forked from WA-Catalog/tl_udb
2863 lines
226 KiB
Plaintext
2863 lines
226 KiB
Plaintext
\id NUM
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Numbers
|
|
\toc1 Numbers
|
|
\toc2 Numbers
|
|
\toc3 num
|
|
\mt Numbers
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa ikalawang buwan ng taon matapos lisanin ng mga Israelita ang Ehipto, kinausap ni Yahweh si Moises habang siya ay nasa loob ng sagradong tolda, sa ilang ng Sinai. Sinabi ni Yahweh sa kaniya,
|
|
\v 2 "Bilangin mo kung ilan ang mga lalaking Israelita, mula sa bawat pamilya sa Israel, at bilangin mo sila sa pamamagitan ng kanilang pangalan.
|
|
\p
|
|
\v 3 Dapat ninyong bilangin ni Aaron ang mga kalalakihang dalawampung taong gulang, iyong mga maaring manilbihan bilang mga kawal sa hukbo. Ilista ninyo ang bilang ng mga kalalakihan, kasama ang pangalan ng kanilang mga angkan at mga pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 May pinili akong tig-iisang lalaki mula sa bawat tribu upang tulungan kayong gawin ito. Dapat maging tagapanguna ang bawat isa sa kaniyang angkan.
|
|
\v 5-6 Ang mga pangalan nila ay sina: Elizur na anak ni Sedeur, mula sa tribu ni Ruben; si Selumiel na anak ni Zurisaddai, mula sa tribu ni Simeon;
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 7-9 si Naason na anak ni Amminadab, mula sa tribu ni Juda; si Nethanael na anak ni Zuar, mula sa tribu ni Isacar; si Eliab na anak ni Helon, mula sa tribu ni Zebulon;
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10-11 si Elishama na anak ni Ammiud, mula sa tribu ni Efraim na lalaking anak ni Jose; si Gamaliel na anak ni Pedazur, mula sa tribu ni Manases na lalaking anak ni Jose; si Abidan na anak ni Gideon, mula sa tribu ni Benjamin;
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 12-15 si Ahiezer na anak ni Amisaddai, mula sa tribu ni Dan; si Pagiel na anak ni Okran, mula sa tribu ni Aser; si Eliasaf na anak ni Deuel, mula sa tribu ni Gad; si Ahira na anak ni Enan, mula sa tribu ni Neftali."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Ito ang mga kalalakihang pinili ni Yahweh mula sa mga tao. Sila ay mga pinuno ng kanilang mga tribu. Sila ang mga pinunong kalalakihan sa mga angkan ng mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Ipinatawag nina Aaron at Moises ang lahat ng mga pinunong ito,
|
|
\v 18 at tinipon nila ang lahat ng mga tao sa araw ding iyon. Inilista nila ang lahat ng mga pangalan ng mga kalalakihang 20 taong gulang, at isinulat nila ang mga pangalan ng kanilang mga angkan kasama ang kanilang mga pangalan at ang mga grupo ng kanilang pamilya
|
|
\v 19 ayon sa iniutos ni Moises. Isinulat nila ang mga pangalan habang ang mga Israelita ay nasa ilang ng Sinai.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20-21 Mayroong 46,500 na kalalakihan mula sa tribu ni Ruben (na panganay na anak na lalaki ni Jacob) na may edad dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa mga labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at sa mga grupo ng kanilang pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22-23 Mayroong 59,300 na kalalakihang mula sa tribu ni Simeon na may edad dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa mga labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at sa mga grupo ng kanilang pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 24-25 Mayroong 45,650 na kalalakihang mula sa tribu ni Gad na may edad dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa mga labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at sa mga grupo ng kanilang pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26-27 Mayroong 74,600 na kalalakihang mula sa tribu ni Juda na dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa mga labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at sa mga grupo ng kanilang pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28-29 Mayroong 54,400 kalalakihang mula sa tribu ni Isacar na dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa mga labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at sa grupo ng kanilang mga pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 30-31 Mayroong 57,400 na kalalakihang mula sa tribu ni Zebulon na dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa mga labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at sa mga grupo ng kanilang pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 32-33 Mayroong 40,500 kalalakihang mula sa tribu ni Efraim na dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa mga labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at mga grupo ng kanilang pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 34-35 Mayroong 32,200 na kalalakihang mula sa tribu ni Manases na dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at mga grupo ng kanilang pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 36-37 Mayroong 35,400 na kalalakihang mula sa tribu ni Benjamin na dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa mga labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at mga grupo ng kanilang pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 38-39 Mayroong 62,700 na kalalakihang mula sa tribu ni Dan na dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa mga labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at mga grupo ng kanilang pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 40-41 Mayroong 41,500 na kalalakihang mula sa tribu ni Aser na dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa mga labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at mga grupo ng kanilang pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 42-43 Mayroong 53,400 na kalalakihang mula sa tribuni Nephtali na dalawampung taong gulang at kayang makipaglaban sa mga labanan. Inilista sila ayon sa kanilang mga pangalan, sa kanilang mga angkan, at mga grupo ng kanilang pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 44-45 Iyon ang bilang ng mga kalalakihang mula sa bawat tribu na nailista nina Aaron at Moises at ang labingdalawang pinuno sa mga tribu ng Israel, kasama ang mga pangalan ng kanilang mga angkan.
|
|
\v 46 Ang kabuuan ng mga kalalakihan ay 603,550.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 47 Nguni't hindi naisama sa bilang na ito ang mga pangalan ng mga kalalakihan sa tribu ni Levi,
|
|
\v 48 dahil sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 49 "Kapag bibilangin ninyo ang mga kalalakihan sa mga tribu ng Israel, huwag ninyong ibilang ang mga kalalakihan sa tribu ni Levi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 50 Italaga ang mga kaapu-apuhang lalaki ni Levi upang ingatan ang banal na tolda at ang Kaban sa loob nito na naglalaman ng mga tapyas ng bato na nakasulatan ng Sampung Utos. Dapat din nilang ingatan ang iba pang mga bagay na nasa loob ng tolda. Kapag maglakbay kayo, sila ang magdadala ng banal na tolda at ang lahat ng mga kagamitan na nasa loob nito, at dapat nilang ingatan at itayo ang kanilang tolda sa paligid nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 51 Kapag panahon na para sa inyong lahat upang lumipat sa ibang lugar, ang mga kaapu-apuhan ni Levi ang dapat magkalas ng banal na tolda. At kapag panahon na upang huminto sa paglalakbay, sila muli ang dapat magtayo nito. Sinumang ibang taong lumapit sa banal na tolda upang gawin ang gawaing ito ay dapat patayin.
|
|
\v 52 Dapat itayo ng bawat tribu ng Israelita ang kanilang mga tolda sa kanilang sariling lugar, at dapat magtayo sila ng isang bandilang kumakatawan ng kanilang tribu.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 53 Subalit ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Levi ay dapat magtayo ng kanilang mga tolda sa paligid ng banal na tolda upang pangalagaan ang ibang Israelita mula sa kaparusahan ni Yahweh sa paglapit sa banal na tolda. Ang mga kaapu-apuhan ni Levi ang siyang dapat tumayo sa paligid ng Sagradong Tolda upang bantayan ito."
|
|
\v 54 Kaya ginawa ng mga Israelita ang lahat gaya ng iniutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos, sinabi ito ni Yahweh kay Aaron at Moises,
|
|
\p
|
|
\v 2 "Kapag ang mga Israelita ay nagtayo ng kanilang mga tolda, itatayo nila ang mga ito sa mga lugar na nakapalibot sa sagradong tolda, ngunit malayo dito. Ang mga tao sa bawat tribu ay dapat magtayo ng kanilang mga tolda sa ibat-ibang lugar. Ang bawat tribu ay dapat maglagay ng isang bandila sa lugar na iyon na kumakatawan ng kanilang tribu.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3-4 Ang mga tao mula sa tribu ni Juda ay dapat nilang itayo ang kanilang mga tolda sa silangang bahagi ng sagradong tolda, malapit sa kanilang watawat ng tribu. Si Naason na anak ni Amminadab ang magiging pinuno ng 74,600 na kalalakihang mula sa tribu ni Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5-6 Ang mga tao mula sa tribu ni Isacar ay itatayo ang kanilang mga tolda sa tabi ni Juda. Si Nethanael na anak ni Zuar ang magiging pinuno ng 54,400 na kalalakihang mula sa mga tribu ni Isacar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7-8 Ang mga tao mula sa tribu ni Zebulon ay itatayo ang kanilang mga tolda sa tabi ni Isacar. Si Eliab na anak ni Helon ang magiging pinuno ng 57,400 na kalalakihang mula sa mga tribu ni Zebulon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Kaya mayroong 186,400 na hukbo sa silangang bahagi ng sagradong tolda. Kapag lilipat ang mga Israelita sa isang panibagong lugar, ang tatlong tribung iyon ay dapat mauna sa harapan ng ibang mga tribu.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10-11 Ang tribu ni Reuben ay dapat magtayo ng kanilang mga tolda sa katimugang bahagi ng sagradong tolda, malapit sa kanilang bandila. Si Elizur na anak ni Seduer, ang magiging pinuno ng 46,500 na kalalakihang mula sa mga tribu ni Reuben.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12-13 Ang mga tao mula sa tribu ni Simeon ay itatayo ang kanilang mga tolda sa tabi ni Reuben. Si Selumiel na anak ni Zurisadai ang magiging pinuno ng 59,300 na kalalakihang mula sa mga tribu ni Simeon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14-15 Ang mga tao mula sa tribu ni Gad ay itatayo ang kanilang mga tolda sa tabi ni Simeon. Si Eliasaf na anak ni Deuel, ang magiging pinuno ng 45,650 na kalalakihang mula sa mga tribu ni Gad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Kaya mayroong 151,450 na hukbo sa silangang bahagi ng sagradong tolda. Ang tatlong tribung iyon ang susunod sa naunang grupo kapag maglalakbay ang mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Sa likuran ng grupong iyon ay maglalakad ang mga kaapu-apuhan ni Levi, na siyang magdadala ng sagradong tolda. Ang mga Israelita ay maglalakad sa parehong ayos nang itinayo nila ang kanilang mga tolda. Ang bawat tribu ay dadalhin ang kani-kanilang sariling bandila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18-19 Ang tribu ni Efraim ay magtatayo ng kanilang mga tolda sa kanlurang bahagi ng sagradong tolda, malapit sa kanilang bandila ng tribu. Si Elishama na anak ni Ammiud ang magiging pinuno ng 40,500 na kalalakihang mula sa tribu ni Efraim.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20-21 Ang mga tao mula sa tribu ni Manases ay itatayo ang kanilang mga tolda sa tabi ni Efraim. Si Gamaliel na anak ni Pedazur ang magiging pinuno ng 32,200 na kalalakihag mula sa mga tribu ni Manases.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22-23 Ang mga tao mula sa tribu ni Benjamin ay itatayo ang kanilang mga tolda sa tabi ni Manases. Si Abidan na anak ni Gideon ang magiging pinuno ng 35,400 na kalalakihang mula sa mga tribu ni Benjamin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 24 Kaya mayroong 108,100 na hukbo sa kanlurang bahagi ng sagradong tolda. Ang tatlong tribu ang susunod sa ikalawang grupo, sa likuran ng mga kaapu-apuhan ni Levi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25-26 Ang tribu ni Dan ay magtatayo ng kanilang mga tolda sa hilagang bahagi ng banal na tolda, malapit sa kanilang bandila ng tribu. Si Ahizier na anak ni Amisadai ang magiging pinuno ng 62,700 na kalalakihang mula sa tribu ni Dan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27-28 Ang mga tao mula sa tribu ni Aser ay itatayo ang kanilang mga tolda sa tabi ni Dan. Si Pagiel na anak ni Ocran ang magiging pinuno ng 41,500 na kalalakihang mula sa mga tribu ni Aser.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29-30 Ang mga tao mula sa tribu ni Neftali ay itatayo ang kanilang mga tolda sa tabi ni Aser. Si Ahira na anak ni Enan ang magiging pinuno ng 53,400 na kalalakihang mula sa tribu ni Neftali.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Kaya mayroong 157,600 na hukbo sa hilagang bahagi ng sagradong tolda. Ang tatlong tribu ang mahuhuli sa lahat. Dapat nilang dalhin ang kanilang sariling mga bandila kapag maglakbay ang mga Israelita."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 32 Kaya mayroong 603,550 na kalalakihang Israelitang may kakayahang lumaban ang nakalista ayon sa kaapu-apuhan ng kanilang mga pamilya.
|
|
\v 33 Ngunit gaya ng ipinag-utos ni Yahweh, hindi kasama ang mga pangalan ng mga kaapu-apuhan ni Levi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 34 Ginawa ng mga Israelita ang lahat na sinabi ni Yahweh kay Moises. Nagtayo sila ng kanilang mga tolda malapit sa kanilang bandila ng tribu, at kapag naglalakbay sila sa isang panibagong lugar, naglalakad sila kasama ng kanilang sariling mga angkan at mga grupo ng pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Ito ang ilan sa mga bagay na nangyari kay Aaron at Moises nang magsalita si Yahweh kay Moises sa bundok ng Sinai.
|
|
\v 2 Mayroong apat na anak na lalaki si Aaron. Sila ay sina Nadab ang pinakamatanda, Abihu, Eleazar at Itamar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Aaron na siyang itinalagang pari at inihiwalay bilang mga pari na kaniyang inatasan upang maglingkod bilang mga pari.
|
|
\v 4 Ngunit, habang nakatingin si Yahweh, namatay sina Nadab at Abihu sa ilang ng Sinai dahil nagsusunog sila ng insenso sa isang paraan na pagsuway sa iniutos ni Yahweh. Wala silang mga anak na lalaki, kaya sina Eleazar at Itamar ang tanging natitirang mga anak na lalaki ni Aaron upang maging pari, kasama ng kanilang amang si Aaron.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\p
|
|
\v 6 "Dalhin mo ang mga lalaki sa tribu ni Levi at iharap mo sila kay Aaron, upang tulungan nila siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Maglilingkod sila kay Aaron at sa lahat ng iba pang Israelita, habang ginagawa nila ang kanilang mga gawain sa loob ng sagradong tolda at sa labas nito.
|
|
\v 8 Dapat silang maglingkod sa lahat ng Israelita sa pamamagitan ng pag-iingat nila sa lahat ng mga bagay na nasa loob ng sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Hirangin mo sila upang tulungan si Aaron at ang kaniyang dalawang anak na lalaki. Pinili ko sila mula sa lahat ng Israelita upang gawin iyon.
|
|
\v 10 Hirangin mo si Aaron at ang kaniyang dalawang anak na lalaki upang gawin ang trabaho na ginagawa ng mga pari. Ngunit dapat mong patayin ang sinumang lalapit sa sagradong tolda upang gawin ang trabahong iyon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
|
|
\p
|
|
\v 12 "Tandaan mong pinili ko mula sa lahat ng Israelita ang mga kalalakihan sa tribu ni Levi upang kunin ang lugar ng lahat ng panganay na anak na lalaki ng mga Israelita. Nabibilang sa akin ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Levi,
|
|
\p
|
|
\v 13 dahil ang lahat ng panganay na lalaki ay akin. Iyon ay dahil sa araw na papatayin ko ang lahat ng panganay na anak na lalaki ng mga tao ng Ehipto, ibinukod ko ang lahat na panganay na anak na mga lalaki ng mga Israelita at inilaan ko sila para sa aking sarili. Inilaan ko rin ang panganay na anak na lalaki ng inyong mga alagang hayop. Nabibilang sila sa akin, kay Yahweh."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Muling nagsalita si Yahweh kay Moises sa ilang ng Sinai. Sinabi niya,
|
|
\q
|
|
\v 15 "Bilangin mo ang mga lalaking miyembro ng tribu ni Levi. Isulat mo ang kanilang mga pangalan at ang pangalan ng kanilang mga angkan at mga grupo ng pamilya. Bilangin mon lahat ng mga lalaki na hindi bababa sa isang buwang gulang."
|
|
\p
|
|
\v 16 Kaya binilang sila ni Moises, gaya ng iniutos ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Mayroong tatlong anak na lalaki si Levi, na ang mga pangalan ay sina Gerson, Kohat, at Merari.
|
|
\q
|
|
\v 18 Nagkaroon ng dalawang anak na lalaki si Gerson, sina Libni at Shimei. Ang mga angkang nagmula sa kanila ay may parehong mga pangalan gaya sa dalawang anak na lalaking iyon.
|
|
\q
|
|
\v 19 Nagkaroon ng apat na anak na lalaki si Kohat, sina Amram, Izar, Hebron, at Uzziel. Ang mga angkang nagmula sa kanila ay may parehong mga pangalan gaya sa apat na anak na lalaking iyon.
|
|
\p
|
|
\v 20 Nagkaroon ng dalawang anak na lalaki si Merari, sina Mahli at Mushi. Ang mga angkang nagmula sa kanila ay may parehong mga pangalan gaya sa dalawang anak na lalaking iyon. Iyon ang mga angkan na nagmumula kay Levi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Ang dalawang angkan na nagmula kay Gerson ay iyong mga nagmula sa kaniyang mga anak na lalaking sina Libni at Shimei.
|
|
\p
|
|
\v 22 Sa dalawang angkang iyon ay may 7,500 na kalalakihan na hindi bababa sa isang buwang gulang.
|
|
\v 23 Sinabihan sila na magtayo ng kanilang mga tolda sa kanlurang bahagi ng sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Ang pinuno ng dalawang angkan na iyon ay si Eliasaf na anak na lalaki ni Lael.
|
|
\v 25 Ang kanilang trabaho ay ingatan ang sagradong tolda, pati ang mga kurtina at ang mga pasukan nito,
|
|
\v 26 ang mga kurtina na bumubuo sa mga pader palibot ng patyo na nakapalibot sa tolda at ng altar, ang mga kurtina na nasa pasukan ng patyo, at ang mga lubid para sa pangtali ng tolda. Ginawa din nila ang lahat ng trabaho ng pag-iingat sa mga bagay na nasa labas ng sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 27 Ang mga angkan na nagmula kay Kohat ay ang mga nagmula sa kaniyang mga anak na lalaking sina Amram, Izar, Hebron, at Uzziel.
|
|
\v 28 Sa apat na angkan na iyon ay may 8,600 na kalalakihang hindi bababa sa isang buwang gulang. Ang trabaho ng mga lalaki ng mga angkan ay ingatan ang mga bagay na nasa loob ng banal na tolda.
|
|
\v 29 Itinayo nila ang kanilang mga tolda sa katimugang bahagi ng banal na tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Ang pinuno ng apat na angkan na iyon ay si Elizafan na anak na lalaki ni Uzziel.
|
|
\v 31 Ang trabaho ng mga ng mga angkang iyon ay ingatan ang sagradong kaban, ang mesa na kung saan ilalagay ng pari ang sagradong tinapay, ang patungan ng ilawan, ang mga altar, ang lahat ng mga bagay na ginagamit ng pari sa banal na tolda, at ang kurtina na nasa loob ng tolda. Trabaho rin nilang ingatan ang mga bagay sa loob ng tolda.
|
|
\v 32 Si Eleazar na anak na lalaki ni Aaron ang pinuno ng lahat ng lalaking kaapu-apuhan ni Levi. Pinangasiwaan niya ang lahat ng trabahong natapos na sa sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 33 Ang mga angkang nagmula kay Merari ay ang mga nagmula sa kaniyang mga anak na lalaking sina Mahli at Mushi.
|
|
\v 34 Sa dalawang angkan na iyon ay may 6,200 na kalalakihang hindi bababa sa isang buwang gulang.
|
|
\v 35 Sinabihan sila na magtayo ng kanilang mga tolda sa hilagang bahagi ng sagradong tolda. Ang pinuno ng dalawang angkan na iyon ay si Zuriel na anak na lalaki ni Abihail.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Ang trabaho ng mga kalalakihan ng dalawang angkang iyon ay ingatan ang mga kuwadro na humahawak ng tolda, ang mga pahalang na haligi, ang mga haligi, at mga patungan. Ginawa din nila ang lahat ng mga trabahong may kaugnayan sa mga bagay na iyon.
|
|
\v 37 Trabaho rin nilang ingatan ang mga poste na humahawak sa mga kurtina na bumubuo ng mga pader ng patyo, at ang lahat ng mga patungan, pakong kahoy ng tolda, at mga lubid na pantali ng mga kurtinang iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 38 Sinabihan sina Aaron at si Moises at ang mga anak na lalaki ni Aaron na magtayo ng kanilang mga tolda sa harapan ng sagradong tolda, sa silangang bahagi. Ang kanilang trabaho ay pangasiwan ang gawain na dapat gawin sa loob at sa palibot ng sagradong tolda, para sa ikabubuti ng mga Israelita. Ang mga pari lamang ang pinapayagang gawin iyon. Ipinahayag ni Yahweh na dapat patayin ang sinumang lalapit sa tolda upang gawin ang trabaho na dapat gawin ng mga pari.
|
|
\p
|
|
\v 39 Nang nabilang na ni Aaron at Moises ang lahat ng mga lalaking hindi bababa sa isang buwang gulang na nabibilang sa mga angkan na nagmula kay Levi, ang kabuuan ay 22,000.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 40 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Ngayon bilangin mo ang lahat ng ibang panganay na mga lalaki sa Israel na hindi bababa sa isang buwang gulang, at isulat mo ang kanilang mga pangalan.
|
|
\v 41 ilaan mo para sa akin ang mga kaapu-apuhan ni Levi upang maging kapalit para sa mga panganay na lalaki ng ibang Israelita. At ilaan mo para sa akin ang mga alagang hayop ng mga kaapu-apuhan ni Levi upang maging kapalit para sa panganay na mga hayop ng iba pang Israelita."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 42 Kaya ginawa iyon ni Moises. Binilang niya ang panganay na mga lalaki ng lahat ng mga Israelita, gaya ng iniutos ni Yahweh.
|
|
\v 43 Ang kabuuang bilang ng mga hindi bababa sa isang buwang gulang ay 22,273
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 44 Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 45 "Ilaan mo ang mga kaapu-apuhan ni Levi upang maging kapalit para sa mga panganay na lalaki ng ibang Israelita. Nabibilang sa akin ang mga kaapu-apuhan ni Levi, kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 46 May 273 pang panganay na mga lalaki ng mga Israelita kaysa mga kaapu-apuhan ni Levi.
|
|
\v 47-48 Upang bayaran itong 273 na lalaki, mangolekta ng limang pirasong pilak para sa bawat isa sa kanila. Dapat ang bawat isa sa mga pirasong pilak na iyon ay pareho ang timbang gaya sa bawat pirasong pilak na nakaimbak sa banal tolda. Ibigay ang pilak na ito kay Aaron at sa kaniyang mga anak na mga lalaki."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 49 Kaya ginawa ni Moises iyon. Nakalikom siya ng pilak mula sa 273 na mga lalaki na iyon.
|
|
\v 50 Ang kabuuang halaga ay 1,365 na pirasong pilak. Bawat pirasong pilak ay pareho ang timbang gaya ng bawat pirasong pilak na nakaimbak sa banal na tolda.
|
|
\v 51 Ibinigay ni Moises ang mga piraso ng pilak kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki, gaya ng iniutos ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 2 "Isulat mo ang mga pangalan ng kalalakihan na kabilang sa mga angkang nagmula kay Kohat.
|
|
\p
|
|
\v 3 Isulat mo ang mga pangalan ng kalalakihang nasa pagitan ng 30 at 50 taong gulang. Sila ang mga kalalakihang gagawa ng gawain sa sagradong tolda.
|
|
\v 4 Ang trabaho ng mga kaapu-apuhang ito ni Kohat ang mangangasiwa sa mga sagradong kasangkapan na ginamit kapag sumasamba ang mga tao sa sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Kapag lumipat kayong mga Israelita sa ibang lugar, dapat pumasok si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa tolda para tanggalin ang mga kurtina na naghihiwalay sa napakabanal na lugar mula sa banal na lugar sa sagradong tolda. Dapat nilang takpan ang banal na kaban ng kurtinang iyon.
|
|
\v 6 Pagkatapos dapat nilang takpan iyon ng isang pantakip na gawa mula sa mga balat ng dugong. Dapat nilang ilatag sa ibabaw nito ang isang asul na tela. Pagkatapos dapat nilang ipasok sa mga argolya ang mga pasana para buhatin ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pagkatapos, dapat nilang lagyan ng isang asul na tela ang mesa kung saan nilalagay ng mga pari ang tinapay upang ipakita sa harap ng Diyos. Sa ibabaw ng tela, dapat nilang ilagay ang mga mangkok para sa insenso, ang mga kawali, ang ibang mga plato, ang mga banga para sa alak na ihahandog bilang isang alay, at ang banal na tinapay.
|
|
\v 8 Sa ibabaw ng lahat ng ito dapat nilang ilatag ang pulang tela. Bilang panghuli, dapat nilang ilagay sa ibabaw ang isang pantakip na gawa sa mga balat ng dugong. Pagkatapos dapat nilang ipasok sa mga argolya sa mga gilid ng mesa ang mga pasanan para buhatin ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 At dapat nilang takpan ang patungan ng ilawan ng isa pang asul na tela, ang mga ilawan, ang mga pang-ipit ng ilawan, ang mga mangkok, at mga natatanging mga banga ng langis ng olibo na sunugin sa mga ilawan.
|
|
\p
|
|
\v 10 Dapat nilang takpan ang patungan ng ilawan at ang ibang kasangkapan ng asul na tela na gawa sa mga balat ng dugong. Dapat nilang ilagay ang lahat ng mga bagay na ito sa isang sisidlan upang dalhin ang mga ito.
|
|
\v 11 Pagkatapos dapat nilang ilatag ang isa pang asul na tela sa ibabaw ng gintong altar na ginamit sa pagsusunog ng insenso. Sa ibabaw nito dapat nilang ilatag ang isang pantakip na gawa sa mga balat ng dugong. Pagkatapos dapat nilang ipasok sa mga argolya ng altar ang mga pasanan para buhatin ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Dapat nilang dalhin ang lahat ng ibang kagamitan na nasa loob ng banal na tolda at balutin ang mga iyon ng isang asul na tela, takpan ito ng isang pantakip na gawa sa mga balat ng dugong, at ilagay ang lahat ng iyon sa isang sisidlan para sa pagbubuhat nito.
|
|
\p
|
|
\v 13 Pagkatapos, dapat nilang alisin ang mga abo mula sa altar kung saan sila nagsusunog ng mga alay. Pagkatapos dapat nilang takpan ang altar ng isang asul na tela.
|
|
\v 14 At dapat nilang ilatag sa ibabaw ng tela ang lahat ng mga kasangkapang ginamit sa altar—ang mga kawali para sa pagdadala ng mga maiinit na uling, ang mga tinidor na pang-karne, ang mga pala, ang mga mangkok na pinaglalagyan ng dugo para iwisik sa mga tao, at lahat ng iba pang lalagyan. At, dapat nilang ilatag sa lahat ng mga kasangkapan na iyon ang isang pantakip na gawa sa mga balat ng dugong. Pagkatapos, dapat nilang ipasok sa mga argolya na nasa mga gilid ng altar ang mga pasanan para buhatin ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Nang matapos takpan nila Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang lahat ng sagradong kagamitang ito, ang mga tao ng Israel ay maghahanda upang lumipat sa isang bagong lugar. Dapat pumunta at dalhin ng mga kaapu-apuhan ni Kohat ang lahat ng mga sagradong kagamitan papunta sa susunod na lugar kung saan itatayo ng mga Israelita ang kanilang mga tolda. Ngunit hindi dapat hawakan ng mga kaapu-apuhan ni Kohat ang alinman sa mga sagradong kasangkapang iyon, dahil mamamatay sila agad kapag hinawakan nila ang mga ito. Sila ang magdadala sa mga bagay na ito, subalit hindi nila dapat hawakan ang mga ito.
|
|
\p
|
|
\v 16 Ang gagawin ni Eleazar na anak ni Aaron ay pangalagaan ang langis ng olibo para sa mga ilawan, ang mabangong halimuyak ng insenso, ang harina na susunugin sa altar bawat araw, at ang langis ng olibo para sa pagpapahid sa mga pari. Si Eleazar ang mangangasiwa sa gawain na ginagawa sa sagradong tolda, at sa kalalakihan na nangangalaga sa lahat ng bagay na narito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kina Aaron at Moises,
|
|
\v 18-20 "Kapag lumapit ang mga kaapu-apuhan ni Kohat sa mga sagradong kasangkapan sa sagradong tolda upang dalhin ang mga ito sa ibang lugar, si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ang dapat palaging pumasok kasama nila at ipakita sa bawat isa sa kanila kung ano ang gagawin at ano ang dadalhin. Subalit hindi dapat pumasok ang mga kaapu-apuhan ni Kohat sa sagradong tolda ng anumang oras at tingnan ang mga kagamitan na naroon. Kapag ginawa nila iyon, aalisin ko ang lahat ng kaapu-apuhan ni Kohat."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
|
|
\p
|
|
\v 22 "Isulat mo ang mga pangalan ng kalalakihang napabilang sa mga angkan na nagmula kay Gerson.
|
|
\v 23 Isulat mo ang mga pangalan ng kalalakihan na nasa pagitan ng tatlumpu at limampung taong gulang. Sila ang kalalakihang maninilbihan rin sa sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 24 Ito ang gawain na dapat nilang gawin at mga kagamitan na dapat nilang dalhin kapag lilipat sila sa isang panibagong lugar:
|
|
\p
|
|
\v 25 Dapat nilang dalhin ang mga kurtina ng Sagradong Tolda. Dapat nilang dalhin ang sagradong tolda at ang lahat ng bagay na bumabalot rito, kasama ang panlabas na takip na gawa mula sa mga balat ng dugong, at ang kurtina na nasa pasukan ng sagradong tolda.
|
|
\v 26 Dapat rin nilang dalhin ang mga kurtina na nagsisilbing pader na nakapalibot sa patyo na nakapalibot sa sagradong tolda at sa altar, ang kurtinang nasa pasukan papuntang patyo, at ang mga lubid na pinangtatali sa mga kurtina. Dapat rin nilang gawin ang pagbabalot at pagbubuhat ng mga kagamitang ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 27 Si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ang mamamahala sa gawain ng lahat ng kaapu-apuhan ni Gerson. Kasama sa trabahong iyon ang pagbubuhat ng mga kagamitan at paggawa ng ibang mga trabaho na kinakailangan para sa paglilipat ng mga ito. Dapat nilang sabihan ang bawat isa sa mga kaapu-apuhan ni Gerson kung anong mga bagay ang dapat nilang dalhin.
|
|
\v 28 Iyon ang mga alituntunin na dapat mong ibigay sa kalalakihan kabilang sa mga angkan na nagmula kay Gerson. Si Itamar na anak na lalaki ni Aaron ang siyang mamamahala sa kanilang gawain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 29 Bilangin mo rin ang mga angkan na kabilang sa mga nagmula kay Merari.
|
|
\v 30 Isulat mo ang mga pangalan ng kalalakihang nasa pagitan ng tatlumpu at limampung taong gulang. Sila rin ang kalalakihang magtatrabaho sa sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Ang kanilang gawain ay dalhin ang mga balangkas na humahawak sa banal na tolda, ang mga pahalang na poste, ang mga poste na humahawak sa mga kurtina, at ang mga pundasyon.
|
|
\p
|
|
\v 32 Dapat din nilang dalhin ang mga poste para sa mga kurtina na nagsisilbing mga pader ng patyo at ang mga pundasyon para sa mga poste, ang mga pako ng tolda, at ang mga lubid para itali ang mga kurtina. Sabihin mo sa bawat lalaki kung ano ang mga bagay na dapat nilang dalhin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Iyon ang mga tungkulin na dapat gawin ng mga kaapu-apuhan ni Merari sa sagradong tolda. Si Itamar na anak na lalaki ni Aaron ang siyang mamamahala sa kanila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 34 Kaya binilang nina Aaron at Moises at ng mga pinuno ng Israelita ang mga kaapu-apuhan ni Kohat, isinulat din ang mga pangalan ng kanilang mga angkan at mga grupo ng pamilya.
|
|
\v 35 Binilang nila ang lahat ng kalalakihan na nasa pagitan ng tatlumpu at limampung taong gulang na kayang magtrabaho sa sagradong tolda.
|
|
\v 36 Ang kabuuang bilang ay 2,750 na kalalakihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Sila ang mga kaapu-apuhan ni Kohat na kayang magtrabaho sa sagradong tolda. Binilang sila nina Aaron at Moises gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 38 Binilang din nila ang mga kaapu-apuhan ni Gerson, isinulat rin nila ang mga pangalan ng kanilang mga angkan at mga grupo ng pamilya.
|
|
\v 39 Binilang nila lahat ng kalalakihan na nasa pagitan ng tatlumpu at limampung taong gulang na kayang magtrabaho sa sagradong tolda.
|
|
\v 40 Ang kabuuan bilang ay 2,630 na kalalakihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Sila ang mga kaapu-apuhan ni Gerson na kayang magtrabaho sa sagradong tolda. Binilang sila nina Aaron at Moises gaya ng inutos ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 42 Binilang rin nila ang mga kaapu-apuhan ni Merari, isinulat rin nila ang mga pangalan ng kanilang mga angkan at mga grupo ng pamilya.
