pamamahala sa buong lungsod ng Filisteo ng Gat at sa mga nakapaligid na nayon dito.
\s5
\p
\v 2 Tinalo rin ng hukbo ni David ang hukbo ng lahi ni Moab. Pinilit ni David ang kanilang mga sundalo na humiga sa lupa na magkakalapit. Pinatay ng kaniyang mga tauhan ang dalawa sa bawat tatlo sa kanila. Napilitang tanggapin ng ibang mga tao ng Moab si David bilang kanilang tagapamahala, at napilitan silang ibigay sa kaniya ang bawat buwis ng taon na kaniyang hinihingi.
\s5
\p
\v 3 Tinalo rin ng hukbo ni David ang hukbo ni Hadadezer anak na lalaki ni Rehob, na namuno sa rehiyon ng Soba sa Aram. Nangyari iyon nang sinubukan niyang mabawi ang kapangyarihan sa buong lugar na nasa taas na bahagi ng Ilog Eufrates.
\p
\v 4 Nabihag ng mga hukbo ni David ang 1,700 sundalo ni Hadadezer na gumamit ng mga karwahe, at 20,000 sundalong naglalakad. Nilumpo din nila ang lahat maliban sa isandaan ng mga kabayo, at gagamitin ang mga ito para hilain ang mga karwaheng pandigma.
\s5
\p
\v 5 Nang dumating ang hukbo ni Aram mula sa lungsod ng Damasco para tulungan ang hukbo ni Haring Hadadezer, Pinatay ng mga sundalo ni David ang dalawampu't dalawang libo sa kanila.
\p
\v 6 Pagkatapos inilagay ni David ang mga pangkat sa kaniyang mga sundalo sa kanilang lugar, at napilitan ang mga tao ng Aram na tanggapin si David na maging kanilang tagapamahala, at magbigay sa pamahalaan ni David ng buwis taon-taon sa halagang kaniyang hinihingi. At idinulot ni Yahweh sa hukbo ni David na magtagumpay saan man sila magtungo.
\s5
\v 7 Kinuha ng mga sundalo ni David ang mga gintong kalasag na bitbit ng mga opisyal ni Hadadezer, at dinala ang mga ito sa Jerusalem.
\p
\v 8 Dinala rin nila sa Jerusalem ang maraming tanso na kanilang natagpuan sa Beta at Berotai, dalawang lungsod na pinamunuan noon ni Haring Hadadezer.
\s5
\p
\v 9 Nang narinig ni Toi, hari ng lungsod ng Hamat sa Aram, na tinalo ng mga hukbo ni David ang buong hukbo ni Haring Hadadezer,
\p
\v 10 ipinadala niya ang kaniyang anak na lalaki na si Joram para batiin at purihin si Haring David tungkol sa pagkapanalo ng kaniyang hukbo sa hukbo ni Hadadezer, kung saan nagkaroon ng hidwahan sa hukbo ni Toi ng maraming beses. Nagdala si Joram ng maraming regalong gawa mula sa ginto, pilak, at tanso para kay David.
\s5
\p
\v 11 Inihandog lahat ni Haring David ang mga bagay na iyon kay Yahweh. Inihandog din niya ang pilak at ginto na nakuha ng kaniyang hukbo mula sa mga bansa na kanilang nasakop.
\v 12 Nakakuha sila ng mga bagay na mula sa mga lahi ni Edom at Moab, mula sa Ammon, mula sa Filisteo, mula sa mga kaapu-apuhan ni Amalek, at mula sa mga taong dating pinamunuan ni Hadadezer.
\s5
\p
\v 13 Nang bumalik si Haring David matapos niyang talunin ang mga hukbo ng Aram, higit siyang naging tanyag dahil pinatay ng kaniyang hukbo ang labing walong libong sundalo mula sa lahi ni Edom sa Lambak ng Asin na malapit sa Dagat na Patay.
\p
\v 14 Itinalaga ni David ang mga pangkat ng kaniyang sundalo sa buong rehiyon ng Edom, at pinilit ang mga taong naroon para tanggapin siyang maging kanilang hari. Idinulot ni Yahweh sa hukbo ni David na magtagumpay sa mga digmaan saan man sila magtungo.
\s5
\p
\v 15 Pinamahalaan ni David ang lahat ng taong Israelita, at lagi niyang ginagawa kung ano ang patas at makatarungan para sa kanila.
\p
\v 16 Si Joab ang naging pinuno ng hukbo. Naging taga-ulat niya si Jehoshafat anak na lalaki ni Ahilud sa mga tao ng lahat ng mga bagay na ipinasya ni David na dapat nilang gawin.
\v 17 Naging mga pari niya sina Zadok anak na lalaki ni Ahitub at Ahimelec anak na lalaki ni Abiatar. Naging itinakdang kalihim niya si Seraya;
\p
\v 18 Naging pinuno niya si Benaias anak na lalaki ni Joaida sa mga tagabantay ni David, at ang mga anak na lalaki ni David ang naging kaniyang tagapayo.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Isang araw tinanong ni David ang ilan sa kaniyang mga lingkod, "Mayroon pa bang tao na kaapu-apuhan ni Saul na maaari kong mapakitaan ng kabaitan?" Tinanong niya ito dahil mahal niya si Jonatan.
\v 2 Sinabi nila sa kaniya na may isang tao na ang pangalan ay Siba sa Jerusalem na naging isang lingkod sa pamilya ni Saul. Kaya nagpadala si David ng mga sugo para ipatawag si Siba. Nang dumating siya, tinanong siya ng hari, "Ikaw ba si Siba?" Tumugon siya, "Opo, kamahalan."
\s5
\p
\v 3 Tinanong siya ng hari, "Mayroon pa bang sinuman sa pamilya ni Saul na maaari kong mapakitaan ng kagandahang-loob, tulad ng ipinangako ko sa Diyos na gagawin ko?" Tumugon si Siba, "Opo, mayroong pang isang anak na lalaki si Jonatan na nabubuhay. Lumpo ang kaniyang mga paa."
\v 4 Tinanong siya ng hari, "Nasaan siya? Tumugon si Siba, "Naninirahan siya sa bahay ni Maquir anak na lalaki ni Ammiel, sa lungsod ng Lo Debar sa silangang Ilog Jordan."
\s5
\p
\v 5 Kaya nagpadala si Haring David ng mga sugo para dalhin si Mefiboset sa Jerusalem.
\q
\v 6 Nang nagtungo si Mefiboset kay David, nagpatirapa siya, para magpakita ng paggalang. Pagkatapos sinabi ni David, "Mefiboset!" Tumugon siya, "Opo, kamahalan, ano ang maipaglilingkod ko?"
\s5
\p
\v 7 Sinabi ni David sa kaniya, "Huwag kang matakot. Magiging mabait ako sa iyo dahil kaibigan ko ang iyong amang si Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupaing nabibilang sa iyong lolong si Saul. At nais kong parati kang kumain kasama ko sa aking bahay."
\p
\v 8 Muling yumuko si Mefiboset sa harapan ni David at sinabing, "Kamahalan, ako po ay walang halaga tulad ng isang patay na aso. Hindi ako nararapat na pakitaan ninyo ng kagandaang-loob!"
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos ipinatawag ng hari ang lingkod ni Saul na si Siba at sinabi sa kaniya, "Si Saul ang aking amo, at ngayon ibinibigay ko na kay Mefiboset ang lahat ng bagay na nabibilang kay Saul at sa kaniyang pamilya.
\v 10 Ikaw at ang iyong labinlimang anak na lalaki at inyong dalawampung lingkod ay dapat magbungkal ng lupa para sa pamilya ni Mefiboset at magtanim ng mga pananim at anihin ang mga ito, para mayroon silang pagkaing makakain. Pero kakain kasama ko si Mefiboset sa aking bahay."
\s5
\p
\v 11 Tumugon si Siba sa hari, "Inyong kamahalan, gagawin ko ang lahat ng bagay na iyong inutos sa akin." Kaya pagkatapos, lagi ng kumakain si Mefiboset sa mesa ng hari, na para bang isa siya sa mga anak na lalaki ng hari.
\p
\v 12 Mayroong anak na lalaki si Mefiboset na nagngangalang Mica. Naging lingkod ni Mefiboset ang buong pamilya ni Siba.
\v 13 Kaya nagsimulang manirahan sa Jerusalem si Mefiboset na pilay pa rin ang parehong paa, at lagi siyang kumakain sa mesa ng hari.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Lumipas ang ilang panahon, namatay si Nahas, ang hari ng lahi ng Ammon; pagkatapos ang anak niyang si Hanun ang kanilang naging hari.
\p
\v 2 Inisip ni David, "Naging mabuti si Nahas sa akin, kaya magiging mabuti ako sa kaniyang anak." Kaya ipinadala ni David ang kaniyang mga opisyal doon, para sabihin kay Hanun na nakikiramay si David sa pagkamatay ng kaniyang ama. Nang dumating ang mga sugo sa lupain ng Ammon,
\p
\v 3 sinabi ng mga pinuno ng Ammonita kay Hanun, "Sa palagay mo ba iyon ay para parangalan ni Haring David ang iyong ama kaya niya ipinadala ang kaniyang tauhan para sabihing nakikiramay siya sa pagkamatay ng iyong ama? Sa palagay namin ipinadala niya ang mga ito rito para tingnan ang paligid ng lungsod para malaman kung papaano niya tayo masasakop!"
\s5
\p
\v 4 Naniwala si Hanun sa kanilang sinabi. Kaya inutusan niya ang ilan sa kaniyang mga sundalo na hulihin ang mga opisyal ni David at ipahiya sila sa pamamagitan ng pag-ahit ng kanilang mga balbas, at pagputol sa ibabang bahagi ng kanilang damit, para makita ang kanilang pigi, at pagkatapos pinaalis sila.
\v 5 Napahiya ng husto ang mga kalalakihan, kaya ayaw na nilang bumalik sa kanilang tahanan. Nang malaman ni David ang tungkol sa nangyari sa kaniyang mga opisyal, nagpadala siya ng isang tao para sabihin sa kanila., "Manatili kayo sa Jerico hanggang tumubo muli ang inyong mga balbas, at pagkatapos bumalik kayo sa inyong tahanan."
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos naisip ng mga pinuno ng Ammonita na labis nilang ipinahiya si David. Kaya nagpadala sila ng ilang mga tauhan para upahan ang ilan sa mga sundalo mula sa kalapit na lugar para tumulong at ipagtanggol sila. Umupa sila ng dalawampung libong sundalo mula sa mga rehiyon ng Bet Rehob at Soba na nasa hilagang silangan ng Israel, at labing dalawang libong sundalo mula sa rehiyon ng Tob, at isang libong sundalo mula sa hukbo ng hari ng rehiyon ng Maaca.
\p
\v 7 Nang marinig ni David ang tungkol doon, ipinadala niya si Joab kasama ang buong hukbo ng Israel para makipaglaban sa kanila.
\p
\v 8 Lumabas sa kanilang lungsod ang mga sundalo ng taga-Ammon at nakatayo sa isang hanay na handa na para sa labanan. Sa oras ding iyon, ang mga dayuhang sundalo na inupahan ng kanilang hari ay nagsama-sama malapit sa hayag na bukid.
\s5
\p
\v 9 Nakita ni Joab na napapaligiran ng kanilang mga kaaway ang kanilang mga hukbo. Kaya pinili niya ang ilan sa pinakamagaling na sundalo ng Israelita, at inilagay sila sa mga lugar para makipaglaban sa mga sundalo sa kabukirin.
\p
\v 10 Sinabihan niya ang kaniyang kapatid na lalaking si Abisai na utusan ang ibang mga sundalo, iyong mga nakikipaglaban sa mga sundalo ng taga-Ammon sa harap ng tarangkahan ng kanilang lungsod.
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos sinabi ni Joab, "Kung malalakas ang mga sundalo mula sa Aram para sa amin para talunin sila, dapat kaming tulungan ng inyong mga tauhan. Pero kung malalakas ang mga sundalo ng taga-Ammon para sa iyo, pupunta kami at tutulong sa inyong mga tauhan.
\p
\v 12 Dapat tayong maging malakas at lubos na lumaban para ipagtanggol ang ating mga lahi at mga lungsod na nabibilang sa ating Diyos. Ipapanalangin kong gawin ni Yahweh kung ano ang tingin niya ay mabuti sa kaniyang paningin."
\s5
\p
\v 13 Kaya sumulong si Joab at ang kaniyang hukbo para salakayin ang hukbo ng Aram, at tumakbo palayo ang mga Arameo mula sa kanila.
\p
\v 14 Nang nakita ng mga Ammonita na tumatakas ang mga Arameo, sinimulan na rin nilang tumakas mula kay Abisai at sa kaniyang mga tauhan; umurong sila pabalik sa pasukan ng kanilang lungsod. Pagkatapos iniwan ni Joab at ng kaniyang hukbo ang lugar na iyon at bumalik sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 15 Matapos makita ng mga pinuno ng hukbo ng Aram na tinalo sila ng mga hukbo ng mga Israelita, muli nilang tinipon ang lahat ng kanilang mga hukbo.
\p
\v 16 Pinatawag ng kanilang hari na si Hadadezer ang mga sundalo ng Aram na naninirahan sa silangang bahagi ng Ilog Eufrates. Nagtipon sila sa lungsod ng Helam. Si Sobac ang kanilang pinuno.
\s5
\p
\v 17 Nang marinig ni David ang tungkol doon, tinipon niya ang lahat ng mga sundalo ng Israelita, at tinawid nila ang Ilog Jordan at nagtungo sa Helam. Hinanda doon ang hukbo ng Aram, at nagsimula ang digmaan.
\v 18 Pero tumakas ang mga Arameo mula sa sundalo ng mga Israelita. Pinatay ni David at ng kaniyang hukbo ang pitong daan sa kanilang mga mandirigmang nakakarwahe at apatnapung libong iba pang mga sundalo. Nasugatan din nila si Sobac na kanilang pinuno, at doon siya namatay.
\v 19 Nang napagtanto ng lahat ng haring pinamunuan ni Hadadezer na natatalo na sila ng Israelita, sila ay nakipagkasundo sa mga Israelita at pumayag na tanggapin si David bilang kanilang hari. Kaya ayaw na ng mga Arameo na tulungan pa ang mga Ammonita, dahil natatakot sila sa Israel.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Sa rehiyong iyon, madalas magtungo ang mga hari kasama ang kanilang ang mga hukbo para labanan ang kanilang mga kaaway sa panahon ng tagsibol. Pero sa sumunod na taon, sa panahon ng tagsibol, hindi ginawa ni David iyon. Sa halip, nanatili siya sa Jerusalem, at ipinadala niya ang kaniyang pinuno na si Joab para pangunahan ang hukbo. Kaya nagtungo si Joab kasama ang iba pang mga opisyal at ang iba pa sa hukbo ng Israelita. Tinawid nila ang Ilog Jordan at tinalo ang hukbo ng lahi ng Ammon. Pagkatapos pinaligiran nila ang kapital ng lungsod ng Rabba.
\s5
\p
\v 2 Isang gabi, nang magising si David mula sa pag-idlip, siya ay naglakad-lakad sa paligid ng patag na bubong ng kaniyang palasyo. Nakita niya ang isang babaeng naliligo sa patyo ng kaniyang bahay. Napakaganda ng babae.
\v 3 Nagpadala ng isang mensahero si David para malaman kung sino ang babaeng iyon. Bumalik ang mensahero at sinabing, "Siya ay si Batsheba. Siya ay anak na babae ni Eliam, at asawa niya si Urias, na mula sa lahi ng Het."
\s5
\p
\v 4 Pagkatapos nagpadala ng karagdagang sugo si David para kunin siya. Dinala nila siya kay David, at sinipingan siya ni David. (Katatapos lamang niya sa kaniyang ritwal para maging dalisay matapos ang kaniyang buwanang pagdurugo.)
\v 5 Pagkatapos umuwi si Batsheba sa kaniyang tahanan. Lumipas ang ilang buwan, napagtanto niya na siya ay buntis. Kaya nagpadala siya ng isang mensahero para sabihin kay David ang balitang ito.
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos nagpadala si David ng isang pasabi kay Joab. Sinabi niya, "Dalhin sa akin si Urias na mula sa lipi ni Het." Kaya ginawa ni Joab iyon. Pinadala niya si Urias kay David.
\v 7 Nang siya ay dumating, tinanong ni David kung kamusta si Joab, kung kamusta ang ibang sundalo, at kung kamusta ang pagsulong ng digmaan.
\p
\v 8 Pagkatapos umaasa si David na uuwi si Urias at sisiping sa kaniyang asawa, sinabi niya kay Urias, "Umuwi ka muna at magpahinga pansamantala." Kaya umalis si Urias, at nagbigay ng regalo si David sa isang tao para dalhin sa bahay ni Urias.
\s5
\p
\v 9 Pero hindi umuwi si Urias sa kaniyang tahanan. Sa halip, natulog siya sa pasukan ng palasyo kasama ang mga tagabantay ng palasyo.
\p
\v 10 Nang may nagsabi kay David na hindi umuwi si Urias sa kaniyang bahay nang gabing iyon, pinatawag muli siya ni David at sinabi sa kaniya, "Bakit hindi ka umuwi sa iyong tahanan para makasama ang iyong asawa kagabi, matapos mapalayo ng isang mahabang panahon?"
\v 11 Sumagot si Urias, "Ang mga sundalo sa Juda at Israel ay nagkakampo sa lantad na kabukiran, at kahit ang aking pinunong si Joab ay natutulog sa isang tolda, at ang banal na kaban ay kasama nila. Hindi ako makakauwi, para kumain at uminom, at sumiping sa aking asawa. Mataimtim kong pinapahayag na hindi ko kailanman gagawin ang ganoong bagay!"
