tl_udb/02-EXO.usfm

2565 lines
234 KiB
Plaintext

\id EXO
\ide UTF-8
\h Exodo
\toc1 Exodo
\toc2 Exodo
\toc3 exo
\mt Exodo
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ito ang mga anak na lalaki ni Jacob (silang lahat ay pumunta sa lupain ng Ehipto kasama ni Jacob, kanilang ama, at ang kanilang sambahayan). Ang pangalan ng mga anak na lalaki ay:
\v 2 Ruben, Simeon, Levi, Juda,
\p
\v 3 Isacar, Zebulon, Benjamin,
\v 4 Dan, Nephtali, Gad, at Aser.
\v 5 Lahat, sila ay pitumpung tao na sumama kay Jacob. Ang kaniyang anak na lalaki na si Jose ay nasa Ehipto na noon.
\s5
\p
\v 6 Pagkaraan ng ilang panahon, si Jose at ang kaniyang mga kapatid na lalaki at lahat ng kanilang pamilya na namuhay sa salinlahing iyon ay namatay.
\v 7 Pero ang mga kaapu-apuhan ni Jacob ay nagsilang ng maraming anak. Ang bilang ng kanilang mga kaapu-apuhan ay lumago ng napakarami. Bilang resulta, marami sa kanila ay nasa lahat ng dako ng Ehipto.
\s5
\p
\v 8 Gayunman, maraming taon ang lumipas, isang bagong hari ang nagsimulang mamahala sa Ehipto. Hindi siya labis na nagpapasalamat sa mabubuting bagay na nagawa ni Jose sa bayan sa Ehipto noon.
\p
\v 9 Sinabi niya sa kaniyang bayan, "Tingnan ninyo kung ano ang nangyari! Ang bayang Israelita ay naging marami at naging makapangyarihan na sila ay mapanganib sa atin!
\v 10 Hahanap tayo ng paraan para pamahalaan sila! Kapag hindi natin iyon gagawin, magkakaroon ng marami sa kanila. Kaya, kung sasalakay ang mga kaaway sa atin, ang mga Israelita ay sasanib sa ating mga kaaway at makikipaglaban sa atin, at tatakas sila mula sa ating lupain."
\s5
\p
\v 11 Kaya naglagay ang hari at ang kaniyang mga pinuno ng mga tagapamahala sa mga Israelita na magpapahirap sa kanila sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mahihirap na gawain. Ginawa nila ang bayan ng Israelita ay magtayo ng dalawang lungsod para imbakan ng mga pagkain para sa hari. Ang mga lungsod na iyon ay pinangalanang Pithom at Rameses.
\v 12 Pero higit na pinakikitunguhan sila ng masam ang bayang Israelita, mas lumaki ang bilang ng mga Israelita, at sila ay parami nang parami kaya napuno nila ang lupain. Kaya nagsimulang matakot ang mga taga-Ehipto sa bayan ng Israelita.
\s5
\v 13 Ginawa nilang napakahirap ang gawain para sa bayan ng Israelita.
\p
\v 14 Dahil ang mga Israelita ay mga alipin, ang kanilang buhay ay napakalungkot. Nagtayo sila ng maraming gusali namay semento at mga laryo. Nagtrabaho rin sila sa mga bukid. Sa pagpapagawa sa Israelita na gawin ang lahat ng gawaing ito, sila ay pinakitunguhan ng pinuno ng Ehipto ng napakasama.
\s5
\p
\v 15 Ngayon mayroong dalawang Hebreong mga komadrona. Ang kanilang pangalan ay Sifra at Pua. Sinabi ng hari ng Ehipto sa dalawang babaeng iyon,
\v 16 "Kapag tutulong kayo sa mga Hebreong babae na magsilang ng kanilang mga anak, kung ang sanggol ay lalaki, dapat ninyo siyang patayin. Kung ang sanggol ay babae, hayaan ninyo siyang mabuhay."
\v 17 Pero natakot ang mga komadrona sa Diyos na baka sila ay parusahan kung susundin nila ang iniutos ng hari. Kaya hindi nila ginawa ang sinabi ng hari na kanilang gagawin. Hinayaan nilang mabuhay ang mga lalaking sanggol.
\s5
\v 18 Kaya pinatawag ng hari ang dalawang komadrona at sinabi sa kanila, "Bakit ninyo ito ginagawa? Bakit ninyo hinayaang mabuhay ang mga lalaking sanggol?"
\v 19 Sumagot ang isang komadrona at sinabi sa hari, "Ang mga Hebreong babae ay hindi katulad ng mga babaeng taga-Ehipto. Ang mga Hebreong babae ay malalakas. Naisilang na nila ang kanilang sanggol bago pa namin sila abutan para tulungan."
\s5
\p
\v 20 Kaya mabait na kumilos ang Diyos sa dalawang komadrona, at ang bayan ng Hebreo ay naging napakarami at lumakas.
\v 21 Dahil may takot ang dalawang komadrona sa Diyos, binigyan sila ng Diyos ng kanilang sariling mga anak.
\v 22 Pagkatapos inutusan ng hari ang lahat ng bayang Ehipto, sinabing, "Dapat ninyong itapon sa Ilog Nilo ang bawat Hebreong lalaking sanggol na isisilang! Gayunman, hayaan ninyong mabuhay ang mga babaeng sanggol."
\s5
\c 2
\p
\v 1 Ngayon mayroong isang lalaki na may kaapu-apuhang anak na lalaki si Jacob na si Levi. Siya ay nakapag-asawa ng babae na isa ring kaapu-apuhan ni Levi.
\p
\v 2 Siya ay nabuntis at nanganak ng batang lalaki. Nang makita niya na siya ay isang malusog na sanggol, siya ay kaniyang itinago ng tatlong buwan dahil hindi siya pumapayag na gawin ang iniutos ng hari.
\s5
\v 3 Nang hindi na niya ito maitago ng matagal, kumuha siya ng isang basket na gawa mula sa matataas na mga tambo. Binalot niya ang basket sa alkitran para ito ay lumutang sa tubig. Pagkatapos inilagay niya ang sanggol sa loob ng basket at inilagay ang basket sa tubig. Ito ay nasa gilid ng Ilog Nilo na nasa gitna ng matataas na mga tambo.
\p
\v 4 Ang kaniyang nakatatandang kapatid na babae ay nakatayo sa may hindi kalayuan, tinitingnan kung ano ang mangyayari sa kaniya.
\s5
\p
\v 5 Maya-maya ang anak na babae ng hari ay pumunta sa ilog para maligo. Ang kaniyang mga babaeng lingkod ay naglalakad sa tabing ilog. Nakita niya ang basket na nasa matataas na mga tambo sa ilog, kaya pinapunta niya ang isa sa kaniyang lingkod para kunin ito.
\v 6 Nang dalhin ng lingkod ang bsasket sa kaniya, binuksan niya ito, at nagulat nang makita ang sanggol sa loob na umiiyak. Nakaramdam siya ng lungkot para sa kaniya, at sinabing, "Marahil ito ay isang sanggol ng Hebreo."
\s5
\v 7 Pagkatapos ang nakatatandang kapatid na babae ng sanggol ay lumakad papunta sa anak na babae ng hari at sinabing, "Gusto mo bang pumunta ako at maghanap ng isang babaeng Hebreo na maaaring mag-alaga ng sanggol para sa iyo?"
\v 8 Sinabi ng anak na babae ng hari sa kaniya, "Sige, pumunta ka, at maghanap ng isa." Kaya ang batang babae ay nagpunta at nahanap ang ina ng sanggol.
\s5
\v 9 Sinabi ng anak na babae ng hari sa ina, "Pakiusap kunin mo itong sanggol at alagaan siya para sa akin. Babayaran kita sa paggawa mo niyan." Kaya ang ina ng sanggol ay dinala siya at inalagaan.
\v 10 Ilang taon ang lumipas, dinala siya ng kaniyang ina sa anak na babae ng hari. Siya ay inampon bilang kaniyang sariling anak na lalaki. Siya ay pinangalanan niyang Moises, na katunog ng salitang Hebreo na 'hinila' dahil sinabi niya, "hinila ko siya palabas sa tubig."
\s5
\p
\v 11 Isang araw, pagkatapos nang lumaki si Moises, lumabas siya mula sa lugar ng palasyo para makita ang kaniyang bayan, ang mga Hebreo. Nakita niya kung paano sila magtrabaho ng napakahirap. Nakita rin niya ang isang lalaking taga-Ehipto na binubugbog ang isang lalaking Hebreo.
\v 12 Tumingin siya sa paligid para makita kung mayroong ibang nakatingin. Nang walang nakita, pinatay niya ang lalaking taga-Ehipto at inilibing ang kaniyang katawan sa buhangin.
\s5
\v 13 Nang sumunod na araw bumalik siya sa parehong lugar. Siya ay nagulat nang makita ang dalawang lalaking Hebreo na nag-aaway. Sinabi niya sa lalaking nagsimula ng away, "Bakit mo sinasaktan ang iyong kapwa Hebreo?"
\v 14 Sumagot ang lalaki, "Sino ang gumawa sa iyo aming pinuno at hukom? Papatayin mo rin ba ako kagaya ng pagpatay mo sa lalaking taga-Ehipto kahapon?" Pagkatapos natakot si Moises, dahil inisip niya, "Yamang nalalaman ng lalaking ito kung ano ang ginawa ko, malalaman din iyon ng ibang tao."
\s5
\v 15-16 Nang malaman ng hari na pinatay ni Moises ang isang taga-Ehipto, inutusan niya ang kaniyang mga sundalo para patayin si Moises. Pero tumakbo palayo si Moises mula sa hari at iniwan ang Ehipto. Naglakbay siya patungong silangan sa rehiyon ng Midian at nagsimulang manirahan doon. Ngayon ang lalaki na dating pari sa bayan ng Midian, na nagngangalang Jetro, na may pitong anak na babae. Isang araw nang si Moises ay nakaupo sa gilid ng isang balon, ang pitong mga anak na babae ay dumating sa balon, kumuha ng tubig, at pinuno ang mga labangan para bigyan ng tubig ang mga tupa ng kanilang ama.
\v 17 Ang ilang pastol ay dumating at sinimulang habulin ang mga babae. Pero tinulungan ni Moises ang mga babae at kumuha ng tubig para sa kanilang mga tupa.
\s5
\p
\v 18 Nang bumalik ang mga babae sa kanilang amang si Jetro, na tinatawag ding Reuel, tinanong niya sila, "Paano ninyo binigyan ng tubig ang mga tupa at mabilis kayong nakauwi ngayong araw?"
\v 19 Sumagot sila, "Isang lalaki na galing sa Ehipto ay hinarangan ang ibang mga pastol para habulin kami. Kumuha rin siya ng tubig para sa amin mula sa balon at binigay ang tubig sa mga tupa."
\v 20 Sinabi niya sa kaniyang mga anak na babae, "Nasaan siya? Bakit ninyo siya iniwan doon? Anyayahan ninyo sa loob para magkaroon siya nang makakain!"
\s5
\v 21 Kaya ginawa nila, at si Moises ay kumain kasama nila. Si Moises ay nakapag-pasya na manirahan doon. Kinalaunan, binigay ni Jetro kay Moises ang kaniyang anak na babaeng si Zipora para maging asawa niya.
\v 22 Kinalaunan siya ay nanganak ng isang anak na lalaki, at pinangalanan siya ni Moises na Gersom, katunog gaya ng salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay "dayuhan" dahil sinabi niya, "Ako ay isang dayuhan na naninirahan sa lupaing ito."
\s5
\p
\v 23 Maraming taon ang lumipas ang hari ng Ehipto ay namatay. Ang bayang Israelita sa Ehipto ay dumadaing pa rin dahil sa hirap ng trabaho na ginagawa nila bilang mga alipin. Humingi sila ng isang taong makakatulong sa kanila, at dininig sila ng Diyos.
\p
\v 24 Nang narinig niya na sila ay dumadaing, naisip niya ang tungkol sa pangako niya kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
\v 25 Nakita ng Diyos kung paano pakitunguhan ang bayang Israelita nang masama, at nais niyang tulungan sila.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Isang araw, dinala ni Moises ang kawan ng biyenan niyang si Jetro, na pari ng Midian, sa dulong dako na ilang. Dumating siya sa Bundok Horeb, ang bundok ng Diyos.
\v 2 Nang nasa bundok siya, nagpakita sa kaniya si Yahweh bilang isang anghel mula sa loob ng isang nagliliyab na mababang puno. Habang nakatingin si Moises sa puno, hindi ito nasusunog ng apoy.
\v 3 Inisip ni Moises, "Lalapit ako para makita ang kakaibang tanawing ito! Bakit hindi nasusunog ang puno?"
\s5
\v 4 Nang makita ni Yahweh na papalapit si Moises sa mababang puno, tinawag niya si Moises, "Moises, Moises!" Sinabi ni Moises sa Diyos, "Narito po ako."
\v 5 Sinabi ng Diyos, "Huwag kang lumapit sa puno! Dahil ako ay Diyos, ang lupa kung saan ka nakatayo ay pag-aari ko. Kaya hubarin mo ang iyong mga sandalyas para magpakita ng paggalang sa akin."
\v 6 Sinabi niya, "Ako ang Diyos, na siyang sinamba ng iyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob." Takot si Moises na patayin siya ng Diyos kung titingin siya sa kaniya, kaya nilihis niya ang kaniyang ulo.
\s5
\v 7 Pagkatapos sinabi ni Yahweh, "Nakita ko kung gaano pinapakitunguhan ng masama ang mga taga-Ehipto na aking bayan sa Ehipto. Narinig ko ang aking bayan na sumisigaw sa kawalang pag-asa dahil sa ipinapagawa sa kanila ng mga tagapamahala ng mga alipin. Alam ko kung gaano nagdurusa ang aking bayan.
\v 8 Kaya bababa ako mula sa langit para iligtas sila mula sa mga taga-Ehipto. Pangungunahan ko sila sa isang maganda at malawak na lupain, isang lupain kung saan maraming pananim na tumutubo at mag-aalaga ng maraming kayahupan, kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Canaan, Heth, Amoreo, Perezeo, Heveo, at Jebuseo.
\s5
\p
\v 9 Tunay na narinig ko ngayon ang pag-iyak ng aking bayang Israelita. Nakita ko kung gaano sila pinakikitunguhan ng masama ng mga taga-Ehipto.
\v 10 Kaya ipapadala kita pabalik ng Ehipto sa hari dahil pangungunahan mo ang aking bayan, ang mga Israelita, palabas sa Ehipto."
\s5
\v 11 Pero sinabi ni Moises sa Diyos, "Hindi ako sapat na mahalaga para pumunta sa hari para dalhin ang iyong bayan palabas sa Ehipto."
\v 12 Sinabi ng Diyos, "Sasamahan kita. Kapag inilabas mo ang aking bayan mula sa Ehipto, lahat kayo ay sasambahin ako dito mismo sa bundok na ito. Iyan ang magpapatunay sa iyo na ako ang siyang nagpadala sa iyo sa kanila."
\s5
\p
\v 13 Sinabi ni Moises sa Diyos, "Kung pupunta ako sa bayan ng Israelita at sabihin sa kanila, 'Ang Diyos, na siyang sinamba ng inyong mga ninuno, ay pinadala ako sa inyo,' tatanungin nila ako, 'Ano ang pangalan niya?' Pagkatapos ano ang sasabihin ko sa kanila?"
\v 14 Sumagot ang Diyos kay Moises, "AKO AY SI AKO. Sabihin sa bayan ng Israelita na ang nagngangalang 'SI AKO' ay pinadala ka sa kanila."
\q
\v 15 Sinabi rin ng Diyos kay Moises, "Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, ang Diyos na sinamba ni Abraham, na sinamba ni Isaac, at siyang sinamba ni Jacob, ay pinadala ako sa inyo. Yahweh ang aking pangalan magpakailanman, at ito ang dapat itawag sa akin ng lahat ng mga salinlahi.
\s5
\p
\v 16 Pumunta ka sa Ehipto at tipunin mo ang mga nakatatanda. Sabihin mo sa kanila, 'Si Yahweh, ang Diyos na sinamba ni Abraham, na sinamba ni Isaac, at siyang sinamba ni Jacob, ay nagpakita sa akin at nagsabing: Nakita ko kung ano ang ginawa ng mga taga-Ehipto sa inyo.
\p
\v 17 Ipinapangako kong ililigtas ko kayo mula sa masamang pakikitungo sa Ehipto, at dadalhin ko kayo sa lupain kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Canaan, Heth, Amoreo, Perezeo, Heveo, at Jebuseo. Iyon ay isang mabuting lupain kung saan kayo ay makakapagpatubo ng maraming pananim at mag-aalaga ng maraming kahayupan.'
\q
\v 18 Gagawin ng mga nakatatanda kung ano ang sasabihin mo. Pagkatapos ikaw at ang mga nakatatanda ay pupunta sa hari ng Ehipto, at sasabihin ninyo sa kaniya, 'Si Yahweh, na siyang sinasamba naming mga Hebreo bilang Diyos, ay nakipagkita sa amin. Kaya ngayon hinihiling namin na payagan mo kaming maglakbay ng tatlong araw sa isang dako sa ilang para makapaghandog kami roon ng mga alay kay Yahweh, na aming Diyos.'
\s5
\q
\v 19 Pero nalalaman ko na ang hari ng Ehipto ay papayagan lamang kayong umalis kung makita niyang walang ibang makapangyarihan kaysa sa kaniya.
\p
\v 20 Kaya gagamitin ko ang aking kapangyarihan sa pamamagitan ng paggawa ng maraming himala roon. Pagkatapos papayagan niya kayong umalis.
\v 21 Kapag nangyari ito, idudulot ko ang bayan ng Ehipto ay parangalan ang bayang Hebreo para sa pag-alis ninyo sa Ehipto, bibigyan nila kayo ng kailangan ninyo para sa paglalakbay.
\p
\v 22 Sa panahong iyon, bawat babaeng Hebreo ay hihingi ng pag-aari mayroon ang mga babaeng taga-Ehipto na nakatira sa malapit. Ibibigay sa inyo ng mga taga-Ehipto ang lahat ng mayroon sila—pilak, mga gintong alahas at mga damit. Ilalagay ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga anak. Sa ganitong paraan, kukunin ninyo ang lahat ng bagay mula sa mga taga-Ehipto."
\s5
\c 4
\p
\v 1 Sinabi ni Moises sa Diyos, "Ano ang aking gagawin kapag hindi sila maniniwala o makikinig sa akin? Ano ang aking gagawin kung sasabihin nilang, hindi nagpakita sa iyo si Yahweh'?"
\v 2 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Ano iyang nasa kamay mo?" Sumagot si Moises, "Isang tungkod."
\v 3 Sinabi ni Yahweh, "Ihagis mo iyan sa lupa!" Kaya, inihagis ni Moises ang tungkod sa lupa at ito ay naging ahas, at tumakbo si Moises palayo mula rito.
\s5
\v 4 Pero sinabi ni Yahweh kay Moises, "Damputin mo ang ahas sa kaniyang buntot." Kaya dinampot ni Moises ang ahas sa buntot nito, at ito ay naging tungkod muli sa kaniyang kamay.
\v 5 Sinabi ni Yahweh, "Gawin mo ang parehong bagay sa harapan ng mga Israelita nang sa gayon sila ay maniwala na ako, si Yahweh, ang Diyos na siyang sinamba ni Abraham, na siyang sinamba ni Isaac, at siyang sinamba ni Jacob, ay tunay na nagpakita sa iyo."
\s5
\v 6 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Ilagay mo ang iyong kamay sa loob ng iyong balabal." Inilagay ni Moises ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang balabal. Nang inilabas niya ang kaniyang kamay, nagkaroon ito ng sakit sa balat na naging kasing puti ng niyebe.
\v 7 Pagkatapos sinabi ni Yahweh, "Ilagay mo ulit ang iyong kamay sa loob ng iyong balabal." Inilagay ulit ni Moises ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang balabal. Sa pagkakataong ito nang inilabas niya ang kaniyang kamay, ang sakit ay naghilom, at ito ay mukhang katulad ng kaniyang kabilang kamay.
\s5
\v 8 Sinabi ni Yahweh, "Maaari mo ring gawin iyan sa harapan ng mga Israelita. Kung hindi sila maniniwala o makikinig sa iyo matapos nilang makita ang unang himala, sila ay maniniwala sa iyo kapag gagawin mo ang ikalawang himala.
\p
\v 9 Pero kung hindi sila maniniwala o makikinig sa anumang sasabihin mo kahit matapos mong ipinakita sa kanila itong dalawang himala, kumuha ka ng tubig galing sa Ilog ng Nilo at ibuhos mo ito roon sa tuyong lupa. Kung gagawin mo iyan, ang tubig na iyong ibinuhos sa tuyong lupa ay magiging dugo."
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Yahweh, "O Panginoon, hindi ako naging magaling magsalita sa mga tao. Ganoon pa rin ako kahit nang matapos kang magsimulang makipag-usap sa akin. Mahina akong magsalita at hindi ko alam kung ano ang sasabihin."
\v 11 Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Sino ang gumawa sa bibig ng tao? Sino ang nagbigay ng kakayahan sa tao para makapagsalita, makarinig, makakita, o hindi makakita? Hindi ba ako, si Yahweh?
\v 12 Kaya ngayon lumakad ka, tutulungan kitang magsalita, at sasabihin ko sa iyo kung ano ang sasabihin mo."
\v 13 Pero sumagot si Moises, "O Panginoon, nakikiusap ako sa iyo, magpadala ka nalang ng iba sa halip na ako!"
\s5
\v 14 Pagkatapos nagalit si Yahweh kay Moises at sinabi sa kaniya, "Ano kaya kung si Aaron, na iyong kapatid na lalaki, ang Levita? Magaling siyang magsalita. Papunta siya ngayon dito, at siya ay magiging napakasaya para makita ka.
\v 15 Maaari kang makipag-usap sa kaniya at sabihin mo sa kaniya kung ano ang dapat niyang sabihin. Sasabihan ko kayong pareho kung ano ang kailangang gawin.
\p
\v 16 Magsasalita siya para sa iyo sa mga Israelita. Siya ay iyong magiging tagapagsalita, at iisipin ka niya na parang ikaw ay ako.
\v 17 Siguraduhin na madala mo ang tungkod na nasa iyong kamay dahil ikaw ang magsasagawa ng mga himala sa pamamagitan nito."
\s5
\v 18 Bumalik si Moises sa kaniyang biyenan, na si Jetro, at sinabi sa kaniya, "Hayaan mo akong bumalik sa aking mga bayan sa Ehipto para tingnan kung sila ay buhay pa." Sinabi ni Jetro kay Moises, "Lumakad ka, at nawa bigyan ka ng Diyos ng kapayapaan."
\v 19 Sinabi ni Yahweh kay Moises sa Midian, "Bumalik ka sa Ehipto, dahil ang mga lalaki na naghahanap sa iyo ay patay na ngayon."
\v 20 Kaya kinuha ni Moises ang kaniyang asawa at mga anak na lalaki at isinakay sila sa asno at naglakad pabalik sa Ehipto, at dinala niya ang tungkod na nasa kaniyang kamay ayon sa sinabi ng Diyos na kaniyang gagawin.
\s5
\v 21 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Kapag bumalik ka sa Ehipto, siguraduhin mong gawin ang lahat ng mga himala na ibinigay ko sa iyong kapangyarihan para gawin sa harapan ng hari. Pero gagawin ko siyang tumalikod sa iyo, at hindi niya papayagan na umalis ang mga Israelita sa Ehipto.
\v 22 Pagkatapos sabihin mo sa kaniya, 'Ito ang sinabi ni Yahweh: Ang Israel ay tulad ng aking panganay na anak na lalaki,
\v 23 at sinasabi ko sa iyo, "Hayaan mong umalis ang aking anak na lalaki, para sumamba siya sa akin." Pero hindi mo hinayaang umalis ang aking anak na lalaki at dahil dito, papatayin ko ang iyong panganay na anak na lalaki!"'
\s5
\q
\v 24 Isang gabi, habang sila ay nasa daan papuntang Ehipto, nagpakita si Yahweh kay Moises para patayin siya.
\p
\v 25 Pagkatapos ang asawa ni Moises, na si Zipora, ay kumuha ng kutsilyo at hiniwa ang balat ng kanilang panganay na anak na lalaki. Pagkatapos inilapat niya ang balat sa paa ni Moises at sinabi, "Ikaw ang lalaking ikakasal sa dugo para sa akin."
\v 26 Hindi pinatay ni Yahweh si Moises. Sinabi ni Zipora, "Ikaw ang lalaking ikakasal sa dugo para sa akin" dahil sa pagtutuli.
\s5
\p
\v 27 Sinabi si Yahweh kay Aaron, "Pumunta ka sa ilang para salubungin si Moises." Kaya pumunta si Aaron at sinalubong si Moises sa bundok ng Diyos at hinalikan siya sa pisngi.
\v 28 Sinabi ni Moises kay Aaron ang lahat na sinabi ni Yahweh sa kaniya at lahat ng mga himala na itinuro sa kaniya na kaniyang gagawin.
\s5
\v 29 Kaya pumunta sina Aaron at Moises at tinipon ang lahat ng mga nakatatanda ng mga Israelita.
\v 30 Sinabi ni Aaron sa kanila ang lahat na sinabi ni Yahweh kay Moises, at nagsagawa si Moises ng lahat ng mga himala habang nanunuod ang mga tao.
\v 31 Naniwala ang mga Israelita kina Aaron at Moises. Nang marinig nila na nakita ni Yahweh kung paano pinakitunguhan ng masama ang mga Israelita at siya pumunta para tulungan sila, yumuko sila at sinamba siya.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Pagkatapos pumunta sina Moises at Aaron sa hari. Sinabi nila sa kaniya, "Si Yahweh na Diyos, ang sinamba naming bayang Israelita, sinasabi ito sa iyo: 'Hayaan mong pumunta ang aking bayan sa ilang nang sa ganoon sila ay makapagdiwang para parangalan ako!"'
\v 2 Pero sinabi ng hari, "Si Yahweh ay isang hindi mahalaga. Hindi ko kailangang bigyang pansin ang kaniyang mga sinabi, o payagang umalis ang bayang Israelita. Hindi ko kilala ang Yahweh na ito! At saka, hindi ko papayagang umalis ang bayang Israelita!"
\s5
\v 3 Sumagot sina Moises at Aaron, "Si Yahweh na Diyos, ang sinamba naming mga Hebreo, ay ipinakita ang kaniyang sarili sa amin at sinabihan kami kung ano ang sasabihin sa iyo. Kaya hiniling namin na papuntahin mo kami ng tatlong araw sa ilang. Dapat kaming maghandog ng mga alay kay Yahweh na Diyos doon. Kapag hindi namin iyon ginawa, idudulot niyang mamatay kami sa sakit o mula sa pagsalakay ng aming mga kaaway."
\v 4 Pero sinabi ng hari ng Ehipto sa kanila, "Moises at Aaron, bakit ninyo hinahadlangan ang bayang Israelita sa kanilang gawain? Sabihin mo sa mga aliping iyon na bumalik sa gawain!"
\v 5 Sinabi rin ng hari, "Makinig sa akin! Kayo ang bayan na nakatira ngayon sa lupaing ito ay napakarami kaysa sa aming mga taga-Ehipto. Bakit ninyo sila papahintuin sa gawain?"
\s5
\p
\v 6 Sa araw ding iyon inutusan ng hari ang mga taga-Ehiptong amo ng mga alipin at ang mga utusan ng mga Israelita na namamahala sa mga alipin,
\v 7 "Huwag ipagpatuloy na bigyan ng dayami ang bayang Israelita para gawing mga laryo. Papuntahin sila sa bukid at magtipon ng dayami para sa kanilang sarili.
\v 8 Gayunman, pilitin pa rin sila na gumawa ng parehong bilang ng mga laryo na ginawa nila dati. Huwag bawasan ang bilang. Hindi nila nais magtrabaho. Iyon ang dahilan kung bakit hinihingi nila sa akin na hayaan silang pumunta sa ilang para sumamba sa kanilang diyos.
\p
\v 9 Gawin ninyong mahirap ang mga gawain ng mga kalalakihan para wala na silang panahon na makinig sa mga kasinungalingang nagmumula sa kanilang mga pinuno!"
\s5
\p
\v 10 Kaya ang amo ng mga alipin at ang mga utusan ng mga Israelita ay pumunta kung nasaan ang bayang Israelita at sinabi sa kanila, "Sinabi ng hari na hindi na siya magbibigay kailanman sa inyo ng anumang dayami.
\v 11 Kaya kailangan ninyong umalis at kumuha ng dayami kahit saan ninyo ito mahanap. Pero dapat pa rin ninyong magtrabaho para gumawa ng parehong bilang ng mga laryo."
\s5
\p
\v 12 Kaya ang bayang Israelita ay pumunta sa lahat ng dako ng Ehipto para maghanap ng dayami.
\v 13 Panay ang sabi sa kanila ang mga amo ng mga alipin, "Gawin ninyo lahat ng gawaing nakatalaga sa inyo bawat araw. Gumawa kayo ng parehong bilang ng mga laryo tulad ng ginawa ninyo dati nang binigyan namin kayo ng dayami!"
\v 14 Kapag hindi sila nakakagawa ng sapat na laryo, pinapalo ng patpat ng mga amo ng mga alipin na nagtatrabaho kay Paraon ang utusan ng mga Israelita. Sila ay tinanong nila, "Bakit lahat ng mga lalaking pinamamahalaan ninyo ay hindi nakagawa ng parehong bilang ng mga laryo ngayong araw tulad ng ginawa nila dati?"
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos pumunta sa hari ang utusan ng mga Israelita at sinabi, "Iyong Kamahalan, bakit mo kami pinakikitunguhan ng ganito?"
\v 16 Ngayon hindi nila kami bibigyan ng ilang dayami para gumawa ng mga laryo, pero palagi silang nagsasabi sa amin na gumawa ng maraming laryo. At pinapalo kami. Pero nang dahil sa iyong sariling mga amo ng mga alipin ay hindi kami makagawa ng maraming laryo tulad ng dati!"
\v 17 Pero sinabi ng hari, "Mga tamad kayo at hindi gustong magtrabaho! Kaya palagi kayong nagsasabing, 'Hayaan kaming pumunta sa ilang para sumamba kay Yahweh.'
\p
\v 18 Kaya bumalik kayo sa gawain! Hindi kami magbibigay ng kahit anung dayami, pero gagawa pa rin kayo ng parehong bilang ng mga laryo!"
\s5
\v 19 Alam ng utusan ng mga Israelita na nagkaroon sila ng masamang panahon dahil sila ay sinabihang, "Hindi namin bababaan ang bilang ng mga laryo na kailangan ninyong gawin sa bawat araw."
\v 20 Nang umalis sila sa palasyo ng hari, nakasalubong nila sina Moises at Aaron, na naghihintay sa kanila roon.
\p
\v 21 Sinabi nila kina Aaron at Moises, "Nawa makita ni Yahweh ang nagawa ninyong dalawa! Nawa parusahan niya kayo dahil idinulot ninyong kamuhian kami ng hari at ng kaniyang mga pinuno! Binigyan ninyo sila ng dahilan para patayin kami!"
\s5
\p
\v 22 Iniwan sila ni Moises at nanalangin muli kay Yahweh, "O Yahweh, bakit mo idinulot ang lahat ng masamang bagay na mangyari sa iyong bayan? At bakit mo ako pinadala dito?
\v 23 Simula nang pumunta ako sa hari at sinabi sa kaniya kung ano ang sinabi mong sabihin ko, pinakikitunguhan niya ng masama ang iyong bayan, at wala kang ginawa para tulungan sila!"
\s5
\c 6
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Ngayon makikita mo kung ano ang gagawin ko sa hari at sa kaniyang bayan. Hahayaan niyang makaalis ang aking bayan. Sa katunayan, sa pamamagitan ng aking kapangyarihan ipilitin ko siya na habulin sila mula sa kaniyang lupain!"
\s5
\p
\v 2 Sinabi rin ng Diyos kay Moises, "Ako si Yahweh.
\v 3 Ako ang siyang nagpakita kina Abraham, Isaac, at Jacob at sinabi ko sa kanila na ako ang Diyos na makapangyarihan, pero hindi ko sinabi sa kanila na ang aking pangalan ay Yahweh.
\v 4 Gumawa rin ako ng aking kasunduan sa kanila, na pinapangakong ibibigay sa kanila ang lupain ng Canaan. Ito ang lupain kung saan sila ay naninirahan bilang mga dayuhan.
\p
\v 5 Higit pa rito, aking narinig ang daing ng bayang Israelita dahil sa hirap ng trabaho na pinapagawa ng mga taga-Ehipto na kanilang gawin bilang kanilang mga alipin. Naisip ko ang tungkol sa kasunduan na ginawa ko.
\s5
\v 6 Kaya sabihin mo sa bayan ng Israelita na sinabi ko ito: 'Ako si Yahweh. Palalayain ko kayo mula sa mga mabibigat na pasanin na gawain na pinipilit ng mga taga-Ehipto sa inyo. Palalayain ko kayo mula sa pagiging mga alipin nila. Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan at sa pagpaparusa sa kanila ng napakalupit, ililigtas ko kayo.
\v 7 Idudulot ko na kayo ay aking maging sariling bayan, at ako ay inyong magiging Diyos, ang siyang sasambahin ninyo. Kayo ay tunay na makakaalam na ako si Yahweh ang Diyos, ang siyang nagpalaya sa inyo mula sa pasanin na gawain bilang alipin ng mga taga-Ehipto.
\s5
\v 8 Dadalhin ko kayo sa lupain na aking sinumpang ibibigay kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob. Maninirahan kayo dito magpakailanman. Ako, si Yahweh, ang siyang nangangako nito.'"
\p
\v 9 Sinabi ni Moises iyon sa bayang Israelita, pero hindi nila pinaniwalaan ang anumang sinabi niya. Napakalungkot nila dahil sa mabigat na gawain na pinapagawa sa kanila bilang mga alipin.
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 11 "Pumunta ka at sabihan mong muli ang hari ng Ehipto na dapat niyang payagan ang bayang Israelita na umalis sa kaniyang lupain!"
\v 12 Pero sinabi ni Moises kay Yahweh, "Pakiusap pakinggan mo ako. Kahit ang bayang Israelita ay hindi binigyang-pansin ang anumang sinabi ko sa kanila. Hindi ako magaling na tagapagsalita. Kaya bakit kailangang bigyang-pansin ng hari ang anumang sasabihin ko sa kaniya?"
\p
\v 13 Ppero nagsalita si Yahweh kina Aaron at Moises, "Sabihin mo sa bayang Israelita at sa hari ng Ehipto na ako ang tumawag sa inyong dalawa para pamunuan ang bayang Israelita palabas sa Ehipto."
\s5
\p
\v 14 Ngayon narito ang isang talaan ng mga ninuno ni Moises at Aaron. Ang mga anak na lalaki ni Ruben, na siyang panganay na anak ni Jacob, ay sina: Hanoch, Pallu, Hezron, at Carmi. Sila ay ang mga ninuno ng mga angkan na may magkaparehong mga pangalan.
\p
\v 15 Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina: Jemuel, Jamin, Ohad, Jachin, Zohar, at Shaul. Ang ina ni Shaul ay ang babae na mula sa lupain ng Canaan. Sila rin ay mga ninuno ng mga angkan na may magkaparehong pangalan.
\s5
\p
\v 16 Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Levi, ayon sa pagkakasunod-sunod ng kanilang kapanganakan: sina Gerson, Kohath, at Merari. Si Levi ay 137 taong gulang nang siya ay namatay.
\v 17 Ang mga anak na lalaki ni Gerson ay sina Libni at Shimi. Sila ay mga ninuno ng mga angkan na may ganoong mga pangalan.
\v 18 Ang mga anak na lalaki ni Kohath ay sina Amram, Izhar, Hebron, at Uzziel. Si Kohath ay 133 taong gulang nang siya ay namatay.
\v 19 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Musi. Lahat nito ay ang mga ninuno ng mga angkan na nagmula kay Levi. Ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagsilang ng kaniyang mga anak na lalaki.
\s5
\p
\v 20 Napangasawa ni Amram ang kapatid na babae ng kaniyang ama, si Jochebed. Siya ang ina ni Aaron at Moises. Si Amram ay 137 taong gulang nang siya ay namatay.
\v 21 Ang mga anak na lalaki ni Izhar ay sina Kora, Nepeg, at Zicri.
\v 22 Ang mga anak na lalaki ni Uzziel ay sina Mizael, Elzapan, at Sithri.
\s5
\p
\v 23 Napangasawa ni Aaron si Eliseba. Siya ang anak na babae ni Amminadab at kapatid na babae ni Naason. Si Eliseba ay nanganak ng apat na anak na mga lalaki, sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar.
\p
\v 24 Ang mga anak na lalaki ni Kora ay sina Assir, Elkana, at Abiasap. Sila ay ang mga ninuno ng mga lahing Korita.