|
|
\v 43 Binilang nila ang lahat na kalalakihan na nasa pagitan ng tatlumpu at limampung taong gulang na maaaring magtrabaho sa sagradong tolda.
|
|
\v 44 Ang kabuuang bilang ay 3,200 na kalalakihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 45 Sila ang mga kaapu-apuhan ni Merari na kayang magtrabaho. Binilang sila nina Aaron at Moises gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 46 Kaya binilang nina Aaron at Moises at ng mga pinuno ng Israelita ang lahat ng mga kaapu-apuhan ni Levi, isinulat rin ang mga pangalan ng kanilang mga angkan at mga grupo ng pamilya.
|
|
\v 47 Binilang nila ang lahat ng kalalakihan na nasa pagitan ng tatlumpu at limampung taong gulang. Sila ang mga kayang magtrabaho sa sagradong tolda at nagdala ng tolda at lahat ng bagay na may kaugnayan rito.
|
|
\v 48 Ang kabuuang bilang ay 48 8,580 na kalalakihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 49 Natapos nilang bilangin ang lahat ng kaapu-apuhan ni Levi, gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises. At sinabi nila sa bawat lalaki kung ano ang trabaho na kanilang gagawin at kung ano ang mga bagay na dapat niyang dalhin kapag lilipat sila sa isang panibagong lugar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 2 "Sabihin mo ito sa mga Israelita: 'Dapat paalisin ninyo mula sa inyong kampo ang sinumang lalaki o babae na may ketong at sinumang nilalabasan ng kaunting tubig mula sa kaniyang katawan, at sinumang naging hindi katanggap-tanggap sa Diyos dahil sa paghawak ng isang bangkay.
|
|
\v 3 Ilayo ninyo sila upang hindi sila makakahawak ng mga tao sa lugar ng kampo kung saan naninirahan akong kasama ninyo at magdudulot sa kanila na maging hindi katanggap-tanggap sa akin."'
|
|
\v 4 Kaya sinunod ng mga taong Israelita kung ano ang inutos ni Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Sinabi din ni Yahweh kay Moises,
|
|
\p
|
|
\v 6 "Sabihin mo ito sa mga Israelita: 'Kung nakagawa ang taong iyon ng isang krimen laban sa isa pang tao, ituturing kong sa akin nakagawa ng mali ang taong iyon.
|
|
\p
|
|
\v 7 Dapat umamin ang taong iyon na siya ay may kasalanan, at dapat siyang magbayad sa taong nagawan ng mali kung ano ang itinuturing ng iba na angkop na kabayaran para sa kaniyang nagawa, at dapat siyang magbayad ng dagdag na 20 porsiyento.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kung namatay ang taong nagawan niya ng mali at walang kamag-anak na maaaring tumanggap sa perang bayad, kung gayon, mapapabilang sa akin ang pera, at dapat itong bayaran sa pari. Bilang karagdagan, dapat magbigay ang taong gumawa ng kamalian ng isang lalaking tupa sa pari upang ialay nang sa gayon ang kasalanan ng taong iyon ay mapapatawad.
|
|
\p
|
|
\v 9 Lahat ng sagradong handog na idinulog ng mga Israelita sa akin at dinala nila sa pari ay mapapabilang sa pari.
|
|
\p
|
|
\v 10 Maaaring itago ng pari ang mga kaloob na iyon.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Sinabi rin ito ni Yahweh kay Moises:
|
|
\p
|
|
\v 12 "Sabihin mo ito sa mga Israelita: 'Ipagpalagay na nag-iisip ang isang lalaki na ang kaniyang asawa ay hindi lamang sa kaniya palaging matapat na sumisiping.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ipagpalagay na iniisip niya na sumiping ang kaniyang asawa sa isa pang lalaki, ngunit walang sinumang nakakaalam kung ito ay totoo o hindi, dahil walang nakakita sa kaniya na ginagawa iyon.
|
|
\p
|
|
\v 14 Ngunit kung nagseselos ang asawa ng babae, at kung pinaghihinalaan niya na nakagawa ang kaniyang asawa ng pangangalunya, at gusto niyang malaman kung iyon ba ay totoo o hindi,
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 dapat niyang dalhin ang kaniyang asawa sa pari. Dapat siyang magdala ng dalawang litrong harinang sebada bilang isang handog. Hindi dapat itong buhusan ng pari ng langis ng olibo o insenso, dahil ito ay handog na dinala ng lalaki dahil nagseselos siya. Ito ay isang handog upang malaman kung siya ay may kasalanan o wala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Dapat sabihan ng pari ang babae na tumayo sa harapan ng altar sa aking presensya.
|
|
\p
|
|
\v 17 Dapat siyang maglagay ng sagradong tubig sa isang luwad na tapayan, at pagkatapos dapat niyang lagyan ang tubig ng ilang dumi mula sa sahig ng sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Dapat niyang tanggalin ang tali sa buhok ng babae. Pagkatapos dapat siyang maglagay ng harinang handog sa kamay ng babae na inihandog ng asawa niyang nagseselos upang malaman kung siya ba ay nakagawa ng pangangalunya o hindi. Dapat hawakan ng pari ang mangkok na naglalaman ng mapait na tubig na magdudulot ng sumpa sa babae kung siya ay may kasalanan.
|
|
\v 19 Dapat atasan siya ng pari na magpahayag siya mataimtim na magsasabi siya ng katotohanan. Dapat niyang sabihin sa kaniya, "Mayroon bang ibang lalaking sumiping sa iyo? Naging matapat ka ba sa pagsiping sa iyong asawa lamang o hindi? Kung hindi ka sumiping sa ibang lalaki, walang masamang mangyayari sa iyo kung iinumin mo ang tubig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Ngunit kung sumiping ka sa ibang lalaki, isusumpa ka ni Yahweh.
|
|
\p
|
|
\v 21-22 Matitigang ang iyong sinapupunan at mamamaga ang iyong tiyan. Hindi ka na magkakaanak, at bilang resulta, isusumpa at iiwasan ka ng lahat. Kung nakagawa ka ng pangangalunya, kapag ininom mo ang tubig na ito, iyan ang mangyayari sa iyo." At ito ang dapat tugon ng babae, "Kung may kasalanan ako, hindi ako tututol kung mangyayari iyan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Pagkatapos dapat isulat ng pari ang mga sumpang ito gamit ang tinta sa isang maliit na balumbon at pagkatapos huhugasan ang tinta sa mapait na tubig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24-25 Dapat kunin ng pari mula sa babae ang handog na harinang sebada na kaniyang hinahawakan; dapat niyang itaas ito upang ihandog ito sa akin. Pagkatapos, dapat niyang ilagay ito sa altar
|
|
\v 26 at sunugin ang bahagi nito bilang handog. At dapat inumin ng babae ang mapait na tubig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Kung nakagawa ng pangangalunya ang babae sa halip na matapat lamang siyang sumiping sa kaniyang asawa, magdudulot sa kaniya ng pagpapahirap ang tubig. Mamamaga ang kaniyang tiyan at magiging tigang ang kaniyang sinanapupunan, at hindi siya magkakaanak. At isusumpa siya ng kaniyang mga kamag-anak.
|
|
\p
|
|
\v 28 Ngunit kung inosente siya, hindi mapipinsala ang kaniyang katawan, at magkakaanak pa rin siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 29 Iyon ay ang ritwal na dapat gawin kapag ang isang babae na may asawa ay nagkasala sa pamamagitan ng pangangalunya,
|
|
\v 30 o kapag nagseselos ang isang lalaki at naghihinalang sumiping ang kaniyang asawa sa ibang lalaki. Dapat sabihin ng pari na tumayo ang babae sa altar sa aking presensya at sundin ang mga tagubiling ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Kung hindi ginawa ng babae ang hinihinala ng kaniyang asawa, hindi siya paparusahan sa paggawa ng maling bagay sa pamamagitan ng pagdadala sa kaniyang asawa sa pari. Ngunit kung may kasalanan ang kaniyang asawa, bilang resulta, magdurusa siya.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises:
|
|
\p
|
|
\v 2 "Sabihin mo ito sa mga Israelita: Kung sinuman sa inyo ang gustong gumawa ng isang taos pusong pangako upang ihandog ang kaniyang sarili upang mapabilang sa akin sa isang katangi-tanging paraan, pagkatapos mong sundin ang mga tagubilin na ito, tatawagin ka na isang Nazareo, na nangangahulugan 'isang taong naihandog.'
|
|
\v 3 Dapat hindi ka iinom ng anumang alak o ibang nakakalasing na inumin. Dapat hindi ka iinom ng katas ng ubas o kakain ng mga ubas o mga pasas.
|
|
\v 4 Dapat hindi ka kakain ng anumang bagay na nagmula sa puno ng ubas, kahit na ang mga balat o mga buto ng mga ubas, sa loob ng panahon na ikaw ay isang Nazareo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Ihahandog sa akin kahit na ang iyong buhok sa panahong ikaw ay isang Nazareo, kaya hindi mo dapat hahayaan ang sinumang putulin ang iyong buhok. Hanggang sa panahong matapos ang iyong taos pusong pangako upang ihandog ang iyong sarili sa akin, dapat hayaan mong humaba ang iyong buhok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 At dapat hindi ka lalapit sa isang bangkay sa panahong ikaw ay isang Nazareo.
|
|
\v 7 Kahit na ang taong namatay ay iyong ama, o iyong ina, o iyong kapatid na lalaki, o iyong kapatid na babae, dapat hindi mo idudulot ang iyong sarili na magiging hindi katanggap-tanggap sa akin sa pamamagitan ng paglapit mo sa bangkay. Ang iyong mahabang buhok ay nagpapakita na ikaw ay pag-aari ko sa isang natatanging paraan, kaya dapat mong gawin kung ano ang iyong taos-pusong ipinangako at hindi puputulin ang iyong buhok.
|
|
\p
|
|
\v 8 Naatasan kang patuloy na gawin ito sa lahat ng panahon na naihandog ka sa akin sa ganitong natatanging paraan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Kapag biglang namatay ang sinuman nang siya ay malapit sa iyo, ang iyong buhok na inihandog mo sa akin ay hindi na sagrado. At kailangan mong maghintay ng pitong araw at pagkatapos, ahitin mo lahat ng buhok mo. Pagkatapos dapat kang magsagawa ng isang natatanging seremonya upang magdulot sa iyong sarili na magiging katanggap-tanggap muli sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Sa sumunod na araw dapat kang magdala ng dalawang kalapati at dalawang batang kalapati sa pasukan ng sagradong tolda.
|
|
\v 11 Dapat patayin ng pari ang mga ibon at ihandog ang mga ito bilang mga alay. Isa sa mga ito ay magiging handog upang alisin ang iyong pagkakasala, at ang isa ay magiging handog na susunuging ganap upang masiyahan ako. Pagkatapos susunugin ng pari ang mga ito sa altar, ikaw ay patatawarin ko para sa pagiging malapit sa isang bangkay, at kapag muling humaba ang iyong buhok, ito ay ihahandog muli sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Hindi kasama sa bilang ang tagal ng panahong inilaan ka sa akin ang nakaraang panahon, dahil ikaw ay hindi naging katanggap-tanggap sa akin sa pamamagitan ng paglapit sa isang bangkay sa panahong ikaw ay isang Nazareo. Kaya dapat muli kang gumawa ng isang taos-pusong pangako upang ihandog mo ang iyong sarili sa akin para sa kabuuang tagal ng panahon na ikaw ay inihandog sa nakaraang panahon. At dapat kang mag-alay ng isang taong gulang na tupa upang alisin ang iyong kasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Kapag natapos na ang panahon na iyong ipinangako upang ihandog ang iyong sarili sa akin, pumunta ka sa pasukan ng sagradong tolda
|
|
\p
|
|
\v 14 at ialay bilang mga handog para sa akin ang tatlong hayop na walang kapintasan. Ihandog mo ang isang taong gulang na lalaking tupa na susunuging ganap, isang taong gulang na babaeng tupa bilang isang alay upang alisin ang iyong kasalanan at ang isang lalaking tupa na may sapat na gulang bilang isang alay upang ibalik ang pakikipag-isa sa akin.
|
|
\p
|
|
\v 15 Kapag dadalhin mo ang mga hayop na iyon, dapat magdala ka rin ng kaunting alak upang ihandog bilang isang alay. At dapat magdala ka rin ng isang buslo ng tinapay na iyong ginawa sa pinakamainam na harina at langis ng olibo. Ngunit hindi mo dapat lagyan ng anumang pampaalsa ang tinapay. Pahiran din ng kaunting olibong langis ang ilang wafer na tinapay at dalhin ang mga ito sa pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Ilalagay ng pari ang batang tupa at ang batang lalaking tupa sa altar at sunuging ganap ang mga ito, upang masiyahan ako at patatawarin kita.
|
|
\v 17 Pagkatapos papatayin niya ang lalaking tupa na may sapat na gulang bilang isang alay upang ibalik ang iyong pakikipag-isa sa akin, at susunugin din niya sa altar ang ilan sa tinapay at ang harina at alak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Pagkatapos nito, ikaw ay dapat tumayo sa pasukan ng sagradong tolda at ahitin mo ang iyong buhok. Pagkatapos, dapat mong ilagay ang iyong buhok sa apoy na nasa ilalim ng hayop na inialay sa ibabaw ng altar upang ibalik ang iyong pakikipag-isa sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Dapat pakuluan ang karneng mula sa balikat ng lalaking tupa. Pagkatapos nitong maluto, kukunin ito ng pari kasama ng isang tinapay at isang wafer na tinapay na pinahiran ng langis ng olibo, at ilalagay niya ang mga ito sa iyong mga kamay.
|
|
\p
|
|
\v 20 At muling kukunin ng pari ang mga ito at itaas upang ihandog ang sa akin. Ngayon, ang mga ito ay pag-aari ng pari, at siya ay napahintulutan na kainin ang ilan sa mga karne mula sa balikat ng lalaking tupa at mula sa mga tadyang at mula sa isa sa mga hita, dahil ang karneng iyon ay kaniyang bahagi sa alay. Pagkatapos nito, hindi ka na isang Nazareo, at maaari ka nang uminom ng alak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Iyon ang mga alituntunin tungkol sa mga handog na taos pusong ipinangako ng Nazareo upang dalhin sa akin para wakasan ang kanilang panahong inihandog sa akin. Dapat nilang dalhin ang mga alay na ito, ngunit kung gusto nila, maaari silang magdala ng karagdagang mga handog. At dapat nilang gawin ang lahat ng bagay na kanilang taos pusong ipinangako upang gawin kapag naihandog nila sa akin ang kanilang mga sarili."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
|
|
\p
|
|
\v 23 Sabihin mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki na kapag hilingin nila sa akin upang pagpalain ang mga tao, dapat nilang sabihin,
|
|
\p
|
|
\v 24 'Ninanais kong pagpalain ka ni Yahweh at inatan,
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 at siya ay matuwa sa iyo at gumawa ng kabutihan sa iyo,
|
|
\p
|
|
\v 26 at siya ay magiging mabuti sa iyo at magdulot ng mga bagay na mainam para sa iyo.'"
|
|
\p
|
|
\v 27 Pagkatapos, sinabi ni Yahweh, "Kung hihilingin ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki na pagpalain ko ang mga Israelita, talagang pagpapalain ko sila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang matapos itayo ni Moises ang sagradong tolda, binuhusan niya ito ng langis, at inilaan ito para sa karangalan ni Yahweh. Itinalaga din niya ang mga bagay na nasa loob ng banal na tolda at ang altar para sa susunuging mga alay, at lahat ng bagay na gagamitin sa altar.
|
|
\v 2 Pagkatapos, ang mga pinuno ng labindalawang tribu ng mga Israelita, parehong ang mga kalalakihang tumulong kina Moises at Aaron na bilangin ang mga lalaking kayang lumaban sa labanan,
|
|
\v 3 lumapit sa sagradong tolda at nagdala ng mga regalo kay Yahweh. Nagdala sila ng anim na matibay na kariton at labindalawang lalaking baka, isang lalaking baka mula sa bawat pinuno at isang kariton mula sa bawat dalawang pinuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 5 "Tanggapin mo ang mga regalong ito, upang magamit ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang mga ito sa pagdadala ng mga sagradong bagay na narito sa sagradong tolda."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Kaya kinuha ni Moises ang mga kariton at mga lalaking baka at binigay sa mga kaapu-apuhan ni Levi.
|
|
\v 7 Ibinigay niya ang dalawang kariton at apat na lalaking baka sa mga kaapu-apuhan ni Gerson,
|
|
\p
|
|
\v 8 at apat na kariton at walong lalaking baka sa mga kaapu-apuhan ni Merari para sa kanilang gawain. Si Itamar na lalaking anak ni Aaron ang tagapangasiwa sa lahat ng kanilang gawain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ngunit hindi niya binigyan ng kahit anumang kariton o lalaking baka ang mga kaapu-apuhan ni Kohat, dahil sila ang nangangalaga sa mga sagradong kagamitang papasanin nila sa kanilang balikat, hindi sa mga kariton.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sa araw na itinalaga ni Moises ang altar, nagdala ng iba pang mga regalo ang labindalawang pinuno upang ilaan at ilagay ang mga ito sa harapan ng altar.
|
|
\p
|
|
\v 11 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Bawat isa sa susunod na labindalawang araw, isang pinuno ang dapat magdala ng kaniyang mga regalo para sa paglalaan ng altar."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12-13 Sa unang araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Aminadab na si Naason, mula sa tribu ni Juda: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak na may bigat na 0.8 kilo, kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng langis ng olibo upang maging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan,
|
|
\p
|
|
\v 14 isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15-17 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay para alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18-19 Sa ikalawang araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Zuar na si Nethanael, na pinuno mula sa tribu ni Isacar: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak na may bigat na 0.8 kilo. Kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng langis ng olibo upang magiging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan, isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20-23 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay para alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 24-26 Sa ikatlong araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Helon na si Eliab, na pinuno sa tribu ni Zebulon: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak na may bigat na 0.8 kilo. Kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng olibong langis na maging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan, isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27-29 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa upang ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay upang alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 30-32 Sa ikaapat na araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Sedeur na si Elizur, na pinuno sa tribu ni Reuben: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak na may bigat na 0.8 kilo. Kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng langis ng olibo upang maging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan, isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo, na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33-35 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay upang alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 36-38 Sa ikalimang araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Zurisadai na si Selumiel, na pinuno sa tribu ni Simeon: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak na may bigat na 0.8 kilo. Kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng langis ng olibo na maging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan, isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo, na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39-41 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay upang alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 42-44 Sa ikaanim na araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Deuel na si Eliasaf, na pinuno sa tribu ni Gad: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak namay bigat na 0.8 kilo. Kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng langis ng olibo na maging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan, isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo, na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 45-47 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay upang alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 48-50 Sa ikapitong araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Amiud na si Elishama, na pinuno sa tribu ni Efraim: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak na may bigat na 0.8 kilo. Kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng langis ng olibo na maging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan, isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo, na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 51-53 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay upang alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa natig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 54-56 Sa ikawalong araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Pedazur na si Gamaliel, na pinuno sa tribu ni Manases: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak na may bigat na 0.8 kilo. Kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng langis ng olibo na maging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan, isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo, na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 57-59 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay upang alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 60-62 Sa ikasiyam na araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Gideon na si Abidan, na pinuno sa tribu ni Benjamin: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak na may bigat na 0.8 kilo. Kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng langis ng olibo na maging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan, isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo, na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 63-65 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay upang alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 66-68 Sa ikasampung araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Ammisadai na si Ahiezer, na pinuno sa tribu ni Dan: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak na may bigat na 0.8 kilo. Kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng langis ng olibo na maging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan, isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo, na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 69-71 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay upang alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 72-74 Sa ikalabing isang araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Ocran na si Pagiel, na pinuno sa tribu ni Aser: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak na may bigat na 0.8 kilo. Kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng langis ng olibo na maging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan, isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo, na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 75-77 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking kordero na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay upang alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 78-80 Sa ikalabing dalawang araw, nagdala ng kaniyang mga regalo ang anak ni Enan na si Ahira, na pinuno sa tribu ni Neftali: isang pilak na pinggan na may bigat na mahigit 1.5 kilo at isang mangkok na pilak na may bigat na 0.8 kilo. Kapwa puno ang mga ito ng mainam na harina at hinaluan ng langis ng olibo upang magiging mga harinang handog. Kapwa tinimbang ang mga ito gamit ang pamantayang timbangan, isang maliit na gintong pinggan na may bigat na 113 gramo, na puno ng insenso,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 81-83 isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog sa altar, isang lalaking kambing na iaalay upang alisin ang kasalanan ng tao, at dalawang toro, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 84-86 Nang itinalaga ang altar kay Yahweh, dinala ng labindalawang pinuno ang mga regalong ito: labindalawang pilak na pinggan at labindalawang mangkok na pilak, na may kabuuang bigat na dalawampu't walong kilo, bawat isa sa mga ito ay tinimbang sa mga timbangang nakatago sa sagradong tolda, labindalawang gintong pinggan na puno ng insenso, na may kabuuang bigat na 1.4 kilo, bawat isa ay tinimbang sa parehong timbangang iyon,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 87-88 labindalawang toro, labindalawang lalaking tupa at labindalawang lalaking tupa na isang taong gulang na ganap na iaalay sa pamamagitan ng pagsunog kasama ang mga harinang handog, labindalawang kambing na iaalay upang alisin ang kasalanan ng tao, at dalawampu't apat na toro, animnapung lalaking tupa, animnapung kambing at animnapung lalaking tupa na tig-iisang taong gulang, na iaalay upang ibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 89 Nang pumasok si Moises sa sagradong tolda upang makipag-usap kay Yahweh, narinig niya ang tinig ni Yahweh na nasa pagitan ng dalawang anyo ng nilalang na may mga pakpak na nasa ibabaw ng takip ng sagradong na kaban.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 2 "Sabihin mo kay Aaron na ilagay niya ang pitong ilawan sa patungan ng ilawan at ilagay ang mga ito sa isang paraan na magliliwanag sila patungo sa harapan ng patungan ng ilawan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kaya sinabi sa kaniya ni Moises ang sinabi ni Yahweh, at ginawa niya iyon.
|
|
\v 4 Ginawa ang patungan ng ilawan mula sa pinanday na ginto mula sa isang malaking tipak ng ginto, mula sa paanan nito hanggang sa mga palamuting nasa ibabaw na katulad ng mga bulaklak. Ginawa nang tamang-tama ang ilawan ayon sa sinabi ni Yahweh kay Moises na dapat niyang gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
|
|
\p
|
|
\v 6 "Dapat gawin mong maging katanggap-tanggap ang mga kaapu-apuhan ni Levi sa akin sa pamamagitan ng paglalaan mo sa kanila mula sa ibang taong Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Gawin mo ito sa pamamagitan ng pagwiwisik mo sa kanila ng tubig na magsisimbolo sa kanilang pagiging malaya mula sa kanilang mga pagkakasala.
|
|
\p
|
|
\v 8 Pagkatapos, dapat nilang ahitin ang lahat ng buhok sa kanilang katawan at labhan ang kanilang mga damit. At dapat silang magdala ng isang toro at kaunting harinang hinaluan ng langis ng olibo. Susunugin ang mga iyon bilang mga alay. Dapat din silang magdala ng isa pang toro na magiging alay upang alisin ang kanilang kasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Pagkatapos dapat mong tawagin ang lahat ng Israelita na magkatipon sa harapan ng sagradong tolda, upang magkatipon sa palibot ng mga kaapu-apuhan ni Levi.
|
|
\p
|
|
\v 10 At dapat ipatong ng mga Israelita ang kanilang mga kamay sa mga kaapu-apuhan ni Levi.
|
|
\v 11 Pagkatapos, dapat silang idulog ni Aaron sa akin upang maging isang regalo mula sa mga taong Israelita, para bang itinaas niya sila sa akin, upang makapaglingkod sila para sa akin sa sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pagkatapos nito, dapat ilagay ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang kanilang mga kamay sa ulo ng dalawang toro. Pagkatapos papatayin ang toro at susunugin sa altar. Ang isa ay magiging alay upang alisin ang kanilang kasalanan, at magiging ganap na susunugin ang isa upang masiyahan ako.
|
|
\p
|
|
\v 13 Pagkatapos, dapat tumayo ang mga kaapu-apuhan ni Levi sa altar sa harapan ni Aaron at ng kaniyang mga anak at dapat mo silang ihandog sila akin, para bang itinaas mo sila sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Magpapakita ang ritwal na ito na nailaan ang mga kaapu-apuhan ni Levi mula sa ibang Israelita at nabibilang sila sa akin.
|
|
\v 15 Matapos gawing katanggap-tanggap sa akin ang mga kaapu-apuhan ni Levi, at idinulog sa akin katulad ng isang natatanging handog na para bang itinaas sila sa akin at makakapagsimula na silang maglingkod sa sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Mapapabilang sila sa akin. Maglilingkod sila para sa akin bilang kapalit ng mga lalaking panganay ng lahat ng Israelita, na kabilang din sa akin.
|
|
\v 17 Ang lahat ng kalalakihang panganay sa Israel, kapwa mga tao at mga hayop ay akin. Nang idinulot ko na mamatay ang buong panganay na lalaki ng mga tao ng Ehipto, inilaan ko sila para sa aking sarili. Ngunit iniligtas ko ang lahat ng lalaking panganay ng mga Israelita, ng mga tao at mga hayop dahil akin sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Ngunit ngayon pinili ko ang kaapu-apuhan ni Levi upang maging kapalit ng mga lalaking panganay na anak ng ibang Israelita.
|
|
\v 19 Hinirang ko ang mga kaapu-apuhan ni Levi upang tulungan si Aaron at ang kaniyang mga anak sa sagradong tolda, gaya ng pag-aalay ni Aaron at ng kaniyang mga anak upang kunin ang kasalanan ng mga taong Israelita, at upang pigilan ang mga Israelita sa paglapit sa tolda na magreresulta ng isang salot na magdudulot ng karamahin sa kanila na magkasakit at mamatay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Tinulungan nina Moises, Aaron at ng ibang Israelita ang mga kaapu-apuhan ni Levi na gawin ang lahat ng bagay na inutos ni Yahweh.
|
|
\v 21 Winisikan ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang kanilang sarili ng tubig upang sumimbolo na nakalaya na sila mula sa kanilang pagkakasala, at nilabhan nila ang kanilang mga damit. Pagkatapos dinala sila ni Aaron sa altar upang idulog sila kay Yahweh, na para bang itinaas niya sila sa kaniya, at naghandog siya ng mga alay upang alisin ang kanilang kasalanan at magdudulot sa kanila na maging katanggap-tanggap kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 22 Pagkatapos noon, nagsimulang maglingkod ang mga kaapu-apuhan ni Levi sa sagradong tolda upang alalayan si Aaron at ang kaniyang mga anak lalaki. Ginawa nila iyon gaya ng iniutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Sinabi rin ito ni Yahweh kay Moises:
|
|
\v 24 "Maninilbihan sa banal na tolda ang sinumang kaapu-apuhan ni Levi na nasa pagitan ng dalawampu't-limang taong gulang at limampung taong gulang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Ngunit pagkatapos nilang maging limampung taong gulang, dapat silang huminto.
|
|
\v 26 Maaari nilang tulungan ang kanilang kasamahang kaapu-apuhan ni Levi na gawin ang kanilang gawain sa sagradong tolda, ngunit hindi nila dapat gawin ang gawain nang sila lamang. Iyan ang dapat mong sabihin sa kanila tungkol sa gawaing gagawin nila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Isang taon matapos umalis ang mga Israelita sa Ehipto, sa unang buwan ng ikalawang taon, habang nandoon sila sa ilang ng Sinai, sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 2 "Sabihin mo sa mga taong Israelita na dapat muli nilang ipagdiwang ang Paskua.
|
|
\v 3 Dapat nilang gawin ito sa ikalabing-apat na araw ng buwang ito, sa dapit-hapon at dapat nilang sundin ang lahat ng mga tagubilin tungkol dito na ibinigay ko na sa inyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Kaya sinabi ni Moises sa mga tao kung ano ang sinabi ni Yahweh tungkol sa pagdiriwang ng Paskua.
|
|
\v 5 Ipinagdiwang ito ng mga tao roon sa ilang ng Sinai, sa gabi ng ikalabing-apat na araw ng buwan, gaya ng iniutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 6 Ngunit nakahipo ng isang bangkay ang ilang mga taong Israelita, at bilang resulta naging hindi sila karapat-dapat upang ipagdiwang ang Paskua. Kaya tinanong nila sina Aaron at Moises,
|
|
\p
|
|
\v 7 "Totoong nakahipo kami ng isang bangkay. Ngunit, bakit tayo hahadlangan noon sa pagdiriwang ng pista ng Paskua at maghandog ng mga alay kay Yahweh tulad ng iba?"
|
|
\p
|
|
\v 8 Sumagot si Moises, "Maghintay kayo rito hanggang sa makapasok ako sa sagradong tolda at alamin kung ano ang sasabihin ni Yahweh tungkol dito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Kaya pumunta si Moises sa tolda at tinanong si Yahweh kung ano ang dapat niyang sabihin sa mga tao at ito ang sinabi ni Yahweh:
|
|
\v 10 "Sabihin mo ito sa mga taong Israelita: 'Kung sinuman sa inyo o sa inyong kaapu-apuhan ang humipo ng bangkay at bilang resulta ay magiging hindi katanggap-tanggap sa akin, o kung malayo kayo sa inyong bahay sa isang mahabang paglalakbay sa panahon ng pagdiriwang ng pista ng Paskua; pinahihintulutan pa rin kayong ipagdiwang ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Ngunit dapat ninyong ipagdiwang ito sa ganap na paglipas ng isang buwan, sa dapit-hapon sa ikalabing-apat na araw ng buwang iyon. Kainin ninyo ang karne ng tupa para sa pista ng Paskua kasama ang tinapay na inihurno na walang lebadura at kumain ng mapait na mga gulay.
|
|
\p
|
|
\v 12 Huwag kayong magtitira ng anuman sa mga ito hanggang sa susunod na umaga. At huwag magbali ng anumang buto ng tupa. Sundin lahat ng alituntunin tungkol sa pagdiriwang ng Paskua.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ngunit kung sinuman sa inyo ang walang ginawang anumang bagay upang gawin kayong hindi karapat-dapat na ipagdiwang ang pista ng Paskua, at hindi kayo lumayo mula sa inyong tahanan sa isang mahabang paglalakbay at hindi kayo nag-alay sa akin sa kaukulang panahon, hindi na kayo kabilang sa aking mga tao. Parurusahan ko kayo.
|
|
\v 14 Ang mga dayuhang naninirahan sa inyo ay dapat ding ipagdiwang ang pista ng Paskua at kung sinunod nila lahat ng aking utos patungkol dito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15-16 Noong araw na itinayo ang sagradong tolda, binalot ito ng ulap. Ngunit mula sa panahon na lumubog ang araw hanggang sa panahon na sumikat ang araw sa sumunod na umaga, ang ulap ay nagliliwanag na tulad ng apoy. At iyon ang nangyayari sa bawat araw na nasa ilang ang mga Israelita.
|
|
\p
|
|
\v 17 Kapag umakyat ang ulap at nagsimulang kumilos papunta sa isang bagong lugar, sinusundan ito ng mga Israelita. Kapag huminto ang ulap titigil ang mga Israelita roon at itatayo ang kanilang mga tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Lumilipat ang mga Israelita kapag sinabi ni Yahweh sa kanila kung kailan sila lumipat at kung kailan sila titigil sa pamamagitan ng paglipat o pagtigil ng ulap. Kapag mananatili ang ulap sa ibabaw ng sagradong tolda, mananatili ang mga Israelita sa lugar na iyon.
|
|
\v 19 Minsan mananatili ang ulap sa ibabaw ng sagradong tolda nang mahabang panahon, kaya kapag nangyari iyon, hindi lilipat ang mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Minsan nananatili ang ulap sa ibabaw ng sagradong tolda ng kaunting araw lamang. Titigil ang mga tao at magtatayo ng kanilang mga tolda gaya ng iniutos ni Yahweh sa kanila at lilipat sila sa bagong lugar kapag iniutos ni Yahweh sa kanila na gawin iyon.
|
|
\v 21 Minsan nananatili ang ulap sa isang lugar sa loob ng isang araw lamang. Kapag nangyari iyon, kapag pumaitaas ang ulap sa kalangitan sa sumunod na umaga, sa gayon lilipat ang mga tao. Sa tuwing lumipat ang ulap, sa araw o sa gabi, lilipat ang mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Kung nananatili ang ulap sa ibabaw ng tolda sa loob ng dalawang araw, o sa isang buwan, o sa isang taon, sa panahong iyon mananatili ang mga tao kung saan sila naroon. Ngunit kapag pumaitaas ang ulap sa kalangitan, magsisimula silang lumipat.