\s5
\p
\v 12 Pagkatapos sinabi ni David kay Urias, "Manatili ka ngayon dito. Hahayaan na ikaw ay bumalik sa labanan bukas." Kaya nanatili si Urias sa Jerusalem sa araw na iyon hanggang gabi.
\p
\v 13 Sumunod na araw, inimbitahan siya ni David sa isang kainan. Kaya kumain si Urias kasama si David, at pinainom siya ng maraming alak ni David para siya ay malasing, umaasang kung malasing siya, sisiping siya sa kaniyang asawa. Pero sa gabing iyon, hindi muling umuwi si Urias. Sa halip, natulog siya sa isang higaan kasama ang mga lingkod ng hari.
\s5
\p
\v 14 May taong nagbalita nito kay David, kaya sumunod na araw sumulat siya ng isang liham kay Joab, at ibinigay ito kay Urias para dalhin kay Joab.
\v 15 Sa liham, isinulat niya, "Ilagay si Urias sa harapan, kung saan pinakamatindi ang labanan. Pagkatapos utusan ang mga sundalong iwan siya, para mapatay siya ng ating mga kaaway."
\s5
\p
\v 16 Kaya matapos kunin ni Joab ang sulat, habang pinalilibutan ng kaniyang hukbo ang lungsod, ipinadala niya si Urias sa isang lugar kung saan alam niyang pinakamalakas ang kanilang kaaway at lalaban ang mga pinaka magaling na sundalo.
\v 17 Lumabas ang mga kalalakihan mula sa lungsod at nakipaglaban sa mga sundalo ni Joab. Napatay nila ang ilan sa mga opisyal ni David, kasama si Urias.
\s5
\p
\v 18 Pagkatapos nagpadala ng mensahero si Joab kay David para sabihin sa kaniya ang tungkol sa labanan.
\v 19 Sinabi niya sa mensahero, "Sabihin kay David ang balita tungkol sa digmaan. Matapos mong sabihin iyon sa kaniya,
\p
\v 20 kung galit si David dahil maraming opisyal ang namatay, maaaring tanungin ka niya, 'Bakit lumapit nang husto ang iyong mga sundalo sa lungsod para lumaban? Hindi ninyo ba alam na papanain nila kayo mula sa itaas ng pader ng lungsod?
\s5
\p
\v 21 Hindi ba ninyo naaalala kung paano pinatay si Abimelec anak na lalaki ni Gideon? Isang babaeng nakatira sa Tebez ang nagtapon ng isang malaking gilingan sa kaniya mula sa itaas ng isang tore, at namatay siya. Kaya bakit lumapit ang inyong hukbo sa pader ng lungsod? Kung itanong ito ng hari, Sa gayon sabihin mo sa kaniya, 'Ang iyong opisyal na si Urias ay napatay rin.' "
\s5
\p
\v 22 Kaya nagtungo ang mensahero at sinabi kay David ang lahat ng mga bagay na ipinapasabi ni Joab sa kaniya.
\v 23 Sinabi ng mensahero kay David, "Napakatapang ng mga kaaway namin, at lumabas sila mula sa lungsod para makipaglaban sa amin sa kabukiran. Napapaatras nila kami noong una, pero pagkatapos napaatras namin sila pabalik sa tarangkahan ng lungsod.
\s5
\p
\v 24 Pagkatapos pinatamaan kami ng mga palaso ng mamamana nila mula sa itaas ng pader ng lungsod. Napatay nila ang ilan sa iyong mga opisyal. Napatay rin nila ang iyong opisyal na si Urias."
\v 25 Sinabi ni David sa mensahero, "Bumalik ka kay Joab at sabihin sa kaniya, 'Huwag siyang mag-alala tungkol sa nangyari, dahil walang sinuman ang may alam kung sino ang mamamatay sa digmaan.' Sabihin sa kaniya na sa susunod, dapat salakayin ng kaniyang hukbo ang lungsod ng mas malakas at bihagin ito. Palakasin mo ang loob ni Joab sa paraang ito."
\s5
\p
\v 26 Nang marinig ni Batsheba na asawa ni Urias na namatay ang kanyiang asawa, nagluksa siya para sa kaniya.
\p
\v 27 Nang matapos ang panahon ng kaniyang pagluluksa, nagpadala si David ng mga mensahero para dalhin siya sa palasyo. Sa ganitong paraan naging asawa siya ni David. Kinalaunan nagsilang siya ng isang anak na lalaki. Pero lubos na nagalit si Yahweh sa ginawa ni David.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Sinabihan ni Yahweh ang propetang si Natan kung ano ang nagawa ni David at pinadala si Natan para sabihin ang kwento kay David, "Minsan mayroong dalawang lalaki sa isang lungsod. Mayaman ang isang lalaki at mahirap ang isa.
\p
\v 2 Nagmamay-ari ang mayamang lalaki ng maraming baka at tupa.
\q
\v 3 Pero ang mahirap na lalaki ay mayroon lamang isang maliit na babaeng tupa na kaniyang binili. Pinalaki niya ang tupa at lumaki ito kasama ng kaniyang sariling mga anak. Binibigyan niya ang tupa ng ilan sa kaniyang sariling pagkain at hinahayaan itong uminom mula sa kaniyang tasa. Hinayaan niyang matulog ang tupa sa kaniyang tabi. Parang isang babaeng anak na ang tupa sa kaniya.
\s5
\p
\v 4 Isang araw dumating ang isang panauhin para makita ang mayamang lalaki. Hindi gusto ng mayamang lalaki na kumuha ng isa sa kaniyang sariling mga hayop at patayin ito para ihanda bilang pagkain para sa kaniyang panauhin. Kaya sa halip, nagpadala siya ng isang tao para kunin ang tupa ng mahirap na lalaki; pagkatapos kumuha siya ng isang taong kakatay nito at maghahanda ng isang pagkain sa mga ito para sa kaniyang panauhin."
\v 5 Nang marinig ni David iyon, nagalit siya. Sinabi niya kay Natan, "Mataimtim kong pinapahayag na nararapat bitayin ang lalaking gumawa ng bagay na iyon!
\p
\v 6 Dapat bayaran man lamang niya ang mahirap na lalaki ng apat na tupa para sa paggawa nito at para sa hindi pagkakaroon ng awa sa mahirap na lalaki."
\s5
\q
\v 7 Sinabi ni Natan kay David, "Ikaw ang lalaking tinutukoy ko! At ito ang sinasabi sa iyo ni Yahweh, ang Diyos na siyang sinasamba naming mga Israelita: 'Iniligtas kita mula kay Saul at ginawa kitang hari ng Israel.
\q
\v 8 Ibinigay ko sa iyo ang kaniyang palasyo; hinayaan kong mahawakan mo ang kaniyang mga asawa kasunod sa iyo. Ginawa kitang hari sa buong Israel at Juda. Kung sinabihan mo lang ako na hindi ka nasisiyahan sa kung anong ibinigay ko, bibigyan pa sana kita ng mas marami pa!
\s5
\p
\v 9 Kaya bakit mo tinanggihan ang aking iniutos, nang sinabi ko na hindi dapat mangalunya ang aking mga tao? Nagawa mo kung ano ang itinuturing kong napakasama! Inihanda mo na mamatay si Urias sa labanan kasama ng mga taga-Ammon at kinuha mo ang kaniyang asawa para maging iyong asawa!
\p
\v 10 Tinanggihan mo ako, dahil kinuha mo ang asawa ni Urias para maging iyong asawa. Kaya laging mamamatay sa labanan ang ilan sa iyong mga kaapu-apuhan.
\s5
\v 11 Mataimtim kong ipinapahayag sa iyo na idudulot ko ang isang tao mula sa iyong sariling pamilya na magdala ng kapahamakan sa iyo. Kukunin ko ang iyong mga asawa at ibibigay sila sa taong iyon at sisipingan niya sila sa araw, kung saan makikita ng lahat at malalaman mo ang tungkol dito.
\v 12 Kung ano ang ginawa mo, ginawa mo ng palihim, pero kung ano ang idinulot kong mangyari, makikita ito o malalaman ng bawat isa na nasa Israel ang tungkol dito.'"
\p
\v 13 Sumagot si David, "Nagkasala ako laban kay Yahweh." Sinabi ni Natan kay David, "Pinalampas na ni Yahweh ang iyong kasalanan. Hindi ka mamamatay dahil sa kasalanang ito.
\s5
\v 14 Pero nagpakita ka ng paghamak kay Yahweh sa paggawa nito. Kaya mamamatay ang iyong anak."
\p
\v 15 Pagkatapos umuwi si Natan. Idinulot ni Yahweh na lubhang magkasakit ang bata, iyong isa na ipinanganak sa asawa ni Urias.
\s5
\p
\v 16 Kaya nanalangin si David sa Diyos na hindi mamatay ang bata. Nag-ayuno siya at pumunta sa kaniyang silid at buong gabing humiga sa sahig.
\v 17 Sa sumunod na araw tumayo sa paligid niya ang kaniyang pinakamahalagang mga lingkod at sinubukang pilitin siyang bumangon. Pero hindi siya bumangon at ayaw niyang kumain kasama nila.
\v 18 Pagkalipas ng isang linggo, namatay ang bata. Natakot ang mga lingkod ni David na sabihin iyon kay David. Sinabi nila sa bawat isa, "Noong buhay pa ang bata, nakipag-usap tayo sa kaniya, pero hindi siya sumagot sa atin. Ngayon, kung sasabihin natin sa kaniya na patay na ang bata, maaaring gagawa siya ng isang bagay na ikakasakit niya!"
\s5
\p
\v 19 Pero nang makita ni David na nagbubulungan sa isa't isa ang kaniyang mga lingkod, napagtanto niya na maaaring patay na ang bata. Kaya tinanong niya sila. "Patay na ba ang bata?" Sumagot sila, "Oo, patay na siya."
\p
\v 20 Pagkatapos bumangon si David mula sa sahig. Pinaliguan niya ang kaniyang sarili, naglagay ng pampahid sa kaniyang katawan at nagpalit ng mga damit. Pagkatapos pumunta sa banal na tolda ni Yahweh at sinamba siya. Pagkatapos umuwi siya. Hiniling niya sa kaniyang mga lingkod na magdala ng kaunting pagkain. Binigyan siya ng kaunti at kinain niya ito.
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, 'Hindi namin maintindihan kung bakit mo ginawa ito! Noong buhay pa ang bata, umiyak ka para sa kaniya at tumangging kumain ng kahit na ano. Pero ngayong patay na ang bata, hindi ka na umiiyak. Bumangon ka at kumain ng kaunting pagkain!"
\v 22 Sumagot siya. "Noong buhay pa ang bata nag-ayuno ako at umiyak. Inisip ko, 'Marahil kaaawaan ako ni Yahweh at hindi papayagang mamatay ang bata.
\v 23 Pero ngayon patay na siya. Kaya wala ng dahilan para mag-ayuno pa ako. Hindi ko na siya maibabalik. Balang araw makakapunta ako kung nasaan siya, pero hindi na siya babalik sa akin."
\s5
\p
\v 24 Pagkatapos inaliw ni David ang kaniyang asawang si Batsheba. Pagkatapos sumiping siya sa kaniya at muli siyang nabuntis at nagkaanak ng isa pang anak na lalaki. Pinangalanan ni David ang batang iyong Solomon. Mahal ni Yahweh ang maliit na batang ito.
\v 25 Sinabihan niya ang propetang si Natan na sabihin kay David na pangalanan ang batang lalaki ng Jedediah, dahil mahal siya ni Yahweh.
\s5
\p
\v 26 Samantala, nilusob ng mga sundalo ni Joab ang Rabba, ang punong lungsosd ng lahing Ammon. Nabihag nila ang kuta ng hari na nangangalaga sa ipunan ng tubig.
\v 27 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si Joab kay David para sabihin ito sa kaniya, "Nilusob ng aking hukbo ang Rabba at nabihag namin ang ipunan ng tubig sa lugnsod.
\v 28 Ngayon, tipunin mo ang iyong mga hukbo, pumunta at palibutan ang lungsod at bihagin ito. Kung hindi mo gagawin iyon, bibihagin ng aking mga hukbo ang lungsod at sa halip ipapangalan ito sa akin: ang Lungsod ni Joab."'
\s5
\p
\v 29 Kaya tinipon ni David ang lahat ng kaniyang mga hukbo. Pumunta sila sa Rabba, nilusob ito at binihag ito.
\v 30 Pagkatapos kinuha ni David ang korona mula sa ulo ng kanilang diyus-diyosang si Moloc at inilagay ito sa kaniyang sariling ulo. Ito ay napakabigat; tumitimbang ito ng mga tatlumpu't-apat na kilo at mayroon itong napakahalagang bato. Kumuha rin ang mga sundalo ng maraming mahahalagang bagay mula sa lungsod.
\s5
\v 31 Pagkatapos dinala nila palabas ng lungsod ang mga tao at pinilit silang magtrabaho para sa kanila, gamit ang mga lagari, mga suyod na bakal at mga palakol. Pinilit sila ng hukbo ni David na gumawa ng mga laryo. Ginawa ito ng mga sundalo ni David sa lahat ng mga lungsod ng mga Ammonita. Pagkatapos bumalik si David at ang kaniyang buong hukbo sa Jerusalem.
\s5
\c 13
\p
\v 1 May isang magandang kapatid na babae si Absalom anak na lalaki ni David na ang pangalan ay Tamar. Ang isa pang anak na lalaki ni David ay si Amnon na naaakit kay Tamar na kapatid niya sa ama.
\p
\v 2 Gustong-gusto niyang sumiping kay Tamar na sa paghahangad siya ay nagkasakit. Pero tila imposible kay Amnon na kunin siya, dahil siya ay isang birhen, kaya pinapalayo nila ang mga lalaki mula sa kaniya.
\s5
\p
\v 3 Pero may isang kaibigan si Amnon na ang pangalan ay Jonadab na pamangkin ni David, anak na lalaki ni Samma kapatid na lalaki ni David. Isang tusong lalaki si Jonadab.
\v 4 Isang araw sinabi ni Jonadab kay Amnon, "Anak ka ng hari, pero bawat araw nakikita kitang malumbay. Ano bang problema mo?" Sumagot si Amnon, "Umiibig ako kay Tamar, kapatid na babae ng aking kapatid na lalaki sa ama."
\s5
\p
\v 5 Sinabi ni Jonadab sa kaniya, "Humiga ka sa iyong higaan at magkunwari kang may sakit. Kapag dumating ang iyong ama para makita ka, hingin sa kaniyang papuntahin si Tamar, ang iyong kapatid sa ama at bigyan ka ng makakain. Hingin na magluto siya ng pagkain habang pinapanood siya. Pagkatapos siya mismo ang maghahain nito sa iyo."
\p
\v 6 Kaya humiga si Amnon at nagkunwaring may sakit. Nang dumating ang hari para makita siya, sinabi ni Amnon sa kaniya, "May sakit ako. Pakiusap pahintulutang pumunta dito si Tamar at gumawa ng isang pares ng tinapay para sa akin habang nanonood ako at pagkatapos ihahain niya ang mga ito sa akin."
\s5
\p
\v 7 Kaya nagpadala ng mensahe si David kay Tamar sa palasyo na nagsasabing, "May sakit si Amnon; gusto niyang pumunta ka sa kaniyang bahay at maghanda ng pagkain para sa kaniya."
\p
\v 8 Kaya pumunta si Tamar sa bahay ni Amnon, kung saan siya nakahiga sa higaan. Kaya kumuha siya ng kaunting masang harina, minasa ito at hinulma habang pinapanood siya. Pagkatapos hinurno niya ang mga ito.
\p
\v 9 Kinuha niya ang mga ito mula sa kawali at inilagay ang mga ito sa plato sa harapan niya, pero tumanggi siyang kainin ang mga ito. Pagkatapos sinabi niya sa kaniyang mga lingkod sa silid, "Lahat kayo, iwan ako!" Kaya umalis silang lahat.
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos sinabi ni Amnon kay Tamar, "Dalhin mo ang pagkain sa aking higaan at ihain ito sa akin." Kaya dinala ni Tamar sa kaniyang silid ang mga tinapay na kaniyang ginawa.
\p
\v 11 Pero nang ilapit niya ang mga ito para sa kaniya upang kainin ang mga ito, siya'y hinatak niya at sinabihan, "Halika makipagsiping ka sa akin!"
\p
\v 12 Sumagot siya, "Hindi, huwag mo akong piliting gawin ang ganoong kahiya-hiyang bagay! Hindi natin kailanman ginagawa ang ganoong mga bagay sa Israel! Nakakahiya iyon!
\s5
\p
\v 13 Hindi ko matitiis na mapahiya sa paggawa niyan. At para sa iyo, susumpain ka ng bawat isa sa Israel sa paggawa ng ganoong kahiya-hiyang gawain. Kaya nakikiusap ako sa iyo, kausapin ang hari. Natitiyak kong pahihintulutan niya akong pakasalan ka."
\p
\v 14 Pero hindi siya nagbigay pansin sa kaniya. Mas malakas siya kaysa kaniya, kaya pinilit niyang sumiping siya sa kaniya.
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos labis siyang kinasuklaman ni Amnon. Siya'y kinasusuklaman niya ng higit pa kaysa kaniyang panghahangad sa kaniya. Sinabi niya sa kaniya, "Bumangon ka at umalis dito!"
\p
\v 16 Pero sinabi niya sa kaniya, "Hindi! Maling-mali ito para sa iyo na paalisin ako. Malala pa ito kaysa ginawa mo sa akin!" Pero hindi siya muling pinansin nito.