\p
\v 25 Ang anak na lalaki ni Aaron na si Eleazar ay napangasawa ang isa sa mga anak na babae ni Putiel, at siya ay nagsilang kay Finehas. Iyon ang katapusan ng talaan ng mga mag-anak at mga angkan na sumunod mula kay Levi.
\s5
\p
\v 26 Sina Aaron at Moises ay ang mga sinabihan ni Yahweh na, "Pangunahan ang lahat ng lipi ng bayang Israelita palabas sa Ehipto."
\v 27 Sila ang mga taong nakipag-usap sa hari ng Ehipto para dalhin ang bayang Israelita palabas mula sa Ehipto.
\s5
\p
\v 28 Sa araw na nagsalita si Yahweh kay Moises sa Ehipto,
\v 29 sinabi niya "Ako si Yahweh, dapat mong sabihin sa hari lahat ng sinabi ko sa iyo."
\v 30 Pero sinabi ni Moises kay Yahweh, "Pakiusap pakinggan mo ako. Hindi ako magaling na tagapagsalita. Kaya bakit kailangang ang hari ay makinig sa anumang sasabihin ko sa kaniya?"
\s5
\c 7
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Makinig sa akin. Idudulot ko ang hari na tingnan ka bilang isang diyos at si Aaron ay magiging katulad ng isang propeta dahil siya ay magsasalita para sa iyo.
\v 2 Dapat mong sabihin lahat ng inutos ko sa iyo sa iyong nakatatandang kapatid na si Aaron, at sasabihin niya lahat ng ito sa hari. Dapat sabihin niya sa hari na hayaan ang mga taong Israelita na lisanin ang kaniyang lupain.
\s5
\v 3 Pero gagawin kong suwail ang hari. Dahil dito, kahit na gagawa ako ng maraming uri ng mga himala dito sa Ehipto,
\v 4 hindi maniniwala ang hari sa sinasabi mo. Pagkatapos paparusahan ko ang mga taga-Ehipto nang matindi, at pangungunahan ko ang mga lipi ng aking bayang Israelita palabas ng Ehipto.
\v 5 Pagkatapos, kapag ipinakita ko ang aking dakilang kapangyarihan sa bayan ng Ehipto at dalhin ang bayang Israelita palabas mula sa kanila, malalaman nila na ako si Yahweh, ang Diyos na makapangyarihan sa lahat."
\s5
\p
\v 6 Ginawa ni Moises at Aaron ang lahat ng sinabi ni Yahweh na gawin nila.
\v 7 Nang panahong iyon, si Moises ay 80 taong gulang, at si Aaron ay 83 taong gulang.
\s5
\p
\v 8 Sinabi ni Yahweh kay Moises at Aaron,
\v 9 "Kung sabihin ng hari sa inyo, 'Ipakita sa akin na pinadala kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang himala,' kung gayon sabihin kay Aaron, 'Ihagis mo ang iyong tungkod sa harap ng hari para iyon ay maging isang ahas.'"
\v 10 Kaya pumunta sina Aaron at Moises sa hari at ginawa kung ano ang sinabi ni Yahweh na gawin nila. Hinagis ni Aaron ang kaniyang tungkod pababa sa harap ng hari at ng kaniyang mga opisyales, at ito ay naging isang ahas.
\s5
\v 11 Pagkatapos tinawag ng hari ang kaniyang mga salamangkero at mga lalaking gumagawa ng salamangka. Ginawa nila ang parehong bagay, gamit ang kanilang salamangka.
\v 12 Inihagis nilang lahat ang kanilang tungkod at ang mga tungkod ay naging mga ahas. Pero ang tungkod ni Aaron na naging ahas ay nilulon ang lahat ng mga ahas nila!
\p
\v 13 Pero patuloy na naging suwail ang hari, tulad ng sinabi ni Yahweh, at ayaw niyang maniwala sa sinabi nina Aaron at Moises.
\s5
\p
\v 14 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Ang hari ay napakasuwail. Tinatanggihan niyang payagang umalis ang aking bayan.
\v 15 Kaya bukas ng umaga, puntahan mo siya habang pababa siya sa Ilog Nilo para maligo. Hintayin mo siya sa pampang. Pag-ahon niya mula sa tubig, ipakita mo sa kaniya ang tungkod, iyong isa na naging ahas.
\s5
\v 16 Sabihin mo sa kaniya, 'Si Yahweh na Diyos, na siyang sinasamba naming mga Hebreo, ay pinadala ako sa iyo para sabihin sa iyo na hayaan mong umalis ang aking bayan para sambahin nila ako sa ilang. Sinabi namin iyon sa iyo, pero hindi ka nakinig sa amin.
\v 17 Kaya ngayon sinasabi ito ni Yahweh: "Ito ang paraan na makikilala mong ako si Yahweh, ang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Hahampasin ko ang tubig na nasa Ilog Nilo gamit ang tungkod na nasa kamay ko. Kapag ginawa ko iyon, ang tubig ay magiging dugo.
\v 18 Pagkatapos mamamatay ang mga isda sa Ilog Nilo, at ang tubig sa ilog ay mangangamoy mabaho. Hindi makakainom ng tubig mula sa ilog ang mga taga-Ehipto.'"
\s5
\v 19 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Kapag nakikipag-usap kayo sa hari, sabihin mo kay Aaron, 'Hawakan mo ang iyong tungkod palabas na parang hinahawakan mo ito sa ibabaw ng lahat ng tubig sa Ehipto—sa ibabaw ng mga ilog, mga lagusan, at sa ibabaw ng mga lawa ng tubig, para lahat ng mga ito ay magiging dugo.' Kapag ginawa iyan ni Aaron, magkakaroon ng dugo sa buong Ehipto, kahit na sa tapayang kahoy at tapayang bato."
\s5
\p
\v 20 Kaya ginawa nina Aaron at Moises kung ano ang sinabi ni Yahweh na gawin nila. Habang nanonood ang hari at ang kaniyang mga opisyales, itinaas ni Aaron ang kaniyang tungkod at pagkatapos hinampas ang tubig sa Ilog Nilo sa pamamagitan nito. Naging dugo ang lahat ng tubig sa ilog.
\v 21 Pagkatapos namatay lahat ng isda. Ang tubig ay nangamoy mabaho, na nagbunga na hindi makainom ng tubig mula sa ilog ang mga taga-Ehipto. Sa lahat ng dako sa Ehipto ang tubig ay naging pula katulad ng dugo.
\v 22 Pero ang mga lalaking taga-Ehipto na gumagawa ng salamangka ay gumawa rin ng kaparehong bagay gamit ang kanilang salamangka. Kaya nanatiling suwail ang hari, at hindi niya gustong makinig sa kung anong sabihin nina Aaron at Moises, tulad ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.
\s5
\v 23 Pagkatapos tumalikod ang hari at bumalik sa kaniyang palasyo, at hindi na inisip ang anuman tungkol doon.
\v 24 Lahat ng mga taga-Ehipto ay naghukay sa lupa malapit sa Ilog Nilo para kumuha ng tubig na maiinom dahil hindi nila mainom ang tubig mula sa ilog.
\v 25 Pagkatapos isang linggo ang lumipas matapos gawing dugo ni Yahweh ang tubig sa Ilog Nilo.
\s5
\c 8
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Bumalik ka kay Paraon at sabihin mo sa kaniya, 'Sinabi ni Yahweh na dapat mong hayaang umalis ang aking bayan para sila ay maaaring sumamba sa akin doon sa ilang.
\v 2 Pero kung hindi mo sila hahayaang umalis, paparusahan kita sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga palaka na lulukob sa iyong bansa.
\v 3 Hindi lamang ang Ilog ng Nilo ang mapupuno ng mga palaka, pero magsisilabasan ang mga palaka mula sa ilog patungo sa inyong mga bahay. Pupunta sila sa iyong silid tulugan at sa iyong higaan. Pupunta sila sa mga bahay ng iyong mga pinuno at sa lahat ng iyong mga natitirang tauhan. Pupunta sila kahit sa iyong mga tapahan at sa iyong mga mangkok na masahan ng tinapay.
\v 4 Tatalon ang mga palaka sa iyo, sa iyong mga opisyal, at sa lahat ng natitira mong mga tauhan.""
\s5
\v 5 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises, "Sabihin mo ito kay Aaron: 'Hawakan mo sa iyong kamay ang iyong tungkod at iunat mo ito na parang iniunat mo ito sa ibabaw ng ilog, sa mga kanal, at sa mga paliguan, at idulot ang mga palaka na aakyat mula sa lahat nitong mga tubigan at lukubin ang lupain ng Ehipto."
\p
\v 6 Pagkatapos sinabi ni Moises ito sa kaniya, iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay na parang iniunat niya ito sa ibabaw ng lahat ng katubigan ng Ehipto. Pagkatapos ang mga palaka ay nagsilabasan mula sa tubig at nilukuban ang Ehipto.
\v 7 Pero ang mga lalaking gumagawa ng salamangka ay gumawa ng parehong bagay, at dinulot nila na marami pang palaka ang lumabas mula sa tubig papunta sa lupa.
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos tinawag ng hari si Moises at sinabi, "Hilingin mo kay Yahweh na alisin ang mga palakang ito mula sa akin at sa aking bayan. Pagkatapos nang pangayayaring iyon, hahayaan kong umalis ang iyong bayan para sumamba kay Yahweh."
\v 9 Sinabi ni Moises sa hari, "Magiging masaya ako na manalangin para sa iyo, para sa iyong mga opisyal, at sa lahat ng natitira mong mga tauhan. Hihilingin ko kay Yahweh na alisin ang mga palaka mula sa lahat ng iyong mga bahay. Ang nasa Ilog ng Nilo lamang na mga palaka ang matitira. Sabihan mo lang ako kung kailan ako dapat manalangin."
\s5
\v 10 Sumagot ang hari, "Bukas." Kaya sinabi ni Moises, "Gagawin ko ang sinabi mo, at pagkatapos malalaman mo na si Yahweh na Diyos, ang nag-iisang sinasamba namin, ay ang nag-iisang tunay na diyos, at wala nang ibang diyos na katulad niya.
\v 11 Aalis ang mga palaka sa iyo, sa iyong mga opisyal, at sa lahat ng natitira mong mga tauhan. Ang maiiwan lamang ay ang nasa Ilog ng Nilo."
\v 12 Pagkatapos iniwan nina Moises at Aaron ang hari. Nanalangin si Moises kay Yahweh, hiniling sa kaniya na alisin ang mga palaka na dinala niya sa lupain ng hari.
\s5
\p
\v 13 Ginawa ni Yahweh kung ano ang hiniling ni Moises sa kaniya. Bilang resulta, lahat ng mga palaka sa mga bahay, sa kanilang mga patyo, at sa kanilang mga parang ay namatay.
\v 14 Tinipon ng mga tao ang lahat ng mga patay na palaka sa malaking tumpok, at ang lupain ay nangamoy ng napakasama.
\v 15 Pero ng makita ng hari na ang problema ay natapos na, nagmatigas muli ang kaniyang kalooban. Katulad ng sinabi ni Yahweh na mangyayari, hindi ginawa ng hari kung ano ang sinabi sa kaniya nina Aaron at Moises.
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Sabihin mo kay Aaron na hampasin ng kaniyang tungkod ang lupa. Kapag gagawin niya iyon, lahat ng mga alikabok sa lupa ay magiging niknik sa buong lupain ng Ehipto."
\v 17 Sinunod nina Moises at Aaron si Yahweh. Hinampas ni Aaron ng kaniyang tungkod ang lupa, at lahat ng mga alikabok sa lupa ay naging niknik sa buong lupain ng Ehipto. Nilukob ng mga niknik ang mga tao at ang lahat ng mga hayop.
\s5
\v 18 Sinubukan ng mga lalaking gumagawa ng salamangka na idulot ang mga niknik na lumitaw, pero hindi nila ito nagawa. Kaya ang mga niknik ay namalagi sa mga tao at sa kanilang mga hayop.
\v 19 Ang mga lalaki na gumawa ng salamangka ay nagsabi sa hari, "Ang Diyos ang gumawa nito sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan!" Pero patuloy na nagmamatigas ang kalooban ng hari, at hindi niya binigyang-pansin kung ano ang mga sinabi nina Aaron at Moises, tulad ng sinabi ni Yahweh.
\s5
\p
\v 20 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Gumising ka ng maaga bukas. Pumunta ka roon sa ilog at hintayin mo ang hari. Kapag pumunta siya para maligo, sabihin mo sa kaniya, 'Ito ang sinabi ni Yahweh sa iyo: "Hayaan mong umalis ang aking bayan, para sumamba sila sa akin doon sa ilang.
\v 21 Binabalaan kita na kung hindi mo hayaang umalis ang aking bayan, magpapadala ako ng mga kuyog ng langaw sa iyo. Pupunta sila sa iyo, sa iyong mga opisyal, at sa natitira mong mga tauhan. Ang lahat ng bahay sa mga taga-Ehipto ay mapupuno ng mga langaw. Lulukob sila kahit sa lupa kung saan kayo tatayo.
\s5
\q
\v 22 Pero kapag mangyayari iyon, pakikitunguhan ko ng kakaiba ang rehiyon ng Gosen, dahil ang aking bayan ay maninirahan doon. Walang mga kuyog ng langaw ang mapaparoon. Sa ganoong paraan, malalaman mo na ako, si Yahweh, ginagawa ko ang mga bagay na ito dito sa lupaing ito.
\v 23 Ipapakita ko sa iyo kung paano ako kikilos para sa aking mga tao at kung paano ako kumikilos para sa iyong mga tauhan. Ang himalang ito ay magaganap bukas!""'
\v 24 Kinaumagahan, sinabi iyon ni Moises sa hari, pero ang hari ay hindi nakinig. Kaya ginawa ni Yahweh kung ano ang sinabi niyang gawin. Pinadala niya ang matinding mga kuyog ng langaw sa palasyo ng hari at sa mga bahay ng kaniyang mga opisyal. Ang buong bansa ng Ehipto ay sinalanta ng mga langaw.
\s5
\p
\v 25 Pagkatapos tinawag ng hari sina Aaron at Moises at sinabi, "Kayong mga Israelita ay makakaalis at sasamba sa inyong diyos, pero gawin ninyo ito dito sa lupaing ito."
\v 26 Pero sumagot si Moises, "Hindi ito magiging tama para sa amin na gawin iyan dahil maghahandog kami ng pag-aalay na sobarang ikagagalit ng mga taga Ehipto. Kapag maghahandog kami ng mga pag-aalay na hindi nagustuhan ng mga taga-Ehipto, papatayin nila kami sa pamamagitan ng pagbato sa amin!
\v 27 Kailangan naming maglakbay ng tatlong araw patungong ilang. Maghahandog kami ng pag-aalay doon kay Yahweh, ang Diyos na aming sinasamba, ayon sa iniutos niya amin."
\s5
\v 28 Kaya sinabi ni Paraon, "Hahayaan kong umalis ang iyong bayan para maghandog ng pag-aalay kay Yahweh, na inyong diyos, sa ilang. Pero hindi kayo pupunta sa napakalayo. Ngayon ipanalangin mo ako!"
\v 29 Sinabi ni Moises, "Makinig ka sa akin! Pagkatapos kitang iwanan, mananalangin ako kay Yahweh, hihilingin ko na bukas ay palisin niya ang mga kuyog ng langaw sa iyo, sa iyong mga opisyal, at sa natitira mong mga tauhan. Pero huwag kang magsisinungaling muli sa amin sa pamamagitan ng pagtangging hayaang umalis ang aming bayan para maghandog ng mga pag-aalay kay Yahweh!"
\s5
\v 30 Pagkatapos iniwan ni Moises si Paraon at manalangin kay Yahweh.
\v 31 Ginawa ni Yahweh kung ano ang hiniling ni Moises. Pinaalis niya ang mga kuyog ng langaw mula sa paligid ni Paraon, sa kaniyang mga opisyal, at sa natitira niyang mga tauhan. Walang langaw na natira.
\v 32 Pero sa oras ding ito ay nagmatigas pa rin si Paraon, at hindi niya hinayaang umalis ang mga Israelita.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Pumunta ka sa hari at sabihin sa kaniya, "Ito si Yahweh, ang tanging sinasamba naming mga Hebreo, sinabing: "Payagan mong umalis ang aking bayan, nang sa gayon sila ay sumamba sa akin.
\v 2 Kung tatanggihan mo pa rin silang umalis,
\v 3 binabalaan kitang parusahan gamit ang aking kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapadala ng matinding karamdaman sa lahat ng iyong mga alagang hayop para sila ay magkasakit at mamatay, sa iyong mga kabayo, iyong mga asno, iyong mga kamelyo, iyong mga baka, at sa iyong mga kawan ng tupa at mga kambing.
\v 4 Pero ako, si Yahweh, ay hindi nagtuturing ng mga alagang hayop na kabilang sa bayan sa mga Israelita na katulad sa iyo. Makikita mo na wala sa mga alagang hayop na pag-aari ng bayan ng Israelita ang mamamatay."
\s5
\v 5 Sabihan mo ang Paraon na gagawin ko ang bagay na ito sa lupain bukas."'
\q
\v 6 Kinabukasan ginawa ni Yahweh ang kaniyang sinabi na kaniyang gagawin. Dumating ang isang malubhang karamdaman sa lahat ng mga alagang hayop ng mga taga-Ehipto, at namatay ang lahat ng kanilang mga alagang hayop, pero walang namatay sa mga alagang hayop ng mga Israelita.
\p
\v 7 Nagpadala ang hari ng tao para tingnan kung ano ang nangyari, at sila ay nagulat nang makita na wala ni isang hayop ng mga Israelita ang namatay. Pero matapos nilang sabihin ito sa hari, siya ay patuloy na nagmatigas, at hindi niya pinayagang umalis ang bayang Israelita.
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kina Aaron at Moises, "Kumuha ng ilang dakot ng mga abo mula sa isang pugon. Ihahagis ito ni Moises paitaas sa himpapawid sa harapan ng hari.
\v 9 Ang mga abo ay kakalat sa buong bansa ng Ehipto na parang isang pinong alikabok. Kahit saan sa lupain, ang mga abo ay magdudulot ng pigsa sa lahat ng bayang taga-Ehipto at kanilang mga hayop."
\v 10 Kaya kumuha sila ng ilang mga abo at pumunta at tumayo sa harapan ng hari. Hinagis ni Moises ang mga abo paitaas sa himpapawid. Kumalat ito sa lahat ng dako na nagdulot ng pigsa sa kapwa mga tao at mga hayop na taga-Ehipto. Ang lahat ng mga pigsa ay naging bukas na mga sugat.
\s5
\v 11 Kahit ang mga kalalakihan na gumagawa ng mahika ay nagkaroon ng mga pigsa. Dahil dito, hindi nila nagawang humarap kay Moises dahil ang mga kalalakihan na gumagawa ng salamangka ay nagkaroon din ng mga pigsa na kagaya sa lahat ng ibang bayang taga-Ehipto.
\p
\v 12 Pero pinatigas pa rin ni Yahweh ang hari. Hindi niya binigyang-pansin ang sinasabi nina Moises at Aaron, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Moises na mangyayari.
\s5
\v 13 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Bumangon ka bukas ng maaga. Pumunta at tumayo ka sa harapan ng hari at sabihin sa kaniya na si Yahweh ang Diyos, na tanging sinasamba ng bayang Hebreo, sinasabi ito: 'Hayaaan mong umalis ang aking bayan para sila ay sumamba sa akin sa ilang.
\v 14 Kung hindi mo sila papayagang umalis, sa oras na ito parurusahan ko ng mga sakuna, hindi lamang ang iyong mga pinuno at lahat ng iyong bayan pero pati rin ang iyong sarili para malaman mo na walang ibang Diyos na kagaya ko saan man sa mundo.
\s5
\v 15 Sa oras na ito ginamit ko na sana ang aking kapangyarihan para hampasin ka at ang iyong bayan ng malubhang mga sakit na maaaring ikamatay ninyong lahat.
\v 16 Pero hinayaan ko kayong mabuhay. Ang dahilan kung bakit hinayaan ko kayong mabuhay ay para maipakita ko sa inyo ang aking kapangyarihan para malaman ng lahat ng mga tao sa buong panig ng mundo kung gaano ako kadakila.
\p
\v 17 Ikaw pa rin ay kumikilos ng napakayabang at tinatanggihang paalisin ang aking bayan.
\s5
\p
\v 18 Kaya pakinggan ninyo ito: sa ganito ring oras bukas ay magdudulot ng malalaking bolang yelo na mahuhulog sa Ehipto. Mula nang sa panahon na naging bansa ang Ehipto, hindi pa ito nagkaroon ng matinding bagyong yelo na kasing sama nito.
\v 19 Kaya kailangang magpadala ng isang mensahe sa lahat ng mga tao na ilagay sa silungan ang kanilang mga baka at ang lahat ng pag-aari nila na nasa bukid. Ang yelo ay tatama sa bawat tao at sa bawat hayop na nasa labas ng bukirin na hindi nadala sa silungan, at lahat sila ay mamamatay." Kaya ginawa ni Moises ang sinabi ni Yahweh.
\s5
\p
\v 20 Ang ilan sa mga pinuno ng hari na nakarinig sa sinabi ni Yahweh ay sobrang natakot. Kaya dinala nila ang lahat ng kanilang mga hayop at ang kanilang mga lingkod sa silungan.
\v 21 Pero ang mga hindi narakinig ng sinasabi ni Yahweh ay hinayaan ang kanilang mga alipin at kanilang mga hayop sa mga bukirin.
\s5
\p
\v 22 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Itaas mo ang iyong kamay patungong langit, para ang mga bolang yelo ay mahulog sa lahat ng lupain ng Ehipto--- sa mga tao, sa kanilang mga pananim, at sa lahat ng kanilang mga tanim sa mga bukirin."
\v 23 Kaya itinaas ni Moises ang kaniyang tungkod patungong langit. At ipinadala ni Yahweh ang mga bolang yelo sa buong lupain ng Ehipto. Mayroon ding kulog at kidlat.
\v 24 Habang nahuhulog ang mga malalaking bolang yelo, mayroong kasamang kulog at kidlat na tumatama sa lupa. Hindi pa nagkaroon ng napakalakas na ulang may yelo na kagaya noon simula ng maging isang bansa ang Ehipto.
\s5
\v 25 Ang yelo ay tumama sa lahat ng nasa mga bukirin at sa buong Ehipto-- bawat tao at bawat hayop. Sinira ng yelo ang mga halaman sa mga bukirin at nilagas ang mga dahon sa mga puno.
\p
\v 26 Tanging sa rehiyon ng Gosen, kung saan naninirahan ang bayang Israelita, hindi nagkaroon ng yelo.
\s5
\q
\v 27 Pagkatapos nagpadala ang hari ng tao para tawagin sina Aaron at Moises. Sinabi niya sa kanila, "Sa oras na ito inaamin ko na ako ay nagkasala. Tama lang ang ginawa ni Yahweh, at ang ginawa ko at ng aking bayan ay mali.
\p
\v 28 Manalangin kay Yahweh! hindi na namin kaya itong kidlat at yelo! Hahayaan ko ng umalis ang iyong bayan: hindi na nila kailangang manatili ng mas matagal dito sa Ehipto."
\s5
\v 29 Sumagot si Moises, "Sa oras na makalabas ako sa lungsod, itataas ko ang aking mga kamay at mananalangin ako kay Yahweh. Pagkatapos hihinto ang kulog, at wala ng mahuhulog na yelo. Mangyayari ito para malaman ninyo na si Yahweh, hindi ninyo mga diyos, na namamahala sa lahat ng bagay sa mundo.
\v 30 Pero para sa iyo at sa inyong mga pinuno, alam ko na hindi ninyo pa kinatatakutan ang Diyos na si Yahweh."
\s5
\v 31 Nang nahulog ang yelo, nasira ang mga lino dahil ang mga namumulaklak ay namumuo, at ang sebada ay nasira dahil hinog ang butil nito.
\v 32 Pero walang nasira sa mga trigo, dahil maliliit pa ang mga tubo nito.
\v 33 Kaya iniwan ni Moises ang hari at pumunta sa labas ng lungsod. Itinaas niya ang kaniyang kamay patungo kay Yahweh at nanalangin. Pagkatapos ang kulog at ang bagyong may yelo ay tumigil, at tumigil rin ang ulan sa lupain ng Ehipto.
\s5
\v 34 Pero nang makita ng hari na ang ulan, ang ulan na yelo, at ang kulog ay tumigil na, siya ay nagkasalang muli. Siya at ang kaniyang mga pinuno ay patuloy na nagmatigas.
\v 35 Kaya, gaya ng nahulaan ni Yahweh na sinabi niya kay Moises, hindi pinayagan ng hari ang bayang Israelita na umalis.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Muli mong puntahan ang Paraon. Pinagmatigas ko siya at ang kaniyang mga opisyal. Ginawa ko ito para magkaroon ako ng magandang dahilan na gawin ang lahat ng mga himala sa kanila.
\p
\v 2 Ginawa ko rin ito para pagsabihan ko ang iyong mga anak at mga apo kung papaano ako nagdulot sa mga taga-Ehipto na kumilos ng sobrang kamangmangan nang isinagawa ko itong mga himala. Pagkatapos malalaman ninyong lahat na ako si Yahweh na Diyos."
\s5
\p
\v 3 Kaya pinuntahan nina Aaron at Moises ang Paraon at sinabi sa kaniya, "Ito ang sinasabi ng Diyos na si Yahweh na sinasamba naming mga Hebreo, 'Gaano pa katagal ang iyong pagmamatigas na tanggihan na gawin ang sinabi ko sa iyo? Hayaan mong umalis ang aking bayan para sumamba sila sa akin sa ilang!
\p
\v 4 Kung hindi mo sila papayagang umalis, binabalaan kita na magdadala ako bukas ng mga balang sa iyong bansa.
\s5
\v 5 Tatakpan nila ang lupa kaya hindi mo ito makikita. Kakainin nila ang lahat ng mga hindi nasira ng bagyong yelo. Kakainin nila ang lahat na natirang mga punongkahoy na tumutubo pa lamang.
\p
\v 6 Pupunuin nila ang inyong mga tahanan at ang mga tahanan ng lahat ng iyong mga opisyal at ang sa lahat ng ibang mga taga-Ehipto. Magkakaroon ng mas marami pang mga balang kaysa sa nakita ninyo o ng inyong mga magulang o ng inyong mga lolo o lola mula pa sa panahon na unang dumating ang inyong mga ninuno sa lupaing ito hanggang sa ngayon!'" Pagkatapos tumalikod sina Moises at Aaron at iniwan ang Paraon.
\s5
\p
\v 7 Sinabi ng mga opisyal ng Paraon sa kaniya, "Hanggang kailan ba magdadala ng kasamaan ang taong ito sa atin? Hayaan mo nang umalis ang mga Israelita para sumamaba sila kay Yahweh, na kanilang diyos. Hindi mo ba naiintindihan na sinira na ng lalaking ito ang Ehipto?"
\p
\v 8 Kaya dinala nila sina Aaron at Moises pabalik sa Paraon. Sinabi niya sa kanila, "Sige na, makakaalis na kayo at sambahin si Yahweh na inyong diyos. Pero sino sa inyo ang aalis?"
\s5
\v 9 Sumagot si Moises, "Kailangan naming umalis lahat, ang bawat isa sa amin, kasali na roon ang mga kabataan at mga matatanda. Kailangan naming dalhin ang aming mga anak na lalaki, mga anak na babae, at ang aming kawan ng tupa, mga kambing, at mga pangkat ng kahayupan dahil dapat kaming magkaroon ng pista para parangalan si Yahweh."
\v 10 Kaya sumagot ang Paraon, "Ayaw kong tulungan kayo ni Yahweh, at ako mismo ay hindi pumapayag na isama ninyo ang inyong mga anak at ang inyong mga asawa! Malinaw na wala na kayong balak na bumalik pa.
\v 11 Kaya hindi, hindi ko hahayaan na umalis kayong lahat. Maaaring umalis ang mga Israelitang lalaki at sambahin si Yahweh kung iyon ang inyong nais." At pinaalis ng Paraon sina Moises at Aaron mula sa kaniyang palasyo.
\s5
\v 12 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Iunat mo ang iyong mga kamay na parang iniunat mo ito sa lupain par salubungin ang mga balang. Pupunta sila sa bansa ng Ehipto at kakainin ang bawat natirang tanim sa lupain, bawat tanim na hindi nasira ng bagyong yelo."
\p
\v 13 Kaya itinaas ni Moises ang kaniyang tungkod na parang iniunat niya ito sa buong lupain ng Ehipto. Pagkatapos nagdulot si Yahweh ng malakas na ihip ng hangin mula sa silangan, at umihip ito sa buong lupain ng buong maghapon at magdamag. Kinabukasan, dinala nito ang mga balang.
\s5
\v 14 Kumuyog ang mga balang sa buong Ehipto. Ang kuyog ng mga balang ay mas malaki kaysa alinmang nasaksihan sa Ehipto at hindi na magkakaroon pang muli ng kuyog ng mga balang na gaya noon sa lupain.
\p
\v 15 Tinakpan nila ang ibabaw ng lupa at nagmukha itong maitim. Kinain nila ang lahat ng mga tanim sa lupain at ang lahat ng mga nasa punongkahoy na hindi nasira ng bagyong yelo. Walang kahit na anong berde ang natira sa kahit na anong tanim o sa kahit na anong mga punongkahoy saan man sa Ehipto.
\s5
\v 16 Agad na pinatawag ng Paraon sina Aaron at Moises at sinabi, "Nagkasala ako laban kay Yahweh na inyong diyos at laban sa inyong dalawa.
\v 17 Kaya ngayon hinihingi ko na patawarin niyo akong muli sa aking pagkakasala. Idalangin ninyo kay Yahweh, na inyong diyos, na alisin itong malubhang sakunang ikamamatay naming lahat."
\v 18 Kaya iniwan nina Moises at Aaron ang Paraon at nanalangin si Moises kay Yahweh.
\s5
\v 19 Pagkatapos iniba ni Yahweh ang ihip ng hangin, umihip ito ng napakalakas mula sa kanluran, at hinipan nito ang lahat ng mga balang pupuntang Dagat ng mga Tambo. Wala ni isang balang ang natira saanmang dako sa buong bansa ng Ehipto.
\v 20 Pero muling pinagmatigas ni Yahweh ang Paraon at hindi hinayaan ng Paraon na umalis ang bayang Israelita.
\s5
\p
\v 21 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Iunat mo ang iyong kamay patungong langit para magkaroon ng kadiliman sa lahat ng lupain sa Ehipto, isang kadiliman ang bumalot sa bayan na maramdaman sa paligid nang malaman nila kung saan sila maaaring maglakad."
\p
\v 22 Kaya iniunat ni Moises ang kaniyang mga kamay patungong langit at naging napakadilim sa buong Ehipto sa loob ng tatlong araw at gabi.
\p
\v 23 Hindi nakikita ng mga tao ang bawat isa. Wala ni isang umalis sa kaniyang tahanan sa buong panahong iyon. Pero mayroong liwanag sa lugar kung nasaan naninirahan ang bayang Israelita.
\s5
\p
\v 24 Tinawag ni Paraon si Moises at sinabi, "Sige na, maaari na kayong umalis at sambahin si Yahweh. Maaaring sumama sa inyo ang inyong mga asawa at mga anak. Pero dapat kayong manatili rito ng inyong mga kawan ng tupa at mga kambing at ang inyong mga pangkat ng baka."
\p
\v 25 Pero sumagot si Moises, "Hindi, kailangan mo kaming hayaan na dalhin ang mga tupa at mga kambing para mayroon kami ng alay at ibibigay bilang sunog na handog kay Yahweh, na aming Diyos.
\p
\v 26 Dapat naming isama ang aming kahayupan; wala kaming iiwan ni isang hayop. Dapat namin silang dalhin sa pagsamba kay Yahweh. Hindi namin malalaman aling mga hayop ang iaalay hanggang sa makarating kami sa aming pupuntahan."
\s5
\v 27 Pero patuloy na pinagmatigas ni Yahweh si Paraon. Hindi pinayagan ni Paraon na umalis ang bayang Israelita.
\v 28 Sinabi ni Paraon kina Moises at Aaron, "Umalis na kayo dito! Tiyakin ninyong huwag ng pumunta para makipagkita sa akin! Sa araw na makikita ninyo akong muli, ipapapatay ko kayo!"
\v 29 Sumagot si Moises, "Tama ka! Hindi mo na ako muling makikita!"
\s5
\c 11
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Magpapadala ako ng isa pang sakuna sa hari ng Ehipto at sa lahat ng kaniyang bayan. Pagkatapos nito, papayagan na niya kayong makaalis. Sa katunayan, papalayasin niya kayo palabas ng Ehipto.
\v 2 Kaya ngayon, kausapin mo ang lahat ng bayang Israelita. Sabihin sa kanila na humingi sa lahat ng kanilang mga kabitbahay na Ehipto, kapwa lalaki at babae, para ibigay ang kanilang mga pilak at gintong alahas."
\v 3 Ginawa ni Yahweh na may labis na paggalang ang mga taga-Ehipto sa bayang Israelita. Sa katunayan, ang mga opisyal ng hari at lahat ng mga tao iisiping si Moises ay isang napakadakilang lalaki.
\s5
\p
\v 4 Pagkatapos pumunta si Moises sa hari at sinabing, "Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Sa hatinggabi ng gabing ito pupunta ako sa iba't ibang dako ng Ehipto,
\v 5 at aking pahihintulutan na ang lahat ng mga panganay na lalaki ay mamamatay. Mula sa panganay na anak na lalaki ng hari hanggang sa anak na lalaki ng alipin niyang babae na taga-giling ng trigo, at sa panganay na anak na lalaki ng bawa't isa. Papatayin ko rin ang inyong mga panganay na lalaking baka.
\s5
\v 6 Kapag iyon ay nangyari, lahat ng tao sa buong Ehipto ay matinding pagdadalamhati. Sila ay matinding nagdadalamhati kaysa dati at hindi na mangyayari kailanman.
\v 7 Pero sa lahat ng bayang Israelita ay lalong naging tahimik na kahit isang aso ay hindi tatahol! Pagkatapos siguradong malalaman ninyo na Ako, si Yahweh, ituturing ko ang mga taga-Ehipto iba sa pagturing ko sa mga Israelita.'
\v 8 Pagkatapos lahat ng iyong mga opisyal na ito ay luluhod sa aking harapan at sasabihing, 'Pakiusap lumayas na kayo sa Ehipto, ikaw at lahat ng bayang Israelita!' Pagkatapos nito, kami ay aalis sa Ehipto!" Nang sinabi ni Moises iyon, iniwan niya ang hari na galit na galit.
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Hindi makikinig ang hari sa sinasabi mo. Kaya magsasagawa pa ako ng mga kababalaghan sa lupain ng Ehipto."
\p
\v 10 Ginawa lahat ni Aaron at Moises ang mga kababalaghang ito sa harapan ng hari, pero ginawa ni Yahweh na maging matigas ang hari. Hindi pinayagan ng hari na makaalis ang mga Israelita sa kaniyang lupain.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Aaron at Moises sa Ehipto,
\p
\v 2 "Mula ngayon, ang buwan na ito ang magiging unahang buwan ng taon para sa inyo na mga Israelita.
\s5
\v 3 Sabihin sa lahat ng mga Israelita na sa bawat pamilya, ang mga lalaking namumuno sa kanilang mga pamilya ay dapat kumuha ng isang tupa o isang batang kambing para sa kaniyang sambahayan.
\p
\v 4 Kung hindi sapat ang mga tao sa kaniyang pamilya para kainin ang isang buong lutong tupa, pagkatapos ang kaniyang pamilya at kapitbahay ay maaaring magsalo sa isang hayop. Magpasya kung ilang mga tupa ang kailangan ninyo ayon sa dami ng mga tao sa bawat pamilya at ayon sa ilang tao ang puwedeng makakain.
\s5
\v 5 Ang mga tupa o mga kambing na pinili ninyo ay dapat mga lalaki, mga isang taong gulang, at dapat wala itong mga kapintasan.
\v 6 Dapat alagaan ninyo ng mabuti ang mga hayop na ito hanggang umabot sa ikalabing apat na araw ng buwan. Sa araw na iyon, dapat patayin ang mga tupa o mga kambing ng lahat ng mga Israelita sa gabing iyon.
\v 7 Pagkatapos dapat kumuha sila ng ilang dugo mula sa mga tupa o mga kambing, at dapat nila itong ipahid sa mga poste ng pintuan at mga katangan ng mga bahay na kung saan doon nila kakainin ang karne.
\v 8 Dapat nilang ihawin ang mga hayop agad-agad at kainin ang karne sa gabing iyon. Kailangan nilang kainin ito kasama ang mapait na mga damong-gamot at tinapay na hinurno na walang lebadura.
\s5
\v 9 Huwag kayong kakain ng anumang hilaw na karne, at hindi dapat pinakuluan ang karne. Dapat ninyong ihawin ito ng buo na hindi pinuputol ang ulo o mga hita o alisin ang mga lamang-loob.
