\v 4 Lahat ng buhay ay nasa Salita, upang makapagbigay siya ng buhay sa lahat ng bagay at sa lahat ng tao. Ang Salita ay ang ilaw ng Diyos na nagbigay ng liwanag sa lahat ng tao, sa lahat ng dako.
\v 7 Dumating siya upang magpatotoo sa mga tao tungkol sa liwanag. Ang kaniyang mga sinabi ay totoo, at ipinahayag niya ang mensaheng iyon upang ang lahat ng tao ay maniwala.
\v 13 Ito ay ang mga anak na ipinanganak mula sa Diyos. Hindi sila ipinanganak sa pangkaraniwang paraan ng tao o dahil sa pagnanais ng tao o pagpipili o dahil sa pagnanais ng isang asawang lalaki na maging isang ama.
\v 14 Ngayon ang Salita ay naging totoong tao at namuhay ng panandaliang panahon lamang dito kung saan namumuhay tayo. Nakita nating pinahayag niya ang kaniyang pagiging likas na marilag at kamangha-mangha, ang pagiging natatanging Anak ng Diyos na nagpapakita sa atin na tayo ay tapat na mahal ng Diyos at tinuturo sa atin ang kaniyang katotohanan.
\v 15 Isang araw, sinasabihan ni Juan na Tagapagbawtismo ang mga tao tungkol sa Salita, at lumapit si Jesus sa kaniya. Sumigaw si Juan sa mga tao na nakapaligid sa kaniya, "Sinabi ko sa inyo na may darating pagkatapos ko, isang tao na mas mahalaga kaysa sa akin. Siya ay buhay na bago pa ako, sa simula pa lang at magpakailanman, bago pa man ako ipinanganak. Itong tao na ito! Ito ang tao na sinasabi ko!"
\v 17 Ipinahayag ni Moises ang kautusan ng Diyos sa mga Judio. Si Jesu-Cristo ay naging mabuti sa atin higit pa sa nararapat sa atin at tinuruan tayo ng mga totoong bagay tungkol sa Diyos.
\v 18 Wala pang nakakakita sa Diyos. Ngunit ang tanging Anak lang ng Diyos na si Jesu-Cristo, na palaging malapit sa Diyos, ipinakilala niya siya sa atin.
\v 19 Ito ang sinabi ni Juan bilang kaniyang patotoo: Nagpadala ang mga Judio ng pari at mga Levita mula sa Jerusalem; dumating sila upang tanungin si Juan, "Sino ka?"
\v 21 Pagkatapos ay tinanong nila siya, "Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili? Ikaw ba si Elias?" Sinabi niya, "Hindi." Tinanong ulit nila, "Ikaw ba ang Propeta na sinabi ng mga propeta na darating?" Sumagot si Juan, "Hindi."
\v 22 Kaya muli nilang tinanong si Juan, "Kung gayon sino ka? Sabihin mo sa amin kung sino ka nang maiulat namin ito sa mga nagpadala sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?
\v 23 Sumagot siya tulad ng sinulat ni Isaias na propeta, "Ako ang siyang tinig na sumisigaw sa ilang na, 'Gawing maayos ang daan para sa pagdating ng ating Panginoon.'"
\v 29 Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya. Sinabi niya sa mga tao, "Tingnan ninyo! Iyan ang Kordero ng Diyos na ibibigay ang kaniyang buhay bilang isang sakripisyo upang alisin ang kasalanan ng mundo.
\v 30 Siya ang sinabi ko sa inyo, "May isang darating pagkatapos ko na mas mahalaga kaysa sa akin, dahil siya ay buhay na bago pa ako, sa simula pa lang at magpakailanman, bago pa man ako ipinanganak.'
\v 31 Hindi ko siya kilala noong una, ngunit ngayon ay kilala ko na kung sino siya. Ang aking tungkulin ay upang dumating at bawtismuhan sa tubig ang mga nagsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan. Nais ko na malaman ng mga Israelita kung sino siya."
\v 32 Tungkulin ni Juan na sabihin niya ang kaniyang nakita. Nagsalita siya ng ganito, "Nakita ko ang Espiritu ng Diyos habang siya ay bumababa mula sa langit sa anyo ng isang kalapati. Ang Espiritu ay bumaba at nanatili kay Jesus.
\v 33 Noong una, ako mismo ay hindi siya kilala, ngunit ipinadala ako ng Diyos upang bawtismuhan ko ang mga tao sa tubig, ang mga tao na nagsabi na gusto nilang tumalikod sa kanilang mga makasalanang gawain. Sinabi sa akin ng Diyos, "Ang tao na makikita mong bababaan at pananatilihan ng aking Espiritu ay ang magbabawtismo sa inyong lahat sa Banal na Espiritu.'
\v 36 Nang nakita niya si Jesus na dumadaan, sinabi niya, "Tingnan ninyo! Iyan ang Kordero ng Diyos, ang taong itinalaga ng Diyos upang ibigay ang kaniyang buhay, katulad ng isang tupa na iaalay para sa mga kasalanan ng mga tao ng Israel!"
\v 38 Tumalikod si Jesus at nakita silang sumusunod sa kaniya, at tinanong niya sila, "Ano ang hinahanap ninyo?" Sinabi nila sa kaniya, "Rabbi, (na ang ibig sabihin ay 'guro'), sabihin ninyo sa amin kung saan kayo namamalagi."
\v 39 Sumagot siya, "Sumama kayo sa akin at makikita ninyo!" Kaya sumama sila at nakita kung saan namamalagi si Jesus, at namalagi sila kasama siya nang araw na iyon. (Noon ay mag-aalas kuwatro na ng hapon.)
\v 41 Umalis muna si Andres upang hanapin ang kaniyang kapatid na si Simon. Nang lumapit siya sa kaniya, sinabi niya, "Nakita na namin ang Mesias (na ang ibig sabihin ay 'Cristo')!"
\v 42 Dinala ni Andres si Simon kay Jesus. Tinignang mabuti ni Jesus si Pedro, at sinabi, "Ikaw ay si Simon. Ang pangalan ng iyong ama ay Juan. Bibigyan ka ng pangalang Cefas." Ang Cefas ay isang Arameong pangalan na nangangahulugang 'matigas na bato.' (Ang pangalang Pedro ay may iisang kahulugan sa Griyego.)
\v 43 Nang sumunod na araw, nagpasya si Jesus na lumisan sa lambak ng Ilog Jordan. Pumunta siya sa rehiyon sa Galileo at nakita niya ang isang lalaki na nagngangalang Felipe. Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Sumama ka sa akin."
\v 45 Pagkatapos ay hinanap ni Felipe ang kaniyang kaibigan na si Nathanael. Nang lumapit siya sa kaniya, sinabi niya, "Nakita na namin ang isinulat ni Moises, ang Cristo. Inihayag ng mga propeta na darating siya. Ang Cristo ay si Jesus. Siya ay mula sa bayan ng Nazaret. Ang pangalan ng kaniyang ama ay Jose."
\v 46 Sumagot si Nathanael, "Mula sa Nazaret? Mayroon bang mabuti na maaaring mangaling mula sa Nazaret?" Sumagot si Felipe, "Sumama ka at makikita mo!"
\v 47 Nang makita ni Jesus na papalapit si Nathanael, inilarawan niya si Nathanael bago niya ito makilala, "Nandito ang isang tapat at mabuting Israelita! Hindi niya kailanman nililinlang ang sinuman!"