\p
\v 17 Ipinatawag niya ang kaniyang pansariling lingkod at sinabi sa kaniya, "Ilabas ang babaeng ito, malayo sa akin at ikandado ang pinto para hindi na siya makapasok muli!"
\s5
\p
\v 18 Kaya inilabas siya ng lingkod at kinandado ang pinto. Ngayon suot ni Tamar ang isang ginayakang mahabang balabal na isang kasuotan na karaniwang isinusuot ng hindi pa ikinasal na mga anak na babae ng hari sa panahong iyon.
\p
\v 19 Pero pinunit ni Tamar ang mahabang balabal na kaniyang suot at naglagay ng mga abo sa kaniyang ulo para ipakita na siya ay napakalungkot. Pagkatapos inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang ulo para ipakita na siya ay nagluluksa at umalis siya na umiiyak.
\s5
\p
\v 20 Nakita siya ng kaniyang kapatid na lalaking si Absalom at sinabi sa kaniya, "Pinilit ka ba ng iyong kapatid sa ama na si Amnon na sumiping sa kaniya? Pakiusap, aking kapatid, huwag mong sabihin kaninuman at huwag maging malumbay." Kaya pumunta si Tamar sa bahay ni Absalom para manirahan at labis siyang nalungkot at nag-iisa.
\p
\v 21 Nang marinig ni David ang tungkol sa lahat ng ito, labis siyang nagalit.
\v 22 At kinamuhian ni Absalom si Amnon, dahil pinilit niya ang kaniyang kapatid na sumiping sa kaniya, kaya ayaw niyang makipag-usap kay Amnon tungkol sa anumang bagay.
\s5
\p
\v 23 Gayunman, pagkaraan ng dalawang taon, umupa ng kalalakihan si Absalom para gupitan ang kaniyang mga tupa sa Baal Hazor na malapit sa lupain ng lipi ng Efraim. Magdiriwang sila kapag natapos nilang gupitan ang tupa, kaya inanyayahan ni Absalom ang lahat ng anak na lalaki ng hari para pumunta at magdiwang kasama niya.
\p
\v 24 Pumunta si Absalom sa hari at sinabi sa kaniya, "Ginoo, ang aking mga manggagawa ay naggugupit ng aking tupa. Pakiusap pumunta kayo kasama ng iyong mga opisyal para magdiwang kasama namin!"
\s5
\p
\v 25 Pero sumagot ang hari, "Hindi, aking anak, hindi makakabuti na pumunta kaming lahat, dahil kami ay napakaraming naming mga tao; labis ka naming maaabala." Nagpatuloy si Absalom na pilitin siya, pero ayaw pumunta ng hari. Sa halip, sinabi niyang umaasa siyang pagpapalain sila ng Diyos habang nagdiriwang sila.
\v 26 Pagkatapos sinabi ni Absalom. "Kung hindi kayo pupunta, pakiusap pahintulutan ang aking kapatid sa ama na si Amnon na sumama sa amin." Pero sumagot ang hari, "Bakit gusto mo siyang sumama sainyo?
\s5
\v 27 Pero patuloy na nagpumilit si Absalom, kaya sa wakas pinahintulutan ng hari si Amnon at lahat ng iba pang anak na lalaki ni David na sumama kay Absalom.
\v 28 Kaya pumunta silang lahat. Sa pagdiriwang, inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod, "Pansinin kapag nalasing ng kaunti si Amnon sa alak. Kapag sinenyasan ko kayo, patayin siya. Huwag matakot. Gagawin lamang ninyo ito dahil inutusan ko kayo. Kaya maging matapang at gawin ito!"
\p
\v 29 Kaya ginawa ng mga lingkod ni Absalom ang sinabi sa kanilang gawin. Pinatay nila si Amnon. Nakita ng lahat ng natitirang anak na lalaki ni David kung ano ang nangyari at tumakas, sakay sa kanilang mga mola.
\s5
\p
\v 30 Habang sila ay nasa daan pauwi, may isang taong mabilis na pumunta at nagbalita kay David, "Pinatay ni Absalom ang lahat ng iyong anak na lalaki. Walang isa sa kanila ang buhay!"
\v 31 Tumayo ang hari, pinunit ang kaniyang mga damit dahil siya ay labis na nalungkot at pagkatapos naglupasay sa lupa. Pinunit din ng lahat ng lingkod na naroon ang kanilang mga damit.
\s5
\p
\v 32 Pero sinabi ni Johanadab anak na lalaki ni Samma, kapatid na lalaki ni David, "Iyong Kamahalan, natitiyak kong hindi nila pinatay ang lahat ng iyong anak na lalaki. Tiyak kong si Amnon lamang ang patay, dahil naging desidido si Absalom na gawin ito mula pa sa araw na ginahasa ni Amnon si Tamar.
\v 33 Kaya, iyong Kamahalan, huwag paniwalaan ang ulat na lahat ng iyong anak na lalaki ay namatay. Tiyak kong si Amnon lamang ang patay."
\s5
\p
\v 34 Samantala, tumakas si Absalom. Noon din, nakakita ang isang sundalong nagbabantay sa pader ng lungsod ng isang malaking pangkat ng taong pababa sa burol sa tabi ng daan sa kanluran. Tumakbo siya at sinabihan ang hari kung ano ang kaniyang nakita.
\v 35 Sinabi ni Jehonadab sa hari, "Tingnan doon! Totoo ang sinabi ko sa inyo. Buhay at dumating ang ibang mong mga anak na lalaki!"
\v 36 At pagkasabing pagkasabi niya nito, pumasok ang mga anak na lalaki ni David. Nagsimula silang umiyak lahat at umiyak din ng labis si David at lahat ng kaniyang mga opisyal.
\s5
\p
\v 37-38 Pero tumakas si Absalom. Pumunta siya para manatili kasama ng hari ng rehiyong Gesur. Ang kaniyang pangalan ay si Talmai anak na lalaki ni Ammihud. Nanatili roon si Absalom sa loob ng tatlong taon. Nagluksa si David para sa kaniyang anak na lalaking si Amnon sa mahabang panahon,
\v 39 pero pakatapos noon, labis niyang hinangad na makita si Absalom, dahil hindi na siya nagdadalamhati tungkol sa pagkamatay ni Amnon.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Napagtanto ni Joab na nananabik ang haring makita si Absalom.
\v 2 Kaya nagpadala ng isang tao si Joab sa lungsod ng Tekoa para magdala sa kaniya ng isang babaeng napakatalino. Nang dumating siya, sinabi ni Joab sa kaniya, "Magkunwari kang nagluluksa dahil namatay ang isang tao. Magsuot ka ng mga damit na magpapakita na ikaw ay nagluluksa. Huwag maglagay ng anumang pampahid sa iyong katawan. Kumilos ka na parang naluluksa ka sa mahabang panahon.
\p
\v 3 At pumunta sa hari at sabihin sa kaniya kung ano ang sinabi ko sa iyo na sabihin." Pagkatapos sinabi sa kaniya ni Joab kung ano ang sasabihin sa hari.
\s5
\p
\v 4 Kaya pumunta sa hari ang babaeng mula sa Tekoa. Nagpatirapa siya sa harap niya para magpakita ng paggalang at pagkatapos sinabi niya, "Iyong Kamahalan, tulungan mo ako!"
\p
\v 5 Sumagot ang hari, "Anong problema mo?" Sumagot siya, "Pakiusap, ginoo, Isa akong balo. Namatay ang aking asawa ilang panahon na ang nakalipas.
\p
\v 6 May dalawa akong anak na lalaki. Pero isang araw nag-away sila sa bukid. Walang sinumang naroon para paghiwalayin sila at ang isa sa kanila ay pinalo ang isa at pinatay siya.
\s5
\v 7 Ngayon, kinalaban ako ng lahat ng aking pamilya. Pinipilit nila na pahintulutan ko silang patayin ang aking anak na buhay pa, para makapaghiganti sila para sa pagpatay niya sa kaniyang kapatid. Pero kung gagawin nila iyon, wala na akong anumang anak na magmamana ng aking mga ari-arian. Wala na akong iba pang anak na lalaki at wala ng anak na lalaki ang aking asawa para panatilihin ang pangalan ng aming pamilya."
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos sinabi ng hari sa babae, "Umuwi ka na. Ako na ang bahala sa bagay na ito para sa iyo."
\p
\v 9 Sumagot sa hari ang babaeng mula sa Tekoa, "Iyong Kamahalan, kung sinuman ang bumatikos sa inyo para sa pagtulong sa akin, tatanggapin ko at ng aking pamilya ang paninisi. Ikaw at ang iyong maharlikang pamilya ay magiging walang kasalanan.
\s5
\p
\v 10 Sinabi sa kaniya ng hari, "Kung sinuman ang magsasabi ng anumang bagay para takutin ka, dalhin sa akin ang taong iyon at titiyakin kong hindi na siya kailanman muling magdudulot ng gulo sa iyo."
\p
\v 11 Pagkatapos sinabi ng babae, "Iyong Kamahalan, pakiusap idalangin na hindi pahintulutan ni Yahweh na iyong Diyos ang aking kamag-anak na gustong maghiganti sa aking anak na lalaki para sa pagpatay niya sa kaniyang kapatid na magawa iyon." Sumagot si David, "Tiyak na habang nabubuhay si Yahweh, hindi masaksaktan ang iyong anak na lalaki sa anumang paraan."
\s5
\p
\v 12 Pagkatapos sinabi ng babae, "Iyong Kamahalan, pakiusap pahintulutan akong magsabi ng isa pang bagay sa iyo." Sumagot siya, "Magsalita ka!"
\p
\v 13 Sinabi ng babae, "Bakit mo nagawa ang masamang bagay na ito sa mga tao ng Diyos? Hindi mo pinahintulutang umuwi ang iyong anak na si Absalom. Sa pagsasabi ng kung ano ang kasasabi mo pa lamang, talagang ipinahayag mong mali ang iyong nagawa.
\v 14 Mamamatay tayong lahat. Katulad tayo ng tubig na hindi mapupulot pagkatapos matapon sa lupa. Pagkatapos nating mamatay, hindi tayo mabubuhay muli. Kahit na ang Diyos ay hindi idudulot na muling mabuhay ang mga taong namatay. Kaya hindi mabubuhay muli si Amnon. Pero gumawa ng paraan ang Diyos para mga ipinatapon na makabalik sa kanilang mga tahanan.
\s5
\p
\v 15 Ngayon, Iyong Kamahalan, pumunta ako sa iyo dahil tinakot ako ng iba. Sinabi ko sa aking sarili, 'Pupunta ako at makikipag-usap sa hari at marahil gagawin niya kung ano ang aking ipakiusap sa kaniyang gawin niya.
\p
\v 16 Marahil makikinig siya sa akin at ililigtas ako mula sa lalaki na sinusubukang patayin ang aking anak na lalaki. Kung papatayin ang aking anak na lalaki magreresulta ito sa pagkawala namin mula sa lupaing ibinigay sa amin ng Diyos.'
\p
\v 17 At Inisip ko, 'Makakaaliw sa akin ang sasabihin ng hari, dahil parang isang anghel ng Diyos ang hari. Alam niya kong ano ang mabuti at kung ano ang masama.' Dalangin kong makasama mo si Yahweh na ating Diyos."
\s5
\p
\v 18 Pagkatapos sinabi ng hari sa babae, "Tatanungin kita ngayon ng isang katanungan. Sagutin mo ito; sabihin mo sa akin ang totoo." Sumagot ang babae, "Iyong Kamahalan, itanong ang iyong katanungan."
\p
\v 19 Sinabi ng hari, "Si Joab ba ang nagsabi sa iyong gawin ito? Sumagot siya, "Oo, Iyong Kamahalan, tiyak na habanga nabubuhay ka, hindi ako makakapagsabi ng anumang bagay para iwasang sabihin sa iyo kung ano ang totoo. Oo, sa katunayan, si Joab ang siyang nagsabi sa akin para pumunta rito at siyang nagsabi sa akin kung ano ang sasabihin.
\q
\v 20 Ginawa niya ito para idulot na mag-isip ka ng kaka-iba tungkol sa bagay na ito. Iyong Kamahalan, matalino ka gaya ng mga anghel ng Diyos at tila alam mo ang lahat ng bagay na nangyayari sa mundo, kaya alam mo kung bakit ipinadala ako ni Joab dito."
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos ipinatawag ng hari si Joab at sinabi sa kaniya, "Makinig ka! Napagpasyahan kong gawin ang gusto mo. Kaya humayo at kunin ang binatang si Absalom at dalhin siya pabalik sa Jerusalem."
\p
\v 22 Nagpatirapa si Joab at pagkatapos yumukod sa harapan ng hari at humiling sa Diyos na pagpalain siya. Pagkatapos sinabi ni Joab, "Iyong Kamahalan, sa araw na ito alam kong ikaw ay nalulugod sa akin, dahil sumang-ayon kayong gawin kung ano ang aking hiniling."
\s5
\v 23 Pagkatapos tumayo si Joab at pumunta sa Gesur at kinuha si Absalom at dinala pabalik sa Jerusalem.
\p
\v 24 Pero sinabi ng hari na hindi niya pahihintulutan si Absalom na pumunta sa kaniya. Sinabi niya, "Hindi ko gustong pumarito siya para makita ako." Kaya nanirahan si Absalom sa kaniyang sariling bahay at hindi pumunta para makipag-usap sa hari.
\s5
\p
\v 25 Ngayon napakakisig ni Absalom. Walang kapintasan sa kaniyang katawan, mula sa ilalim ng kaniyang paa hanggang sa ibabaw ng kaniyang ulo. Walang sinuman sa buong Israel ang higit na hinangaan ng mga tao kaysa kay Absalom.
\p
\v 26 Napakakapal ng kaniyang buhok at pinuputulan lang niya ito minsan sa isang taon, kapag napakabigat na ito sa kaniya. Gamit ang pamantayang timbang, tinitimbang niya ang buhok na kaniyang pinutol at palagi itong tumitimbang ng 2.5 kilo.
\v 27 Nagkaroon ng tatlong anak na lalaki si Absalom at isang anak na babae na ang pangalan ay Tamar. Siya ay isang napakagandang babae.
\s5
\p
\v 28 Pagkatapos bumalik ni Absalom sa Jerusalem, nanirahan siya roon ng dalawang taon at sa loob ng mga panahong iyon hindi siya kailanman pinahintulutang makita ang hari.
\v 29 Kaya nagpadala siya ng mensahero kay Joab para hilingin na pumunta siya at makipag-usap sa kaniya, pero tumanggi si Joab na pumunta. Kaya nagpadala ng mensahero si Absalom sa kaniya sa pangalawang pagkakataon, pero hindi parin siya pumunta.
\s5
\v 30 Pagkatapos sinabi ni Absalom sa kaniyang mga lingkod, "Alam ninyo na ang bukid ni Joab ay katabi ng sa akin at mayroon siyang tumutubong sebada roon. Humayo at magsindi ng apoy para masunog ang sebada." Kaya pumunta roon ang mga lingkod ni Absalom at nagsindi ng apoy at nasunog ang lahat ng sebada.
\p
\v 31 Alam ni Joab kung sino ang gumawa nito, kaya pumunta siya sa bahay ni Absalom at sinabi sa kaniya, "Bakit sinunog ng iyong mga lingkod ang sebada sa aking bukid?"
\s5
\v 32 Sumagot si Absalom, "Dahil hindi ka pumunta sa akin nang nagpadala ako ng mga mensahero na humihiling sa iyo na pumarito ka. Gusto kong humiling na pumunta ka sa hari para sabihin sa kaniya, 'Gustong malaman ni Absalom kung anong mabuting nagawa sa kaniya ng pag-alis niya sa Gesur at pumarito. Iniisip niyang mas nakabuti sana sa kaniyang nanatili na lang doon. Gusto niyang pahintulutan mo siyang makausap ka. At kung inaakala mong nakagawa siya ng masama, maaari mong ipag-utos na patayin siya.""
\p
\v 33 Kaya pumunta si Joab sa hari at sinabi sa kaniyaa kung ano ang sinabi ni Absalom. Pagkatapos ipinatawag ng hari si Absalom at pumunta siya sa hari at lumuhod sa harap niya na ang kaniyang mukha ay nakasayad sa lupa. Pagkatapos hinalikan ng hari si Absalom para ipakita na siya ay nasisiyahang makita siya.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Ilang panahon ang lumipas, nagkaroon si Absalom ng isang karwaheng at mga kabayo para hilain ito. Umupa siya ng limampung kalalakihan para tumakbo sa unahan niya para parangalan siya habang nakasakay siya sa kaniyang karawaheng lumilibot sa Jerusalem.
\p
\v 2 At palagi siyang gumigising ng maaga bawat umaga at tumatayo sa tabi ng tarangkahan ng lungsod. Sa tuwing may taong pupunta roon na may isang alitan sa isang tao na gusto niyang pagpasyahan ng hari, tatawagin siya ni Absalom, tinatanong, "Anong lungsod ka nanggaling?" Sasabihin ng tao sa kaniya kung anong lungsod at lipi siya nanggaling.
\s5
\q
\v 3 Pagkatapos sasabihin ni Absalom sa kaniya, "Makinig, nakakatiyak akong tama ang sinasabi mo. Pero walang isa mang hinirang ng hari para makinig sa mga taong katulad mo."
\q
\v 4 Pagkatapos idadagdag ni Absalom, "Nais kong ako ay isang hukom sa lupaing ito. Kung isa akong hukom, makakalapit sa akin ang sinumang may isang alitan at pagpapasyahan ko ito nang patas."
\s5
\q
\v 5 At sa tuwing lalapit ang sinuman kay Absalom para yumukod ng may paggalang sa harapan niya, aabutin siya ni Absalom at yayakapin at hahalikan.