|
|
\v 23 Kapag iniutos ni Yahweh sa kanila na tumigil at magtayo ng kanilang mga tolda, ginagawa nila iyon. Kapag sinabi niyang lumipat sila, lumilipat sila. Ginawa nila ang anumang sinabi ni Yahweh kay Moises na dapat nilang gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 10
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
|
|
\p
|
|
\v 2 "Mag-utos ka ng tao na gumawa ng dalawang trumpeta sa pamamagitan ng pagpanday mula sa bawat isang umbok ng pilak. Hipan mo ang mga trumpeta upang tawagin ang mga tao na magtipon at upang magbigay hudyat din na dapat nilang ilipat ang kanilang mga tolda patungo sa bagong lugar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Kung kapwa hinipan ang trumpeta, nangangahulugan ito na dapat magkatipon ang lahat sa pasukan ng sagradong tolda.
|
|
\p
|
|
\v 4 Kung isang trumpeta lamang ang hinipan, nangangahulugan ito na ang labindalawang pinuno lamang ng mga tribu ang dapat magkatipon.
|
|
\v 5 Kung hinipan ng malakas ang mga trumpeta, ang mga tribu na nasa silangan ng sagradong tolda ay kailangang magsimulang maglakad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Kapag hinipan ang mga trumpeta ng malakas sa pangalawang pagkakataon, ang mga tribu na naroon sa timog ay kailangang magsimulang maglakad. Ang malakas na tunog ng trumpeta ay maghuhudyat na kailangan na nilang magsimulang lumipat.
|
|
\p
|
|
\v 7 Kapag ang gusto mo ay tipunin lamang ang mga tao, hipan mo ang mga trumpeta, ngunit hindi mo hihipan ang mga ito nang malakas.
|
|
\p
|
|
\v 8 Ang mga pari na nagmula kay Aaron ang siyang kailangang humihip sa mga trumpeta. Iyon ay isang alituntunin na hindi kailanman mababago.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Kapag makikipaglaban kayo sa inyong mga kaaway na lulusob sa inyong sariling lupain, sabihin sa mga pari na hipan nila nang malakas ang mga trumpeta. Akong si Yahweh na inyong Diyos, ang makaririnig nito at ililigtas ko kayo mula sa inyong mga kaaway.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sabihn mo rin sa mga pari na hipan nila ang mga trumpeta kapag masaya ang mga tao, at sa mga kapistahan ng bawat taon, at sa panahon na ipagdiwang nila ang pista ng bagong buwan sa bawat buwan. Sabihin mo sa kanila na hipan nila ang mga trumpeta kapag magdadala ang mga tao ng mga alay na susunuging ganap, at kapag magdadala sila ng mga handog upang ibalik ang pakikipag-isa sa akin. Kung gagawin nila iyon, makatutulong ito sa inyo na isipin ang patungkol sa akin. Dapat gawin ninyo iyon, dahil ako si Yahweh na inyong Diyos."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Sa ikalawang taon matapos umalis ang mga Israelita sa Ehipto, sa ikadalawampung araw ng ikalawang buwan, pumaitaas ang ulap mula sa ibabaw ng sagradong tolda.
|
|
\p
|
|
\v 12 Kaya umalis ang mga Israelita mula sa ilang ng Sinai, at patuloy silang naglakbay patungong hilaga hanggang sa huminto ang ulap sa ilang ng Paran.
|
|
\p
|
|
\v 13 Iyon ang unang pagkakataong naglakbay sila, sinusunod nila ang mga tagubilin na ibinigay ni Yahweh kay Moises para sabihin niya sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ang grupo na unang naglakbay, na nagdadala ng bandila ay ang pangkat na mula sa tribu ni Juda. Si Naason na lalaking anak ni Aminadab ang naging pinuno nila.
|
|
\p
|
|
\v 15 Ang pangkat na mula sa tribu ni Isacar ang sumunod sa kanila. Si Nethanael na lalaking anak ni Zuar ang naging pinuno nila.
|
|
\p
|
|
\v 16 Ang pangkat na mula sa tribu ni Zebulun ang sumunod na naglakbay. Si Eliab na lalaking anak ni Helon ang naging pinuno nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Pagkatapos, binaklas nila ang sagradong tolda at ang mga kaapu-apuhan ni Gerson at Merari ang nagdala nito, at sila ang sumunod na naglakbay.
|
|
\v 18 Ang pangkat na mula sa tribu ni Ruben ang sumunod na naglakbay, dala-dala nila ang kanilang bandila. Si Elizur na lalaking anak ni Sedeur ang naging pinuno nila.
|
|
\v 19 Ang pangkat na mula sa tribu ni Simeon ang sumunod. Si Selumiel na lalaking anak ni Zurisaddai ang naging pinuno nila.
|
|
\v 20 Ang pangkat na mula sa tribu ni Gad ang sumunod. Si Eliasaf na lalaking anak ni Deuel ang naging pinuno nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Ang pangkat na nagmula kay Kohat ang sumunod. Dinala nila ang mga sagradong kagamitan mula sa sagradong tolda. Itinayo na ang sagradong tolda sa bagong lugar bago sila dumating doon.
|
|
\p
|
|
\v 22 Ang pangkat na mula sa tribu ni Efraim ang sumunod, dala-dala nila ang kanilang bandila. Si Elisama na lalaking anak ni Ammiud ang naging pinuno nila.
|
|
\p
|
|
\v 23 Ang pangkat na mula sa tribu ni Manases ang sumunod. Si Gamaliel na lalaking anak ni Pedazur ang naging pinuno nila.
|
|
\p
|
|
\v 24 Ang pangkat na mula sa tribu ni Benjamin ang sumunod. Si Abidan na lalaking anak ni Gideon ang naging pinuno nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Ito ang mga huling naglakbay, ang mga pangkat na mula sa tribu ni Dan, dala-dala nila ang kanilang bandila. Si Ahiezer na lalaking anak ni Ammisada ang naging pinuno nila.
|
|
\p
|
|
\v 26 Ang pangkat na mula sa tribu ni Aser ang sumunod na naglakbay. Si Pagiel na lalaking anak ni Ocran ang naging pinuno nila.
|
|
\v 27 Ang pangkat na mula sa tribu ni Neftali ang huling naglakbay. Si Ahira na lalaking anak ni Enan ang naging pinuno nila.
|
|
\v 28 Iyon ang pagkakasunud-sunod ng mga pangkat ng mga tribu ng Israelita na naglakbay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 29 Isang araw sinabi ni Moises sa kaniyang bayaw na si Hobab na lalaking anak ni Reuel mula sa lahi ng Midian, "Maglalakbay kami sa lugar na ipinangako ni Yahweh na ibigay sa amin. Sumama ka sa amin, at pangangalagaan ka namin, sapagkat ipinangako ni Yahweh na bibigyan niya kami ng mga mabubuting bagay para sa ating mga Israelita."
|
|
\p
|
|
\v 30 Ngunit sumagot si Hobab, "Hindi, hindi ako sasama sa inyo. Gusto kong bumalik sa aking sariling lupain at sa aking sariling pamilya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Ngunit sinabi ni Moises, "Pakiusap, huwag mo kaming iwanan. Alam mo ang mga lugar na maaari naming pagtayuan ng aming mga tolda sa disyertong ito, at maaari mo kaming gabayan.
|
|
\p
|
|
\v 32 Sumama ka sa amin. Ibabahagi namin sa iyo ang lahat ng mga mabubuting bagay na ibibigay ni Yahweh sa amin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 33 Kaya sumang-ayon si Hobab na sumama sa kanila. Iniwan ng mga Israelita ang Bundok Sinai, na tinawag nilang ang Bundok ni Yahweh, at naglakad sila sa loob ng tatlong araw. Nauna ang mga lalaking nagdadala sa sagradong kaban sa harapan ng ibang mga tao sa loob ng tatlong araw at patuloy silang naghanap ng isang lugar upang itayo ang kanilang mga tolda.
|
|
\v 34 Nasa ibabaw nila ang ulap na pinadala ni Yahweh bawat araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 35 Bawat umaga kapag nagsimulang lumakad ang mga kalalakihang nagdadala sa sagradong kaban, sinasabi ni Moises, "Yahweh, Tumindig ka! Ikalat mo ang iyong mga kaaway! Idulot mong tumakbo mula sa iyo ang mga napopoot sa iyo!"
|
|
\p
|
|
\v 36 At sa bawat oras na huminto ang mga kalalakihan upang ibaba angsagradong kaban, sinasabi ni Moises, "Yahweh, manatili kang malapit sa aming napakaraming libong Israelita!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 11
|
|
\p
|
|
\v 1 Isang araw nagreklamo ang mga tao kay Yahweh tungkol sa kanilang mga ligalig. Nang narinig ni Yahweh ang kanilang sinasabi, nagalit siya. Kaya nagpadala siya ng apoy na nagliyab sa kalagitnaan ng mga tao sa gilid ng kanilang kampo.
|
|
\v 2 Pagkatapos, umiyak ang mga tao kay Moises, at nanalangin siya kay Yahweh.
|
|
\v 3 Sa gayon, tumigil ang apoy sa pagliyab. Kaya tinawag nila ang lugar na iyon na Tabera na ang ibig sabihin, 'Nagliliyab,' sapagkat ang apoy na mula kay Yahweh ay nagliyab sa kalagitnaan nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Pagkatapos, ang ilan sa mga gumagawa ng gulo mula sa ibang lahi na naglalakbay kasama ng mga Israelita ay nagsimulang maghanap ng mas mainam na pagkain. At nang magsimula silang magreklamo, nagsimula ring magreklamo ang mga Israelita.
|
|
\v 5 Sinabi nila, "Nais naming magkaroon ng kaunting karne!
|
|
\v 6 Aming natatandaan ang isda na ating kinain habang naroon tayo sa Ehipto, ang isdang ibinigay sa atin ng walang bayad. Mayroon tayong mga pipino, mga milon, mga dahon ng sibuyas, mga sibuyas, at bawang na gusto natin. Ngunit ngayon wala tayong kahit na anong masarap kainin, dahil itong manna lamang ang mayroon tayo para kainin!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ang manna ay katulad ng maliliit na puting buto.
|
|
\v 8 Bawat umaga lumalabas ang mga tao at tinitipon ang ilan mula sa lupa. Pagkatapos gumawa sila ng harina sa pamamagitan ng paggigiling nito o pagbabayo nito gamit ang mga bato. Pagkatapos, dinadagdagan nila ng tubig at pinakukuluan ito sa isang palayok, o gagawa sila ng malapad na mamon at hinurno ang mga ito. Ang mga mamon ay may lasang katulad ng tinapay na hinurnong may langis ng olibo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Bawat gabi bumabagsak sa lupa ang manna kung saan nakatayo ang kanilang mga tolda, katulad ng hamog na mula sa langit.
|
|
\p
|
|
\v 10 Narinig ni Moises ang pagrereklamo ng mga Israelita habang nakatayo sila sa mga pasukan ng kanilang mga tolda. Labis na nagalit si Yahweh at labis ding nabahala si Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Pumasok siya sa sagradong tolda at tinanong si Yahweh, "Bakit idunulot mo itong ligalig sa akin, na iyong lingkod? Kaawaan mo ako! Anong kamalian ang aking nagawa, na nagresulta na hirangin ako upang alagaan ang lahat ng taong ito?
|
|
\p
|
|
\v 12 Hindi ako ang kanilang ama. Bakit sinabi mo sa akin na alagaan ko sila katulad ng isang babaeng kinakandong parati ang kaniyang sanggol at inaalagan ito? Paano ko sila dadalhin sa lupain na iyong ipinangakong ibibigay sa aming mga ninuno?
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Saan ako maaaring kumuha ng karne upang ipakain sa lahat ng taong ito? Palagi silang nagrereklamo sa akin, sinasabi, 'Bigyan mo kami ng kaunting karne para kainin!'
|
|
\p
|
|
\v 14 Hindi ko kayang dalhin ang mga pasanin ng lahat ng taong ito ng mag-isa! Katulad sila ng isang mabigat na kargamento para akin, at hindi ko na kayang dalhin itong napakabigat na kargamento. Kung nilalayon mong gawin ang katulad nito sa akin, patayin mo na ako ngayon.
|
|
\v 15 Kung talagang may malasakit ka sa akin, maging mabait ka sa akin at patayin mo ako upang matapos na itong aking paghihirap sa pagsusumikap kong alagaan sila!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Ipatawag mo ang pitumpung kalalakihan na alam mong mga pinuno sa gitna ng mga taong Israelita. Sabihin mo sa kanilang tumayo sila kasama mo sa harapan ng sagradong tolda.
|
|
\v 17 Bababa ako at kakausapin ko kayo roon. At kukunin ko ang ilan sa kapangyarihan ng aking Espiritu na nasa iyo at ilalagay ko rin iyon sa kanila. Tutulungan ka nilang pangalagaan ang ilang mga bagay na ikinababalisa ng mga tao, upang hindi mo na kailangang gawin itong mag-isa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Bukod doon, sabihin mo sa mga tao, 'Gawin ninyo ang inyong mga sarili na maging katanggap-tanggap sa akin, at bukas magkakaroon kayo ng karne para kainin. Nagrereklamo kayo, at narinig kayo ni Yahweh noong kayo ay nagsasabi, "Gusto namin ng kaunting karne para kainin. Mayroong kaming mas masasarap na pagkain sa Ehipto!" Ngayon bibigyan kayo ni Yahweh ng ilang karne at kakainin ninyo ito.
|
|
\v 19 Kakain kayo ng karne na hindi lamang sa isa o dalawang araw, o sa lima o sampu o dalawampung araw.
|
|
\p
|
|
\v 20 Kakain kayo ng karne araw-araw sa loob ng isang buwan, at pagkatapos magsasawa kayo nito, at ito ang magiging sanhi na gusto ninyong sumuka. Mangyayari ito sapagkat itinakwil ninyo si Yahweh na naritong kasama ninyo, at nanaghoy kayo sa kaniyang harapan, sinasabi ninyo, "Nagkaroon sana kami ng masasarap na pagkain para kainin kung hindi kami umalis sa Ehipto.'""
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Ngunit tumugon si Moises kay Yahweh, "Mayroong animnaraang libong kalalakihan at dagdag na mga kababaihan at mga bata na narito kasama ko, kaya bakit mo sinabi na 'Bibigyan ko sila ng maraming karne bawat araw para sa isang buwan!'?
|
|
\p
|
|
\v 22 Kahit na patayin namin ang lahat ng tupa at baka, hindi magiging sapat iyon para magbigay ng karne para sa lahat sa kanila! Kahit mahuli namin ang lahat ng isda sa dagat at ibigay ito sa kanila, hindi magiging sapat iyon!"
|
|
\v 23 Ngunit sinabi ni Yahweh kay Moises, "Iniisip mo ba na wala akong kapangyarihan? Makikita mo ngayon kung magagawa ko ang sinasabi kong gagawin ko."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 24 Kaya lumabas si Moises mula sa sagradong tolda at sinabi sa mga tao kung ano ang sinabi ni Yahweh. Pagkatapos tinipon niya ang pitumpung pinuno at sinabi sa kanilang tumayo sa paligid ng sagradong tolda.
|
|
\v 25 Pagkatapos, bumaba si Yahweh sa ulap na naroon sa ibabaw ng tolda at nagsalita kay Moises. Kinuha niya ang ilan sa mga kapangyarihan ng Espiritu na kaniyang ibinigay kay Moises at ibinigay ito sa pitumpung pinuno. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu na nakapaloob sa kanila, nagpahayag sila, ngunit ginawa lamang nila ito nang minsan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26 Dalawa sa mga pinunong hinirang ni Moises ay sina Eldad at Medad, ang wala roon nang nagtipon ang iba. Hindi sila umalis sa kanilang mga tolda upang pumunta at tumayo sa paligid ng sagradong tolda. Ngunit pumaloob din sa kanila ang Espiritu ni Yahweh, at nagsimula silang magpahayag.
|
|
\p
|
|
\v 27 Kaya tumakbo ang isang binata at sinabi kay Moises, "Nagpapahayag sina Eldad at Meldad kung saan naroon ang lahat ng kanilang tolda!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Si Josue, na tumulong kay Moises simula noong siya ay isang bata pa, sinabi, "Ginoo, sabihin mo sa kanila na tumigil sa paggawa noon!"
|
|
\p
|
|
\v 29 Ngunit sumagot si Moises, "Nababahala ka ba na maaari nilang sirain ang aking pagkatao? Ninanais ko na ang lahat ng tao ay makapagpahayag. Ninanais kong ibigay ni Yahweh ang kapangyarihan ng kaniyang Espiritu sa kanilang lahat!"
|
|
\v 30 Pagkatapos, bumalik si Moises at ang mga pinuno sa kanilang mga tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 31 Pagkatapos nito, nagpadala si Yahweh ng isang malakas na hangin mula sa dagat. Nagdala ito ng mga pugo patungo sa buong palibot ng kampo, at nagdulot na bumagsak ang mga pugo sa lupa. Nagpatung-patong ang mga ito sa lupa na aabot sa isang metro ang taas!
|
|
\v 32 Kaya pumunta ang mga tao at kinuha ang mga pugo sa buong maghapong iyon, at buong gabi, at sa lahat na sumunod na mga araw. Tila ba nakapagtipon ang bawat tao ng halos dalawang metro kubiko! Nilatag nila ang mga pugo sa lupa sa buong palibot ng kampo, upang mawala ang hamog ng mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Pagkatapos niluto nila ang karne at sinimulang kainin ang mga ito. Ngunit habang kinakain nila ang karne, ipinakita ni Yahweh na labis siyang galit sa kanila. Nagpadala siya ng isang matinding salot sa kanila, at maraming tao ang namatay.
|
|
\v 34 Ang mga taong namatay at inilibing ay iyong mga nagsabing gusto nilang kumain ng karne katulad ng dating kinain nila sa Ehipto. Kaya tinawag nila ang lugar na iyon na Kibrot Hattaava, na nangangahulugang 'mga libingan ng mga taong nanabik.'
|
|
\v 35 Mula roon, patuloy na naglakbay ang mga Israelita sa silangan hanggang nakarating sila sa Hazerot, kung saan sila tumigil at nanirahan ng mahabang panahon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 12
|
|
\p
|
|
\v 1-2 Sinasabi ito ng nakatatandang kapatid na babae ni Moises na si Miriam at kaniyang nakatatandang kapatid na lalaking si Aaron: "Si Moises lamang ba ang siyang sinasabihan ni Yahweh ng mga mensahe upang sabihin sa atin? Hindi ba maaaring sabihin din ni Yahweh sa ating dalawa?" Sinabi nila sa mga tao na kaya sinasabi nila iyon dahil pinakasalan ni Moises ang isang babaeng kaapu-apuhan ng lahi ng Cus, ngunit sinasabi nila iyon dahil talagang nagseselos sila. Ngunit narinig ni Yahweh ang kanilang sinasabi.
|
|
\v 3 Ang katotohanan ay labis na mapagpakumbaba si Moises. Higit na mapagpakumbaba siya kaysa ang sinuman sa mundo at hindi hinirang ni Moises ang kaniyang sarili upang maging pinuno nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Kaya agad na nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron at Miriam. Sinabi niya, "Dapat pumunta kayong tatlo at tumayo sa sagradong tolda." Kaya ginawa nila iyon.
|
|
\v 5 At bumaba si Yahweh sa pasukan ng tolda sa isang ulap na katulad ng isang malaking puting haligi. Sinabi niya kina Aaron at Miriam na lumapit, kaya ginawa nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Pagkatapos sinabi niya sa kanila, "Makinig kayo sa akin! Kapag kasama ninyo ang isang propeta, kadalasan ibinubunyag ko ang aking sarili sa kaniya sa pamamagitan ng pagpahintulot ko sa kaniya na makakita siya ng mga pangitain, at nagsasalita ako sa kaniya sa mga panaginip.
|
|
\q
|
|
\v 7 Ngunit hindi ako nagsasalita sa ganyang paraan sa aking lingkod na si Moises. Nagtitiwala akong pangungunahan niyang mabuti ang aking mga tao.
|
|
\q
|
|
\v 8 Kaya kinakausap ko siya nang harapan. Malinaw akong nagsasalita sa kaniya, hindi gumagamit ng mga talinghaga. Nakita pa nga niya kung ano ang aking anyo. Kaya dapat kayong matakot na pintasan ang aking lingkod na si Moises!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Galit na galit si Yahweh kay Miriam at Aaron, at umalis siya.
|
|
\p
|
|
\v 10 Nang tumaas ang ulap mula sa sagradong tolda, tumingin si Aaron kay Miriam, at nakita niya na ang kaniyang balat ay kasimputi ng niyebe, dahil nagkaroon siya ng ketong.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sinabi ni Aaron kay Moises, "Aking amo, pakiusap huwag mo kaming parusahan sa kasalanan na aming ginawang may kahangalan.
|
|
\v 12 Huwag mong hayaang matulad si Miriam sa isang sanggol na patay nang isinilang na bulok ang kalahating katawan!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Kaya nagmakaawa si Moises kay Yahweh, sinasabing, "Diyos ko, nagmamakaawa ako sa iyo para pagalingin siya!"
|
|
\v 14 Ngunit sumagot si Yahweh, "Kung pinagalitan siya ng kaniyang ama sa paggawa ng mali sa pamamagitan ng pagdura sa kaniyang mukha, dapat siyang mahiya sa loob ng pitong araw. Dapat siyang mahiya dahil sa kaniyang ginawa. Kaya palabasin siya sa kampo sa loob ng pitong araw. At hindi na siya magkakaroon ng ketong, at makakabalik na siya sa kampo."
|
|
\p
|
|
\v 15 Kaya pinalabas nila si Miriam sa kampo sa loob ng pitong araw. Hindi lumipat ang mga tao sa ibang lugar hanggang sa bumalik siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Ngunit pagkatapos niyang bumalik, iniwan nila ang Hazerot at lumipat sila sa hilaga sa Disyerto ng Paran at nagtayo ng kanilang mga tolda roon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 13
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 2 "Magpadala ka ng ilang kalalakihan sa Canaan upang siyasatin ito. Iyon ang lupaing ibibigay ko sa inyong mga Israelita. Ipadala mo ang mga lalaking pinuno sa kanilang mga tribu."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Kaya ginawa ni Moises kung ano ang iniutos ni Yahweh. Nagpadala siya ng labindalawang lalaking Israelita na lahat ay pinuno ng kanilang mga tribu. Ipinadala niya sila mula sa kanilang kampo sa Paran sa disyerto.
|
|
\v 4 Ito ang mga pangalan ng mga kalalakihan at mga tribu na kanilang kinabibilangan: Si Sammua na anak ni Zacur mula sa tribu ni Ruben;
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Si Safat na anak ni Hori, mula sa tribu ni Simeon;
|
|
\p
|
|
\v 6 si Caleb na anak ni Jepfne, mula sa tribu ni Juda;
|
|
\p
|
|
\v 7 si Igal na anak ni Jose, mula sa tribu ni Isacar;
|
|
\p
|
|
\v 8 si Hosea na anak ni Nun mula sa tribu ni Efraim;
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 si Palti na anak ni Rafu, mula sa tribu ni Benjamin;
|
|
\p
|
|
\v 10 si Gaddiel na anak ni Sodi, mula sa tribu ni Zebulun;
|
|
\p
|
|
\v 11 si Gaddi na anak ni Susi, mula sa tribu ni Manases;
|
|
\p
|
|
\v 12 si Ammiel na anak ni Gemalli, mula sa tribu ni Dan;
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 si Setur na anak ni Micael, mula sa tribu ni Aser;
|
|
\p
|
|
\v 14 si Nabi na anak ni Vopsi, mula sa tribu ni Neftali;
|
|
\p
|
|
\v 15 at si Geuel na anak ni Maki mula sa tribu ni Gad.
|
|
\p
|
|
\v 16 Iyon ang mga pangalan ng mga kalalakihang ipinadala ni Moises upang siyasatin ang Canaan. Bago sila umalis, binigyan ni Moises ng bagong pangalan si Hosea ng Josue, na nangangahulugang 'Si Yahweh ang siyang nagliligtas.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Bago sila ipinadala ni Moises upang siyasatin ang Canaan, sinabi niya sa kanila, "Dumaan kayo sa katimugang ilang ng Judea, at pagkatapos pumunta kayo sa hilaga sa maburol na lugar. Tingnan ninyo kung ano ang katulad ng lupain.
|
|
\p
|
|
\v 18 Tingnan ninyo kung malalakas o mahihina ang mga taong nakatira roon. Tingnan ninyo kung marami ang tao o kaunti lamang.
|
|
\v 19 Alamin kung anong uri ng lupain ang kanilang tinitirhan. Sagana ba ito o hindi? Alamin ang tungkol sa mga bayan kung saan sila naninirahan. Napapalibutan ba ang mga ito ng pader o hindi?
|
|
\v 20 Alamin ang tungkol sa lupa. Mataba ba ito o hindi? Alamin kung may mga puno roon. Subukang mag-uwi ng ilan sa mga prutas na tumutubo sa lupang iyon." Sinabi niya iyon sapagkat simula iyon ng panahon ng anihan ng ubas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Kaya pumunta sa Canaan ang mga lalaking iyon. Pumunta sila sa buong lupain mula sa ilang ng Sin sa timog hanggang sa lungsod ng Rehob malapit sa Lebo Hamat sa hilaga.
|
|
\v 22 Sa katimugang ilang ng Judea, pumunta sila sa Hebron kung saan nakatira sina Ahiman, Sesai, at Talmai na malalaking taong nagmula kay Anak. Ang Hebron ay isang lungsod na itinatag pitong taon na ang nakalilipas bago itinatag ang lungsod ng Zoan sa Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Sa isang lambak, pumutol sila mula sa isang baging ng ubas ng isang kumpol ng ubas. Kinailangan nila ng dalawang lalaking magbuhat nito sa isang kahoy dahil napakalaki nito. Pumitas din sila ng ilan sa mga prutas ng granada at igos upang dalhin pabalik sa kanilang kampo.
|
|
\p
|
|
\v 24 Tinawag nila ang lugar na iyon na Escol na nangangahulugang "kumpol" dahil pumutol sila ng malaking kumpol ng ubas doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Pagkatapos nilang siyasatin ang lupain sa loob ng apatnapung araw, bumalik sila sa kanilang kampo.
|
|
\v 26 Pumunta sila kina Aaron at Moises at sa iba pang mga Israelita sa ilang ng Paran. Iniulat nila sa bawat isa kung ano ang kanilang nakita. Ipinakita din nila sa kanila ang prutas na kanilang inuwi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Ngunit ito ang kanilang iniulat kay Moises: "Narating namin ang lupain na pinagdalhan ninyo sa amin upang siyasatin. Tunay na isang napakagandang lupain. Napakataba ng lupa. Narito ang ilan sa mga prutas.
|
|
\v 28 Ngunit napakalakas ng mga taong naninirahan doon. Malawak ang kanilang mga lungsod at napapaligiran ng pader. Nakita rin namin doon ang ilan sa mga malalaking kaapu-apuhan ni Anak.
|
|
\p
|
|
\v 29 Naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Amalek sa timog na bahagi ng lupain, at naninirahan sa maburol na lugar sa hilaga ang kaapu-apuhan ni Het, Jebus at Amor. Naninirahan sa tabi ng baybayin ng Mediteraneo at sa tabi ng Ilog Jordan ang kaapu-apuhan ni Canaan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 30 Nang sinabi nila iyon, natakot ang mga tao at nagsimula silang umiyak nang napakalakas. Ngunit sinabi ni Caleb sa mga taong nakatayo malapit kay Moises na tumahimik. Pagkatapos sinabi niya, "Dapat tayong pumunta roon at kunin ang lupain, sapagkat tiyak na kaya nating sakupin ito!"
|
|
\v 31 Ngunit sinabi ng mga lalaking pumunta kasama niya, "Hindi, hindi natin kayang lusubin at talunin ang mga taong iyon! Higit na malakas sila kaysa sa atin!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Kaya nagbigay ng hindi magandang ulat ang mga kalalakihang iyon sa mga Israelita tungkol sa lupain na kanilang siniyasat. Sinabi nila, "Napakalawak ng lupain na aming siniyasat. Hindi natin ito kayang sakupin. Napakatangkad ng lahat ng taong nakita namin.
|
|
\v 33 Nakakita pa nga kami ng mga higante roon. Mga kaapu-apuhan sila ni Anak. Mga higante ang kanilang mga ninuno. Nang makita namin ang mga taong ito, naramdaman naming kasingliit kami ng mga tipaklong, at inisip din nilang para kaming mga tipaklong!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 14
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa gabing iyon, sumigaw nang malakas ang lahat ng Israelita.
|
|
\v 2 Kinabukasan nagreklamo silang lahat laban kina Aaron at Moises. Sinabi ng lahat ng kalalakihan, "Ninanais naming namatay nalang kami sa Ehipto, o sa ilang na ito!
|
|
\v 3 Bakit dinala tayo ni Yahweh sa lupaing ito na tayong kalalakihan ay papatayin gamit ang mga espada? At kukunin nila ang ating mga asawa at mga anak upang maging kanilang mga alipin. Sa halip na pumunta sa Canaan, mas mabuti para sa atin ang bumalik sa Ehipto!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Pagkatapos sinabi ng ilan sa kanila sa bawat isa, "Dapat tayong pumili ng isang pinunong magdadala sa atin pabalik sa Ehipto!"
|
|
\v 5 At nagpatirapa sina Aaron at Moises upang manalangin sa harap ng lahat Israelitang nagkatipon doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sina Josue at Caleb, ang dalawa sa mga kalalakihang gumalugad sa lupain, pinunit nila ang kanilang mga damit dahil lubhang pinanghinaan sila ng loob.
|
|
\v 7 Sinabi nila sa mga Israelita, "Napakaganda ng lupaing aming ginalugad.
|
|
\p
|
|
\v 8 Kung nalulugod si Yahweh sa atin, pangungunahan niya tayo sa napakatabang lupaing iyon at ibibigay niya ito sa atin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Kaya huwag kayong maghimagsik laban kay Yahweh! At huwag matakot sa mga tao sa lupaing iyon! Lalamunin natin sila! Walang sinuman ang magtatanggol sa kanila, ngunit si Yahweh ay sasaatin at tutulungan niya tayo. Kaya huwag kayong matakot sa kanila!"
|
|
\p
|
|
\v 10 At nagsalita ang lahat ng taong Israelita tungkol sa pagpatay kina Caleb at Josue sa pamamagitan ng pagbato sa kanila. Ngunit biglang lumitaw ang kaluwalhatian ni Yahweh sa kanila sa sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Hanggang kailan ba ako itatakwil ng mga taong ito? Pagod na ako sa kanila, sa hindi pagtitiwala sa kaya kong gawin, sa kabila ng lahat ng himalang ipinakita ko sa kanila.
|
|
\v 12 Kaya magpapadala ako ng isang salot sa kanila at pupuksain ko sila. Ngunit idudulot ko ang inyong mga kaapu-apuhan na maging isang dakilang bansa. Magiging isang bansa sila na mas dakila at malakas kaysa sa mga taong ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Ngunit sumagot si Moises kay Yahweh, "Pakiusap, huwag mong gawin iyan, dahil maririnig ng mga tao ng Ehipto ang tungkol dito! Inilabas mo itong mga Israelita mula sa Ehipto sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan,
|
|
\v 14 at sasabihin ng mga tao ng Ehipto sa mga kaapu-apuhan ng Canaan na nakatira sa lupaing ito. Yahweh, narinig na nila ang tungkol sa iyo. Alam nila na kasama mo ang mga taong ito at nakita ka nila nang harapan. Narinig nila na ang iyong ulap ay tulad ng isang malaking haligi na nananatili sa ibabaw nila at sa pamamagitan ng ulap na iyon pinangunahan mo sila sa araw at ang ulap ay nagiging isang parang apoy sa gabi upang bigyan sila ng liwanag.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Kung papatayin mo ang lahat ng taong ito sa isang pagkakataon, sasabihin ng mga lahi na nakarinig tungkol sa iyong kapangyarihan,
|
|
\v 16 "Hindi sila nakayanang dalhin ni Yahweh sa lupaing kaniyang ipinangakong ibigay sa kanila, kaya pinatay niya sila sa ilang."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Kaya Yahweh, ipakita mo ngayon na ikaw ay lubos na makapangyarihan. Sinabi mo,
|
|
\v 18 'Hindi ako madaling magalit. Sa halip, lubos kong iniibig ang mga tao at pinapatawad ko ang mga taong nagkasala at sumuway sa aking mga batas. Ngunit parurusahan ko palagi ang mga taong may kasalanan sa paggawa ng mali. Kapag nagkasala ang mga magulang, parurusahan ko sila, ngunit parurusahan ko rin ang kanilang mga anak at kanilang mga apo at mga apo sa tuhod."
|
|
\v 19 Kaya, dahil iniibig mo ang iyong mga taong may dakilang tipan ng katapatan, patawarin mo ang mga taong ito sa kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa, gaya ng patuloy mong pagpapatawad sa kanila mula nang umalis sila sa Ehipto."