\v 48 Tinanong siya ni Nathanael, "Paano mo nalaman kung anong klaseng tao ako? Hindi mo ako kilala." Sumagot si Jesus, "Nakita kitang nakaupo mag-isa sa ilalim ng puno ng igos bago ka tawagin ni Felipe."
\v 50 Sinagot siya ni Jesus, "Naniniwala ka ba sa akin dahil lamang nakita kitang nakaupo sa ilalim ng puno ng igos? Makikita mo akong gumawa ng mga bagay na mas higit pa roon!"
\v 51 At sinabi sa kaniya ni Jesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo: Katulad ng pangitain na nakita noon ng iyong ninunong si Jacob, darating ang araw na makikita mong bukas ang langit, at makikita mo ang mga anghel ng Diyos na umaakyat at bumababa sa akin, na Anak ng Tao."
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pagkalipas ng tatlong araw, nagkaroon ng kasalan sa Cana, isang lungsod sa Galilea, at ang ina ni Jesus ay naroon.
\v 3 Hinainan nila ng alak ang mga dumadalo ng kasalan at inubos nila ang lahat ng alak na naroon. Sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya, "Naubusan na sila ng alak".
\v 4 Sagot sa kaniya ni Jesus, "Ginang, ano ang kinalaman nito sa akin? Ang takdang oras upang simulan ang aking pinakamahalagang gawain ay hindi pa dumarating".
\v 6 Doon ay may anim na sisidlang bato na walang laman. Nilalagyan ito ng tubig para ang mga panauhin at mga tagapaglingkod ay maaaring makapaghugas ng kani-kanilang mga kamay at mga paa, at upang ang iba pang mga ritwal ng mga Judio sa paglilinis ay maaring maisagawa. Ang bawat sisidlan ay maaaring maglaman ng 75 hanggang 115 litro.
\v 8 At saka sinabi sa kanila, "Ngayon, sumalok kayo ng tubig galing sa sisidlan at dalhin sa tagapangasiwa ng handaan." Kaya iyon ang ginawa ng mga tagapaglingkod.
\v 9 Tinikman ng tagapangasiwa ng handaan ang tubig, na ngayon ay naging alak na. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang alak, bagama't alam ito ng mga tagapaglingkod. Kaya tinawag niya ang lalaking ikakasal.
\v 10 "Unang inihahain ng lahat ang pinakamasarap na alak, at pagkatapos makainom ng marami ang mga panauhin at ubos na ang pinakamasarap, saka nila inihahain ang mumurahing alak. Ngunit pinanatili mo ang pinakamasarap na alak hanggang ngayon."
\v 11 Iyon ang unang himala na ginawa ni Jesus, na nagpapatunay ng katotohanan tungkol kay Jesus. Ginawa niya ito sa nayon ng Cana, isang rehiyon sa Galilea. Doon niya ipinakita na kaya niyang gumawa ng mga kamangha-manghang bagay. Kaya naniwala sa kaniya ang mga alagad.
\v 12 Pagkatapos nito, si Jesus at ang kaniyang ina at mga kapatid na lalaki, kasama ang kaniyang mga alagad, ay nagpunta sa lungsod ng Capernaum, at namalagi sila roon ng ilang araw.
\v 14 Doon sa patyo ng templo, nakita niya ang mga lalaking nagtitinda ng mga baka, mga tupa at mga kalapati. Ipinagbibili doon ang mga hayop sa mga nagsasagawa ng kanilang mga pag-aalay sa templo. Nakita rin niya ang mga lalaking nakaupo at nagbebenta ng salaping ginagamit sa templo.
\v 15 Kaya gumawa si Jesus ng latigo mula sa ilang panali na gawa sa balat at ginamit niya ito upang itaboy palabas ang mga tupa at mga baka sa templo. Itinaob niya ang mga lamesa ng mga nagpapalit ng pera at ikinalat ang mga barya sa lupa.
\v 17 Ito ang nagpaalala sa kaniyang mga alagad tungkol sa isinulat noon sa mga kasulatan, "Pinakamamahal ko ang iyong bahay, O Diyos, na ako ay mamamatay para rito."
\v 18 Ang mga punong Judio ay nagtanong sa kaniya, "Anong himala ang kaya mong gawin para sa amin upang patunayan na mayroon kang pahintulot mula sa Diyos na gawin ang iyong ginagawa?"
\v 20 "Sinasabi mo ba na itatayo mo muli ang templong ito sa loob lamang ng tatlong araw?" tanong nila sa kaniya. "Ginawa ang templong ito sa loob ng apatnapu't anim na taon."
\v 22 Paglaon, pagkatapos mamatay si Jesus at ibangon muli ng Diyos mula sa mga patay, naalala ng kaniyang mga alagad ang kaniyang sinabi tungkol sa templo. Pareho nilang pinaniwalaan ang sinabi ng mga kasulatan at kung ano mismo ang sinabi ni Jesus.
\v 23 Noong si Jesus ay nasa Jerusalem sa Pista ng Paskwa, maraming tao ang naniwala sa kaniya sapagkat nakita nila ang mga himala na nagpapatunay ng katotohanan tungkol kay Jesus.
\v 25 Hindi niya kailangan ang sinuman na magsabi kung gaano kasama ang mga tao. Alam niya ang lahat tungkol sa kanila.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Mayroong isang lalaking nagngangalang Nicodemo. Siya ay kasapi ng mga Pariseo, isang napakahigpit na pangkat na pumapaloob sa pananampalataya ng mga Judio noong panahon na iyon. Siya ay isang mahalagang tao, isang kasapi sa namamahalang mataas na konseho ng mga Judio.
\v 2 Nagpunta siya nang gabi para makita si Jesus. Sinabi niya, "Guro, alam namin na ikaw ay isang guro na nagmula sa Diyos. Alam namin ito dahil walang sinuman ang makagagawa ng mga himala na ginawa mo maliban sa tulong ng Diyos."
\v 3 Sumagot si Jesus sa sinabi ni Nicodemo, "Sinasabi ko sa iyo ang katotohanan, walang sinuman ang makapapasok sa kaharian ng Diyos maliban na siya ay ipanganak muli."
\v 4 Pagkatapos, sinabi ni Nicodemo sa kaniya, "Paanong maipanganganak muli ang isang tao kung siya ay matanda na? Walang sinuman ang muling makapapasok sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak sa ikalawang pagkakataon!"
\v 5 Sumagot si Jesus, "tinitiyak ko na ito ay totoo rin, walang sinuman ang makapapasok sa kaharian ng Diyos maliban kung siya ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at Espiritu.
\v 6 Kung ang isang tao ay ipanganak mula sa tao, ang taong iyon ay isang tao. Ngunit sa mga ipinanganak muli sa pamamagitan ng gawa ng Espiritu ng Diyos ay magkakaroon ng isang bagong likas na espiritwal na ginawa ng Diyos sa kanila.
\v 8 Ito ay katulad ng hangin na umiihip kung saan niya gusto. Naririnig mo ang tunog ng hangin, pero hindi mo alam kung saan ito nanggaling o saan ito pupunta. Ganoon din ito sa lahat ng nabuhay sa pamamagitan ng Espiritu: nagbibigay ang Espiritu ng bagong kapanganakan sa sinumang naisin niya.
\v 11 Sinasabi ko sa iyo ang totoo, ipinapahayag namin ang mga bagay na alam naming totoo, at sinasabi namin ang aming mga nakita, ngunit walang isa man sa inyo na sinabihan namin ng mga bagay na ito ang naniniwala sa aming mga sinasabi.
\v 12 Kung hindi kayo naniniwala sa mga sinabi ko nang sabihin ko sa inyo ang tungkol sa mga bagay ng mundong ito, paano kayo maniniwala kung ang sasabihin ko sa inyo ay ang mga bagay tungkol sa langit?