\p
\v 10 Dapat ninyong kainin ang lahat ng karne sa gabing iyan; huwag ninyong hayaang may maiwan para kainin sa susunod na araw. Kung may maiwan na karne sa susunod na araw, dapat ninyong sunugin ang lahat ng ito.
\v 11 Kapag ito ay kinain ninyo, dapat nakabihis kayong handa sa paglalakbay. Dapat ninyong isuot ang sandalyas sa inyong paa at baston sa inyong mga kamay sa paglalakad. Dapat ninyo itong kainin ng mabilis. Ito ay magiging isang pista na tinatawag na Paskua para parangala ako, si Yahweh.
\s5
\v 12 Sa gabing iyon pupunta ako sa lahat ng buong lupain ng Ehipto, at aking papatayin ang lahat ng mga panganay na lalaki sa Ehipto, kapwa mga tao o mga hayop. Sa paggawa nito parurusahan ko ang lahat ng mga diyos sa Ehipto. Ito ay Ako si Yahweh na Diyos, na siyang nakikipag-usap sa inyo!
\v 13 Ang dugo na ipinahid ninyo sa inyong mga pintuan ay magiging isang palatandaan na nagpapakita sa akin kung saan nakatira ang mga Israelita. Kapag nakita ko ang dugo sa inyong mga tahanan lalagpasan ko ito, at hindi ko hahayaang mapahamak ang mga taong nakatira doon kapag ako ay darating para parusahan ang mga taga-Ehipto.
\v 14 Bawat taon, dapat ninyong ipagdiwang ang pistang ito sa araw na ito para maalala kung ano ang ginawa Ko, si Yahweh, para sa inyo. Sa lahat ng mga salinlahing darating, sa bawat taon ay dapat ninyong ipagdiwang ang pistang ito. Dapat itong ipagpatuloy magpakailanman.
\s5
\p
\v 15 Sa pitong araw dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura. Sa unang araw ng linggo, dapat ninyong alisin ang lebadura sa inyong mga tahanan. Sa loob ng pitong araw, kung sinumang kumain ng tinapay na may lebadura, ay dapat itakwil mula sa inyong mga tao.
\v 16 Sa unang araw ng linggong iyon, dapat kayong magkaroon ng isang banal na pagtitipon. Dapat ninyong gawin ang ganitong bagay sa ikapitong araw. Hindi dapat magtrabaho ang mga tao ng dalawang araw na iyon. Ang maaari lamang nilang gawin ay maghanda ng pagkain na inyong kakainin.
\s5
\v 17 Bawat taon dapat ninyong ipagpatuloy ang pagdiriwang sa Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, dahil ito ang magpapaalala sa inyo na sa araw na ito inilabas ko ang iyong mga lipi palabas sa lupain ng Ehipto. Kaya sa bawat taon, sa lahat ng mga salinlahi na darating, dapat ninyong sundin ang araw na ito bilang isang pista. Dapat itong ipagpatuloy kailanman.
\v 18 Sa unang buwan ng taon, sa ikalabing-apat na araw ng buwan, ang tinapay lamang na maaari ninyong kainin ay tinapay na walang lebadura. Dapat ipagpatuloy ang paggawa nito sa bawat araw hanggang sa dalawamput-isang araw ng buwan na iyon.
\s5
\v 19 Sa loob ng pitong araw, dapat wala kayong anumang lebadura sa inyong tahanan. Sa panahong iyan, kung sinuman ang kumain ng tinapay na may lebadura, ito man ay isang Israelita o isang dayuhan, ang taong iyon ay hindi na kailanman magiging isang Israelita.
\v 20 Sa inyong mga tahanan, huwag kayong kumain ng anumang may lebadura sa loob ng pitong araw."
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos ipinatawag lahat ni Moises ang mga pinuno sa mga Israelita. Sinabi niya sa kanila, "Ang bawat pamilya ay dapat pumili ng isang tupa at patayin ito, para maaari ninyong kainin ito para ipagdiwang ang pista na tatawaging 'Paskua'.
\v 22 Hayaang matuyo ang dugo ng tupa sa isang mangkok. Kumuha ng isang bigkis ng hisopo at isawsaw ito sa dugo. Pagkatapos ipunas ang ilang dugo sa itaas ng balangkas ng pintuan at sa magkabilang poste ng inyong mga tahanan. Ang bawat tao sa bawat tahanan ay kinakailangang manatili sa loob ng kanilang tahanan hanggang sa susunod na umaga.
\s5
\v 23 Kapag pumunta si Yahweh sa Ehipto para patayin ang mga panganay na lalaki sa bawat pamilya ng mga taga-Ehipto, makikita niya ang dugo sa mga balangkas ng pintuan, at lalagpasan niya ang mga bahay na iyon. Hindi niya pahihintulutan ang anghel na siyang magdudulot sa mga tao ng kamatayan para pasukin ang inyong mga tahanan at patayin ang mga panganay ninyong anak na lalaki.
\s5
\v 24 Kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan ay dapat magdiwang sa ritwal na ito magpakailanman.
\v 25 Kapag dumating kayo sa lupain na ibibigay ni Yahweh bilang pangako niya sa inyo, kailangan ninyong panatilihin ang pagdiriwang ng ritwal na ito sa bawat taon.
\s5
\v 26 Kapag tinanong kayo ng inyong mga anak, 'Ano ang ibig sabihin ng ritwal na ito?'
\v 27 dapat ninyong sabihin sa kanila, 'Ang ritwal na ito ay para maalala kung paano nag-alay ng mga tupa ang inyong mga ninuno sa gabing nilagpasan ng mga anghel ni Yahweh ang mga tahanan ng bayang Israelita nang nasa Ehipto pa sila. Pinatay niya ang mga panganay na lalaki sa lahat ng tahanan ng mga Ehipto, pero hindi niya pinatay ang mga anak na lalaki sa aming mga tahanan." Matapos sinabi ni Moises sa kanila ito, ang lahat ng tao ay iniyukod ang kanilang mga ulo at nagsamba kay Yahweh.
\v 28 Pagkatapos ganap na ginawa ng bayang Israelita ang sinabi ni Yahweh kina Aaron at Moises na sabihin sa kanila na gagawin.
\s5
\p
\v 29 Nang hatinggabi pinatay ni Yahweh ang lahat ng mga panganay na anak na lalaki ng bayang Ehipto, lahat ng buong Ehipto. Kasama ang panganay na anak ng hari, at mga panganay na anak na lalaki ng mga bilanggo na nasa mga piitan, at ang panganay na anak na lalaki ng bawat isa. Pinatay niya rin ang mga panganay na lalaking hayop sa buong Ehipto.
\v 30 Sa gabing iyon ang hari at kaniyang mga opisyal at sa lahat ng bayang taga-Ehipto ay nagising at nalaman ang nangyari. Sila ay dumaing matindi sa lahat ng buong Ehipto dahil ang bawat tahanan ay mayroong isang anak na lalaking panganay ay namatay.
\s5
\v 31 Sa gabing iyon ipinatawag ng hari sina Aaron at Moises at sinabing, "Tumayo kayo at ang lahat ng ibang Israelita, iwan na ninyo ngayon ang aking bansa! Umalis na kayo at sumamba kay Yahweh, tulad ng hinihiling ninyo!
\v 32 Dalhin na ninyo pati ang inyong mga tupa, mga kambing at kawan na mga baka, at lumayas na kayo! At hingin ninyo kay Yahweh na pagpalain din ako!"
\v 33 Hiniling ng mga taga-Ehipto sa mga Israelita na umalis kaagad ng kanilang bansa. Sinabi nila, "Kaming lahat ay mamamatay kung hindi ninyo gagawin iyon!"
\s5
\v 34 Kaya ang mga Israelita ay naghanda para umalis kaagad. Kinuha nila ang mangkok na kung saan doon nila hinalo ang masa para gumawa ng tinapay at ang masa na nasa mga mangkok na walang anumang lebadura, at ibinalot nila ang mga mangkok at inilagay sa kanilang mga alagang hayop. Nilagay nila ang mangkok sa kanilang mga balikat at umalis.
\v 35 Pagkatapos ang bayang Israelita ay sumunod sa sinasabi ni Moises. Sila ay pumunta sa kanilang mga kapitbahay na taga-Ehipto at humingi ng pilak at gintong alahas at mga damit.
\v 36 Ginawa ni Yahweh na maging magalang ang mga taga-Ehipto sa bayang Israelita, kaya ibinigay sa kanila ang kanilang hinihingi. Sa ganitong paraan, natangay ng mga Israelita ang yaman bayang taga- Ehipto.
\s5
\p
\v 37 Naglakad ang bayang Israelita mula sa lungsod ng Rameses hanggang sa bayan ng Sucot. Sila ay 600,000 na mga lalaki ang umalis, kasama ang mga babae at mga bata.
\v 38 Maraming ibang tao na hindi mga Israelita na sumama sa kanila. May mga alagang hayop rin sila, kasama ang mga kawan ng tupa, kambing at baka.
\v 39 Sa kanilang paglalakbay, sila'y gumawa ng tinapay na walang lebadura, ito ay kanilang dala ng umalis sila ng Ehipto. Ang masa na ito ay walang lebadura dahil sila ay sinabihan na umalis agad ng Ehipto dahil wala na rin silang sapat na panahon para kumuha ng naihandang pagkain o sapat na oras para ihalo ang lebadura sa masa.
\v 40 Ang bayang Israelita ay namuhay sa Ehipto ng 430 na taon.
\s5
\v 41 Pagkatapos ng 430 taon na iyon, sa araw ding iyon, lahat ng mga lipi ni Yahweh ay umalis ng Ehipto.
\v 42 Ito ay isang gabi kung saan ang mga Israelita ay nanatiling gising noong dinala sila ni Yahweh palabas sa Ehipto. Kaya sa parehong gabing iyon, bawat taon ay gabi na inaalay kay Yahweh, isang gabi na ang bayang Israelita, sa bawat salinlahi ay inaalala kung paano iningatan ni Yahweh ang kanilang mga ninuno ng ligtas.
\s5
\p
\v 43 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, "Ito ang mga ituturo ko tungkol sa ritwal ng Paskua: huwag ninyong hayaang kumain ang mga dayuhan ng pagkain ng Paskua.
\v 44 Pero anumang mga lalaking alipin na inyong binili ay maaaring kumain matapos ninyo silang tuliin.
\s5
\v 45 Huwag ninyong hayaan ang mga taong nakatira kasama ninyo na hindi mga Israelita, o mga alipin na nabili ninyo sa salapi at sa mga pansamantalang nanatili sa inyo, na makakain sa kainan ng Paskua.
\v 46 Ang bawat pamilya ay dapat kumain ng pagkain sa Paskua sa kanilang tahanan. Huwag ninyong dalhin ang anumang pagkain sa labas ng tahanan. Huwag ninyong baliin ang mga buto ng tupa.
\s5
\v 47 Lahat ng mga Israelita ay dapat magdiwang ng pista.
\v 48 Kapag ang isang taong mula sa ibang bansa at maninirahan kasama ninyo at gustong magdiwang sa pista ng Paskua, tuliin muna ang lahat ng mga lalaki sa kaniyang tahanan. At maaari siyang makakain ng pagkain sa Paskua, at dapat ninyo siyang ituring tulad ng isang tunay na ipinanganak na isang Israelita. Pero huwag ninyong pahintulutan ang mga lalaki na hindi pa natuli na makakain sa Paskua.
\s5
\v 49 Ang mga patakarang ito na gagamitin sa mga taong ipinanganak bilang isang Israelita at sa mga dayuhan na pupunta at maninirahan kasama ninyo."
\p
\v 50 Lahat ng bayang Israelita ay sumunod kina Moises at Aaron at ginawa ang iniutos ni Yahweh.
\v 51 Sa araw ding iyon, dinala ni Yahweh ang lahat ng mga lipi ng Israel palabas sa Ehipto.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Ihiwalay ang lahat ng mga panganay na anak na lalaki kaya sila ay magiging kabilang sa akin. Magiging akin ang mga panganay na anak na mga lalaki ng bayang Israelita at ng kanilang mga hayop.
\s5
\p
\v 3 Sinabi ni Moises sa mga tao, "Huwag ninyong kalimutan ang araw na ito! Ito ang araw na umalis kayo sa Ehipto. Ito ang araw na pinalaya ko kayo mula sa pagiging kanilang mga alipin. Dinala kayo ni Yahweh papalabas mula sa Ehipto sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kapangyarihan. Huwag kayong kumain ng anumang tinapay na mayroong halong lebadura tuwing ipinagdiriwang ninyo ang araw na ito.
\v 4 Aalis kayo sa Ehipto sa araw na ito, unang araw nitong buwan ng Abib.
\v 5 Kinalaunan, kailangan ninyong ipagdiwang itong kapistahan sa buwan na ito sa bawat taon, kapag dinala kayo ni Yahweh sa lupain kung saan naninirahan ngayon ang mga lahi ng Caneneo, Heteo, Amoreo, Hivita at Jebuseo, ang lupain na pinangako niyang ibibigay sa inyo ay mainam para sa pagpapalaki ng kahayupan at mga tanim.
\s5
\v 6 Sa loob ng pitong araw dapat walang halong lebadura ang tinapay na inyong kakainin. Sa ika-pitong araw dapat magkaroon ng kapistahan para sa karangalan ni Yahweh.
\v 7 Huwag kumain ng tinapay na mayroong halong lebadura sa loob ng pitong araw. Dapat wala kayong kahit anong lebadura o tinapay na mayroong halong lebadura saan man sa inyong lupain.
\s5
\v 8 Kailangan ninyong sabihan ang inyong mga anak sa araw na magsisimula ang kapistahan, 'Ginagawa natin ito para gunitain ang ginawa ni Yahweh para sa ating mga ninuno nang umalis sila mula sa Ehipto.'
\v 9 Magpapaalala sa inyo ang ritwal na ito kung papaano dinala ni Yahweh ang inyong mga ninuno papalabas mula sa Ehipto sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kapangyarihan. Magiging parang isang bagay ang ritwal na ito na tinatali ninyo sa inyong noo o sa inyong pupulsuhan. Magpapaalala ito sa inyo na bigkasin sa iba ang tagubilin ni Yahweh sa inyo.
\v 10 Kaya dapat ninyong ipagdiwang itong kapistahan sa bawat taon sa itinakdang panahon ni Yahweh.
\s5
\p
\v 11 Dadalhin kayo ni Yahweh sa lupain kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ng Canaan, na kaniyang ipinangakong gagawin sa inyo at sa inyong mga ninuno. Kapag ibibigay niya sa inyo ang lupaing iyon,
\v 12 dapat ninyong ibigay kay Yahweh ang lahat ng panganay na anak na mga lalaki ng inyong mga hayop. Magiging pag-aari ni Yahweh ang lahat ng mga ito.
\v 13 Maaari ninyong angkinin ang panganay na anak ng mga asno, pero dapat ninyo silang bilhin pabalik sa pamamagitan ng pagpatay ng isang tupa kapalit ng asno. Kung ayaw ninyong bilhin pabalik ang asno, dapat ninyo itong patayin sa pamamagitan ng pagbali ng leeg nito. Kinakailangan ninyong bilhin pabalik ang bawat isa ninyong sariling panganay na mga anak na lalaki.
\s5
\p
\v 14 Sa hinaharap, kapag nagtanong ang isa sa inyong mga anak, 'Ano ang ibig sabihin nito?' dapat mong sabihin sa kaniya, 'Dinala ni Yahweh ang ating mga ninuno papalabas mula sa Ehipto sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kapangyarihan at pinalaya tayo mula sa pagkakaalipin doon.
\v 15 Hindi sila pinayagan ng Paraon ng Ehipto na umalis sa kaniyang lupain, kaya pinatay ni Yahweh ang lahat ng mga panganay na anak na lalaki sa Ehipto, kapwa mga batang lalaki at mga panganay na anak ng kanilang mga hayop. Iyon ang dahilan kung bakit hinahandog natin ngayon ang lahat ng mga panganay na anak ng ating mga hayop, pero binibili natin pabalik ang sarili nating mga panganay na anak na lalaki.'
\v 16 Ito ang magpapaalala sa iyo kung papaano dinala ni Yahweh palabas ang ating mga ninuno mula sa Ehipto sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kapangyarihan; magiging parang isang bagay ito na itatali mo sa iyong pupulsuhan o sa iyong noo para magpaalala iyon sa iyo."
\s5
\p
\v 17 Nang hinayaang umalis ng Paraon ng Ehipto ang bayang Israelita, hindi sila pinangunahan ng Diyos na dumaan sa lupain ng mga Palestina. Iyon ay mas maikling daanan, pero sinabi ng Diyos, "Hindi magiging maganda kung magbabago ng isip ang aking bayan kapag kanilang napagtanto na kailangan nilang makipaglaban sa mga Palestina para makuha ang kanilang lupain. Pagkatapos napagpasyahan nilang bumalik sa Ehipto."
\v 18 Sa halip, pinangunahan sila ng Diyos na umikot sa may ilang patungo sa Dagat ng mga Tambo. Nang umalis ang bayang Israelita sa Ehipto, may dala silang mga sandata para labanan ang kaniling mga kaaway.
\s5
\v 19 Ipinadala ni Moises sa kanila ang mga buto ni Jose dahil ipinangako ni Jose sa mga Israelita noon na gawin iyon. Sinabi niya sa kanila, "Ililigtas ng Diyos ang inyong mga kaapu-apuhan papalabas mula sa Ehipto. Kapag nangyari iyon, dapat ninyong dalhin ang aking mga buto kasama ninyo."
\v 20 Umalis sa Sucot ang mga Israelita at lumakad papuntang Etam sa gilid ng ilang at doon nila itinayo ang kanilang mga tolda.
\v 21 Nang naglakad sila sa kataasan ng araw, pumunta si Yahweh sa kanilang harapan na isang matayog na puting ulap para ipakita sa kanila ang daan. Habang gabi, pumunta siya sa kanilang harapan sa isang matayog na ulap na mukhang apoy. Sa pamamagitan ng paggawa nito, nakakapaglakbay sila sa umaga at pati na sa gabi.
\v 22 Hindi sila iniwan ng matayog na ulap. Lagi itong nasa kanilang harapan, bilang isang maliwanag na puting ulap sa umaga at parang isang matayog na haligi ng apoy sa gabi.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Sabihan ang bayang Israelita na umikot at bumalik at magtayo ng kanilang mga tolda sa harap ng Pi Harirot. Ang bayan na iyon ay nasa pagitan ng Migdol at sa dagat, malapit sa Baal Zefon. Magtayo kayo ng mga tolda malapit sa dagat.
\v 3 Kapag nalaman ng hari na natapos ninyo ito, mag-iisip siya, 'Ang bayang Israelita ay nalito. Sila ay paikot-ikot, at ang ilang ay naging sagabal sa kanilang daraanan.'
\s5
\v 4 Pero gagawin kong muli na magmatigas ang hari, at kukunin ang kaniyang mga hukbo at hahabol sa inyo. Pagkatapos pupurihin ako ng aking bayan para sa pagkapanalo ng isang tagumpay laban sa hari at sa kaniyang mga hukbo, at malalaman ng mga taga-Ehipto na ako ay Yahweh." Kaya sinabihan ni Moises ang mga Israelita, at sinunod naman nila ang kaniyang sinabi.
\v 5 Nang isa sa kanila ang nagsabi sa hari na ang bayang Israelita ay umalis noong gabi, siya at ang kaniyang mga pinuno ay nagbago ang kanilang mga isip at sinabi, "Ano ba ang nagawa natin? Hindi na natin alipin ang bayang Israelita!"
\s5
\v 6 Kaya kinuha ng hari ng kaniyang karwahe at inihanda ang kaniyang mga hukbo.
\v 7 Pagkatapos pumili siya ng anim-naraan sa pinakamagaling na mga karwahe, at sa bawat karwahe inilagay niya isang nagmamaneho, isang sundalo, at isang kumander, at sila ay umalis.
\p
\v 8 Pinatigas ni Yahweh ang ulo ng hari ng Ehipto, kaya siya at kaniyang hukbo ay umalis at sumunod sa mga Israelita. Lumakad ang mga Israelita nang may pagtitiwala.
\v 9 Ang mga hukbo ng taga-Ehipto, kasama ang lahat ng mga kabayo ng hari at mga karwahe at mga mangangabayo, ay kasunod ng mga Israelita. Naabutan nila sila habang nagkampo sila malapit sa dagat na malapit sa Pi Hahirot, sa harapan ng Baal Zefon.
\s5
\p
\v 10 Nang palapit na ang mga hukbo ng hari, nagulat ang bayang Israelita nang makita ang mga taga-Ehipto na naglalakad patungo sa kanila. Sila ay natakot, kaya tumawag sila kay Yahweh para tulungan sila.
\v 11 Pagkatapos sinabi nila kay Moises, "Tiyak hindi mo naisip na wala ng sapat na puwesto sa Ehipto para ilibing kami. Kaya bakit mo kami dinala dito para mamamatay sa ilang? Tingnan mo kung ano ang ginawa mo sa amin nang dinala mo kami palabas sa Ehipto!
\v 12 Ito ang sinasabi namin sa iyo noong kami ay nasa Ehipto. Sabi namin, 'Hayaan mo na kami, at hayaan mong kami ay magtrabaho sa mga Ehipto.' Mas mabuti pa sa amin na maging mga alipin ng mga taga-Ehipto kaysa mamatay dito sa disyerto!"
\s5
\p
\v 13 Sinabi ni Moises sa mga tao, "Huwag kayong matakot! Magpakatatag at makikita ninyo kung papaano kayo ililigtas ni Yahweh. Ililigtas niya kayo ngayong araw, at ang kalalabasan ay ang mga taga-Ehipto na inyong kaharap ngayon--hindi ninyo na ulit sila makikita.
\v 14 Si Yahweh ang lalaban para sa inyo! Manatiling mapayapa. Wala nang ibang dapat kayong gawin."
\s5
\v 15 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Huwag mo na akong tawagin para humingi ng tulong sa ganitong kalagayan. Sa halip, sabihan mo ang mga tao na magpatuloy.
\v 16 Itaas mo ang iyong tungkod at iunat ito na parang ikaw ay umuunat sa kahabaan ng dagat. Mahahati ang tubig para makapasok ang mga Israelita sa gitna ng dagat, maglalakad sa tuyong lupa sa pagitan ng dalawang pader na tubig sa bawat gilid.
\p
\v 17 Patitigasin ko ang ulo ng mga taga-Ehipto para subukan nilang sundan ang mga Israelita. Pagkatapos dahil sa gagawin ko sa hari, sa kaniyang hukbo, sa kaniyang mga karwahe, at kaniyang mga mangangabayo, pupurihin ako ng aking bayan.
\v 18 Nang naipanalo ko ang maluwalhating tagumpay laban sa hari, ang kaniyang mga karwahe, at kaniyang mangangabayo, at ibang taga-Ehipto ay malalaman nila na ako si Yahweh, ang Diyos na kayang gawin lahat ng bagay."
\s5
\v 19 Pagkatapos ang anghel ng Diyos, na nasa harapan ng bayang Israelita, nagpatuloy at lumipat sa kanilang likuran. Ang mataas, matingkad na ulap na nasa harapan nila ay nagpatuloy rin at lumipat sa kanilang likuran
\q
\v 20 hanggang ito ay nasa gitna ng mga hukbo ng taga-Ehipto at sa bayang Israelita. Huminto ang ulap sa mga hukbo ng taga-Ehipto para maging madilim, pero nagbigay liwanag ito sa mga Israelita. Bilang resulta, maging ang bawat pangkat na dumating na magkakalapit sa ibang pangkat sa buong gabi.
\s5
\p
\v 21 Sa gabing iyon, iniunat ni Moises ang kaniyang kamay na parang iuunat sa ibabaw ng dagat. Pagkatapos ipinadala ni Yahweh ang isang malakas na hangin mula sa silangan. Humampas ito buong gabi at itinulak pahiwalay ang tubig, at ang lupa ay natuyo sa pagitan ng tubig.
\v 22 Pagkatapos pumunta ang bayang Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. Ang tubig ay parang isang pader sa bawat gilid nila, sa bandang kanan at sa bandang kaliwa nito.
\s5
\v 23 Pagkatapos sumunod ang mga hukbo ng taga-Ehipto sa kanila sa gitna ng dagat kasama ang kanilang mga kabayo at kanilang mga karwahe at mga sakay nito."
\v 24 Bago magmadaling araw, tumingin si Yahweh sa ibaba mula sa umaapoy na ulap, at pagkatapos naging sanhi ng pagkatakot ng mga hukbo ng taga-Ehipto.
\v 25 Idinulot niyang bumara sa putikan ang mga gulong ng mga karwahe para mahirapan silang gumalaw. Kaya sinabi ng mga taga-Ehipto, "Nakikipaglaban si Yahweh sa mga Israelita laban sa atin; umalis na tayo rito!"
\s5
\p
\v 26 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Iunat mo ang iyong kamay na parang iuunat sa ibabaw ng dagat. Pagkatapos bumalik ang tubig sa mga taga-Ehipto, sa kanilang mga karwahe, at sa kanilang mangangabayo."
\v 27 "Kaya inunat ni Moises ang kaniyang kamay at ng sumikat na ang araw, bumalik ang tubig sa dati niyang anyo. Sinubukan ng mga taga-Ehipto na tumakas, pero inihagis sila pabalik ni Yahweh sa dagat.
\v 28 Bumalik at natakpan ng tubig ang mga karwahe, ang mangangabayo, at ang buong hukbo ng taga-Ehipto na sinubukang sumunod sa mga Israelita sa dagat. Namatay ang lahat sa mga taga-Ehipto.
\s5
\v 29 Pero nang nakatawid ang bayang Israelita sa tuyong lupa, sa tubig na naging katulad ng dalawang mga pader, isa sa bandang kanan at isa sa bandang kaliwa.
\v 30 Iyon ang paraan ni Yahweh sa pagligtas sa bayang Israelita mula sa hukbo ng taga-Ehipto sa araw na iyon. Nakita ng bayang Israelita ang mga taga-Ehipto na patay na nakalutang. Inanod ang kanilang mga katawan sa baybayin.
\v 31 Nakita ng mga Israelita kung ano ang ginawa ni Yahweh sa mga taga-Ehipto sa kaniyang dakilang kapangyarihan, at hinangaan nila si Yahweh. Naniwala sila kay Yahweh, at naniwala rin sila kay Moises.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Pagkatapos umawit sina Moises at ang lahat ng mga Israelita kay Yahweh. Inawit nila, "Aawit ako kay Yahweh dahil siya ay nanalo sa isang dakilang tagumpay; Inihagis niya ang mga kabayo at kanilang mangangabayo sa dagat!
\s5
\p
\v 2 Si Yahweh ang siyang nagpapalakas sa akin, at tungkol sa kaniya ang aking awitin. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ay aking Diyos, at siya ay aking pupurihin. Siya ang sinamba ng aking ama, at sasabihin ko sa iba kung gaano siya kadakila.
\q
\v 3 Si Yahweh ay isang mandirigma; Yahweh ang kaniyang pangalan.
\s5
\q
\v 4 Siya ang naghagis sa mga karwahe ng hari at kaniyang hukbo sa dagat; Ang pinakamagagaling na opisyales ng hari lahat ay nalunod sa dagat ng mga Tambo.
\q
\v 5 Tinakpan sila ang tubig gaya ng isang baha; lumubog sila sa ilalim gaya ng isang bato.
\s5
\q
\v 6 O Yahweh, napakalawak ng iyong kapangyarihan; sa kapangyarihang iyon, O Yahweh, dinurog mo ang mga kaaway ng pira-piraso.
\q
\v 7 Pararangalan ka namin nang labis dahil tinalo mo ang iyong mga kaaway. Dahil galit ka sa kanila, winasak mo sila gaya ng isang apoy na tumutupok ng dayami.
\q
\v 8 Hinipan mo ang dagat, at pinagpatong-patong mo ang tubig; ang tubig ay tumayo gaya ng dalawang pader. Sa kailalimang bahagi ng dagat ay naging makapal ang tubig, na para itong yelo.
\s5
\q
\v 9 Sinabi ng ating mga kaaway, "Hahabulin at maabutan namin sila. Bubunutin namin ang aming mga espada at tatamaan sila. Matapos namin silang talunin, ang lahat ng aming nakuha mula sa kanila ay paghahatian namin.'
\q
\v 10 Pero hinipan mo sila ng iyong hininga, at pagkatapos ang dagat ay tumkip sa kanila. Lumubog sila na parang tingga sa malalaking alon.
\q
\v 11 Yahweh, sa gitna ng kanilang mga diyus-diyosan, walang diyos na katulad mo! Maluwalhati ka, lubos na kakaiba sa lahat ng iyong mga nilikha. Walang sinuman ang katulad mo! Ang lahat ay natatakot at nagpupuri sa iyo dahil sa lahat ng mga himalang ginawa mo!
\s5
\p
\v 12 Nang iniunat mo ang iyong kanang kamay, nilamon ng lupa ang aming mga kaaway!
\q
\v 13 Hindi ka titigil sa pagmamahala sa amin, ang bayan na iyong iniligtas; sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan pinangunahan mo kami sa lupain na ikaw mismo ang naninirahan.
\s5
\q
\v 14 Narinig ng bayan ng ibang bansa ang iyong nagawa, at sila ay natakot. Ang mga tao sa Filistia ay nasindak.
\q
\v 15 Ang mga pinuno sa Edom ay nabagabag. Ang mga lider sa Moab ay nanginginig sa sobrang takot. Lahat ng mga naninirahan sa Canaan ay nahimatay.
\s5
\q
\v 16 Sila ay nasisindak at natatakot dahil sa iyong dakilang kalakasan. Pero sila ay parang mga bato na mananahimik hanggang sa kami, iyong bayan, ay makalampas sa kanila, bayang iyong pinalaya mula sa pagiging mga alipin sa Ehipto.
\s5
\q
\v 17 Dadalhin mo kami sa lupaing ipinangako sa Canaan. Makakaya mong manirahan kami sa iyong burol, sa lugar na iyong pinili para maging tirahan, Yahweh, sa banal na lugar, aming Panginoon, na ikaw mismo ang nagtayo.
\q
\v 18 O Yahweh, ikaw ang mamumuno magpakailanman!"
\s5
\p
\v 19 Nang sinubukang dumaan ng mga kabayo ng hari, mga karwahe at mga mangangabayo, idinulot ni Yahweh na bumalik ang tubig at takpan sila. Pero naglakad ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.
\v 20 Pagkatapos si Miriam, ang nakatatandang kapatid na babae ni Aaron at isang propeta, ay dinampot ang kaniyang tamburin, at lumabas na sumasayaw kasabay ng ibang mga babaeng mayroon ding mga tamburin.
\v 21 Inawit ni Miriam ang awiting ito para kay Yahweh: "Awitan si Yahweh dahil siya ay maluwalhating nagtagumpay sa kaniyang mga kaaway. Sa dagat ay tinapon niya ang mga kabayo at ang kanilang mga sakay."
\s5
\p
\v 22 Pagkatapos pinangunahan ni Moises ang mga Israelita papalayo mula sa Dagat ng mga Tambo. Pumunta sila sa ilang ng Shur. Naglakad sila ng tatlong araw, pero wala silang mahanap na tubig.
\v 23 Kaya nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa Mara. Mayroong tubig doon, pero hindi nila ito mainom dahil mapait ito. Kaya pinangalanan nila ang lugar na ito na Mara, ang salitang Hebreo na nangangahulugang 'mapait'.
\s5
\v 24 Nagreklamo ang bayan kay Moises, sinasabing, "Ano ang gagawin namin para makainom?"
\v 25 Kaya nanalangin si Moises kay Yahweh. Pagkatapos ipinakita sa kanila ni Yahweh ang isang puno. Kaya kinuha niya ang isa sa mga sanga at inihagis ito sa tubig, at naging mainam na inumin ang tubig. Doon sa Mara, nagbigay si Yahweh sa kanila ng matatag na kautusan na ikabubuhay. Sinubukan niya rin sila roon kung susunod sila sa kaniya.
\v 26 Sinabi niya, "Ako si Yahweh, ang inyong Diyos. Kung susundin ninyo ako kapag nagsalita ako sa inyo at gagawin ang mga bagay na iyon na naaayon sa akin, at makikinig sa lahat ng mga bagay na sasabihin ko, ilalayo ko kayo mula sa lahat ng mga sakit na dinala ko sa mga taga-Ehipto. Huwag ninyong kalimutan na ako si Yahweh, ang siyang magpapagaling sa inyo."
\s5
\v 27 Pagkatapos nilang umalis sa Mara, pumunta sila sa isang lugar na nagngangalang Elim. Doon ay may labindalawang bukal ng tubig at pitumpung puno ng palma. Kaya doon sila nagkampo.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Umalis sila sa Elim, at lahat ng bayang Israelita ay dumating sa ilang na nagngangalang Sin sa pagitan ng Elim at Bundok Sinai. Iyon ay sa ikalabinlimang araw ng ikalawang buwan pagkatapos nilang umalis sa Ehipto.
\v 2 Doon sa ilang, ang bayang Israelita ay nagreklamo laban kina Aaron at Moises.
\v 3 Sinabi nila sa kanila, "Hinangad naming pinatay na kami ni Yahweh sa Ehipto! Doon ay mayroon kaming karne para makain at lahat ng tinapay na gusto namin. Pero dinala ninyo kami sa ilang na ito para mamatay kaming lahat sa gutom!"
\s5
\p
\v 4 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Makining ka aking gagawin. Magpapadala ako ng isang bagay mula sa langit na magiging kapalit ng tinapay para sa inyo. Kapag ginawa ko iyon, dapat lumabas ang mga tao sa kanilang mga tolda at magtipon ng sapat para kainin sa araw na iyon. Kapag ginawa ko iyon, malalaman ko kung sila ay susunod sa akin o hindi.
\v 5 Sa ikaanim na araw matapos kong simulang gawin iyon, makakaya nilang magtipon ng dalawang beses para sa ibang araw at hindi na kailangang magtipon ng anuman sa ikapitong araw. Pagkatapos maaari nilang ihanda ito para kainin."
\s5
\v 6 Kaya sinabi nina Aaron at Moises sa bayang Israelita, "Ngayong gabi malalaman ninyo na ito ay si Yahweh, at hindi kami, ang nagdala sa inyo sa labas ng Ehipto.
\p
\v 7 Bukas ng umaga makikita ninyo kung gaano kadakila si Yahweh dahil narinig niya kung paano kayo nagreklamo laban sa kaniya. Siya ang isa na talaga pinagreklamuhan ninyo dahil kami ay kaniyang mga lingkod lamang."
\v 8 Pagkatapos sinabi rin Moises, "Bawat gabi magbibigay si Yahweh ng karne para kainin, at bawat umaga magbibigay siya ng isang bagay na kapalit ng tinapay dahil narinig niya kung ano ang reklamo ninyo. Kay Yahweh kayo talaga nagreklamo, at hindi sa amin. Kami ay kaniyang mga lingkod lamang."
\s5
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, "Sabihin sa lahat ng bayang Israelita, 'Pumarito kayo at tumayo sa presensya ni Yahweh dahil narinig niya kung ano ang inirereklamo ninyo."
\v 10 Kaya sinabi iyon ni Aaron sa kanila. Habang kinakausap ni Aaron ang lahat ng bayang Israelita, napatingin sila sa gawi ng ilang at nagulat na nakita ang nakakasilaw na liwanag ni Yahweh sa ulap na nangunguna sa kanila.
\v 11 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
\q
\v 12 "Narinig ko ang inirereklamo ng bayang Israelita. Kaya sabihin sa kanila, 'Sa takipsilim, may makakain kayong karne, at bukas ng umaga magkakaroon kayo ng isang bagay na papalit sa tinapay. Magkakaroon kayong lahat ng gusto ninyo para kainin ito. Pagkatapos malalaman ninyong ako si Yahweh, ang inyong Diyos.'"
\s5
\p
\v 13 Nang gabing iyon may lumitaw na mga pugo, at napakarami nila na tumakip ang lugar ng kampo. Kinabukasan may bagay na parang maliliit na patak ng tubig sa buong palibot ng lugar ng kampo.
\v 14 Nang matuyo ang tubig, sa lupa ay may manipis na patong ng bagay na mukhang maliliit na puting maninipis na piraso. Ito ay kamukha ng yelo.
\p
\v 15 Nang makita iyon ng bayang Israelita, yamang hindi pa nila iyon nakita dati at hindi alam kung ano iyon, sinabi nila sa isa't isa, "Ano ito?" Sumagot si Moises sa kanila, "Ito ay isang bagay na ibinigay sa inyo ni Yahweh para kainin, bilang kapalit ng tinapay.
\s5
\v 16 Ito ang inutos ni Yahweh: "Bawat isa sa inyo ay dapat magtipon hanggang sa dami na kailangan ninyo para kainin. Magtipon ng dalawang litro para sa bawat taong nakatira sa inyong mga tolda."
\v 17 Kaya iyon ang ginawa ng bayang Israelita. Ang ilan ay nagtipon ng marami at ang ilan ay nagtipon ng kaunti.