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 20 At sumagot si Yahweh, "Napatawad ko na sila, ayon sa hiniling mo sa akin.
|
|
\p
|
|
\v 21 Ngunit, tiyak na habang ako ay buhay at makikita ng lahat ng tao sa buong mundo ang aking kaluwalhatian, taimtim kong inihahayag na
|
|
\v 22 lahat ng taong ito ay nakita ang aking kaluwalhatian at lahat ng mga himalang ginawa ko sa Ehipto at sa ilang, ngunit sinuway nila ako, at maraming ulit nilang sinubukan kung magpapatuloy sila sa paggawa ng mga masasamang bagay nang wala akong pagpaparusa sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Dahil dito, wala ni isa sa kanila ang makakakita sa lupaing aking ipinangako sa kanilang mga ninuno na aking ibibigay sa kanila. Wala ni isa sa mga nagtakwil sa akin ang makakakita sa lupaing iyon.
|
|
\v 24 Ngunit si Caleb, na naglingkod sa akin nang mabuti, naiiba sa mga iba. Lubos niya akong sinusunod. Kaya dadalhin ko siya sa lupaing kaniyang nakita na at mamanahin ng kaniyang mga kaapu-apuhan ang ilan sa mga ito.
|
|
\v 25 Kaya, yamang napakalakas ng mga kaapu-apuhan nina Amalek at Canaan na nakatira sa mga lambak ng Canaan, kapag umalis kayo rito bukas, sa halip na maglakbay kayo patungo sa Canaan, bumalik kayo sa daan patungo sa ilang sa ilang tungo sa Dagat na Pula."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Aaron at Moises,
|
|
\v 27 "Hanggang kailan ba magrereklamo ang mga masasamang taong ito sa akin? Narinig ko lahat ng bagay na kanilang inirereklamo laban sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Kaya ngayon sabihin ninyo ito sa kanila: 'Dahil Ako ay buhay, Akong si Yahweh, gagawin ko ang mismong sinabi ninyo na dapat mangyayari.
|
|
\v 29 Idudulot kong mamatay kayong lahat dito sa ilang na ito! Dahil nagreklamo kayo laban sa akin, wala sa inyong mahigit dalawampung taong gulang at iyong nabilang na nang binilang ni Moises ang bawat isa
|
|
\v 30 ang makakapasok sa lupaing aking taimtim na ipinangakong ibigay sa inyo. Tanging si Caleb at si Josue ang makakapasok sa lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Sinabi ninyo na kukunin ang inyong mga anak mula sa inyo upang maging mga alipin, ngunit dadalhin ko sila sa lupain at matatamasa nila ang masayang pamumuhay sa lupaing iyon na inyong tinanggihan.
|
|
\v 32 Ngunit para sa inyong mga matatanda, mamamatay kayo rito sa disyerto.
|
|
\p
|
|
\v 33 At tulad ng mga pastol na gumagala sa palibot ng disyerto habang inaalagaan nila ang kanilang tupa, gagala ang inyong mga anak sa palibot ng disyertong ito sa loob ng apatnapung taon. Dahil hindi kayo naging tapat sa akin na mga matatanda, magdurusa ang inyong mga anak hanggang sa mamatay kayong lahat sa disyerto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Magdurusa kayo sa inyong mga kasalanan sa loob ng apatnapung taon. Iyon ay isang taon para sa bawat isa sa apatnapung araw na ginalugad ng labindawalang kalalakihan ang lupain ng Canaan. At ako ay magiging katulad ng isang kaaway sa inyo.
|
|
\v 35 Tiyak na mangyayari ito dahil akong si Yahweh, ang nagsabi nito! Gagawin ko ang mga bagay na ito sa bawat isa sa pangkat na ito na nagbalak ng masama laban sa akin. Mamamatay silang lahat dito mismo sa ilang!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 36-37 Pagkatapos pinarusahan ni Yahweh ang sampung kalalakihang nagpahina ng loob ng mga tao, kaya namatay sila. Ito ang kalalakihang gumalugad sa Canaan at pagkatapos sinabihan ang mga tao na hindi nila kayang sakupin ang lupain. Dahil sa mga lalaking ito kaya nagsalita ang mga tao laban kay Moises.
|
|
\v 38 Sa labindalawang lalaking gumalugad sa Canaan, tanging sina Josue at Caleb ang nanatiling buhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 39 Nang iniulat ni Moises sa mga taong Israelita kung ano ang sinabi ni Yahweh, lubhang nalungkot ang karamihan sa kanila.
|
|
\v 40 Kaya gumising ng maaga ang mga tao ng sumunod na umaga at nagsimulang umakyat patungo sa maburol na lupain sa Canaan. Sinabi nila, "Alam nating nagkasala tayo, ngunit ngayon handa na tayong pumasok sa lupaing ipinangako ni Yahweh na ibibigay sa atin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Ngunit sinabi ni Moises, "Inutusan kayo ni Yahweh na bumalik sa disyerto, kaya bakit kayo ngayon sumusuway sa kaniya? Hindi ito magtatagumpay.
|
|
\v 42 Huwag ninyong subukang pumasok sa lupain ngayon! Kung susubukan ninyo, tatalunin kayo ng inyong mga kaaway, dahil hindi ninyo makakasama si Yahweh.
|
|
\p
|
|
\v 43 Kapag nagsimula kayong makipaglaban sa mga kaapu-apuhan nina Amalek at Canaan, papatayin nila kayo! Pababayaan kayo ni Yahweh, dahil pinabayaan ninyo siya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 44 Ngunit kahit na hindi umalis si Moises sa kampo at ang sagradong kaban na naglalaman ng Sampung Utos ay hindi nakuha mula sa kampo, nagsimulang pumunta ang mga tao patungo sa maburol na lupain ng Canaan.
|
|
\v 45 Pagkatapos, ang mga kaapu-apuhan ni Amalek at Canaan na nakatira sa mga burol na iyon ay bumaba at nilusob sila; hinabol sila hanggang sa timog ng Horma.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 15
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\p
|
|
\v 2 "Sabihin mo ito sa mga Israelita, 'Kapag narating ninyo ang lupaing ibinibigay ko sa inyo,
|
|
\q
|
|
\v 3 dapat kayong mag-alay sa akin ng mga natatanging handog na magiging kalugud-lugod sa akin kapag sinusunog ng mga pari ang mga ito. Maaaring handog na susunuging ganap sa altar ang ilan sa mga ito. Maaaring magpahiwatig ang ilan sa mga ito na mangako kayo ng taos-puso sa akin. Ang ilan sa mga ito ay maaaring mga handog na kayo mismo ang nagpasyang gawin. Maaaring mga handog ang ilan sa mga ito sa isa sa mga pagdiriwang na dinadaos ninyo sa bawat taon. Ang mga handog na ito ay maaaring kunin mula sa inyong kawan ng baka o mola sa inyong kawan ng tupa at kambing.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 4 Kapag ibibigay ninyo ang mga handog na ito, dapat magdala rin kayo sa akin ng isang harinang handog na humigit kumulang sa 2 litro ng mainam na harinang hinaluan ng humigit kumulang sa isang litrong langis ng olibo.
|
|
\q
|
|
\v 5 Kapag mag-alay kayo ng tupa na maging handog na susunuging ganap, dapat din kayong magbuhos sa altar ng humigit kumulang sa isang litrong alak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 6 Kapag mag-alay kayo ng isang lalaking tupa na maging isang handog, dapat din kayong magdala ng isang handog na humigit kumulang sa 3.8 litro ng mainam na minasang harinang hinaluan ng humigit kumulang sa 1.25 litro ng langis na olibo.
|
|
\q
|
|
\v 7 At magbuhos din sa altar ng humigit kumulang sa 1.2 litro ng alak. Habang sinusunog ang mga ito, magiging napakalugud-lugod ang amoy nito sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 8 Paminsan-minsan mag-alay kayo ng isang batang toro na ganap na susunugin sa altar. Paminsan-minsan mag-alay kayo ng isang handog na magpahiwatig na nangako kayo ng taos-puso sa akin. Paminsan-minsan mag-alay kayo ng isang handog na magbabalik ng inyong ugnayan sa akin.
|
|
\q
|
|
\v 9 Kapag nag-alay kayo ng mga bagay na ito, dapat maghandog din kayo ng isang harinang handog na humigit kumulang sa 6.5 litro ng mainam na minasang harinang hinaluan ng humigit kumulang sa dalawang litro ng langis ng olibo.
|
|
\q
|
|
\v 10 Magbuhos din kayo sa altar ng kalahating galon ng alak na maging isang handog. Habang sinusunog ang mga natatanging kaloob na iyon, magiging labis na kalugud-lugod sa akin ang amoy mula ng mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 11 Sa tuwing mag-aalay ang isang tao ng isang batang tupa o isang lalaking tupa o batang kambing na maging isang alay, dapat gawin niya ito sa ganitong paraan.
|
|
\p
|
|
\v 12 Dapat ninyong sundin ang mga tagubiling ito para sa bawat hayop na inyong dadalhin sa akin bilang isang alay.
|
|
\q
|
|
\v 13 Dapat sundin ninyong lahat na Israelita sa buong buhay ninyo ang mga tagubiling ito kapag mag-alay kayo ng mga handog na magiging kalugud-lugod sa akin kapag sinunog ang mga ito sa altar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 14 Kung dadalaw sa inyo ang sinumang dayuhan o manirahan sa inyo, kung gusto rin nilang magdala ng isang alay na magiging kasiya-siya sa akin kapag sinunog ito sa altar, dapat nilang sundin ang mga parehong tagubiling ito.
|
|
\q
|
|
\v 15 Ituturing kong pantay lagi ang mga Israelita at ang mga dayuhan, at sa gayon dapat sumunod silang lahat sa mga parehong tagubilin. Dapat ding magpatuloy sa pagsunod sa mga tagubilin kong ito ang lahat ninyong kaapu-apuhan.
|
|
\q
|
|
\v 16 Kayong mga Israelita at ang mga dayuhang naninirahan sa inyo ay dapat sundin ninyong lahat ang parehong mga tagubilin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 17 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
|
|
\q
|
|
\v 18 "Sabihinmo ang mga tagubiling ito sa mga taong Israelita, 'Kapag nakarating kayo sa lupain kung saan ko kayo dadalhin,
|
|
\p
|
|
\v 19 at kakain kayo sa mga pananim na tumutubo roon, dapat kayong maglaan ng ilan sa mga ito upang maging isang sagradong handog sa akin, at idulog ang mga ito sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Maglaan sa bawat taon ng ilan sa unang butil na tinipon ninyo matapos ninyo itong giikin. Maghurno ng isang tinapay mula sa unang harinang giniling ninyo at idulog ito sa aking harapan bilang isang sagradong handog.
|
|
\v 21 Bawat taon, dapat magpatuloy kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan sa paggawa at pagdulog sa akin ng isang hinurnong tinapay kalakip ang harinang mula sa unang bahagi ng butil na inani ninyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Maaaring may mga panahong hindi kayo susunod sa mga tagubiling ito kayong mga Israelita na ibinigay ko kay Moises upang sabihin sa inyo, ngunit hindi dahil sa ginusto ninyong suwayin ang mga ito.
|
|
\v 23 Maaaring may mga panahong hindi sumunod ang ilan sa inyong mga kaapu-apuhan sa lahat ng tagubiling ito na ibinigay ko kay Moises upang sabihin sa inyo.
|
|
\v 24 Kung nagkasala kayo o sila sa pamamagitan ng paglimot na sundin ang mga tagubiling ito at wala sa mga taong Israelita ang nakapagtantong ginawa nila iyon, isang toro bilang isang handog para sa lahat ng tao ang dapat dalhin sa pari. Magiging kasiya-siya iyon sa akin kapag sinunog iyon sa altar. Dapat din silang magdala sa akin ng isang handog na harina at isang handog na alak, at isang lalaking kambing, upang ialay para alisin ang kanilang kasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga handog na ito, gagawa ang pari ng pambayad ng kasalanan para sa inyong lahat na Israelita. Pagkatapos, bilang resulta ng pagdadala nila sa akin ng isang alay na susunugin sa altar, papatawarin kayo, dahil nagkasala kayo nang hindi ninyo namamalayang nagkakasala kayo.
|
|
\v 26 Papatawarin kayong mga Israelita, at ang mga dayuhang naninirahan sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 27 Kung nagkasala ang isang tao nang hindi namamalayang nagkakasala siya, dapat magdala sa akin ang taong iyon ng isang babaeng kambing upang maging handog para alisin ang kasalanan ng taong iyon.
|
|
\v 28 Iaalay ito ng pari upang maging isang handog upang alisin ang kasalanan ng taong iyon, at papatawarin ang taong iyon.
|
|
\v 29 Dapat ninyong sundin kayong mga Israelita at ang mga dayuhang naninirahan sa inyo ang parehong mga tagubiling ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Ngunit ang sadyang sumuway sa aking mga utos, kapwa mga Israelita at mga dayuhang naninirahan sa inyo ay nagkasala laban sa akin sa paggawa nito. Kaya dapat silang itiwalag mula sa inyong kampo.
|
|
\p
|
|
\v 31 Nilapastangan nila ang aking mga utos at sadyang sinuway ang mga ito, kaya dapat silang parusahan para sa kanilang kasalanan sa pamamagitan ng hindi pagpayag na manirahang muli sa inyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 32 Isang araw, habang nasa ilang ang mga Israelita, nakakita ang ilan sa kanila ng isang taong nagtitipon ng kahoy na panggatong sa Araw ng Pamamahinga.
|
|
\v 33 Dinala siya ng mga nakakita sa kaniya habang ginagawa niya iyon kina Aaron, Moises at sa ibang Israelita.
|
|
\v 34 Maingat nila siyang binantayan, dahil hindi nila alam kung ano ang dapat nilang gawin upang parusahan siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Dapat patayin ang taong iyon. Dapat patayin ninyong lahat ang taong iyon sa pamamagitan ng pagbato sa kaniya sa labas ng kampo."
|
|
\v 36 Kaya dinala nilang lahat ang tao iyon sa labas ng kampo at pinatay siya sa pamamagitan ng pagbato sa kaniya, gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises na dapat nilang gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 37 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 38 "Sabihin mo ito sa mga taong Israelita: 'Dapat magpilipit kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan ng mga sinulid upang gumawa ng mga palawit, at pagkatapos ikabit ang mga ito gamit ang mga taling asul sa laylayan ng inyong mga damit.
|
|
\v 39 Kapag titingin kayo sa mga palawit, maaalala ninyo ang lahat ng mga tagubiling ibinigay ko sa inyo, at susundin ninyo ang mga ito, sa halip na gawin ang kung ano ang ninanais ninyo at bilang resulta na magdudulot sa inyong mga sarili na maging hindi katanggap-tanggap sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Makakatulong sa inyo ang pagtingin sa mga palawit na iyon upang maalala ninyo na dapat ninyong sundin ang lahat ng aking utos at kayo ay dapat maging mga tao kong banal.
|
|
\v 41 Huwag kalimutan na ako si Yahweh, ang inyong Diyos. Ako ang siyang naglabas sa inyo mula sa Ehipto upang mapabilang kayo sa akin. Ako si Yahweh na inyong Diyos.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 16
|
|
\p
|
|
\v 1 Isang araw, si Kora na anak na lalaki ni Izar at isang kaapu-apuan ng anak na lalaki ni Levi na si Kohat, na nakipagsabwatan kay Datan at kay Abiram, na mga anak na lalaki ni Eliab, at si On na anak na lalaki ni Pelet. Silang lahat ay mula sa tribu ni Reuben.
|
|
\v 2 Inudyukan ng apat na lalaking iyon ang 250 na iba pang tao sa mga pinuno ng mga taong Israelita na umanib sa kanila sa paghimagsik laban kay Moises.
|
|
\v 3 Dumating sila ng magkakasama upang pintasan sina Aaron at Moises. Sinabi nila sa kanila, "Gumamit kayong dalawa ng higit na kapangyarihan kaysa sa nararapat ninyong gamitin! Inilaan tayo ni Yahweh, lahat tayong mga Israelita, at siya ay kasama nating lahat. Kaya bakit kayo kumilos na para bang kayo ay mas mahalaga kaysa sa natitirang mga taong nabibilang kay Yahweh?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Nang marinig ni Moises kung ano ang kanilang mga sinasabi, siya ay nagpatirapa sa lupa.
|
|
\v 5 Pagkatapos sinabi niya kay Kora at sa mga kasama ni Kora, "Bukas ng umaga ipapakita ni Yahweh sa atin kung sino ang kaniyang pinili na maging kaniyang pari, at kung sino ang banal at pinapayagang lumapit sa kaniya. Pahihintulutan lamang ni Yahweh ang mga pinili niya na lumapit sa kaniyang presensya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Kaya Kora, bukas ikaw at ang mga kasama mo ay dapat ihanda ang inyong mga insensaryo upang magsunog ng insenso.
|
|
\p
|
|
\v 7 Pagkatapos dapat ninyong sindihan ng apoy ang mga ito at sunugin ang insenso sa presensya ni Yahweh. At makikita natin kung alin sa atin ang pinili ni Yahweh na maging kaniyang banal na tagapaglingkod. Kayo itong kalalakihan na mga kaapu-apuan ni Levi na sinusubukang gumamit ng mas higit na kapangyarihan kaysa sa dapat ninyong gamitin!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pagkatapos muling nagsalita si Moises kay Kora. Sinabi niya, "Kayong mga lalaking kaapu-apuan ni Levi, makinig kayo sa akin!
|
|
\v 9 Ang Diyos nating mga Israelita ay pinili kayong lahat na maging malapit sa kaniya upang maaari kayong magtrabaho para sa kaniya sa kaniyang sagradong tolda at paglingkuran ang mga tao. Iyon ba ay parang hindi mahalaga?
|
|
\v 10 Dinala kayo ni Yahweh, Kora, at ang iyong mga kasamang mga kaapu-apuan ni Levi, malapit sa kaniya. Ngayon pinagpipilitan din ninyong maging mga pari?
|
|
\p
|
|
\v 11 Tunay na si Yahweh ay laban sa kung sino ang pinaghihimagsikan mo at ng iyong mga kasamang kaapu-apuan ni Levi. Hindi lamang si Aaron ang tunay na pinagrereklamuhan ninyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 12 Pagkatapos pinatawag ni Moises sila Datan at Abiram, subalit tumanggi silang pumunta. Nagpadala sila ng mensahe na nagsasabi, "Hindi kami pupunta sa iyo!
|
|
\p
|
|
\v 13 Dinala mo kami palabas ng Ehipto, na isang napakatabang lupa, upang idulot kaming mamatay sa disyertong ito. Masama iyon. Subalit ngayon sinusubukan mo ring utos-utusan kami, at iyon ay lalong masama.
|
|
\v 14 Hindi mo kami binigyan ng isang bagong lupain upang matirhan namin, isang lupain na may mga mabuting bukid at mga ubasan. Sinusubukan mo lamang bulagin ang mga taong ito. Kaya hindi kami pupunta sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 At labis na nagalit si Moises. Sinabi niya kay Yahweh, "Huwag mong tanggapin ang handog na butil na kanilang dinala sa iyo. Hindi ako kumuha ng anuman mula sa kanila, kahit isang asno, at wala akong ginawang anumang bagay na mali sa kanila, kaya wala silang karapatang magreklamo laban sa akin."
|
|
\v 16 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Kora, "Ikaw at ang lahat mong kasamahan ay dapat pumunta dito bukas at tumayo sa harapan ni Yahweh. Nandito rin si Aaron.
|
|
\v 17 Ikaw at ang lahat ng 250 na kalalakihang kasama mo ay dapat kumuha ng isang insensaryo upang magsunog ng insenso, at ito ay lagyan ng insenso, at sunugin ito para maging isang handog kay Yahweh. Gagawin rin ni Aaron ang parehong bagay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Kaya kumuha ang bawat isang mga kalalakihan ng tig-iisang insensaryo upang magsunog ng insenso. Nilagyan nila ito ng insenso at mainit na mga uling upang sindihan ito, at tumayo silang lahat sa pasukan ng sagradong tolda kasama nila Aaron at Moises.
|
|
\v 19 Pagkatapos pinatawag ni Kora ang lahat ng mga taong tumulong sa kaniya at ang mga laban kay Moises, at nagtipon din sila sa pasukan ng tolda. Pagkatapos nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh sa kanilang lahat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 at sinabi ni Yahweh kay Aaron at kay Moises,
|
|
\v 21 "Lumayo kayo mula sa mga taong ito, upang agad-agad ko silang aalisin!"
|
|
\v 22 Subalit nagpatirapa sila Aaron at Moises sa lupa. Nakiusap sila kay Yahweh, sinabi, "Diyos, ikaw ang isang nagdulot sa mga taong ito na mabuhay. Isa lamang sa kalalakihang ito ang nagkasala. Kaya, ito ba ay tama para sa iyo na magalit sa lahat ng mga tao?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 24 "Sige, subalit sabihin mo sa lahat ng tao na umalis mula sa mga tolda ni Kora, Datan, at Abiram."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Kaya tumayo si Moises at pumunta sa mga tolda nila Datan at Abiram. Sinundan siya ng mga pinuno ng mga Israelita.
|
|
\v 26 Sinabi niya sa mga tao, "Umalis kayo mula sa mga tolda ng mga masasamang lalaking ito, at huwag kumawak sa kahit anong bagay na nabibilang sa kanila! Kung humawak kayo ng anumang bagay, mamamatay kayo dahil sa kanilang mga kasalanan!"
|
|
\v 27 Kaya umalis ang mga tao mula sa mga tolda nila Kora, Datan, at Abiram. Lumabas sila Datan at Abiram sa kanilang mga tolda kasama ng kanilang mga asawa at mga anak at mga sanggol, at tumayo sa pasukan ng kanilang mga tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Pagkatapos sinabi ni Moises, "Hindi ako ang nagpasiya na gawin ang lahat ng bagay na ito na aking nagawa. Si Yahweh ang siyang pumili sa akin at ipinadala ako upang gawin ang mga ito. At ngayon ay papatunayan niya iyon sa inyo.
|
|
\p
|
|
\v 29 Kung mamamatay ang kalalakihang ito sa karaniwang paraan, ay maliwanag na hindi ako pinili ni Yahweh.
|
|
\v 30 Subalit kung gagawa si Yahweh ng isang bagay na hindi pa kailanman nangyari, kung idudulot niya sa lupa na nasa ilalim ng inyong mga paa na bumukas at lamunin ang kalalakihang ito at kanilang mga pamilya at lahat ng kanilang mga ari-arian, at mahulog sila sa bukasan at malibing habang sila ay buhay pa, malalaman ninyo na inalipusta ng kalalakihang ito si Yahweh."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 31 Pagkatapos na pagkatapos na masabi ito ni Moises, bumukas ang lupa sa ilalim ng mga kalalakihan iyon.
|
|
\v 32 Nilamon nito ang mga kalalakihan at ang kanilang mga pamilya at lahat ng mga nakatayo doon kasama ni Korah at lahat ng kanilang mga ari-arian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Nahulog sila sa bukasan sa lupa habang sila ay mga buhay pa, at lahat ng kanilang mga ari-arian ay nahulog rin sa bukasan. Naglaho sila, at muling nagsara ang lupa.
|
|
\v 34 Sumigaw sila habang sila ay nahuhulog, at lahat ng taong nakatayo sa malapitan ay narinig silang sumigaw. Ang mga tao ay natakot at umiyak habang tumatakbo sila palayo, nagsasabi, "Hindi namin gusto na lamunin din kami ng lupa!"
|
|
\v 35 At pagkatapos isang apoy mula kay Yahweh ang bumaba mula sa langit at sinunog ang 250 kalalakihan na nagsusunog ng insenso!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 36 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 37 "Sabihin mo kay Eleazar na anak na lalaki ni Aaron na ilayo niya ang mga insensaryo na may lamang insenso sa kanila mula sa apoy at ikalat ang nagniningas na mga uling. Ang mga insensaryong hawak-hawak ng mga kalalakihan ay mga banal dahil nagsunog sila ng insenso para sa akin sa mga ito.
|
|
\v 38 Sa mga kalalakihang iyon na ngayon ay patay na dahil sa kanilang kasalanan. Kaya dapat kunin ni Eleazar ang kanilang mga insensaryo at martilyuhin ang tanso upang gawin itong maging napakanipis. Dapat siyang gumawa ng isang takip para sa altar gamit ang tansong iyon. Ang mga insensaryong iyon ay ginamit nila upang maghandog para sa akin, kaya ang mga ito ay banal. Ang nangyari sa mga insensaryong iyon ay babala ngayon sa mga Israelita."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 39-40 Kaya tinipon ni Eleazar na pari ang 250 na insensaryo para sa pagsusunog ng insenso na ginamit ng kalalakihang namatay sa apoy. Minartilyo niya ang mga insensaryo ng napakanipis upang gumawa ng isang takip para sa altar, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Moises na dapat mangyari. Iyon ang nagbabala sa mga Israelita na ang mga kaapu-apuhan lamang ni Aaron ang pinahihintulutang magsunog ng insenso bilang isang handog kay Yahweh. Kung gagawin iyon ng sinuman, parehong bagay ang mangyayari sa kaniya gaya ng nangyari kay Korah at sa mga kasama niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 41 Ngunit sa sumunod na umaga, nagsimula na ang lahat ng Israelitang magreklamo laban kay Aaron at kay Moises na sinasabi, "Pumatay kayo ng maraming tao na nabibilang kay Yahweh!"
|
|
\v 42 Nang ang mga tao ay nagkatipon ng magkakasama upang tutulan ang tungkol sa nagawa nina Aaron at Moises, tumingin sila sa sagradong tolda at nakita na nabalot ito ng sagradong ulap, at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay nagpakita.
|
|
\v 43 Pumunta sila Aaron at Moises at tumayo sa harapan ng sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 44 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 45 "Lumayo ka mula sa mga taong ito, upang agad-agad ko silang lipulin nang hindi kayo masusugatang dalawa!" Subalit nagpatirapa sila Aaron at Moises sa lupa at nanalangin.
|
|
\v 46 Sinabi ni Moises kay Aaron, "Kumuha ka agad ng isa pang insensaryo, at ilagay dito ang ilang nagniningas na baga mula sa altar. Maglagay ka ng insenso sa insensaryo, at dalhin ito palabas sa mga tao upang magbayad kasalanan para sa mga kasalanan ng mga tao. Galit na galit si Yahweh sa kanila, at alam ko na isang matinding salot ay nagsimula na sa kanila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 47 Kaya ginawa ni Aaron kung ano ang sinabi ni Moises sa kaniya. Inilayo niya ang nagniningas na insenso sa mga tao. Nagsimula nang hampasin ng salot ang mga tao, subalit patuloy si Aaron sa pagsunog sa insenso upang gumawa ng pambayad kasalanan para sa mga kasalanan ng mga tao.
|
|
\v 48 Tumayo siya sa pagitan ng mga taong namatay na at sa mga nabubuhay pa, at tumigil ang salot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 49 Subalit 14,700 na tao ang namatay mula sa salot na iyon, bilang karagdagan sa mga taong namatay na kasama ni Korah.
|
|
\v 50 At matapos magwakas ang salot, bumalik sila Aaron at Moises sa pasukan ng sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 17
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 2 "Sabihin mo sa mga Israelita na magdala sila sa iyo ng labindalawang tungkod panlakad. Kailangan nilang magdala ng isa para sa bawat pinuno ng labindalawang tribu. Kailangan mong iukit ang bawat pangalan ng mga pinuno sa kaniyang tungkod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Dapat may tig-isang tungkod para sa pinuno ng bawat tribu, kaya dapat mong iukit ang pangalan ni Aaron sa tungkod para sa tribu ni Levi.
|
|
\v 4 Ilagay mo ang mga tungkod na iyon sa loob ng sagradong tolda sa harap ng sagradong kaban na naglalaman ng mga tapyas ng bato kung saan nakasulat ang Sampung Kautusan. Iyon ang lugar kung saan ako laging nakikipag-usap sa iyo.
|
|
\v 5 Uusbong ang mga bulaklak sa tungkod ng lalaking pinili ko na maging pari. Kapag nakita ng mga tao iyon, ititigil na nila ang kanilang walang humpay na pagrereklamo tungkol sa iyo dahil maiisip nilang siya ang taong aking pinili."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kaya sinabi ni Moises sa mga tao ang sinabi ni Yahweh. At nagdala ang bawat isa sa labindalawang pinuno ng Israelita ng kanilang tungkod panlakad kay Moises.
|
|
\v 7 Inilagay ni Moises ang mga tungkod sa loob ng sagradong tolda sa harapan ng sagradong kaban.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Kinabukasan, nang pumasok siya sa tolda, nakita niyang may umusbong sa tungkod ni Aaron, na kumakatawan sa tribu ni Levi. Tumubo rito ang mga dahon at mga bulaklak, at nagbunga rin ito ng mga almonteng hinog!
|
|
\p
|
|
\v 9 Inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod sa sagradong tolda at ipinakita ang mga ito sa mga tao. Binawi ng bawat isa sa labindalawang pinuno ang kanilang sariling tungkod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Ilagay mo ang tungkod ni Aaron sa harap ng sagradong kaban, at panatilihin mo ito roon. Magiging isa itong babala sa mga taong gustong maghimagsik laban sa akin. At wala nang taong mamamatay dahil sa pagrereklamo nila sa akin."
|
|
\v 11 Kaya ginawa ni Moises ang iniutos ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Pagkatapos sinabi ng mga Israelita kay Moises, "Mamamatay kami! Tiyak na mamamatay kaming lahat!
|
|
\v 13 Mamamatay ang bawat isang lalapit sa sagradong tolda ni Yahweh. Mamamatay din ba tayong natitira?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 18
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Aaron, "Ikaw at iyong mga anak na lalaki at ang ibang miyembro ng pamilya ng iyong ama ang siyang mapaparusahan kapag may mangyaring masama sa mga kagamitan sa loob ng sagradong tolda. At ikaw at ang iyong mga anak na lalaki ang mapaparusahan kapag gumawa ng kasamaan ang sinumang pari.
|
|
\v 2 Atasan mong tulungan ka ng mga napapabilang sa iyong tribu, ang tribu ni Levi, at ng iyong mga anak na lalaki habang ginagawa mo ang iyong gawain sa sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Subalit habang ginagawa nila ang trabahong iyon, hindi sila dapat lumapit sa sagradong mga kasangkapan sa loob ng tolda o lumapit sa altar.
|
|
\v 4 Kapag ginawa nila iyon, mamamatay sila, at mamamatay ka rin! Maaari silang tumulong sa iyo sa lahat ng gawain para pangalagaan ang sagradong tolda, subalit wala ni isa ang papayagang makalapit sa lugar kung saan ikaw ay nagtatrabaho.
|
|
\v 5 Ikaw ang siyang gagawa ng sagradong gawain sa loob ng sagradong tolda at sa altar. Kapag sinunod mo itong mga tagubilin, hindi ako magagalit muli sa mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Pinili ko mismo ang mga kaapu-apuhan ni Levi mula sa ibang mga Israelita nang sa gayon sila ang iyong magiging natatanging mga katulong. Sila ay gaya ng isang handog na ibinigay ko sa iyo para magtrabaho sa sagradong tolda.
|
|
\v 7 Subalit ikaw at ang iyong mga anak na lalaki na siyang mga pari, ang dapat gumawa sa lahat ng mga detalyeng inutos ko tungkol sa altar at sa kung ano ang mangyayari sa loob ng Kabanal-banalang Lugar. Ibinibigay ko sa iyo itong gawain ng pagsisilbi bilang mga pari. Kaya sinumang sumubok na gawin ang gawaing iyon ay dapat patayin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Sinabi rin ni Yahweh kay Aaron, "Ako mismo ang nagtalaga sa iyo upang pamahalaan mo ang lahat na sagradong handog na dadalhin ng mga Israelita sa akin. Ibinigay ko ang itong lahat na sagradong alay sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki. Ikaw at iyong mga kaapu-apuhan ay makakakuha ng bahagi ng mga alay na ito magpakailanman.
|
|
\p
|
|
\v 9 Mapapasa iyo ang mga bahagi ng mga alay na hindi ganap na nasunog sa altar. Iyong mga bahagi ng sagradong mga alay, kasama ang mga handog na harina, ang mga handog para gumawa ng pambayad sa kasalanan para sa mga kasalanan at para alisin ang mga kasalanan, ay inilalaan, at upang ibigay sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Dapat ninyong kainin ang mga handog na nasa sagradong lugar, malapit sa sagradong tolda. Ikaw at lahat ng ibang kalalakihan sa iyong angkan maaaring ay maaaring kainin ito, subalit dapat ninyong isaalang-alang ang mga alay na iyon na banal sa akin.
|
|
\v 11 Itataas nang mataas ng mga pari ang mga sagradong handog habang nakatayo sila sa harap ng altar. Mapapasa iyo ang lahat ng mga handog na iyon na dinala ng mga Israelita at sa iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae. Ang mga ito ang iyong magiging palagiang bahagi. Lahat ng mga miyembro ng iyong pamilya na gumaganap sa mga ritwal upang idulot sa mga ito na maging katanggap-tanggap sa akin ay pinahihintulutang kumain sa mga handog na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ibibigay ko rin sa iyo ang unang pagkain na aanihin ng mga tao bawat taon at dadalhin sa akin—ang mainam na langis ng olibo at bagong alak at butil.
|
|
\p
|
|
\v 13 Mapapasa iyo ang lahat ng mga unang ani na aanihin ng mga tao at dadalhin sa akin. Pinahihintulutang kumain ang sinuman sa iyong pamilya na gumanap ng ritwal upang maging katanggap-tanggap sa akin ng pagkaing iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Lahat ng bagay na nasa Israel na inilaan sa akin, magiging iyo.