\v 14 Si Moises, noong unang panahon, nang siya ay nasa ilang sa panahon ng Exodo, itinaas ang makamandag na ahas na nasa isang tungkod at lahat ng tumingala ay naligtas. Sa ganoon ding paraan, ang Anak ng Tao ay kailangang itaas
\v 16 Minahal ng Diyos ang mundo sa ganitong paraan: Ibinigay niya ang kaniyang nag-iisang anak, na kung sinuman ang sasampalataya sa kaniya ay hindi mamamatay, pero magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
\v 18 Ang lahat ng sumasampalataya sa Anak ay hindi kailanman paparusahan ng Diyos. Pero ang lahat ng tao na hindi sumasampalataya sa kaniya ay inilagay na ng Diyos sa ilalim ng kaniyang pagpaparusa, dahil hindi sila sumasampalataya sa pangalan ng nag-iisang Anak ng Diyos.
\v 19 Ginawang malinaw ng Diyos ang kaniyang paghuhukom para sa mga makasalanang tao upang makita ng lahat: ang kaniyang liwanag ay pumarito sa mundo, ngunit iniibig ng mga tao dito sa mundo ang kanilang kadiliman at nagtatago sila sa liwanag. Iniibig nila ang kadiliman dahil ang kanilang ginagawa ay hindi maganda at masama.
\v 20 Ang bawat isa na gumagawa ng masamang gawain ay galit sa liwanag, at hindi sila kailanman pupunta rito dahil inilalantad ng liwanag ang kanilang ginagawa at hinahayag kung gaano sila kasama.
\v 21 Ngunit ang mga gumagawa ng mabuti at totoo ay pupunta sa liwanag upang ang kanilang ginagawa ay maaaring makita at malaman ng lahat na sumusunod sila sa Diyos kapag ginawa nila ang mga bagay na ito.
\v 22 Pagkatapos mangyari ang mga bagay na ito, si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay pumunta sa rehiyon ng Judea. Panandalian siyang nanatili doon kasama ang kaniyang mga alagad at nagbawtismo ng maraming tao.
\v 23 Si Juan na Tagapagbawtismo ay nagbabawtismo rin sa mga tao malapit sa bayan ng Aenon malapit sa Salim sa rehiyon ng Samaria. Maraming tubig sa lugar na iyon, at maraming tao ang patuloy na pumupunta kay Juan.
\v 25 Nagkaroon ng isang pagtatalo sa pagitan ng ilang alagad ni Juan at isang Judiong lalaki tungkol sa paghuhugas sa sarili para maging katanggap-tanggap sa Diyos.
\v 26 Ang mga nagtatalo ay pumunta kay Juan at sinabi, "Guro, mayroong isang lalaki na siyang kasama ninyo nang ikaw ay nagbabawtismo ng mga tao sa kabilang bahagi ng Ilog Jordan. Tinuro mo siya sa amin at sinabi sa amin kung sino siya. Ngayon siya ay nagbabawtismo sa kabilang ibayo sa Judea at maraming tao ang pumupunta sa kaniya."
\v 28 Alam mo na nagsasabi ako ng katotohanan nang sinabi ko sa iyo, 'Hindi ako ang Mesias, ngunit ipinadala ako bago siya upang ayusin ang daan sa kaniyang pagdating."
\v 29 Ako ay parang kaibigan ng lalaking ikakasal. Ako ay nakatayo doon naghihintay para sa pagdating ng lalaking ikakasal. Ang kaibigan ng lalaking ikakasal ay napakasaya nang narinig niya ang tinig ng ikakasal na lalaki nang ito ay dumating na. Kaya, dahil nangyari lahat ng ito, ang aking kagalakan ay nag-uumapaw sa kaniyang pagdating.
\v 31 Si Jesus ay dumating mula sa langit, at mas mataas siya sa kinatatayuan ninuman. Mayroon tayong tahanan sa ibabaw ng lupa, at tayo ay makakapagsalita lamang ng mga bagay na nauukol dito sa lupa. Ang isa na dumating mula sa langit ay nakatataas sa lahat sa ibabaw ng lupa at sa lahat ng bagay na naroon.
\v 32 Ngayon, mayroon dito na magbibigay ng patotoo sa kung ano ang kaniyang nakita at narinig, pero walang kahit isa na tumatanggap sa sinasabi niya o naniniwala na ito ay totoo.
\v 33 Subalit, sa mga naniwala sa mga sinabi niya, sila ay nagpatotoo na ang Diyos ay ang pinagmumulan ng lahat ng katotohanan, at siya lamang ang sukat at pamantayan ng lahat ng katotohanan.
\v 34 Ipinadala ng Diyos ang kaniyang tagapagsalita, at kung ano ang kaniyang sinabi ay totoo, sapagkat nagsasalita siya ng mga salita ng Diyos. At ibinigay niya ang kaniyang Espiritu na walang pag-aalala kung gaano karami ang kaniyang ibibigay.
\v 36 Sinuman ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay mayroong buhay na walang hanggan. Sinuman ang hindi sumunod sa Anak ng Diyos ay hindi kailanman magkakaroon ng buhay na walang hanggan, at ang makatuwirang galit ng Diyos para sa bawat kasalanan na nagawa ng taong iyon ay mananatiling sa kaniya magpakailanman."
\s5
\c 4
\p
\v 1 Si Jesus ay nakatanggap ng ulat tungkol sa mga Pariseo. Nalaman nila na nakakakuha ng mas maraming mga tagasunod si Jesus kaysa kay Juan na Tagapagbawtismo at mas marami na siyang nababawtismuhan kaysa kay Juan.
\v 5 Kaya dumating sila sa bayan ng Sicar sa rehiyon ng Samaria. Ang Sicar ay malapit sa kapiraso na lupa na binigay noon ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose.
\v 6 Sa labas ng bayan ng Sicar ay ang balon ni Jacob. Pagod na pagod si Jesus mula sa kaniyang mahabang paglalakbay, at naupo siya upang magpahinga sa tabi ng balon. Magtatanghali na noon.
\v 10 Sinagot siya ni Jesus, "Kung alam mo ang kaloob na gustong ibigay sa iyo ng Diyos at kung kilala mo kung sino ang humihingi sa iyo ng maiinom, hihingi ka sa akin ng maiinom, at bibigyan kita ng buhay na tubig."
\v 12 Hindi maaaring mas higit ka pa sa aming amang si Jacob. Hinukay niya ang balong ito na ginagamit namin ngayon, at uminom siya mismo mula sa balong ito, ganoon din ang kaniyang mga anak at kaniyang mga alagang hayop."
\v 14 pero sila na iinom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na kailanman mauuhaw muli. Ang tubig na binibigay ko ay magiging isang bukal ng tubig na pumupuno sa kanila at nagdadala sa kanila ng buhay na walang hanggan."
\v 15 Sinabi sa kaniya ng babae, "Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito, upang hindi na ako kailanman mauuhaw o kailangang pumunta dito upang sumalok ulit ng tubig."
\v 16 Alam ni Jesus na hindi niya naintindihan ang kaniyang sinasabi, kaya sinabi niya sa kaniya, "Ginang, pumunta ka at tawagin mo ang iyong asawa at dalhin mo siya rito."
\v 18 dahil nagkaroon ka ng hindi lang isang asawa kundi limang asawa, at ang lalaking kasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Ang sinabi mo tungkol sa hindi mo pagkakaroon ng asawa ay totoo."