\q
\v 6 Ginagawa ito ni Absalom sa lahat ng tao sa Israel na pumupunta sa hari na may isang alitan para pagpasyahan. Sa ganyang paraan, nahikayat ni Absalom ang lahat ng taong Israelita na maging mas masiyahan sa kaniya higit sa kasiyahan nila sa kaniyang amang si David.
\s5
\q
\v 7 Pagkalipas ng apat na taon, pumunta si Absalom sa hari at sinabi, "Pakiusap payagan mo akong pumunta sa lungsod ng Hebron, para magawa ko aking ipinangako ko kay Yahweh na gagawin ko.
\q
\v 8 Nang ako ay naninirahan sa Gesur, sa Aram, nangako ako kay Yahweh na kung ibabalik niya ako sa Jerusalem, sasambahin ko siya sa Hebron."
\s5
\q
\v 9 Sumagot ang hari, "Papayagan kitang umalis nang ligtas." Kaya pumunta si Absalom sa Hebron.
\q
\v 10 Pero habang nandoon siya, palihim siyang nagpadala ng mga mensahero sa lahat ng lipi sa Israel para sabihin sa kanila, "Kapag narinig ninyo ang tunog ng mga trumpetang hinihipan, sumigaw kayo ng, 'Naging hari si Absalom sa Hebron!"'
\s5
\q
\v 11 Isinama ni Absalom sa Hebron ang dalawang-daang kalalakihan mula sa Jerusalem, pero hindi nila alam kung ano ang binabalak na gawin ni Absalom.
\p
\v 12 Habang naghahanog si Absalom ng mga alay sa Hebron, nagpadala siya ng isang pasabi kay Ahitofel mula sa lungsod ng Gilo, hinihiling siyang pumunta. Isa si Ahitofel sa mga tagapayo ng hari. Kaya ang bilang ng mga taong sumama kay Absalom at ng handang maghimagsik laban kay David ay dumami.
\s5
\q
\v 13 Dumating sa madaling panahon ang isang mensahero kay David at sinabi sa kaniya, "Sumasama kay Absalom ang lahat ng Israelita para maghimagsik laban sa iyo!"
\q
\v 14 Kaya sinabi ni David sa lahat ng kaniyang opisyal, "Dapat tayong umalis kaagad kung gusto nating makatakas mula kay Absalom! Dapat tayong umalis kaagad, bago siya dumating at ang kaniyang mga tauhan. Kung hindi natin gagawin iyan, papatayin nila tayo at ang lahat ng iba pang tao sa lungsod!"
\q
\v 15 Sinabi ng mga opisyal ng hari, "Napakahusay, Kamahalan, handa kaming gawin anumang nais mo."
\s5
\q
\v 16 Kaya iniwan ng hari ang sampu sa kaniyang asawang alipin doon para pangalagaan ang palasyo, pero sumama sa kaniya ang lahat ng ibang tao sa kaniyang palasyo.
\q
\v 17 Nang papaalis silang lahat sa lungsod, tumigil sila sa pinakahuling bahay.
\q
\v 18 Tumayo roon ang hari at ang kaniyang mga opisyal habang pumunta sa harapan niya ang kaniyang mga bantay. Animnaraang sundalo mula sa lungsod ng Gat ang lumakad din sa harapan niya.
\s5
\p
\v 19 Pagkatapos sinabi ni David kay Itai, ang pinuno ng mga sundalo na mula sa Gat, "Bakit ka sumasama sa amin? Bumalik at manatili kasama ni Absalom ang bagong hari. Hindi ka isang Israelita; naninirahan ka malayo mula sa iyong sariling lupain.
\p
\v 20 Panandalian ka lang nanirahan dito sa Israel. At hindi rin namin alam kung saan kami pupunta. Kaya hindi tama para sa akin na pilitin kang maglakbay kasama namin. At isama mo ang iyong mga sundalo. Umaasa akong matapat kang mamahalin ni Yahweh at magiging tapat sa iyo."
\s5
\p
\v 21 Pero sumagot si Itai, "Kamahalan, habang ikaw ay nabubuhay, saan ka man pumunta, pupunta ako. Mananatali ako kasama mo kahit patayin nila ako o pahintulutan akong mabuhay."
\p
\v 22 Sumagot si David kay Ittai, "Napakahusay, sumama ka sa amin!" Kaya sumama kay David si Itai at ang lahat ng kaniyang sundalo at ang kanilang mga pamilya.
\v 23 Umiyak ang mga taong nasa daan nang makita nila silang dumadaan. Tumawid ang hari at ang lahat sa Lambak ng Kidron at umakyat sa burol patungo sa ilang.
\s5
\p
\v 24 Si Abiatar at Zadok, na mga pari, ay naglalakad din kasama nila. Sumama rin sa kanila ang mga kaapu-apuhan ni Levi na tumulong sa mga pari, dala-dala ang banal na kaban na naglalaman ng Sampung Utos. Pero ibinaba nila ito sa lupa hanggang sa makaalis ang lahat ng iba sa lungsod.
\p
\v 25 Pero pagkatapos sinabi ng hari kay Zadok, "Dapat dalhin ninyong dalawa ang banal na kaban pabalik sa lungsod. Kung nasisiyahan si Yahweh sa akin, balang araw ay papayagan niya akong bumalik para makita ito at ang lugar kung saan ito itinago.
\v 26 Pero kung sasabihin niyang hindi siya nasisiyahan sa akin, sa gayon tatanggapin kong gawin niya sa akin anuman ang iniisip niyang mabuti."
\s5
\p
\v 27 Sinabi rin niya kay Zadok, "Makinig sa kung ano ang aking iminumungkahi! Mapayapang bumalik sa lungsod, at isama mo ang iyong anak na si Ahimaaz at ang anak ni Abiatar na si Jonatan.
\v 28 Maghihintay ako sa ilang sa lugar kung saan makakatawid ang mga tao sa ilog, hanggang sa magpadala ka ng isang mensahe sa akin."
\v 29 Kaya dinala nina Zadok at Abiatar ang banal na kaban pabalik sa Jerusalem, at nanatili sila roon.
\s5
\p
\v 30 Umakyat si David at ang mga kasama niya sa Bundok ng mga Olibo. Umiiyak si David habang naglalakad siya. Naglalakad siya ng nakapaa at may isang bagay na nakatakip sa kaniyang ulo para ipakitang malungkot siya. Tinakpan din ng mga kasama niya ang kanilang mga ulo at umiiyak habang naglalakad sila.
\p
\v 31 May isang taong nakapagsabi kay David na umanib si Ahitofel sa mga naghimagsik laban kay David. Kaya nanalangin si David, "Yahweh, idulot na maging kahangalan ang anumang ipapayo ni Ahitofel kay Absalom na dapat niyang gawin!"
\s5
\p
\v 32 Nang makarating sila sa tuktok ng burol, kung saan may isang lugar na nakasanayan na dati ng mga tao na sumamba sa Diyos, biglang nasalubong ni David si Husai, mula sa lahing Arki. Pinunit niya ang kaniyang mga damit at naglagay ng dumi sa kaniyang ulo para ipakitang napakalungkot niya.
\p
\v 33 Sinabi ni David sa kaniya, "Kung sasama ka sa akin, hindi mo ako matutulungan.
\p
\v 34 Pero kung babalik ka sa lungsod, matutulungan mo ako sa pagsasabi kay Absalom, 'Kamahalan, matapat kitang pagsisilbihan katulad ng pagsisilbi ko sa iyong ama.' Kung gagawin mo iyan at manatiling malapit kay Absalom, mahahadlangan mo ang anumang payo na ibibigay ni Ahitofel kay Absalom.
\s5
\v 35 Naroon na sina Abiatar at Zadok na mga pari. Anuman ang iyong marinig na sabihin ng mga tao sa palasyo ng hari, sabihin ito kina Zadok at Abiatar.
\v 36 Isaisaip na naroon din sina Ahimaaz anak ni Zadok at si Jonatan anak ni Abiatar. Masasabihan mo sila anuman ang iyong matuklasan, at ipadala sila para iulat ito sa akin."
\p
\v 37 Kaya bumalik si Husai ang kaibigan ni David sa lungsod, sa parehong oras na pagpasok ni Absalom sa Jerusalem.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Nang makaalis si David at ang iba nang hindi pa nakakalayo sa tuktok ng burol, sinalubong siya ni Ziba ang lingkod ni Mefiboset. May dala siyang dalawang asno na may kargang dalawandaang tinapay, isandaang kumpol ng pasas, isandaang buwig ng sariwang igos, at isang balat na sisidlang puno ng alak.
\v 2 Sinabi ng hari kay Ziba, "Para saan ang mga ito?" Sumagot si Ziba, "Para sa iyong pamilya ang mga asno para sakyan, para sa iyong mga sundalo ang tinapay at ang prutas para kainin, at para sa kanila ang alak upang inumin kapag napagod sila sa ilang."
\s5
\v 3 Sinabi ng hari, "Nasaan si Mefiboset, ang apo ng dati mong among si Saul?" Sumagot si Ziba, "Nanatili siya sa Jerusalem, dahil iniisip niyang papayagan siya ngayon ng mga tao na pamunuan ang kahariang pinamunuan ng kaniyang lolong si Saul."
\p
\v 4 Sinabi ng hari kay Ziba, "Napakahusay, ang lahat ng bagay na nabibilang kay Mefiboset ay sa iyo na ngayon." Sumagot si Ziba, "Kamahalan, magsisilbi ako sa iyo nang may pagpapakumbaba, at hangad kong palagi kayong masiyahan sa akin."
\s5
\p
\v 5 Nang makarating si David at ang mga kasama niya sa lungsod ng Bahurim, sinalubong siya ng isang lalaking ang pangalan ay Simei. Si Simei, na ang ama ay si Gera, ay isang kasapi ng parehong angkang kinabibilangan ng pamilya ni Saul. Isinusumpa ni Simei si David habang nilalapit siya.
\p
\v 6 Pagkatapos pinagbabato niya si David at ang kaniyang mga opisyal, kahit na nakapalibot kay David ang mga opisyal at ang mga bantay.
\s5
\p
\v 7 Isinumpa ni Simei si David at sinabi sa kainya, "Umalis ka rito, ikaw na mamamatay-tao, ikaw na tampalasan!
\v 8 Naghihiganti si Yahweh sa inyong lahat dahil sa pagpatay sa maraming tao sa pamilya ni Saul. At ngayon ibinibigay niya ang kaharian ni Saul sa anak mong si Absalom. Ikaw na mamamatay-tao, ay pinaghihigantihan para sa maraming taong pinatay mo!"
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Abisai sa hari, "Kamahalan, ang taong ito ay walang kabuluhan katulad ng isang asong patay! Bakit kailangang pahintulutan siyang isumpa ka? Pahintulutan mo akong pumunta roon at pugutan siya ng ulo!"
\p
\v 10 Pero sumagot ang hari, "Kayong dalawang anak ni Zeruias, wala akong gusto na inyong gawin. Kung isinusumpa niya ako dahil sinabihan siya ni Yahweh na gawin iyon, sa gayon walang isa man ang dapat magtanong sa kaniya, 'Bakit mo isinusumpa ang hari?"'
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng kaniyang opisyal, "Alam ninyong sinusubukan akong patayin ng sarili kong anak. Kaya hindi nakakagulat na sinusubukan din akong patayin ng taong ito na mula sa lipi ng Benjamin." Huwag nalang siyang pansinin, at payagan siyang isumpa ako. Sinabihan siya ni Yahweh na gawin iyan.
\q
\v 12 Marahil makikita ni Yahweh na nagkakaroon ako ng lahat ng kaguluhang ito, at balang-araw babayaran niya ako sa pamamagitan ng pagpapala sa akin kapalit ng pagsumpa ng taong ito sa akin ngayon."
\s5
\p
\v 13 Pagkatapos naglakad sina David at ang mga kasama niya sa daan, at nagpatuloy si Simei sa paglalakad sa dalisdis ng burol malapit sa kaniya. Habang naglalakad siya, isinusumpa niya si David at naghahagis ng mga bato at dumi sa kaniya.
\p
\v 14 Nang tumigil si David at ang mga naglalakbay sa gabing iyon, pagod na pagod sila. Kaya nagpahinga sila.
\s5
\p
\v 15 Habang nangyayari iyan, dumating sa Jerusalem si Absalom at ang lahat ng Israelitang kasama niya. Dumating din doon si Ahitofel.
\v 16 Nang pumunta kay Absalom si Husai ang kaibigan ni David sinabi niya kay Absalom, "Hangad kong mabuhay ang hari ng mahabang panahon! Nawa'y mabuhay ka ng maraming taon!"
\s5
\v 17 Sinabi ni Absalom kay Husai, "Naging matapat ka sa kaibigan mong si David nang mahabang panahon. Kaya bakit hindi ka sumama sa kaniya sa halip na pumunta sa akin?"
\p
\v 18 Sumagot si Husai, "Nararapat para sa akin na pagsilbihan ang isang pinili ni Yahweh at ng mga taong ito at lahat ng ibang tao ng Israel na maging kanilang hari. Kaya mananatili ako kasama mo.
\s5
\v 19 Ikaw ang aking panginoon na anak ni Haring David. Kung hindi kita pagsisilbihan, sino ang taong dapat kong pagsilbihan? Pagsisilbihan kita kagaya ng pagsisilbi ko sa iyong ama."
\s5
\p
\v 20 Pagkatapos sinabi ni Absalom kay Ahitofel, "Anong pinapayo mong dapat naming gawin?"
\p
\v 21 Sumagot si Ahitofel, "Iniwan ng iyong ama ang ilan sa kaniyang asawang alipin sa palasyo para pangalagaan ito. Dapat sumiping ka sa kanila. Kapag narinig ng lahat ng tao sa Israel na ginawa mo iyan, mapagtatanto nilang nilalapastangan mo ang iyong ama. Pagkatapos lalakas ang loob ng lahat ng kasama mo."
\s5
\v 22 Kaya nagtayo sila ng isang tolda para kay Absalom sa bubong ng palasyo. At pumasok si Absalom sa tolda at sumiping sa mga asawang alipin ng kaniyang ama, isa-isa, at nakikita ng lahat na pumapasok sila sa tolda.
\p
\v 23 Sa mga panahong iyon, tinanggap ng mga tao ang ipinayo ni Ahitofel kay Absalom na para bang sinasabi niya ang mga salita ng Diyos. Kaya kagaya na lamang ng palagiang pagtanggap ni David sa kung ano ang sinasabi ni Ahitofel, gayundin ngayon ang ginawa ni Absalom.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Ahitofel kay Absalom, "Payagan mo akong pumili ng labindalawang libong kalalakihan, at dadalhin ko sila ngayong gabi para tugusin si David.
\p
\v 2 Sasalakayin namin siya habang siya ay pagod at pinanghihinaan ng loob, at gagawin siyang labis na matakot siya. Tatakbo ang lahat ng kasama niya. Ang hari lang ang kailangan naming patayin.
\v 3 Pagkatapos ibabalik namin ang lahat ng kaniyang sundalo sa iyo, at masaya silang darating. Isang tao lang ang kailangan mong patayin—si David, at sa gayon matatapos na ang lahat ng kaguluhan."
\v 4 Naisip nina Absalom at ang lahat ng Israelitang kasama niya na mabuting gawin ang sinabi ni Ahitofel.
\s5
\p
\v 5 Pero sinabi ni Absalom, "Ipatawag din si Husai, at pakikinggan natin kung ano ang kaniyang imumungkahi."
\v 6 Kaya nang dumating si Husai, sinabi ni Absalom sa kaniya kung ano ang iminungkahi ni Ahitofel. Pagkatapos tinanong niya si Husai, "Ano sa palagay mo ang dapat naming gawin? Kung sa palagay mo na hindi namin dapat gawin ang mga ipinayo ni Ahitofel, sabihin mo sa amin kung ano sa palagay mo ang dapat naming gawin."
\p
\v 7 Sumagot si Husai, "Sa panahong ito hindi mabuting payo ang iminungkahi ni Ahitofel.
\s5
\p
\v 8 Alam mo na ang iyong ama at ang mga tauhang kasama niya ay mga sundalong malalakas, at ngayon sila ay galit na galit, katulad ng isang inahing oso na ninakaw ang mga anak mula sa kaniya. At saka, alam ng iyong ama kung paano makipagdigma dahil nakipaglaban na siya sa maraming labanan. Hindi siya mananatili kasama ng kaniyang hukbo sa gabi.
\p
\v 9 Sa ngayon malamang nagtatago na siya sa isa sa mga hukay, o sa ibang lugar. Kung magsimulang sumalakay ang kaniyang mga sundalo sa iyong mga sundalo, at kung mapatay nila ang ilan sa kanila, sasabihin ng sinumang makarinig tungkol diyan, 'Marami ang namatay sa mga sundalong kasama ni Absalom!'
\p
\v 10 Pagkatapos matatakot nang lubos ang iba mong sundalo, kahit na walang takot sila katulad ng mga leon. Huwag kalimutang alam ng buong Israel na ang iyong ama ay isang magiting na sundalo, at napakatapang din ng mga sundalong kasama niya.
\s5
\v 11 Kaya minumungkahi kong tawagin mo ang lahat ng sundalong Israelita, mula sa Dan sa dulong hilaga hanggang Beerseba sa dulong timog. Magiging kasindami sila ng mga butil ng buhangin sa dalampasigan. Maghintay hanggang dumating sila, at pagkatapos ikaw mismo ang dapat manguna sa amin sa labanan.
\p
\v 12 Hahanapin natin ang iyong ama, saan man siya naroon, at sasalakayin natin siya mula sa lahat ng panig, katulad ng hamog na bumabalot sa buong kalupaan. At hindi makakaligtas maging siya o sinuman sa kaniyang mga sundalo.