|
|
\v 15 Ang mga panganay na lalaki, kapwa ng mga tao at ng mga alagang hayop, na hinandog sa akin, magiging iyo. Subalit dapat bilhin muli ng mga tao ang mga panganay na anak na lalaki at ang mga unang ipinanganak na hayop na hindi maaaring gamitin sa pag-aalay.
|
|
\p
|
|
\v 16 Dapat nilang bilhin muli ang mga ito kapag may isang buwan na sila. Ang halaga na dapat nilang ibayad para sa bawat isa ay limang pirasong pilak. Dapat nilang timbangin ang pilak sa mga timbangan naroon sa sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Subalit hindi sila pinahihintulutang bilhin muli ang unang anak ng mga baka o mga tupa o mga kambing. Ang mga ito ay banal at nailaan para sa akin. Katayin mo ang mga ito at iwisik ang mga dugo nito sa altar. Pagkatapos sunuging ganap ang taba ng mga hayop na iyon sa altar upang maging isang alay sa akin. Magiging kaaya-aya sa akin ang amoy habang nasusunog ang mga ito.
|
|
\v 18 Mapapasa iyo ang karne mula sa mga alay na iyon, gaya ng dibdib at kanang hita ng mga hayop na inihandog sa akin upang ibalik ang pakikipag-unayan ninyo sa akin, habang itinataas ng mataas ng pari ang mga ito sa harap ng altar, mapapasa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Anumang bagay na dadalhin sa akin ng mga Israelita bilang banal na mga kaloob, ibibigay ko sa iyo. Ang mga ito ay upang kainin mo at ng iyong mga anak na lalaki at babae. Ito ang iyong magiging palagiang kabahagi. Ito ay isang kasunduan na aking gagawin sa iyo, isang kasunduan na mananatili magpakailanman. Gagawin ko rin itong kasunduan sa iyong mga kaapu-apuhan." Sinabi rin ni
|
|
\v 20 Yahweh kay Aaron, "Kayong mga pari ay hindi tatanggap ng alinmang lupain o ari-arian gaya ng tinanggap ng ibang mga Israelita. Ako ang matatanggap ninyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Kapang magdala ang mga Israelita sa akin ng ikapu sa lahat ng mga ani at ng kanilang mga bagong silang na hayop, ibibigay ko iyon sa inyong mga kaapu-apuhan ni Levi. Iyon ang inyong magiging kabayaran para sa trabaho na inyong ginagawa sa sagradong tolda.
|
|
\p
|
|
\v 22 Hindi dapat lumapit ang ibang mga Israelita sa tolda. Kapag lumapit sila, ituturing ko na ang kanilang ginagawa ay isang kasalanan, at mamamatay sila sa paggawa ng kasalanang iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Ang mga kaapu-apuhan lamang ni Levi ang pinapayagan kong magtrabaho sa sagradong tolda, at parurusahan ko sila kapag mayroong masasamang mangyayari dito. Isa itong batas na hindi kailanman mababago. Kayong mga kaapu-apuhan ni Levi ay hindi makakatanggap ng anumang lupain sa piling ng ibang mga Israelita,
|
|
\p
|
|
\v 24 dahil bibigyan ko kayo ng isang ikapu ng lahat ng mga ani at mga hayop na dadalhin at iaalay ng mga Israelita sa akin. Kung kaya sinabi ko na hindi kayo makakatanggap ng anumang lupain gaya ng natatanggap ng ibang mga Israelita."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 26 "Sabihin mo ito sa mga kaapu-apuhan ni Levi, 'Kapag tumanggap kayo ng ikapu ng lahat ng mga ani at mga hayop mula sa mga Israelita, dapat ninyong dalhin ang isang ikapu ng lahat ng iyon sa akin upang maging isang sagradong handog.
|
|
\v 27 Gaya ng paghandog ng ibang mga Israelita ng ikapu ng butil at alak ng kanilang ginawa,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 dapat mong dalhin sa akin ang ikapu ng lahat ng iyong natatanggap sa kanila. Iyon ang iyong magiging sagradong handog sa akin. Dapat mong dalhin ito kay Aaron.
|
|
\v 29 Piliin mo ang mainam na mga bahagi ng mga bagay na ibinigay sa iyo upang dalhin ang mga iyon sa akin.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 At saka, sabihin mo sa mga kaapu-apuhan ni Levi, 'Kapag nagdadala kayo ng pinaka-mainam na mga bahagi ng butil at alak bilang iyong handog sa akin, ituturing ko ang mga handog na iyon na parang nanggaling sila sa iyong butil at alak.
|
|
\v 31 Kayong mga kaapu-apuhan ni Levi at inyong mga pamilya inapayagan ko kayong kainin ang lahat ng pagkaing iyon, at maaari ninyong kainin ito saanman ninyo gusto, dahil ito ang inyong kabayaran para sa trabaho na inyong ginawa sa sagradong tolda.
|
|
\v 32 Kapag nagbibigay kayo sa mga pari ng mainam na mga bahagi ng anumang inyong natatanggap, hindi ko kayo parurusahan sa pagtanggap ng ikapu ng mga handog na dadalhin sa akin ng mga tao. Subalit dapat ninyong ituring na sagrado ang mga kaloob na iyon. Kapag nagkasala kayo sa pagkain ng mga bagay na iyon sa paraang salungat sa mga alituntunin na ibinigay ko sa inyo, kayo ay papatayin."'
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 19
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises at Aaron,
|
|
\v 2 "Magbibigay ako sa inyo ngayon ng isa pang alituntunin. Sabihin ninyo sa mga Israelitang magdala sila sa inyo ng isang mapulang malakayumangging baka na walang mga depekto. Isang hayop dapat na hindi pa ginamit para sa pagbubungkal ng lupa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ibigay ninyo ito kay Eleazar na pari. Dapat niyang dalhin ito sa labas ng kampo at katayin ito at saluhin ang dugo sa isang palanggana.
|
|
\v 4 Dapat niyang isawsaw ang isa sa kaniyang mga daliri sa dugo at iwisik ang kaunti sa mga ito ng pitong beses sa ibabaw ng lupa malapit sa sagradong tolda.
|
|
\p
|
|
\v 5 Pagkatapos, habang nagmamasid si Eleazar, dapat sunuging ganap ang baka--ang mga balat nito, ang mga karne nito, ang natitirang mga dugo nito, at kahit ang mga dumi nito.
|
|
\v 6 Dapat ding kumuha si Eleazar ng isang patpat ng kahoy na sedro, isang tangkay ng isang tanim na nagngangalang isopo, at ilang pulang telang hibla, at ihagis ang mga ito sa apoy kung saan nasusunog ang baka.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Pagkatapos, ang pari ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at maligo. Matapos niyang gawin iyon, maaari siyang bumalik sa kampo. Ngunit magiging hindi siya karapat-dapat para sa paggawa ng anumang sagradong gawain hanggang sa gabing iyon.
|
|
\v 8 Ang taong sumusunog sa baka ay dapat din niyang labhan ang kaniyang mga damit at maligo, at magiging hindi rin siya katanggap-tanggap sa akin hanggang sa gabing iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 At ang isang taong palaging katanggap-tanggap sa akin ay dapat tipunin ang mga abo ng baka at ilagay ang mga iyon sa isang sagradong lugar sa labas ng kampo. Dapat niyang itago roon ang mga abo para gamitin ng mga tao ng Israel kapag ihalo nila ito sa tubig para sa ritwal na kapatawaran ng kasalanan.
|
|
\v 10 Ang tao na siyang nagtitipon sa mga abo ng baka ay dapat ding labhan ang kaniyang mga damit, at magiging hindi rin siya karapat-dapat gumawa ng anumang sagradong gawain hanggang sa gabing iyon. Iyan ay isang alituntunin na kailanman hindi mababago. Dapat ninyo itong sundin na mga Israelita at ng sinumang dayuhang naninirahan sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Lahat ng hahawak sa isang bangkay ay magiging hindi katanggap-tanggap sa akin sa loob ng pitong araw.
|
|
\p
|
|
\v 12 Sa ikatlong araw at sa ikapitong araw pagkatapos humawak ng isang bangkay ay dapat nilang iwisik sa kanilang sarili ang kaunti sa tubig na iyon para sa pagtatanggal ng kanilang kasalanan upang maging katanggap-tanggap sila sa akin muli. Kung hindi nila gagawin iyon sa parehong araw, mananatili silang hindi katanggap-tanggap sa akin.
|
|
\p
|
|
\v 13 Lahat ng humawak sa isang bangkay, at hindi kumilos sa tamang paraan ng ritwal upang maging katanggap-tanggap sa akin muli, dinungisan nila ang sagradong tolda ni Yahweh. Hindi na sila kailanman papayagang mamuhay kasama ng mga Israelita. Ang tubig na nagtatanggal ng kasalanan ay hindi naiwisik sa kanila, kaya mananatili silang hindi katanggap-tanggap sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Mayroong isa pang ritwal na dapat gawin kapag mamamatay ang isang tao sa loob ng isang tolda. Lahat ng nasa loob ng tolda nang namatay ang taong iyon o sinumang pumasok sa toldang iyon ay magiging hindi katanggap-tanggap sa akin sa loob ng pitong araw.
|
|
\p
|
|
\v 15 Anumang sisidlan na hindi natakpan sa loob ng toldang iyon ay hindi pinapayagang gamitin.
|
|
\p
|
|
\v 16 Kung ang isang taong nasa labas ay hahawakan ang bangkay ng isang taong napaslang, o namatay mula sa natural na mga kadahilanan, o kung hahawak ang isang tao ng isang buto mula sa ilang tao o hahawak sa isang puntod, magiging hindi katanggap-tanggap ang taong iyon sa akin sa loob ng pitong araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Para maging katanggap-tanggap sa akin muli ang isang taong ganoon, dapat kumuha ng kaunti sa mga abo mula sa bakang sinunog at ilagay sa isang banga. Pagkatapos dapat ibuhos ang tubig tabang sa ibabaw ng mga abo.
|
|
\p
|
|
\v 18 Pagkatapos isang tao na palaging katanggap-tanggap sa akin ang dapat kumuha ng isang tangkay ng isang tanim na pinangalanang isopo at isawsaw ito sa loob ng tubig. Pagkatapos dapat iwisik ng taong iyon ang kaunting tubig sa tolda kung saan namatay ang taong iyon, sa mga bagay na nasa loob ng tolda, at sa mga taong nasa loob ng tolda. Dapat niya ring iwisik ang kaunting tubig na iyon sa sinumang taong nakahawak sa isang buto ng tao o nakahawak ng taong namatay, o na siyang nakahawak ng isang puntod.
|
|
\p
|
|
\v 19 Sa ikatlong araw at sa ikapitong araw pagkatapos nito, dapat iwisik ng tao na siyang katanggap-tanggap sa akin ang kaunting tubig sa mga taong naging hindi katanggap-tanggap sa akin. Sa ikapitong araw, ang taong siyang gumagawa ng ritwal upang maging katanggap-tanggap sa akin muli ay dapat nilang labhan ang kanilang damit at maligo. Kung gagawin nila iyon, sa gabing iyon magiging katanggap-tanggap sila sa akin muli.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Kung ang mga naging hindi katanggap-tanggap sa akin ay hindi maging katanggap-tanggap sa akin muli sa pamamagitan ng paggawa nito, hindi na sila kailanman pinapayagang manirahan kasama ng mga Israelita, dahil dinungisan nila ang aking sagradong tolda. Hindi nila iniwisik sa kanilang sarili ang tubig na nagtatanggal sa kanilang kasalanan, kaya manatili silang hindi katanggap-tanggap sa akin.
|
|
\p
|
|
\v 21 Iyon ang batas para sa mga Israelita na hindi kailanman mababago. Iyong nagwisik ng tubig na iyon sa kanilang sarili ay dapat ding labhan ang kanilang mga damit. At sinumang humahawak sa tubig na iyon na nagtatanggal ng mga kasalanan ay mananatiling hindi katanggap-tanggap sa Diyos hanggang sa gabing iyon.
|
|
\v 22 Anumang bagay at sinumang tao na hinawakan ng isang tao na naging hindi katanggap-tanggap sa akin ay mananatiling hindi katanggap-tanggap sa akin hanggang sa gabing iyon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 20
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa unang buwan ng kasunod na taon, naglakbay ang mga Israelita sa ilang ng Sin at nagkampo malapit sa Kades. Habang naroon sila, ang kapatid na babae ni Moises na si Miriam ay namatay at inilibing doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 2 Walang tubig na maiinom para sa mga tao doon, kaya pinuntahan nila sina Aaron at Moises.
|
|
\p
|
|
\v 3 Nagreklamo sila at sinabi, "Ninanais naming namatay nalang kami sa harap ng sagradong tolda ni Yahweh nang namatay ang aming kasamahang mga Israelita!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Dinala mo ba kami rito na mga tao ni Yahweh, sa disyertong ito para mamatay kasama ng aming mga alagang hayop?
|
|
\v 5 Bakit mo kami dinala dito sa kahabag-habag na lugar mula Ehipto? Walang mga butil dito, walang mga igos, walang mga ubas, at walang mga granada rito. At walang tubig upang aming inumin!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Tinalikuran nila Moises at Aaron ang mga tao at pumunta sa pasukan ng sagradong tolda at nagpatirapa sa kanilang mga sarili sa lupa. Pagkatapos nagpakita si Yahweh sa kanila sa kaniyang nakakasilaw na kaluwalhatian,
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 at sinabi niya kay Moises,
|
|
\p
|
|
\v 8 "Ikaw ang dapat kumuha ng tungkod ni Aaron at tipunin ang lahat ng tao. Habang nakatingin ang mga tao, utusan mo ang malaking batong iyan na maglabas ng tubig. Mula dito dadaloy ang tubig para sa mga tao. Lahat sila at lahat ng kanilang alagang hayop ay magkakaroon ng sapat na tubig para inumin."
|
|
\p
|
|
\v 9 Kaya ginawa ni Moises ang anumang sinabi ni Yahweh na kaniyang gawin. Kinuha niya ang tungkod ni Aaron sa lugar sa sagradong tolda kung saan ito nakalagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Pagkatapos ipinatawag nila Moises at Aaron ang lahat ng tao para magkatipon sa kinaroroonan ng bato. At isinigaw ni Moises sa kanila, "Lahat kayong taong mapanghimagsik ay makinig! Kailangan pa ba naming magpalabas ng tubig sa inyo mula sa batong ito?"
|
|
\p
|
|
\v 11 Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kaniyang kamay at sa halip na magsalita sa bato, hinampas niya ng tungkod ang bato ng dalawang beses. At umagos ang tubig palabas. Kaya uminom ang lahat ng mga tao at kanilang mga alagang hayop ng tubig na gusto nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Subalit sinabi ni Yahweh kina Aaron at Moises, "Hindi kayo nagtiwala sa akin o pinarangalan ako sa harap ng mga Israelita, at kaya hindi ninyo sila pamumunuan sa lupaing ibinigay ko sa kanila!"
|
|
\p
|
|
\v 13 Kinalaunan tinawag ang lugar na itong Meriba, ibig sabihin 'pagtatalo', dahil doon nakipagtalo ang mga Israelita laban kay Yahweh, at doon ipinakita niya ang kaniyang karangalan at kabanalan sa kanila sa pagbibigay ng tubig sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Habang nasa Kades ang mga tao, nagpadala ng mga sugo si Moises sa hari ng Edom para sabihin sa kaniya ito, "Ang iyong kamag-anak, ang mga Israelita, ay ipinadala sa iyo itong mensahe. Alam mo ang mga kaguluhan na nangyari sa amin.
|
|
\p
|
|
\v 15 Alam mo na pumunta ang aming mga ninuno sa Ehipto. Alam mo na nanatili kami doon ng maraming taon. Nagdusa sila dahil ang mga pinuno ng Ehipto ay idinulot sila na maging kanilang mga alipin at magtrabaho ng napakahirap.
|
|
\p
|
|
\v 16 Subalit nang tumawag sila kay Yahweh, dininig niya sila at nagpadala ng isang anghel na nagdala sa kanila palabas ng Ehipto. Ngayon nagtayo kami ng mga tolda dito sa Kades, isang bayan sa hangganan ng iyong lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Pakiusap payagan mo kaming dumaan sa iyong bansa. Mag-iingat kami na hindi malakaran ang iyong taniman at iyong ubasan. Hindi kami iinom kahit pa sa tubig mula sa inyong mga balon. Habang naglalakbay kami, mananatili kami sa maluwang na daan ng hari, ang pangunahing daan na papunta mula sa timog hanggang hilaga, at hindi kami aalis sa daan hanggang makatawid kami sa hangganan ng iyong bansa sa hilaga."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Subalit tumanggi ang hari ng Edom. Sumagot siya, "Manatili kayo sa labas ng aking bansa! Kapag sinubukan ninyong pumasok dito, ipadadala ko ang aking hukbo para lusubin kayo!"
|
|
\p
|
|
\v 19 Sumagot ang mga sugo ng Israelita, "Kapag dumaan kami sa inyong bansa, mananatili kami sa pangunahing daan. Kapag kami at ang mga alagang hayop namin ay uminon sa iyong tubig, magbabayad kami rito. Gusto lamang namin dumaan sa iyong bansa. Wala kaming iba pang nais."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Subalit sumagot ang hari, "Hindi! Manatili kayo sa labas ng aking bansa! Hindi namin kayo pahihintulutang dumaan sa aming lupain!" Pagkatapos ipinadala niya ang kaniyang pinakamalalakas na kawal sa kaniyang hukbo para pigilan ang mga Israelita na pumasok sa kaniyang bansa.
|
|
\p
|
|
\v 21 Kaya, dahil tumanggi ang hari ng Edom na payagan ang mga Israelitang dumaan sa kaniyang bansa, tumalikod ang mga Israelita at naglakbay sa ibang daraanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Nilisan ng mga Israelita ang Kades. Pumunta sila sa Bundok Hor,
|
|
\p
|
|
\v 23 na nasa hangganan ng Edom. Habang naroon sila, sinabi ni Yahweh kina Aaron at Moises,
|
|
\p
|
|
\v 24 "Panahon na para mamatay si Aaron. Hindi siya makakapasok sa lupain na ibibigay ko sa inyong mga Israelita, dahil sinuway ninyong dalawa ang aking utos nang sinabi ko na kausapin mo ang bato na maglabas ng tubig para dumaloy sa Meriba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Ngayon ikaw, Moises, dalhin mo si Aaron at ang kaniyang anak na lalaking si Eleazar sa taas ng Bundok Hor.
|
|
\p
|
|
\v 26 Doon, dapat mong alisin ang mga kasuotan ni Aaron na kaniyang isinusuot kapag ginagawa niya ang gawain ng isang pari, at isuot mo ang mga ito sa kaniyang anak na lalaki na si Eleazar. Mamamatay si Aaron doon sa itaas."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 27 Kaya ginawa ni Moises ang anumang inutos ni Yahweh. Umakyat ang tatlo sa Bundok Hor, habang nakatingin ang mga Israelita.
|
|
\v 28 Sa tuktok ng bundok, hinubad ni Moises ang mga damit na sinusuot ni Aaron habang ginagawa niya ang gawain ng isang pari at isinuot ang mga ito kay Eleazar. Pagkatapos, namatay si Aaron doon sa tuktok ng bundok, at bumabang pabalik sina Eleazar at Moises.
|
|
\v 29 Nang mapagtanto ng mga Israelita na namatay si Aaron, nagluksa silang lahat para sa kay Aaron ng tatlumpung araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 21
|
|
\p
|
|
\v 1 Nanirahan ang hari ng lungsod ng Arad sa lugar kung saan nanirahan ang mga Cananeo, sa ilang ng katimugang Judea. Narinig niya ang isang balita na papalapit na ang mga Israelita sa daan patungo sa nayon ng Atarim. Kaya sinalakay ng kaniyang hukbo ang mga Israelita at binihag ang ilan sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 2 Pagkatapos, taimtim itong sinabi ng mga Israelita, "Yahweh, kung tutulungan mo kaming talunin ang mga taong ito, wawasakin namin nang lubusan ang lahat ng kanilang mga bayan."
|
|
\v 3 Narinig ni Yahweh kung ano ang kanilang hiniling, at idinulot niyang talunin nila ang hukbo ng Canaaneo. Pinatay ng mga sundalong Israelita ang lahat ng tao at winasak ang kanilang mga bayan. Mula noong araw na iyon, tinawag ang lugar na iyon na Hormah na ang kahulugan ay "pagkawasak."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Pagkatapos, umalis ang mga Israelita sa Bundok Hor at naglakbay sa daan patungo sa Pulang Dagat, upang pumunta sa palibot sa lupain ng Edom. Ngunit nainip habang naglalakbay ang mga tao,
|
|
\p
|
|
\v 5 at nagsimula silang magreklamo laban sa Diyos at kay Moises. Sinabi nila, "Bakit mo kami pinalabas sa Ehipto upang mamatay dito sa disyerto? Walang makain dito, at walang mainom. At pinagsawaan namin ang walang kuwentang manang pagkaing ito!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kaya nagpadala ng makamandag na ahas si Yahweh sa kanila. Maraming tao ang natuklaw ng ahas at namatay.
|
|
\p
|
|
\v 7 Pagkatapos, pumunta ang mga tao kay Moises at sumigaw na sinasabi, "Alam namin ngayon na nagkasala kami laban kay Yahweh at laban sa iyo. Magdasal ka kay Yahweh, makiusap ka na paaalisin niya ang mga ahas!" Kaya nagdasal si Moises para sa mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Gumawa ka ng isang hugis ng makamandag na ahas, at ikabit mo ito sa itaas ng isang poste. Kung tumingin sa hugis na iyon ang mga natuklaw ng mga ahas, gagaling sila."
|
|
\p
|
|
\v 9 Kaya gumawa si Moises ng isang ahas na mula sa tanso at ikinabit ito sa itaas ng isang poste. Pagkatapos, nang tumingin ang mga natuklaw ng ahas sa tansong ahas, gumaling sila!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Pagkatapos naglakbay ang mga Israelita papuntang Obot at nagkampo roon.
|
|
\v 11 Pagkatapos, umalis sila roon, at pumunta sa Lye Abarim, sa disyertong ilang sa silangang hangganan ng Moab.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Mula roon naglakbay sila patungo sa lambak kung saan naroroon ang Zered na dinadaluyan ng ilog, at nagkampo sila roon.
|
|
\p
|
|
\v 13 Pagkatapos naglakbay sila sa hilagang bahagi ng Ilog Arnon. Nasa disyertong ilang ang lugar na iyon sunod sa lupain kung saan naninirahan ang mga Amoreo. Ang Ilog Arnon ay hangganan sa pagitan ng Moab at kung saan naninirahan ang mga Amoreo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Kaya isinulat ito sa aklat ng Aklat ng mga Digmaan ni Yahweh, "Waheb sa Sufa, at ang mga bangin doon, at ang Ilog Arnon
|
|
\p
|
|
\v 15 at ang mga bangin doon, na lumagpas tulad ng layo ng nayon ng Ar sa hangganan ng Moab."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Mula roon naglakbay ang mga Israelita patungo sa Beer. Mayroong isang balon doon kung saan dating sinabi ni Yahweh kay Moises, "Sama-samang tipunin ang mga tao, at bibigyan ko sila ng tubig."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Doon inawit ng mga Israelita ang awit na ito: "O balon, bigyan kami ng tubig! Umawit tungkol sa balong ito!
|
|
\p
|
|
\v 18 Umawit tungkol sa balong ito na hinukay ng ating mga pinuno; hinukay nila ang putik sa kanilang mga maharlikang setro at ang kanilang mga tungkod na panglakad." Pagkatapos, umalis ang mga Israelita sa ilang na iyon at nagtungo sa Matana,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sa nayon ng Nahaliel at Bamot.
|
|
\p
|
|
\v 20 Pagkatapos pumunta sila sa lambak na nasa Moab na kung saan nakaharap ang Bundok Pisga sa ilang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero ang mga Israelita kay Sihon, ang hari ng mga Amoreo. Ito ang mensahe na kanilang ibinigay sa kaniya,
|
|
\p
|
|
\v 22 "Payagan mo kaming makalakbay sa iyong bansa. Mananatili kami sa maluwang na daan ng hari, ang pangunahing daang papunta mula sa timog patungong hilaga, hanggang matapos namin ang paglalakbay sa iyong lupain. Hindi kami dadaan sa anumang bukirin o taniman ng ubas, o iinom ng tubig mula sa iyong mga balon."
|
|
\p
|
|
\v 23 Ngunit tumanggi si Haring Sihon. Hindi niya sila pinayagang dumaan sa kaniyang lupain. Sa halip, ipinadala niya ang kaniyang buong hukbo upang salakayin ang mga Israelita sa disyerto. Sinalakay nila ang mga Israelita sa nayon ng Jahaz.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Ngunit tuluyan silang tinalo ng mga Israelita at sinakop ang kanilang lupain, mula sa Ilog Arnon sa timog hanggang sa Ilog Jabbok sa hilaga. Huminto sila sa hangganan ng lupain kung saan naninirahan ang lahi ni Ammon, dahil mahigpit na ipinagtatangol ng hukbo ni Ammon ang hangganan.
|
|
\v 25 Kaya sinakop ng mga Israelita ang lahat ng mga lungsod at mga bayan kung saan naninirahan ang mga Amoreo, at ang ilan sa mga Israelita ay nagsimulang manirahan sa mga ito. Sinakop nila ang lungsod ng Hesbon at ang mga kalapit na nayon.
|
|
\p
|
|
\v 26 Kabiserang lungsod ng bansa ang Hesbon. Ito ang lungsod na pinamunuan ni Haring Sihon. Dating tinalo ng kaniyang hukbo ang hukbo ng hari ng Moab, at pagkatapos ang kaniyang mga tao ay nagsimulang nanirahan sa lahat ng lupain ng Moab hanggang sa Ilog Arnon sa timog.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Sa dahilang ito, isinulat ng isang manunulat noong unang panahon, "Halikayo sa Hesbon, ang lungsod na pinamunuan ni Haring Sihon. Gusto naming maibalik ang lungsod.
|
|
\p
|
|
\v 28 Isang apoy ang nagliyab mula sa Hesbon. Sinunog nito ang lungsod ng Ar sa Moab. Winasak nito ang lahat ng bagay na nasa mga burol sa tabi ng Ilog Arnon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 29 Kayong mga tao ng Moab, nakakakilabot ang mga bagay na nangyari sa inyo! Kayong mga taong sumamba sa inyong diyos na si Cemos na napuksa na! Lumayo ang mga lalaking sumamba sa Cemos at naging mga takas ngayon, at ang mga babaeng sumamba sa kaniya ay sinakop ng hukbo ni Sihon, ang hari ng lahi ng Amor.
|
|
\q
|
|
\v 30 Ngunit tinalo namin ang mga kaapu-apuhan na iyon ng Amoreo, hanggang sa dulo mula sa Hesbon sa hilaga hanggang sa lungsod ng Dibon sa timog. Binura namin sila ng lubusan hanggang sa mga lungsod ng Nofa at Medeba."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 31 Kaya nagsimulang manirahan ang mga Israelita sa lupain na kung saan nanirahan ang mga Amoreo.
|
|
\v 32 Pagkatapos, ipinadala ni Moises ang ilang kalalakihan upang siyasatin ang lugar malapit sa lungsod ng Jazer, nagsimulang nanirahan ang mga Israelita sa lahat ng mga bayan sa rehiyong iyon at pinatalsik ang lahi ng Amoreong naninirahan doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 33 Pagkatapos, lumiko sila sa hilaga patungo sa rehiyon ng Bashan, ngunit sinalakay sila ni Haring Og ng Bashan at ang lahat ng kaniyang hukbo sa lungsod ng Edrei.
|
|
\v 34 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Huwag kayong matakot kay Og, dahil idudulot kong talunin siya ng iyong kalalakihan at ang kaniyang hukbo, at kunin ang aariin ninyo ang lahat ng kaniyang lupain. Gagawin ninyo sa kaniya kung ano ang ginawa ninyo kay Sihon, ang hari ng ng mga Amoreo, na siyang namuno sa Hesbon."
|
|
\p
|
|
\v 35 At iyon ang nangyari. Tinalo ng Israelita ang hukbo ni Og, at pinatay si Haring Og at ang kaniyang mga anak na lalaki at lahat ng kaniyang mga tao. Walang kahit isa ang nakaligtas! At pagkatapos nagsimulang manirahan sa kanilang lupain ang mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 22
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos naglakbay ang mga Israelita pakanluran sa kapatagan ng Moab na nasa lambak ng Ilog Jordan, sa ibayo ng ilog mula sa Jerico.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 2 Ngunit si Balak na anak ni Zippor, na namumuno sa Moab ay nalaman niya kung ano ang ginawa ng mga Israelita sa mga Amoreo.
|
|
\v 3 Nang makita niya na ang mga Israelita ay napakarami, siya at ang kaniyang mga tao ay natakot.
|
|
\p
|
|
\v 4 Kaya ang hari ng Moab ay pinuntahan ang mga pinuno ng mga Midianita at sinabi sa kanila, "Itong napakalaking grupo ng mga Israelita ay uubusin ang lahat ng bagay na nakapalibot sa kanila, katulad ng isang lalaking baka na inuubos ang mga damo!" Si Balak ay hari ng Moab.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Nagpadala siya ng mga mensahero sa isang propeta na nagngangalang Balaam, na nakatira sa sarili niyang lugar, sa Pethor, malapit sa Ilog Eufrates. Ipinadala niya itong mensahe upang hilingin na puntahan ni Balaam para tulungan siya, "Ang napakalaking grupo ng mga tao ay nagsidatingan dito galing sa Ehipto. Parang nagpapakita ito na sasakupin nila ang buong lupain! At nagsimula na silang manirahan ng mas malapit sa amin.
|
|
\p
|
|
\v 6 Sapagkat sila ay napakalakas, natatakot kami sa kanila. Kaya pakiusap pumarito ka at sumpain sila para sa akin. Upang ang aking hukbo ay maaaring nilang talunin at palalayasin sila sa lupain na kanilang tinitirhan sa ngayon. Alam kong mabubuting mga bagay ang mangyayari sa mga taong pinagpapala mo, at kapahamakan ang mangayayari sa mga taong isusumpa mo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Ang mga mensahero ni Balak na mga pinuno ng lahi ni Moab at Midian, ay may dala-dalang pera upang ipambayad nila kay Balaam ng sa gayon sasama siya at isumpa ang mga Israelita. Pinuntahan nila si Balaam at sinabi nila sa kaniya ang sinabi ni Balak.
|
|
\v 8 Sinabi ni Balaam, "Manatili muna kayo ngayong gabi rito. Bukas ng umaga sasabihin ko sa inyo kung anuman ang sasabihin sa akin ni Yahweh na dapat kong sabihin sa inyo." Kaya ang mga pinuno mula sa Moab ay nanatili roon sa gabing iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Sa gabing iyon, nagpakita ang Diyos kay Balaam at tinanong siya, "Sino ang mga lalaking ito na namamalagi sa iyo?"
|
|
\p
|
|
\v 10 Sagot ni Balaam, si Balak, hari ng Moab ay ipinadala ang mga kalalakihang ito para sabihin sa akin itong mensahe,
|
|
\v 11 "Isang napakalaking grupo ng mga tao ay nagsidatingan mula sa Ehipto, at kumalat sila sa lahat ng parte ng lugar. Pakiusap pumarito ka kaagad para isumpa sila. Kung gayon maaari ko silang talunin at palayasin mula sa lugar na ito.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Sinagot ng Diyos si Balaam, "Huwag kang sumama sa kanila! Pinagpala ko ang mga taong iyon, kaya huwag mo silang isusumpa!"
|
|
\v 13 Kinaumagahan, tumayo si Balaam at sinabi sa mga tauhan ni Balak, "Bumalik na kayo sa inyong mga tahanan. Ngunit kayo lang ang babalik, sapagkat hindi ako pinapayagan ni Yahweh na sumama sa inyo."
|
|
\p
|
|
\v 14 "Kaya ang mga kalalakihan mula sa Moab ay nagsibalikan patungo kay Haring Balak at ibinalita nila sa kaniya, "Tumangging sumama sa amin si Balaam."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Ngunit nagpadala ng panibagong grupo ng mga pinuno si Balak. Ito ay isang grupo na mas malaki at mas mahalaga kaysa sa mga kalalakihan sa naunang grupo.
|
|
\p
|
|
\v 16 Nagpunta sila kay Balaam at sinabi ito sa kaniya, "Ito ang sinabi ni Haring Balak, 'Pakiusap huwag mong hayaan ang anumang bagay na maging hadlang sa iyo para pumarito ka.
|
|
\p
|
|
\v 17 Babayaran kita ng malaking halaga kung pupunta ka, at gagawin ko ang lahat ng bagay na ipapagawa mo sa akin. Basta pumarito ka at isumpa ang mga Israelitang ito para sa akin!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Ngunit sinagot sila ni Balaam, "Kahit na ibigay sa akin ang palasyo ni Balak na puno ng pilak at ginto, hindi ako gagawa ng anumang bagay upang suwayin si Yahweh na aking Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 19 Ngunit manatili muna kayo rito ng isa pang gabi, gaya ng ginawa ng ibang mga mensahero, at aalamin ko kung mayroon pang anumang bagay ang sasabihin si Yahweh sa akin."