\v 20 Ang aming mga ninuno ay sumamba sa Diyos sa bundok na ito, ngunit sinasabi ninyong mga Judio na ang Jerusalem ay ang lugar kung saan dapat kaming sumamba sa Diyos. Sino ang tama?"
\v 21 Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Ginang, maniwala ka sa akin kapag sinabi ko sa iyo na darating ang oras na hindi sa bundok na ito, o maging sa Jerusalem, sasamba ang mga tao sa Ama.
\v 22 Kayong mga tao sa Samaria ay sumasamba sa hindi ninyo kilala. Kaming mga sumasambang Judio ay alam kung sino ang aming sinasamba dahil ang kaligtasan ay magmumula sa mga Judio.
\v 23 Darating ang oras at ngayon ay dumating na kung kailan sila na mga tunay na sumasamba sa Diyos ay sasambahin ang Ama sa espiritu at sa katotohanan. Ang Ama ay naghahanap ng mga taong ganito upang sambahin siya sa ganitong paraan.
\v 24 Ang Diyos ay Espiritu, at sa mga sumasamba sa kaniya ay dapat na sambahin siya sa espiritu, at ang katotohanan ang dapat na gumabay sa kanila sa pagsamba."
\v 25 Sinabi sa kaniya ng babae, "Alam ko na ang Mesias, na Cristo, ay darating. Kapag siya ay dumating, sasabihin niya sa amin ang lahat ng kailangan naming marinig."
\v 27 Nang sandaling iyon, dumating ang mga alagad mula sa bayan. Namangha sila na si Jesus ay nakikipag-usap sa isang babaeng hindi kasapi ng kaniyang pamilya. (Ito ay laban sa kaugalian ng mga Judio.) Gayun pa man, walang isa man sa kanila ang may lakas ng loob upang tanungin siya, "Ano ang iyong ginagawa at nakikipag-usap kang mag-isa sa isang babae?" o "Bakit ka nakikipag-usap sa kaniya?"
\v 34 Sinabi ni Jesus, "Sasabihin ko sa inyo kung ano ang kinagugutuman ko: iyon ay ang gawin kung ano ang nais ng Ama na nagsugo sa akin at magawa lahat ng kaniyang gawain.
\v 35 Sa ganitong oras ng taon, madalas ninyong sinasabi, 'Apat na buwan na lang, at mag-aani na tayo ng mga pananim.' Ngunit tumingin kayo sa paligid ninyo! Ang bukirin ay handa na ngayon para anihin. Ang mga hindi Judio ay nais nang pamunuan sila ng Diyos, tulad sila ng mga bukirin na handa nang anihin.
\v 36 Ang naniniwala dito at handa nang magtrabaho sa ganitong uri ng pag-aani ay tumatanggap na ng kaniyang kabayaran at nagtitipon na ng maraming bunga para sa buhay na walang hanggan. Sila na mga nagtanim ng binhi at iyong nag-ani ng pananim ay parehong magagalak.
\s5
\v 37 Ang kapahayagang ito ay totoo: isang tao ang nagtatanim ng mga binhi, at isang tao ang nag-aani ng mga pananim.
\v 38 Isinugo ko kayo upang tipunin ang ani mula sa isang pananim na hindi ninyo tinanim. May ibang labis na nagtrabaho, ngunit kasama na kayo ngayon sa kanilang trabaho."
\v 39 Maraming mga Samaritano na nanirahan sa bayan ng Sicar ang naniwala kay Jesus dahil sa kanilang narinig tungkol sa kaniya mula sa lahat ng sinabi sa kanila ng babae. Sinabi ng babae, "Sinabi niya ang lahat ng bagay na ginawa ko."
\v 40 Nang dumating ang mga Samaritano kay Jesus, hinimok nila siyang manatili pa ng mas mahabang panahon. Kaya nanatili pa siya roon ng dalawang araw.
\v 42 Sinabi nila sa babae, "Naniniwala na kami ngayon kay Jesus, hindi lang dahil sa sinabi mo sa amin tungkol sa kaniya kundi dahil narinig din namin mismo ang kaniyang mensahe. Ngayon alam na namin na tunay nga na ang taong ito ay ang Tagapagligtas ng mundo."
\v 44 (Pinatunayan mismo ni Jesus na ang propeta ay nakatatanggap ng parangal sa maraming mga lugar ngunit hindi kailanman sa lugar kung saan siya lumaki.)
\v 45 Gayun pa man, nang dumating sila sa Galilea, maraming tao roon ang sumalubong sa kaniya. Nalaman nila kung sino siya dahil nakita nila ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem noong nakaraang Pista ng Paskwa na ginanap doon.
\v 46 Bumalik muli si Jesus sa Cana sa Galilea. (Kung saan ginawa niyang alak ang tubig.) Mayroon doong isang opisyal ng hari na naninirahan sa Capernaum dalawampu't pitong kilometro lang ang layo, at ang kaniyang anak na lalaki ay may malubhang sakit.
\v 47 Nang malaman niya na bumalik na si Jesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya si Jesus sa Cana at nagmakaawa sa kaniya, "Pumunta ka sa Capernaum at pagalingin mo ang aking anak. Malapit na siyang mamatay!"
\s5
\v 48 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Hangga't hindi mo ako nakikitang gawin ang mga bagay na nagpapatunay kung sino ako o panuorin akong gumawa ng mga himala, hindi ka sasampalataya sa akin!"
\v 49 Pero sinabi ng opisyal sa kaniya, "Ginoo, kung maaari sanang pumunta ka sa aking tahanan bago mamatay ang aking anak!"
\v 50 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bumalik ka na. Mabubuhay ang anak mo." Nagtiwala ang taong iyon sa sinabi ni Jesus at nagsimula siyang umuwi.
\s5
\v 51 Habang naglalakbay siya sa kaniyang tahanan sa Capernaum, sinalubong siya ng kaniyang mga lingkod sa daanan. Sinabi nila sa kaniya, "Mabubuhay ang anak mo".
\v 52 Tinanong niya sila, "Anong oras nagsimulang bumuti ang kalagayan ng aking anak?" Sinabi nila sa kaniya, "Tumigil ang kaniyang lagnat kahapon ng ala-una ng hapon."
\s5
\v 53 Pagkatapos ay napagtanto ng ama na iyon ang oras nang sinabi ni Jesus, "Mabubuhay ang anak mo." Kaya sumampalataya siya kay Jesus, kasama ng lahat ng mga taong naninirahan sa kaniyang tahanan.
\v 54 Iyon ang pangalawang pagkakataon na gumawa si Jesus ng isang bagay upang patunayan sa mga tao kung sino siya. Ginawa niya ito nang dumating siya sa rehiyon ng Galilea mula sa Judea.
\s5
\c 5
\p
\v 1 At dumating muli ang panahon ng isa pang pista ng mga Judio, at pumunta si Jesus sa Jerusalem para dito.
\v 2 Doon sa Jerusalem katabi ng isa sa mga tarangkahan papasok sa lungsod, isang lugar na tinatawag na ang Pintuan ng mga Tupa. Sa pintuang iyon ay may isang paliguan na tinatawag na Betesda (kagaya ng sinabi sa Aramaic).
\v 6 Nakita siya ni Jesus na nakahiga doon at napagtanto niya na matagal na siyang nasa ganoong kalagayan. Sinabi niya sa lalaki, "Gusto mo ba na maging malusog at malakas?"
\v 7 Sumagot ang lalaki sa kaniya, "Ginoo, wala akong kasama dito para tulungan akong makababa sa paliguan kapag gumagalaw na ang tubig. Kapag sinusubukan kong lumusong sa paliguan, may ibang taong nauuna sa aking harapan."