\s5
\v 13 Kung tatakas siya sa isang lungsod, magdadala ang lahat ng ating sundalo ng mga lubid at pababagsakin ang lungsod na iyon pababa sa lambak. Bilang resulta, walang isang bato ang matitira roon sa ibabaw ng bundok kung saan naroon ang lungsod!"
\p
\v 14 Sinabi nina Absalom at ng lahat ng ibang Israelitang kalalakihan na kasama niya, "Mas mabuti ang iminungkahi ni Husai kaysa minungkahi ni Ahitofel." Ang dahilan kung bakit nangyari iyan ay pinagpasyahan ni Yahweh na kung tatanggapin nila ang mabuting payo na ibinigay ni Ahitofel sa kanila, maaaring natalo nila si David. Pero bilang resulta sa pagsunod nila sa kung ano ang iminungkahi ni Husai, si Yahweh ang magdudulot na mangyari ang isang kapahamakan.
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos sinabi ni Husai sa dalawang pari, na sina Zadok at Abiatar, kung ano ang minungkahi kapwa niya at ni Ahitofel kay Absalom at sa mga pinuno ng Israelita.
\v 16 Pagkatapos sinabi niya sa kanila, "Magpadala agad ng isang pasabi kay David. Sabihin sa kaniya na huwag manatili sa lugar kung saan tumatawid ang mga tao sa ilog, malapit sa ilang. Sa halip, dapat tumawid kaagad siya at ang kaniyang mga sundalo sa Ilog Jordan, para hindi sila mapatay."
\s5
\p
\v 17 Ang dalawang anak na lalaki ng mga pari, sina Jonatan at Ahimaaz, ay naghihintay sa batis sa En Rogel, sa labas ng Jerusalem. Hindi sila naglakas-loob na pumasok sa lungsod, dahil kung may isang taong makakita sa kanila, isusumbong niya ito kay Absalom. Habang nasa En Rogel sila, madalas na pumupunta sa kanila ang isang babaeng lingkod ng dalawang pari at ibinabalita sa kanila kung ano ang nangyayari, at pagkatapos aalis sila at ibabalita ito kay Haring David.
\p
\v 18 Pero nakita sila ng isang binatang lalaki, at nagtungo at isinumbong ito kay Absalom. Natuklsan nila kung ano ang ginawa ng binata, kaya sabay silang umalis agad at nagtungo para manatili sa bahay ng isang lalaki sa lungsod ng Bahurim. May isang balon ang taong iyon sa kaniyang patyo, kaya bumaba ang dalawang lalaki sa balon para magtago.
\s5
\v 19 Kumuha ng isang damit ang asawa ng lalaki at tinakpan ang bibig ng balon, at pagkatapos ikinalat ang mga butil sa itaas nito para walang sinuman ang maghinalang naroon ang isang balon.
\v 20 Nalaman ng ilang sundalo ni Absalom kung saan pumunta ang dalawang lalaki. Kaya pumunta sila sa bahay at tinanong ang babae, "Nasaan sina Ahimaaz at Jonatan?" Sumagot siya, "Tumawid sila sa Ilog Jordan." Kaya tumawid sa ilog ang mga sundalo at hinanap sila. Pero pagkapatos hindi nila sila matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos nilang makaalis, lumabas ang dalawang lalaki sa balon at umalis at ibinalita kay Haring David kung ano ang nangyari at kung ano ang minungkahi ni Ahitofel. Pagkatapos sinabi nila sa kaniya, "Magmadaling tumawid sa Ilog Jordan!"
\p
\v 22 Kaya mabilis na nagsimulang tumawid sa ilog si David at ang lahat ng kaniyang sundalo, at ng madaling-araw nakatawid silang lahat sa kabilang ibayo.
\s5
\v 23 Nang napagtanto ni Ahitofel na hindi susundin ni Absalom ang kaniyang minungkahi, naglagay siya ng isang upuan sa kaniyang asno at bumalik sa kaniyang sariling lungsod. Nagbigay siya ng mga tagubilin sa kaniyang pamilya tungkol sa kaniyang mga ari-arian, at pagkatapos siya ay nagbigti dahil alam niya na matatalo si Absalom at ituturing siyang isang taksil at papatayin. Inilibing ang kaniyang katawan sa libingan kung saan inilibing ang kaniyang mga ninuno.
\s5
\p
\v 24 Dumating sa Mahanaim si David at ang kaniyang mga sundalo. Sa panahong ding iyon, tumawid sa Ilog Jordan sina Absalom at ang lahat ng kaniyang mga sundalo.
\v 25 Ngayon hinirang ni Absalom ang kaniyang pinsan na si Amasa na maging pinuno ng kaniyang hukbo, sa halip na si Joab. Anak na lalaki si Amasa ni Jeter, isang Ismaelita. Si Abigail ang ina ni Amasa, ang anak na babae ni Nahas at ang kapatid ng ina ni Joab na si Zeruias.
\v 26 Itinayo nina Absalom at ng kaniyang mga sundalong Israelita ang kanilang mga tolda sa rehiyon ng Galaad.
\s5
\p
\v 27 Nang dumating sa Mahanaim si David at ang kaniyang mga sundalo, pumunta sa kanila sina Sobi anak na lalaki ni Nahas mula sa lungsod ng Ammon ng Rabba, at Maquir anak na lalaki ni Ammiel mula sa lungsod ng Lo Debar, at Barzillai mula sa lungsod ng Rogelim sa Galaad.
\p
\v 28 Nagdala sila ng mga tulugang banig, mangkok, banga, sebada, harina, tuyong butil, patani, at mga lentil.
\v 29 Nagdala sila ng pulot at keso, tupa, kaunting gatas para kay David at sa kaniyang mga sundalo para kainin. Alam nila na si David at ang kaniyang mga sundalo ay magugutom at mapapagod at mauuhaw mula sa paglalakad sa ilang.
\s5
\c 18
\p
\v 1 Isinaayos ni David ang kaniyang mga sundalo para sa labanan. Hinati niya sila sa mga pangkat, at naghirang siya ng isang pinuno para sa bawat isandaang sundalo at isang pinuno para sa bawat isanlibong sundalo.
\v 2 Ipinadala niya sila sa tatlong pangkat. Pinamunuan ni Joab ang isang pangkat, si Abisai ang kapatid na lalaki ni Joab ang namuno sa pangalawang pangkat, at pinamunuan ni Itai mula sa Gat ang pangatlong pangkat. Sinabihan sila ni David, "Ako mismo ay sasama sa inyo sa labanan."
\s5
\v 3 Pero sinabi ng kaniyang mga sundalo, "Hindi ka namin papayagang sumama sa amin. Kung pipilitin nila kaming lahat na tumakas, hindi sila mag-aalala tungkol sa amin. O kung mapatay nila ang kalahati sa amin, wala pa rin silang pakialam tungkol diyan. Para sa kanila, mas mahalaga na mabihag ka nila kaysa mabihag nila ang sampung libo sa amin. Kaya mas mabuting manatili ka rito sa lungsod at magpadala ng tulong sa amin."
\v 4 Sumagot ang hari sa kanila, "Napakahusay, gagawin ko anuman ang makabubuti para sa inyo." Kaya tumayo siya sa tarangkahan ng lungsod at nanood habang naglalakad palabas ang mga sundalo, pangkat sa pangkat.
\s5
\v 5 Habang papaalis sila, inutusan ng hari sina Joab, Abisai, at Itai, "Alang-alang sa akin, huwag saktan ang aking anak na si Absalom." Narinig ng lahat ng sundalo ang tungkol dito, na ibinigay ni David ang kautusang ito sa tatlong pinuno.
\s5
\p
\v 6 Kaya lumabas ang hukbo para makipaglaban sa mga sundalo ng Israelita na kasama ni Absalom. Nakipaglaban sila sa kagubatan kung saan naninirahan ang mga taong nagmula sa lipi ng Efraim.
\p
\v 7 Tinalo ng mga sundalo ni David ang mga sundalo ni Absalom. Napatay nila ang dalawampung libo sa kanila.
\p
\v 8 Nangyari ang labanan sa buong lugar na iyon, at ang bilang ng kalalakihang namatay dahil sa mga mapanganib na bagay sa kagubatan ay mas marami kaysa sa bilang ng kalalakihang namatay sa labanan.
\s5
\p
\v 9 Sa oras ng labanan, biglang lumapit si Absalom sa ilang sundalo ni David. Nakasakay si Absalom sa kaniyang mola, at nang pumunta ang mola sa ilalim ng mga makapal na sanga ng isang malaking punong kahoy, sumabit ang ulo ni Absalom sa mga sanga. Nagpatuloy ang mola, pero naiwan si Absalom na nakabitin sa hangin.
\p
\v 10 Nakita ng isa sa mga sundalo ni David kung ano ang nangyari, at umalis at sinabihan si Joab, "Nakita kong nakabitin si Absalom sa isang punong kahoy!"
\p
\v 11 Sinabi ni Joab sa lalaki, "Ano? Sinabi mong nakita mo siyang nakabitin doon, bakit hindi mo siya pinatay kaagad? Kung napatay mo siya, bibigyan kita ng sampung pirasong pilak at isang sinturon ng sundalo!"
\s5
\v 12 Sumagot ang lalaki kay Joab, "Kahit bigyan mo pa ako ng isang libong pirasong pilak, wala pa rin akong gagawing anumang bagay para saktan ang anak na lalaki ng hari. Narinig nating lahat na inutos ng hari sa iyo at kay Abisai at kay Itai: 'Alang-alang sa akin, huwag ninyong saktan ang aking anak na si Absalom!'
\p
\v 13 Kung sinuway ko ang hari at pinatay si Absalom, maririnig ng hari ang tungkol dito, dahil naririnig ng hari ang tungkol sa lahat ng bagay, at maging ikaw ay hindi ako ipinagtanggol!"
\s5
\p
\v 14 Sinabi ni Joab, "Hindi na ako mag-aaksaya ng panahon sa pakikipag-usap sa iyo!" Pagkatapos kumuha siya ng tatlong sibat, at pumunta kung nasaan si Absalom, at isinaksak ang mga ito sa dibdib ni Absalom habang buhay pa siya, nakabitin mula sa punong kahoy.
\p
\v 15 Pagkatapos pinaligiran si Absalom ng sampung kalalakihang nagdadala ng mga sandata para kay Joab at tinapos ang pagpatay sa kaniya.
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos hinipan ni Joab ang kaniyang trumpeta para mag hudyat na hindi na sila dapat makipaglaban, at bumalik ang kaniyang mga sundalo mula sa pagtugis sa mga tauhan ni Absalom.
\p
\v 17 Kinuha nila ang katawan ni Absalom at itinapon ito sa isang malaking hukay sa kagubatan, at tinabunan ito ng isang malaking tumpok ng mga bato. Pagkatapos nagsitakas ang mga natitirang sundalong Israelita na kasama ni Absalom sa kanilang sariling tahanan.
\s5
\v 18 Walang mga anak si Absalom para panatilihin ang pangalan ng kaniyang pamilya dahil namatay ang kaniyang mga anak na lalaki nang sila ay bata pa. Kaya nang nabubuhay pa si Absalom, nagtayo siya ng isang bantayog para sa kaniyang sarili sa Lambak ng mga Hari malapit sa Jerusalem, para maalala siya ng mga tao. Inilagay niya ang kaniyang pangalan sa bantayog, at tinatawag pa rin ito ng mga tao na Bantayog ni Absalom.
\s5
\p
\v 19 Matapos mapatay si Absalom, sinabi ni Ahimaaz anak na lalaki ni Zadok kay Joab, "Payagan mo akong tumakbo sa hari para sabihin sa kaniya ang mabuting balita na iniligtas siya ni Yahweh mula sa kapangyarihan ng kaniyang mga kaaway!"
\p
\v 20 Pero sinabi ni Joab sa kaniya, "Hindi kita papayagang magdala ng balita sa hari ngayon. Papayagan kitang magdala ng balita sa ibang araw, pero hindi ngayon. Kung dadalhin mo ang balita ngayon hindi ito magiging mabuting balita para sa hari, dahil patay na ang kaniyang anak."
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos sinabi ni Joab sa lingkod ni David na nagmula sa Etopia, "Humayo ka at sabihin sa hari kung ano ang iyong nakita." Kaya yumukod ang taong nagmula sa Etopia bilang paggalang kay Joab, at nagsimulang tumakbo.
\p
\v 22 Pagkatapos sinabing muli ni Ahimaaz kay Joab, "Kahit na tumatakbo ang taong iyon na nagmula sa Etopia, payagan mo akong tumakbo kasunod niya." Sumagot si Joab, "Anak ko, bakit gusto mong gawin iyan? Hindi ka makatatanggap ng anumang gantimpala para sa iyong balita!"
\v 23 Pero sumagot si Ahimaaz, "Hindi iyan ang mahalaga, gusto kong umalis." Kaya sinabi ni Joab, "Mabuti, sa gayon, humayo ka." Kaya tumakbo si Ahimaaz sa ibang daan ng lambak ng Jordan at nakarating kung nasaan si David, bago makarating ang lalaking mula sa Etopia.
\s5
\p
\v 24 Nakaupo si David sa pagitan ng sa labas at loob ng tarangkahan ng lungsod. Umakyat ang bantay sa itaas ng pader ng lungsod at tumayo sa bubong sa itaas ng mga tarangkahan. Tumingin siya sa labas at nakakita ng isang taong tumatakbong mag-isa.
\p
\v 25 Sumigaw ang bantay at ibinalita ito sa hari. Sinabi ng hari, "Kung nag-iisa siya, nagpapahiwatig iyan na nagdadala siya ng balita." Patuloy na papalapit ang taong tumatakbo.
\s5
\v 26 Pagkatapos nakakita ang bantay ng isa pang taong tumatakbo. Kaya tumawag siya sa bantay ng tarangkahan, "Tingnan!" May isa pang taong tumatakbo!" At sinabi ng hari, "Nagdadala rin siya ng isa pang mabuting balita."
\p
\v 27 Sinabi ng bantay, "Sa palagay ko si Ahimaaz ang taong nauna, dahil tumatakbo siyang katulad ng pagtakbo ni Ahimaaz." Sinabi ng hari, "Mabuting tao si Ahimaaz, at nakakatiyak akong darating siyang may dalang mabuting balita."
\s5
\p
\v 28 Nang dumating si Ahimaaz sa hari, tumawag siya, "Inaasahan kong magiging mabuti ang lahat ng bagay sa iyo!" Pagkatapos dumapa siya sa lupa sa harapan ng hari at sinabing, "Kamahalan, purihin si Yahweh ang ating Diyos, ang siyang nagligtas sa iyo mula sa kalalakihang naghihimagsik laban sa iyo!"
\v 29 Sinabi ng hari, "Ligtas ba ang binatang si Absalom?" Ayaw ni Ahimaaz na sagutin ang tanong na iyon, kaya sumagot siya, "Nang ipinadala ako ni Joab, nakita ko na may matinding kalituhan, perohindi ko alam kung tungkol saan ito."
\p
\v 30 Pagkatapos sinabi ng hari, "Tumabi ka." Kaya tumabi si Ahimaaz at tumayo roon.
\s5
\p
\v 31 Bigla namang dumating ang taong nagmula sa Etopia, at sinabing, "Kamahalan, may mabuting balita ako para sa iyo! Idinulot ni Yahweh na talunin ng iyong mga tauhan ang lahat ng taong naghimagsik laban sa iyo!"
\v 32 Sinabi ng hari sa kaniya, "Ligtas ba ang binatang si Absalom?" Sumagot ang taong nagmula sa Etopia, "Ginoo, nais ko na mangyari sa lahat mong kaaway at sa mga naghimagsik laban sa iyo ang nangyari sa kaniya!"
\v 33 Napagtanto ng hari na ang ibig niyang sabihin ay patay na si Absalom, kaya labis siyang nabalisa, at umakyat siya sa silid sa itaas ng tarangkahan at umiyak. Habang umaakyat siya, nagpatuloy siya sa pag-iyak, "O, anak kong si Absalom! Anak ko! O, anak kong si Absalom, nais kong ako ang namatay sa halip na ikaw!"
\s5
\c 19
\p
\v 1 Sinabi ng isang tao kay Joab na umiiyak ang hari at nagluluksa dahil namatay si Absalom.
\v 2 Narinig lahat ng mga sundalo ni David na nagluluksa ang hari dahil namatay si Absalom. Kaya naging malungkot sila na natalo nila ang kalalakihan ni Absalom.
\s5
\v 3 Tahimik na bumalik ang mga sundalo sa lungsod at nahiya, na para bang natalo sila sa labanan sa halip na nanalo.
\p
\v 4 Tinakpan ng hari ang kaniyang mukha sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay at patuloy sa pag-iyak ng malakas. "O aking anak na Absalom! O Absalom, aking anak! Aking anak!"
\s5
\p
\v 5 Pumasok si Joab sa silid kung saan naroon ang hari, at sinabi niya sa hari, "Ngayong araw idinulot mo sa iyong mga sundalo na mapahiya! Pinahiya mo ang kalalakihan na nagligtas sa iyong buhay at ang mga buhay ng iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae at iyong pangkaraniwang mga asawa at mga asawang alipin!
\v 6 Para bang na mahal mo iyong kinamumuhian ka at kinamumuhian mo iyong nagmamahal sa iyo. Ngayon napagtanto ng bawat isa na ang iyong mga pinuno at ng iyong mga opisyales ay hindi mahalaga sa iyo. Kung si Absalom ay buhay pa at patay kaming lahat ngayong araw, ikaw ay magiging masaya.