|
|
\p
|
|
\v 20 Nang gabing iyon nagpakita ulit ang Diyos kay Balaam at sinabi sa kaniya, "Ang mga taong ito ay nagpunta upang hilingin na sumama ka sa kanila pabalik, kaya maaari kang sumama sa kanila, ngunit gawin mo lamang kung ano ang sinabi ko sa iyo na gawin!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Kaya sa sumunod na umaga, inilagay ni Balaam ang isang upuan sa ibabaw ng kaniyang asno at umalis siya kasama ng kaniyang dalawang alipin kasama ang mga kalalakihan mula sa Moab.
|
|
\v 22 Kahit na pinayagan ng Diyos na umalis si Balaam, galit pa rin siya. Kaya ipinadala niya ang isa sa kaniyang mga anghel kay Balaam. Itong anghel ay tumayo sa kalsada para harangin ang daraanan ni Balaam. Habang si Balaam at ang kaniyang dalawang alipin ay nakasakay sa kanilang mga asno,
|
|
\v 23 nakita ng asno ni Balaam ang anghel. Ang anghel ay nakatayo sa kalsada at may hawak na isang espada sa kaniyang kamay, ngunit hindi siya nakita ni Balaam. Lumihis ng daan ang asno ni Balaam at nagtungo sa loob ng isang bukirin. Kaya hinampas ni Balaam ang asno at napilita itong bumalik sa kalsada.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 24 At tumayo ang anghel sa isang lugar na may napakakipot na daan, sa pagitan ng dalawang ubasan, na may mga pader sa magkabilang bahagi ng kalsada.
|
|
\p
|
|
\v 25 Nang makita ng asno ang anghel na nakatayo doon, lumakad ito ng napakalapit sa pader upang subukan niyang makalusot sa anghel. Ang naging resulta, tumama ng malakas ang paa ni Balaam sa pader. Kaya hinampas ulit ni Balaam ang asno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26 Pagkatapos, pumunta sa mas malayo pa ang anghel sa tabi ng kalsada at tumayo sa isang lugar na labis na makipot ng daan, na ang naging resulta na ang asno ay hindi na talaga makadaan.
|
|
\v 27 Sa oras na iyon, nang makita ng asno ang anghel, lumuhod na lang siya sa lupa na kung saan nakaupo si Balak sa ibabaw nito. Nagalit ng husto si Balaam, at kaniyang hinampas ulit ang asno sa pamamagitan ng kaniyang panglakad na tungkod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28 Pagkatapos hinayaan ni Yahweh na magsalita ang asno! Sinabi nito kay Balaam, "Ano ang maling bagay na ginawa ko sa iyo na nagdulot sa iyo na hampasin mo ako ng tatlong beses?"
|
|
\v 29 Sumigaw si Balaam, "Hinampas kita sapagkat idinulot mo na lumabas akong hangal! Kung mayroon akong dalang isang espada, pinatay na kita!"
|
|
\v 30 Ngunit sumagot ang asno, "Ako ay pag-aari mo, ang lagi mong sinasakyan! Mayroon ba akong dating nagawang anumang bagay na katulad nito?" Sinabi ni Balaam, "Wala."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 31 Pagkatapos, hinayaan ni Yahweh na makita ni Balaam ang anghel na nakatayo sa kalsada, hawak-hawak ang isang espada sa kaniyang kamay. Naunawaan ng tuluyan ni Balaam na ito ay isang anghel at dumapa siya sa lupa sa harapan ng anghel.
|
|
\p
|
|
\v 32 Tinanong siya ng anghel, "Bakit mo hinampas ng tatlong beses ang iyong asno? Pumarito ako upang harangin ko ang iyong daraanan sapagkat ang pinaplano mong gawin ay mali.
|
|
\v 33 Tatlong beses akong nakita ng iyong asno at iniwasan niya ako. Kung hindi niya ginawa iyon, tiyak na tuluyan kitang napatay, ngunit papayagan kong mabuhay ang asno."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 At sinabi ni Balaam sa anghel, "Nagkasala ako." Ngunit hindi ko namalayang nakatayo ka diyan sa kalsada, sinusubukan mong harangin ang aking daraanan. Kaya kung ayaw mo akong tumuloy, uuwi na lang ako."
|
|
\v 35 Ngunit sumagot ang anghel, "Pahihintulutan kitang sumama sa mga lalaking ito, ngunit sasabihin mo lamang kung ano ang sasabihin ko sa iyo!" Kaya sumama si Balaam sa mga pinuno na ipinadala ni Balak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 36 Nang marinig ni Haring Balak na paparating na si Balaam, sinalubong niya ito sa Moab malapit sa Ilog Arnon na nasa hangganan ng kaniyang lupain.
|
|
\v 37 Nang makarating siya sa naroon si Balaam, sinabi niya sa kaniya, "Pinadalhan kita ng isang mensahe na nagsasabi na dapat kang pumarito kaagad! Bakit hindi ka pumarito? Sa palagay mo ba hindi kita babayaran ng malaking halaga sa pagpunta mo rito?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 38 Sumagot si Balaam, "Narito na ako" ngunit hindi ko masasabi ang anumang bagay na gusto ko. Sasabihin ko lamang ang mga salita na sasabihin sa akin ng Diyos."
|
|
\v 39 At sumama si Balaam kay Balak sa Kiriat Huzot.
|
|
\v 40 Doon pumatay si Balak ng ilang baka at tupa bilang mga alay, at inialok ang mga parte ng karne kay Balaam at sa mga pinuno na kasama niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 41 Natulog sila roon, at kinaumagahan dinala ni Balak sa dakong itaas ng bundok sa nayon ng Bamot Baal. Mula roon, nakikita nila ang iilang mga Israelita na nasa ibaba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 23
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ni Balaam kay Haring Balak, 'Gumawa ka rito ng pitong altar para sa akin. Pagkatapos pumatay ka ng pitong batang toro at pitong lalaking tupa upang ialay."
|
|
\v 2 Kaya ginawa iyon ni Balak. At pagkatapos siya at si Balaam ay nagsunog sila ng tig-iisang batang toro at isang lalaking tupa bilang alay sa bawat altar.
|
|
\v 3 Pagkatapos sinabi ni Balaam kay Balak, "Tumayo ka dito malapit sa tabi ng mga handog na susunugin, at aalis ako at tatanungin ko si Yahweh kung may sasabihin pa siya sa akin. At sasabihin ko sa iyo kung ano ang sasabihin niya sa akin." Pagkatapos pumuntang mag-isa si Balaam sa tuktok ng isang burol,
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 at nagpakita ang Diyos sa kaniya doon. Sinabi ni Balaam sa kaniya, "Gumawa kami ng pitong altar, at pumatay at nagsunog ako ng isang batang toro at isang lalaking tupa bilang alay sa iyo sa bawat altar."
|
|
\v 5 Pagkatapos binigyan ni Yahweh si Balaam ng isang mensahe upang ibigay kay Haring Balak. Pagkatapos sinabi niya, "Bumalik ka at sabihin mo sa kaniya ang sinabi ko sa iyo."
|
|
\p
|
|
\v 6 Nang bumalik si Balaam kay Balak, nakatayo si Balak sa harapan ng mga handog na kaniyang sinunog sa altar kasama ang mga pinuno mula sa Moab.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ito ang mensaheng sinabi ni Balaam sa kanila, "Pinatawag ako ni Balak na pumarito mula sa Aram; dinala ako ng hari ng Moab dito mula sa mga burol sa silangang dako ng Aram. Sinabi niya, 'Halika at isumpa mo ang mga kaapu-apuhan ni Jacob para sa akin! Halika at sabihin mo ang masasamang bagay na mangyayari sa mga Israelitang ito!"
|
|
\q
|
|
\v 8 Ngunit paano ko maisusumpa ang mga taong hindi isinumpa ng Diyos? Paano ko lalabanan ang mga taong hindi nilabanan ni Yahweh?
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Nakita ko sila mula sa ibabaw ng mga mabatong tuktok, nakita ko sila mula sa mga burol. Nakikita kong isang pangkat sila ng taong namumuhay nang sila lamang. Inihiwalay nila ang kanilang sarili mula sa ibang mga bansa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Sino ang makakabilang sa mga kaapu-apuhan ni Jacob, na kasindami ng alikabok! Sino ang makakabilang ang ikaapat ng dami ng mga Israelita? Hinihiling kong mamatay ako gaya ng pagkamatay ng mga taong matuwid. Inaasahan kong mapayapa akong mamamatay gaya nang magiging kamatayan nila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ni Balak, "Ano ang ginawa mo sa akin? Dinala kita dito upang isumpa ang aking mga kalaban, ngunit sa halip pinagpala mo sila!"
|
|
\v 12 Ngunit sumagot si Balaam, "Masasabi ko lang ang sinabi ni Yahweh sa akin na sabihin ko. Wala akong sasabihing ano pa man."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Pagkatapos sinabi ni Haring Balak kay Balaam, "Sumama ka sa akin sa ibang lugar. Doon makikita mo lamang ang bahagi ng mga taong Israelita, at makakaya mong sumpain ang mga taong iyon para sa akin."
|
|
\p
|
|
\v 14 Kaya dinala ni Balak si Balaam sa isang bukid sa tuktok ng Bundok Pisga. Doon, gumawa muli siya ng pitong altar at nag-alay ng isang batang toro at isang lalaking tupa bilang handog sa bawat altar.
|
|
\p
|
|
\v 15 Pagkatapos sinabi ni Balaam sa hari, "Tumayo ka rito malapit sa iyong mga handog na susunugin, at ako ay aalis at makikipag-usap kay Yahweh."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Kaya ginawa iyon ni Balaam, at nagpakita muli si Yahweh kay Balaam at binigyan siya ng isa pang mensahe. Pagkatapos sinabi niya, "Bumalik ka kay Balak at sabihin ang mensaheng ito."
|
|
\p
|
|
\v 17 Kaya bumalik si Balaam kung saan nakatayo ang hari at ang mga pinunong nagmula sa Moab, sa tabi ng altar kung saan sinunog ni Balak ang mga handog. Tinanong siya ni Balak, "Ano ang sinabi ni Yahweh?
|
|
\p
|
|
\v 18 At sinabi ni Balaam sa kaniya ang mensaheng ito, "Balak, makinig ka nang mabuti, dingin mo kung ano ang aking sasabihin, kayong mga anak na lalaki ni Zippor!
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 19 Hindi isang tao ang Diyos. Nagsisinungaling ang tao, ngunit hindi kailanman nagsisinungaling ang Diyos. Hindi kailanman nagbabago ang kaniyang isip, gaya ng mga tao. Ano man ang kaniyang sinabi na kaniyang gagawin, gagawin niya. Ano man ang kaniyang ipinangakong gagawin, ginagawa niya.
|
|
\p
|
|
\v 20 Inutusan niya akong pakiusapan siya na pagpalain ang mga Israelita. Kaya pinagpala niya sila, at hindi ko iyon mababago.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 21 Kasama nila si Yahweh na kanilang Diyos; Isinigaw ng mga tao na siya ang kanilang tunay na hari. Kaya hindi mapipinsala ang mga kaapu-apuhan ni Jacob, hindi nila makakayanan ang kaguluhan kung wala ang Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 22 Dinala sila ng Diyos mula sa pagkaalipin sa Ehipto at pinamunuan sila sa ilang na may lakas na gaya ng isang mabangis na lalaking baka.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Kapag isinumpa ng mga tao ang mga kaapu-apuhan ni Jacob, hindi sila masasaktan, kapag gumawa ang mga tao ng pangkukulam sa kanila, wala itong kapangyarihan. Kaya ngayon sasabihin ng mga tao ang tungkol sa mga kaapu-apuhan ni Jacob, 'Gumawa ang Diyos ng mga kahanga-hangang bagay para sa mga Israelita!'
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 24 Napakalakas nila, katulad ng mga babaeng leon na handang lusubin ang ibang mga hayop. Nananatili silang matatag katulad ng mga leon. Tumangging magpahinga ang mga leon hanggang sa mapatay at makain nila ang kanilang hinuli at inumin ang dugo ng mga hayop na kanilang napatay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Balak kay Balaam, "Kung hindi mo sila susumpain, sa gayon tiyak na hindi ko gugustuhing pagpalain sila!"
|
|
\p
|
|
\v 26 Ngunit sumagot si Balaam, "Sinabi ko sa iyo na dapat ko lamang gawin kung ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin ko!"
|
|
\v 27 Pagkatapos sinabi ni Haring Balak kay Balaam, "Sumama ka sa akin; Dadalhin kita sa ibang lugar. Marahil makakalugod sa Diyos na payagan kang sumpain sila mula sa lugar na iyon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Kaya dinala ni Balak si Balaam sa tuktok ng Bundok Peor kung saan matatanaw at makita nila ang mga Israelita sa disyerto.
|
|
\v 29 Sinabi muli ni Balaam kay Balak, "Igawa mo ulit ako ng pitong altar at pumatay ka ng pitong batang toro at pitong lalaking tupa bilang alay."
|
|
\v 30 Kaya ginawa ni Balak ang sinabi ni Balaam na kaniyang gawin. Nagsunog siya ng isang batang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar bilang mga alay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 24
|
|
\p
|
|
\v 1 Naunawaan na ngayon ni Balaam na gusto ni Yahweh na pagpalain ang mga Israelita at huwag sila isumpa. Kaya hindi siya gumamit ng salamangka gaya ng ginagawa ng isang salamangkero upang malaman kung ano ang gusto ni Yahweh, ayon sa madalas niyang ginagawa. Sa halip, nagtungo siya sa disyerto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Nakita niya ang mga Israelita na nagkampo doon sa kanilang mga tolda, bawat tribu ay magkakasama bilang isang grupo. Pagkatapos pumasok ang Espiritu ng Diyos sa kaniya,
|
|
\v 3 at ito ang hulang mensaheng ibinigay niya kay Balak: "Ako, si Balaam na anak ni Beor, aking ibinibigay ang hulang ito. Ang hulang ito na aking sasabihin ay bilang isang taong nakikita kung ano ang malinaw na sinasabi na mangyayari sa hinaharap.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 4 Narinig ko ang mensaheng ito mula sa Diyos. Nakita ko ang pangitain mula sa nag-iisang pinakamakapangyarihan. Ang aking mga mata ay bukas habang nakatirapa ako sa harapan niya.
|
|
\p
|
|
\v 5 Kayo mga kaapu-apuhan ni Jacob, ang inyong mga tolda ay napakaganda! Ang mga lugar na kung saan kayo nakatira ay kaibig-ibig!
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 6 Ang inyong mga tolda ay inilatag sa harapan ko gaya ng mga kakahuyan ng mga puno ng palmera sa mga lambak, gaya ng mga hardin na magkaagapay sa isang ilog. Ang mga ito ay katulad ng matibay na puno ng kawayan na itinanim ni Yahweh, gaya ng matibay na puno ng sedar na tumutubo sa tabi ng mga ilog.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 7 Ang inyong mga lalagyan ng tubig ay laging puno. Ang mga buto na inyong itinanim ay laging sagana sa tubig upang patuloy na lumago. Ang hari ng mga Israelita ay mas dakila kaysa sa hari na si Agag. Ang kaharian na kaniyang pinamumunuan ay pararangalan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 8 Dinala sila ng Diyos palabas sa Ehipto, pinangunahan sila kasama ng kaniyang dakilang kapangyarihan gaya ng isang mabangis na lalaking baka. Wawasakin ng Diyos ang lahat ng mga bansa na kumakalaban sa kaniya. Binabali niya ang lahat ng mga buto ng mga tao sa pira-piraso, at papanain sila ng kaniyang mga palaso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Ang mga Israelita ay katulad ng mga leon na yumuyukyok at humihiga, nakahandang sumalakay sa kanilang bibiktimahin, katulad ng mga babaeng leon na nagpapahinga. Walang sinumanng mangangahas na sila'y bulabugin! Pagpapalain ng Diyos ang lahat ng nagpapala sa inyong mga Israelita, at susumpain niya ang lahat na susumpa sa inyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Pagkatapos, si Haring Balak ay labis na nagalit kay Balaam. Ipinakita niya sa kaniyang mga kamay na siya ay galit na galit, at sumigaw siya na sinasabi, "Ipinatawag kita rito upang isumpa ang aking mga kaaway! Sa halip, pinagpala mo sila ng tatlong beses!
|
|
\v 11 Kaya ngayon, umalis ka rito! Umuwi ka na! Sinabi ko na babayaran kita ng malaking halaga kung isusumpa mo sila, ngunit hinadlangan ka ni Yahweh na makakuha ng anumang kabayaran!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Sinabi ni Balaam kay Balak, "Hindi mo naaalala kung ano ang sinabi ko sa mga mensahero mo na ipinadala mo sa akin? Sabi ko,
|
|
\p
|
|
\v 13 Kahit na bibigyan ako ni Balak ng isang palasyo na puno ng pilak at ginto hindi ako susuway kay Yahweh. Hindi ako puwedeng gumawa ng anumang bagay na mali o anumang bagay na mabuti nang wala siyang pahintulot.' At sinabi ko sa iyo na sasabihin ko lamang kung ano ang sinabi sa akin ni Yahweh.
|
|
\v 14 Oo nga, babalik ako sa aking mga kasamahan, ngunit, hayaan mo munang sabihin ko sa iyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap sa inyo na mga tao ng Moab."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos sinabi ito ni Balaam kay Balak: "Ako si Balaam, anak ni Beor, ibibigay ko ulit ang isang hula. Itong hula na sasabihin ko ay bilang isang taong nakakita ng kung ano ang mangyayari sa hinaharap ay malinaw na nagsasalita.
|
|
\q
|
|
\v 16 Narinig ko ang isang mensahe mula sa Diyos; Alam ko ang mga bagay na ang Diyos, na nakatira sa langit ay ipinakita sa akin. Nakita ko ang isang pangitain mula sa nag-iisang makapangyarihan. Ang aking mga mata ay bukas habang nakatirapa ako sa kaniyang harapan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 17 Ang mga bagay na nakita ko sa pangitain ay hindi mangyayari ngayon. Nakita ko ang mga bagay na idudulot ni Yahweh na mangyari sa hinaharap. Isang tao na siya ay isang kaapu-apuhan ni Jacob ay lalabas gaya ng isang tala; ang magiging isang hari na may hawak na setro ay isa sa mga Israelita. Dudurugin niya ang mga ulo ninyong mga tao ng Moab; kaniyang lilipulin ang mga kaapu-apuhan ni Seth.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 18 Sasakupin ng mga Israelita ang Edom, at bibihagin nila ang kanilang mga kaaway na nakatira malapit sa Bundok ng Seir. Magiging matagumpay ang mga Israelita.
|
|
\q
|
|
\v 19 Darating ang isang pinuno na isang kaapu-apuhan ni Jacob. Kaniyang paaalisin ang mga tao na patuloy na nakatira pa rin sa loob ng lungsod kung saan unang nakatagpo ni Balaam si Balak."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pagkatapos, tumingin si Balaam kung saan nakatira ang lahi ni Amalek, at hinuluan niya ito, "Ang lahi ni Amalek ay pinakadakilang bansa ngunit malilipol sila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Pagkatapos, tumingin siya sa lugar kung saan naininirahan ang mga lahi ng Kenita, at hinulaan ito, "Sa palagay ba ninyo na ang inyong lugar na tinitirhan ay ligtas gaya ng isang pugad na gawa sa loob ng mga matarik na mga bato,
|
|
\q
|
|
\v 22 ngunit malilipol kayo kapag sinakop kayo ng hukbo ng Asiria."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Tinapos ni Balaam ang kaniyang mga hula sa pamamagitan ng pagsasabi, "Kaya nga, sino ang makakaligtas kapag ginawa ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito?
|
|
\q
|
|
\v 24 Darating ang mga barko mula sa Isla ng Sayprus, at ang mga kalalakihan na nasa barkong iyon ay tatalunin ang mga hukbo ng Asiria at Eber. Ngunit paaalisin ng Diyos ang mga kalalakihan, din."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Pagkatapos nagsibalikan si Balaam at Balak sa kanilang mga tahanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 25
|
|
\p
|
|
\v 1 Habang nagkakampo ang mga Israelita sa isang lugar na tinawag na Kakahuyan ng Akasya, idinulot ng ilang kalalakihan ang kanilang sarili na maging hindi katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ng pagsiping sa ilang kababaihang lahi ng Moab na naninirahan sa pook na iyon.
|
|
\v 2 Pagkatapos inaanyayahan ng mga kababaihang iyon ang mga kalalakihan na pumaroon habang naghahandog ng mga alay sa kanilang mga diyos. Tinanggap ng mga lalaking Israelita ang paanyaya. Pumunta sila sa mga kapistahan kasama ng mga babae at sinamba ang mga diyos ng lahi ng Moab.
|
|
\v 3 Sa paggawa nito, sumama ang mga taong Israelita sa mga babae sa pagsamba sa diyos na si Baal na siyang inakala ng lahi ng Moab na nanirahan sa Bundok Peor. Nagdulot iyon kay Yahweh na magalit nang labis sa kaniyang mga tao, at nagpadala siya ng matinding salot sa maraming Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Sinabi ito ni Yahweh kay Moises: "Dakpin mo ang lahat ng pinuno ng mga gumawa nito at patayin sila habang nanonood ako. Gawin mo iyan sa araw. Matapos mo itong gawin, hindi na ako magagalit sa mga taong Israelita."
|
|
\v 5 Kaya sinabi ni Moises sa ibang pinuno ng mga Israelita, "Dapat patayin ng bawat isa sa inyo ang inyong mga kalalakihang sumama sa pagsamba kay Baal."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Ngunit kinalaunan, habang umiiyak ang maraming tao sa pasukan ng sagradong tolda, nagdala ng isang babae ang isa sa mga lalaking Israelita mula sa lahi ng Midian sa kaniyang tolda at nagsimulang sumiping sa kaniya. Narinig ito ni Moises at ng lahat ng tao.
|
|
\v 7 Nang marinig ito ni Finehas na apo ni Aaron, kumuha siya ng isang sibat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Pagkatapos sumugod siya sa tolda ng lalaki. Isinaksak niyang ganap ang sibat nang tagos sa katawan ng lalaki at sa tiyan ng babae at kapwa silang pinatay. Nang ginawa niya iyon, tumigil ang salot na nagsimulang umatake sa mga Israelita.
|
|
\v 9 Ngunit dalawampu't apat na libong tao ang namatay na mula sa salot na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 11 "Idinulot ni Finehas na itigil ko ang aking galit sa mga Israelita sa pamamagitan ng pagiging masigasig katulad sa pagpigil ko sa makasalanang asal na ito. Handa na akong lipulin ang lahat ng Israelita dahil sukdulan ang aking galit, ngunit pinigilan ako ni Finehas na gawin iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Ngayon sabihin mo sa kaniya na gagawa ako ng isang natatanging kasunduang pangkapayapaan sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 13 Sa kasunduang ito, ipinapangako kong ibigay sa kaniya at sa kaniyang mga kaapu-apuhan ang karapatang maging mga pari. Gagawin ko ito dahil ipinakita niyang masigasig siyang parangalan ako, ang kaniyang Diyos, sa pamamagitan ng pagpigil sa makasalanang asal na ito. Pinuno niya ang aking banal na katuwiran laban sa pagiging makasalanan ng Israel sa pamamagitan ng pagdulot sa akin na patawarin sila para sa kanilang kasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Ang pangalan ng lalaking Israelitang namatay kasama ng babae na lahi ng Moab ay Zimri na anak ni Salu, na pinuno ng isang pamilyang mula sa tribu ni Simeon.
|
|
\v 15 Cozbi ang pangalan ng babae. Anak siya ni Zur, na pinuno ng isa sa mga angkan na lahi ng Midian
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 17 "Isama mo ang iyong tauhan at lusubin ang lahi ng mga Moab at patayin sila.
|
|
\p
|
|
\v 18 Naging kaaway ninyo sila dahil nilinlang nila kayong mga Israelita at inudyukan ang karamihan sa inyo na sambahin si Baal, at dahil sumiping ang isa sa inyong kalalakihan kay Cozbi, na anak ng isang pinuno na lahi ng Midian. Namatay siya sa panahong nagsimula ang salot dahil sa mga taong nagkasala sa Bundok Peor."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 26
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos ng salot, sinabi ni Yahweh kay Eleazar at Moises.
|
|
\v 2 "Bilangin muli ninyo ang lahat ng tao ng Israel. Isulat ninyo ang mga pangalan ng mga kalalakihang hindi bababa sa 20 taong gulang na maaaring makipaglaban sa mga labanan, kasama ang mga pangalan ng kanilang pamilya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Kaya habang nasa mga kapatagan ng Moab ang mga Israelita sa tabi ng Jordan sa tapat ng Jerico, sinabi ito nina Moises at Eleazar sa mga pinuno ng mga Israelita,
|
|
\v 4 "Isulat ninyo ang mga pangalan ng mga kalalakihan ng Israelita na hindi bababa sa 20 taong gulang, ayon sa iniutos sa amin ni Yahweh." Kaya ginawa nila iyon, at ito ay isang talaan ng lahat ng mga kaapu-apuhan ni Jacob na lumabas sa Ehipto na buhay pa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5-7 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Ruben, panganay na anak na lalaki ni Jacob: ang mga Hanocita nagmula sa kanyang anak na lalaki na si Hanoc, ang mga Palluita nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Pallu, ang mga Hesronita ngamula sa kaniyang anak na lalaki na si Hesron, ang mga Carmita nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Carmi. Nakabilang ng 43,730 na kalalakihan ang mga pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Ruben.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ang anak na lalaki ni Pallu ay si Eliab
|
|
\v 9 at ang kaniyang mga apong lalaki ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Sina Datan at Abiram ang mga pinuno na sumapi kay Korah upang makipagsabwatan laban kay Aaron at Moises at naghimagsik laban kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ngunit bumuka ang lupa at nilamon sila at si Korah. Nagpadala din ng isang apoy si Yahweh na tumupok sa 250 na kalalakihan na siyang sumuporta sa tatlong lalaking iyon. Iyon ay isang babala sa lahat ng mga Israelita na dapat nilang galangin at sundin ang mga pinunong hinirang ni Yahweh.
|
|
\v 11 Ngunit hindi namatay ang mga kaapu-apuhan ni Korah sa araw na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12-14 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Simeon: ang mga Nemuelita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Nemuel, ang mga Jaminita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Jamin, ang mga Jakinita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Jakin, ang mga Zeraita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Zera, ang mga Saulita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Saul. Nakabilang ng 22,200 na kalalakin ang mga pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Simeon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15-18 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Gad: ang mga Zefonita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Zefon, ang mga Hagita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Hagi, ang mga Sunita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Suni, ang mga Oznita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Ozni, ang mga Erita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Eri, ang mga Arodita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Arod, ang mga Arelita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Areli. Nakabilang ng 40,500 na kalalakihan ang mga pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Gad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19-22 Mga anak na lalaki ni Juda, sina Er at Onan ay namatay sa Canaan bago sila nagkaroon ng mga anak. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Juda: ang mga Selanita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Sela, ang mga Perezita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Perez, ang mga Zeraita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Zera. Si Perez ay ang ama ni Hezron at Hamul. Ang mga Hesronita ay nagmula kay Hezron, ang mga Hamulita ay nagmula kay Hamul. Nakabilang ng 76,500 na kalalakihan ang mga pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23-25 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Isacar: ang mga Tolaita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Tola, ang mga Puita ay nagmula sa kanyang anak na lalaki na si Pua, ang mga Jasubita ay nagmula sa kanyang anak na lalaki na si Jasub, ang mga Simronita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Simron. Nakabilang ng 64,300 na kalalakihan ang mga pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Isacar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26-27 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Zebulon: ang mga Seredita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Sered, ang mga Elonita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Elon, ang mga Jaleelita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Jaleel. Nakabilang ng 60,500 na kalalakihan ang mga pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Zebulon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28-29 Ang mga anak na lalaki ni Jose ay sina Manases at Efraim. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Manases: ang mga Maquirita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Maquir. Si Maquir ang ama ni Galaad. Ang mga Galaadita ay nagmula kay Galaad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 30-32 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Galaad: ang mga Iezerita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Iezer, ang mga Helekita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Helek, ang mga Asrielita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Asriel, ang mga Sequemita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Sequem, ang mga Semidaita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Semida, ang mga Heferita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Hefer.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 33-34 Hindi nagkaroon ng mga anak na lalaki si Zelofedad na anak na lalaki ni Hefer, ngunit nagkaroon siya ng limang anak na babae--sina Mahla, Noe, Hogla, Milca at Tirza. Nakabilang ng 52,700 na kalalakihan ang mga pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Manases, na isa sa mga anak na lalaki ni Jose.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 35-37 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Efraim: ang mga Sutelahita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Sutela, ang mga Bequerita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Bequer, ang mga Tahanita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Tahan. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Sutela: ang mga Eranita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Eran. Nakabilang ng 32,500 na kalalakihan ang pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Efraim, na isa pang anak na lalaki ni Jose.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 38-41 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Benjamin: ang mga Belaita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Bela, ang mga Asbelita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Asbel, ang mga Ahiramita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Ahiram, ang mga Sefamita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Sefufam, ang mga Hufamita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Hufam, si Bela ay ang ama ni Ard at Naaman. Ang mga Ardita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Ard, ang mga Naamita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Naaman. Nakabilang ng 45,600 na kalalakihan ang pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Benjamin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 42-43 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Dan: ang mga Suhamita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Suhman. Nakabilang ng 64,400 ang pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Dan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 44-47 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Aser: ang mga Imnita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Imna, ang mga Isvita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Isvi, ang mga Berita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Beria, si Beria ay mayroong dalawang anak na lalaki, sina Heber at Malquiel. Ang mga Heberita ay nagmula sa kaniyang na lalaki na si Heber at ang mga Malqueilita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Malquiel. Si Aser ay nagkaroon din ng anak na babae na nagngangalang Sera. Nakabilang ng 53,400 na kalalakihan ang pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Aser.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 48-50 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Neftali: ang mga Jazeelita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Jazeel, ang mga Gunita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Guni, ang mga Jezerita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Jezer, ang mga Sillemita ay nagmula sa kaniyang anak na lalaki na si Sillem. Nakabilang ng 45,400 na kalalakihan ang pinuno ng mga Israelita mula sa tribu ni Neftali.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 51 Ang kabuuan ng mga kalalakihang Israelita na nabilang ng mga pinuno ay 601,730.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 52 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 53 "Hati-hatiin mo ang lupain ng Canaan sa mga tribu. Ipamahagi ang lupain ayon sa bilang ng mga tao sa bawat tribu na nasa iyong mga listahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 54-56 Magpasya sa pamamagitan ng palabunutan upang matukoy kung aling pangkat ang makakakuha ng kung aling lugar, ngunit ibigay ang pinakamalaking lugar sa mga pangkat na may pinakamaraming tao."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 57 Binilang din ng mga pinuno ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Levi. Sila ay nasa mga angkan na nagmula kay Gerson, Kohat at Merari.
|
|
\p
|
|
\v 58 Kabilang din dito ang mga tao mula sa mga angkan nina Libni, Hebron, Mahli, Musi at Korah. Lahat sila ay mga kaapu-apuhan ni Levi. Si Kohat ay ang ninuno ni Amram,
|
|
\v 59 na ang asawa ay si Jocebed. Si Jocebed ay kaapu-apuhan din ni Levi, ngunit ipinanganak siya sa Ehipto. Siya at si Amram ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, sina Aaron at Moises at kanilang nakakatandang kapatid na babae na si Miriam.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 60 Sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar ang mga anak na lalaki ni Aaron.
|
|
\v 61 Ngunit namatay sina Nadab at Abihu nang magsunog sila ng insenso na maging alay kay Yahweh sa isang paraan ng pagsuway kung ano ang iniutos ni Yahweh.
|
|
\p
|
|
\v 62 Nakabilang ng 23,000 na kalalakihan ang mga pinuno mula sa mga kaapu-apuhan ni Levi na hindi bababa sa isang buwang gulang. Ngunit hindi nabilang ang mga kalalakihang ito nang binilang ang mga natitirang taong Israelita, dahil hindi sila binigyan ng anumang lupain sa panahong iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 63 Iyon ang mga kalalakihang sinabi ni Eleazar at Moises na dapat nilang bilangin. Binilang nila ang mga Israelita sa mga kapatagan ng Moab, sa silangang bahagi ng Ilog Jordan, sa tapat ng Jerico.
|
|
\v 64 Wala sa mga kalalakihan na kanilang binilang ang nasa mga listahan na ginawa nina Aaron at Moises nang naroon ang mga Israelita sa Disyerto ng Sinai,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 65 dahil nasabi na ni Yahweh ang tungkol sa kanila, "Mamamatay silang lahat sa disyerto," at iyon ang nangyari. Ang tanging nabuhay lamang ay sina Caleb na anak na lalaki ni Jefune at si Josue na anak na lalaki ni Nun.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 27
|
|
\p
|
|
\v 1 Isang araw, ang limang anak na babae ni Zelofehad ay nagpunta kay Moises. Sila ay sina Mahla, Noe, Hogla, Milca, at Tirza.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Nagpunta sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong at tumayo sa harapan nina Eleazar, Moises, mga pinuno ng tribu, at iba pang Israelita.