\v 10 Kaya ang mga pinunong Judio ay nagsabi sa lalaking pinagaling, "Ngayon ay Araw ng Pamamahinga, at alam mo na bawal sa ating batas na buhatin mo ang iyong higaan ngayong araw ng pamamahinga."
\v 13 Ngayon, kahit pinagaling ni Jesus ang lalaki, hindi alam ng lalaki ang kaniyang pangalan. Pagkatapos niya itong pinagaling, iniwan ni Jesus ang lalaki at nawala dahil sa dami ng tao.
\v 14 Maya-maya, natagpuan ni Jesus ang lalaki sa loob ng templo at sinabi sa kaniya, "Tingnan mo, magaling ka na ngayon. Huwag ka na muling magkasala, para wala ng mas masamang mangyari sa iyo."
\v 16 Kaya nagsumikap ang mga Judio na pigilan si Jesus sapagkat gumagawa siya ng mga kamangha-manghang bagay na nagpapakita ng kaniyang kapangyarihan at dahil ginawa niya ang mga gawaing ito ng madalas sa Araw ng Pamamahinga.
\v 18 Ito ang dahilan kung bakit mas lalong nagsumikap ang mga Judio para ipapatay si Jesus, hindi lamang dahil nilalabag niya ang Araw ng Pamamahinga, kung hindi dahil tinatawag din niya ang Diyos na sarili niyang Ama, inaangkin niya na siya ay kapantay ng Diyos.
\v 19 Sinagot sila ni Jesus, "Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Ako, na Anak ng Tao, ay walang magagawa sa aking sariling kapangyarihan. Nagagawa ko lamang kung ano ang nakikita kong ginagawa ng Ama. Anuman ang ginagawa ng Ama, iyon ang aking ginagawa.
\v 20 Mahal ako ng aking Ama, ako na Anak, at ipinakita niya sa akin ang lahat ng kaniyang ginagawa. Mas higit na mga gawain kaysa dito ang ipapakita sa akin ng Ama, upang makita ninyo kung ano ang kaya kong gawin at kayo ay mamangha.
\v 21 Kagaya ng pagbangon ng Ama doon sa mga namatay na at pagbibigay muli ng buhay sa kanila, kaya ako na Anak, ay magbibigay ng buhay sa sinuman na aking nais.
\v 23 upang ang lahat ng tao ay pararangalan ako na Anak, kagaya ng pagpaparangal nila sa Ama. Sinuman ang hindi magpaparangal sa akin ay hindi makapagbibigay parangal sa Ama.
\v 24 Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Sinuman ang makarinig sa aking mensahe at sumampalataya na isinugo ako ng Diyos ay may buhay na walang hanggan at hindi na sasapit sa paghatol ng Diyos. Sa halip, mula sa pagiging patay ay naging buhay.
\v 25 Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Darating ang oras na maririnig ng mga patay ang aking tinig, ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang lahat ng makakarinig sa akin ay mabubuhay.
\v 26 Dahil katulad na mayroong kakayahan ang Ama na buhayin muli ang mga tao, sa ganoong paraan din niya ako, na Anak, ay binigyan niya ng kapangyarihan na buhayin sila.
\v 29 at lalabas sila sa kanilang mga libingan. Ibabangon ng Diyos sa buhay na walang hanggan ang mga gumawa ng mabuti. Ngunit ang mga gumawa ng masama—ibabangon sila ng Diyos para sumpain at parusahan habang buhay.
\v 30 Wala akong magagawa sa aking sarili lamang. Anuman ang marinig ko sa Ama, ganoon ako hahatol, at hahatol ako sa makatarungang paraan. Makatuwiran akong hahatol sapagkat hindi ko sinusubukang gawin ang sarili kong kagustuhan, sa halip ay ang kagustuhan ng Ama na nagsugo sa akin.
\v 36 Subalit, ang patotoo na aking ibinigay tungkol sa aking sarili ay mas higit kaysa sa patotoo na ibinigay ni Juan tungkol sa akin. Lahat ng mga bagay na pinahintulutan ng Ama na gawin ko —ginagawa ko ang mga bagay na iyon araw-araw at nakikita ninyo na ginagawa ko ang mga ito—Ang mga bagay na iyon ay nagsasabi kung sino ako; ipinapaliwanag nila ang dahilan ng aking pagparito. Sila ang mga katibayan na ipinadala ako ng Ama.
\v 37 Ang Ama na nagsugo sa akin, siya ang nagbigay ng patotoo tungkol sa akin. Hindi pa ninyo kailanman narinig ang kaniyang tinig at hindi pa ninyo nakikita ang kaniyang pisikal na anyo.
\v 38 Ang katibayan na hindi nabubuhay ang kaniyang salita sa inyo ay dahil hindi kayo sumampalataya sa akin, ako na kaniyang sinugo.
\s5
\v 39 Maingat ninyong pinag-aralan ang mga Kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa pamamagitan ng pag-aaral ninyo dito ay matatagpuan ninyo ang buhay na walang hanggan, at ang mga Kasulatan na iyon ang nagsasabi tungkol sa akin.
\v 40 Ngunit tumanggi pa rin kayong lumapit sa akin nang sa gayon ay makatanggap kayo ng buhay na walang hanggan na mula sa akin.
\s5
\v 41 Kung papurihan o batiin ako ng mga tao, ipinagwawalang-bahala ko sila.
\v 42 Alam ko ang tungkol sa inyo, hindi ninyo iniibig ang Diyos.
\v 43 Naparito ako sa kapangyarihan ng Ama, ngunit hindi pa rin ninyo ako tinanggap o pinaniwalaan. Kung ang isang tao ay pumarito sa kaniyang sariling kapangyarihan, makikinig kayo sa kaniya.
\v 44 Paano kayo sasampalataya sa akin kung labis kayong abala na nagtatrabaho para sa isa't isa upang parangalan kayo? Pero sa lahat ng pagkakataon, tumanggi kayong hanapin ang tunay na karangalan na nanggagaling sa nag-iisang Diyos.
\s5
\v 45 Huwag ninyong isipin na ako ang nagpaparatang sa inyo sa harapan ng aking Ama. Akala ninyo na ipagtatanggol kayo ni Moises, kaya sa kaniya ninyo ibinigay ang inyong pag-asa. Subalit, si Moises ang nagpaparatang sa inyo.
\v 46 Kung tinanggap ninyo ang mga sinabi ni Moises, natanggap sana ninyo ang katotohanang sinabi ko sa inyo.
\v 47 Yamang hindi rin ninyo pinaniwalaan ang mga isinulat ni Moises, paano ninyo maaring paniwalaan ang mga sinabi ko sa inyo!"
\s5
\c 6
\p
\v 1 Nagpunta si Jesus sa kabilang dako ng lawa na ang tawag ng ibang tao ay "Dagat ng Galilea at ang iba naman ay tinawag itong "Dagat ng Tiberias."
\v 5 Tumingala si Jesus at nakita ang napakaraming tao na lumalapit sa kaniya. Sinabi ni Jesus kay Felipe, "Saan tayo bibili ng tinapay upang may makain ang mga taong ito?"
\v 6 Tinanong niya si Felipe sa ganitong tanong upang subukin siya at alamin kung anong sagot ang kaniyang ibibigay. Subalit, alam na ni Jesus kung ano ang kaniyang gagawin tungkol sa suliraning ito.