\s5
\p
\v 7 Kaya ngayon pumunta ka at pasalamatan ang iyong mga sundalo para sa anumang kanilang ginawa. Dahil taos-puso kong ipinahahayag na kung hindi mo gagawin iyan, wala ni isa sa kanilang mananatiling kasama mo bukas ng umaga. Magiging masahol iyon para sa iyo kaysa sa lahat ng mga sakuna na iyong naranasan simula pa noong ikaw ay bata pa."
\p
\v 8 Kaya tumayo ang hari at pumunta at umupo sa tarangkahan ng lungsod. At sinabihan ang lahat ng mga tao, "Nakaupo ang hari sa tarangkahan!" Kaya dumating silang lahat at nagtipon na nakapalibot sa kaniya. Samantala, umuwi ng tahanan ang lahat ng kalalakihan ni Absalom.
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos lahat ng mga tao sa buong lipi ng Israel ay nagsimulang mag away away. Sinabi nila sa bawat isa, "Iniligtas tayo ni Haring David mula sa mga taga-Filisteo at mula sa ibang mga kaaway. Pero ngayon tumakas siya mula kay Absalom at iniwan ang Israel!
\p
\v 10 Hinirang natin si Absalom para ating maging hari, pero namatay siya sa pakikipaglaban sa mga sundalo ni David. Kaya bakit hindi sinubukan ng sinuman na ibalik muli si Haring David?"
\s5
\p
\v 11 Nalaman ni Haring David ang anumang sinabi ng mga tao. Kaya ipinadala niya ang dalawang pari, sina Zadok at Abiatar, para sabihin sa mga pinuno ng Juda, "Sinabi ng hari na narinig niya ang lahat ng mga Israelita na gusto siya na maging haring muli. At sinabi niya, 'Bakit kailangan kayo ang pinakahuling magpabalik sa akin sa aking palasyo?
\p
\v 12 Mga kamag-anak ko kayo. Pareho ang ating ninuno. Kaya bakit kailangang kayo ang huling magpabalik sa akin?
\s5
\p
\v 13 At sabihin kay Amasa, "Isa ka sa aking mga kamag-anak. Inaasahan ko na papatayin ako ng Diyos kung hindi kita itatalaga na maging pinuno simula ngayon, ikaw na ang pinuno ng aking hukbo sa halip na si Joab."
\p
\v 14 Sa pagpapadala ng mensahe sa kanila, nakumbinsi ni David ang lahat ng tao sa Juda na maging tapat sila sa kaniya. Kaya nagpadala sila ng isang mensahe sa hari, sinasabing, "Gusto namin na bumalik ka at lahat ng iyong mga pinuno dito."
\p
\v 15 Kaya nagsimulang bumalik ang hari at kaniyang mga pinuno patungong Jerusalem. Nang marating nila ang Ilog Jordan, dumating ang mga tao ng Juda doon sa Gilgal para salubungin ang hari, at para sabayan siyang tumawid ng ilog.
\s5
\p
\v 16 Si Simei, ang lalaking nagmula sa lipi ni Benjamin, bumaba rin ng mabilis sa ilog kasama ng mga tao ng Juda para makipagkita kay Haring David.
\p
\v 17 Mayroong isang libong kalalakihan na mula sa lipi ni Benjamin ang dumating kasama niya. Si Ziba, na naging lingkod ni Saul, bumaba rin ng mabilis sa Ilog Jordan, dala-dala ang dalawampu sa kaniyang mga lingkod kasama niya. Dumating silang lahat sa hari.
\p
\v 18 Naghanda silang lahat para dalhin ang hari at lahat ng kaniyang pamilya patawid sa ilog, sa lugar kung saan maaari nilang tawirin ito. Gusto nilang gawin anuman ang gusto ng hari. Habang patawid pa ng ilog ang hari, pumunta si Simei sa kaniya at nagpatirapa siya sa harapan ng hari.
\s5
\p
\v 19 Sinabi niya sa hari, "Iyong Kamahalan, pakiusap patawarin mo ako. Pakiusap huwag patuloy na isipin ang tungkol sa kakilakilabot na bagay na aking ginawa sa araw na nilisan mo ang Jerusalem. Huwag mo nang isipin ito.
\p
\v 20 Alam ko na nagkasala ako. Tingnan mo, dumating ako sa araw na ito, ang una mula sa pahilagang mga lipi para pumunta dito para batiin ka ngayong araw, Iyong Kamahalan."
\s5
\p
\v 21 Pero si Abisai anak na lalaki ni Zeruias, sinabi kay David, "Nilapastangan niya ang taong hinirang ni Yahweh para maging hari! Kaya hindi ba dapat siyang patayin sa paggawa ng iyon"
\p
\v 22 Pero sinabi ni David, "Kayo na mga anak na lalaki ni Zeruias, ano ba ang gagawin ko sa inyo? Na parang mga kaaway ko kayo ngayong araw. Alam ko na ako pa rin ang hari ng Israel, kaya sinasabi kong tiyak na wala ni isa sa Israel ang dapat na patayin ngayong araw."
\p
\v 23 Pagkatapos sinabi ng hari kay Simei, "Mataimtim kong ipinapangako na hindi kita papatayin."
\s5
\p
\v 24 Pagkatapos si Mefiboset, lalaking apo ni Saul, bumaba sa ilog para batiin ang hari. Hindi niya hinugasan ang kaniyang mga paa o ginupitan ang kaniyang balbas o nilabhan ang kaniyang mga damit simula sa oras na umalis ng Jerusalem ang hari hanggang sa araw na bumalik siya.
\v 25 Nang dumating siya mula Jerusalem para batiin ang hari, sinabi ng hari sa kaniya, "Mefiboset, bakit ka hindi sasama sa akin?"
\s5
\p
\v 26 Sumagot siya, "Iyong Kamahalan, alam mo na ako'y lumpo. Nang marinig ko na aalis ka ng Jerusalem, sinabi ko sa aking lingkod na si Ziba, 'Maglagay ng isang upuan sa aking asno nang sa gayon makasakay ako at umalis kasama ng hari.' Pero niloko niya ako at umalis na hindi ako kasama.
\p
\v 27 Nagsinungaling siya sa iyo tungkol sa akin. Pero iyong Kamahalan, matalino ka gaya ng anghel ng Diyos. Kaya gawin anuman ang sa tingin mo ay tama sa iyo.
\p
\v 28 Lahat ng pamilya ng aking lolo inaasahan na kami ay papatayin. Pero hindi mo ako pinatay. Hinayaan mo akong kumain ng pagkain na kasama mo sa iyong mesa! Kaya natitiyak kong wala akong karapatan para humingi mula sa iyo ng ano pa mang bagay."
\s5
\p
\v 29 Sumagot ang hari, "Tiyak na hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakapagpasya na ako na ikaw at si Ziba ay maghahati ng patas sa lupain na napabilang sa iyong lolong si Saul."
\p
\v 30 Sumagot si Mefiboset sa hari, "Iyong Kamahalan, masaya na akong nakabalik kang ligtas. Kaya hayaan mo siyang kunin ang buong lupain."
\s5
\p
\v 31 Si Barzilai, ang taong nagmula sa rehiyon ng Galaad, bumaba sa Ilog Jordan mula sa kaniyang bayan ng Rogelim para samahan ang haring tumawid ng ilog.
\p
\v 32 Si Barzilai ay isang napakatandang tao, walumpung taong gulang. Siya ay isang napakayamang tao at nagdadala siya ng pagkain sa hari at sa kaniyang mga sundalo habang nasa Mahanaim sila.
\p
\v 33 Sinabi ng hari kay Barzilai, "Sumama ka sa akin sa Jerusalem, at ako ang mag-aalaga sa iyo."
\s5
\v 34 Pero sumagot si Barzilai, "Tiyak na wala na akong marami pang mga taon para mabuhay, Kaya bakit ko pa kailangang pumunta kasama mo sa Jerusalem?
\p
\v 35 Ako ay walumpung taong gulang. Hindi ko na alam kung ano ang kasiya-siya at hindi kasiya-siya. Hindi ko na nasisiyahan anuman ang aking kinakain at iniinom. Hindi ko na maririnig ang mga tinig ng kalalakihan at kababaehan kapag kumakanta sila. Kaya bakit kailangan pang maging pabigat ako sa iyo?
\v 36 Tatawirin ko ang Ilog Jordan kasama mo at pupunta pa ng kaunti, at iyon ang lahat ng magiging gantimpalang kailangan ko sa pagtulong sa iyo.
\s5
\v 37 Pagkatapos pakiusap payagan mo akong bumalik sa aking tahanan, dahil doon ko gustong mamatay, malapit sa libingan ng aking mga magulang. Pero narito ang aking anak na lalaking si Camaam. Inyong Kamahalan, hayaan siyang umalis kasama mo at paglingkuran ka, at gawin sa kaniya anumang sa tingin mo ay mabuti!"
\s5
\v 38 Sumagot ang hari, "Tama iyon, tatawid siya ng ilog kasama ko, at gagawin ko para sa kaniya anuman ang sa tingin mong mabuti para sa iyo. At gagawin ko para sa iyo anuman ang gusto mong gawin ko."
\p
\v 39 Pagkatapos tumawid sa Ilog Jordan si Haring David at lahat ng iba pa niyang kasama. Hinalikan niya si Barzilai at hiningi sa Diyos na pagpalain siya. Pagkatapos bumalik si Barzilai sa kaniyang tahanan.
\s5
\p
\v 40 Pagkatapos nilang tumawid sa ilog, pumunta si Camaam kasama ng hari, at ang buong hukbo ng Juda at kalahati ng hukbo ng ibang mga lipi ng Israelita sinabayan ang hari papuntang Gilgal.
\v 41 Pagkatapos lahat ng mga sundalong Israelita mula sa ibang lahi ng Israelita ay pumunta sa hari at sinabi, "Bakit ang aming mga kamag-anak, ang kalalakihan mula sa Juda, ay kinuha ka palayo sa amin at gusto na sila lang ang sumama sa iyo at sa iyong pamilya patawid sa ilog, katabi ng lahat ng iyong kalalakihan? Bakit hindi mo hiniling sa amin na gawin iyon?"
\s5
\v 42 Sumagot ang mga sundalong nagmula sa Juda, "Ginawa namin iyon dahil ang hari ay nagmula sa Juda. Bakit kayo nagagalit tungkol dito? Hindi kailanman nagbayad ang hari para sa aming pagkain, at hindi kailanman niya kami binigyan ng mga regalo."
\v 43 Sumagot ang kalalakihan ng ibang lipi ng Israelita, "Mayroong sampung lipi sa Israel, at isa lamang sa Juda. Kaya ito ay sampung beses na higit na aming karapatan na sabihing si David ay aming hari kaysa sa inyo. Kaya bakit ninyo kami hinahamak? Tiyak na kami ang mga naunang nagsalita tungkol sa pagdadala pabalik kay David sa Jerusalem para muling maging aming hari" Pero nagsalita ng mas marahas ang kalalakihan ng Juda kaysa sa ginawa ng kalalakihan mula sa ibang mga lipi ng Israel.
\s5
\c 20
\p
\v 1 Mayroon ding isang lalaki doon sa Gilgal na ang pangalan ay Seba. Siya ay isang taong palaging nagdudulot ng gulo. Nagmula siya sa lahi ni Benjamin anak na lalaki ni Bicri. Hinipan niya ang isang trumpeta at sinigaw ang, "Wala kaming pakialam kay David, ang anak ni Jesse! Kaya, kalalakihan ng Israel, bumalik na tayo sa ating mga tahanan!"
\p
\v 2 Kaya lahat ng kalalakihan na nagmula sa mga lipi ng Israel ay iniwan si David at umalis kasama si Seba, pero nagpaiwan ang kalalakihan ng Juda kasama ni David. Gusto nila siyang maging hari nila, at pumunta kasama niya mula sa malapit sa Ilog Jordan hanggang Jerusalem.
\s5
\p
\v 3 Nang dumating si David sa palasyo sa Jerusalem, kinuha niya ang sampung asawang alipin na kaniyang iniwan doon para mangalaga sa palasyo at inilagay sila sa ibang bahay. Naglagay siya ng isang bantay sa bahay na iyan, at tinustusan niya ang kanilang pangangailangan, pero hindi na siya kailanman sumiping sa kanilang muli. Kaya nanatili silang nakakulong sa kanilang bahay hanggang namatay sila. Ito ay parang sila ay mga balo.
\s5
\p
\v 4 Isang araw sinabi ng hari kay Amasa, "Ipatawag ang mga sundalo ng Juda para pumarito sa loob ng tatlong araw, at dapat nandito ka rin."
\v 5 Kaya pumunta si Amasa para ipatawag sila, pero hindi siya bumalik sa loob ng panahong sinabi ni David sa kaniya.
\s5
\p
\v 6 Kaya sinabi ni David kay Abisai, "Ngayon saksaktan tayo ni Seba ng higit pa sa ginawa ni Absalom. Kaya dalhin ang aking mga sundalo at tugisin siya. Kung hindi mo gagawin iyan, maaaring sakupin niya at ng kaniyang mga sundalo ang ilang mga pintatibay na lungsod at makatakas mula sa atin."
\p
\v 7 Kaya umalis sina Abisai at Joab at ang mga taga-pagbantay ng hari at ang ibang mga sundalo ng Jerusalem para tugisin si Seba.
\s5
\p
\v 8 Nang dumating sila sa malaking bato sa rehiyon ng Gibea, nakipagkita si Amasa sa kanila. Nakasuot ng baluti si Joab para sa labanan at nakakabit sa kaniyang sinturon ang isang espada. Nang makalapit siya kay Amasa, hinayaan niyang mahulog sa lupa ang espada.
\s5
\p
\v 9 Sinabi ni Joab kay Amasa, "Mabuti ba ang iyong kalagayan, aking kaibigan?" Pagkatapos dinakma niya ang balbas ni Amasa ng kaniyang kanang kamay, para halikan siya.
\p
\v 10 Pero hindi nakita ni Amasa na may hawak si Joab na isa pang punyal sa kaniyang kabilang kamay. Isinaksak ito ni Joab sa tiyan ni Amasa, at lumabas ang kaniyang bituka at nalaglag sa lupa. Mabilis na namatay si Amasa. Hindi na kailangan ni Joab na saksakin pa siyang muli. Pagkatapos nagpatuloy si Joab at ang kaniyang kapatid na si Abisai para tugisin si Seba.
\s5
\p
\v 11 Tumayo ang isa sa mga sundalo ni Joab sa tabi ng katawan ni Amasa, at tumawag ng, "Ang lahat na gusto na si Joab ay maging ating pinuno at gustong si David ang magin ating hari, sumama kay Joab!"
\p
\v 12 Nakahandusay ang katawan ni Amasa sa daan. Nabalot ito ng dugo. Nakita ng sundalo ni Joab ang tumawag na maraming ibang mga sundalo ni Joab na humihinto para tingnan ito, kaya hinatak niya ang katawan ni Amasa paalis sa daan patungo sa isang bukirin at tinapon ang isang damit sa ibabaw ng katawan.
\p
\v 13 Nang maalis ang katawan sa daan, sumama kay Joab ang lahat ng mga sundalo para tugisin si Seba.
\s5
\p
\v 14 Nakalagpas si Seba sa lahat ng lipi ng Israel, at dumating sa lungsod ng Abel Bet Maaca sa pahilagang parte ng Israel. Lahat ng kasapi ng angkan ng kaniyang amang si Bicri nagtipon doon at sumama kay Seba papunta sa lungsod.
\p
\v 15 Nalaman ng mga sundalong kasama ni Joab na pumunta doon si Seba, kaya pumunta sila roon at pinalibutan ang lungsod. Gumawa sila ng isang rampang panggiba ng pader ng lungsod. Binayo rin nila ang pader para bumagsak ito.
\p
\v 16 Pagkatapos isang matalinong babae na nasa bayang iyon ang tumayo sa tuktok ng pader at sumigaw pababa, "Makinig sa akin! Sabihan si Joab na pumunta rito, dahil gusto kong makipag-usap sa kaniya!"
\s5
\p
\v 17 Kaya pagkatapos nilang sinabihan si Joab, dumating siya doon, at sinabi ng babae, "Ikaw ba si Joab?" Sumagot siya, "Oo, ako nga." Sinabi niya sa kaniya, "Pakinggan mo anuman ang sasabihin ko."
\p
\v 18 Sumagot siya, "Nakikinig ako." Sinabi niya, "Noong una palaging sinasabi ng mga tao, 'Pumunta ka sa bayan ng Abel para makakuha ng magandang payo tungkol sa iyong mga problema.' At iyon ang ginagawa ng mga tao.
\p
\v 19 Kami ay mapayapa at tapat na mga Israelita. Mahalaga at iginagalang ang aming mga tao dito. Kaya bakit ninyo sinusubukang wasakin ang isang lungsod na napapabilang kay Yahweh?"
\s5
\p
\v 20 Sumagot si Joab, "Tiyak na hindi ko sisirain o wawasakin ang iyong lungsod!
\p
\v 21 Hindi iyon ang gusto naming gawin. Pero si Seba na anak na lalaki ni Bicri, Isang taong mula sa maburol na lugar sa lipi ni Efraim, ay nagrerebelde laban kay Haring David. Ibigay ang taong ito sa aming mga kamay, at pagkatapos aalis kaming palayo mula sa bayang ito." Sumagot ang babae kay Joab, "Magaling; puputulin namin ang kaniyang ulo at itatapon ito sa taas ng pader papunta sa iyo."