\v 18 Pero nang sukatin nila ang kanilang natipon, ang mga nagtipon ng marami ay walang natira. Ang mga nagtipon ng kaunti ay mayroon pa ring sapat para kainin. Bawat tao ay nagtipon ng sapat lamang.
\s5
\v 19 Sinabi ni Moises sa kanila, "Huwag magtira ng anuman nito para kainin bukas ng umaga!"
\v 20 Ang ilan sa kanila ay hindi nakinig sa sinabi ni Moises. Tinago nila ang ilan nito hanggang sa sumunod na umaga. Gayunman, ito ay puno ng mga uod at nag-amoy bulok. Ikinagalit iyon ni Moises.
\v 21 Bawat umaga nagtipon sila ng dami hanggang sa kailangan nila. Maya-maya, nang uminit ang araw, natunaw ang natira sa lupa.
\s5
\v 22 Sa ikaanim na araw matapos nilang magsimulang tipunin iyon, bawat tao ay nakayang magtipon ng apat na litro, na makalawang dami sa natipon nila sa ibang mga araw. Kapag lumapit ang mga pinuno ng mga tao kay Moises at sabihin sa kaniya ang tungkol doon,
\v 23 sinabi sa kanila ni Moises, "Ito ang sinabi ni Yahweh sa inyo: Bukas ay araw para magpahinga kayo. Ito ay magiging araw para kay Yahweh. Kaya ngayon, maghurno o maglaga kayo ng kakailanganin ninyo para ngayon at para bukas. Ang anumang matira ngayong gabi, dapat ninyong itabi at itago ito para kainin bukas."
\s5
\v 24 Kaya ginawa nila ang sinabi ni Moises sa kanila. Anumang natira, tinago nila hanggang sa sunod na araw. Hindi ito napanis at hindi nagkaroon ng mga uod!
\v 25 Sa araw na iyon, sinabi ni Moises, "Kainin ngayon kung ano ang inyong naitabi mula kahapon dahil ngayon ay isang araw ng pahinga kay Yahweh. Ngayon hindi kayo makakahanap ng anumang pagkaing iyon sa labas.
\s5
\v 26 Bawat linggo, dapat ninyong tipunin ito sa loob ng anim na araw; pero sa ikapitong araw, na magiging isang araw ng pahinga para sa inyo, hindi kayo makakahanap ng kahit ano."
\v 27 Sa ikapitong araw, lumabas ang ilan sa mga tao sa kanilang mga tolda para magtipon ng ilan ng pagkaing iyon, pero wala nito.
\s5
\v 28 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises na sabihin ito sa mga tao: "Gaano kayo katagal tumanggo ang iyong bayan na gawin ang mga bagay na sinabi ko?
\v 29 Makinig kayo! Binigyan kayo ni Yahweh ng isang araw ng pahinga. Kaya sa ikaanim na araw ng bawat linggo, bibigyan niya kayo ng sapat ng pagkaing ito para sa dalawang araw. Bawat isa sa inyo ay dapat manatili sa kaniyang tolda at huwag gumawa sa ikapitong araw!"
\v 30 Kaya nagpahinga ang mga tao sa ikapitong araw.
\s5
\p
\v 31 Tinawag ng bayang Israelita ang pagkaing ito na 'manna,' na katunog ng salitang Hebreo na ibig sabihin ay 'ano ito?' Ito ay mukhang maliit na buto na tinatawag na kulantro, pero ito ay puti at may lasa na katulad ng manipis na mga apa na gawa sa pulot.
\v 32 Sinabi ni Moises, "Ito ang sinabi ni Yahweh sa inyo: 'Dapat kayong magtago ng dalawang litro nito para sa lahat ng hinaharap na salinlahi kaya makikita nila ang pagkaing kapalit na tinapay na ibinigay ko sa inyong mga ninuno nang dalhin ko sila palabas ng Ehipto.'"
\s5
\v 33 At sinabi niya kay Aaron, "Kumuha ka ng isang banga, at lagyan ng dalawang litro ng manna sa loob nito. Pagkatapos ilagay ito sa isang lugar kung saan makikita ito ni Yahweh. Ganoon itatago iyon para sa lahat ng hinaharap na mga salinlahi."
\v 34 Katulad ng inutos ni Yahweh kay Moises, inilagay ni Aaron ang banga sa harap ng kahon na naglalaman ng mga tipak ng bato kung saan nakasulat ang Sampung Utos.
\v 35 Ang bayang Israelita ay kumain ng manna bawat araw sa loob ng apatnapung taon hanggang sa dumating sila sa hangganan ng lupain ng Canaan.
\v 36 Ngayon ang dalawang litro ay ikasampung bahagi ng epa.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Ang pagsunod sa inutos ni Yahweh, lumipat ang lahat ng bayang Israelita mula sa ilang ng Sin. Naglakbay sila mula sa isang lugar patungo sa iba. Nagkampo sila sa lugar na tinatawag na Rephidim, pero walang tubig doon na maiinom ng mga tao.
\v 2 Kaya nagreklamo muli ang mga tao kay Moises, sinasabing, "Bigyan mo kami ng tubig na maiinom!" Sumagot si Moises sa kanila, "Bakit nagsasalita kayo laban sa akin? At bakit sinusubukan ninyong suriin kung mayroong kapangyarihan na magbigay ng anumang kailangan ninyo si Yahweh?"
\v 3 Pero ang mga tao ay sobrang uhaw na, at patuloy silang nagrereklamo kay Moises. Sinabi nila, "Bakit dinala mo kami palabas ng Ehipto? Dinala mo ba kami dito para maging dahilan ng aming kamatayan, ng aming mga anak, at mga hayop mula sa pagkauhaw?
\s5
\v 4 Kaya nanalangin si Moises kay Yahweh. Sinabi niya, "Paano ko pakikitunguhan ang mga taong ito? Halos handa na silang patayin ako sa pamamagitan ng pagbabato sa akin!"
\v 5 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Kumuha ka ng ilang mga nakatatanda sa mga Israelita na makasama mo at sabihan ang mga natirang tao na sumunod sa inyo sa Bundok Sinai. Isama mo ang tungkod na iyong inihampas sa Ilog Nilo.
\v 6 Makinig ka sa akin! Tatayo ako sa inyong harapan doon sa tuktok sa isang malaking bato sa paanan ng Bundok ng Horeb. Hampasin mo ang bato ng iyong tungkod. Kung gagawin mo iyon, aagos ang tubig mula sa bato para inumin ng mga tao." Nang makarating ang mga tao sa bundok, ginawa ni Moises ang sinabi ng Diyos, habang ang nakakatandang mga Israelita ay nanonood, at umaagos ang tubig mula sa bato.
\v 7 Binigyan ni Moises ng dalawang pangalan ang lugar na iyon sa wikang Hebreo--Masseh, na ibig sabihin ay 'pagsubok,' at Meribah, na ibig sabihin ay 'pagrereklamo.' Binigayan niya ito ng pangalang Massah dahil sinubok ng mga Israelita si Yahweh, sinabi "Talaga bang si Yahweh ay kasama natin at tumulong sa atin, o hindi?" at binigyan ito ni Moises ng pangalang Meribah dahil palagi silang nagrereklamo sa kaniya.
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos dumating ang tauhan ni Amalek at nakipaglaban sa mga Israelita sa Rephidim.
\p
\v 9 Sinabi ni Moises kay Josue, "Pumili ka ng ilan sa mga lalaki na lumabas at makipaglaban sa tauhan ni Amalek bukas. Tatayo ako sa tuktok ng burol, hawak ang tungkod na sinabi ng Diyos na dadalhin ko."
\v 10 Kaya sinunod ni Josue si Moises. Kumuha siya ng ilan sa mga lalaki para labanan ang tauhan ni Amalek. Habang nakikipaglaban sila, pumunta sina Aaron, Hur at Moises sa tuktok ng burol para makita ang buong lugar ng paglalabanan.
\s5
\v 11 Kapag itinataas ni Moises ang kaniyang kamay, nagsisimulang manalo ang mga lalaking Israelita; kapag binababa niya ang kaniyang kamay, nagsimulang manalo ang tauhan ni Amalek.
\v 12 Pero napagod ang kamay ni Moises. Kaya nagpagulong ng isang malaking bato sina Aaron at Hur na kaniyang mauupuan. Habang nakaupo siya dito, hinawakan nilang dalawa ang kaniyang mga kamay paitaas, isang tao sa magkabilaang gilid. Sa ganoong paraan, pinagpanatili nilang itinaas ang kaniyang mga kamay hanggang sa papalubog na ang araw.
\v 13 Sa ganitong paraan natalo ni Josue at ng mga lalaking kasama niya ang tauhan ni Amalek sa digmaan.
\s5
\v 14 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Sumulat ka ng salaysay sa digmaan na ito at basahin ito kay Josue. Isulat mo na rin na ganap kong nilipol ang tauahan ni Amalek."
\p
\v 15 Pagkatapos nagtayo si Moises doon ng isang batong altar at pinangalanan niya itong "Si Yahweh ay aking bandila."
\v 16 Sinabi niya, "Isang pangako na ginawa sa harap ng trono ni Yahweh: Lalabanan ni Yahweh ang tauhan ni Amalek magpakailanman!"
\s5
\c 18
\p
\v 1 Si Jetro, ang siyang pari ng bayan ng Midian, at biyenan din ni Moises' nakarinig tungkol sa lahat ng ginawa ng Diyos sa bayang Israelita. Narinig niya kung paano sila inilabas ni Yahweh sa Ehipto.
\v 2 Ipinadala ni Moises ang kaniyang asawa na si Zipora at ang kaniyang dalawang anak na lalaki pabalik sa kanilang tahanan noong pabalik siya sa Ehipto. Pero ngayon dumating si Jetro sa kaniya.
\v 3 Dala-dala si Zipora at ang kaniyang mga anak na lalaki. Ang pangalan ng isa niyang anak na lalaki ay Gersom, na katunog ng salitang Hebreo na nangangahulugang "Dayuhan" dahil sinabi ni Moises, "Ako ay isang dayuhan na naninirahan sa ibang lupain."
\v 4 Ang ikalawa niyang anak na lalaki ay pinangalanang Eliezer, na katunog ng salitang Hebreo na nangangahulugang "Tinutulungan ako ng Diyos" dahil sinabi ni Moises, "Diyos, na sinasamba ng aking ama, ang tumulong at nagligtas sa akin mula sa pagpatay ng hari ng Ehipto."
\s5
\v 5 Habang nasa kampo si Moises kasama ang bayang Israelita sa ilang na malapit sa Sinai, ang banal na bundok ng Diyos, dumating si Jetro sa kaniya, dala-dala ang asawa ni Moises at dalawa niyang mga anak na lalaki.
\v 6 Nagpadala si Jetro ng mensahe kay Moises, "Ako, ang iyong biyenan na si Jetro, naparito para makipagkita sa iyo. Dadalhin ko ang iyong asawa at kaniyang dalawang anak na lalaki!"
\s5
\v 7 Kaya lumabas si Moises sa kampo para makipagkita sa kaniyang biyenan. Lumuhod siya sa kaniyang harapan at humalik sa kaniyang pisngi. Sila ay parehong nagtanungan sa bawat isa, "Ikaw ba ay nasa mabuting kalagayan?" Pagkatapos pumunta sila sa tolda ni Moises.
\v 8 Sinabi ni Moises kay Jetro ang lahat ng bagay na ginawa ni Yahweh sa hari at sa lahat ng ibang tao na nasa Ehipto para matulungan ang bayang Israelita. Sinabi niya rin ang tungkol sa kaguluhan na kanilang naranasan sa daan, at tungkol sa kung paano sila tinulungan ni Yahweh.
\s5
\p
\v 9 Nagalak si Jetro nang narinig niya ang lahat ng ginawa ni Yahweh para sa bayang Israelita.
\v 10 Sinabi niya, "Purihin si Yahweh, na siyang nagligtas sa inyo mula sa hari, at kaniyang hukbo at sa kamay ng mga taga-Ehipto!
\v 11 Ngayon alam ko na dakila si Yahweh kaysa sa lahat ng ibang diyos dahil niligtas niya kayo mula sa kapangyarihan ng mga mapagmataas na taga-Ehipto na siyang naging dahilan ng inyong pagdurusa."
\s5
\v 12 Pagkatapos nagdala si Jetro ng hayop para ialay sa pamamagitan ng pagsunog nito sa altar bilang isang handog, at naghandog din siya ng ibang mga alay sa Diyos. Umalis si Aaron at ang mga nakatatandang Israelita para kumain kasama ni Jethro para sambahin ang Diyos.
\s5
\p
\v 13 Kinabukasan, umupo si Moises sa lugar kung saan niya nilulutas ang mga pagtatalo ng mga tao. Dinadala ng mga tao ang kanilang mga pagtatalo kay Moises mula umaga hanggang gabi.
\v 14 Nang makita ni Jetro ang lahat ng ginawa ni Moises sa mga tao, sinabi niya, "Bakit ginawa mo ang lahat ng ito sa mga tao? Bakit ginagawa mo ito na mag-isa, at bakit nakapalibot sa iyo ang lahat ng mga tao mula umaga hanggang gabi, para tanungin ka para magpasiya para sa kanila?"
\s5
\v 15 Sumagot si Moises, "Ginawa ko ito dahil palaging pumupunta ang mga tao sa akin para alamin kung ano ang mga ninanais ng Diyos.
\p
\v 16 Kapag nagkakaroon sila ng pagtatalo tungkol sa isang bagay, pumupunta sila sa akin, at pinagpapasiya kung alin sa kanila ang tama. Sinasabi ko rin sa kanila ang lahat ng mga kautusan at mga pagtuturo ng Diyos."
\s5
\v 17 Sinabi ni Jetro sa kaniya, "Hindi mabuti ang iyong ginagawa para sa iyo o para sa mga tao.
\v 18 Mapapagod ka at ang mga taong ito! Sobrang dami ng trabahong ito para sa iyo. Hindi mo ito maaaring gawin nang mag-isa.
\v 19 Ngayon makinig ka sa sasabihin ko na gagawin mo. Kung gagawin mo ang sasabihin ko, tutulungan ka ng Diyos. Dapat ipagpatuloy mo ang pakikipag-usap sa Diyos at sabihin sa kaniya ang tungkol sa mga pagtatalo ng mga tao.
\v 20 Dapat ituro mo rin sa kanila kung ano ang utos at tagubilin ng Diyos sa iyo. Dapat mo rin ipaliwanag sa kanila kung paano nila iasal ang kanilang mga buhay at mga bagay na dapat nilang gawin.
\s5
\v 21 Karagdagan pa, dapat pumili ka ng ilang mga lalaki para tulungan ka. Pumili ka ng lalaking may paggalang sa Diyos at lalaking hindi tumatanggap ng mga sahod. Magtakda ka ng ilan sa kanila para gumawa ng paghahatol para sa mga sampung pangkat ng mga tao, ilan para sa pangkat ng limampung mga tao, ilan para sa sandaang pangkat ng mga tao, at ilan para sa isang libong pangkat ng mga tao.
\p
\v 22 Pahintulutan mo silang maglingkod para lutasin ang mga pagtatalo ng mga tao. Maaaring dalhin nila sa iyo ang mahihirap na mga bagay, pero maaari nilang pagpasiyahan ang madadaling mga bagay. Mapapadali ang iyong trabaho sa kanilang pagtulong sa iyo sa paggawa ng trabahong iyon.
\v 23 Kung gagawin mo iyon, at kung sasang-ayon ang Diyos, makakaya mong tiisin ang pagod, at makakarating ang lahat ng tao sa kanilang tahanan ng mapayapa kasama ang madaling pagkakalutas ng kanilang mga pagtatalo."
\s5
\v 24 Nakinig si Moises sa kaniang biyenan at ginawa ang lahat ng sinabi ni Jetro sa kaniya.
\v 25 Pagkatapos pumili si Moises ng mahusay na mga lalaki mula sa bayang Israelita at ginawa niyang mamuno sa lahat ng bayan, mga namumuno sa libu-libo, mga namumuno sa daan-daan, mga namumuno sa mga lima-limampu, at mga namumuno sa mga sampu-sampu.
\v 26 Pinili sila ni Moises para magpasiya ukol sa mga pagtatalo ng mga tao. Dinala nila ang mga mahihirap na mga kaso kay Moises, pero sila na mismo ang nagpasiya para sa madaling mga bagay.
\v 27 Pagkatapos nagpaalam si Moises sa kaniyang biyenan, at bumalik si Jetro sa kaniyang tahanan.
\s5
\c 19
\p
\v 1 Sa ikatlong buwan pagkatapos nilang umalis sa Ehipto, dumating sila sa ilang ng Sinai.
\v 2 Pagkatapos nilang umalis ng Rephidim, dumating sila sa ilang ng Sinai, at nagtayo sila ng kanilang mga tolda sa paanan ng bundok.
\s5
\v 3 Umakyat si Moises sa bundok ng Sinai para kausapin ang Diyos. Tinawag siya ni Yahweh mula sa tuktok ng bundok at sinabi, "Ito ang gusto kong sabihin mo sa bayan ng Israelita, ang mga kaapu-apuhan ni Jacob.
\v 4 Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga taga-Ehipto. Nakita ninyo ang ginawa ko sa inyo at kung paano ko kayo dinala dito na parang nasa ibabaw ng pakpak ng agila patungo sa akin.
\v 5 Kaya ngayon, kung gagawin ninyo ang sasabihin ko sa inyo at susundin ang lahat ng utos ko sa inyo, kayo ay magiging sarili kong bayan. Magiging natatangi ko kayong pag-aari mula sa lahat ng tao, dahil sa akin ang buong daigdig.
\v 6 Kayo ay magiging bayan na aking pamamahalaan, at magiging isang kaharian kayo na kung saan ang lahat ay sasamba sa akin katulad ng mga pari at magiging isang bansa kayo na para lamang sa akin.' Ito ang sasabihin mo sa bayan ng Israelita."
\s5
\p
\v 7 Kaya bumaba si Moises sa bundok at tinawag ang mga nakatatanda ng bayan. Isinalaysay niya sa kanila ang lahat ng sinabi ni Yahweh sa kaniya para sabihin sa kanila.
\v 8 Sumagot ang lahat ng mga tao, "Gagawin namin ang lahat ng sinabi ni Yahweh na gawin namin."
\v 9 Pagkatapos umakyat muli si Moises sa bundok at ipinarating kay Yahweh kung ano ang sinabi ng mga tao. Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises "Makinig kang mabuti. Bababa ako sa iyo mula sa loob ng makapal na ulap. Habang nagsasalita ako sa iyo, maririnig ito ng mga tao at lagi silang maniniwala na ikaw ang kanilang pinuno." Pagkatapos sinabi ni Moises kay Yahweh kung ano ang mga sinabi ng mga tao.
\s5
\v 10 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Bumaba ka muli sa mga tao. Sabihin sa kanila na maging handa sa aking pagdating. Kailangan nilang linisin ang kanilang mga saliri ngayon at bukas at linisin din ang kanilang mga damit.
\v 11 Dapat nila itong gawin para maging handa sila sa ikatlong araw. Dahil sa araw na iyon bababa ako sa bundok ng Sinai kung saan maaaring makikita ako ng lahat ng tao.
\s5
\p
\v 12 Dapat gumawa ka ng isang hangganan sa palibot ng paanan ng bundok at sabihin sa kanila, 'Siguraduhin na hindi kayo aakyat sa bundok o lalapit dito. Sinuman ang hahawak sa paanan ng bundok ay dapat patayin.'
\v 13 Huwag pabayaan ang sinuman na humawak sa anumang tao o anumang hayop na hahawak sa bundok. Dapat patayin mo ang anumang tao o hayop na hahawak sa bundok sa pamamagitan ng pagbato ng mga bato dito o pagpana. Pero kapag nakarinig kayo ng isang mahaba at malakas na tunog ng trumpeta, maaaring lumapit ang mga tao palapit sa paanan ng bundok."
\s5
\v 14 Kaya bumaba muli si Moises at sinabi sa mga tao na maglinis ng kanilang mga sarili at maging handa sa pagdating ni Yahweh. Ginawa nila kung ano ang sinabi ni Moises sa kanila at kanilang nilinisan din ang kanilang mga damit.
\v 15 Kaya sinabi ni Moises sa mga tao, "Maging handa kayo sa ikatlong araw at kayong mga lalaki hindi dapat sumiping sa iyong mga asawa hanggang sa pagkatapos nito."
\s5
\p
\v 16 Sa ikatlong araw, sa umagang iyon, mayroong kulog at kidlat at isang napakadilim na ulap sa itaas ng bundok. Tumunog ng napakalakas ang isang trumpeta at nayanig ang mga tao sa kampo dahil takot na takot sila.
\v 17 Pagkatapos dinala ni Moises sa labas ng kampo ang mga tao para salubungin ang Diyos. Nakatayo sila sa paanan ng bundok.
\v 18 Pagkatapos bumaba si Yahweh sa bundok ng Sinai kaya ang buong bundok ay nabalutan ng usok at pinaikutan ng apoy. Ang usok ay pumaitaas katulad ng usok mula sa pasukan ng isang pugon at ang buong bundok ay nayanig ng marahas.
\s5
\v 19 Habang patuloy na lumalakas ang tunog ng trumpeta, kinausap ni Moises si Yahweh at sinagot siya ni Yahweh sa isang malakas na boses na katulad ng tunog ng kulog.
\v 20 Pagkatapos bumaba muli si Yahweh sa tuktok ng bundok at kaniyang sinabihan si Moises na umakyat sa tuktok ng bundok. Kaya umakyat si Moises.
\v 21 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Bumaba ka muli at pagbalaan mo ang mga tao na huwag tumawid sa hangganan para tumingin sa akin. Kung gagawin nila iyon, marami sa kanila ang mamamatay.
\v 22 At saka, ang mga pari na sinumang lalapit sa akin ay dapat linisin ang kanilang mga sarili, dahil pupunta ako sa kanila. Kung hindi nila gagawin iyon, paparusahan ko sila."
\s5
\p
\v 23 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Yahweh, "Hindi makakaakyat ang mga tao sa bundok dahil inutusan mo sila at sinasabi, 'Maglagay ng hangganan sa palibot ng bundok at paghiwalayin ito."'
\v 24 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Bumaba ka muli at dalhin si Aaron kasama mo paakyat dito. Pero huwag mong papayagan ang mga pari o ang ibang mga tao na tumawid sa hangganan para umakyat patungo sa akin. Kung tatawid sila, paparusahan ko sila."
\v 25 Kaya bumaba muli sa bundok si Moises at isinalaysay sa mga tao kung ano ang sinabi ni Yahweh.
\s5
\c 20
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ng Diyos ang mga salita na ito sa bayang Israelita.
\p
\v 2 Ako ay si Yahweh ang inyong Diyos, ang isa ninyong sinasamba. Ako ang nag-iisang naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto. Ako ang nag-iisang nagpalaya sa inyo sa pagkakaalipin doon.
\p
\v 3 Dapat ako lamang ang inyong sasambahin; dapat huwag kayong sasamba sa anumang diyos.
\s5
\p
\v 4 Huwag dapat kayong umukit ng isang hugis para sambahin ang kumakatawan sa anumang bagay sa langit o nasa ibabaw ng lupa o nasa tubig na nasa ilalim ng lupa.
\v 5 Huwag dapat kayong yumuko sa anumang diyus-diyosan at sambahin ito dahil Ako ang Yahweh na inyong Diyos at hindi ko kayo papayagang sambahin ang anumang mga diyos. Paparusahan ko ang nagkasala at napopoot sa akin. Paparusahan ko hindi lang sila, kundi rin ang kanilang mga kaapu-apuhan hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.
\v 6 Gayunman, hindi ako titigil na mahalin ang libu-libong salinlahi ang mga nagmamahal sa akin at sumusunod sa aking mga utos.
\s5
\p
\v 7 Huwag gamitin ang pangalan ko ng walang kabuluhan dahil Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang nag-iisang karapat-dapat ninyong sambahin at tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumagamit ng aking pangalan sa maling layunin.
\s5
\p
\v 8 Huwag ninyong kalimutan ang ikapitong araw ng bawat linggo na kabilang sa akin, kaya panatilihin ang mga araw na iyon para lamang sa akin.
\v 9 Mayroong anim na araw sa isang linggo para sa inyo na gawin ang lahat ng inyong gawain,
\v 10 pero ang ikapitong araw ay isang araw ng pamamahinga, isang araw ng paghahandog sa akin, si Yahweh na inyong Diyos, ang nag-iisang karapat-dapat ninyong sambahin. Sa araw na iyon, huwag kayong gagawa ng anumang gawain. Ikaw at ang iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae at inyong mga lalaki at mga babaeng alipin ay hindi dapat magtrabaho. Hindi ninyo dapat piliting pagtrabahuin ang inyong mga baka, at huwag ninyong papayagan ang mga dayuhan na magtrabaho, mga hindi kilala na naninirahan sa inyong bayan.
\v 11 Ako, si Yahweh, lumikha ng langit, ng lupa, ng karagatan at lahat ng bagay nasa loob nila sa ikaanim na araw. Pagkatapos itinigil ko ang aking gawain sa paglikha ng lahat ng bagay at nagpahinga sa ikapitong araw. Iyon ang dahilan na Ako, si Yahweh, pinagpala ang araw ng pamamahinga at itinalaga ito para maging isang banal na araw.
\s5
\p
\v 12 Igalang ninyo ang inyong ama at ina, para maaaring mamuhay kayo ng mahabang panahon sa lupain na Ako, si Yahweh ang inyong Diyos ang magbibigay sa inyo.
\p
\v 13 Huwag papatay ng sinuman.
\p
\v 14 Huwag makikiapid sa sinuman.
\s5
\p
\v 15 Huwag magnanakaw ng anumang bagay.
\p
\v 16 Huwag magpaparatang ng kasinungalingan sa sinuman na gumagawa ng isang pagkakasala.
\p
\v 17 Huwag pag-imbutan ang bahay ng iba, ang asawa ng iba, ang mga lalaki o babaeng alipin ng iba, ang mga alagang baka ng iba, ang mga asno ng iba o anumang bagay pa na pag-aari ng iba."
\s5
\p
\v 18 Nang narinig ng mga tao ang kulog at nakita ang kidlat at ng marinig nila ang tunog ng trumpeta at nakita ang usok sa bundok natakot sila at nanginig. Tumayo sila sa may kalayuan
\v 19 at sinabi kay Moises, "Kung makikipag-usap ka sa amin, makikinig kami. Pero huwag pabayaan ang Diyos ang makipag-usap kailanman sa amin. Natatakot kami kung makikipag-usap siya kailanman sa amin, mamamatay kami."
\v 20 Sumagot si Moises sa mga tao, "Huwag kayong matakot! Bumaba ang Diyos para malaman kung paano kayo magpapakabuti. Gusto niya na parangalan ninyo siya at para hindi magkasala.
\v 21 Pagkatapos, habang nakatingin ang mga tao mula sa kalayuan, lumapit si Moises sa maitim na ulap kung saan naroon ang Diyos.
\s5
\p
\v 22 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Sabihin mo ito sa mga Israelita, "Narinig ninyo kung paano Ako, si Yahweh, ay nakipag-usap sa inyo mula sa langit.
\v 23 Sinabi ko sa inyo na huwag dapat kayong gumawa ng anumang mga diyus-diyosan sa pilak o ginto na sasambahin ninyo sa halip na ako.
\s5
\v 24 Gumawa kayo ng isang altar para sa akin na galing sa lupa. Ialay dito ang inyong mga handog na susunugin, mga handog na pangakong pakikipag-kaibigan ninyo sa akin at pati ang inyong tupa at mga baka. Sambahin ninyo ako sa anumang lugar na pipiliin ko para sa inyo para parangalan ako; kung gagawin ninyo iyon, pupuntahan at pagpapalain ko kayo.
\v 25 Kung gagawa kayo ng isang altar para sa akin na mula sa mga bato, huwag kayong gagawa nito na mula sa mga bato na tinabas ninyo para maging maganda sa paningin dahil gagawa kayo ng altar na hindi angkop para sambahin ako, kung gagamit kayo ng mga kagamitan para tabasin ang mga bato.
\v 26 Huwag gagawa ng isang altar na mayroong mga hakbang sa harapan nito dahil kung gagawin ninyo iyon, makikita ng Diyos ang inyong hubad na katawan sa pag-akyat ninyo sa mga hakbang.""
\s5
\c 21
\p
\v 1 "Ito ang ilan sa mga tuntuning ibibigay sa bayang Israelita.
\s5
\p
\v 2 Kapag bumili ka ng isang aliping Hebreo, maglilingkod siya sa iyo sa loob ng anim na taon lamang. Sa ikapitong taon dapat palayain mo siya mula sa pagiging alipin sa iyo, at hindi na siya kailangang magbayad sa iyo ng anuman para sa pagpapalaya sa kaniya.
\v 3 Kung hindi siya kasal bago mo siya naging alipin, at kung magkaasawa siya habang siya ay iyong alipin, ang kaniyang asawa ay hindi magiging malaya kasama niya. Pero kung siya ay may asawa bago mo siya naging alipin, dapat mo siyang palayain kasama ang kaniyang asawa.
\v 4 Kung bibigyan ng amo ang alipin ng asawa, at magkaanak sila ng mga lalaki o mga babae habang ang kaniyang asawa ay alipin, ang lalaki lamang ang palalayain. Ang kaniyang asawa at mga anak ay magpapatuloy na mga alipin sa kanilang amo.
\s5
\v 5 Paero kapag panahon na para sa alipin na maging malaya, kung sasabihin ng alipin, 'mahal ko ang aking amo at aking asawa at aking mga anak, ayokong maging malaya,'
\v 6 pagkatapos dapat siyang dalhin ng kaniyang amo sa lugar kung saan sila sasamba sa Diyos. Doon patatayuin niya ang alipin sa tapat ng pintuan o haligi ng pintuan. Pagkatapos ang amo ay gagamit ng isang pambutas para butasan ang tainga ng alipin at ikabit ang isang bagay sa tainga ng alipin para makita na pagmamay-ari na niya ang alipin sa kaniyang buong buhay.
\s5
\p
\v 7 Kung ipagbili ng isang lalaki ang kaiyang anak na babae para maging alipin, hindi siya dapat maging malaya pagkatapos ng anim na taon tulad ng mga lalaking alipin.
\p
\v 8 Kung ang lalaki na siyang nagdala sa kaniya ay ginusto siyang maging kaniyang isa pang asawa, pero kalaunan ay hindi siya nalugod sa kaniya, maaari niyang ipatubos siya sa kaniyang ama. Hindi niya dapat ipagbili siya sa isang dayuhan dahil maaaring makasira sa kasunduan na kaniyang ginawa kasama ang ama ng babae.
\s5
\v 9 Kung ang lalaking bumili sa kaniya ay gusto siyang maging asawa ng kaniyang anak na lalaki, dapat niyang ituring siya na parang sarili niyang anak na babae.
\v 10 Kung ang amo ay kukuha pa ng ibang alipin na babae para maging isa pang babae para sa kaniyang sarili, dapat niyang ipagpatuloy ang pagbigay ng parehong dami ng pagkain at damit para sa unang alipin na ibang asawa na binigay niya sa kaniya noon, at dapat magpatuloy siyang matulog kasama niya tulad noon.
\v 11 Kung hindi niya magawa ang tatlong bagay na ito para sa kaniya, dapat niyang palayain ang babae mula sa pagiging alipin, at hindi siya kailangan magbayad ng anuman para sa kaniyang kalayaan.
\s5
\p
\v 12 Kung sasaktan ng isang tao ang kaniyang kapwa para patayin siya at namatay ang tao, kung gayon ang taong iyon ay dapat ding patayin.
\v 13 Pero kung ang isang tao na nanakit sa kaniyang kapwa ay hindi niya sinadyang patayin ang taong iyon, ang taong nanakit ay maaaring pumunta sa isang lugar na aking pipiliin para sa iyo, at magiging ligtas siya doon.
\v 14 Pero kung magagalit ang isang tao sa kaniyang kapwa at papatayin niya ito, kahit na tumakbo ang mamamatay-tao sa altar, dapat ninyo siyang patayin.
\s5
\p
\v 15 Sinumang manakit sa kaniyang ama o ina ay dapat patayin.
\p
\v 16 Sinumang dumukot ng kapwa para ipagbili ang taong iyon o itago siya bilang kaniyang alipin, ay dapat patayin.
\p
\v 17 Sinumang sumumpa o alipustahin ang kaniyang ama o ina ay dapat patayin.
\s5
\p
\v 18 Ipagpalagay na mag-away ang dalawang tao, at sinaktan ng isang tao ang kaniyang kapwa sa pamamagitan ng bato o kaniyang kamao. Ipagpalagay na ang taong sinaktan niya ay hindi namatay pero nasugatan ito at panandaliang manatili muna sa kaniyang higaan,
\v 19 pero hindi nagtagal ay maaari na siyang makalakad sa labas gamit ang tungkod. Kung gayun hindi nila dapat parusahan ang taong nanakit sa kaniya, maliban sa pagbabayarin nila siya sa taong nasaktan sa panahong hindi siya kumita ng pera habang siya ay nagpapagaling at kasama na ang mga gastos para sa pagpapagaling.
\s5
\p
\v 20 Kung sasaktan ng isang tao ang kaniyang alipin na babae o lalaki sa pamamagitan ng tungkod, at kung namatay ang alipin, ang taong nanakit sa kaniya ay dapat parusahan.
\v 21 Pero kung ang alipin ay nabuhay ng isa o dalawang araw matapos siyang saktan at pagkatapos namatay ito, hindi mo dapat parusahan ang taong nanakit sa kaniya. Dahil ang hindi na pagtatrabaho ng alipin sa kaniya ay sapat na kaparusahan.
\s5
\p
\v 22 Kung mag-away ang dalawang tao at nakasakit ng isang babaeng buntis kaya nakunan siya pero ang babae ay hindi nasaktan sa ibang paraan, ang tao na siyang nanakit sa kaniya ay dapat magbayad ng multa. Dapat siyang magbayad anuman ang hinihingi ng asawa ng babae matapos pahintulutan ng mga hukom ang multa.
\v 23 Psro kung nasaktan ang babae sa iba pang paraan, ang tao na siyang nanakit sa kaniya ay dapat ding magdusa ng parehong pagdurusa na dinulot nito sa babae. Kung mamatay ang babae, dapat siyang patayin.
\v 24 Kung nasaktan ang kaniyang mata, o kung sinuntok at nakunan siya ng ngipin, o nasaktan ang kaniyang kamay o paa,
\v 25 o kung ang babae ay napaso o nasugatan, ang tao na siyang nanakit sa kaniya ay dapat saktan sa parehong paraan.
\s5
\p
\v 26 Kung pinalo ng may-ari ng alipin ang mata ng kaniyang alipin na lalaki o alipin na babae, at nabulag siya, dapat niyang palayain ang alipin dahil sa ginawa niya sa mata ng alipin.
\v 27 Kung sinuntok ng isang tao ang kaniyang alipin kaya nakunan siya ng isang ngipin, dapat niyang palayain ang alipin dahil sa ginawa niya sa ngipin ng alipin.
\s5
\p
\v 28 Kung sinuwag ng isang toro ang isang lalaki o babae at ito ay kaniyang ikinamatay, dapat ninyong patayin ang toro sa pamamagitan ng pagbato, pero huwag ninyong kakainin. Ang may-ari ng toro ay walang kasalanan.
\v 29 Pero kung nakasuwag ng tao ang toro ng maraming beses noon at ang may-ari nito ay binalaan na, pero hindi niya kinulong ang toro sa loob ng bakuran, at nakasuwag ng isang lalaki o isang babae at namatay ito, dapat ninyong patayin ang toro sa pamamagitan ng pagbato dito, at dapat ninyo ring patayin ang may-ari ng toro.
\v 30 Gayunman, kung ang may-ari ng toro ay maaring magbayad ng multa para iligtas ang kaniyang sariling buhay, dapat niyang bayaran ang kabuuang halaga na ayon sa sinasabi ng mga hukom na dapat niyang bayaran.
\s5
\v 31 Kung lulusubin at susuwagin ng toro ng isang tao ang anak na lalaki o anak na babae ng isang tao, dapat ninyong ituring ang may-ari ng toro na ayon sa parehong alituntunin.
\v 32 Kung lulusubin at susuwagin ng isang toro ang isang lalaki o babaeng alipin, ang may-ari nito ay dapat magbayad ng tatlumpung pirasong pilak, at dapat ninyong patayin ang toro sa pamamagitan ng pagbato sa kaniya.
\s5
\p
\v 33 Ipagpalagay na ang isang tao ay mayroong isang hukay at hindi niya ito tinakpan, at nahulog sa loob nito ang toro o asno at namatay.
\v 34 Kung ganoon ang may-ari ng hukay ay dapat magbayad para sa hayop na namatay. Dapat niyang ibigay ang pera sa may-ari ng hayop, pero maaari niyang kunin ang namatay na hayop at gawin niya anuman ang gusto niyang gawin dito.