\v 7 Sumagot si Felipe sa kaniya, "Kahit mayroon tayong pera na katumbas ng dalawang daang araw na kinikita ng isang tao, hindi ito magiging sapat para makabili ng tinapay para pakainin o kahit patikimin ang bawat isa sa sobrang dami nila rito.
\v 9 "May isang batang lalaki rito na may limang maliliit na mga tinapay at dalawang maliliit na mga isda. Ngunit paano mapapakain ng kakaunting pagkain na ito ang napakaraming tao?"
\v 10 Ang lugar ay isang madamong lupa kung saan ang mga tao ay nagtipon-tipon. Kaya sinabi ni Jesus, "Sabihan ninyo ang mga tao na umupo." Kaya ang lahat ng mga tao ay umupo. Matapos bilangin ng mga alagad ang mga tao, kanilang nalaman na mayroong halos limang libong tao ang nagtipon doon.
\v 11 Pagkatapos, kinuha ni Jesus ang maliliit na mga tinapay at mga isda, at nagpasalamat siya sa Diyos para sa mga ito. Pagkatapos, kaniyang ipinamahagi ang tinapay at ang isda sa kanilang lahat na nakaupo sa damuhan. Kinain ng mga tao ang mga isda at tinapay hanggang sila ay mabusog.
\v 12 Nang ang lahat ay natapos kumain, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, "Ipunin ninyo ang lahat ng mga piraso ng tinapay na hindi nakain ng mga tao. Huwag ninyong hayaan na mayroong masasayang."
\v 14 Pagkatapos makita ng mga tao ang himala na ginawa ni Jesus sa kanilang harapan, sinabi nila, "Tunay ngang siya ang Propeta na ipinadala ng Diyos sa mundo!"
\v 15 Alam ni Jesus ang binabalak ng mga tao; pupunta sila sa kaniya at pipilitin siyang maging kanilang hari. Kaya iniwan niya sila at umakyat sa bundok upang mapag-isa.
\v 19 Pagkatapos nilang maglayag ng lima o anim na kilometro, nakita ng mga alagad si Jesus na naglalakad sa tubig at papalapit sa bangka. Sila ay natakot!
\v 22 Kinabukasan, napagtanto ng mga tao sa kabilang lawa na mayroon lamang isang bangka roon bago ang araw na iyon. Nalaman din nila na hindi sumakay sa bangka si Jesus kasama ng mga alagad.
\v 23 Ang ibang mga lalaki ay dumating sa kabilang dako ng lawa mula sa lungsod ng Tiberias sa pamamagitan ng ibang bangka. Inilagay nila ang kanilang mga bangka malapit sa lugar kung saan ang mga tao ay kumain ng tinapay, yung tinapay na pinagpasalamat ng Panginoon sa Diyos.
\v 24 Nang napagtanto ng maraming tao na si Jesus o ang kaniyang mga alagad ay wala roon, ang iba sa kanila ay sumakay sa mga bangkang iyon at naglayag patungo sa Capernaum upang hanapin si Jesus.
\v 26 Sumagot si Jesus sa kanila, "Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Hindi ninyo ako hinahanap dahil nakita ninyo ang ginawa kong mga himala na nagpapakita kung sino ako. Hindi! Hinahanap lamang ninyo ako dahil kumain kayo hanggang sa kayo ay mabusog ng mga tinapay.
\v 27 Huwag kayong magtrabaho para sa pagkain na nabubulok! Sa halip, magtrabaho kayo para sa pagkain na magbibigay sa inyo ng buhay na walang hanggan! Ito ang tinapay na ibibigay ko sa inyo, ako na Anak ng Tao na pinili ng Diyos. Sapagkat ang Diyos Ama ay sumasang-ayon sa akin sa lahat ng paraan."
\v 30 Kaya sinabi nila sa kaniya, "Kung gayon gumawa ka ng iba pang himala na magpapatunay kung sino ka upang makita at paniwalaan namin na ikaw ay mula sa Diyos. Ano ang gagawin mo para sa amin?
\v 32 Sinabi sa kanila ni Jesus, "Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Hindi si Moises ang nagbigay sa inyong mga ninuno ng tinapay na mula sa langit. Hindi! Ito ay ang aking Ama, ang siya ring nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit.
\v 35 Sinabi sa kanila ni Jesus, "Ako ang Tinapay na magbibigay sa inyo ng buhay. Sinuman ang lalapit sa akin ay hindi na magugutom. Sinuman ang sumasampalataya sa akin ay hindi na muling mauuhaw.
\v 40 Dahil ito ang kagustuhan ng aking Ama, na ang lahat na tumitingin nang may pananampalataya sa akin na Anak, at naniniwala sa akin, ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Akin silang ibabangon sa huling araw."
\v 42 Kanilang sinabi, "Hindi ba ito si Jesus na ang ama ay si Jose? Hindi ba kilala natin ang kaniyang ama at ina? Paano niya masasabi nang may katotohanan, 'Ako ay nanggaling mula sa langit'?"
\s5
\v 43 Sumagot sa kanila si Jesus, "Tumigil kayo sa pagbulung-bulungan.
\v 44 Wala ni isa ang makalalapit sa akin maliban ang Ama na nagsugo sa akin ay ilalapit siya sa akin. Siya na lumalapit sa akin, ay siyang ibabangon ko sa huling araw.
\v 50 Subalit, ang tinapay na aking sinasabi ay ang tinapay na bumaba sa langit, at sinumang kakain nito ay hindi kailanman mamamatay.
\v 51 Ako ang tinapay na nagbibigay ng tunay na buhay sa mga tao, ang tinapay na bumaba sa langit. Sinuman ang kakain ng tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibinibigay bilang buhay para sa sanlibutan ay ang kamatayan ng aking pisikal na katawan."
\v 52 Ang mga Judio na nakinig kay Jesus ay pagalit na nagtatalo sa isa't isa. Hindi nila maintindihan kung paano ang isang tao ay makakapangako na kainin ng iba ang kaniyang katawan.
\v 53 Kaya hinarap sila ni Jesus sa pamamagitan ng mabigat na mga salita: "Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Maliban na kainin ninyo ang aking laman na anak ng Tao, at inumin ang aking dugo, hindi kayo mabubuhay magpakailanman.
\v 57 Ang aking Ama na siyang nagbibigay buhay sa lahat ang nagsugo sa akin, at nabubuhay ako dahil binigyan ako ng aking Ama ng kakayahan na mabuhay. Gayon din, silang mga kakain sa akin ay mabubuhay magpakailanman dahil sa gagawin ko para sa kanila.
\v 58 Ako ang tunay na tinapay na bumaba sa langit. Sinumang kumakain sa akin--sa tinapay na ito--ay hindi kailanman mamamatay, ngunit mabubuhay magpakailanman! Ang aking ginagawa ay hindi katulad ng nangyari sa inyong mga ninuno dahil kinain nila ang manna at pagkatapos, sila ay namatay."
\v 59 Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito habang siya ay nagtuturo sa sinagoga sa lungsod ng Capernaum.
\v 61 Nabatid ni Jesus na ang iba sa kaniyang mga alagad ay nagrereklamo, kaya sinabi niya sa kanila, "Ang itinuturo ko ba ay nakakasakit sa inyo?
\s5
\v 62 Ano ang sasabihin ninyo kung makita ninyo ako na Anak ng Tao, na bumalik sa langit?
\v 63 Ang Espiritu lamang ang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ang kalikasan ng tao ay walang silbi sa ganitong bagay. Ang mga salita na aking itinuro sa inyo ay nagsasabi tungkol sa Espiritu, maging tungkol sa buhay na walang hanggan.