|
|
\v 3 Sinabi nila, "Namatay ang aming ama sa panahong kami ay nasa ilang, at wala siyang anak na lalaki. Subalit hindi siya kasama sa mga sumuporta kay Kora, na naghimagsik kay Yahweh. Namatay siya dahil isa siyang makasalanan tulad ng sinuman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Bakit kailangang mawala ang pangalan ng kaniyang angkan na ang resulta ay wala kaming natanggap na anumang lupain dahil lamang ba walang anak na lalaki ang aming ama? Kaya bigyan ninyo kami ng ilang lupain tulad ng makukuha ng aming mga kamag-anak!"
|
|
\p
|
|
\v 5 Kaya nagtanong si Moises kay Yahweh kung ano ang gagawin nila tungkol sa kanilang idinulog.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 At tumugon si Yahweh,
|
|
\v 7 "Tama ang hinihingi ng mga anak na babae ni Zelofehad. Dapat mo silang bigyan ng ilang lupain, tulad ng pagbibigay mo sa kamag-anak ng kanilang ama. Bigyan ang bawat isa sa kanila ng ilang lupain na naibigay sa kanilang mga kapatid na lalaki kung mayroon pa silang iba.
|
|
\v 8 Sabihin mo rin ito sa mga Israelita: Kung namatay ang isang tao na walang anak na lalaki, ibigay ang mga bagay na mamanahin ng kaniyang anak na lalaki sa kaniyang mga anak na babae.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Kung walang anak na lalaki o babae ang isang lalaki, ibigay sa kaniyang mga kapaitd na lalaki ang mga bagay na mamanahin ng kaniyang mga anak na lalaki at anak na babae.
|
|
\v 10 Kung wala siyang kapatid na lalaki, ibigay sa kapatid na lalaki ng kaniyang ama ang mga bagay na mamanahin ng kaniyang mga anak na lalaki at anak na babae o mamanahin ng mga kapatid na lalaki.
|
|
\v 11 Kung walang kapatid na lalaki ang ama ng lalaki, ibigay ito sa malapit na kamag-anak niya ang mga bagay na mamanahin ng iba.' Sabihin sa kanila na magiging isa itong alituntunin para sa mga Israelita, sapagkat ibinibigay ko ito bilang isang utos sa iyo, Moises, para sabihin sa kanila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Isang araw, sinabi ni Yahweh kay Moises, "Umakyat ka sa tuktok ng mga bundok ng Abarim sa silangan ng ilog Jordan. At tingnan mo ang buong lupain na ibibigay ko sa mga Israelita.
|
|
\v 13 Matapos mong makita ito, mamamatay ka tulad ng iyong nakatatandang kapatid na si Aaron.
|
|
\p
|
|
\v 14 Ang dahilan kung bakit kayo mamamatay at hindi makakapasok sa lupain ay dahil sinuway ninyo ang aking mga tagubilin sa ilang ng Sin. Nang maghimagsik ang mga Israelita laban sa akin doon sa Meriba, na malapit sa Kades, sinabi ko sa iyo na kausapin mo ang bato upang magkatubig. Subalit hinampas mo ang bato sa halip na kausapin ito, hindi mo ipinakita sa mga tao ang banal kong kapangyarihan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Pagkatapos ito ang sinabi ni Moises kay Yahweh,
|
|
\p
|
|
\v 16 "Yahweh, ikaw ang Diyos na pumapatnubay sa mga espiritu ng lahat ng mga tao. Kaya kung maaari sana, magtalaga ka ng bagong pinuno para sa mga Israelita.
|
|
\v 17 Magtalaga ka ng isang taong mamumuno sa iyong mga tao kapag sila ay pupunta upang makipaglaban sa labanan, upang hindi sila malihis tulad ng tupa na walang pastol."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Tumugon si Yahweh, "Kunin mo si Josue na anak ni Nun, na pinanahanan ng aking Espiritu. Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya.
|
|
\v 19 Dalhin mo siya sa harapan ni Eleazar na pari, habang nanonood ang lahat ng tao, at italaga mo siyang bagong pinuno ng mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Ibigay mo sa kaniya ang ilang kapangyarihang mayroon ka ngayon, upang malaman ng lahat ng Israelita na dapat siyang sundin.
|
|
\v 21 Kapag lahat kayo ay kailangan ako upang gabayan ko kayo, tatayo si Josue sa harapan ni Eleazar. At malalaman ni Eleazar kung ano ang dapat nilang gawin sa pamamagitan ng palabunutan. Sa utos ni Josue lahat ng tao sa Israel ay sama-samang ihanda ang kanilang sarili.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Kaya ginawa ni Moises kung ano ang inuutos ni Yahweh. Ipinakilala niya si Josue kay Eleazar at sa lahat ng Israelita.
|
|
\v 23 Ipinatong ni Moises ang kaniyang kamay sa kaniya at inatasan siyang gawin ang tungkulin na inutos ni Yahweh na sinabi niya kay Moises na gawin niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 28
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ito ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 2 "Sabihin mo ito sa mga Israelita, 'Dalhin ninyo sa akin ang mga alay na susunugin sa altar. Kapag nasunog na ang mga ito, malulugod ako nang labis sa mga amoy nito. At sabihin mo sa kanila na dapat nilang dalhin ang mga ito sa tamang panahon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sabihin mo sa kanila na ito ang dapat nilang dalhin sa akin bawat araw: dalawang lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang mga ito. Dapat sunuging ganap ang mga ito sa altar.
|
|
\v 4 Dapat nilang dalhin ang isa sa umaga at ang isa sa pagsapit ng gabi.
|
|
\v 5 Dapat din nilang dalhin ang isang harinang handog ng dalawang litro ng pinong harina na hinaluan ng isang litrong langis ng olibo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Iyon ang handog na dapat nilang dalhin araw-araw. Sinimulan nilang dalhin ang mga handog na iyon habang nasa Bundok kayo ng Sinai. Nang sunugin ang mga alay na ito sa altar, nagiging kalugud-lugod sa akin ang amoy nito.
|
|
\v 7 Kapag susunugin nila ang bawat batang tupa, dapat din nilang buhusan ang sagradong altar sa banal na lugar ng isang litrong alak.
|
|
\v 8 Sa gabi, kapag mag-alay sila ng pangalawang batang tupa, dapat din nilang dalhin ang parehong mga handog ng harina at alak habang sinusunog ang mga ito sa umaga. Kapag nasunog ang mga ito, magiging napakalugod-lugod din ang amoy sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Sa bawat Araw ng Pamamahinga, dapat ninyong dalhin ang dalawang batang tupa na walang mga depekto. Dalhin din ang isang harinang handog na 4.5 litro na hinaluan ng langis ng olibo at isang alak na handog na 4.5 litrong alak. Iyon ang mga alay na susunugin sa altar sa bawat Araw ng Pamamahinga.
|
|
\p
|
|
\v 10 Karagdagan ang mga iyon sa mga handog ng dalawang batang tupa at alak na dapat ninyong dalhin bawat araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Dapat dalhin sa akin sa unang araw ng bawat buwan ang isang alay na dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang mga depekto ang lahat ng ito. Dapat sunuging ganap sa altar ang lahat ng ito.
|
|
\v 12 Dalhin din ninyo ang isang pinong harinang hinaluan ng langis ng olibo kasama ng bawat toro. Maghandog pa kayo ng apat na litrong mainam na harinang hinaluan ng langis ng olibo kasama ng bawat lalaking tupa.
|
|
\v 13 Dalhin din ang handog na dalawang litrong pinong harina na hinaluan ng langis ng olibo kasama ng bawat batang tupa. Kapag sinunog sa altar ang lahat ng ito, magiging labis na kalugod-lugod sa akin ang amoy ng mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Dalhin din ang dalawang litro ng alak kasama ng bawat toro, dalhin ang 1.2 litrong alak. Dalhin ang isang litro ng alak kasama ng bawat batang tupa. Dapat dalhin ang mga handog na ito sa unang araw sa bawat buwan at sunuging ganap sa altar.
|
|
\p
|
|
\v 15 Bilang karagdagan sa mga handog na ito na sunugin ninyo, dapat dalhin ninyo sa akin ang isang kambing bilang alay upang alisin ang inyong mga kasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Paskua upang parangalan ako bawat taon sa ikalabing apat na araw ng inyong unang buwan.
|
|
\v 17 Magsisimula sa kasunod na araw ang Pagdiriwang ng Tinapay na walang lebadura. Para sa susunod na pitong araw, dapat gawa sa walang lebadura ang tinapay na inyong kakainin.
|
|
\p
|
|
\v 18 Sa unang araw ng pagdiriwang na iyon, dapat kayong sama-samang magkatipon upang sambahin ako, at hindi ninyo dapat gawin ang anumang karaniwang gawain na palagian ninyong ginagawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sa araw na iyon, dapat ninyong dalhin sa akin bilang isang handog na susunuging ganap sa altar ang dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang lahat ng ito.
|
|
\v 20 Kasama sa bawat torong ito, dalhin ang isang handog na butil ng anim na litrong pinong harinang hinaluan ng langis ng olibo. Kasama ng lalaking tupa, dalhin ang handog na butil ng apat na litrong pinong harinang hinaluan ng langis langis ng olibo.
|
|
\v 21 Kasama ng bawat isa sa pitong kordero, dalhin ang isang handog ng dalawang litrong pinong harinang hinaluan ng langis ng olibo.
|
|
\v 22 Dalhin din ang isang kambing bilang alay upang gawing pambayad ng inyong kasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Dalhin ang mga handog na ito bilang karagdagan sa mga handog na dinadala ninyo bawat umaga.
|
|
\v 24 Magiging labis na kalugud-lugod sa akin ang amoy ng butil na sinunog sa altar bawat araw sa loob ng pitong araw. Dalhin ang butil bilang karagdagan sa mga hayop at ang alak na inyong susunugin sa altar.
|
|
\v 25 Sa ikapitong araw ng pagdiriwang na iyon, dapat muli kayong sama-samang magkatipon upang sambahin ako, at hindi ninyo dapat gawin ang anumang karaniwang gawain na inyong palagiang ginagawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26 Sa araw ng pagdiriwang ng Pista ng Pag-aani, kapag dalhin ninyo sa akin ang unang butil na inyong inani, dapat kayong sama-samang magkatipon upang sambahin ako. Huwag kayong gumawa ng anumang karaniwang gawain na palagian ninyong ginagawa sa araw na iyon.
|
|
\v 27 Dalhin ninyo sa akin ang dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Kapag sinunog nang ganap sa altar ang mga ito, magiging labis na kalugud-lugod ang amoy nito sa akin.
|
|
\v 28 Dalhin din ang handog na pinong harinang hinaluan ng langis ng olibo. Dalhin ang 5.7 litro para sa bawat toro, at dalhin ang 3.8 na litro para sa bawat lalaking tupa,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 at dalhin ang 1.9 litro kasama ng bawat batang tupa.
|
|
\v 30 Mag-alay din ng isang lalaking kambing na maging pambayad para sa inyong kasalanan.
|
|
\p
|
|
\v 31 Dalhin ang mga handog na ito at ang mga handog na alak na karagdagan sa mga hayop at harina na inyong sunugin sa altar sa bawat araw. At tandaan na dapat walang mga depekto ang mga hayop na inyong iaalay.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 29
|
|
\p
|
|
\v 1 "Bawat taon, sama-sama kayong magkatipon upang sambahin ako sa unang araw ng inyong ikapitong buwan, at huwag gumawa ng anumang karaniwang gawaing ginagawa ninyo sa araw na iyon. Sa araw na iyon dapat hipan ng mga pari ang kanilang mga trumpeta.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Kapag ganap nang nasunog ang mga handog sa altar sa araw na iyon, makakalugod nang labis ang amoy nito sa akin. Ang mga hayop na dapat ninyong dalhin ay isang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang mga iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kasama ng mga hayop na ito, magdala rin kayo ng handog na butil na gawa sa pinong harinang hinaluan ng langis ng olibo. Kasama ng toro, magdala kayo ng 5.7 litro. Kasama ng lalaking tupa, magdala ng 3.8 litro,
|
|
\v 4 at kasama ng bawat pitong batang tupa magdala kayo ng dalawang litro.
|
|
\v 5 Maghandog din ng isang lalaking kambing para sa pambayad ng inyong mga kasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Lahat ng hayop na iyon ay magiging karagdagan sa mga hayop na ganap na susunugin sa altar tuwing umaga at sa unang araw ng bawat buwan. Ang mga handog na harina at alak ay dapat gawin ayon mismo sa aking inutos na gawin ninyo. Kapag sinunog ang mga handog na ito, makakalugod nang labis ang amoy sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 "Bawat taon, sa ikasampung araw ng inyong ikapitong buwan, dapat sama-sama kayong magkatipon upang sambahin ako. Huwag kayong kumain ng anumang pagkain o gumawa ng anumang gawain sa araw na iyon.
|
|
\v 8 Kapag magsunog kayo ng mga handog sa altar sa araw na iyon, makakalugod nang labis ang amoy sa akin. Ang mga hayop na dapat ninyong dalhin ay isang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Kasama ng toro, magdala rin kayo ng handog na pinong harina na 5.7 litrong na hinaluan ng langis ng olibo. Kasama sa lalaking tupa, magdala ng 3.8 litro.
|
|
\p
|
|
\v 10 Kasama ng bawat mga batang tupa, magdala ng dalawang litro.
|
|
\v 11 Magdala rin ng isang lalaking kambing para alisin ang inyong mga kasalanan, mga hayop, harina at alak na susunugin ninyo sa altar bawat araw para pambayad sa inyong mga kasalanan. Magiging karagdagan ang mga handog na iyon sa mga hayop, harina at alak na ganap na susunugin sa altar bawat araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Sa ikalabinlimang araw ng inyong ikapitong buwan, dapat sama-sama kayong magkatipon upang sambahin ako. Huwag kayong gumawa ng anumang gawain na karaniwang ginagawa ninyo sa araw na iyon. Dapat patuloy kayong magdiwang sa loob ng pitong araw.
|
|
\p
|
|
\v 13 Kapag sinunog ang mga handog sa altar, makalulugod nang labis ang amoy sa akin. Ang hayop na dapat ninyong dalhin ay labing tatlong batang toro, dalawang tupa, at labing-apat na lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang mga hayop na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Kasama ng labintatlong toro, magdala kayo ng handog na pinong harina na 5.7 litro na hinaluan ng langis ng olibo. Sa bawat lalaking tupa, magdala kayo ng 3.8 litro.
|
|
\p
|
|
\v 15 Sa bawat labing-apat na batang tupa, magdala kayo ng dalawang litro.
|
|
\v 16 Magdala rin kayo ng isang lalaking kambing para ialay upang alisin ang inyong mga kasalanan, bilang karagdagan sa paghahandog ng mga hayop at harina at alak na ganap na susunugin sa altar bawat araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Sa ikalawang araw ng pagdiriwang, dapat magdala kayo sa altar ng labindalawang toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na batang tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang mga hayop na ito.
|
|
\v 18 Magdala rin kayong mga harinang handog kasama ng mga hayop at alak na kinakailangan.
|
|
\p
|
|
\v 19 Mag-alay din kayo ng isang lalaking kambing; ialay ninyo ito para alisin ang inyong mga kasalanan. Magiging karagdagan ang mga hayop na ito sa handog na mga hayop at harina at alak na ganap na susunugin ninyo sa altar bawat araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Sa ikatlong araw ng pagdiriwang, dapat magdala kayo sa altar ng labing-isang batang toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang mga hayop na ito. Dapat sunugin ninyo ang lahat ng hayop na ito sa altar, at makalulugod sa akin ang amoy ng mga ito.
|
|
\p
|
|
\v 21 Magdala rin kayo ng handog na harina kasama ng mga handog na hayop at alak na kinakailangan.
|
|
\v 22 Mag-alay din kayo ng isang lalaking kambing upang alisin ang inyong mga kasalanan. Magiging karagdagan ang handog na mga hayop na ito sa mga handog na hayop at harina at alak na ganap na susunugin ninyo sa altar bawat araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Sa ikaapat na araw ng pagdiriwang, dapat magdala kayo sa altar ng sampung batang toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang mga hayop na ito. Dapat sunugin ninyo ang lahat ng ito sa altar, at makalulugod sa akin ang amoy ng mga ito.
|
|
\v 24 Dalhin din ninyo kasama ng mga hayop ang handog na harina at alak na kinakailangan.
|
|
\v 25 Mag-alay din kayo ng isang lalaking kambing upang alisin ang inyong mga kasalanan. Magiging karagdagan ang mga hayop na ito sa mga handog na hayop at harina at alak na ganap na susunugin ninyo sa altar bawat araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26 Sa ikalimang araw ng pagdiriwang, dapat magdala kayo sa altar ng siyam na batang toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang mga hayop na ito. Dapat sunugin ninyo ang lahat ng ito sa altar, at makalulugod sa akin ang amoy ng mga ito.
|
|
\v 27 Dalhin din ninyo kasama ng mga hayop ang harinang handog at alak na kinakailangan.
|
|
\v 28 Mag-alay din kayo ng isang lalaking kambing upang alisin ang inyong mga kasalanan. Magiging karagdagan ang mga hayop na ito sa mga handog na hayop at harina at alak na ganap na susunugin sa altar bawat araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 29 Sa ikaanim na araw ng pagdiriwang, dapat magdala kayo sa altar ng walong batang toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang mga hayop na ito. Dapat sunugin ninyo ang lahat ng ito sa altar, at makalulugod sa akin ang amoy ng mga ito.
|
|
\v 30 Dalhin din ninyo kasama ng mga hayop ang mga harinang handog at alak na kinakailangan.
|
|
\p
|
|
\v 31 Mag-alay din kayo ng isang lalaking kambing upang alisin ang inyong mga kasalanan. Magiging karagdagan ang mga hayop na ito sa mga handog na hayop at harina at alak na ganap na susunugin sa altar bawat araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 32 Sa ikapitong araw ng pagdiriwang, dapat magdala kayo sa altar ng pitong batang toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang mga hayop na ito. Dapat sunugin ang lahat ng ito sa altar, at makalulugod sa akin ang amoy ng mga ito.
|
|
\v 33 Dalhin din ninyo kasama ng mga hayop ang mga harinang handog at alak na kinakailangan.
|
|
\v 34 Mag-alay din kayo ng isang lalaking kambing upang alisin ang inyong mga kasalanan. Magiging karagdagan ang mga hayop na ito sa mga handog na hayop at harina at alak na ganap na susunugin sa altar bawat araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 35 Walong araw matapos ang simula ng pagdiriwang na iyon, dapat sama-sama kayong magkatipon muli para sambahin ako; hindi kayo dapat gumawa ng anumang karaniwang gawaing ginagawa ninyo sa araw na iyon.
|
|
\v 36 Sa araw na iyon, dapat magdala kayo sa altar ng isang toro, isang ganap na lalaking tupa, at pitong tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang depekto ang mga hayop na ito. Dapat sunugin ninyo ang lahat ng ito sa altar, at makalulugod sa akin ang amoy ng mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Dalhin din ninyo kasama ng toro at ng lalaking tupa at ng bawat batang tupa ang mga harinang handog at alak na kinakailangan.
|
|
\p
|
|
\v 38 Mag-alay din kayo ng isang lalaking kambing upang alisin ang inyong mga kasalanan. Magiging karagdagan ang mga hayop na ito sa mga handog na hayop at harina at alak na ganap na susunugin sa altar bawat araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 39 Sa inyong mga pagdiriwang, ito ang mga handog na dapat ninyong dalhin sa akin: Ang mga handog na ganap na susunugin sa altar, ang mga handog na butil, ang mga handog na alak, at ang mga handog upang ibalik ang inyong pakikipag-ugnayan sa akin. Karagdagan ang mga iyon sa mga handog na ibibigay ninyo sa akin dahil nangako kayong gumawa ng isang bagay, at iba pang natatanging mga handog na gusto ninyong ibigay sa akin."
|
|
\v 40 Pagkatapos sinabi ni Moises sa mga Israelita ang lahat ng bagay na inutos ni Yahweh sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 30
|
|
\p
|
|
\v 1 Nakipag-usap si Moises sa mga pinuno ng mga tribu ng Israel. Sinabi niya sa kanila itong mga utos na ibinigay ni Yahweh sa kaniya:
|
|
\v 2 "Kung taimtim na mangangako ang isang tao kay Yahweh na gagawin niya ang isang bagay, dapat niyang gawin kung ano ang ipinangako niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kung taimtim na mangangako kay Yahweh ang isang dalagang naninirahan pa kasama ang kaniyang mga magulang na gawin ang isang bagay,
|
|
\v 4 at kung narinig ng kaniyang ama ang tungkol sa kaniyang ipinangako, at kung wala siyang sasabihin sa kaniya, dapat niyang gawin kung ano ang ipinangako niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 At kung marinig ng kaniyang ama ang lahat ng tungkol sa ipinangako niyang gawin, subalit wala siyang sasabihin sa kaniya, dapat niyang tuparin ang lahat ng pangakong ginawa niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kung hahadlangan siya ng kaniyang ama sa araw na narining niya ang lahat ng kaniyang panatang ginawa at mga taimtim na pangako kung saan itinali niya sa kaniyang sarili, sa gayon mananatili ang mga iyon. Patatawarin siya ni Yahweh sapagkat hinadlangan siya ng kaniyang ama.
|
|
\v 7 Kung mag-aasawa ang isang babae habang nasa ilalim siya ng mga panata, o gumawa siya ng mga mapangahas na pananalita kung saan pinananagot niya ang kaniyang sarili, mananatili ang mga iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Subalit kung pipigilan siya ng kaniyang asawa sa araw na narinig niya ang tungkol dito, sa gayon pinapawalang-bisa niya ang panatang ginawa nito, ang mapangahas na pananalita ng kaniyang mga labi kung saan itinali niya sa kaniyang sarili. Palalayain siya ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Kung mangangako ang isang balo o babaeng hiniwalayan ng asawa, dapat niyang gawin kung ano ang ipinangako niya.
|
|
\v 10 Kung mangangakong gumawa ng isang bagay ang isang babaeng may asawa,
|
|
\p
|
|
\v 11 at kung marinig ng kaiyang asawa ang tungkol dito ngunit hindi tumutol, dapat niyang gawin kung ano ang kaniyang ipinangako.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Subalit kung marining niya ang tungkol dito at hindi siya payagang gawin ito, hindi niya kailangang gawin kung ano ang kaniyang ipinangako at patatawarin siya ni Yahweh sa hindi paggawa nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ang asawa ng isang babae ay maaari siyang atasang gawin kung ano ang kaniyang ipinangako, o maaaring hindi siya payagang gawin kung ano ang kaniyang ipinangako.
|
|
\p
|
|
\v 14 Kung hindi siya tumutol sa loob ng maraming araw matapos niyang marinig ang tungkol dito, dapat niyang gawin kung ano ang kaniyang ipinangako.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Subalit kung maghihintay siya ng mahabang panahon matapos siyang mangakong gumawa ng isang bagay at pagkatapos sasabihin niya sa kaniyang hindi niya siya papayagang gawin ito, kung hindi niya gawin kung ano ang ipinangako niya, hindi siya paparusahan. Ang kaniyang asawa ang siyang paparusahan ni Yahweh."
|
|
\v 16 Iyan ang mga tuntuning ibinigay ni Yahweh kay Moises para sa mga asawang lalaki at asawang babae at para sa mga dalagang naninirahan pa sa piling ng kanilang mga magulang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 31
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
|
|
\v 2 "Sabihin mo sa mga taong Israelita na dapat nilang paghigantihan ang lahi ng Midian dahil sa ginawa nila sa inyo. Matapos mangyari iyon, mamamatay ka na."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kaya sinabi ni Moises sa mga tao, "Paghandain ninyo ang ilang kalalakihan para sa labanan. Bibigyan sila ni Yahweh ng kakayahang maghiganti sa mga lahi ng Midian dahil sa ginawa nila sa atin.
|
|
\v 4 Pumili ka ng isanlibong kalalakihan mula sa bawat tribu para lumaban."
|
|
\v 5 Kaya labindalawang libong kalalakihan ang naghanda para lumaban sa digmaan, isanlibo mula sa bawat tribu.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Nang ipadala sila ni Moises sa labanan, sumama sa kanila si Finehas na anak ng paring si Eleazar. Nagdala siya ng ilang bagay mula sa sagradong tolda at mga trumpetang hihipan para magbigay ng hudyat na simulan ang labanan.
|
|
\v 7 Nilabanan ng mga kalalakihang Israelita ang mga kawal mula sa lahi ng Midian, tulad ng sinabi ni Yahweh kay Moises na gawin nila, at pinatay nila ang bawat lalaki mula sa lahi ng Midian.
|
|
\v 8 Kasama sa napatay nila ang limang hari ng mga taong Midian—sina Evi, Rekem, Zur, Hur, at Reba. Pinatay rin nila gamit ang espada si Balaam na anak ni Beor.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Hinuli nila ang mga kababaihan at mga bata mula sa mga taong Midian at tinangay ang kanilang mga baka, mga kawan ng tupa, mga pangkat ng kambing, at lahat ng ibang ari-arian nila.
|
|
\v 10 Pagkatapos sinunog nila ang lahat ng bahay sa mga bayan at nayon kung saan naninirahan ang mga taong Midian,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 ngunit dinala nila pauwi ang lahat ng kababaihan, mga bata, mga hayop at mga ari-arian.
|
|
\p
|
|
\v 12 Dinala nila lahat ng mga ito kay Eleazar at Moises, at sa mga taong Israelitang nasa kampo nila sa kapatagan ng Moab malapit sa Ilog Jordan, sa ibayo mula sa Jerico.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Pumunta sa labas ng kampo si Eleazar at lahat ng pinuno ng mga tao at si Moises upang batiin sila.
|
|
\v 14 Subalit nagalit si Moises sa ilan sa mga kalalakihang bumalik mula sa labanan. Galit siya sa mga opisyal ng hukbo at sa mga lalaking pinuno ng isanlibong kalalakihan at mga pinuno ng isandaang kalalakihan.
|
|
\v 15 Tinanong niya sila, "Bakit ninyo hinayaang mabuhay ang mga babae?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sila ang gumawa sa iminungkahi ni Balaam at nag-udyok sa ating mga tao na sambahin si Baal sa halip na si Yahweh. Bilang resulta, dinulot ni Yahweh na tumama ang isang salot sa kaniyang mga tao habang nasa Peor sila.
|
|
\p
|
|
\v 17 Kaya ngayon dapat ninyong patayin lahat ng mga batang lalaki mula sa mga taong Midian, at patayin din lahat ng mga babaeng sumiping na sinumang lalaki.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Buhayin lamang ang mga babaeng birhen. Maaari ninyo silang gawing asawa o alipin.
|
|
\v 19 Lahat kayong nakapatay ng sinuman o nakahawak ng bangkay ng isang taong napatay sa labanan ay dapat manatili sa labas ng kampo sa loob ng pitong araw. Sa ikatlong araw at sa ikapitong araw, dapat gumawa kayo ng ritwal upang maging katanggap-tanggap kayong muli sa Diyos.
|
|
\v 20 Dapat din ninyong linisin ang inyong mga damit at ang anumang dinala ninyo sa labanang gawa sa balat o balahibo ng kambing o kahoy."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Pagkatapos sinabi ni Eleazar sa mga sundalong bumalik mula sa labanan, "Ito ang tinagubilin ni Yahweh kay Moises.
|
|
\p
|
|
\v 22 Dapat ninyong ilagay sa apoy ang anumang ginto o pilak o tanso o bakal o lata o mga tinggang bagay na inuwi ninyo mula sa labanan.
|
|
\v 23 Ilagay ninyo sa apoy ang lahat ng hindi masusunog, at sa gayon magiging katanggap-tanggap ang mga iyon na gamitin ninyo. Subalit wisikan din ninyo ang mga bagay na iyon ng tubig na nagdudulot sa mga bagay at mga tao na maging katanggap-tanggap sa Diyos. Ang mga bagay na masusunog kung ilalagay ninyo sa apoy, wisikan ng tubig na iyon.
|
|
\v 24 Sa ikapitong araw, labhan ninyo ang inyong mga damit, at magiging katanggap-tanggap kayong muli sa Diyos. Matapos ninyong gawin ito, maaari na kayong bumalik sa kampo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 26 "Sabihin mo kay Eleazar at sa mga pinuno ng mga pangkat ng pamilya na dapat silang sumulat ng listahan ng lahat ng mga kagamitan, mga babae, at mga hayop na nabihag nila sa digmaan.
|
|
\v 27 Pagkatapos dapat nilang hatiin ang lahat ng iyon sa pagitan ng mga sundalong lumaban sa digmaan at sa natitirang mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Mula sa mga lalaking lumaban sa digmaan, kunin ang isa sa bawat limandaang tao at mula sa bawat limandaang baka at asno at tupa, upang maging buwis para sa akin.
|
|
\v 29 Dalhin ang mga bagay na ito kay Eleazar na maging kabahagi ko bilang handog na idinulog sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 At mula sa ibang mga bagay, kumuha ng isa mula sa bawat limampu. Kasama rito ang mga tao, baka, asno, tupa, kambing at ibang mga hayop. Ibigay ang mga bagay na iyon sa mga kaapu-apuhan ni Levi na nangangalaga ng aking sagradong tolda."
|
|
\v 31 Kaya ginawa ni Eleazar at Moises kung ano ang iniutos ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 32-35 Mayroong 675,000 na tupa, pintumpu't dalawang libong baka, animnapu't isanlibong asno, at tatlumpu't dalawang libong birheng nabihag nila mula sa mga tao ng Midian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 36 Nakakuha ang mga lalaking lumaban sa digmaan ng 337,000 na tupa, at
|
|
\v 37 binigay nila ang 675 sa mga iyon kay Yahweh.
|
|
\p
|
|
\v 38 Nakakuha sila ng tatlumpu't anim na libong baka at ibinigay ang 72 sa mga iyon kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 39 Nakakuha sila ng 35,000 na asno, at ibinigay ang 61 sa mga iyon kay Yahweh.
|
|
\p
|
|
\v 40 Nakakuha sila labing-anim na libong birhen, at ibinigay nila ang 32 sa mga iyon kay Yahweh.
|
|
\p
|
|
\v 41 Ibinigay ni Moises kay Eleazar ang lahat ng mga hayop na idinulog kay Yahweh, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 42-46 Ibinukod ni Moises ang tinanggap ng mga lumaban sa digmaan mula sa tinanggap ng ibang mga tao. Tumanggap ang mga tao ng 337,500 na tupa, tatlumpu't anim na libong baka, 30,500 na asno at labing-anim na libong birhen.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 47 Mula sa mga tinanggap ng mga tao, kinuha ni Moises ang isa sa bawat limampung kagamitan at ibinigay ang mga iyon kay Yahweh. Kabilang doon ang mga hayop at mga tao. Tulad ng inutos ni Yahweh, ibinigay ni Moises ang lahat ng iyon sa mga kaapu-apuhan ni Levi na nangangalaga ng sagradong tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 48 Pagkatapos pumunta kay Moises ang mga opisyal ng hukbo at iyong mga namuno ng libu-libo at iyong mga namuno ng daan-daan.
|
|
\v 49 Sinabi nila, "Kaming mga lingkod mo ay binilang ang mga sundalong pinamumunuan namin, at napag-alamang wala sa kanila ang nawawala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 50 Kaya upang pasalamatan si Yahweh para doon, nagdala kami sa kaniya ng isang regalong mga ginintuang kagamitan na natagpuan namin matapos ang labanan, mga gintong pansuot sa braso at mga pulseras at singsing, mga hikaw at kuwintas. Inaasahan naming magiging pambayad ito sa aming mga kasalanan."
|
|
\v 51 Kaya tinanggap nina Eleazar at Moises ang mga ginintuang kagamitang dinala nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 52 Ang kabuuan ng handog na idinulog nila ay tumimbang ng 191 na kilo.
|
|
\v 53 Kinuha ng bawat kawal ang mga bagay na ito para sa kaniyang sarili.
|
|
\v 54 Tinanggap nina Eleazar at Moises ang mga ginintuang kagamitang ito mula sa mga pinunong ito at inilagay ang mga iyon sa banal na tolda upang paalalahanan ang mga Israelita tungkol sa kung paano sila tinulungan ni Yahweh na talunin ang lahi ng Midian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 32
|
|
\p
|
|
\v 1 Maraming alagang hayop ang mga tao ng mga tribu nina Ruben at Gad. Nakita nilang malapit ang lupain sa lungsod ng Jazer at may mainam na damo para manginainan ng mga hayop sa rehiyon ng Galaad sa silangan ng Ilog Jordan.
|
|
\v 2 Kaya dumating ang kanilang mga pinuno kay Eleazar at sa mga pinuno ng mga tao at kay Moises. Sinabi nila,
|
|
\p
|
|
\v 3 "Marami kaming alagang hayop.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Idinulot ni Yahweh na sakupin nating mga Israelita ang ilang lupain na napakainam na panginainan ng mga hayop—ang mga lupaing malapit sa mga nayon ng Atarot, Dibon, Jazer, Nimra, Hesbon, Eleale, Sebam, Nebo, at Beon.
|
|
\v 5 Kung makakalugod sa iyo, nais namin ang lupaing ito na mapasaamin, sa halip na ang lupain sa kabilang dako ng Ilog Jordan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Sumagot si Moises sa mga pinuno ng mga tribu nina Gad at Ruben, "Hindi tama para sa inyong kapwa Israelita na magpunta sa digmaan habang kayo naman ay mananatili rito!
|
|
\p
|
|
\v 7 Kung gagawin ninyo iyan, idudulot ninyo sa ibang mga Israelita na panghinaan ng loob, na ang kalalabasan ay hindi na sila tatawid sa Ilog Jordan sa lupaing ibinibigay sa kanila ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ginawa ng ating mga ninuno ang parehong bagay. Ipinadala ko sila mula sa Kades Barnea upang makita kung ano ang hitsura ng lupain ng Canaan.
|
|
\v 9 Umabot sila hanggang sa ng Lambak Escol, ngunit nang makita nila ang malalaking tao sa lupain, bumalik sila at idinulot sa mga Israelita na panghinaan ng loob na nagsasabi, 'Hindi na natin dapat pasukin ang lupaing sinabi ni Yahweh na ibinibigay niya sa atin.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kaya naging galit na galit si Yahweh sa kanila, at taimtim niyang ipinahayag ito,
|
|
\v 11-12 'Mula sa mga taong lumabas mula Ehipto, tanging mga taong hindi bababa sa dalawampung taong gulang ang makakakita sa lupaing aking ipinangakong ibibigay kay Abraham, Isaac, at kay Jacob ay ang anak na lalaki ni Jefune na si Caleb at lalaking anak ni Nun na si Josue, dahil nagtiwala sila sa akin ng lubusan. Wala sa ibang mga taong lumabas mula Ehipto ang makakakita man lamang sa lupain, dahil hindi sila lubusang naniwala sa aking kapangyarihan.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Kaya nagalit si Yahweh sa mga Israelita, at ang kinalabasan ay idinulot niya sa aming magpagala-gala sa disyertong ito sa loob ng apatnapung taon. Sa huli, namatay lahat ang taong nagkasala laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagtangging magtiwala sa kaniya, isa-isa.
|
|
\v 14 At kumikilos kayong tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno! Kayong mga makasalanang lahi ng Israelita ay magdudulot kay Yahweh na lalong magalit sa inyo kaysa sa ating mga ninuno!
|
|
\p
|
|
\v 15 Kung hihinto kayo sa pagtitiwala sa kaniya, idudulot niya sa inyo at sa inyong mga kapwa Israelitang manatili ng matagal sa disyerto, at lilipulin niya kayong lahat!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Kaya sinabi ng mga pinuno ng mga tribu nina Ruben at Gad kay Moises, "Una magtatayo kami ng mga kulungan para sa aming mga hayop at magtatayo ng mga lungsod para sa aming pamilya rito.
|
|
\v 17 Pagkatapos maninirahan ang aming mga pamilya sa mga matitibay na lungsod na may mga pader sa palibot nito, at magiging ligtas sila mula sa mga taong naninirahan sa lupaing ito. Pagkatapos maghahanda kami upang lumaban sa mga digmaan. Tutulungan namin ang ibang mga Israelita na makuha ang lupain sa ibayong dako ng ilog.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Hindi kami babalik sa aming mga tahanan hanggang sa bawat Israelita ay makatanggap ng ilang lupain.
|
|
\p
|
|
\v 19 Hindi namin kukunin ang alinmang lupain sa kanlurang dako ng Ilog Jordan, dahil naririto ang aming lupain sa silangang dako."'