\s5
\p
\v 35 Kung saktan ng toro ng isang tao ang toro ng ibang tao kaya namatay ito, ang mga may-ari ng dalawang toro ay dapat ipagbili nila ang buhay na toro, at dapat nilang paghati-hatiin ang pera na makukuha nila. Dapat din nilang paghati-hatiin ang laman ng namatay na hayop.
\v 36 Gayunman, kung malalaman ng mga tao na ang toro ay madalas lumusob ng ibang hayop noon, at ang may-ari ay hindi kinulong sa loob ng bakuran, kaya ang may-ari ng toro na iyon ay dapat ibigay sa may-ari ng toro na namatay ang isa sa kaniyang mga toro, pero maaari niyang kunin ang namatay na hayop at gawin niya anuman ang gusto niyang gawin dito."
\s5
\c 22
\p
\v 1 Kung magnanakaw ang isang tao ng isang toro o isang tupa at pagkatapos papatayin ito o ipinagbili ito, dapat siyang magbayad ng limang toro para sa toro na kaniyang ninakaw, at dapat siyang magbayad ng apat na tupa para sa tupa na kaniyang ninakaw.
\v 2 Kung nahuli ang isang magnanakaw habang nagpupumilit pumasok sa loob ng bahay ng isang tao sa gabi, kung ang isang taong makahuli sa kaniya ay mapatay ang magnanakaw, wala siyang kasalanan sa pagpatay sa kaniya.
\v 3 Pero kung mangyayari ito habang araw pa, ang taong nakapatay sa magnanakaw ay may sala sa pagpatay sa kaniya. Ang magnanakaw ay dapat bayaran kung ano ang kaniyang ninakaw. Kung wala siyang hayop para ibayad sa bagay na kaniyang ninakaw, kailangan siyang ipagbili para maging alipin ng ibang tao, at ang pera mula sa napagbilhan sa kaniyang halaga ay dapat gamitin para ibayad sa kaniyang ninakaw.
\v 4 Kung nasa magnanakaw pa ang hayop nang mahuli siya, maging ito ay isang toro, o isang asno, o isang tupa, at buhay pa rin ito, ang magnanakaw ay dapat bayaran ang ninakaw na hayop at isa pa nang parehong uri.
\s5
\p
\v 5 Kung hinayaan ng isang tao ang kaniyang mga hayop na kumain ng damo sa kaniyang bukid o sa kaniyang ubasan, at kung ang mga hayop ay naligaw at kumain ng mga pananim sa bukid ng ibang tao, ang may-ari ng mga hayop ay dapat bayaran ang may-ari ng bukid na iyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng pinakamainam mula sa kaniang sariling bukid o ubasan.
\s5
\p
\v 6 Kung ang isang tao ay magpasimula ng apoy at kumalat ito sa damuhan at magsimulang masunog ang bukid ng ibang tao, at nasunog ng apoy ang butil na tumutubo o butil na putol na at nakasalansan, pagkatapos ang taong nagsimula ng apoy ay dapat magbayad para sa nawala.
\s5
\p
\v 7 Ipagpalagay na magbibigay ang isang tao ng ilang pera sa isa pang tao o ibang mahahalagang bagay at hingin sa kaniya na itago ito ng sandali sa loob ng kaniyang bahay. Ipagpalagay na ninakaw iyon ng isang magnanakaw mula sa bahay ng taong iyon. Kung nahuli ang magnanakaw, ang magnanakaw ay dapat magbayad ng dalawang beses na halaga ng kaniyang ninakaw.
\v 8 Pero kung ang magnanakaw ay hindi nahuli, ang may-ari ng bahay kung saan ninakaw ang bagay ay dapat tumayo sa harapan ng mga hukom para ang mga hukom ang maaaring magsabi kung ang may-ari ng bahay ang siyang kumuha sa mahalagang bagay ng ibang tao.
\p
\v 9 Kung magtalo ang dalawang tao kung sino sa kanila ang nagmamay-ari ng toro, o asno, o tupa o ilang damit, dapat silang tumayo sa harapan ng mga hukom. Ang tao na sabihin ng mga hukom na nagsisinungaling ay dapat magbayad ng dalawang beses dami sa tunay na may-ari ng mga toro, mga asno, o tupa o mga kasangkapan ng pananamit.
\s5
\p
\v 10 Ipagpalagay na ibibigay ng isang tao ang kaniyang asno o toro o tupa o ilang ibang hayop sa ibang tao at hingin na alagaan niya ito sandali, at namatay ang hayop o nasaktan o nanakaw ito ng walang tumitingin.
\v 11 Kung gayon ang tao na siyang nag-aalaga sa hayop ay dapat mangako, alalahanin na nakikinig ang Diyos, na hindi niya ninakaw ang hayop. Kung hindi niya ito ninakaw, ang may-ari ng hayop ay dapat tanggapin na ang ibang tao ay nagsasabi ng totoo, at ang ibang tao ay hindi na dapat magbayad ng anumang bagay sa may-ari.
\v 12 Pero kung ninakaw ang hayop habang nasa kaniyang pangagalaga ito, ang taong nangakong alagaan ang hayop ay dapat magbayad sa may-ari para sa hayop.
\v 13 Kung sasabihin niya na ang hayop ay pinatay ng mga mababangis na hayop, dapat niyang ibalik ang mga labi ng hayop na namatay at ipakita ito sa may-ari ng hayop. Kung gawin niya iyon, hindi na siya magbabayad ng anumang bagay para sa hayop.
\s5
\p
\v 14 Kung humiram ang isang tao ng hayop, at kung ang hayop ay nasaktan o namatay habang wala roon ang may-ari nito, ang taong nanghiram nito ay dapat magbayad sa may-ari para sa hayop.
\v 15 Pero kung mangyari iyon habang naroon ang may-ari ng hayop, ang taong nanghiram nito ay hindi na dapat magbayad ng anumang bagay. Kung ang taong nanghiram nito ay inupahan lamang ito, ang pera na kaniyang ibinayad para sa upa nito ay magiging sapat para ibayad sa namatay o nasaktang hayop.
\s5
\p
\v 16 Kung pilitin ng isang lalaki ang isang babae na sumiping sa kaniya, isang babaeng birhen at hindi pa nakatakdang ikasal, dapat niyang bayaran ang kaukulang presyo para sa kaniya at pakasalan siya.
\v 17 Pero kung hindi siya payagan ng kaniyang ama na pakasalan ang lalaki, dapat siyang magbayad ng pera sa ama ng babae na parehong presyong pera na bayad ng mga lalaki para sa mga birhen.
\s5
\p
\v 18 Dapat ninyong patayin ang sinumang babaeng gumagawa ng pangkukulam.
\p
\v 19 Dapat ninyong patayin ang sinumang tao na sumisiping sa isang hayop katulad ng isang lalaki na sumisiping sa isang babae.
\s5
\p
\v 20 Dapat maghandog kayo ng mga alay kay Yahweh lamang. Dapat ninyong patayin ang sinumang maghahandog ng alay para sa anumang ibang diyos.
\v 21 Hindi ninyo dapat abusuhin ang isang dayuhan na dumating para manirahan kasama ninyo. Huwag kalimutan na dating mga dayuhan kayo noon sa Ehipto.
\s5
\v 22 Hindi ninyo dapat abusuhin ang sinumang balo o ulila.
\v 23 Kung abusuhin ninyo sila at humingi sila ng tulong sa akin para tulungan sila, tutulungan ko sila,
\v 24 at magagalit ako sa inyo; idududlot kong mamatay kayo sa digmaan. Ang inyong mga asawa ay magiging mga balo, at ang inyong mga anak ay magiging ulila sa ama.
\s5
\p
\v 25 Kung magpapahiram kayo ng pera sa sinuman sa aking bayan na mga mahihirap, huwag kayong tumulad sa isang nagpapatubo at hingin sa kaniya para bayaran ang tubo ng pera.
\v 26 Kung ibibigay niya ang kaniyang kapa para patunayan na babayaran niya ang pera, dapat ninyong ibalik sa kaniya ang kaniyang kapa bago lumubog ang araw
\v 27 dahil kakailanganin niya ito para hindi siya lamigin tuwing gabi. Iyon lamang ang tanging panakip na mayroon ang mga mahihirap kapag matutulog sila sa gabi. Kung hindi kayo mahabagin sa kaniya sa pamamagitan ng pagsauli ng kaniyang kapa, kapag tumawag siya sa akin na humihingi ng tulong, tutulungan ko siya dahil mahabagin ako.
\s5
\p
\v 28 Huwag lapastanganin ang Diyos, at huwag tumawag sa Diyos para gumawa ng nakasasamang mga bagay sa sinumang namumuno ng inyong bayan.
\s5
\v 29 Huwag ipagkait mula sa akin ang pinakamainam na mga bahagi ng butil na iyong inani, o ng langis ng olibo o ang alak na inyong ginawa. Ibibigay ninyo sa akin ang inyong mga panganay na anak na lalaki.
\v 30 Katulad ng iba, ang panganay na lalaki ng inyong mga baka at tupa ay aking pag-aari. Pagkatapos ipanganak ang mga hayop na iyon, hayaan ninyong manatili sila sa kanilang mga ina sa loob ng pitong araw. Sa ikawalong araw ibibigay ninyo sila sa akin.
\v 31 Kayo ang bayang ibinukod para sa akin. Kinamumuhian ko ang laman ng hayop na pinatay ng anumang mababangis na mga hayop. Kaya huwag ninyong kainin ang ganoong karne. Sa halip, itapon ninyo ito kung saan maaaring kainin ng mga aso."
\s5
\c 23
\p
\v 1 Huwag magsinungaling tungkol sa ibang tao. Huwag tulungan ang isang tao na may kasalanan sa pamamagitan ng pagsisinungaling tungkol sa nangyari.
\v 2 Huwag umanib sa isang pangkat ng mga tao na nagbabalak na gumawa ng mga bagay na masama. Huwag kang magsasabi ng mga kasinungalingan tulad ng ginawa nila at pagkatapos hayaan mo ang hukom ang magpasya sa kaso ng makatarungan.
\v 3 Kapag nasa pagsubok ang mahihirap, huwag tumestigo sa kaniyang pabor dahil siya ay mahirap at humingi ka ng tawad sa kaniya.
\s5
\p
\v 4 Kung makita mong nakawala ang toro o asno ng ibang tao habang gumagala palayo, kunin mo ito pabalik sa may-ari kahit na kaaway mo ang may-ari.
\v 5 Kung makita mo ang asno ng isang tao na natumba dahil mabigat ang karga nito, tulungan mo ang may-ari na patayuin muli ang asno kahit na nasusuklam siya sa iyo. Huwag basta lamang umalis palayo na hindi mo siya tinutulungan.
\s5
\p
\v 6 Pagpasiyahan mo ang mga kaso ng mga mahihirap na nasa pagsubok na parang makatarungan tulad ng iyong paghatol sa mga kaso ng ibang tao.
\v 7 Huwag paratangan ang mga taong walang sala. Huwag magpasya na ang mga taong inosente at matuwid ay nararapat patayin dahil parurusahan ko ang mga taong gumagawa ng masasamang bagay.
\v 8 Huwag tanggapin ang pera na isang suhol dahil ang mga pinuno na tumatanggap ng mga suhol ay hindi makapagpapasiya kung ano ang tamang gawain, at hindi sila papayag sa mga inosente na ituring na makatarungan.
\v 9 Huwag abusuhin ang mga dayuhan na nanirahan kasama ninyo. Alam ninyo kung ano ang kadalasan nararamdaman ng mga dayuhan dahil hindi kayo itinuring nang mabuti ng mga taga-Ehipto noong kayo ay naging mga dayuhan doon.
\s5
\p
\v 10 Sa loob ng anim na taon, magtanim kayo ng mga buto sa inyong lupain at tipunin ang ani.
\v 11 Pero sa ikapitong taon hindi kayo dapat magtanim ng anumang bagay. Kung ang mga bagay ay tumubo nang hindi kayo nagtatanim ng mga buto, payagan ang mga mahihirap para anihin at kainin ang mga pananim. Kung mayroon pang natitirang pananim, hayaan ang mga mababangis na hayop na kainin nila ito. Ganoon din ang gagawin ninyo sa inyong ubasan at sa mga punong olibo.
\s5
\v 12 Maaari kayong magtrabaho ng anim na araw sa bawat linggo, pero sa ikapitong araw dapat kayong magpahinga at hindi magtrabaho. Pati rin sa ikapitong araw dapat payagan ninyo ang inyong mga hayop pangtrabaho, inyong mga alipin, at ang mga dayuhan na kasama ninyong naninirahan para makapagpahinga at para maging handa muling magtrabaho.
\v 13 Tiyakin na inyong sundin ang lahat ng bagay na aking inutos sa inyo na inyong gawin. Huwag manalangin sa ibang mga diyos. Huwag banggitin kahit ang kanilang mga pangalan.
\s5
\p
\v 14 Bawat taon dapat maglakbay kayo sa tatlong pista para parangalan ako.
\v 15 Ang una ay ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura. Ipagdiwang ito sa loob ng buwan ng Abib, kung saan ito ang buwan na iniwan niyo ang Ehipto. Ipagdiwang ito sa paraan na aking inutos sa inyo; kainin ang tinapay sa loob ng pitong araw. Magdala palagi ng handog kapag pumupunta kayo para sumamba sa akin. Huwag kayong pumunta na walang dala.
\s5
\v 16 Ang pangalawang pista ay ang Pisat ng Pag-ani. Sa panahon ng pistang iyon dapat mag-alay kayo sa akin ng unang bahagi ng inyong pananim na tumubo mula sa mga buto na inyong itinanim. Ang pangatlong pista ay ang Pista ng Katapusang Ani. Mangyayari iyan pagkatapos ng pag-aani ng inyong butil, inyong mga ubas, at sa inyong prutas.
\p
\v 17 Bawat taon, isa sa mga panahong ito, lahat ng mga lalaki ay dapat sama-samang magtipon para sumamba sa akin, si Yahweh na Diyos.
\s5
\p
\v 18 Kapag mag-aalay kayo ng hayop at ihandog ito sa akin, hindi dapat kayo maghandog ng tinapay na hinurno na may kasamang lebadura. Kapag maghahandog kayo ng mga alay, sunugin ang taba na mula sa mga hayop sa parehong araw para walang taba na maiiwan sa susunod na umaga.
\v 19 Bawat taon, kapag mag-aani kayo sa inyong mga pananim, kunin ang unang pinakamabuting ani, pumunta kayo sa lugar kung saan ninyo ako sinasamba, at ibigay ito sa akin, si Yahweh na Diyos. Kapag pumatay kayo ng batang hayop, huwag lutuin ito sa pamamagitan ng kumukulong gatas ng kaniyang ina."
\s5
\p
\v 20 Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa iyo para bantayan ka habang ikaw ay naglakbay at para dalhin ka nang ligtas sa lugar na aking hinanda para sa iyo.
\v 21 Bigyang-pansin ang kaniyang sinabi at sundin siya. Huwag magrerebelde laban sa kaniya dahil nasa kaniya ang aking kapangyarihan at parurusahan ka niya kung magrerebelde ka laban sa kaniya.
\v 22 Pero kung iyong bibigyang-pansin ang kaniyang sinasabi at kung iyong gawin ang lahat na aking sinasabi sa iyo para gawin mo, lalabanan ko ang lahat ng iyong mga kaaway.
\s5
\v 23 Ang aking anghel ang manguguna sa iyo at dadalhin ka sa lugar kung saan naroon sina, Amor, Heth, Periz, Canaan, Hiv, at Jebus na bayang nanirahan, at titiyakin kong palalayasin ko sila.
\v 24 Huwag kang yuyuko sa harapan ng kanilang mga diyos o sambahin sila. Huwag gawin ang mga bagay na sa palagay nila na gustong ipagawa ng mga diyos sa kanila. Sirain mo ang kanilang mga diyos at basagin ng pira-piraso ang kanilang sagradong mga bato.
\v 25 Dapat sambahin mo ako, si Yahweh na iyong Diyos. Kung gagawin mo ito, pagpapalain ko ang iyong pagkain at tubig, at pangangalagaan kita mula sa karamdaman.
\s5
\v 26 Walang makukunang mga babae sa iyong lupain at walang mga babae na hindi mabubuntis. Makakaya kong mabuhay ka nang mahabang panahon.
\v 27 Idudulot ko ang bayan na kumakalaban sa iyo na maging lubhang takot sa akin. Papatayin kong lahat ang bayang lalapit sa iyo. Pagkatapos idudulot kong tumalikod sila at tumakbong palayo mula sa iyo.
\v 28 Idudulot kong masindak ang iyong mga kaaway. Paaalisin ko ang Hiveo, Cananaeo, at pangkat ng bayan ni Heth mula sa iyong lupain.
\v 29 Hindi ko paaalisin silang lahat na wala pang isang taon. Kapag ginawa ko ito, ang iyong lupain ay magiging ilang, at ito ay magkakaroon ng napakaraming mga mababangis na hayop na maaaring lumusob sa iyo.
\s5
\v 30 Dahan-dahan kong paaalisin ang mga pangkat ng tao, nang unti-unti isang oras, hanggang ang bilang ng iyong bayan ay dumami at maaari na kayong mamuhay kahit saan dito sa lupain.
\v 31 Pahahabain ko ang hangganan ng inyong lupain mula sa dagat ng mga Tambo na nasa timog-silangan patungo sa Dagat ng Mediteraneo na nasa hilagang-kanluran, at mula sa ilang ng Sinai na nasa timog-silangan patungo sa Ilog Eufrates sa hilagang-kanluran ng bansa. Ibibigay ko sa iyo ang kapangyarihan na paalisin ang bayang nanirahan doon para paalisin sila habang sinasakop ninyo ang bansa nang mas malawak.
\v 32 Hindi ka dapat gumawa ng kahit anong kasunduan sa mga taong iyon o sa kanilang mga diyos.
\v 33 Huwag payagan ang mga tao para mamuhay sa iyong lupain para hindi sila ang maging dahilan sa iyo na magkasala laban sa akin. Kung sumamba ka sa kanilang mga diyos, hindi ka maaaring makatakas mula sa pagsamba sa kanila at sa pagkakasala laban sa akin gaya ng isang tao na nahuli sa isang bitag na hindi na kayang makawala."
\s5
\c 24
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Pumunta ka sa akin sa ibabaw nitong bundok, ikaw at si Aaron at kaniyang mga anak na sina Nadab at Abihu. Dalhin mo rin ang pitumpu sa mga nakatatanda ng Israelita. Habang nasa malayo kayo mula sa tuktok ng bundok, doon maaari kayong sumamba sa akin.
\v 2 Moises, ikaw lang ang mag-isa ang papayagan kong pumunta ng malapitan sa akin. Ang iba ay hindi dapat pumunta ng malapitan, at ang ibang mga tao ay hindi dapat umakyat ng bundok."
\s5
\v 3 Pumunta si Moises at sinabihan ang mga tao patungkol sa lahat ng bagay na sinabi ni Yahweh at sa lahat ng kaniyang inutos. Sumagot ang lahat ng mga tao ng sabay-sabay, at sinabing, "Aming susundin ang lahat ng bagay na sinabi ni Yahweh sa amin na aming gagawin."
\v 4 Pagkatapos sinulat ni Moises ang lahat ng bagay na inutos ni Yahweh. Nang kinaumagahan ng maaga nagtayo si Moises ng isang batong altar. Naghanda siya ng labindalawang bato, isa para sa bawat lipi ng mga Israelita.
\s5
\v 5 Pumili rin siya ng ilang mga lalaki. Sinunog nila ang mga alay para kay Yahweh at kanilang inihandog ang ilang baka bilang mga handog para mangako ng pakikipagkaibigan sa kaniya.
\v 6 Kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo ng mga hayop na kinatay at nilagay ito sa mga mangkok. Ang natirang kalahati ng dugo ay kaniyang isinaboy sa altar.
\s5
\v 7 Kinuha niya ang balumbon kung saan kaniyang sinulat ang lahat ng bagay na inutos ni Yahweh sa kasunduang ginawa niya, at kaniyang binasa ito nang malakas habang ang lahat ng mga tao ay nakikinig. Pagkatapos sinabi ng lahat ng mga tao, "Aming gagawin ang lahat ng sinabi ni Yahweh sa amin na aming gagawin. Susundin namin lahat ng bagay."
\v 8 Pagkatapos kinuha ni Moises ang dugo na nasa mangkok at isinaboy sa mga tao. Sinabi niya, "Ito ang dugo na magpapatibay sa kasunduan na ginawa ni Yahweh nang ibinigay niya sa inyo ang lahat ng mga utos na ito."
\s5
\p
\v 9 Kaya si Moises na kasama sina Aaron, Nadab, Abihu, at ang pitumpung mga nakatatanda ay umakyat sa bundok,
\p
\v 10 at nakita nila ang Diyos, ang siyang sinasamba ng bayang Israelita. Sa ilalim ng kaniyang mga paa ay mayroong isang bagay na tulad ng simentong gawa sa mga asul na bato na tinawag na sapiro. Ang mga ito ay kasing linaw ng langit kapag walang mga ulap.
\v 11 Hindi sinaktan ng Diyos ang mga nakatatanda ng Israelita dahil nakita nila siya. Nakita nila ang Diyos, at magkakasama silang kumain at uminom!
\s5
\p
\v 12 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Umakyat ka dito sa akin sa tuktok nitong bundok. Habang ikaw ay narito, ibibigay ko sa iyo ang dalawang tipak ng bato na aking isinulat ang lahat ng mga batas na aking binigay para sa iyo para ituro sa mga tao."
\v 13 Pagkatapos pinuntahan ni Moises ang kaniyang lingkod na si Josue sa bahagi ng daan paakyat sa bundok na naroon ang Diyos.
\s5
\v 14 Ngayon sinabihan ni Moises ang mga nakatatanda, "Maghintay kayo dito kasama ang ibang mga tao hanggang kami ay makabalik! Huwag ninyong kalimutan na sina Aron at Hur ay kasama ninyo, kaya kung sinuman sa inyo ang mayroong hindi pagkakaunawaan habang wala ako, maaari siyang pumunta sa dalawang lalaking iyon."
\v 15 Pagkatapos umalis si Moises patungo sa kaniyang daanan paakyat sa bundok, at binalot ng ulap ang bundok.
\s5
\v 16 Ang kaluwalhatian ng Diyos ay bumaba sa ibabaw ng bundok at binalutan ito sa loob ng anim na araw. Sa ikapitong araw, tinawag ni Yahweh si Moises mula sa gitna ng ulap.
\v 17 Habang nakatingin ang bayang Israelita sa ibabaw ng bundok, ang kaluwalhatian ni Yahweh ay tulad ng isang malaking apoy na nagliliyab doon.
\v 18 Pumunta si Moises sa loob ng ulap na nasa ibabaw ng bundok at nanatili siya roon ng apatnapung araw at gabi.
\s5
\c 25
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Sabihin sa mga Israelita na sila ay dapat magbigay ng mga handog sa akin. Tanggapin mula sa mga tao ang bawat handog na gusto nilang ibigay sa akin.
\s5
\v 3 Ito ang mga bagay na maaari nilang ihandog: ginto, pilak, tanso,
\v 4 asul, at lila at pulang balahibo ng tupa, pinong lino, buhok ng kambing para gawing damit,
\v 5 mga balat ng lalaking tupa na pinapaitim, mga balat ng baka, matigas na kahoy mula sa mga puno ng akasya,
\v 6 langis ng olibo para sa mga ilawan, mga pampalasang ilalagay sa langis ng olibo para pangpahid ng mga pari, at mga pampalasa para ilagay sa mabangong insenso,
\v 7 mga batong oniks at iba pang mamahaling mga bato para ikabit sa banal na tapis ng pari at para ilagay sa bulsa ng dibdib iyon ay para ikabit sa tapis.
\s5
\v 8 Sabihan ang mga tao na gumawa ng isang malaking banal na tolda para sa akin para ako ay manirahan sa kanilang kalagitnaan.
\v 9 Dapat nilang gawin ang banal na tolda at ang lahat ng mga bagay na gagamitin sa loob nito ayon sa plano na aking ipapakita sa iyo.
\s5
\p
\v 10 Sabihan ang mga tao na gumawa ng banal na kaban mula sa kahoy ng akasya. Ito ay isang metrong haba, 0.7 metrong lawak, at 0.7 metrong taas.
\v 11 Balutin ang kaban ng purong ginto sa loob at sa labas at lagyan ng isang gintong hangganan sa paligid ng tuktok nito.
\s5
\p
\v 12 Dapat silang gumawa ng apat na argolya mula sa ginto at ikabit sila sa mga paa ng kaban. Lagyan ng dalawang mga argolya sa bawat gilid ng kaban.
\p
\v 13 Dapat silang gumawa ng dalawang baras mula sa kahoy ng akasya, at dapat balutin nila ang mga ito sa ginto.
\v 14 Dapat nilang ilagay ang mga baras sa mga argolya sa mga gilid ng kaban para ang kaban ay maaaring dalhin sa pamamagitan ng mga baras.
\s5
\v 15 Ang mga baras ay dapat palaging maiwan sa mga argolya; dapat hindi nila kunin ang mga baras sa mga argolya.
\v 16 Ilagay sa loob ng kaban ang dalawang tipak na bato na ibibigay ko sa iyo na sinulat ko ang aking mga utos.
\v 17 Sabihan sila na gumawa ng isang takip para sa kaban mula sa purong ginto; ito ang magiging lugar kung saan tatakpan ko ang mga kasalanan ng mga tao. Ito rin ay isang metrong haba at 0.7 metrong lawak.
\v 18 Sabihan sila na magpanday ng isang malaking tipak ng ginto sa anyo ng dalawang nilalang na may mga pakpak para sa dalawang mga dulo ng takip.
\s5
\p
\v 19 Ang isa nito ay ilalagay sa bawat dulo ng kaban, pero ang ginto mula sa kung saan sila gumawa ay dapat pagsamahin sa ginto mula sa kung saan ang panakip ay ginawa.
\v 20 Sabihan sila na ilagay ang may pakpak na mga nilalang para ang kanilang mga pakpak ay mag-abot sa bawat isa at maunat sa buong takip. Magkaharap ang dalawang may pakpak na mga nilalang sa isa't isa at sila ay kapwang nakatingin patungo sa gitna ng kaban.
\v 21 Ilagay ang mga tipak na bato na ibibigay ko sa iyo sa loob ng kaban. Pagkatapos idikit ang takip sa ibabaw ng kaban.
\s5
\v 22 Magtatakda ako ng mga panahon para makipag-usap sa iyo roon. Mula sa itaas ng takip ng kaban, sa pagitan ng dalawang may pakpak na mga nilalang, sasabihin ko sa iyo ang lahat ng aking mga batas na dapat mong ihatid sa bayang Israelita.
\s5
\p
\v 23 Sabihan sila na gumawa ng isang mesa mula sa kahoy ng akasya. Ito ay 0.9 metrong haba, 0.5 metrong lawak, at 0.7 metrong taas.
\p
\v 24 Sabihan sila na balutin ito sa purong ginto at lagyan ng gintong hangganan sa paligid nito.
\s5
\v 25 Sabihan sila na gumawa ng isang gilid sa lahat ng palibot nito, walong sentimetrong lawak, at lagyan ng isang gintong hangganan sa palibot ng gilid.
\v 26 Sabihan sila na gumawa ng apat na argolya mula sa ginto at ikabit sila sa apat na kanto ng mesa, isang argolya malapit sa bawat paa ng mesa.
\p
\v 27 Ang mga argolya ay dapat nakakabit sa mesa malapit sa gilid na nasa paa nang sa gayon ay mabuhat ang mesa kasama ang mga baras.
\s5
\v 28 Gumawa ng dalawang baras mula sa kahoy ng akasya at balutin sila sa ginto. Ang mga baras na magdadala ng mesa ay ipasok sa mga argolya.
\v 29 At saka sabihin sa kanila na gumawa ng mga plato, mga kutsara, mga garapon, at mga mangkok para magamit ng mga pari kapag nagbubuhos ng alak para ihandog sa akin. Sila ay dapat gawa sa purong ginto.
\v 30 Sa mesa sa harapan ng kaban, dapat palaging mayroong tinapay para itanghal sa aking harapan na hinandog ng mga pari sa akin.
\s5
\p
\v 31 Sabihan sila na gumawa ng isang ilawan mula sa purong ginto. Sila ay dapat magpanday ng isang malaking tipak ng gintopara gumawa ng patungan ng katawan ng poste nito. Ang mga sanga ng ilawan, ang mga tasa para taglayin ang langis, ang usbong na bulaklak at ang mga talulot ng bulaklak na pangpalamuti sa mga sanga ng ilawan, ng patungan, at ng katawan ng poste ay lahat pinanday mula sa isang malaking tipak ng ginto.
\v 32 May anim na sanga sa ilawan, tatlo sa bawat gilid ng katawan ng poste.
\s5
\v 33 Ang bawat sanga ay dapat magkaroon ng tatlong gintong mga palamuti na magmumukhang katulad ng bulaklak ng almendras. Ang mga palamuting ito ay dapat mayroon din usbong at talulot na bulaklak.
\v 34 Sa katawan ng poste ng ilawan ay dapat mayroong apat na gintong mga palamuti na mukha ring katulad ng almendras, ang bawat isa ay may usbong ng bulaklak at talulot.
\s5
\v 35 Sa bawat gilid, magkaroon ng isang usbong ng bulaklak sa ilalim ng bawat sanga.
\v 36 Ang lahat ng usbong na ito at ang mga sanga, sa tabi ng katawan ng poste, ay pinanday mula sa isang malaking tipak ng purong ginto.
\s5
\v 37 Sabihan mo rin sila na gumawa ng pitong maliliit na mga tasa para mataglay ang langis. Ang isa ay ilagay sa ibabaw ng katawan ng poste at ang iba ay ilagay sa ibabaw ng mga sanga. Ilagay ang mga tasang ito para ang ilawan ay mailawan, ang liwanag ay sisikat patungo sa harapan ng ilawan.
\v 38 Sabihan sila na gumawa ng mga panipit mula sa purong ginto, para alisin ang sinunog na mga mitsa at mga bandeha kung saan ilalagay ang sinunog na mga mitsa.
\v 39 Sabihan sila na gumamit ng 34 kilo ng purong ginto para gawin ang ilawan, ang mga panipit, at ang mga bandeha.
\v 40 Tiyakin na sila ay gagawa ng mga bagay na ito ayon sa aking mga tagubilin na ibinigay sa iyo dito sa bundok na ito."
\s5
\c 26
\p
\v 1 Sabihan mo ang mga tao na gumawa ng banal na tolda gamit ang sampung mahaba na mga mahabang piraso ng pinong lino. Dapat silang kumuha ng asul, lila at pulang sinulid at isang sanay na manggagawa na kailangang magburda nitong mga mahabang piraso na may mga guhit na kumakatawan sa mga nilikhang may pakpak na nasa itaas ng kahon.
\v 2 Bawat mahabang piraso ay magiging 12.5 metro ang haba at 1.8 metro ang lapad.
\v 3 Sabihan mo sila na tumahi ng limang magkakasamang mahabang piraso para makagawa ng isang pangkat, at tumahi ng limang magkakasamang mahabang piraso para makabuo ng isa pang pangkat.
\s5
\v 4 Sa bawat pangkat, dapat gumawa ng mga silong asul na tela, itali ang mga ito sa labas ng gilid ng mahabang piraso, sa dulo ng bawat pangkat.
\v 5 Dapat maglagay ng limampung silo sa gilid ng unang pangkat, at limampung silo sa gilid ng ikalawang pangkat na ang mga silo ay magkasalungat sa bawat isa.
\v 6 Sabihan sila na gumawa ng mga limampung ginto na kawit para itali ang dalawang pangkat na magkasama. Kaya ang kinalabasan, ang loob ng banal na tolda ay tila naging isang piraso.
\s5
\p
\v 7 Sabihan mo rin sila na gumawa ng isang pantakip para sa banal na tolda mula sa labing isang tela na gawa sa buhok ng kambing.
\v 8 Bawat piraso ng tela ay magiging 13.5 metro ang haba at 1.8 metro ang lapad.
\v 9 Sabihan mo sila na tahiin ang lima sa mga piraso ng tela para maging isang pangkat, at tahiin ang ibang anim na mga piraso ng tela na magkakasama para makagawa ng isa pang pangkat. Dapat tiklupin sa kalahati ang ika-anim na piraso ng tela para doble ito sa harap ng banal na tolda.
\s5
\v 10 Sabihan sila na gumawa ng isang daang silo ng asul na tela at magtali ng mga ito ng limampu sa labas na dulo ng isang pangkat at itali ang limampu sa labas na dulo ng ibang pangkat.
\v 11 Sabihan sila na gumawa ng limampung kawit na tanso at ilagay ito sa mga telang silo para pagsamahin ang dalawang pangkat. Bilang kinalabasan, ang takip para sa banal na tolda ay tila naging isang piraso.
\s5
\p
\v 12 Hayaan ang sobrang bahagi ng pantakip, ang bahagi na lagpas sa linong tela, na nakasabit sa likod ng banal na tolda.
\v 13 Ang naiwang kalahating metro ng bawat takip, ang bahagi na lumampas ay lagpas sa linong tela sa bawat gilid, dapat nakabitin sa dalawang gilid ng banal na tolda para pangalagaan ang mga gilid.
\v 14 Sabihan sila na gumawa ng dalawa pang mga takip para sa banal na tolda. Ang isa ay gawa mula sa balat ng lalaking tupa na tinina ng pula, ang takip sa taas ay gawa mula sa pinong balat.
\s5
\p
\v 15 Sabihan sila na gumawa ng apatnapu't walong balangkas na mula sa kahoy ng akasya, mga balangkas na itatayo para isabit ang takip ng banal na tolda mula ng mga ito.
\v 16 Bawat balangkas ay magiging 4.5 metro ang haba at 0.7 metro ang lapad.
\v 17 Dapat gumawa sila ng dalawang usli sa ilalim ng bawat balangkas. Ikakabit ang mga balangkas sa mga pundasyon sa ilalim ng mga ito. Dapat gumawa ng mga usli sa ilalim sa bawat balangkas.
\p
\v 18 Gumawa ng dalawampung balangkas para sa timog na bahagi ng banal na tolda.
\s5
\v 19 Sabihan sila na gumawa ng apatnapung pilak na pundasyon papunta sa ilalim ng mga ito. Dalawang pundasyon ay papunta sa ilalim ng bawat balangkas. Ang mga usli sa ilalim ng bawat balangkas ay gagawin para tumugma ito sa mga pundasyon.
\v 20 Gayon din, sabihan mo sila na gumawa ng dalawampung balangkas para sa hilagang bahagi ng banal na tolda.
\v 21 Dapat gumawa sila ng apatnapung pilak na pundasyon para sa mga ito na mayroong mga dalawang pundasyon na ilalagay sa ilalim ng bawat balangkas.
\s5
\v 22 Para sa likuran ng banal na tolda, sa kanlurang bahagi, sabihan mo sila na gumawa ng anim na balangkas.
\p
\v 23 Sabihan din sila na gumawa ng dalawa pang balangkas, isa sa bawat sulok sa likuran ng banal na tolda, para magbigay ng karagdagang tibay.
\v 24 Ang dalawang sulok na balangkas ay dapat ihiwalay sa ilalim pero magkasama sa itaas. Sa itaas ng bawat dalawang sulok na balangkas ay dapat mayroon isang gintong argolya para hawakan ang pahalang na haligi.
\v 25 Sa ganoong paraan, para sa likuran ng banal na tolda ay magkakaroon ng walong balangkas, at magkakaroon ng labing anim na pundasyon, dalawa sa ilalim ng bawat balangkas.
\s5
\p
\v 26 Sabihan sila na gumawa ng labing limang pahalang na haligi na mula sa kahoy ng akasya. Lima sa mga ito ay magiging para sa balangkas sa hilagang bahagi ng banal na tolda,
\v 27 lima ay para sa timog na bahagi, at lima para sa mga balangkas sa itaas ng banal na tolda, sa kanlurang bahagi.
\v 28 Sabihan sila na itali ang mga pahalang na haligi sa hilaga, timog, at kanlurang mga bahagi ng banal na tolda sa kalagitnaan ng mga balangkas. Ang mga dalawang mahaba ay dapat umabot mula sa isang dulo hanggang sa kabila ng banal na tolda, at ang pahalang sa kanlurang bahagi ay dapat humaba mula sa isang bahagi ng banal na tolda papunta sa kabila.
\s5
\v 29 Sabihan sila na takpan ang mga balangkas ng ginto, at gumawa ng mga gintong argolya para ikabit ang pahalang na haligi sa mga balangkas. Ang pahalang na mga haligi ay dapat ding balutin ng ginto.
\v 30 Magtayo ng banal na tolda sa paraan na ipinakita ko sa iyo dito sa bundok."
\s5
\p
\v 31 Sabihan sila na gumawa ng kurtina mula sa pinong lino. Buburdahan ng isang mahusay na manggagawa ng asul, lila, at pulang sinulid para makagawa ng disenyong kumakatawan sa may pakpak na nilikha na nasa itaas ng kahon.