\s5
\v 64 Ngunit may ilan sa inyo na hindi naniniwala sa aking itinuturo sa inyo." Sinabi ito ni Jesus dahil alam niya mula sa simula pa lang ang kaniyang gawain kung sino ang hindi maniniwala sa kaniya, at kung sino ang taong magkakanulo sa kaniya.
\v 65 Pagkatapos ay sinabi niya, "Kaya sinabi ko sa inyo na walang sinuman ang maaring makalapit sa akin at mabuhay magpakailanman maliban na bigyan siya ng Ama ng kakayanan na lumapit sa akin."
\v 71 Nagsasalita siya tungkol kay Judas na anak ni Simon Iscariote. Bagama't si Judas ay isa sa Labindalawa, siya rin ang magkakanulo kay Jesus kalaunan.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Pagkatapos nito, si Jesus ay pumunta sa ibang bahagi ng rehiyon ng Galilea. Umiwas siya na maglakbay papuntang Judea dahil ang mga pinuno ng mga Judio ay naghahanap ng dahilan upang paratangan siya ng isang krimen at upang ipapatay siya.
\v 2 Ito ay panahon ng Pista ng mga Tolda para sa mga Judio. Ito ay isang panahon kung saan inaalala ng mga Judio na sila ay tumira sa mga tolda noong panahon ng Exodo.
\v 3 Dahil gaganapin ang pista sa lugar ng Judea, sinabi ng mga kapatid ni Jesus sa kaniya, "Umalis ka dito at pumunta ka sa Judea sa gayon makita ng iyong ibang mga tagasunod ang makapangyarihan mong mga gawain.
\v 6 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi pa ito ang oras para tapusin ang aking gawain. Subalit, para sa inyo anumang oras ay maaari ninyong piliin upang tuparin ang anumang naisin ninyo.
\v 7 Hindi kayo kapopootan ng mga tao na namumuhay para sa kanilang sarili at iniibig ang mga bagay sa mundong ito, ngunit kinapootan nila ako. Ako ang nagsasabi sa kanila na ang kanilang ginagawa sa kanilang mga buhay ay masama.
\v 11 Ang mga Judiong tumutuligsa kay Jesus ay hinahanap siya, umaasa na matatagpuan siya sa pista. Tinatanong nila ang mga tao, "Nasaan si Jesus? Siya ba ay narito?"
\v 12 Ang napakaraming tao ay pabulong na nagsasalita tungkol kay Jesus. Ang ilan sa kanila ay nagsasabi, "Siya ay mabuting tao!" Ang iba naman ay nagsasabi, "Hindi! Siya ay nanlilinlang at nanliligaw ng mga tao!"
\v 13 Dahil sa takot nila sa mga Judiong kaaway ni Jesus, wala ni isa sa kanila ang nagsalita tungkol sa kaniya sa anumang pampublikong lugar kung saan ang mga tao ay maaaring mapakinggan ang kanilang mga sinasabi.
\v 15 Ang mga Judio ay namangha sa kaniyang sinasabi. Sinabi nila, "Ang taong ito ay kailanman hindi nag-aral ng ating katuruan na may subok na tagapagturo; hindi siya kailanman nagpatala sa ating mga paaralan! Bakit marami siyang alam?"
\v 17 Kung sinuman ang pumipili na gawin kung ano ang nais ng Diyos, malalaman niya na ang sinasabi ko ay mula sa Diyos o kung ako man ay nagsalita lamang sa aking sariling kapangyarihan.
\v 18 Sinuman ang nagsasalita sa kaniyang sariling kapangyarihan ay nagsasalita upang parangalan siya ng iba. Subalit, kung ang isang lingkod ay nagtatrabaho nang mabuti upang parangalan ang taong nagsugo sa kaniya, upang bigyan siya ng isang mabuting dangal bilang isang matapat na tao, walang anumang kamalian sa ganiyang uri ng isang lingkod.
\v 19 Hindi ba ibinigay ni Moises ang kautusan? Ngunit wala sa inyo ang gumagawa kung ano ang mga hinihingi ng batas. Kayo ang mga nagsasabwatan upang patayin ako ngayon!
\v 22 Binigyan kayo ni Moises ng isang batas, at ang batas na iyon ay nagsasabi na dapat magpatuli ang inyong mga batang lalaki at dapat ninyong gawin iyon ng ganap sa pitong araw pagkatapos ipanganak ang mga bata. (sa totoo lang, ang ritwal na ito ay mula pa sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob, at hindi mula kay Moises na sumulat ng batas tungkol sa ganitong kaugalian.) Dahil sa ganoong hinihingi ng batas, minsan dapat kayong magtuli ng isang bata sa Araw ng Pamamahinga, at iyon ay maaari din!
\v 23 Kayo minsan ay nagtutuli ng mga batang lalaki kahit sa Araw ng Pamamahinga upang hindi ninyo malabag ang kautusan ni Moises. Kung ganoon bakit kayo nagagalit sa akin, sinasabi ninyo na ako ay gumawa sa Araw ng Pamamahinga nang nagpapagaling ako ng isang tao! Ang pagpapagaling sa sinuman ay mas kahanga-hanga, at ito ay mas malaking gawa kaysa sa pagtutuli ng isang bata!
\v 24 Itigil ninyo ang pagpapasya kung ang pagpapagaling sa taong ito ay tama o mali ayon sa isang maling paggamit ng batas ng Diyos, at ito ay hindi na pinag-iisipan! Sa halip, magpasya kayo kung ano ang dapat gawin ng isang tao at kung paano siya hahatulan ayon sa pamantayan ng kung ano ang tama at kung ano ang makatarungan ayon sa Diyos, hindi sa tao."
\v 26 Siya ay nagsasabi ng mga bagay na ito ng hayagan, ngunit ang mga nasa kapangyarihan ay hindi nagsasabi ng anuman upang tuligsain siya. Hindi kaya dahil alam nila na siya ang Cristo?
\v 27 Ngunit hindi ito maaari na siya ang Cristo! Alam namin kung saan galing ang taong ito, ngunit kapag ang Cristo ay dumating, walang sinuman ang makakaalam kung saan siya nanggaling."
\v 28 Habang nagtuturo si Jesus sa patyo ng templo, siya ay sumigaw habang siya ay nagturo, "Oo, sinasabi ninyo na nakikilala ninyo ako, at iniisip ninyo na alam ninyo kung saan ako nanggaling. Ngunit naparito ako hindi dahil tinalaga ko ang aking sarili. Sa halip, ang isa na nagsugo sa akin ang nagdadala ng katotohanan bilang kaniyang patotoo, at hindi ninyo siya nakikilala.
\v 30 At sinubukan nilang hulihin siya, ngunit walang isa man ang makahuli sa kaniya sapagkat hindi pa ito ang oras para matapos ang kaniyang gawa at para magwakas ang kaniyang buhay.
\v 31 Karamihan sa mga tao matapos nila siyang marinig at makita ang kaniyang mga gawa, ay nagtiwala sa kaniya. Sinabi nila, "Kapag ang Cristo ay dumating, makakaya kaya niyang gumawa ng mga mas mahimalang mga tanda kaysa sa ginawa ng taong ito?"
\v 32 Narinig sila ng mga Pariseo na tahimik na nagsasalita sa mga bagay na ito tungkol kay Jesus. Kaya sila na mga punong pari at mga Pariseo ay sama-samang ipinadala ang ilang mga opisyal upang siya ay hulihin.