\p
\v 22 Pagkatapos pumunta ang babaeng ito sa mga nakatatanda ng bayan at sinabi sa kanila ang anumang sinabi niya kay Joab. Kaya pinutol nila ang ulo ni Seba at tinapon ito sa ibabaw ng pader papunta kay Joab. Pagkatapos hinipan ni Joab ang trumpeta para maghudyat na tapos na ang labanan, at umalis ng bayan ang lahat ng kaniyang mga sundalo at bumalik sa kanilang mga tahanan. Bumalik si Joab sa Jerusalem at sinabi sa hari ang nangyari.
\s5
\p
\v 23 Si Joab ang pinuno ng buong hukbo ng Israel. Si Johaida na anak na lalaki ni Benaias ang pinuno ng mga taga-pagbantay ni David.
\p
\v 24 Si Adoram ang nangangasiwa sa kalalakihang pinilit na magtrabaho para sa hari. Si Ahilud na anak na lalaki ni Jehoshafat ang taong nag-uulat sa mga tao sa lahat ng bagay na napagpasyahan ni David.
\v 25 Si Seva ang opisyal na kalihim. Si Zadok at Abiatar ay ang mga pari,
\p
\v 26 at si Ira mula sa bayan ng Jair ay isa rin sa mga pari ni David.
\s5
\c 21
\p
\v 1 Taggutom sa Israel sa loob ng tatlong taon na nangyari sa panahong namumuno si David. Nagdasal si David kay Yahweh tungkol dito. At sinabi ni Yahweh, "Para matapos ang taggutom, kailangang maparusahan ang pamilya ni Saul dahil maraming pinatay na mga tao si Saul mula sa lungsod ng Gibeon."
\s5
\p
\v 2 Ang bayan ng Gibeon ay hindi katutubong mga Israelita. Sila ay isang maliit na pangkat ng lahi ng Amor na tapat na pinangakuan ng mga Israelita na iingatan nang kanilang sinakop ang lupain ng Canaan. Pero sinubukang silang lahat na patayin ni Saul dahil sabik na sabik siyang gawing ang mga tao ng Juda at Israel lamang ang tanging buhay sa lupaing iyon. Kaya pinatawag ng hari ang mga pinuno ng Gibeon
\v 3 at sinabi sa kanila, "Ano ang dapat kong gawin para sa inyo? Paano ko mapagtatakpan ang ginawa ni Saul sa inyong mga tao, nang sa gayon pagpalain ninyo kami na nabibilang kay Yahweh at magkaroon ng napakaraming mga mabubuting bagay mula sa kaniya?"
\s5
\p
\v 4 Sumagot sila, "Hindi mo malulutas ang away namin ni Saul at ng kaniyang pamilya sa pagbibigay sa amin ng pilak o ginto. At wala kaming karapatan para patayin ang sinumang Israelita." Kaya tinanong ni David, "Kung kaya ano ang masasabi ninyo na dapat kong gawin para sa inyo?"
\s5
\p
\v 5 Sumagot sila, "Gusto kaming puksain ni Saul. Gusto niyang ubusin kaming lahat, para wala ni isa sa amin ang mabuhay saan man sa Israel.
\p
\v 6 Ilagay ang pito sa mga kaapu-apuhan ni Saul sa aming mga kamay. Bibitayin namin sila kung saan sinasamba si Yahweh sa Gibeon, na aming lungsod, ang lungsod kung saan nanirahan si Saul, na pinili ni Yahweh para maging hari." Sumagot ang hari, "Sige, Ibibigay ko sila sa inyo."
\s5
\p
\v 7 Hindi ibinigay ng hari ang apo ni Saul na si Mefiboset sa kanila, dahil sa taimtim na ipinangako niya at ni Jonatan na ama ni Mefiboset sa isa't-isa.
\p
\v 8 Sa halip, kinuha niya ang dalawang anak na lalaki nila Rizpa at Saul, na pinangalanang Armoni at Mefiboset—si Rizpa ay anak na babae ni Aya at naging asawang alipin ni Saul; Kinuha rin ni David ang limang anak na lalaki ni Merab, anak na babae ni Saul. Ang asawa ni Merab ay si Adriel anak na lalaki ni Barzilai, na nagmula sa lungsod ng Mehola.
\p
\v 9 Ibinigay ni David ang mga ito sa mga tao ng Gibeon. Dinala nila ang pitong lalaking iyon sa Gibeon at binitay sila sa isang burol kung saan sinasamba si Yahweh. Namatay sila sa panahon ng taon na nagsisimulang mag ani ang mga tao ng sebada.
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos kumuha si Rizpa ng magaspang na tela na gawa sa buhok ng kambing, at inilatag ito sa bato kung saan nakalatag ang mga bangkay. Nanatili siya doon simula ng magsimulang umani ang mga tao ng sebada hanggang sa umulan. Hindi niya hinayaan ang anumang ibon na lumapit sa mga bangkay sa araw, at hindi niya hinayaang makalapit ang anumang mga hayop sa gabi.
\v 11 Isang taong ang nagsabi kay David ng ginawa ni Rizpa.
\s5
\p
\v 12 Kaya pumunta siya kasama ang ilan sa kaniyang mga lingkod sa Jabes sa rehiyon ng Galaad at dinala ang mga buto ni Saul at ng kaniyang anak na lalaking si Jonatan. Ninakaw ng mga tao ng Jabes ang kanilang mga buto mula sa liwasan ng lungsod ng Beth San, kung saan binitay sila ng kalalakihan mula sa Filisteo sa araw na pinatay nila si Saul at Jonathan sa Bundok Gilboa.
\p
\v 13 Kinuha ni David at ng kaniyang mga tauhan ang mga buto ni Saul at Jonatan, at kinuha rin nila ang mga buto ng pitong binitay na kalalakihan mula Gibeon.
\s5
\v 14 Pumunta ang mga lingkod ni David sa libingan ni Kis na ama ni Saul, sa lungsod ng Zela sa lupain ng mga lahi ni Benjamin. Doon inilibing nila ang mga buto ni Saul at ni Jonathan. Sa ganitong paraan, ginawa nilang lahat ang inutos sa kanila ng hari na gawin. Pagkatapos, dahil nakita ng Diyos na pinarusahan ang pamilya ni Saul para bayaran ang pagkamatay ni Saul sa mga tao ng Gibeon, sinagot niya ang mga dasal ng mga Israelita para sa kanilang lupain, at idinulot na matapos ang taggutom.
\s5
\p
\v 15 Nagsimulang muli ang hukbo ng Filisteo na makipaglaban sa hukbo ng Israel. At pumunta si David at kaniyang mga sundalo para labanan sila. Habang nasa labanan, napagod si David.
\p
\v 16 Isa sa kalalakihan ng taga-Filisteo ay inisip na maaari niyang mapatay si David. Ang kaniyang pangalan ay Esbibenob. Isa siya sa kaapu-apuhan ng isang pangkat ng mga higante. Bitbit niya ang isang tansong sibat na may bigat na humigit kumulang tatlo at kalahating kilo, at mayroon din siyang isang bagong espada.
\p
\v 17 Pero dumating si Abisai at tinulungan si David, at sinalakay ang higante at pinatay siya. Pagkatapos pinilit si David ng kaniyang mga sundalo na mangakong hindi siya pupuntang muli na kasama nila. Sinabi nila sa kaniya, "Kung ikaw ay mamatay, at wala ni isa sa iyong mga kaapu-apuhan ang magiging hari, iyon ay parang pinatay ang huling ilaw sa Israel."
\s5
\p
\v 18 Pagkatapos ng oras na iyon, mayroong isang labanan kasama ng hukbo ng Filisteo na malapit sa nayon ng Gob. Sa loob ng labanan, si Sibecai, mula sa angkan ng Husa, pinatay si Saf, isa sa mga kaapu-apuhan ng mga higanteng Rafa.
\p
\v 19 Kinalaunan may isa pang labanan sa hukbo ng Filisteo at Gob. Sa panahon ng labanang, si Elhanan anak na lalaki ni Jari mula sa Bethlehem, pinatay ang kapatid ni Goliat mula Gat, na ang puluhan ng sibat ay napakapal, gaya ng bara sa isang habihan.
\s5
\p
\v 20 Kinalaunan may isa pang labanan malapit sa Gat. May isang malaking tao roon na gustong makipaglaban sa mga digmaan. Mayroon siyang anim na daliri sa bawat kamay at anim na daliri sa bawat paa. Nanggaling siya mula sa mga higanteng Rapha.
\p
\v 21 Pero nang ininsulto niya ang kalalakihan sa hukbo ng Israelita, pinatay siya ni Jonatan na anak na lalaki ni Samma, matandang kapatid na lalaki ni David.
\p
\v 22 Ang mga apat na lalaki ay ilan sa mga kaapu-apuhan ng mga higanteng Rafa na nanirahan sa Gat, na pinatay ni David at ng kaniyang mga sundalo.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Matapos iligtas ni Yahweh si David mula kay Saul at sa kaniyang ibang mga kaaway, umawit si David ng isang awit para kay Yahweh.
\p
\v 2 Ito ang kaniyang inawit, "Yahweh, ikaw ay gaya ng isang malaking bato sa ibabaw kung saan maaari akong makapagtago. Ikaw ay gaya ng isang kuta, at ililigtas mo ako.
\s5
\p
\v 3 Yahweh, iningatan mo ako. Ikaw ay gaya ng isang panangga, at ikaw ang pinakamakapangyarihan na nagliligtas sa akin. Ikaw ay gaya ng isang lugar kung saan nakahahanap ako ng kanlungan. Ililigtas mo ako mula sa mga gumagawa ng marahas sa akin.
\p
\v 4 Tumawag ako sa iyo, Yahweh. Karapatdapat kang purihin, at ililigtas mo ako mula sa aking mga kaaway.
\s5
\p
\v 5 Halos mamatay na ako. Iyon ay parang isang malaking alon na bumagsak sa akin, at kamuntik na akong mawasak gaya ng isang baha.
\p
\v 6 Akala ko mamamatay na ako. Parang binalot ako ng kamatayan ng mga lubid, at para akong nasa isang patibong kung saan tiyak na mamamatay ako.
\s5
\p
\v 7 Pero nang ako'y gipit na gipit, tumawag ako sa iyo, Yahweh. Tumawag ako sa iyo aking Diyos. Dininig mo ako mula sa iyong templo. Nakinig ka nang tumawag ako sa iyo para tulungan ako.
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos ito ay parang lindol at nayanig. Parang yumanig ang mga pundasyong humahawak sa langit, dahil ikaw ay nagalit.
\p
\v 9 Parang bumuhos ang usok mula sa mga butas ng iyong ilong at nagbabagang mga uling at apoy na sumusunog sa bawat bagay na lumalabas mula sa iyong bibig.
\s5
\p
\v 10 Binuksan mo ang langit at bumaba. Mayroong isang makapal na ulap sa ibaba ng iyong mga paa.
\p
\v 11 Sumakay ka sa nilalang na may pakpak. Idinulot ng hangin na ikaw ay makapaglakbay ng mabilis, gaya ng isang ibon.
\p
\v 12 Nakapalibot sa iyo ang kadiliman, gaya ng isang makapal na kumot ng mga ulap na puno ng tubig na nakapalibot sa iyo.
\s5
\p
\v 13 Mula sa kidlat nagliyab ang apoy mula sa nagbabagang mga uling sa iyong harapan.
\p
\v 14 Pagkatapos, Yahweh, nagsalita ka gaya ng kulog na mula sa langit. Iyon ang tinig mo, O' Diyos, ikaw na mas dakila kaysa sa lahat na ibang mga diyos, na narinig.
\p
\v 15 Nang nagpadala ka ng mga kislap ng kidlat, ito ay parang pumana ka ng iyong mga palaso at ikinalat ang iyong mga kaaway.
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos ang ilalim ng dagat ay nalahad. Ang mga pundasyon ng mundo ay makikita nang sumigaw ka, papunta sa digmaan laban sa aming mga kaaway, at nagalit sa kanila.
\s5
\p
\v 17 Yahweh, inabot mo pababa mula sa langit at ako ay itinaas. Hinatak mo ako pataas mula sa ilalim ng tubig.
\p
\v 18 Iniligtas mo ako mula sa malalakas kong kaaway, mula roon sa namuhi sa akin. Hindi ko sila kayang talunin dahil sila ay napakalakas.
\s5
\p
\v 19 Nilusob nila ako nang ako ay dumaranas ng mga kaguluhan, pero Yahweh, pinangalagaan mo ako.
\p
\v 20 Dinala mo ako sa isang lugar kung saan ako ay ligtas. Iniligtas mo ako dahil nasisiyahan ka sa akin.
\p
\v 21 Yahweh, ginantimpalaan mo ako dahil ginawa ko ang tama. Ginawa mo ang mga mabubuting bagay para sa akin dahil ako ay inosente.
\s5
\p
\v 22 Yahweh, sinunod ko ang iyong mga batas. Hindi ako lumihis mula sa iyo, aking Diyos.
\p
\v 23 Lahat ng iyong mga tipan ay nasa aking isipan, at hindi ako tumalikod sa pagsunod ng lahat ng iyong mga kautusan.
\s5
\p
\v 24 Alam mo na hindi ako gumawa ng anumang bagay na masama. Iningatan ko ang aking sarili sa paggawa ng mga bagay kung saan parurusahan mo ako.
\p
\v 25 Kaya ginantimpalaan mo ako kapalit ng paggawa ko ng anumang tama, dahil alam mong wala akong kasalanan sa paggawa ng mga maling bagay.
\s5
\p
\v 26 Yahweh, ikaw ay tapat sa mga laging nagtitiwala sa iyo, at palagi mong ginagawa ang anumang mabuti para sa laging may maguting ugali.
\q
\v 27 Kumikilos ka nang taos-puso sa mga dalisay ang kalooban, pero ikaw ay laban sa mga matitigas ang ulo.
\s5
\p
\v 28 Iniligtas mo ang mga nagpapakumbaba, pero minamasdan mo ang mga mayayabang at pinapahiya sila.
\q
\v 29 Yahweh, ikaw ay parang isang lamparang nagdudulot na maging ilaw kapag ako ay nasa kadiliman.
\s5
\p
\v 30 Sa iyong lakas maaari akong lumusot sa isang hanay ng mga sundalo na humaharang sa aking daan; Maaari akong umakyat sa mga pader na nakapalibot sa kanilang lungsod.
\p
\v 31 Aking Diyos na aking sinasamba, lahat ng bagay na iyong ginagawa ay walang mali. Palagi mong ginagawa anuman ang iyong ipinapangako na iyong gagawin. Ikaw ay tulad ng isang panangga para sa lahat na humihiling sa iyo na pangalagaan sila.
\s5
\p
\v 32 Yahweh, ikaw lamang ang isang Diyos. Ikaw lamang angtulad ng isang malaking bato sa tuktok kung saan kami ay pinapangalagaan.
\q
\v 33 Ang Diyos, na aking sinasamba ay isang matibay na kanlungan para sa akin. Pinangungunahan mo ang sinumang dalisay sa daan na dapat niyang puntahan.
\s5
\q
\v 34 Kapag ako ay naglalakad sa mga bundok, idinulot mo akong makalakad ng ligtas na parang isang tumatakbong usang hindi natitisod.
\q
\v 35 Tinuturuan mo ako kung paano makipag-away sa isang labanan para makapana ako nang maayos sa mga palaso mula sa isang matibay na pana.
\s5
\p
\v 36 Parang bang binigyan mo ako ng isang panangga kung saan iniligtas mo ako, at sinagot mo ang aking mga dasal at idinulot akong maging tanyag.
\q
\v 37 Hindi mo hinayaan ang aking mga kaaway na mahuli ako, at hindi ako natalo sa labanan.
\s5
\q
\v 38 Tinugis ko ang aking mga kaaway at tinalo sila. Hindi ako huminto sa pakikipaglaban sa kanila hanggang sa mapatay silang lahat.
\q
\v 39 Pinabagsak ko sila. Sinaksak ko sila ng aking espada, at bumagsak sila sa aking mga paa at hindi na tumayong muli.
\s5
\q
\v 40 Binigyan mo ako ng lakas para sa pakikipaglaban sa mga digmaan at idinulot mo tumumba ang mga sumasalakay sa akin; Tinapakan ko sila.
\p
\v 41 Idinulot mo ang aking mga kaaway na tumalikod at tumakbong palayo sa akin. Winasak ko ang mga nasusuklam sa akin.
\s5
\q
\v 42 Naghanap sila ng isang taong magliligtas sa kanila, pero wala ni isang gumawa ng bagay na iyon. Tumawag sila sa iyo, Yahweh, para sa tulong, pero hindi mo sila sinagot.
\q
\v 43 Dinurog ko sila, at sila ay naging maliliit na butil ng alikabok. Tinapakan ko sila, at sila ay naging gaya ng putik sa mga daan.
\s5
\q
\v 44 Iniligtas mo ako mula sa mga sumubok na magrebelde laban sa akin, at itinalaga mo akong pagharian ang maraming bansa. Ang mga taong hindi ko kilala dati ngayon ay nasa ilalim ng aking kapangyarihan.
\q
\v 45 Nagpakumbabang yumuko ang mga dayuhan sa aking harapan. Pagkarinig nila ng tungkol sa akin, sinunod nila ako.
\q
\v 46 Natakot sila, at pumunta sila sa akin, nanginginig sila, mula sa mga lugar kung saan sila nagtatago.
\s5
\q
\v 47 Yahweh, ikaw ay buhay! Pinupuri kita! Ikaw ay gaya ng isang malaking bato sa tuktok kung saan ako ay ligtas! Ikaw ang siyang nagliligtas sa akin. Dapat itaas ka ng bawat isa.
\q
\v 48 Idinulot mo ako na masakop ang aking mga kaaway, at idinulot mo ang mga tao ng ibang mga bansa na malagay sa ilalim ng aking kapangyarihan.