\v 32 Sabihan sila na isabit ang kurtina mula sa apat na poste na gawa sa kahoy ng akasya at balutin ng ginto. Ilagay ang bawat poste sa isang pilak na pundasyon.
\v 33 Dapat isabit ang kurtina sa itaas gamit ang mga kawit na nakatali sa bubong ng banal na tolda. Sa likod ng kurtina, sa silid na tinatawag na napakabanal na lugar, dapat ilagay nila ang kahon na may laman ng dalawang tipak na mga bato na nakasulat ang aking mga kautusan. Ang kurtinang iyon ang maghihiwalay sa banal na lugar mula sa napakabanal na lugar.
\s5
\p
\v 34 Dapat silang maglagay ng takip sa itaas ng kahon ng napakabanal na lugar.
\v 35 Ang silid na nasa labas ng napakabanal na lugar, dapat silang maglagay ng mesa para sa banal na tinapay sa hilagang bahagi, at ilagay ang ilawan sa timog na bahagi.
\s5
\p
\v 36 Sabihan sila na gumawa ng kurtina para takpan ang pasukan ng banal na tolda. Dapat silang gumawa nito mula sa pinong lino, at ang mahusay na manghahabi ang dapat magbuburda nito ng asul, lila, at pulang sinulid.
\v 37 Para makakapit ang kurtina, dapat gumawa ng limang poste na gawa sa kahoy ng akasya. Dapat takpan nila ito ng ginto at pagtibayin ang gintong mga kawit ng mga ito. Dapat din silang gumawa ng tansong pundasyon para sa bawat isa sa mga posteng ito.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Sabihin sa kanila na gumawa ng altar mula sa kahoy ng akasya. Ito ay dapat parisukat, na 2.2 metro ang haba sa bawat gilid at gawin itong 1.3 metro ang taas.
\v 2 Kailangan nilang gumawa ng usli na katulad ng isang sungay sa bawat tuktok na mga sulok. Kailangan nakaukit ang mga usli mula sa tipak ng kahoy bilang altar. Sabihin sa kanila na balutin ang buong altar ng tanso.
\s5
\v 3 Dapat silang gumawa ng mga kawali kung saan ilalagay ang mga abo mula sa hayop na mga alay. Gayundin dapat silang gumawa ng mga pala para sa paglilinis ng abo, mga palanggana at mga tinidor para itusok sa karne kung ito ay luto na at balde para dadalhin ang mainit na mga uling. Lahat ng mga bagay na ito ay dapat gawa mula sa tanso.
\v 4 Sabihin din sa kanila na gumawa ng tansong rehas para pigilan ang kahoy sa nasusunog na uling. Kailangan nilang ikabit sa bawat mga sulok ng altar ang isang tansong argolya para madala ang altar.
\s5
\p
\v 5 Dapat nilang ilagay ang rehas sa ilalim ng tagiliran na nasa paligid ng altar. Dapat nilang gawin ito sa loob ng altar, kalahati pababa.
\v 6 Sa pagbubuhat ng altar, dapat silang gumawa ng mga poste mula sa kahoy ng akasya at balutin ang mga ito ng tanso.
\s5
\v 7 Dapat nilang ilagay ang mga poste sa pamamagitan ng mga argolya sa bawat tagiliran ng altar. Ang mga poste ay para sa pagdadala ng altar.
\v 8 Ang altar ay magiging tulad ng isang kahon, gawa mula sa mga tabla na kahoy ng akasya. Dapat nilang gawin ito ayon sa mga bilin na aking ibinigay sa iyo, dito sa bundok na ito.
\s5
\p
\v 9 Sa paligid ng sagradong tolda mayroon doong patyo. Para magawa ang patyo, sabihin sa kanila na gumawa ng mga kurtina ng pinong lino. Sa bahaging timog, ang kurtina ay magiging apatnapu't apat na metro ang haba.
\v 10 Para pang-alalayan ang kurtina, sabihiin sa kanila na gumawa ng dalawampung mga tansong poste at isang tansong patunganan ng bawat poste. Para ikabit ang mga kuritna sa mga poste, dapat silang gumawa ng pilak na kawit, at bakal na mga baras na binalot sa pilak para humigpit ang mga kurtina sa mga kawit.
\s5
\v 11 Dapat silang gumawa ng parehong uri ng mga kurtina para sa hilagang bahagi ng patyo.
\v 12 Sa kanlurang bahagi ng patyo dapat silang gumawa ng isang kurtina na dalawampu't dalawang metro ang haba. Ang mga kurtina ay dapat inalalayan ng sampung mga poste, na may isang pundasyon sa ilalim ng bawat poste.
\v 13 Sa silangang bahagi, kung saan ang pasukan ay naroon, dapat ang patyo ay dalawampu't dalawang metro ang luwag.
\s5
\v 14-15 Sabihin sa kanila na gumawa ng kurtina na pitong metro ang luwag na may tatlong mga poste at tatlong mga pundasyon sa bawat tagiliran ng pasukan hanggang sa patyo.
\v 16 Dapat nilang gawin ang kurtina mula sa pinong pinulupot na lino, siyam na metro ang haba para sa pasukan. Ang isang bihasang tagaburda ay dapat magburda nitong asul, lila at matingkad na pula. Dapat itong nakaalalay sa apat na mga poste ang bawat isa ay may isang pundasyon sa ilalim nito.
\s5
\v 17 Lahat ng mga poste sa paligid ng patyo ay dapat may nakataling pilak sa paligid nito. Ang mga pampahigpit ay dapat gawa sa pilak, at ang mga pundasyon dapat gawa sa tanso.
\p
\v 18 Ang buong patyo, mula sa silangang pasukan hanggang sa kanlurang dulo, dapat apatnapu't anim na metro ang haba at dalawampu't dalawa ang luwag at ang mga kurtina na nakadikit nito ay kailangang 2.3 metro ang taas. Lahat ng mga kurtina ay dapat gawa sa pinong pinulupot na lino, at lahat ng mga pundasyon sa ilalim ng mga poste ay dapat gawa sa tanso.
\v 19 Lahat ng mga bagay na hindi gawa sa ginto ay maaaring gamitin sa loob ng sagradong tolda at sa patyo, at lahat ng tulos ng tolda para alalayan ang sagradong tolda at ang mga kurtina, dapat gawa sa tanso.
\s5
\p
\v 20 Utusan ang bayang Israelita na dapat dalhin nila sa iyo ang pinakamagandang uri ng langis ng olibo para sunugin sa ilawan. Kailangan nilang dalhin itong langis sa iyo para ang ilawan ay manatiling umiilaw.
\v 21 Dapat nilang ilagay ang lampara sa labas ng kurtina na nasa harap ng sagradong kaban na naglalaman ng tipak na bato na kung saan nakasulat ang aking mga kautusan. Si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki ay dapat ingatan ang lampara mula gabi hanggang sa umaga araw-araw. Ang bayang Israelita ay dapat sumunod sa kautusan sa buong kaapu-apuhan at sa hinaharap na salinlahi."
\s5
\c 28
\p
\v 1 Tawagin ang nakatatanda mong kapatid na si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazer, at Itamar. Ihiwalay sila mula sa mga Israelita para maaari silang maglingkod sa akin bilang mga pari.
\v 2 Sabihan mo ang bayan na gumawa ng mga magagandang damit para kay Aaron, mga damit na angkop para sa isang may ganitong marangal at banal na trabaho.
\v 3 Makipag-usap ka sa lahat ng mga lalaking manggagawa, na binigyan ko ng kakayahan na gumawa ng mga bagay. Sabihan sila na gumawa ng mga damit para kay Aaron para isuot niya kapag ihiwalay siyang maging isang pari para maglingkod sa akin.
\s5
\v 4 Ang mga damit na gagawin nila ay isang sagradong sisidlan para kay Aaron na isusuot sa ibabaw ng kaniyang dibdib, isang sagradong tapis, isang balabal, isang burdadong tunika, isang turbante, at isang sintas. Ito ang mga damit na kailangang isuot ng iyong nakatatandang kapatid na si Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki habang sila ay naglilingkod sa akin sa pamamagitan ng paggawa sa trabaho na ginagawa ng mga pari.
\v 5 Ang bihasang manggagawang lalaki ay dapat gumamit ng pinong lino at asul, lilak, at pulang sinulid sa paggawa ng mga damit na ito.
\s5
\p
\v 6 Dapat gumawa ang bihasang manggagawang lalaki ng sagradong tapis mula sa pinong lino, at dapat nilla itong burdahan nang mabuti ng asul, lilak, at pulang sinulid, at ng pinong gintong kawad.
\v 7 Dapat magdudugtong ito sa harap na parte hanggang sa likod na parte.
\v 8 Isang maingat na inihabing sinturon, kung saan dapat gawa mula sa parehong kagamitan tulad ng sagradong tapis, dapat nakatahi ito sa tapis.
\v 9 Dapat kumuha ang isang bihasang manggagawang lalaki ng dalawang bato ng oniks at iukit dito ang mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Jacob.
\s5
\p
\v 10 Dapat niyang iukit ang mga pangalan ayon sa kapanganakan sa mga anak na lalaki ni Jacob. Dapat niyang iukit ang anim ng mga pangalan sa isang bato at ang ibang anim na mga pangalan ay sa isa pang bato.
\v 11 Dapat ukitin ito ng isang hiyas na mananabas sa dalawang bato. Pagkatapos dapat ikabit niya ang mga bato sa lalagyang ginto.
\v 12 Pagkatapos dapat ikabit niya ang mga bato sa mga tali ng balikat sa sagradong tapis para kumatawan sa labindalawang lipi ng Israel. Sa paraang iyon, si Aaron ang magdadala ng mga pangalan ng mga lipi sa kaniyang mga balikat parang ako, si Yahweh, hindi kailanman malilimutan ang aking bayan.
\s5
\v 13 Ang mga lalagyan para sa mga bato ay dapat gawa mula sa ginto.
\v 14 Sabihan sila na gumawa ng dalawang kadenang gintong tinirintas gaya ng mga tali para ikabit ang mga kadena sa mga lalagyan."
\s5
\p
\v 15 Sabihan ang bihasang manggagawang lalaki na gumawa ng sagradong sisidlan para kay Aaron para isuot sa ibabaw ng kaniyang dibdib. Gagamitin niya ito para malaman ang gusto kong gawin ng mga tao. Dapat nilang gawin ito sa parehong kagamitan gaya ng sagradong tapis, at dapat nilang burdahan ito sa parehong paraan na may ginto, asul, lilak, at pulang pinong lino.
\v 16 Ito ay magiging parisukat, at ang kagamitan ay dapat nakatupi ng doble para ito ay 23 sentimetro ang haba at 23 sentimetro ang lapad.
\s5
\v 17 Dapat ang bihasang manggagawang lalaki ay magkabit ng apat na mga hanay ng mga mahalagang mga bato sa sisidlan. Sa unang hanay, dapat lagyan niya ng isang pulang rubi, isang dilaw na topaz, at isang pulang karbungko.
\p
\v 18 Sa ikalawang hanay, dapat lagyan niya ng isang berdeng esmeralda, isang asul na safiro, at isang brilyante.
\v 19 Sa pangatlong hanay dapat lagyan niya ng isang pulang jacinto, isang puting agata, at isang lilang ametista.
\v 20 Sa pang-apat na hanay, dapat lagyan niya ng dilaw na berilo, isang kornalina, at isang berde na jasper. Lahat ng mga batong ito ay dapat nakakabit sa lalagyang ginto.
\s5
\v 21 Dapat iukit ng isang hiyas na mananabas ang bawat pangalan ng mga anak na lalaki ni Jacob sa labindalawang bato. Ang mga pangalang ito ay kumakatawan sa labindalawang lipi ni Israel.
\v 22 Ang dalawang kadena na gawa mula sa purong ginto at tinirintas gaya ng mga tali ay para sa pagkabit ng sagradong sisidlan papunta sa sagradong tapis.
\v 23 Ang manggagawang lalaki ay dapat gumawa ng dalawang gintong singsing at ikabit ito sa itaas na bahagi ng mga kanto sa sagradong sisidlan.
\v 24 Dpaat siyang gumawa ng dalawang gintong mga tali at ikabit ang isang dulo sa bawat isang tali ng mga singsing.
\s5
\v 25 Dapat niyang ikabit ang ibang dulo sa bawat tali patungo sa dalawang lalagyan na nakapalibot sa mga bato. Sa paraang ito, ang sagradong sisidlan ay ikakabit sa mga tali ng balikat sa sagradong tapis.
\v 26 Pagkatapos dapat siyang gumawa ng dalawa pang gintong singsing at ikabit sila sa bandang ibaba ng mga sulok sa sagradong sisidlan sa loob ng mga gilid kasunod ng sagradong tapis.
\s5
\v 27 Dapat siyang gumawa ng dalawa pang gintong singsing at ikabit sila sa ibabang bahagi sa harap ng mga tali sa balikat malapit kung saan ang mga tali sa balikat ay pinagsama sa sagradong tapis na nasa ibabaw lamang ng sintas.
\v 28 Dapat itali ng bihasang manggagawang lalaki ang mga singsing sa sagradong sisidlan patungo sa singsing ng sagradong tapis gamit ang isang asul na lubid para ang sagradong sisidlan na nasa ibabaw ng sintas ay hindi na matatanggal mula sa sagradong tapis.
\s5
\v 29 Sa paraang iyon, si Aaron ay magkakaroon ng mga pangalan ng labindalawang lipi ng Israel sa sagradong sisidlan malapit sa kaniyang dibdib para sa paggawa ng mga desisyon kapag papasok siya sa banal na lugar.
\v 30 Ipasok sa sagradong sisidlan ang dalawang mga bagay na pinapangalanang Urim at Tummim na gagamitin ng pari para malaman ang aking mga kasagutan sa kaniyang katanungan. Sa ganoong paraan, sila ay maging malapit sa kaniyang dibdib kapag pumasok siya sa banal na lugar para makipag-usap sa akin. Gagamitin niya ang mga ito para malaman ang aking kalooban para sa bayang Israelita."
\s5
\p
\v 31 "Sabihan ang mga manggagawang lalaki na maghabi lamang ng lilak na tela para sa balabal na dapat isuot sa ilalim ng sagradong tapis ng pari.
\v 32 Para magkaroon ito ng bukasan kung saan maaaring ilalagay ng pari ang kaniyang ulo. Dapat nilang tahiin ang hangganan sa gilid ng bukasan na ito para mapanatilihin ang kagamitan mula sa pagkapunit.
\s5
\v 33 Sa ibabang bahagi ng balabal, dapat nilang ikabit ang mga palamuti na kamukha ng prutas ng granada. Dapat nilang ihabi mula sa asul, lilak, at pulang sinulid.
\v 34 Sa pagitan ng bawat palamuting ito, dapat nilang ikabit ang isang maliliit na gintong kampanilya.
\v 35 Kapag papasok si Aaron sa banal na lugar sa sagradong tolda para gawin ang kaniyang trabaho bilang isang pari at kapag aalis siya sa sagradong tolda, ang mga kampanilya ay tutunog habang lumalakad siya. Bilang isang resulta, hindi siya mamamatay dahil sa pagsuway sa aking mga tagubilin.
\s5
\p
\v 36 Sabihan sila na gumawa ng isang maliit na palamuti ng purong ginto, at sabihin sa isang bihasang manggagawang lalaki na ukitin doon ang mga salitang, 'Ihandog kay Yahweh.'
\v 37 Dapat ikabit nila ang mga palamuting ito sa harap ng turbante sa pamamagitan ng isang asul na lubid.
\v 38 Dapat palaging isuot ni Aaron ang turbante sa kaniyang noo. Dapat si Aaron mismo ang tumanggap ng pagkakasala ng bayang Israelita dahil sa anumang pagkabigo sa pag-alay ng kanilang banal na mga regalo kay Yahweh na kaniyang inutos. Kapag ginawa ito ni Aaron, maaaring tanggapin ni Yahweh ang kanilang mga regalo.
\s5
\v 39 Sabihan sila na maghabi ng mahabang manggas na tunika mula sa pinong lino. Dapat din silang gumawa ng isang turbante at isang sintas mula sa pinong lino, at dapat burdahan nila ito ng mga palamuti.
\s5
\p
\v 40 Sabihan sila na gumawa ng magandang mahabang manggas na tunika, mga sintas, mga sinturon, at mga sombrero para sa mga anak na lalaki ni Aaron. Gumawa ng ilan na magiging angkop sa kanila na mayroong ganitong marangal na trabaho.
\v 41 Isuot ang mga damit na ito sa nakatatanda mong kapatid na si Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Pagkatapos ihiwalay sila para sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagbubuhos sa kanila ng olibong langis para sila ay maglingkod sa akin bilang mga pari.
\s5
\v 42 Sabihan din sila na gumawa ng linong salawal para sa kanila. Ang salawal ay dapat pahabain mula sa kanilang mga baywang hanggang sa kanilang mga hita para walang makakita ng kanilang pribadong mga parte.
\v 43 Dapat si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ay parating isuot iyong mga salawal kapag papasok sila sa sagradong tolda o kapag pupunta sila malapit sa altar para maghandog ng mga alay sa banal na lugar. Kung hindi nila susundin ang seremonyang ito, ako ang magdudulot na sila ay mamatay. Dapat si Aaron at ang kaniyang mga kaapu-apuhang lalaki ay susunod sa patakaran na ito magpakailanman."
\s5
\c 29
\p
\v 1 "Gawin ang sumusunod na mga bagay para sa pagtatalaga kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki para maglingkod sa akin bilang mga pari. Pumili ng isang batang toro at dalawang lalaking tupa na walang anumang kapintasan.
\v 2 Maghurno ng tatlong uri ng tinapay gamit ang pinong trigong harina na walang lebadura. Maghurno ng ilang tinapay na walang olibong langis sa mga ito, maghurno ng ilang tinapay na mayroong olibong langis sa masa, at maghurno ng ilang manipis na mga apa na pinahiran ng olibong langis pagkatapos nitong lutuin.
\s5
\v 3 Ilagay mo sila sa basket at ihandog sila sa akin kapag iaalay ninyo ang batang toro at dalawang lalaking tupa.
\v 4 Kunin si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa pasukan ng banal na tolda, at hugasan sila ng tubig.
\s5
\v 5 Pagkatapos ilagay ang natatanging kasuotan ni Aaron—mahabang manggas na tunika, ang balabal na isusuot sa ilalim ng banal na tapis, ang banal na tapis, ang banal na lalagyan, at ang laso.
\v 6 Ilagay ang turbante sa kaniyang ulo, at ikabit sa turbante ang panggayak na may salitang 'Inilaan kay Yahweh' na nakaukit dito.
\v 7 Pagkatapos kunin ang langis at buhusan ng kaunti ang kaniyang ulo sa pagtalaga sa kaniya.
\s5
\v 8 Pagkatapos dalhin ang kaniyang mga anak na lalaki at isuot ang mahabang manggas na tunika sa kanila.
\v 9 Ilagay ang mga laso palibot sa kanilang baywang at ang takip sa kanilang mga ulo. Iyon ang ritwal kung paano mo sila itatalaga na maging pari. Si Aaron at ang kaniyang mga lalaking kaapu-apuhan ay dapat maglingkod sa akin bilang pari magpakailanman.
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos dalhin ang batang toro sa pasukan ng banal na tolda. Sabihan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na ilagay ang kanilang mga kamay sa ulo ng batang toro.
\v 11 Pagkatapos, habang ginagawa nila iyon, patayin ang batang toro sa pamamagitan ng paglaslas ng lalamunan nito at saluhin ng mangkok ang dugo.
\s5
\v 12 Kunin ang kaunting dugo sa iyong kamay at ipahid ito sa mga anyo ng altar. Itapon ang natirang dugo doon sa paanan ng altar.
\p
\v 13 Kunin ang lahat ng taba na nakatakip sa laman-loob ng batang toro, ang tabang nakatakip sa atay at ng dalawang lapay ng taba sa mga ito, at sunugin ang lahat ng ito sa altar bilang paghahandog sa akin.
\v 14 Pero ang laman ng batang toro at ang balat nito at mga laman-loob ay dapat sunugin sa labas ng kampo. Iyon ay magiging handog para sa inyong mga kasalanan.
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos piliin ang isa sa mga lalaking tupa, at sabihan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na ipatong ang kanilang mga kamay sa ulo nito.
\v 16 Pagkatapos patayin ang lalaking tupa sa pamamagitan ng paglaslas ng lalamunan nito. Saluhin ang kaunting dugo at itapon ito sa apat na gilid ng altar.
\v 17 Pagkatapos hiwain ang lalaking tupa pira-piraso. Hugasan ang laman-loob at ang binti nito, at ilagay ang mga iyon kasama ang ulo.
\v 18 Pagkatapos sunugin sila ng ganap sa altar kasama ang natira sa lalaking tupa. Iyon ay magiging sinunog na handog sa akin, si Yahweh, at ang amoy ay makalulugod sa akin.
\s5
\p
\v 19 Kunin ang ibang lalaking tupa na pinili para sa mga ritwal na ito, at sabihan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na ipatong ang kanilang mga kamay sa ulo nito.
\v 20 Pagkatapos patayin ang lalaking tupa sa pamamagitan ng paglaslas ng lalamunan nito, at saluhin ng mangkok ang kaunting dugo. Magpahid ng kaunting dugo sa umbok ng kanang tainga ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki, at sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa. Itapon ang natirang dugo doon sa apat na gilid ng altar.
\s5
\p
\v 21 Punasan ng kaunting dugo ang na nasa altar, ihalo ito sa kaunting langis para ipangpahid at iwisik ito kay Aaron at sa kaniyang mga damit, at sa kaniyang mga anak na lalaki at sa kanilang mga damit. Sa paggawa nito, itatalaga mo sila at ang kanilang mga damit sa akin.
\s5
\v 22 At saka, hiwain ang taba ng lalaking tupa, ang taba ng buntot, at ang taba na nakatakip sa laman-loob, ang pantakip sa atay, ang dalawang lapay na may kasamang taba nito, at ang kanang hita. (Ang lalaking tupang ito ay para sa pagtatalaga kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki sa akin bilang mga pari.)
\v 23 Mula sa basket, kumuha rin ng isa sa bawat uri ng tinapay na hinurno na walang lebadura—isang ginawa na walang langis, isang may langis, at isang manipis na apa.
\s5
\v 24 Ilagay ang lahat ng mga bagay na ito sa kamay ni Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Pagkatapos sabihan sila na iangat sila nang mataas para ilaan sila sa akin.
\v 25 Pagkatapos kunin ang mga iyon mula sa kanilang mga kamay at sunugin sila sa altar, sa ibabaw ng ibang mga bagay na nakalagay doon. Iyon din ay magiging handog para sa akin, at ang amoy nito ay makalulugod sa akin.
\s5
\p
\v 26 Pagkatapos kunin ang dibdib ng pangalawang lalaking tupa na pinatay, at iangat nang mataas bilang isang handog sa akin. Pero pagkatapos itong bahagi ng hayop ay para sa inyo para kainin.
\v 27 Ilaan para sa akin ang dibdib ng lalaking tupa na iyong iniangat nang mataas para ihandog sa akin. Ilaan din para sa akin ang hita ng lalaking tupa na idinulog mo sa akin—kapwa nitong mga pira-piraso mula sa lalaking tupa na kinatay nang ilaan mo para sa akin sina Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki bilang mga pari.
\v 28 Sa hinaharap, kapag ang bayang Israelita ay magdudulog sa akin, si Yahweh, mga handog para maibalik ang pagsasama ng isa't-isa, ang dibdib at ang hita ng mga hayop na kanilang idinulog sa akin ay magiging kay Aaron para kainin at sa kaniyang mga lalaking kaapu-apuhan.
\s5
\v 29 Pagkatapos mamatay ni Aaron, ang natatanging mga damit ni Aaron na kaniyang isinuot ay magiging pag-aari ng kaniyang mga anak na lalaki. Susuotin nila ang mga damit na iyon kapag sila ay ilalaan para maging pari.
\v 30 Ang mga anak na lalaki ni Aaron na magiging pari at papasok sa banal na tolda at gaganap ng mga ritwal sa banal na lugar ay dapat manatili sa banal na tolda, na suot itong mga natatanging damit, sa loob ng pitong araw.
\s5
\p
\v 31 Kunin ang laman ng ibang lalaking tupa na inialay para ilaan kina Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, at pakuluan ito sa patyo.
\v 32 Pagkatapos nitong maluto, dapat kainin ito ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki, kasama ng tinapay na natira sa basket, sa pasukan ng banal na tolda.
\v 33 Dapat nilang kainin ang laman ng lalaking tupa na inialay para takpan ang iyong mga kasalanan nang sila ay itinalaga sa paggawa ng gawaing ito. Sila lamang ang pinahihintulutang kumain ng karneng ito. Hindi papayagan ang mga hindi pari na kumain nito dahil ito ay inilaan para sa mga pari.
\v 34 Kung alinman sa mga karne o ilan sa mga tinapay na hindi nakain nang gabing iyon, walang sinuman ang pinapayagang kumain ng anuman nito sa susunod na araw. Dapat ito ay ganap na masunog dahil ito ay banal.
\s5
\p
\v 35 Ang mga ritwal na ito ang dapat mong sundin sa loob nang pitong araw na iyon kapag itatalaga mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa gawaing ito. Dapat mong gawin lahat ng inutos ko sa iyo.
\v 36 Bawat isa sa pitong araw na iyon ay dapat ka ring mag-alay ng batang toro para sa paghahandog sa akin nang sa gayon patatawarin ko ang inyong mga kasalanan. Dapat ka ring gumawa ng isa pang handog para gawin ang altar na dalisay sa aking paningin. Dapat mo ring buhusan ang altar ng olibong langis para ito ay ilaan.
\v 37 Gawin ang mga ritwal na ito bawat araw sa pitong araw sa paglalaan sa altar at gawin itong dalisay. Pagkatapos ang altar ay magiging pinakabanal, at kung anumang humawak dito ay dapat na ituring na banal.
\s5
\p
\v 38 Dapat kang mag-alay ng mga tupa at sunugin ang mga ito sa altar. Bawat isa sa pitong araw na iyon ay dapat mag-alay kayo ng dalawang tupa.
\v 39 Isang tupa ang dapat ialay sa umaga, at isa naman ang dapat ialay sa gabi.
\s5
\v 40 Kasama ng unang tupa, mag-alay rin kayo ng pinakapinong giniling na trigong harina na hinalo sa isang litrong pinakamainam na uri ng olibong langis, at isang litro ng alak bilang paghahandog.
\s5
\v 41 Sa gabi, kapag iaalay ninyo ang ibang tupa, maghandog ng parehong dami ng harina, olibong langis, at alak tulad ng ginawa ninyo sa umaga. Ito ay magiging handog sa akin, si Yahweh, iyon ay sunugin, at ang amoy ay makalulugod sa akin.
\v 42 Ikaw at ang iyong mga kaapu-apuhan ay dapat ipagpatuloy na gawin ang mga paghahandog sa akin, si Yahweh, ang buong salinlahi sa hinaharap. Dapat ninyong ihandog ang mga ito sa pasukan ng banal na tolda. Iyon ay kung saan ko kayo sasalubungin at kakausapin.
\s5
\v 43 Iyon ay kung saan ko kayo sasalubungin kasama ang bayang Israelita, at ang makinang na liwanag ng aking presensya ay magdudulot sa lugar na iyon na maging banal.
\v 44 Itatalaga ko ang banal na tolda at ang altar. Itatalaga ko rin si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki para maglingkod sa akin bilang mga pari.
\s5
\v 45 Ako ay mamuhay kasama ng bayang Israelita, at ako ay magiging Diyos nila.
\v 46 Malalaman nila na ako si Yahweh na Diyos, ang siyang naglabas sa kanila sa Ehipto nang sa gayon ako ay mamuhay kasama nila. Ako si Yahweh, ang Diyos na kanilang sinasamba."
\s5
\c 30
\p
\v 1 Sabihan mo ang mga bihasang manggagawa na gumawa ng altar na mula sa kahoy ng akasya para sa pagsusunog ng insenso.
\v 2 Ito ay magiging parisukat, kalahating metro sa bawat gilid. Ito ay magiging humigit-kumulang sa 0.9 metro ang taas. Sabihin mo sa kanila na gumawa ng usli na mukhang isang sungay sa bawat tuktok ng mga sulok. Ang mga usli ay dapat ukitin sa kaparehong kahoy kung saan ang altar ay ginawa.
\s5
\v 3 Dapat nilang takpan ang tuktok at ang apat na gilid, kasama ang mga usli, na may purong ginto. Lagyan ng isang hangganang ginto sa paligid ng altar na malapit sa tuktok.
\v 4 Dapat silang gumawa ng dalawang gintong argolya para sa pagbubuhat ng altar. Dapat nilang isama ang mga ito sa baba ng altar sa hangganan, isa sa bawat gilid ng altar. Ang mga argolya na ito ay para sa mga baras para sa pagdadala ng altar.
\s5
\v 5 Sabihan mo sila na gawain itong dalawang baras mula sa kahoy ng akasya at balutin ang mga ito ng ginto.
\v 6 Dapat nilang ilagay ang altar ng insenso sa labas ng kurtina na nakasabit sa harap ng banal na kaban at ng takip nito. Iyon ang lugar kung saan ako ay makikipag-usap sa inyo.
\s5
\v 7 Si Aaron ay dapat magsunog ng matamis na halimuyak ng insenso sa altar na ito. Dapat siyang magsunog ng ilan tuwing umaga kapag kaniyang inaayos ang mga ilawan,
\v 8 at dapat din siyang magsunog ng ilan sa gabi kapag sinisindihan niya ang mga ilawan. Ang insenso ay dapat palaging nasusunog sa lahat ng buong hinaharap ng mga salinlahi.
\p
\v 9 Hindi dapat magsunog ang mga pari sa altar ng anumang insenso na hindi ko sinabi sa inyo na sunugin, o magsunog ng anumang hayop dito, at ni anumang pag-aalay ng harina para sa akin, at ni magbuhos ng anumang alak dito bilang isang pag-aalay.
\s5
\v 10 Isang pagkakataon bawat taon ay dapat ganapin ni Aaron ang ritwal para sa paggawa ng dalisay na altar na ito. Dapat niyang gawin ito sa pamamagitan ng paglalagay sa apat na mga usli ng ilan sa mga dugo na mula sa hayop na inalay para matakpan ang mga kasalanan ng tao. Dapat mag-alay si Aaron at ang kaniyang mga kaapu-apuhan nitong ritwal sa lahat ng buong hinaharap ng mga salinlahi. Ang altar na ito ay dapat mailaan para sa akin, si Yahweh."
\s5
\p
\v 11 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 12 "Kapag ang iyong mga pinuno ay kumuha ng sensus ng bayang Israelita, bawat tao na nabilang ay dapat magbayad sa akin ng isang kabayaran para iligtas ang kaniyang buhay. Dapat nilang gawin ito nang sa gayon ay walang sakunang mangyayari sa kanila habang ang mga tao ay binibilang.
\v 13 Bawat lalaki na binilang ay dapat magbayad sa akin ng humigit-kumulang sa anim na gramong pilak. Dapat silang gumamit ng opisyal na pamantayan ng tabernakulo kapag tinitimbang nila ang pilak. Itong pilak na ito ay para sa pag-aalay kay Yahweh.
\p
\v 14 Lahat ng mga lalaki na hindi bababa sa dalawampung taong gulang ay dapat magbayad ng ganitong halaga sa akin kapag binibilang ang mga tao.
\s5
\v 15 Ang lalaking mayayaman ay hindi dapat magbayad ng sobra sa halagang ito, at ang lalaking mahihirap ay hindi dapat magbayad ng kulang sa halagang ito kapag magbabayad sila nitong pera para iligtas ang kanilang mga buhay.
\v 16 Dapat mangolekta ang inyong mga lider ng perang ito mula sa bayang Israelita at ibigay ito sa mga nangangalaga ng banal ng tolda. Ang perang ito ay pambayad para sa kanilang nabubuhay kaya hindi ito makakalimutan ng mga Israelita.."
\s5
\p
\v 17 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 18 "Sabihan ang mga bihasang manggagawa na gumawa ng isang tansong palangganang hugasan at isang tansong patungan para dito. Dapat nila ito ilagay sa pagitan ng banal na tolda at ng altar at dapat nilang punuin ito ng tubig.
\s5
\v 19 Dapat hugasan ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay at kanilang mga paa sa tubig na ito
\v 20 bago sila pumasok sa banal na tolda at bago sila pumunta sa altar para magsunog ng mga alay bilang mga handog. Kapag sila ay maghuhugas, susundin nila ang aking mga tagubilin at hindi mamamatay.
\v 21 Dapat nilang hugasan ang kanilang mga kamay at mga paa nang sa gayon ay hindi sila mamatay. Sila at mga lalaking mula sa kanila ay dapat sundin itong ritwal sa lahat ng buong mga salinlahi."
\s5
\p
\v 22 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 23 "Sabihan ang mga tao na magtipon ng ilan sa pinakamainam na pampalasa—anim na kilong likido ng mira, tatlong kilong matamis na halimuyak na kanela, tatlong kilong matamis na halimuyak na tubo,
\v 24 at anim na kilong kasia. Siguraduhin na gagamitin nila ang opisyal na pamantayan kapag kanilang titimbangin ang mga bagay na ito.
\p
\v 25 Sabihan ang isang bihasang taga-gawa ng pabango para haluan ang mga ito ng apat na litrong langis ng olibo para gumawa ng banal na langis para sa pagpapahid.
\s5
\v 26 Gamitin ang langis na ito para sa pagpahid ng banal na tolda, ng banal na kaban,
\v 27 ng mesa at lahat na mga bagay na ginamit kasama nito, ang tuntungan ng ilawan at lahat ng mga bagay na ginamit para ayusin ito, ang altar para sa pagsusunog ng insenso,
\v 28 at ang altar para sa paghahandog ng mga alay na ang mga pari ang magsusunog, kasama patungan nito at lahat na mga bagay na ginamit kasama dito.
\s5
\v 29 Ilaan sila sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanila nang sa gayon sila ay ilaan para sa akin. Sinuman o anumang bagay na humahawak sa altar na iyon ay hindi pinapayagang gawin ito kaya pagbabawala ang lahat.
\v 30 Pahiran si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki. Sa pamamagitan ng paggawa niyan, mailalaan mo sila para maglingkod sa akin sa pamamagitan ng pagiging mga pari.
\v 31 Sabihan ang bayang Israelita, 'Itong langis ay aking magiging natatanging langis na dapat gamitin sa lahat ng buong hinaharap ng mga salinlahi.
\s5
\v 32 Hindi mo dapat ibuhos ito sa katawan ng mga tao na hindi pari, at hindi ka dapat gumawa ng ibang langis para maging gaya nito sa pamamagitan ng paghalo ng mga bagay na iyon. Ang langis na ito ay nakalaan para sa akin, at dapat mong ituring ito nang ganoon.
\v 33 Ituturing ni Yahweh bilang hindi na kasapi sa kaniyang bayan ang sinumang gumagawa ng pampahid na gaya nito sa anumang ibang layunin, o kung sinuman ang maglapat ng pampahid na ito sa sinumang hindi pari.'"
\s5
\p
\v 34 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises, "Sabihan ang isang bihasang taga-gawa ng pabango na kumuha ng pantay na bahagi ng mga ilang matatamis na pampalasa: estacte--isang dagta mula sa isang tanim na pandikit, onycha--mula sa isang molusko, galbano--isa pang uri ng dagtang pandikit, at purong kamanyang—gayunman isa pang uri ng dagtang pandikit.
\v 35 Sabihan mo siyang sama-samang haluin ang mga ito para makagawa ng kaunting pabango at dagdagan ng kaunting asin para panatilihin itong puro at katangi-tangi sa akin.
\v 36 Dikdikin ang kaunti nito sa pinong pulbos. Pagkatapos kumuha ka ng kaunti nito sa banal na tolda at iwisik ito sa harap ng banal na kaban. Dapat ituring ninyong lahat itong insenso para maging ganap na ilaan para sa akin.
\s5
\p
\v 37 Hindi dapat paghaluin ng mga tao ang parehong pampalasa para gumawa ng insenso para sa kanilang sarili. Itong insenso ay dapat ilaan sa akin, si Yahweh.
\v 38 Ituturing kong hindi kabilang sa aking mga taong sinumang gumawa ng insenso na gaya nito para gamitin ito bilang pabango."
\s5
\c 31
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Pinili ko si Bezalel na anak na lalaki ni Uri at apo ni Hur, mula sa lipi ni Juda.
\s5
\v 3 Pinuno ko siya ng aking Espiritu, at binigyan ko siya ng natatanging galing para gumawa ng mga bagay; binigyan ko siya ng kakayahang malaman kung paano gumawa ng napakahusay na gawain.
\v 4 Makakapag-ukit siya ng pang-sining na mga disenyo sa ginto, sa pilak, at sa tanso.