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Kaya sinabi ni Moises sa kanila, "Sasabihin ko sa inyo kung ano ang dapat ninyong gawin.
|
|
\p
|
|
\v 21 Dapat maging handa kayong lumaban sa digmaan para kay Yahweh. Dapat ninyong tawirin ang Ilog Jordan dala-dala ang inyong mga sandata.
|
|
\p
|
|
\v 22 Matapos tayong tulungan ni Yahweh na kunin ang lupaing iyon mula sa mga taong naninirahan doon, papayagan na kayong bumalik sa inyong mga tahanan. Gagawin ninyo kung ano ang ipinangako ninyo kay Yahweh at sa mga taong Israelita na gagawin ninyo, at maaari ninyong panatilihin ang lupaing ito na maging inyo, na ibinigay sa inyo ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Ngunit kung hindi ninyo gagawin ang mga bagay na ito, magkakasala kayo laban kay Yahweh, at paparusahan niya kayo dahil sa kasalanang iyon.
|
|
\v 24 Ngayon maaari kayong magtayo ng mga lungsod para sa inyong mga pamilya at kulungan para sa inyong mga hayop, ngunit matapos ninyong gawin iyon, dapat ninyong gawin ang inyong ipinangako."
|
|
\p
|
|
\v 25 Sumagot ang mga pinuno ng mga tribu nina Gad at Ruben, "Gagawin namin kung ano ang iniutos mong gawin namin, dahil ikaw ang aming pinuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Mananatili ang aming mga asawa at mga anak at aming baka at tupa at mga kambing dito sa mga lungsod sa lugar ng Galaad,
|
|
\v 27 ngunit magiging handa kaming pumunta sa digmaan. Kukunin namin ang aming mga sandata at tatawid kami sa Ilog Jordan at lalaban kami para kay Yahweh, katulad ng sinabi mo, aming pinuno."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28 Kaya nagbigay ng tagubilin si Moises tungkol sa kanila kina Eleazar, Josue, at mga pinuno ng mga tribu ng Israelita.
|
|
\v 29 Sinabi ni Moises sa kanila, "Kung maghahanda para sa digmaan at tumawid sa Ilog Jordan kasama ninyo ang mga kalalakihang mula sa mga tribu nina Gad at Ruben, upang gawin ang kagustuhan ni Yahweh at tulungan kayong kunin ang lupain, ibigay sa kanila ang lugar ng Galaad para mapasakanila.
|
|
\p
|
|
\v 30 Ngunit kung hindi nila kukunin ang kanilang mga sandata at sumama sa inyong handang lumaban, hindi nila matatanggap ang lupaing ito. Kakailanganing tanggapin nila ang ilang lupain sa Canaan, tulad ng gagawin ng karamihan sa inyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Sumagot ang mga pinuno sa mga tribu nina Gad at Ruben, "Gagawin namin ang iyong sinabi at kung ano ang sinabi ni Yahweh.
|
|
\v 32 Tatawid kami sa ilog papasok sa lupain ng Canaan, at gagawin namin kung ano ang gusto ni Yahweh at maghahanda kami para sa digmaan. Ngunit naririto ang aming lupain sa silangang dako ng Ilog Jordan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 33 Kaya pumayag si Moises na ibigay ang lupaing iyon sa mga tribu nina Gad at Ruben at sa kalahati ng tribu ni Manases na anak na lalaki ni Jose. Ang lupaing iyon ay dating lupain kung saan naghari si haring Sihon na mula sa lahing Amor, at ang lupain kung saan naghari si haring Og sa rehiyon ng Bashan, kabilang na ang mga lungsod nito at ang mga nakapalibot na lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Itinayong muli ng mga tao ng lipi ni Gad ang mga lungsod ng Dibon, Atarot, Aroer,
|
|
\v 35 Atarot Sopan, Jazer, Jogbeha,
|
|
\v 36 Bet Nimra, at Bet Haran. Iyon ay mga lungsod na may matitibay na mga pader sa palibot ng mga ito. At nagtayo din sila ng mga kulungan para sa kanilang mga tupa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Itinayong muli ng mga tao sa tribu ni Ruben ang mga lungsod ng Hesbon, Eleale, Kiriataim,
|
|
\v 38 Nebo, Baal Meon, at Sibma. Nang maitayo nilang muli ang Nebo at Baal Meon, nagbigay sila ng mga bagong pangalan sa mga lungsod na iyon.
|
|
\v 39 Nagpunta ang mga kaapu-apuhan ng anak na lalaki ni Manases na si Maquir sa rehiyon ng Galaad at kinuha ito mula sa lahi ni Amor.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Kaya ibinigay ni Moises ang Galaad sa pamilya ni Maquir, at nagsimula silang manirahan doon.
|
|
\v 41 Nagpunta si Jair, na isa ring kaapu-apuhan ni Manases at sinakop ang maliliit na mga nayon sa rehiyong iyon, at pinangalanan niya ang mga itong Mga Bayan ni Jair.
|
|
\v 42 Isang lalaking nagngangalang Noba ang nagpunta at sinakop ang lungsod ng Kenat at ang kalapit na mga bayan at pagkatapos ginamit ang sarili niyang pangalan upang maging bagong pangalan ng lugar na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 33
|
|
\p
|
|
\v 1 Narito ang listahan ng mga lugar na pinuntahan ng mga Israelita habang pinangungunahan sila nina Aaron at Moises matapos nilang lisanin ang Ehipto.
|
|
\v 2 Inutusan ni Yahweh si Moises na isulat ang mga pangalan ng mga lugar na kanilang pinuntahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sa ikalabing limang araw ng unang buwan ng taon, ang araw matapos nilang ipagdiwang ang Paskua, nilisan nila ang lungsod ng Rameses sa Ehipto at matapang na lumakad habang sumusunod sa likod nila ang hukbo ng Ehipto.
|
|
\v 4 Habang paalis sila, inililibing pa ng mga taga- Ehipto ang mga bangkay ng kanilang mga panganay na anak na lalaki. Sa pamamagitan ng pagpatay sa kanila, ipinakita ni Yahweh na hindi tunay na diyos ang mga diyos na sinamba ng mga tao ng Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Matapos nilang lisanin ang Rameses, una nilang pinuntahan ang Succot at nagtayo sila roon ng kanilang mga tolda.
|
|
\v 6 Pagkatapos nilisan nila ang Succot at pumunta sila sa Etam, sa dulo ng disyerto, at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\p
|
|
\v 7 Pagkatapos nilisan nila ang Etam at bumalik sa Pi Hahirot, sa silangan ng Baal Zefon, at nagtayo sila ng kanilang mga tolda malapit sa Migdol.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pagtapos nilisan nila ang Pi Hahirot at dumaan sila sa Dagat Pula at nagpatuloy ng tatlong araw sa Disyerto ng Etam, at nagtayo sila ng kanilang mga tolda sa Mara.
|
|
\v 9 Pagkatapos nilisan nila ang Mara at nagpunta sila sa Elim. Mayroong labindalawang batis at pitumpung puno ng palmera roon. Nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 10 Pagkatapos nilisan nila ang Elim at nagpunta sila sa lugar malapit sa Dagat Pula at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Pagkatapos nilisan nila ang Dagat Pula at nagpunta sila sa malapit sa ilang ng Sin at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\p
|
|
\v 12 Pagkatapos nilisan nila ang ilang ng Sin at nagpunta sila sa Dofka at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 13 Pagkatapos nilisan nila ang Dofka at nagpunta sila sa Alus at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 14 Pagkatapos nilisan nila ang Alus at nagpunta at nagtayo sila ng kanilang mga tolda sa Refidim, kung saan wala silang tubig na maiinom.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos nilisan nila ang Refidim at nagpunta sila sa ilang ng Sinai at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 16 Pagkatapos nilisan nila ang ilang ng Sinai at nagpunta sila sa Kibrot Hattaava at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\p
|
|
\v 17 Pagkatapos nilisan nila ang Kibrot Hattaava at nagpunta sila sa Hazerot at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\p
|
|
\v 18 Pagkatapos nilisan nila ang Hazerot at nagpunta sila sa Ritma at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Pagkatapos nilisan nila ang Ritma at nagpunta sila sa Rimmon Perez at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 20 Pagkatapos nilisan nila ang Rimmon Perez at nagpunta sila sa Libna at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 21 Pagkatapos nilisan nila ang Libna at nagpunta sila sa Rissa at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 22 Pagkatapos nilisan nila ang Rissa at nagtayo sila ng kanilang mga tolda sa Kehelatha.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Pagkatapos nilisan nila ang Kehelatha; nagpunta sila sa Bundok Sefer at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 24 Pagkatapos nilisan nila ang Bundok Sefer at nagpunta sila sa Harada at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 25 Pagkatapos nilisan nila ang Harada at nagpunta sila sa Makhelot at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 26 Pagkatapos nilisan nila ang Makhelot at nagpunta sila sa Tahat at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Pagkatapos nilisan nila ang Tahat at nagpunta sila sa Tera at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 28 Pagkatapos nilisan nila ang Tera at nagpunta sila sa Mitca at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 29 Pagkatapos nilisan nila ang Mitca at nagpunta sila sa Hasmona at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 30 Pagkatapos nilisan nila ang Hasmona at nagpunta sila sa Moserot at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Pagkatapos nilisan nila ang Moserot at nagpunta sila sa Bene Jaakan at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 32 Pagkatapos nilisan nila ang Bene Jaakan at nagpunta sila sa Hor Haggidgad at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 33 Pagkatapos nilisan nila ang Hor Haggidgad at nagpunta sila sa Jotbatha at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 34 Pagkatapos nilisan nila ang Jotbatha at nagpunta sila sa Abrona at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Pagkatapos nilisan nila ang Abrona at nagpunta sila sa Ezion Geber at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 36 Pagkatapos nilisan nila ang Ezion Geber at nagpunta sila sa ilang ng Sin at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon sa Kades.
|
|
\v 37 Pagkatapos nilisan nila ang Kades at nagpunta sila sa Bundok Hor, sa hangganan ng Edom, at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 38 Sinunod ni Aaron na pari si Yahweh at umakyat sa bundok. Doon siya namatay sa unang araw ng kanilang ikalimang buwan, apatnapung taon matapos umalis ang mga Israelita sa Ehipto.
|
|
\v 39 123 taong gulang si Aaron nang siya ay mamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 40 Iyon ay nang marinig ng hari ng lungsod ng Arad na paparating na ang mga Israelita. Ang Arad ay nasa katimugang ilang sa lupain ng Canaan, kung saan nanirahan ang mga Canaaneo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 41 Nilisan ng mga Israelita ang Bundok Hor at nagpunta sila sa Zalmona at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 42 Pagkatapos nilisan nila ang Zalmona at nagpunta sila sa Punon at nagtayo ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 43 Pagkatapos nilisan nila ang Punon at nagpunta sila sa Obot at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 44 Pagkatapos nilisan nila ang Obot at nagpunta sila sa Iye Abarim, na nasa hangganan ng rehiyon ng Moab, at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 45 Pagkatapos nilisan nila ang Iye Abarim at nagpunta sila sa Dibon Gad at nagtayo sila ng kanilang mga tolda roon.
|
|
\v 46 Pagkatapos nilisan nila ang Dibon Gad at nagtayo sila ng kanilang mga tolda sa Almon Diblathaim.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 47 Pagkatapos nilisan nila ang Almon Diblathaim at nagpunta sila sa mga Kabundukan ng Abarim, malapit sa Nebo at nagtayo sila ng kanilang tolda roon.
|
|
\v 48 Pagkatapos nilisan nila ang mga kabundukan ng Abarim at nagpunta sila sa mga kapatagan ng Moab, malapit sa Ilog Jordan sa ibayo ng Jerico.
|
|
\v 49 Nagtayo sila ng kanilang tolda sa mga kapatagan ng Moab. Umabot ng ilang kilometro ang kanilang mga tolda mula sa Beth Jesimot hanggang sa Abel Sittim.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 50 Nagsalita si Yahweh kay Moises habang nasa mga kapatagan kami ng Moab malapit sa Ilog Jordan sa ibayo mula sa Jerico. Sinabi niya,
|
|
\v 51 "Sabihin mo ito sa mga Israelita, 'Kapag tatawid kayo sa Ilog Jordan at papasok sa rehiyon ng Canaan,
|
|
\v 52 dapat ninyong itaboy ang lahat ng taong nakatira roon. Sirain ninyo ang lahat ng kanilang mga inukit na anyo at lahat ng hinulmang anyong gawa sa metal. Wasakin ninyo ang lahat ng mga lugar kung saan nila sinasamba ang kanilang mga diyus-diyosan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 53 Kunin ninyo ang kanilang lupain at magsimulang manirahan doon, dahil ibinigay ko ang kanilang lupain sa inyo para angkinin.
|
|
\v 54 Hatiin ninyo ang lupain sa pamamagitan ng palabunutan upang pagpasyahan kung aling pangkat ang kukuha ng aling bahagi ng lupa. Ibigay ang mas malaking bahagi ng lupa sa mga pangkat na may maraming tao at ibigay ang mas maliit na bahagi ng lupain sa mga pangkat na mayroong kakaunting tao. Bawat tribu ay tatanggap ng kaniyang sariling lupa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 55 Kung hindi ninyo piliting umalis ang mga taong nakatira roon, magdudulot sila ng malaking kaguluhan sa inyo. Magiging katulad sila ng mga matalas na kalawit sa inyong mga mata, at tulad ng mga tinik sa inyong mga tagiliran. At magdadala sila ng kaguluhan sa inyo, sa lupaing iyon kung saan kayo maninirahan.
|
|
\v 56 At sa gayon parurusahan ko kayo, tulad ng binalak kong pagparusa sa kanila."'
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 34
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 2 "Sabihin mo ito sa mga Israelita, 'Malapit na kayong pumasok sa lupaing Canaan, at mapapasainyo iyon. Ang mga sumusunod ang magiging mga hangganan ng lupain.
|
|
\p
|
|
\v 3 Sa timog tatanggap kayo ng bahagi ng ilang ng Sin, malapit sa hangganan ng rehiyon ng Edom. Sa silangang dako, magsisimula ang hangganan sa dulo ng timog ng Dagat Patay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Aabot iyon sa may timog ng Pasong Alakdan, at magpapatuloy sa kanluran hanggang sa Disyerto ng Zin at sa timog ng Kades Barnea. Mula roon aabot iyon hanggang sa Hazar Addar at mula doon hanggang Azmon.
|
|
\v 5 Mula Azmon aabot iyon sa kanluran hanggang sa tuyong ilog sa hangganan ng Ehipto at sa Dagat Mediteraneo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Ang Dagat Mediteraneo ang magiging hangganan sa kanluran.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Magsisimula sa Dagat Mediteraneo at aabot sa kanluran sa Bundok Hor ang hangganan sa hilaga.
|
|
\v 8 Mula doon magpapatuloy iyon sa Lebo Hamat at at sa Zedad.
|
|
\v 9 Mula roon magpapatuloy ang hangganan sa Zifron, at magtatapos iyon sa Hazar Enan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Magsisimula ang hangganan sa silangan sa Hazar Enan at aabot sa timog hanggang Sefam.
|
|
\v 11 Mula roon aabot iyon sa silangan ng Ain hanggang Ribla at pagkatapos hanggang sa mga burol nasa silangan ng Lawa ng Galilea.
|
|
\v 12 Pagkatapos aabot ang hangganan sa timog sa may Ilog Jordan at sa dulo ng Dagat Patay. Ang mga iyon ang magiging hangganan sa palibot ng bansa."'
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Kaya sinabi ni Moises ang lahat ng iyon sa mga Israelita. Pagkatapos sinabi niya sa kanila, "Iyan ang lupaing matatanggap ninyo. Dapat kayong magpalabunutan upang mapagpasyahan ninyo kung aling pook ang mapupunta sa bawat isa sa siyam at kalahating tribu, dahil iniutos ni Yahweh na kailangang hatiin nila iyon para sa kanila.
|
|
\v 14 Natanggap na ng mga tribu nina Ruben, Gad at ang kalahating tribu ni Manases ang lupain kung saan sila maninirahan.
|
|
\v 15 Natanggap nila ang lupain sa silangang bahagi ng Ilog Jordan, sa gitna ng Jerico."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 17 "Ito ang mga lalaking maghahati ng lupain. Una, si Eleazar at Josue,
|
|
\p
|
|
\v 18 ngunit iba pang pinuno mula sa bawat isa sa labindalawang tribu ang tutulong sa kanilang hatiin ang lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Mula si tribu ni Juda, italaga si Caleb na anak na lalaki ni Jefune.
|
|
\q1
|
|
\v 20 Mula sa tribu ni Simeon italaga si Semuel na anak na lalaki ni Ammiud.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Mula sa tribu ni Benjamin italaga si Elidad na anak na lalaki ni Kislon.
|
|
\q1
|
|
\v 22 Mula sa tribu ni Dan italaga si Buki na anak na lalaki ni Jogli.
|
|
\q1
|
|
\v 23 Mula sa tribu ni Manases italaga ang anak na lalaki ni Efod na si Hanniel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 24 Mula sa tribu ni Efraim italaga ang anak na lalaki ni Siftan na si Kemuel.
|
|
\p
|
|
\v 25 Mula sa tribu ni Zebulun italaga ang anak na lalaki ni Parnac na si Elizafan.
|
|
\q1
|
|
\v 26 Mula sa tribu ni Isacar italaga ang anak na lalaki ni Assan na si Paltiel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 27 Mula sa tribu ni Aser italaga ang anak na lalaki ni helomi na si Ahiud.
|
|
\q1
|
|
\v 28 Mula sa tribu ni Neftali italaga si Pedahel na anak na lalaki ni Ammiud."
|
|
\p
|
|
\v 29 Inutos ni Yahweh na ang mga lalaking iyon ang dapat humati sa rehiyon ng Canaan sa mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 35
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ito ni Yahweh kay Moises habang ang mga Israelita ay nasa kapatagan sa Moab malapit sa Ilog Jordan, kabila mula Jericho,
|
|
\v 2 "Sabihin mo sa mga Israelita ang hangganan ng lupaing kanilang matatanggap, dapat magbigay sila sa mga kaapu-apuan ni Levi ng ilang lungsod na maaari nilang matirhan. Dapat din silang magbigay ng ilang lupain sa palibot ng mga lungsod na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ang mga lungsod na ito ay para sa mga kaapu-apuan ni Levi upang kanilang matirahan, at ang palibot ng mga lungsod ay para sa kanilang mga baka, at mga kawan ng tupa at mga kambing at iba pang mga hayop.
|
|
\p
|
|
\v 4 Ang lupain na ibibigay niyo sa kanila para sa kanilang mga hayop ay dapat hanggang 457 metro mula sa mga pader ng mga lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sumusukat din kayo ng 920 sa bawat dako mula sa mga pader ng bawat lungsod. Ang karagdagang lupain ay magiging lupain para sa kanilang mga hayop sa labas ng mga pader ng mga lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Anim sa mga lungsod na ibibigay ninyo sa mga kaapu-apuan ni Levi ay magiging mga lungsod na matatakbuhan ng mga tao upang maging ligtas. Kapag ang isang tao ay makakapatay ng isa pang tao nang hindi sinasadya, ang taong pumatay sa taong iyon ay maaaring tumakas sa isa sa mga lungsod na iyon upang maging ligtas.
|
|
\v 7 Dapat din ninyong ibigay sa mga kaapu-apuan ni Levi ang apatnapu't dalawang iba pang mga lungsod at ang lupain sa palibot ng mga lungsod na iyon ay para sa kanilang mga hayop.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ang mga tribu ng Israel na may pinakamaraming tao ang dapat magbigay sa kanila ng maraming lungsod kaysa ang ibibigay ng mga tribung may kaunting tao. Bawat tribu ay dapat magbigay ng ilan sa mga lungsod nito sa mga kaapu-apuan ni Levi, subalit ang mga tribung may maraming lupain ay dapat magbigay ng mas maraming lungsod, at ang mga tribung may kaunting lungsod ay mabibigay ng kaunti ring lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
|
|
\p
|
|
\v 10 "Sabihin mo ito sa mga Israelita, 'Kapag tinawid ninyo ang Ilog Jordan at pumasok sa rehiyon ng Canaan,
|
|
\v 11 dapat kayong pumili ng ilang lungsod na matatakbuhan ng mga tao at maging ligtas. Kung ang isang tao ay makakapatay ng isa pang tao, ang taong pumatay sa tao ay maaaring tumakas sa isa sa mga lungsod na iyon at maging ligtas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Isa sa kamag-anak ng taong pinatay ay iisiping dapat niyang ipaghiganti ang kamatayan ng kaniyang kamag-anak sa pamamagitan ng pagpatay sa mamamatay-tao. Subalit sa lungsod na iyon, ang mamamatay-tao ay magiging ligtas dahil papatayin ng mga tao sa lungsod na iyon ang mga kamag-anak kung susubukan nilang maghiganti doon. Ang taong nakapatay ng isang tao nang hindi sinasadya ay dapat ilagay sa paglilitis sa isang hukuman.
|
|
\v 13 Dapat kayong maglaan ng anim na lungsod upang magiging takbuhan ng isang taong nakapatay ng isa pang tao nang hindi sinasadya at maging ligtas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Dapat mayroon itong tatlong lungsod sa silangan bahagi ng Ilog Jordan at tatlo sa kanlurang bahagi, sa rehiyon ng Canaan.
|
|
\v 15 Ang anim na lungsod na iyon ay magiging takbuhan ng mga Israelita at maging ligtas, at magiging takbuhan din ng mga dayuhan at ibang tao at maging ligtas. Alinman sa mga taong iyon na nakapatay ng isang tao nang hindi sinasadya ay maaaring tumakas sa isa sa mga lungsod na ito at maging ligtas doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16-18 Subalit dapat ninyong isaalang-alang na sinumang makapatay ng isa pang tao gamit ang isang bakal na sandata o gamit ang isang malaking bato o gamit ang isang piraso ng kahoy, ay isang mamamatay-tao, at ang siyang pumatay sa ibang tao ay dapat patayin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Ang isang kamag-anak ng taong pinatay ang dapat pumatay sa mamamatay-tao sa sandaling siya ay mahanap niya.
|
|
\p
|
|
\v 20 Kung sinumang magtutulak sa isang tao sa isang matarik na dalisdis o maghagis ng isang bagay sa isang tao
|
|
\v 21 o paluin ang taong iyon gamit ang kaniyang kamay at magdulot na mamatay ang taong iyon, kung ginawa niya ito dahil kinasusuklaman niya ang taong iyon, dapat ninyong ituring na siya ay isang mamamatay-tao, at dapat siyang patayin. Ang isang kamag-anak ng taong pinatay ang dapat hahatol ng kamatayan sa mamamatay-tao sa sandaling siya ay mahanap niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Subalit maaaring isang tao ay tinulak nang hindi sinasadya ang ibang tao, o maaaring maghagis siya ng isang bagay sa ibang tao nang hindi sinasadya at matamaan siya, ngunit hindi dahil kinamuhian niya ang taong iyon.
|
|
\p
|
|
\v 23 O maaaring maghulog siya ng isang bato sa isang tao nang hindi niya nakikita. Kung ang isang gumawa niyon ay hindi binalak na saktan ang sinuman at hindi kinamuhian ang taong iyon na namatay,
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 24 kung gayon dapat magpasya ang mga tao sa lungsod na iyon kung ang kamag-anak ng taong patay ay may karapatan na maghiganti, o kung ang isang pumatay na tao ay tunay na ginawa iyon nang hindi sinasadya.
|
|
\p
|
|
\v 25 Kung napagpasyahan nila na binalak ng mamamatay-tao na patayin ang isang tao, dapat hindi nila siya pahintulutang manatili sa kanilang lungsod. Subalit kung napagpasyahan nila na iyon ay ginawa niya nang hindi sinasadya, dapat nilang ipagtanggol ang mamamatay-tao mula sa pagkakapatay sa pamamagitan ng kamag-anak ng taong pinatay. Dapat nilang ipadala ang mamamatay-tao sa isa sa mga lungsod kung saan siya magiging ligtas, at pahintulutan siyang manatili roon hanggang mamatay ang punong pari. Pagkatapos niyon, ang mamamatay-tao ay maaari nang bumalik sa kaniyang tahanan, dahil ang kamag-anak ng taong pinatay ay walang karapatan na maghiganti.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26 Subalit habang nabubuhay pa ang punong pari, ang taong nasa ligtas na lungsod na iyon ay hindi dapat hindi aalis sa lungsod.
|
|
\p
|
|
\v 27 Kung lalabas siya sa lungsod, at kung makita siya ng isang kamag-anak ng pinatay niyang tao, ang kamag-anak na iyon ay pinapahintulutang patayin ang taong iyon, at hindi ituturing na nagkasala ang kamag-anak sa pagpatay.
|
|
\p
|
|
\v 28 Dapat manatili ang nakapatay sa lungsod na iyon kung saan, siya ay magiging ligtas hanggang sa mamatay ang punong pari. Magiging ligtas siya mula sa paghihiganti pagkatapos niyon, dahil ang kamatayan ng punong pari ay ituturing na isang alay upang pambayad kasalanan para sa nakapatay. Pagkatapos niyon, maaari ng bumalik ang nakapatay sa kaniyang tahanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 29 Dapat lagi ninyong sundin ang mga legal na paglilitis saan man kayo nakatira.
|
|
\p
|
|
\v 30 Kung ang isang tao ay inakusahan ng pagpatay ng ibang tao, ang taong inakusahan ay maaaring lamang patayin kung may mga taong nakakita na ginawa niya ito. Mayroon dapat mas higit sa isang saksi. Walang sinuman ang pinahintulutang pumatay kung iisang lamang ang saksi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Kung may isang mamamatay-tao na tunay na kailangang patayin, huwag ililigtas ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagtanggap ng isang pantubos. Dapat siyang patayin.
|
|
\v 32 Kung ang isang tao ay tumakas at pumunta sa isang lungsod kung saan siya magiging ligtas, huwag siyang payagan na bigyan kayo ng pera upang pahihintulutan ninyo siyang makabalik sa kaniyang tahanan bago mamatay ang punong pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Dapat ninyong patayin ang mga tunay na pumatay ng ibang tao. Kung hindi ninyo iyon gagawin, idudulot ninyo ang mga taong nakatira sa lupain na maging hindi katanggap-tanggap sa akin. Sinumang sinadyang patayin ang isang inosenteng tao ay dapat patayin.
|
|
\v 34 Ako si Yahweh, at ako ay tumira sa inyong mga Israelita, kaya huwag sirain ang lupain sa pamamagitan ng pagpahintulot sa mga tao na pumatay ng ibang tao na hindi pinaparusahan.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 36
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos pumunta kay Moises ang mga pinuno ng mga pamilya mula sa angkan ni Galaad sa tribu ni Manases at iba pang mga pinuno ng pamilya ng mga Israelita.
|
|
\p
|
|
\v 2 Sinabi nila kay Moises, "Inutusan ka ni Yahweh, aming pinuno, na hati-hatiin ang lupain sa mga tribu ng Israelita sa pamamagitan ng palabunutan upang pagpasiyahan kung aling pangkat ang makakakuha ng alinmang lugar. Inutusan ka rin ni Yahweh na ibigay ang lupang nabibilang sa kapatid naming si Zelofehad sa kaniyang mga anak na babae.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Subalit kung mag-aasawa ang mga anak niyang babae ng mga lalaki mula sa ibang tribu ng Israel, hindi na mabibilang ang lupang iyon sa aming tribu. Makukuha iyon ng mga tao ng ibang tribu. Hindi na mabibilang sa amin ang ilan sa aming lupa.
|
|
\v 4 Kapag dumating ang Taon ng Pagdiriwang, kung kailan ibabalik sa dating may-ari ang lahat ng lupang binili ng isang tao, ang lupang nabilang kay Zelofehad ay mapapabilang sa mga tribu ng mga lalaking napangasawa ng kaniyang mga anak. Kaya ang ilan sa aming lupa, ang lupang tinanggap namin mula sa aming mga ama ay kukunin mula sa amin, hindi na namin ito muling aariin kailanman."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Sinabi ni Yahweh kay Moises kung ano ang isasagot sa kanila, kaya sinabi ito ni Moises sa kanila, "Tama ang mga lalaking ito mula sa tribu ni Manases.
|
|
\v 6 Ito ang sinasabi ni Yahweh sa mga anak na babae ni Zelofehad, 'Maaari kayong magpakasal sa sinumang maibigan ninyo, subalit dapat lang kayong magpakasal sa isang taong mula sa inyong sariling tribu.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Sa paraang iyon, hindi malilipat ang lupang nabibilang sa mga Israelita mula sa isang tribu tungo sa isa pang tribu. Mapapanatili ng bawat Isrealita ang lupa sa tribung nabibilang sa kaniyang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Maaaring mag-asawa ang isang babaeng nagmana ng lupa ng kaniyang ama, subalit dapat lamang siyang magpakasal sa isang taong mula sa kanyang sariling tribu. Sa ganoong paraan, mapapanatili ng bawat Israelita ang lupang nabibilang sa kaniyang mga ninuno.
|
|
\p
|
|
\v 9 Hindi dapat ilipat ang lupa mula sa isang tribu tungo sa isa pang tribu. Dapat panatilihin ng bawat tribu ng Israelita ang lupang tinanggap nito mula sa mga ninuno nito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Sinunod ng mga anak na babae ni Zelofehad kung ano ang inutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
\p
|
|
\v 11 Ang limang anak na babae ay sina Mahla, Tirza, Hogla, Milca, at Noe—pinakasalan nila ang kanilang mga pinsan, mga kamag-anak ng kanilang ama.
|
|
\p
|
|
\v 12 Mula sa tribu ni Manases ang mga lalaking napangasawa nila, kaya patuloy na napabilang ang lupa nila sa pamilya at tribu ng kanilang ama.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Iyon ang mga utos at kautusang ibinigay ni Yahweh kay Moises para sabihin sa mga Israelita, habang sila ay nasa kapatagan ng Moab malapit sa Ilog Jordan sa ibayo mula sa Jerico.
|