tl_udb/65-3JN.usfm

49 lines
3.5 KiB
Plaintext
Raw Normal View History

2021-02-25 00:21:44 +00:00
\id 3JN
\ide UTF-8
\h 3 Juan
\toc1 3 Juan
\toc2 3 Juan
\toc3 3jn
\mt 3 Juan
\s5
\c 1
\p
\v 1 Alam mong ako ay isang punong Nakatatanda. Sumulat ako ng liham na ito para sa iyo, mahal kong kaibigang Gayo, na tunay kong minahal.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Mahal kong kaibigan, hiniling ko sa Diyos na lahat ng mga bagay ay maging mabuti para sa iyo sa bawat paraan, at ikaw ay may maayos na pangangatawan gaya ng pagiging maayos mo sa harapan ng Diyos.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Ako ay lubos na masaya dahil ang ilang mga kapwa mananampalataya ay dumating dito at sinabi sa akin na ikaw ay namuhay ayon sa tunay na mensahe tungkol kay Cristo. Sinabi nila na ikaw ay kumikilos sa paraan na ayon sa katotohanan ng Diyos.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Ako ay lubos na masaya kapag narinig ko na ang mga tao na aking tinulungan na maniwala kay Cristo ay namumuhay sa isang paraan na tumutugma sa katotohanan ng Diyos!
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Mahal kong kaibigan, ikaw ay naglilingkod kay Jesus nang matapat tuwing ikaw ay gumagawa ng mga bagay upang tulungan ang mga kapwa mananampalataya, kahit ang mga dayuhang hindi mo kakilala, silang mga naglalakbay na ginagawa ang gawain ng Diyos.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Ilan sa kanila ang nagbalita sa harapan ng kapulungan dito kung paano mo ipinakita na mahal mo sila. Dapat mong ipagpatuloy ang tumulong sa ganoong mga tao na gawin ang kanilang gawain sa isang paraan na mapaparangalan ang Diyos.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Nang ang mga kapwa mananampalataya ay lumabas upang sabihin sa mga tao ang tungkol kay Jesus, hindi sila tumanggap ng pera mula sa mga tao na hindi naniniwala kay Cristo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Kaya kami na naniniwala kay Cristo ay marapat magbigay ng pagkain at pera sa mga taong tulad nila, upang gumawa kasama nila upang tulungan ang iba na malaman ang tunay na mensahe ng Diyos.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Isinulat ko ang isang liham para sa inyong kapulungan upang sabihin sa kanila na tulungan ang mga kapwa mananampalataya na iyon. Gayunman, si Diotrefes ay hindi tinanggap ang aking liham, dahil gusto niyang pangibabawan kayo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Kaya kung ako ay dumating diyan ay hayagan kong sasabihin sa bawat isa kung ano ang kaniyang ginawa: Sinasabi niya sa iba ang walang katuturang kasamaan tungkol sa amin upang saktan kami sa pamamagitan ng kaniyang sinasabi. Hindi sapat sa kaniya na ganoon lamang ang ginagawa, pero sa sarili niya ay tinatanggihan niya rin na tanggapin ng malugod ang mga kapwa mananampalataya na naglalakbay habang ginagawa ang gawain ng Diyos. At silang nais na tanggapin sila ng malugod - pinipigilan niya sila sa pamamagitan ng pagpapalayas sa kanila sa kapulungan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Mahal kong kaibigan, huwag gayahin ang isang masamang halimbawa katulad noon. Sa halip, patuloy na gayahin ang mabuting mga halimbawa. Tandaan ang mga tao na gumagawa ng mga mabubuting gawain ay tunay na kaanib ng Diyos. Ang sinumang patuloy na gumagawa ng masama ay hindi kailanman nakatagpo ang Diyos.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Lahat ng mga mananampalataya na nakakakilala kay Demetrio ay nagsasabing siya ay isang mabuting tao. Kung ang katotohanan ay isang tao, sasabihin niya ang parehong bagay! Kami rin ay magsasabi na siya ay isang mabuting tao, at alam ninyo na totoo kung ano ang sinasabi namin tungkol sa kaniya.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Nang magsimula akong isulat ang liham na ito, marami pa akong hinangad na sasabihin sa iyo. Pero ngayon hindi ko na nais sabihin ito sa isang liham.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Sa halip, inaasahan ko na pumunta at makita ka sa lalong madaling panahon. Pagkatapos tayo ay mag-uusap ng harapan sa isa't isa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Nanalangin ako sa Diyos na bigyan ka ng kapayapaan. Ang ating mga kaibigan dito ay nagpapaabot sa iyo ng kanilang mga pagbati.