\v 5 Makakapagputol siya ng mga bato na hiyas at ilakip sila sa napakaliit na gintong mga kaayusan. Makakapag-ukit siya ng mga bagay mula sa kahoy at gumawa ng ibang mahusay na gawain.
\s5
\v 6 Hinirang ko rin si Oholiab anak na lalaki ni Ahisamac, mula sa lipi ni Dan, para magtrabaho kasama niya. Binigyan ko ng natatanging galing ang ibang mga lalaki ng sa gayon ay makagawa sila ng lahat ng mga bagay na iniutos ko sa iyo para gawin.
\v 7 Kasama sa mga bagay na iyon: ang banal na tolda, ang banal na kaban at ang takip nito, ang lahat ng mga bagay ay ipapaloob sa banal na tolda,
\v 8 ang mesa at ang lahat ng mga bagay na ginamit nito, ang purong gintong ilawan at ang lahat ng bagay na gagamitin para pangalagaan ito, ang altar para sa sinusunog na insenso,
\v 9 ang altar para sa paghahandog ng mga alay na nasusunog at ang lahat ng mga bagay na magagamit nito, ang hinawan at ang paanan nito,
\s5
\v 10 ang lahat na magaganda, natatanging mga damit para kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki para isuot kapag sila ay gumagawa bilang mga pari;
\v 11 ang langis para sa pampahid, at ang matamis na halimuyak ng insenso para sa banal na lugar. Ang mga panday ay dapat gumawa ng mga bagay na ito na ganap gaya ng sinabi ko sa iyo na dapat nilang gawin."
\s5
\p
\v 12 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 13 "Sabihan ang bayang Israelita, 'Sundin ang aking mga tagubilin tungkol sa mga Araw ng Pamamahinga para magpahinga. Ang mga araw na iyon ay magpapaalala sa akin at sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhan, sa lahat ng buong salinlahi ng hinaharap, na ako, ay si Yahweh, ang naglaan sa inyo para maging aking bayan.
\v 14 Dapat ninyong sundin ang aking mga patakaran tungkol sa mga Araw ng Pamamahinga para magpahinga dahil dapat ninyong ituring sila bilang natatangi para sa akin. Ang magtrato sa mga araw na ito na may kalapastanganan ay dapat patayin; ito ay magpapakita na hindi ko na sila itinuturing na kabilang sa aking bayan.
\v 15 Maaari kayong gumawa sa loob ng anim na araw sa bawat linggo, pero ang ikapitong araw ng bawat linggo ay isang taimtim na araw ng pahinga, na inihandog sa akin, kay Yahweh. Sinumang gumawa ng kahit anong gawain sa Araw ng Pamamahinga ay papatayin.
\s5
\v 16 Kayong bayang Israelita ay dapat gumalang sa mga Araw ng Pamamahinga, at kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan ay dapat sundin sila sa lahat ng buong hinaharap ng mga salinlahi. Palagi kong hihingin ito sa inyo.
\p
\v 17 Ang mga Araw ng Pamamahinga ay magpapaalala sa inyo bayang Israelita at sa akin sa ating tipan dahil ako, si Yahweh, ang lumikha sa kalangitan at sa mundo sa anim na araw, at sa ikapitong araw ako ay tumigil sa paggawa ng gawaing iyon at namahinga."
\s5
\p
\v 18 Nang matapos makipag-usap ni Yahweh kay Moises sa tuktok ng Bundok Sinai, binigay niya sa kaniya ang dalawang tipak ng bato na kung saan inukit niya ang kaniyang mga utos sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga daliri.
\s5
\c 32
\p
\v 1 Nanatili si Moises sa tuktok ng bundok nang matagal na panahon. Nang makita ng mga tao na hindi siya bumabalik, nagpunta sila kay Aaron at sinabi sa kaniya. "Gawaan mo kami ng mga diyos na mangunguna sa aming paglalakbay. Hindi namin alam kung ano ang nangyari sa taong iyon na si Moises, na nagdala sa amin dito palabas ng Ehipto."
\v 2 Sinabi ni Aaron sa kanila, "O sige, gagawin ko iyan. Sabihin ninyo sa inyong mga asawa at inyong mga anak na tanggalin lahat ng mga gintong hikaw at dalhin ang mga ito sa akin."
\s5
\p
\v 3 Kaya tinanggal ng mga tao ang lahat ng kanilang mga gintong hikaw at dinala ang mga ito kay Aaron.
\v 4 Tinunaw niya ang ginto sa apoy. Ibinuhos niya ang ginto sa hulmahan at ginawa ang isang rebulto na parang isang batang toro. Nakita ito ng mga tao at sinabi, "Ito ang diyos ng bayang Israelita! Ito ang siyang nagligtas sa atin mula sa lupain ng Ehipto."
\s5
\v 5 Nang makita ni Aaron kung paano nagreklamo ang bayan, gumawa siya ng altar sa harapan ng toro. Pagkatapos inihayag niya, "Bukas ay magkakaroon tayo ng pagdiriwang para parangalan si Yahweh!"
\v 6 Kaya kinabukasan maagang gumising ang mga tao at nagdala ng mga hayop para patayin at sunugin bilang mga alay sa ibabaw ng altar. Nagdala rin sila ng mga alay para maibalik ang pagsasama ng iba. Pagkatapos sila ay umupo para kumain at uminom ng alak. Makalipas ang ilang sandali, tumindig sila at nagkaroon ng mahalay na pagdiriwang.
\s5
\p
\v 7 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Bumaba ka mula sa bundok dahil ang iyong bayan, na siyang dinala mo rito mula sa Ehipto, ay naging masama.
\v 8 Sila ay tuluyang lumihis sa daan na aking ipinakita sa kanila at tumigil sa pagsunod sa akin! Gumawa sila ng rebulto ng isang batang toro mula sa tinunaw sa ginto. Sinamba nila ito at hinandugan ng mga alay ito. Sinasabi nila, 'Ito ang diyos ng bayang Israelita! Siya ang nagdala sa atin mula sa Ehipto."
\s5
\v 9 Alam ko na ang bayang ito ay napakatigas ang ulo.
\v 10 Lubos ang aking galit sa kanila, kaya palalayasin ko sila. Huwag mo akong subukang pigilan! Pagkatapos idudulot ko na ikaw at ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging isang dakilang bansa."
\v 11 Perot nagmakaawa si Moises sa kaniyang Diyos, at sinabi, "Yahweh, hindi ka dapat magalit sa iyong bayan! Ito ang bayang iniligtas mo mula sa Ehipto nang may dakilang kapangyarihan!
\s5
\v 12 Huwag gumawa ng anumang bagay na magdudulot sa bayan ng Ehipto na sabihin, 'Ang diyos nila ay nanguna sa kanila palabas mula sa ating bansa, pero ginawa niya iyon dahil nais lamang niya na sila ay patayin sa mga bundok at palayasin sila ng ganap! Huwag mong gawin sa iyong bayan itong nakakakilabot na bagay na sinabi mo na gagawin! Tigilan mo ang pagiging sobrang galit! Baguhin ang iyong pag-iisip!
\p
\v 13 Alalahanin mo ang iyong mga lingkod na sina Abraham, Isaac at Jacob. Nanumpa ka nang mataimtim sa kanila, na sinasabi, 'Gagawin kong magkaroon kayo ng maraming kaapu-apuhan tulad ng mga bituin na nasa langit.' Sinabi mo sa kanila, 'Ibibigay ko sa inyong kaapu-apuhan ang lahat ng mga lupain na aking ipinangako na ibibigay sa kanila. Ito ay magiging lupain nila magpakailanman.'"
\v 14 Kaya binago ni Yahweh ang kaniyang pag-iisip. Hindi niya ginawa sa kaniyang bayan ang nakakakilabot na bagay na kaniyang sinabing gagawin.
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos lumayo si Moises mula sa Diyos at bumaba sa bundok, hawak niya ang dalawang tipak na bato na iniukit ni Yahweh ang kaniyang mga kautusan. Isinulat niya sa magkabilang gilid ng mga tipak.
\v 16 Ang mga tipak na bato ay ginawa mismo ng Diyos at tanging siya ang nag-ukit ng mga kautusan sa kanila.
\s5
\v 17 Narinig ni Josue na ang bayan ay nagsisigawan ng napakalakas. Kaya nang si Moises ay lumapit sa kampo, sinalubong siya ni Josue at sinabi, "Mayroong ingay sa kampo na katunog ng ingay ng labanan!"
\v 18 Pero sinabi ni Moises, "Hindi, hindi iyan ang tunog parang tagumpay ng mga tao;. Hindi ito tunog na parang sila ay natalo sa labanan! Ito ay tunog na parang sila ay nag-aawitan!"
\s5
\p
\v 19 Sa sandaling makalapit si Moises sa kampo at nakita ang rebulto ng batang toro at ang mga taong nagsasayawan, siya ay sobrang nagalit. Tinapon niya ang mga tipak na bato sa lupa sa paanan ng bundok at nabiyak ang mga ito.
\v 20 Pagkatapos kinuha niya ang rebulto ng toro na kanilang ginawa at tinunaw ito sa apoy. Nang ito ay lumamig, giniling niya ito sa pinong pulbo. Pagkatapos inihalo niya ang pulbo sa tubig at sapilitang ipinainum ito sa bayang Israelita.
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, "May ginawa ba ang bayang ito sa iyo para pangunahan mo sila na magkasala sa paraang ito?"
\p
\v 22 Sumagot si Aaron, "Pakiusap huwag kang magalit sa akin, aking panginoon. Alam mo na ang bayang ito ay malamang na nakagawa ng masasamang bagay.
\v 23 Sinabi nila sa akin, 'Gumawa ka ng diyus-diyosan para sa aming paglalakbay! Dahil kay Moises, na siyang nagdala paakyat sa atin dito mula sa lupain ng Ehipto, hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.'
\v 24 Kaya sinabi ko sa kanila, 'Lahat ng nagsusuot ng mga gintong hikaw ay dapat nila itong tanggalin.' Kaya kinuha nila ito at ibinigay nila sa akin. Itinapon ko ang mga ito sa apoy at ang lumabas ay rebulto ng isang batang toro!"
\s5
\p
\v 25 Nakita ni Moises si Aaron ay hinayaan ang bayan na mawalan ng pagpipigil at gumawa ng mga bagay na magdudulot sa kanilang mga kaaway na isiping mga baliw ang bayang Israelita.
\v 26 Kaya tumindig siya sa pasukan ng kampo at sumigaw, "Lahat ng sinuman na tapat kay Yahweh ay dapat lumapit sa akin!" Kaya lahat ng lalaki sa lipi ni Levi ay nagtipon sa palibot niya.
\v 27 Pagkatapos sinabi niya sa kanila, si Yahweh, ang Diyos ng bayang Israelita, ay nag-uutos na bawat isa sa inyo ay dapat ilagay ang inyong mga tabak sa inyong tagiliran at pagkatapos lumabas sa kampo mula sa tarangkahan na ito papunta sa kabilang dako. Bawat isa sa inyo ay dapat patayin ang ibang mga lalaki, maging sila man ay inyong kapatid na lalaki, inyong kaibigan, o inyong kapitbahay."
\s5
\v 28 Ginawa ng mga lalaki sa lipi ni Levi kung ano ang iniutos ni Moises sa kanila na kanilang gagawin at pinatay nila ang tatlong libong lalaki sa araw na iyon.
\v 29 Sinabi ni Moises sa mga lalaki sa lipi ni Levi, "Sa araw na ito kayo ay naging natatanging mga lingkod ni Yahweh sa pamamagitan ng pagpatay kahit sa inyong sariling mga anak na lalaki at inyong mga kapatid. Bilang resulta, pinagpala kayo ni Yahweh."
\s5
\p
\v 30 Kinabukasan, sinabi ni Moises sa mga tao, "Nagkasala kayo ng napakalaki. Pero aakyat akong muli sa bundok para makipag-usap kay Yahweh. Marahil mahihikayat ko siyang patawarin kayo sa pagkakasala ninyo tulad nito."
\v 31 Kaya si Moises ay umakyat sa bundok at sinabi kay Yahweh, "Humihingi ako ng tawad para aminin na ang bayang ito ay nagkasala ng napakalaki nang ginawa nila para sa kanilang sarili ang isang gintong diyus-diyosan at sinamba ito.
\v 32 Pero ngayon hinihiling ko sa iyo na patawarin sila sa kanilang kasalanan. Kung hindi mo man sila patatawarin, burahin mo na lang ang aking pangalan mula sa aklat kung saan isinulat mo ang mga pangalan ng iyong bayan."
\s5
\v 33 Pero sinabi ni Yahweh kay Moises, "Ang tanging nagkasala lamang laban sa akin ang pangalan na aking buburahin mula sa aklat na iyon.
\v 34 Ngayon bumababa ka at pangunahan mo ang bayang Israelita sa lugar na ituturo ko sa iyo. Lagi mong tandaan na ang aking anghel ang mangunguna sa iyo. Pero, sa panahon na magpasya ako, paparusahan ko sila dahil sa kanilang kasalanan."
\v 35 Kinalaunan dinulot ni Yahweh na ang bayan ay magkasakit dahil sinabihan nila si Aaron na gumawa ng isang rebulto ng batang toro.
\s5
\c 33
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Umalis ka sa lugar na ito at samahan mo ang bayan na iyong pinamunuan palabas ng Ehipto. Pumunta kayo sa lupain na aking ipinangako kay Abraham, Isaac, at Jacob na aking ibibigay sa kanilang mga kaapu-apuhan.
\v 2 Ipapadala ko ang aking anghel para mauna sa inyo, at itataboy ko mula sa lupaing iyon ang bayang taga-Canaan, Amor, Heth, Periz, Hiv, at Jebus.
\v 3 Pupunta kayo sa isang lupain na mainam sa pagpapalaki ng mga alagang hayop at mga pananim. Pero hindi ako sasama sa inyo dahil kung gagawin ko iyan, baka malipol ko lang kayo habang naglalakbay dahil kayo ay bayang napakatigas ng ulo."
\s5
\v 4 Nang marinig ng mga tao ang mga salitang ito, sila ay nalungkot, at wala nang kahit isa ang nagsuot ng magarang damit.
\v 5 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Sabihin mo sa mga Israelita, 'Kayo ay napakaigas ng ulo. Kung ako ay sasama sa inyo kahit sandali, mapapatay ko kayo. Ngayon alisin ninyo ang inyong magarang damit para ipakita na kayo ay nagsisisi sa inyong kasalanan. Pagkatapos magpapasya ako kung paano ko kayo paparusahan.'"
\v 6 Pagkatapos umalis ang mga Israelita sa Bundok Sinai, hindi na nila muling isinuot ang kanilang magagarang damit.
\s5
\p
\v 7 Habang naglalakbay ang bayang Israelita, sa tuwing sila ay hihinto at magtayo ng kanilang mga tolda, si Moises ay magtatayo ng toldang banal sa labas ng kampo, malayo mula sa kampo. Tinawag niya itong "tolda ng pagpupulong." Ang bawat isa na nagnanais na pagpasyahan ni Yahweh ang isang bagay para sa kanila ay kailangang lumabas ng kampo patungo sa tolda ng pagpupulong.
\v 8 Sa tuwing lalabas si Moises sa tolda ng pagpupulong, ang lahat ng mga tao ay tatayo sa pasukan ng sarili nilang tolda at tingnan siyang lumalakad patungo sa tolda ng pagpupulong.
\v 9 Sa tuwing si Moises ay papasok sa tolda ng pagpupulong, bababa ang mataas na ulap at mananatili sa pasukan ng tolda, at makikipag-usap si Yahweh kay Moises.
\s5
\v 10 Kapag nakita ng mga Israelita ang mataas na ulap sa labas ng tolda ng pagpupulong, lahat sila ay sasamba kay Yahweh sa sariling pasukan ng kanilang mga tolda.
\v 11 Kakausapin ni Yahweh si Moises ng harapan tulad ng pakikipag-usap ng isang tao sa kaniyang kaibigan. Pagkatapos babalik si Moises sa kampo. Pero ang kaniyang binatang lingkod, si Josue na anak ni Nun, ay mananatili sa tolda ng pagpupulong.
\s5
\p
\v 12 Sinabi ni Moises kay Yahweh, "Totoong sinabihan mo ako, 'Dalhin mo ang bayan sa lupain na ipapakita ko sa iyo, 'pero hindi mo sinabi kung sino ang ipapadala mo kasama ko! Gayunpaman, sinabi mo na alam mo kung sino ako at nasiyahan ka sa akin.
\v 13 Kaya ngayon, kung talagang nalulugod ka sa akin, hihiling ko sa iyo, pakiusap sabihin mo ang mga bagay na gagawin mo para mas makilala kita at patuloy na malugod kita. Pakiusap alalahanin mong ang mga Israelita ay ang iyong bayang pinili na kabilang sa iyo."
\s5
\v 14 Sumagot si Yahweh, "Sasama ako sa inyo, at bibigyan kayo ng pahinga."
\v 15 Sumagot si Moises, "Kung hindi mo ako sasamahan, huwag mo kaming hayaang umalis sa lugar na ito.
\v 16 Ang tanging paraan na malalaman ng iba na ikaw ay nalugod sa akin at sa iyong mga pinili ay kung sasamahan mo kami! Kung ikaw ay sasama sa amin, ito ay nagpapakita na kami ay kakaiba sa ibang lahi ng mundo."
\s5
\p
\v 17 Sumagot si Yahweh kay Moises, "Gagawin ko kung ano ang iyong kahilingan dahil kilala kita nang lubusan at nalulugod ako sa iyo."
\p
\v 18 Pagkatapos sinabi ni Moises, "Pakiusap hayaan mong makita kita sa iyong buong kapangyarihan."
\s5
\v 19 Sumagot si Yahweh, "Nais kong ipakita sa iyo kung gaano ako kadakila at makapangyarihan, at sasabihin ko nang malinaw sa iyo na ang pangalan ko ay Yahweh. Ako ay magiging mabait at maawain sa lahat ng aking mga pinili.
\v 20 Pero hindi ko kayo hahayaan na makita ang aking mukha dahil ang sinumang makakita sa aking mukha ay mamamatay.
\s5
\v 21 Pero tingnan mo! Narito ang lugar na malapit sa akin kung saan maaari kang tumayo sa malaking bato.
\v 22 Kapag ako ay dumaan sa iyo sa lahat kong kapangyarihan, ilalagay kita sa malaking butas ng bato, at tatakpan ko ang inyong mukha ng aking kamay hanggang makalagpas ako.
\v 23 Pagkatapos aalisin ko ang aking kamay, at makikita mo ang likuran ko, pero hindi mo makikita ang aking mukha."
\s5
\c 34
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Pumutol ka ng dalawang tipak ng bato na katulad sa naunang mga tipak, na iyong binasag. Pagkatapos susulatan ko ang mga ito ng mga salita na nasa unang tipak.
\v 2 Maghanda ka sa kinaumagahan, at ikaw ay pupunta sa itaas ng Bundok Sinai at tayo ay mag-uusap muli.
\s5
\v 3 Huwag mong payagan ang sinumang umakyat na kasama mo. Ayaw ko na ang sinuman ay pumunta kahit saan sa bundok. Huwag mong payagan na may kahit ilang tupa o mga baka na manginain sa ibaba ng bundok."
\v 4 Kaya pumutol si Moises ng dalawang tipak ng bato katulad ng mga naunang tipak. Bumangon siya kinaumagahan at pinulot ang dalawang tipak at binitbit ang mga ito sa kaniyang mga kamay sa taas ng Bundok Sinai, ayon sa sinabi ni Yahweh sa kaniya.
\s5
\v 5 Pagkatapos, bumaba si Yahweh mula sa matataas na ulap at tumayo kasama ni Moises doon. Pagkatapos ipinahayag niya ang kaniyang sariling pangalang, Yahweh, sa harapan ni Moises.
\v 6 Dumaan si Yahweh sa harapan niya at sinabi, "Ako si Yahweh ang Diyos. Ako ay laging maawain at mabait tungo sa mga tao at hindi madaling magalit. Minamahal ko ang mga tao at ginagawa ko kung ano ang aking pangako sa kanila.
\v 7 Minamahal ko ang mga tao sa libu-libong salinlahi. Pinapatawad ko ang mga tao sa lahat na uri ng kanilang mga kasalanan. Pero tiyak na parurusahan ko ang mga may sala. Hindi lang sila ang parurusahan, pero parurusahan ko rin ang kanilang mga kaapu-apuhan, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi."
\s5
\v 8 Yumuko ng mababa si Moises sa lupa at sinamba si Yahweh.
\v 9 Sinabi niya, "Panginoon ko, kung ikaw ngayon ay nasisiyahan sa akin, hinihiling ko na samahan mo kami. Ang bayang ito ay napakatigas ng ulo, pero patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, at tanggapin mo kami bilang bayan na kabilang sa iyo magpakailanman."
\s5
\p
\v 10 Sumagot si Yahweh, "Ako ay gagawa ng tipan sa iyong bayan, ang bayang Israelita. Habang sila ay nanonood, gagawa ako ng mga dakilang himala. Makikita nila ang mga himala na hindi pa nagagawa ng kahit sino dito sa lupa sa kahit anong pangkat ng mga tao. Makikita ng bawat isa ang mga dakilang bagay na ako, si Yahweh, ang gagawa. Gagawin ko ang mga bagay para sa inyong lahat para matakot kayo sa akin.
\v 11 Gawin ninyo ang sinabi ko sa inyo ngayon. Malapit ko nang paalisin ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo sa lupain.
\s5
\v 12 Pero mag-ingat kayo na hindi gumawa ng tipan na maninirahan nang payapa sa kahit sino sa mga tao na naninirahan sa lupain na pupuntahan ninyo dahil kung gagawin ninyo iyon, magsisimula kayong gumawa ng masasamang bagay na kanilang ginagawa. Ito ay katulad ng pagkakahulog sa bitag.
\v 13 Dapat ninyong wasakin ang kanilang mga altar, sirain ang kanilang mga diyus-diyosan, at putulin ang mga poste na kanilang ginamit sa pagsamba kay Ashera.
\v 14 Dapat ako lamang ang sambahin ninyo, at hindi ang ibang diyos dahil Ako, si Yahweh, palaging nagbabantay sa aking karangalan, at hindi ko kayo papayagang sumamba ng ibang mga diyos.
\s5
\v 15 Huwag kayong gagawa ng tipan na payapang manirahan kasama ang kahit anong pangkat na naninirahan sa lupain. Kapag sila ay sumasamba sa kanilang mga diyos at mag-aalay ng mga handog sa kanila at imbitahan kayo na sumali sa kanila, huwag kayong sasali. Kung sasali kayo sa kanila, kakainin ninyo ang pagkain na inalay nila sa kanilang mga diyos, at hindi kayo magiging tapat sa akin. Magiging katulad kayo ng mga babae na gumagawa ng pangangalunya, na hindi tapat sa kanilang mga asawa.
\v 16 Kung kukuha kayo ng ilan sa kanilang mga babae para maging asawa ng inyong mga anak na lalaki, ang mga babaeng ito ay sasamba sa kanilang diyos, at gagawin din nila ang inyong mga anak na sumamba sa kanilang mga diyos.
\v 17 Huwag ibuhos ang natunaw na metal sa hulmahan para gumawa ng mga rebulto para sambahin.
\s5
\p
\v 18 Sa bawat taon, sa buwan ng Abib, ipagdiriwang ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura. Sa panahon ng Pista, sa loob ng pitong araw ay hindi kayo dapat kumain ng tinapay na may lebadura ayon sa inutos ko sa inyo, dahil ang buwang iyon ang pag-alis ninyo sa Ehipto.
\s5
\v 19 Ang inyong panganay na mga anak na lalaki at ang unang lalaking anak ng inyong mga hayop na baka at tupa at mga kambing ay para sa akin.
\v 20 Ang unang anak ng inyong lalaking mga asno ay sa akin din. Pero maaari ninyo silang bilhin mulit sa pamamagitan ng pag-aalay sa akin ng mga tupa bilang kapalit. Kung hindi ninyo gagawin, dapat ninyong patayin itong mga hayop sa pamamagitan ng pagbali ng kanilang mga leeg. Dapat ninyong bilhin muli ang inyong mga panganay na anak na lalaki. Dapat ninyong dalhin ang alay para sa akin sa tuwing pupunta kayo para sambahin ako.
\s5
\p
\v 21 Bawat linggo maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, pero magpahinga kayo sa ika-pitong araw. Kahit sa mga panahon na kayo ay umaararo ng lupain at umaani ng inyong mga pananim, dapat kayong magpahinga sa ika-pitong araw.
\v 22 Ipagdiwang ninyo sa bawat taon ang Pista ng Pag-aani kapag kayo ay magsimulang mag-aani sa unang ani ng trigo, at pati rin ang pagdiriwang ng Pista ng Tolda tuwing matatapos ninyo ang pag-aani ng butil at prutas.
\s5
\v 23 Tatlong beses bawat taon dapat pumunta ang lahat ng mga lalaki para sambahin ako, si Yahweh, ang Diyos ng mga Israelita.
\v 24 Paaalisin ko ang mga pangkat ng bayang nasa lupain, at palalawakin ko ang inyong lupain. Walang sinumang susubok na sakupin ang inyong bansa kapag kayo ay pumunta para sambahin si Yahweh na inyong Diyos tatlong beses sa bawat taon, sa panahon ng inyong mga pista.
\s5
\p
\v 25 Kung kayo ay mag-aalay ng hayop sa akin, huwag mag-aalay ng tinapay na may halong lebadura. Sa panahon ng Pista ng Paskua, kung mag-aalay kayo ng mga tupa, huwag kayong magtitira ng laman hanggang sa susunod na umaga.
\v 26 Dapat ninyong dalhin sa aking tolda ng pagtpupulong ang unang bahagi ng butil ng inyong aanihin bawat taon. Kung patayin ninyo ang batang hayop, huwag lutuin sa paraan ng paglalaga sa sariling gatas ng kaniyang ina.
\s5
\v 27 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Isulat mo ang mga salitang sinabi ko sa iyo. Sa pagbibigay ng mga utos ko sa iyo, gumawa ako ng tipan sa iyo at sa mga Israelita."
\v 28 Si Moises ay nasa ibabaw ng bundok kasama ni Yahweh sa loob ng apatnapung araw at gabi. Sa panahong iyon hindi siya kumain at uminom ng kahit ano. Iniukit niya sa mga tipak ng bato ang mga salita ng Sampung Utos na nabibilang sa tipan ni Yahweh.
\s5
\p
\v 29 Nang bumalik si Moises pababa sa bundok na hawak-hawak ang dalawang tipak na bato na nakasulat ang Sampung Utos, hindi niya namalayan na ang kaniyang mukha ay nagliliwanag.
\v 30 Nang makita ni Aaron at ng mga Israelita si Moises, sila ay namangha na nagliliwanag ang kaniyang mukha, at sila ay natakot na lumapit sa kaniya.
\v 31 Pero tinawag sila ni Moises, at si Aaron at ang iba pang pinuno ng mga Isrelita ay lumapit sa kaniya, at nakipag-usap siya sa kanila.
\s5
\v 32 Pagkatapos lumapit ang lahat ng mga Israelita at sinabi niya sa kanila ang lahat ng mga utos ni Yahweh na ibinigay sa kaniya sa Bundok Sinai.
\v 33 Nang matapos magsalita si Moises sa mga tao, tinakpan niya ng tela ang kaniyang mukha.
\s5
\v 34 Sa tuwing papasok si Moises sa tolda ng pagpupulong para makipag-usap kay Yahweh, inaalis niya ang tela sa kaniyang mukha. Sa kaniyang paglabas, palagi niyang sasabihin sa mga Israelita ang lahat ng iniutos ni Yahweh sa kaniya.
\v 35 Nakikita ng mga Israelita na nanatiling nagliliwanag ang mukha ni Moises. Pagkatapos ibinabalik niya muli ang tela sa kaniyang mukha hanggang sa susunod na panahon na makikipag-usap siya kay Yahweh.
\s5
\c 35
\p
\v 1 Sama-samang tinipon ni Moises ang lahat ng bayang Israelita at sinabi sa kanila, "Ito ang iniutos ni Yahweh na inyong gagawin.
\v 2 Bawat linggo maaari kayong magtrabaho ng anim na araw, pero sa ikapitong araw, dapat kayong magpahinga. Ito ay isang banal na araw, na iaalay kay Yahweh. Kung sinumang gagawa ng kahit anong gawain sa ikapitong araw ay dapat patayin.
\v 3 Huwag magsindi ng isang apoy sa inyong mga tahanan sa mga araw ng pamamahinga."
\s5
\p
\v 4 Sinabi rin ni Moises sa lahat ng bayang Israelita, "Ito ang inutos ni Yahweh.
\v 5 Mag-alay ng mga handog kay Yahweh. Bawat isa na may gusto ay dapat magdala ng handog kay Yahweh. Ang mga handog ay maaaring ginto, pilak o tanso,
\v 6 pinong puting lino, asul, lila o pulang lanang damit, damit na mula sa balahibo ng kambing,
\v 7 balat ng lalaking tupa na kinulayan, mga balat ng dugong, kahoy mula sa mga puno ng akasya,
\v 8 langis para sa mga ilawan, mga pabangong ihahalo sa langis ng olibo para pangpahid at ihahalo sa mabangong insenso,
\p
\v 9 mga batong oniks o ibang mga mahahalagang bato para ikabit sa banal na tapis ng pari at ilalagay sa kaniyang banal na sisidlan sa dibdib.
\s5
\p
\v 10 Lahat ng mga bihasang manggagawa sa inyo ay dapat pumunta at gawin ang lahat ng mga bagay na inutos ni Yahweh—
\v 11 ang banal na tolda kasama ang kaniyang pantakip, mga panglapat, mga balangkas, mga pahalang na haligi, mga haligi, at ang kaniyang mga patungan:
\v 12 ang banal na kaban kasama ang kaniyang mga haligi at ang kaniyang takip; ang kurtina na maghihiwalay sa banal na lugar mula sa napakabanal na lugar;
\s5
\v 13 ang mesa kasama ang mga haligi na pumapasan nito at ang lahat ng mga bagay na gagamitin kasama sa mesa; ang tinapay na ipapakita sa harap ng Diyos;
\v 14 ang patungan ng mga ilawan kasama ang lahat ng mga bagay na gagamitin para maingatan sila; ang langis para sa mga ilawan;
\v 15 ang altar para sa susunuging insenso at ang mga haliging pumapasan ng altar; ang langis para pangpahid at ang mabangong insenso; ang kurtina para sa pasukan sa banal na tolda;
\p
\v 16 ang altar para sa handog ng mga alay na susunugin at ang kaniyang tansong rehas; ang mga haliging pumapasan ng altar at ang lahat ng mga bagay na gagamitin kasama nito; ang palangganang hugasan at ang kaniyang patungan;
\s5
\v 17 ang mga kurtina na nakapaligid sa patyo at ang mga haligi at mga patungan para alalayan ang mga kurtina; ang kurtina para sa pasukan na patungong patyo;
\v 18 ang mga pakong kahoy at mga lubid para sa banal na tolda;
\v 19 at ang magandang mga damit na isusuot ni Aaron at ng kaniyang mga anak na mga lalaki kapag gagawin nila ang kanilang tungkulin sa loob ng banal na lugar."
\s5
\p
\v 20 Pagkatapos bumalik ang lahat ng bayang Israelita sa kanilang mga tolda.
\v 21 Kaya ang bawat isang nagnais magdala ng handog para kay Yahweh ay ginawa ito. Sila ay nagdala ng ilang mga bagay na gagamitin sa paggawa ng banal na tolda, lahat ng ibang mga bagay na gagamitin sa mga seremonya, at lahat ng kailangan sa paggawa ng mga banal na damit para sa mga pari.
\v 22 Lahat ng lalaki at babaeng nagnais magdala ng mga gintong palamuti, mga hikaw, mga singsing, mga kwintas, at marami pang ibang bagay na gawa sa ginto, at inalay nila ito kay Yahweh.
\s5
\p
\v 23 Maraming taong may asul, lila, o pulang yari sa lanang damit o pinong puting lino o damit na galing sa balahibo ng kambing, balat ng lalaking tupa na kinulayan, mga balat gawa sa dugong, nagdala ng ilan nitong mga bagay.
\p
\v 24 Lahat ng may pilak o tanso ay dinala nila bilang mga handog kay Yahweh. Dinala ito sa lahat ng iyong may kaunting akasyang kahoy na maaring gamitin sa anumang gawa para sa pagsamba ng bayan kay Yahweh.
\s5
\p
\v 25 Lahat ng mga babaeng bihasang gumawa ng damit ay nagdala ng pinong sinulid ng lino at asul, lila, o pulang lanang sinulid na kanilang ginawa.
\p
\v 26 Lahat ng mga babae na gustong gumawa ng sinulid na mula sa balahibo ng kambing.
\s5
\p
\v 27 Lahat ng mga pinuno ay nagdala ng mga batong oniks at ibang mga pinong bato para ikabit sa banal na tapis ni Aaron at sa kaniyang banal na sisidlan sa dibdib.
\p
\v 28 Sila ay nagdala rin ng mga pampalasa para sa mabangong insenso, at sila ay nagdala ng langis ng olibo para sa langis pangpahid at para ilagay sa mabangong insenso.
\v 29 Lahat ng mga lalaking Israelita at mga babae na gustong magdala nitong mga bagay para ialay nila kay Yahweh para gawin ang gawain na inutos niya kay Moises na gawin.
\s5
\p
\v 30 Sabi ni Moises sa bayang Israelita, "Makinig kayo nang mabuti. Pinili ni Yahweh si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, na mula sa lipi ni Juda.
\v 31 Niloob ni Yahweh ang kaniyang Espiritu na mamuhay sa loob ni Bezalel, at binigyan siya ng kakayahan at karunungan, at pinagkalooban siya para malaman kung paano gawin ang napakadalubhasang gawain.
\v 32 Siya ay nakakapag-ukit ng mahuhusay na mga disenyo sa ginto, pilak, at tanso.
\v 33 Siya ay nakakaputol ng mga alahas at inilalakip ito sa maliliit na mga gintong balangkas at kayang ukitin ang mga bagay na mula sa kahoy at gawin ang ibang dalubhasang gawain.
\s5
\v 34 Binigay din ni Yahweh sa kaniya at kay Oholiab na anak ni Ahisamac, na mula sa lipi ni Dan, ang kakayahang magturo ng kanilang mga kahusayan sa iba.
\v 35 Ibinigay niya sa kanila ang kakayahang gumawa ng lahat ng uri ng gawain na ginagawa ng mga mahuhusay na mang-uukit— ang mga lumilikha ng mga bagay na pang-sining, ang mga taong gumagawa ng puting pinong lino, ang mga taong nagbuburda ng mga disenyo na gamit asul, lila, o pulang lanang sinulid, at ang mga taong gumagawa ng linong damit. Sila ay may kakayahang magplano ng maraming uri ng gawaing pang-sining.
\s5
\c 36
\p
\v 1 Si Bezalel at Oholiab at lahat ng ibang lalaki na binigyan ni Yahweh ng kakayahan at kayang maunawaan nila kung paano gawin ang mga trabaho para gumawa ng banal ng tolda, ay dapat gawin ang lahat ng bagay gaya lamang ng inutos ni Yahweh.
\s5
\p
\v 2 Kaya tinawag ni Moises sina Bezalel at Oholiab at lahat ng ibang bihasang tao kung saan binigyan ni Yahweh ng natatanging kakayahan at siyang nais gumawa ng mga ilang gawain.
\v 3 Ibinigay ni Moises ang lahat ng mga bagay na dinala ng mga tao bilang mga handog kay Yahweh para sa paggawa ng banal na tolda. Pero patuloy na nagdadala ang mga tao ng maraming bagay tuwing umaga.
\v 4 Bilang bunga, ang mga taong gumagawa ng iba't-ibang bagay sa pagpapagawa ng banal na tolda ay lumapit kay Moises.
\s5
\v 5 at sinabi, "Ang mga tao ay nagdadala ng higit pa sa pangangailangan namin para gawain ang inutos ni Yahweh sa atin!"
\v 6 Kaya binigyan sila ni Moises ng isang mensahe na ipinahayag ang iba sa buong kampo, na sinasabing "Walang sinumang magdadala ng anumang bagay na higit pa bilang isang handog sa paggawa ng banal na tolda!" Nang narinig iyon ng mga tao, hindi na sila nagdala ng kahit ano pa.
\v 7 Kung ano ang kanilang dinala ay sapat na iyon para gawin ang lahat ng gawain. Sa katunayan, iyon ay higit pa sa kailangan!
\s5
\p
\v 8 Ginawa ang banal na tolda ng lahat ng pinakadalubhasang mga lalaki kabilang ng mga manggagawang lalaki. Ginawa nila ito mula sa sampung mahahabang piraso ng pinong lino, at kanilang maingat nila itong binurda na ginamitan ng asul, lila at pulang lana sa sinulid sa paggawa ng mga pigura na kawangis ng mga nilalang na may pakpak.