\q
\v 49 Iniligtas mo ako mula sa aking mga kaaway, at idinulot mong parangalan ako nang higit pa kaysa sa kanila. Iniligtas mo ako mula sa kalalakihan na palaging gumagawa ng marahas.
\s5
\q
\v 50 Dahil sa lahat ng ito, pinupuri kita kasama ang maraming mga lahi, at umaawit ako para purihin ka.
\q
\v 51 Binigyan mo ako ng kakayahan, na iyong itinalaga para maging hari, na malupig ang aking mga kaaway. Minahal mo ako ng tapat, David, at mamahalin mo ang aking mga kaapu-apuhan magpakailanman."
\s5
\c 23
\p
\v 1 Si David na lalaking anak ni Jesse, ay isang tao na ginawa ng Diyos na maging dakila. Ang Diyos na sinamba ni Jacob ang gumawa sa kaniya na maging hari ng Israel. Sumulat si David ng magagandang awit para sa bayan ng Israel. Ito ang huling awit na kaniyang sinulat:
\p
\v 2 "Sinasabi ng Espiritu ni Yahweh kung ano ang aking sasabihin. Ang mensaheng sinasabi ko, sa kaniya nanggagaling.
\s5
\p
\v 3 Nagsalita ang Diyos na siyang sinasamba naming mga Israelita. Sinabi ng siyang nag-iingat sa atin bayang Israel, 'Ang mga haring makatarungang namumuno ng mga tao ay may dakilang paggalang sa akin, O Diyos.
\p
\v 4 Tulad sila ng sinag ng araw sa bukang liwayway na nagdudulot sa mga damo na umusbong sa pagtila ng ulan.'
\s5
\q
\v 5 At tunay nga, tiyak na ganoon pagpapalain ng Diyos ang aking sambahayan dahil gumawa siya ng tipan sa akin na mananatili magpakailanman, isang tipang pinangako niyang walang bahagi nito ang babaguhin kailanman. Tiyak na papaunlarin niya ako, at laging tutulungan at iyon lamang ang hinahangad ko.
\s5
\p
\v 6 Pero aalisin niya ang mga taong hindi nagpaparangal sa kaniya, gaya ng paghagis ng mga tao ng mga tinik na nakakasugat sa mga taong sumusubok na damputin ang mga ito gamit ang kanilang mga kamay.
\p
\v 7 Ang taong nais alisin ang mga tinik ay hindi inaalis mga ito, pero kailangan niyang gumamit ng bakal na panghukay o isang sibat para hukayin sila at tuluyang tupukin."
\s5
\q
\v 8 Ito ang mga pangalan ng mga magigiting na kawal ni David. Una, si Jeshbaal na mula sa angkan ni Hachmon. Siya ang pinuno ng pinakamagiting na mga kawal. Minsan nilabanan niya ang walondaang kaaway at pinatay silang lahat gamit ang kanyang sibat.
\s5
\p
\v 9 Ang pangalawang pinakamagiting na mandirigma ay si Eleazar na anak ni Dodo na mula sa angkan ni Ahoh. Isang araw kasama niya si David nang nilabanan nila ang mga kawal ng Filisteo na nagtipon doon para sa labanan. Nagsi-atrasan ang ibang mga kawal na Israelita,
\p
\v 10 pero nagpaiwan si Eleazar at nilabanan niya ang mga kawal ng Filisteo hanggang sa napagod nang husto ang kaniyang braso, na nagresulta ng pagpulikat ng kaniyang kamay at hindi niya na mabitawan ang kaniyang espada. Nanaig si Yahweh ng dakilang tagumpay sa araw na iyon. At kinalaunan, bumalik ang ibang mga kawal na Israelita kung saan naroon si Eleazar at sinamsam ang mga baluti ng mga napatay niya.
\s5
\p
\v 11 Ang pangatlo sa pinakamagiting na mga mandirigma ay si Samma na lalaking anak ni Age mula sa angkan ni Harar. Isang beses na nagtipon ang mga kawal ng Filisteo sa lungsod ng Lehi, kung saan mayroong bukid na puno ng mga lentil na gusto nilang nakawin. Tinakasan ng ibang mga kawal ng Israelita ang mga hukbo ng Filisteo,
\v 12 pero tumayo roon sa bukid si Samma at hindi niya hinayaang nakawin ng mga kawal ng Filisteo ang mga gisantes, at pinatay niya sila. Nanalo si Yahweh ng dakilang tagumpay sa araw na iyon.
\s5
\p
\v 13 May isang pagkakataon nang malapit na ang anihan, tatlo sa tatlumpung mga lalaking iyon ang bumaba papuntang Kuweba ng Adulam, kung saan naroon si David. Isang pangkat ng mga lalaking mula sa hukbo ng Filisteo ang nagtayo ng kanilang mga tolda sa Lambak ng Refaim na malapit sa Jerusalem.
\p
\v 14 Naroon sa kuweba si David at ang kaniyang mga kawal dahil ligtas doon, at may isa pang pangkat ng mga kawal ng mga Filisteo ang nasa Betlehem.
\s5
\p
\v 15 Isang araw gustong-gusto ni David ng tubig na maiinom at sinabi niya, "Mayroon sanang magdala ng kaunting tubig sa akin mula sa balon na malapit sa tarangkahan ng Betlehem!"
\v 16 Kaya pinilit na pumasok ng tatlong magigiting na mandirigma sa kampo ng mga kawal ng Filisteo at sumalok ng tubig mula sa balon at dinala ito kay David. Pero ayaw niya itong inumin. Sa halip, binuhos niya ito sa lupa bilang isang handog para kay Yahweh.
\p
\v 17 Sinabi niya, "Yahweh, Hindi ko nararapat inumin ang tubig na ito! Para itong pag-inom ng dugo ng mga taong handang mamatay para sa akin!" Kaya hindi niya ito ininom. Iyon ang isa sa mga ginawa ng tatlong magigiting na mandirigma.
\s5
\p
\v 18 Si Abisai na nakababatang lalaking kapatid ni Joab, ang pinuno ng mga magigiting na kawal ni David. Isang araw nakipaglaban siya sa tatlondaang kalalakihan at pinatay silang lahat gamit ang kaniyang sibat. Nakilala siya nang dahil doon.
\q
\v 19 Siya ang pinaka tanyag sa mga dakilang kawal at siya ang naging kanilang pinuno, pero maging siya ay hindi kasali sa tatlong magigiting na mandirigma.
\s5
\p
\v 20 Si Benaias na lalaking anak ni Joaida na mula sa Kabzeel ay gumawa rin ng mga dakilang gawain. Pinatay niya ang dalawa sa pinakamagagaling na mandirigma mula sa lahi ng Moab. Saka bumaba siya sa isang hukay sa araw na umuulan ng nyebe at pinatay ang isang leon doon.
\q
\v 21 Pinatay din niya ang isang napakalaking kawal na mula sa Ehipto na may dalang sibat. Tungkod lamang ang mayroon si Benaias noon, pero ito ang ginamit niya sa pagsalakay sa higante. Pagkatapos naagaw niya ang sibat mula sa kamay ng higante at napatay niya ito gamit ang sarili nitong sibat.
\s5
\p
\v 22 Ilan ang mga iyon sa mga bagay na ginawa ni Benaias. At dahil dito, siya ay naging tanyag gaya ng tatlong magigiting na mandirigma.
\p
\v 23 Higit na pinarangalan siya kaysa ibang pinakadakilang mga kawal, pero hindi pa rin kasing tanyag noong tatlong pinakadakila. Siya ang tinalaga ni David na maging pinuno ng kaniyang mga bantay.
\s5
\q
\v 24 Ito ang mga pangalan ng mga magigiting na mandirigma: Asahel, ang nakababatang lalaking kapatid ni Joab, Elhanan na lalaking anak ni Dodo, mula sa Betlehem,
\p
\v 25 Samma at Elika, mula sa angkan ni Harod,
\p
\v 26 Helez mula sa lungsod ng Pelet, Ira na lalaking anak ni Ikkes, mula sa lungsod ng Tekoa,
\p
\v 27 Abi Ezer, mula sa lungsod ng Anatot, Mebunai na kilala rin sa pangalang Sibecai na mula sa angkan ni Husa,
\p
\v 28 Zalmon na kilala rin sa pangalang Ilai na mula sa angkan ni Aho, Maharai, mula sa lungsod ng Netofa.
\s5
\p
\v 29 Heleb, lalaking anak ni Baana na mula rin sa Netofa, Itai, lalaking anak ni Ribai, mula sa lungsod ng Gibea, sa lupain na pagmamay-ari ng lipi ni Benjamin,
\p
\v 30 Benaias, mula sa lungsod ng Piraton; Hidai, mula sa mga lambak na malapit sa mga lambak ng Gaas,
\p
\v 31 Abialbon, mula sa angkan ni Araba, Azmavet, mula sa lungsod ng Bahurim,
\p
\v 32 Eliahba, mula sa lungsod ng Saalbon, ang mga lalaking anak ni Jasen, Jonatan na lalaking anak ni Samma, mula sa lungsod ng Harar;
\s5
\p
\v 33 Ahiam, ang lalaking anak ni Sharar, mula Harar,
\p
\v 34 Elifelet na lalaking anak ni Ahasbai, mula sa lungsod ng Maaca, Eliam na lalaking anak ni Ahithofel, mula sa lungsod ng Gilo,
\p
\v 35 Hezro, mula sa lungsod ng Carmel, Paarai, mula sa lungsod ng Arba,
\p
\v 36 Igal na lalaking anak ni Natan mula sa lungsod ng Zoba, Bani, mula sa lipi ni Gad;
\s5
\p
\v 37 Zelek, mula sa lahi ni Ammon, Naharai, ang taong tagapagdala ng mga sandata ni Joab, mula sa lungsod ng Beerot,
\p
\v 38 Ira at Gareb, mula sa lungsod ng Jatir,
\p
\v 39 Urias na asawa ni Batsheba, mula sa mga lahi ni Het. Tatlumpu't pito lahat-lahat na tanyag na mga kawal.
\s5
\c 24
\p
\v 1 Muling nagalit si Yahweh laban sa mga tao ng Israel kaya inudyukan niya si David na magdulot ng gulo sa kanila. Sinabi niya kay David, "Magpadala ka ng ilang mga tauhan para bilangin ang lahat ng tao ng Israel at Juda."
\v 2 Kaya sinabi ng hari kay Joab na pinuno ng kaniyang hukbo, "Sumama ka sa iyong mga opisyal, sa lahat ng mga lipi ng Israel, mula Dan sa malayong hilaga hanggang sa Beer-seba sa may timog at bilangin ang lahat ng mga tao, nang malaman ko kung ilang tao ang maaaring maging kawal ng hukbo."
\s5
\v 3 Pero sumagot si Joab sa hari, "Inyong Kamahalan, hinihiling ko na paramihin ni Yahweh nang isandaang ulit na sindami ng mga tao ngayon sa Israel at makita nawa ng iyong mga mata ang katuparan nito bago kayo mamatay. Pero bakit gusto mong gawin namin ito?"
\q
\v 4 Pero iniutos ng hari kina Joab at sa kaniyang mga opsiyal na gawin ito. Kaya umalis sila mula sa harapan ng hari at lumabas para bilangin ang mga tao ng Israel.
\s5
\p
\v 5 Tumawid sila ng Ilog Jordan at nagtayo ng kanilang mga tolda sa timog ng Aroer, sa gitna ng lambak, sa lupain na binigay sa lipi ni Gad. Mula roon pumunta sila sa hilaga patungong Jazer.
\q
\v 6 Narating nila ang Galaad at sa Kades, sa lupain kung saan nakatira ang lahi ni Het. Pagkatapos pumunta sila sa Dan sa malayong hilaga, at pagkatapos sa kanluran, sa Sidon malapit sa Dagat Mediteraneo.
\q
\v 7 Pagkatapos pumunta silang patimog sa Tiro, isang lungsod na napapalibutan ng matataas na pader, at sa lahat ng lungsod kung saan nakatira ang mga lahi ng Hiv at mga Cananeo. Pagkatapos pumunta sila pasilangan sa Beer-seba, sa timugang ilang ng Juda.
\s5
\q
\v 8 Bumalik sila sa Jerusalem matapos nilang malibot ang buong lupain pagkalipas ng siyam na buwan at dalawampung araw na bilangin nila ang mga tao.
\p
\v 9 Iniulat nila sa hari kung gaano karami ang tao na kanilang nabilang. Mayroong 800,000 na kalalakihan sa Israel at 500,000 na kalalakihan sa Juda na maaring maging mga kawal ng hukbo.
\s5
\p
\v 10 Pero matapos na bilangin ng mga tauhan ni David ang mga tao, nagsisi si David na pinagawa niya iyon. Isang gabi, sinabi niya kay Yahweh, "Nakagawa ako ng malaking pagkakasala. Pakiusap, patawarin mo ako, dahil malaking kahangalan ang ginawa ko."
\s5
\v 11 Nang bumangon si David kinaumagahan, nagbigay ng mensahe si Yahweh sa propetang si Gad. Sinabi niya sa propeta,
\p
\v 12 "Puntahan mo si David at sabihin ito sa kaniya, 'Pinahihintulutan kitang pumili mula sa tatlong mga bagay para parusahan ka. Gagawin ko anumang pipiliin mo."'"
\s5
\p
\v 13 Kaya pumunta si Gad kay David at sinabi sa kaniya, "Maaari kang mamili: magkakaroon ng tatlong taon ng taggutom sa iyong lupain, o tatlong buwan na tatakas ang iyong hukbo mula sa iyong mga kaaway, o tatlong araw na magkakaroon ng salot sa iyong lupain. Pag-isipan mo ito at pumili ka kung alin ang nais mo, at sabihin sa akin, at babalik ako kay Yahweh para sabihin sa kaniya kung ano ang sagot mo."
\p
\v 14 Sinabi ni David kay Gad, "Napakahirap pumili sa lahat ng kakila-kilabot na bagay na iyon. Pero hayaang parusahan ako ni Yahweh, sapagkat siya ay napakamahabagin. Huwag hayaan ang mga tao ang magparusa sa akin dahil hindi sila maaawa."
\s5
\p
\v 15 Kaya nagpadala si Yahweh ng salot sa mga Israelita mula umaga at hindi ito tumigil hanggang sa oras na pinili niya. Pitumpung libong tao ang namatay sa buong lupain, mula Dan hanggang Beer-seba.
\q
\v 16 Nang iniunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dako ng Jerusalem para wasakin ang mga tao sa salot na ito, nalungkot si Yahweh tungkol sa parusahan ang mas marami pang tao. Sinabi niya sa anghel na pumapatay sa kanila sa salot, "Tumigil ka sa ginagawa mo! Sapat na iyan!" Nang sinabi niya iyon, nakatayo ang anghel sa lupa kung saan naggigiik ng butil si Arauna na mula sa lahi ni Jebus.
\s5
\q
\v 17 Nang makita ni David ang anghel na nagdudulot sa mga tao na magkasakit at mamatay, sinabi niya kay Yahweh, "Tunay na ako ang nagkasala. Nakagawa ako ng napakasamang bagay, pero walang malay ang mga taong ito tulad ng mga tupa. Talagang wala silang nagawang mali. Kaya ako at aking pamilya ang dapat mong parusahan at hindi ang mga taong ito!"
\s5
\q
\v 18 Sa araw na iyon pumunta si Gad kay David at sinabi sa kaniya, "Umakyat ka at pumunta sa giikan ni Arauna na Jebuseo at gumawa ng altar para kay Yahweh para sambahin siya roon."
\q
\v 19 Kaya ginawa ni David ang sinabi ni Gad na gawin niya, na siyang inutos ni Yahweh at umakyat siya roon.
\v 20 Nang tumingin pababa si Arauna at nakitang papalapit na ang hari at ang kaniyang mga opisyal, nagpatirapa siya sa harapan ng hari na nakalapat ang kaniyang mukha sa lupa.
\s5
\v 21 Sinabi ni Arauna, "Inyong Kamahalan, bakit kayo naparito sa akin?" Sumagot si David, "Naparito ako para bilhin itong lupa kung saan ka naggigiik ng butil para makagawa ng altar kay Yahweh at maghandog ng mga alay roon, para itigil niya ang salot."
\q
\v 22 Sumagot si Arauna kay David, "Inyong Kamahalan, ihandog kay Yahweh anuman ang nais mo. Narito, kunin mo ang aking lalaking baka para gamitin sa paghahandog na ganap na sinunog sa altar. At narito, kunin ang mga pamatok nila ang mga tablang ginagamit ko sa paggiik, at gamitin itong mga panggatong.
\v 23 Ako, si Arauna, ibinibigay ang lahat ng ito sa iyo, aking hari." Pagkatapos sinabi niya, "Hangad kong tanggapin ni Yahweh na ating Diyos ang iyong handog."
\s5
\q
\v 24 Pero sinabi ng hari kay Arauna, "Hindi, hindi ko kukunin ang mga bagay na ito bilang isang regalo. Babayaran kita para rito. Hindi ako maghahandog ng mga alay na walang halaga sa akin, at ihandog ang mga iyon kay Yahweh para ganap na sunugin sa altar." Kaya nagbayad siya ng limampung pirasong pilak kay Arauna para sa lalaking baka at sa lupa.
\p
\v 25 Pagkatapos gumawa si David ng altar para kay Yahweh at inihandog niya roon ang lalaking baka para ganap na sunugin sa altar, at naghandog din siya ng mga alay para ibalik ang pakikipag-isa kay Yahweh. Pagkatapos sinagot ni Yahweh ang mga panalangin ni David, at itinigil niya ang salot sa Israel.