\p
\v 9 Dinisenyo ni Bezalel ang lahat ng ito. Bawat mahabang piraso ay 12.8 metro ang haba at 1.8 metro ang lawak.
\p
\v 10 Tinahi ni Bezalel at ng kaniyang tauhan ang limang mahahabang piraso ng magkakasama para gawin ang isang pares, at tinahi nila ang ibang limang mahabang piraso ng magkakasama para gawin ang ibang pares.
\s5
\p
\v 11 Para sa bawat pares, si Bezalel at ang kaniyang mga tauhan ay gumawa ng mga silo ng asul na damit at kinabit ito sa labas na dulo ng mahabang piraso, sa dulo ng bawat pares.
\p
\v 12 Nilagyan nila ng limampung silo ang dulo ng unang pares, at limampung silo sa ikalawang pares.
\p
\v 13 Sila ay gumawa ng limampung gintong pangkabit para magkasamang idugtong sa kapwa mga pares. Sa ganoong paraan, ang loob ng banal na tolda ay maging parang isang bahagi lamang.
\s5
\p
\v 14 Si Bezalel at ang kaniyang tauhan ay gumawa ng takip para sa banal na tolda na mula sa labing-isang piraso ng damit galing sa balahibo ng mga kambing.
\p
\v 15 Bawat piraso ng damit ay 18.3 metro ang haba at 1.8 metro ang lawak.
\v 16 Tinahi nila ang limang pirasong damit na magkakasama para makagawa ng isang pares, at tinahi nila ang anim na iba pang pirasong damit na magkakasama para makagawa ng isa pang pares.
\p
\v 17 Nakagawa sila ng isandaang silo na asul na damit. Ikinapit nila ang limampu nito sa labas ng dulo ng isang pares at ikinapit nila ang limampu sa labas ng dulo ng ibang pares.
\s5
\p
\v 18 Si Bezalel at ang kaniyang tauhan ay gumawa ng limampung tansong kawit at magkakasamang isinanib ang dalawang pares kasama nila. Sa ganoong paraan ito ay nagkaporma na isang takip.
\v 19 Gumawa sila ng dalawa pang mga takip para sa banal na tolda. Gumawa sila ng isa mula sa mga balat ng mga tupang lalaki na kinulayan, at ang pantakip sa ibabaw ay ginawa nila mula sa balat ng kambing.
\s5
\p
\v 20 Si Bezalel at ang kaniyang mga tauhan ay gumawa ng apatnapu't walong balangkas mula sa akasyang kahoy at inilapat nila ito para alalayan ang mga takip para sa banal na tolda.
\v 21 Bawat balangkas ay 4.6 metro ang haba at 0.7 metro ang lawak.
\p
\v 22 Gumawa sila ng dalawang usli sa ilalim ng bawat balangkas. Ito ay para pakapitin ang mga balangkas sa mga patungan na nasa ilalim nito. May mga usli ito ang bawat balangkas.
\p
\v 23 Gumawa ang mga bihasang manggagawa ng dalawampung balangkas para sa timog na bahagi ng banal na tolda.
\s5
\p
\v 24 Si Bezalel at ang kaniyang tauhan ay gumawa ng apatnapung patungang pilak papunta sa ilalim nila. Dalawang patungan ay papuntang ilalim ng bawat balangkas. Ang mga usli sa bawat balangkas ay akma sa mga patungang ito.
\p
\v 25 At parehas din, sila ay gumawa ng dalawampung balangkas para sa hilagang bahagi ng banal na tolda.
\p
\v 26 Gumawa din sila ng apatnapung patungang pilak para dito na may dalawang patungan sa ilalim ng bawat balangkas.
\s5
\p
\v 27 Para sa likod ng banal na tolda, sa kanlurang bahagi, si Bezalel at ang kaniyang mga tauhan ay gumawa ng anim na balangkas.
\p
\v 28 Sila ay gumawa din ng dalawang karagdagan na mga balangkas, isa ay para sa bawat sulok sa likod ng banal na tolda, para magbigay ng dagdag na suporta.
\s5
\p
\v 29 Ang dalawang balangkas sa sulok ay hiwalay sa bawat isa sa ilalim pero ipinagsama-sama sa ibabaw. Sa ibabaw ng bawat isa ng dalawang balangkas na nasa sulok, si Bezalel at ang kaniyang tauhan ay ikinapit ang isang gintong argolya para hawakan ang pahalang na haligi.
\v 30 Sa ganoong paraan, ang para sa likod ng banal na tolda ay mayroong mga walong balangkas, at mayroong labing-anim na patungan, dalawang patungan sa ilalim ng bawat balangkas.
\s5
\p
\v 31 Si Bezalel at ang kaniyang mga tauhan ay gumawa ng labing-limang pahalang na haligi na mula sa akasyang kahoy. Lima sa kanila ay para sa mga balangkas sa hilagang bahagi ng banal na tolda,
\p
\v 32 lima para sa timog na bahagi at lima para sa mga balangkas sa likod ng banal na tolda, sa kanlurang bahagi.
\p
\v 33 Ang mga manggagawa ay gumawa ng mga pahalang na haligi sa hilaga, timog, at kanlurang mga bahagi ng banal na tolda at ikinapit ang mga ito sa gitna ng mga balangkas. Ang dalawang mahahaba na pahalang na haligi ay pinaabot mula sa dulo ng banal na tolda sa kabila, at ang pahalang na haligi sa kanlurang bahagi ay pinaabot mula sa isang bahagi ng banal na tolda sa kabila.
\p
\v 34 Ang mga manggagawa ay tinakpan ng ginto ang mga balangkas at ikinapit ang mga gintong argolya sa mga haligi. Tinakpan din nila ang mga pahigang linya ng ginto.
\s5
\p
\v 35 Si Bezalel at ang kaniyang tauhan ay gumawa ng kurtinang mula sa pinong puting lino. Binurdahan ng mga bihasang manggagawa ito ng asul, lila, at pulang lanang sinulid, gumagawa ng mga disenyo na kumakatawan sa mga nilalang na may pakpak.
\p
\v 36 Isinabit nila ang kurtina mula sa apat na haligi na mula sa akasyang kahoy at tinakpan ng ginto. Inilapat nila ang bawat haligi sa loob ng patungang pilak.
\s5
\p
\v 37 Si Bezalel at ang kaniyang tauhan ay gumawa ng kurtina pata itakip sa pasukan ng banal na tolda. Ginawa nila ito mula sa pinong lino, at ang isang bihasang manghahabi ay binurdahan ito ng asul, lila, at pulang lanang sinulid.
\p
\v 38 Para alalayan itong kurtina, sila ay gumawa pati ng limang haligi mula sa akasyang kahoy at idinikit ang gintong kawit sa kanila. Tinakpan nila ang mga haligi at ang kanilang mga tukod ng ginto at gumawa ng isang tansong patungan para sa bawat mga haliging iyon.
\s5
\c 37
\p
\v 1 Pagkatapos gumawa si Bezalel at kaniyang mga tauhan na lalaki ng sagradong kaban mula sa kahoy ng akasya. Iyon ay may 1.1 metro ang haba, 0.7 metro ang lapad, at 0.7 metro ang taas.
\p
\v 2 Binalutan nila ito ng purong ginto sa loob at labas ng kaban at gumawa sila ng isang gintong hangganan sa palibot ng ibabaw nito.
\v 3 Gumawa sila ng apat na singsing mula sa ginto at pinagkabit ang mga ito sa mga paa ng kaban. Nilagyan nila ng dalawang singsing sa bawat gilid ng kaban.
\s5
\v 4 Gumawa sila ng dalawang poste mula sa kahoy ng akasya at binalutan nila ito ng ginto.
\p
\v 5 Nilagay nila ang mga poste sa mga singsing sa mga gilid ng kaban para madala ng mga Levita ang kaban gamit ang mga poste.
\v 6 Gumawa sila ng takip para sa kaban. Iyon rin ay 1.1 metro ang haba at 0.7 metro ang lapad.
\s5
\v 7 Si Bezalel at kainyang mga tauhan na lalaki ay gumawa ng dalawang may pakpak na nilalang mula sa minartilyong ginto para ilagay sila sa dalawang dulo ng takip ng kaban.
\v 8 Nilagyan nila ang isang nilalang sa bawat dulo ng kaban at isinama nila ang ginto ng mga nilalang sa ginto ng takip para ang nilalang ay maging isang piraso kasama ng takip.
\v 9 Nilagay nila ang may pakpak na mga nilalang para ang kanilang mga pakpak ay mag-abot ang bawat isa at bumuka sa ibabaw ng takip. Magkaharap ang nilalang sa bawat isa, nakatingin patungo sa gitna ng takip.
\s5
\p
\v 10 Si Bezalel at kaniyang mga tauhan na lalaki ay gumawa ng mesa mula sa kahoy ng akasya. Iyon ay 0.9 metro ang haba, 0.5 metro ang lapad, at 0.7 metro ang taas.
\v 11 Binalutan nila ito ng purong ginto at nilagyan nila ng gintong hangganan sa palibot nito.
\p
\v 12 Gumawa sila ng gilid sa palibot nito, mga walong sentimetro ang lapad. Pagkatapos naglagay sila ng gintong hangganan sa palibot ng gilid.
\v 13 Gumawa sila ng apat na singsing mula sa ginto at pinagkabit ang mga singsing sa apat na sulok ng mesa, isang singsing na malapit sa bawat paa ng mesa.
\s5
\v 14 Si Bezalel at kaniyang mga tauhan na lalaki ay pinagkabit ang mga singsing sa mesa na malapit sa gilid.
\v 15 Gumawa sila ng dalawang poste mula sa kahoy ng akasya at binalot ang mga ito ng purong ginto. Pagkatapos isiningit nila ang mga poste para buhatin ang mesa sa mga singsing.
\v 16 Ginawa rin nila mula sa purong ginto ang lahat ng mga bagay na para sa mesa--ang mga plato, ang mga baso, ang mga banga at ang mga mangkok na gagamitin ng mga pari kung magbubuhos ng alak para mag-alay kay Yahweh.
\s5
\p
\v 17 Si Bezalel at kaniyang mga tauhan na lalaki ay gumawa ng ilawan mula sa purong ginto. Ang mga tungtungan at baras ay minartilyo mula sa isang malaking tipak ng ginto. Ang mga baso para lalagyan ng langis, ang mga usbong na bulaklak at talutot na nagpapalamuti sa mga sanga ng ilawan, ang tungtungan, at ang baras ay minartilyo mula sa isang tipak ng ginto.
\p
\v 18 Mayroong anim na sanga sa ilawan, tatlo sa bawat gilid ng baras.
\v 19 Bawat isa sa anim na sanga ay mayroong tatlong bagay na anyong tulad ng bulaklak ng almendras. Ang mga bagay rin na ito ay may sumibol na bulaklak at mga talutot ng bulaklak.
\s5
\v 20 Sa baras ng ilawan ay mayroong apat na gintong mga baso na anyong tulad ng bulaklak ng almendras, bawat isa ay may sumibol na bulaklak at mga talutot ng bulaklak.
\v 21 Sa bawat gilid, sa ilalim at palapad mula sa bawat sanga, mayroong isang sumibol na bulaklak.
\v 22 Lahat ng mga sumibol na bulaklak at mga sanga, kasama ang baras, ay minartilyo mula sa isang malaking tipak ng purong ginto.
\s5
\v 23 Si Bezalel at kaniyang mga tauhan na lalaki ay gumawa rin ng pitong maliliit na mga baso para lalagyan ng langis. Gumawa sila ng mga panipit mula sa purong ginto para sa pagkuha ng mga nasunog na mitsa at ang mga bandeha na kung saan ilalagay ang mga sunog na mga mitsa.
\v 24 Gumamit sila ng tatlumpu't apat na kilo ng purong ginto para gumawa ng ilawan at lahat ng mga bagay na gagamitin ng mga pari para pangalagaan ito.
\s5
\p
\v 25 Si Bezalel at kaniyang mga tauhan na lalaki ay gumawa rin ng altar para sa susunugin na insenso mula sa kahoy ng akasya. Iyon ay parisukat, na may 0.5 metro sa bawat gilid at 0.9 metro ang taas. Gumawa sila ng usli na kamukha ng isang sungay na nasa itaas ng mga sulok. Ang mga usli ay inukit sa parehong tipak ng kahoy bilang isang altar.
\v 26 Binalutan nila ang ibabaw at apat na mga gilid, kasama ang mga usli, ng purong ginto. Naglagay sila ng gintong hangganan sa palibot ng altar na malapit sa ibabaw.
\s5
\v 27 Si Bezalel at kaniyang mga tauhang lalaki ay gumawa rin ng dalawang gintong singsing para buhatin ang altar. Pagkatapos kinabit nila ito sa altar na ibaba ng hangganan, isa sa bawat gilid ng altar. Ang mga poste para sa pagbuhat ng altar ay hulma sa mga singsing.
\v 28 Ginawa nila ang dalawang poste mula sa kahoy ng akasya at binalutan ito ng ginto.
\p
\v 29 Gumawa rin sila ng sagradong langis para pangpahid at purong matamis na amoy ng insenso. Isang bihasang tagapagpabango ang naghahalo ng insenso ng magkakasama.
\s5
\c 38
\p
\v 1 Si Bezalel at kaniyang mga tauhan na lalaki ay gumawa ng altar para sunugan ng mga alay mula sa kahoy ng akasya. Iyon ay parisukat, 2.3 metro sa bawat gilid, at iyon ay 1.4 metro ang taas.
\v 2 Gumawa sila ng usli na kamukha ng isang sungay sa bawat mga sulok ng ibabaw. Ang mga usli ay inukit mula sa parehong tabla ng kahoy na kung saan ginawa ang altar. Binalutan nila ang buong altar ng tanso.
\v 3 Ginawa nila ang mga kawali kung saan ilalagay ang mga abo mula sa mga alay na hayop. Gumawa rin sila ng mga pala para sa paglinis ng mga abo. Gumawa sila ng mga palanggana at mga tinidor para baliktarin ang karne kapag ito ay naluto, at mga balde para dalhin ang mga mainit na uling. Ginawa nila ang lahat ng ito mula sa tanso.
\s5
\v 4 Gumawa rin sila ng rehas na tanso para hawakan ang kahoy at umaapoy na mga uling. Nilagay nila ang rehas sa ilalim ng gilid na nakapalibot sa altar. Ginawa nila ito para ito ay nasa loob ng altar, kalahati pababa.
\v 5 Gumawa sila ng mga tansong singsing kung saan ilalagay ang mga poste para buhatin ang altar at ikakabit sila sa bawat mga kanto ng altar.
\s5
\v 6 Ginawa nila ang mga poste mula sa kahoy ng akasya at binalutan nila ito ng tanso.
\v 7 Nilagay nila ang mga poste para buhatin ang altar sa pamamagitan ng mga singsing sa bawat gilid ng altar. Ang altar ay tulad ng nakabukas na kahon na gawa mula sa mga tabla sa kahoy ng akasya.
\s5
\p
\v 8 Si Bezalel at kaniyang mga tauhan na lalaki ay gumawa rin ng malaking palanggana at tuntungan nito mula sa tanso. Ang tanso ay mula sa mga salamin na pag-aari ng mga babae na nagtatrabaho sa pasukan ng sagradong tolda.
\s5
\v 9 Sa palibot ng sagradong tolda si Bezalel at kaniyang mga katulong ay gumawa ng isang patyo. Para bumuo ng patyo, gumawa sila ng mga kurtina sa pinong puting lino. Sa timog na gilid, ang kurtina ay 45.7 metro ang haba.
\v 10 Para alalayan ang kurtina, gumawa sila ng dalawampung tansong poste at dalawampung tansong tuntungan, isa para sa bawat ilalim na poste. Para ikabit ang mga kurtina sa mga poste, gumawa sila ng mga pilak na mga kawit, at gumawa sila ng mga bakal na baras na binalutan ng pilak.
\s5
\v 11 Gumawa sila ng kaparehong klase ng mga kurtina, mga poste, mga tungtungan, at mga kawit para sa hilagang gilid ng patyo.
\p
\v 12 Sa kanlurang gilid ng patyo, gumawa sila ng kurtina na 22.9 metro ang haba. Gumawa rin sila ng sampung poste para alalayan ang mga kurtina at sampung tungtungan, kasama ng mga pilak na mga kawit at bakal na mga baras na binalutan ng pilak.
\s5
\v 13 Sa silangang bahagi, kung saan ang pasukan ay, ang patyo ay 22.9 metro ang lapad.
\v 14 Sa gilid ng pasukan, si Bezalel at kaniyang mga tauhang lalaki ay gumawa ng kurtina na mga pitong metro ang lapad kasama na tatlong poste at tatlong tuntungan.
\v 15 Sa kabilang gilid ng pasukan, gumawa sila ng kurtina na pitong metro ang lapad kasama ang tatlong poste at tatlong tuntungan.
\v 16 Ginawa nila ang lahat ng mga kurtina sa palibot ng patyo mula sa pinong lino.
\s5
\v 17 Lahat ng mga poste sa palibot ng patyo ay gawa sa tanso, pero binalutan nila ang ibabaw ng pilak. Pinagkabit nila ang mga poste sa bakal na mga baras na binalutan nila ng pilak. Ginawa rin nila ang mga panghawak at mga kawit ng pilak.
\v 18 Para sa pasukan ng patyo, gumawa sila ng kurtina mula sa pinong puting lino, at isang bihasang manghahabi ang nagburda nito ng asul, lila, at pulang lanang sinulid. Ang kurtina ay parang siyam na metro ang haba at 2.3 metro ang taas, katulad ng ibang mga kurtina sa palibot ng patyo.
\v 19 Ang lahat ng mga kurtina ay gawa sa pinong lino. Inalalayan sila sa pamamagitan ng apat na poste, at bawat ilalim ng poste ay tuntungan na gawa sa tanso. Ang lahat ng mga poste sa palibot ng patyo ay nakakabit sa bakal na mga baras na binalutan ng pilak. Ang mga panghawak ay gawa sa pilak, at sa ibabaw ng mga poste ay binalutan ng pilak.
\v 20 Ang lahat ng mga pako ng tolda para alalayan ang sagradong tolda at ang mga kurtina sa palibot ng patyo ay gawa sa tanso.
\s5
\p
\v 21 Narito ang isang listahan ng mga halaga ng bakal na ginamit sa paggawa ng sagradong tolda. Sinabihan ni Moises ang ilan sa mga lalaki mula sa lipi ni Levi para bilangin ang lahat ng mga kagamitan na ginamit at isulat ang mga halaga. Si Ithamar na anak na lalaki ni Aaron na pari ang nangasiwa sa mga kalalakihan.
\v 22 Si Bezalel na anak na lalaki ni Uri at apo na lalaki ni Hur ang gumawa sa lahat ng mga bagay na inutos ni Yahweh kay Moises na gawin.
\v 23 Ang katulong ni Bezalel ay si Oholiab na anak na lalaki ni Ahisamac, mula sa lipi ni Dan. Si Oholiab ay isang bihasang mang-uukit na gumawa ng mga masining na mga bagay. Nagburda siya ng mga disenyo gamit ang asul, lila, at pulang lanang sinulid, at lino.
\s5
\p
\v 24 Ang lahat ng mga ginto na ginamit sa paggawa ng sagradong tolda ay bumibigat ng 995 kilo. Ginamit nila ang opisyal na pamantayan nang tinimbang nila ang ginto.
\v 25 Ang lahat ng mga pilak na iniambag ng mga tao nang ang mga pangulo ay kumuha ng mga senso ay tumitimbang ng 3,400 kilo. Ginamit rin nila ang opisyal na pamantayan nang sila ay tumimbang ng pilak.
\v 26 Ang lahat ng mga lalaki na kahit dalawampung taong gulang ay binilang at bawat isa sa kanila ay nagbayad ng kailangang halaga. Iyon ay may kabuuang bilang na 603,550 na mga kalalakihan.
\s5
\v 27 Gumamit sila ng 34 kilo ng pilak para sa bawat isang daang tuntungan na ilalagay sa ilalim ng mga poste para alalayan ang mga kurtina sa sagradong tolda.
\v 28 Si Bezalel at kaniyang mga tauhan ay gumamit ng dalawampu't dalawang kilo ng pilak na hindi ginamit para sa mga tuntungan para gumawa ng mga baras at mga kawit para sa mga poste at para takpan ang ibabaw ng mga poste.
\v 29 Ang tanso na iniambag ng mga tao ay tumitimbang ng 2,400 kilo.
\s5
\v 30 Kasama ng pilak si Bezalel at kaniyang mga tauhan ay gumawa ng mga tuntungan para alalayan ang mga poste na nasa pasukan ng sagradong tolda. Ginawa rin nila ang altar para sunugan ng mga alay kasama ng rehas nito at mga kagamitan na gagamitin dito,
\v 31 ang mga tuntungan para sa mga poste na umalalay sa mga kurtina na pumapalibot sa patyo, ang mga tuntungan para sa pasukan papuntang patyo, at ang mga tulos ng tolda para sa sagradong tolda at para sa mga kurtina na palibot ng patyo.
\s5
\c 39
\p
\v 1 Si Bezalel, si Oholiab at ang ibang mahuhusay na manggagawa ay gumawa ng magagandang damit para kay Aaron na isusuot habang ginagawa niya ang kaniyang trabaho bilang isang pari sa banal na lugar. Ginawa nila ito mula sa asul, lila, at pulang lanang tela, katulad ng inutos ni Yahweh kay Moises.
\s5
\p
\v 2 Ginawa nila ang banal na tapis mula sa puting pinong lino, at mula asul, lila, at pulang lanang tela.
\v 3 Sila ay nagpanday ng ilang manipis na ginto at ginupit ang mga ito ng maninipis na ibinurda nila sa pinong lino at sa asul, lila, at pulang tela.
\s5
\v 4 Ang banal na tapis ay may dalawang pambalikat na sintas, para maikabit ang harap na parte sa likod na parte sa mga gilid nito.
\v 5 Isang maingat na hinabing sinturon, na ginawa mula sa parehong sangkap ng banal na tapis, na tinahi sa banal na tapis. Ito ay ginawang tamang-tama ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
\s5
\p
\v 6 Si Bezalel at ang kaniyang mga tauhan ay pumutol ng dalawang oniks na bato at inilakip ito sa maliit na balangkas, at isang mahusay na mananabas ng hiyas ay umukit sa mga bato ng pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Jacob.
\v 7 Itinali nila ang mga bato sa pambalikat na tali ng banal na tapis para kumatawan sa labindalawang lipi ng Israel, tamang-tama ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
\s5
\p
\v 8 Ginawa nila ang banal na baluti na sisidlan sa pamamagitan ng mga kaparehong kagamitan ng banal na tapis at binurdahan ito sa parehong paraan.
\v 9 Ito ay parisukat, at ang gamit ay tiniklop ng doble kaya ito ay 23 na sentimetro sa bawat gilid.
\s5
\v 10 Nagkabit sila ng apat na hanay ng mahahalagang bato sa sisidlan. Sa unang hanay, nilagyan nila ng pulang rubi, ng dilaw na topaz, at pulang garnet.
\v 11 Sa ikalawang hanay, naglagay sila ng berdeng esmeralda, asul na safiro, at puting dyamante.
\v 12 Sa ikatlong hanay naglagay sila ng pulang jacinto, puting agata, at lilang ametista.
\v 13 Sa ika-apat na hanay, naglagay sila ng dilaw na berilo, isang pulang kornalina, at isang berdeng jaspe. Naglagay sila ng maliliit na gintong balangkas na nakapalibot sa bawat bato.
\s5
\v 14 Sa bawat isa sa labindalawang bato ay inukit nila ang pangalan ng isa sa mga anak na lalaki ni Jacob, para kumatawan sa isa sa labindalawang lipi ng Israel.
\v 15 Gumawa sila ng dawalang kadena mula sa purong ginto at tinirintas ang mga ito na parang mga tali, para maikabit ang banal na sisidlan sa banal na tapis.
\v 16 Gumawa sila ng dalawang gintong singsing, at ikinabit nila ang mga ito sa itaas na sulok ng banal na sisidlan.
\s5
\v 17 Itinali nila ang isang dulo ng bawat gintong kadena sa isang singsing.
\v 18 Ikinabit nila ang kabilang dulo ng bawat kadena sa isa sa dalawang paligid na lumalakip sa mga bato at pagkatapos ikinabit ang banal na sisidlan sa pambalikat na tali ng banal na tapis.
\s5
\p
\v 19 Pagkatapos gumawa sila ng dalawang gintong singsing at ikinabit ang mga ito sa mababang mga sulok ng banal na sisidlan, sa loob na gilid, malapit sa banal na tapis.
\v 20 Gumawa sila ng dalawa pang gintong singsing at ikinabit ang mga ito sa mababang bahagi ng harap ng pambalikat na tali, malapit kung saan ang pambalikat na tali ay itinali sa banal na tapis, nasa itaas lamang nang maingat na hinabing laso.
\s5
\v 21 Itinali nila ang mga singsing sa banal na sisidlan patungo sa mga singsing na nasa banal na tapis na may asul na tali, para ang banal na sisidlan ay nasa ibabaw ng laso at hindi luluwag mula sa banal na tapis. Ginawa nila ang mga bagay na ito gaya ng inutos ni Yahweh na gawin ni Moises.
\s5
\p
\v 22 Ginawa nila ang balabal na isususot sa ilalim ng banal na tapis ng pari; gumamit lamang sila ng asul na tela.
\v 23 Mayroon itong bukasan kung saan ipapasok ng pari ang kaniyang ulo. Tumahi sila ng isang hangganan sa palibot ng bukasan para maiwasan ang kagamitan mula sa pagkapunit
\v 24 Sa may ibabang dulo ng balabal ikinabit nila ang mga palamuti na kawangis ng prutas ng pomegrante. Ang mga palamuti ay hinabi mula sa asul, lila, at pulang lanang tali.
\s5
\v 25 Sa pagitan ng bawat mga palamuting ito, nagkabit sila ng maliit na kampanilya na ginawa mula sa purong ginto
\v 26 para isuot ni Aaron habang ginagawa niya ang kaniyang trabaho bilang isang pari. Ginawa nila ang lahat ng mga bagay na ito na tamang-tama gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
\s5
\p
\v 27 Naghabi sila ng mahahabang manggas na damit mula sa pinong lino para kay Aaron at sa kaniyang mga anak.
\v 28 Gumawa rin sila ng turbante ng pinong lino para isuot ni Aaron sa palibot ng kaniyang ulo. Ginawa nila ang mga pantakip sa ulo at mga salawal mula sa pinong lino para sa mga anak ni Aaron.
\v 29 Gumawa sila ng binurdahang mahabang tela mula sa pinong lino para kay Aaron, at nagburda sila ng disenyo sa mga ito gamit ang asul, lila, at pulang hinabing tali, tamang-tama ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
\s5
\p
\v 30 Ginawa din nila ang maliliit na palamuting purong ginto at isang mahusay na manggagawa ang nag-ukit dito ng mga salitang, "Inilaan kay Yahweh."
\v 31 Itinali nila ito sa harapan ng turbante gamit ang asul na tali, ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
\s5
\p
\v 32 Sa wakas, natapos nila ang lahat ng gawain sa paggawa ng banal na tolda at dinala ang lahat kay Moises. Ginawa nila ang mga ito ng tamang-tama ayon sa inutos sa kanila ni Yahweh.
\v 33 Dinala nila sa kaniya ang banal na tolda at lahat ng bagay na ginagamit kasama nito—mga kawit, mga balangkas, mga tubo, mga poste, at mga patungan;
\v 34 mga pangtabing para sa banal na tolda na gawa sa pina-pulang balat ng tupa at balat ng kambing; mga kurtina;
\v 35 ang banal na kahon na naglalaman ng tipak ng mga bato kung saan nakasulat ang mga utos at ang takip para sa kahon;
\s5
\v 36 ang mesa kasama ng lahat ng bagay na gagamitin dito at ang tinapay para ipakita sa tapat ng Diyos;
\v 37 ang ilawan na gawa sa purong ginto kasama ng mga ilawan nito at lahat ng bagay na gamit para alagaan ito, at ang langis para sa ilawan;
\v 38 ang gintong altar sa pagsusunog ng insenso, ang langis para sa pangpahid, ang matamis na amoy ng insenso, at kurtina para sa pasukan ng sagradong tolda;
\v 39 ang altar na tanso para sa pagsusunog ng mga alay kasama ng tansong rehas, ang mga tubo para sa pagbubuhat sa mga ito, at lahat ng iba pang bagay na ginagamit dito, pati na rin ang palangganang hugasan at patungan nito.
\s5
\v 40 Dinala din nila ang mga kurtina na nakapalibot sa patyo, ang mga poste, at mga patungan na nakaalalay sa mga ito, ang kurtina para sa pasukan ng patyo at mga tali nito, mga tulos ng tolda, at lahat ng ibang gamit na gagamitin sa banal na tolda;
\v 41 ang magandang banal na mga damit para kay Aaron at sa kaniyang mga anak na isususot kapag ginawa nila ang gawain nila sa banal na lugar, at ang mga damit para isuot ng kaniyang mga anak habang ginagawa nila ang kanilang gawain bilang mga pari.
\s5
\v 42 Natapos ng sambayanang Israel ang lahat ng gawain ng tamang-tama ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises. Ginawa ng sambayanan ng Israel ang lahat ng ito ng tamang-tama ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
\v 43 Nakita ni Moises ang lahat ng gawain na natapos nila. Tunay nga, nagawa nila ang lahat ng tamang-tama ayon sa inutos ni Yahweh na dapat gawin. At binasbasan ni Moises ang mga manggagawa.
\s5
\c 40
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 2 Sa susunod na taon, sa unang araw ng unang buwan, sabihin mo sa mga tao na itayo ang banal na tolda.
\s5
\v 3 Ilagay sa loob nito ang banal na kahon na naglalaman ng mga tipak ng bato kung saan naka-ukit ang Sampung Utos, at isabit ang kurtina nito sa harap nito.
\v 4 Dalhin ang mesa sa banal na tolda, at ilagay dito ang lahat ng bagay na nagawa para dito. Pagkatapos dalhin mo ang ilawan at ilagay ang ilawan doon.
\s5
\v 5 Ilagay ang gintong altar para sa pagsusunog ng insenso sa harap ng banal na kahon, at ilagay ang kurtina sa pasukan ng banal na tolda.
\v 6 Ilagay ang altar para sa pagsusunog ng mga alay sa harap ng banal na tolda.
\v 7 Ilagay ang palangganang paghuhugasan sa gitna ng banal na tolda at altar, at punuin ito ng tubig.
\s5
\v 8 Isabit ang kurtina sa palibot ng patyo, at isabit din ang kurtina na ginawa ng iyong mga manggagawa para sa pasukan.
\p
\v 9 Pagkatapos dalhin mo ang langis para pangpahid at ilagay ito sa banal na tolda at sa lahat ng naroroon, para maihiwalay ang lahat ng iyon para sa akin. Pagkatapos ito ay magiging sobrang halaga, na nakalaan lamang para sa akin.
\v 10 Ilagay din ang kaunting langis sa altar kung saan ang mga pari ay magsusunog ng mga alay na ihahandog nila sa akin. Ilagay din ang kaunting langis sa lahat ng bagay na gagamitin nila para sa altar, at ihiwalay ito para sa akin. At ito'y magiging mahalaga, na nakalaan sa akin.
\v 11 Ilagay din ang kaunting langis sa palangganang hugasan at patungan nito, para mahiwalay ito sa akin.
\s5
\v 12 Pagkatapos dalhin mo si Aaron at ang kaniyang mga anak sa pasukan ng banal na tolda, at hugasan sila ng tubig.
\v 13 At ihiwalay si Aaron para sa akin sa pamamagitan ng pagsusuot ng mahalagang mga damit sa kaniya at pagbubuhos ng langis sa kaniya. Gawin ninyo ito para makapaglingkod siya sa akin bilang isang pari na lalapit sa harap ko.
\s5
\v 14 Dalhin din ang mga anak ni Aaron at isuot ang mga natatanging mga tunika sa kanila;
\v 15 pagkatapos ibuhos ang langis sa kanila katulad ng ginawa ninyo sa ama nila. Gawin mo ito para sumamba din sila sa akin bilang mga pari. Sa pamamagitan ng pagbuhos ng langis sa kanila, idudulot ninyo sa kanila at kanilang mga lahi para maging mga pari sa buong salinlahi ng hinahaharap."
\p
\v 16 Ginawa ito ni Moises at ng bayang gumagawa kasama niya ng tamang-tama ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
\s5
\p
\v 17 Sa unang araw ng unang buwan sa susunod na taon, ang taon matapos ang bayan ay lumabas sa Ehipto, nagtayo ang bayan ng banal na tolda.
\v 18 Ginawa nila ang inutos sa kanila ni Moises; itinayo nila ang banal na tolda at mga patungan nito; inilagay nila ang mga balangkas, ikinabit ang mga tubo, at itinayo ang mga poste para sa mga kurtina.
\v 19 Pagkatapos inilatag nila ang mga pantakip sa itaas ng sagradong tolda, walang labis at walang kulang ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
\v 20 Pagkatapos dinala ni Moises ang dalawang tapyas ng bato kung saan ang mga utos ay nakasulat at ilagay ito sa banal na kahon. Idinulot niya ang mga manggagawa na ilagay ang mga pangbuhat na tubo papasok sa mga singsing ng kahon at ilagay ang takip sa itaas nito.
\s5
\v 21 Pagkatapos dinala ni Moises ang kahon papasok sa banal na lugar sa loob ng banal na tolda at isinabit ang kurtina. Pagkatapos niyang gawin iyon, hindi makita ng bayang nasa labas ang kahon. Ginawa niya itong lahat ng tamang-tama ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
\v 22 Inutusan niya ang mga manggagawa na ilagay ang mesa sa loob ng banal na tolda, sa hilagang bahagi, sa labas ng kurtina.
\v 23 Inilagay nila ang tinapay sa mesa para ipakita sa harap ni Yahweh, tamang-tama ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises na gawin niya.
\s5
\v 24 Inilagay ng mga manggagawa ni Moises ang ilawan sa loob ng banal na tolda, sa timog na bahagi, sa kabilang dulo ng mesa.
\v 25 At ikinabit nila ang lampara sa ilawan sa presensya ni Yahweh, tamang-tama ayon sa inutos ni Yahweh.
\s5
\v 26 Itinayo ng mga manggagawa ni Moises ang gintong altar para sa pagsusunog ng insenso sa loob ng banal na tolda, sa harap ng kurtina na naghihiwalay sa banal na lugar mula sa napakabanal na lugar, at
\v 27 nagsunog sila dito ng ilang matamims na amoy na insenso, tamang-tama ayon sa inutos ni Yahweh na gawin ni Moises.
\s5
\v 28 Isinabit ng mga manggagawa ni Moises ang kurtina sa may pasukan ng banal na tolda.
\v 29 Sa may pasukan ng banal na tolda, naglagay sila ng altar para sa paghahandog ng mga alay na susunugin ng mga pari. Pagkatapos sinunog nila doon ang karne at ang harina na inihandog nila, tamang-tama ayon sa inutos sa kanila ni Yahweh sa pamamagitan ni Moses na gawin.
\v 30 Inilagay nila ang hugasang-palanggana sa gitna ng banal na tolda at ng tansong altar, at pinuno nila ang hugasang-palanggana ng tubig.
\s5
\v 31-32 Sa bawat oras si Moises, Aaron, o mga anak na lalaki ni Aaron ay pumasok sa banal na tolda o umakyat sa altar, hinuhugasan nila ang kanilang mga kamay at mga paa, tamang-tama ayon sa inutos sa kanila ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises na gawin.
\v 33 Ang mga manggagawa ni Moises ay nagsabit ng mga kurtina na lumilibot sa patyo at ng altar, at isinabit nila ang kurtina sa may pasukan ng patyo. Sa pamamaraang ito idinulot ni Moises na matapos ng mga tao ang kanilang gawain.
\s5
\p
\v 34 Pagkatapos tumakip ang mataas na ulap sa banal na tolda, at napuno ng kapangyarihan at maningning na liwanag ni Yahweh ang banal na tolda.
\v 35 Dahil sobrang liwanag ng ilaw, hindi nagawang makapasok ni Moises sa banal na tolda.
\s5
\v 36 Simula sa araw na iyon, sa tuwing ang mga Israelita ay gustong pumunta sa ibang lugar, pupunta lang sila kapag ang ulap ay tataas mula sa ibabaw ng banal na tolda at nagpapatuloy.
\v 37 Kung ang ulap ay hindi tataas, hihinto sila kung saan sila naroon at maghihintay sa ulap na tumaas at gumalaw.
\v 38 Saanman sila maglakbay, ang ulap na nagpapakita ng presensya ni Yahweh ay nasa ibabaw ng banal na tolda habang umaga, at isang maliwanag na apoy ang nasa itaas nito kapag gabi. Lahat ng bayan ng Israel ay maaaring makita ito anumang oras, hangga't sila'y naglalakbay sa lupain na ipinangako ng Diyos na ibibigay sa kanila.