\v 35 Kaya ang mga taong Judio na kaniyang mga kaaway ay nagsabi sa kanilang sarili, "Saan kaya pupunta ang taong ito na hindi natin siya matatagpuan? Siya kaya ay nagbabalak pumunta kung saan ang mga Judio ay nakakalat sa lahat ng sulok ng mundo ng mga Griyego, at tuturuan ba niya ang mga tao doon ng mga bagong bagay na ito?
\v 36 Ano kaya ang ibig niyang sabihin nang sinabi niya, 'Hahanapin ninyo ako, ngunit hindi ninyo ako matatagpuan,' at nang sinabi niya, 'Sa aking pupuntahan, hindi kayo makakapunta?"'
\v 37 Sa huling araw ng pista, na dakilang araw, tumayo si Jesus at nagsalita sa isang malakas na tinig, "Kung sinuman sa inyo ang nauuhaw, lumapit siya sa akin at uminom."
\v 39 Sinabi niya ito tungkol sa Espiritu, na siyang ibibigay ng Ama sa mga naniwala sa kaniya. Hindi pa naipadala ng Diyos ang Espiritu na mananahan sa mga naniwala sa kaniya dahil hindi pa natatapos ni Jesus ang kaniyang gawain, gawaing magdadala ng malaking karangalan sa Diyos sa pamamagitan ng pagliligtas sa kaniyang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan.
\v 42 Hindi ba sinasabi sa Kasulatan na ang Cristo ay dapat manggaling sa mga kaapu-apuhan ni David at dapat na ipanganak siya sa Bethlehem, ang bayan na tahanan ni David?"
\v 45 Kaya ang mga opisyal ay bumalik sa mga punong pari at mga Pariseo. Ito ang mga pinuno na ipinadala ng mga namumuno upang hulihin si Jesus. Sabi ng mga Pariseo sa mga opisyal, "Bakit hindi ninyo siya dinakip at dinala dito?"
\v 50 Pagkatapos nagsalita si Nicodemo. (Siya iyong pumunta nakipagkita kay Jesus noong isang gabi upang siya ay kausapin, at siya ay isa sa mga Pariseo.) Sinabi niya sa kanila,
\v 51 "Hindi tayo pinapayagan ng batas nating mga Judio na hatulan ang isang tao nang hindi muna siya napapakinggan. Una, binibigyan natin siya ng isang pagkakataong pakinggan, at dapat natin malaman tungkol sa kung ano ang kaniyang ginawa."
\v 52 Sumagot sila sa kaniya, "Ikaw rin ba ay nagmula sa Galilea? Suriin mong mabuti at basahin kung ano ang nakasulat sa Kasulatan! Malalaman mo na walang propeta na nagmula sa Galilea."
\v 3 Pagkatapos, ang mga tao na nagturo ng mga batas ng Judio at ilang mga Pariseo ay may dinalang isang babae sa kaniya. Siya ay nahuling nangangalunya - siya ay natutulog kasama ang isang lalaki na hindi niya asawa. Kaya pinatayo nila siya sa harap ng pangkat na ito upang matanong nila siya.
\v 4 Sinabi nila kay Jesus, "Guro, ang babaing ito ay nahuli sa aktong gumagawa ng pangangalunya kasama ang isang lalaki, isang tao na hindi niya asawa.
\v 5 Ngayon pinag-uutos sa atin sa batas ni Moises na dapat nating patayin ang ganiyang babae sa pamamagitan ng mga bato. Gayunman, ano ang iyong masasabi na dapat naming gawin?"
\v 6 Tinanong nila ang tanong na ito bilang isang patibong upang kanilang maparatangan siya sa pagsasabi ng isang bagay na mali. Kung sinabi niya na hindi nila dapat siya patayin, maari nilang sabihin na hindi niya sinunod ang batas ni Moises. Gayunpaman, kung sinabi niya na dapat nila siyang patayin, nilalabag niya ang batas ng Roma na nakalaan para sa tagapamahala na may kapangyarihan na patayin ang mga tao. Gayunpaman, si Jesus ay yumuko at may isinulat sa lupa gamit ang kaniyang daliri.
\v 7 Habang sila ay nagpatuloy sa pagtatanong sa kaniya, tumayo siya at sinabi sa kanila, "Sinuman sa inyo ang hindi kailanman nagkasala, ikaw ang manguna sa iba na magparusa sa kaniya. Ikaw ang unang bumato!"
\v 9 Pagkatapos nilang marinig kung ano ang kaniyang sinabi, silang mga nagtatanong sa kaniya ay nagsimulang umalis, isa-isa, nauna ang mga matatanda at sumunod ang mga nakababata. Nalaman nila na silang lahat ay mga makasalanan. Sa huli tanging si Jesus ang naroon kasama ang babae.
\v 10 Si Jesus ay tumayo at nagtanong sa kaniya, "Babae, nasaan ang mga taong nagpaparatang sa iyo? Wala bang nagdala ng isang bintang laban sa iyo na dapat kang parusahan?"
\v 11 Sinabi niya, "Wala, ginoo, kahit isa." Pagkatapos sinabi ni Jesus, "Hindi rin kita hinahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon, huwag ka nang magkasalang muli na gaya nito!"
\v 12 Nagsalitang muli si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, "Ako ang ilaw ng mundo. Ang sinumang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay buhay, at hindi na siya muling lalakad sa kadiliman.
\v 13 Kaya sinabi sa kaniya ng mga Pariseo, "Parang sinusubukan mo na hikayatin kami na sumampalataya sa iyo ayon sa sinasabi mo tungkol sa iyong sarili ng higit pa! Walang mapapatunayan na kahit ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili!"
\v 14 Sumagot si Jesus, "Kahit na ako lang ang nagsasabi ng mga bagay na ito tungkol sa aking sarili, ang aking sinasabi ay katotohanan sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Gayon pa man, hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at hindi ninyo alam kung saan ako pupunta.
\v 16 Kapag ako ay humatol, ito ay tama at makatarungan sapagkat hindi lamang ako ang magdadala ng katarungan. Ako at ang Ama na nagsugo sa akin, magkasama kaming magpapatupad ng katarungan.
\v 17 Nasusulat sa inyong batas na ang isang bagay ay mapagkakasunduan lamang kung mayroong kahit dalawang saksi upang magbigay katibayan sa isang usapin.
\v 18 Ako ay nagdadala ng patunay sa inyo tungkol sa aking sarili, at ang aking Ama na nagsugo sa akin ay nagbibigay patunay rin tungkol sa akin. Kaya dapat kayong maniwala na ang aming sinasabi sa inyo ay totoo.
\v 19 Pagkatapos ay tinanong nila, "Nasaan ang iyong ama, "Sumagot si Jesus, "Hindi ninyo ako kilala, at hindi rin ninyo kilala ang aking Ama. Kung ako ay kilala ninyo, kilala rin ninyo ang aking Ama."
\v 20 Sinabi niya ang mga bagay na ito nang siya ay malapit sa imbakan ng pananalapi sa loob ng patyo ng templo, ang lugar kung saan dinadala ng mga tao ang kanilang handog. Gayon man wala pa ni isa ang humuli sa kaniya sapagkat hindi pa iyon ang oras para siya ay mamatay.
\v 21 Sinabi din sa kanila ni Jesus, "Ako ay aalis, at ako ay inyong hahanapin, ngunit tiyak na kayo ay mamamatay sa inyong kasalanan. Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakasama."
\v 22 Sinabi ng mga kalaban niyang mga Judio sa kanilang mga sarili, "Siya kaya ay magpapakamatay? Iyon ba ang kaniyang ibig sabihin nang sinabi niyang, 'Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakasama'?"
\v 23 Nagpatuloy si Jesus sa pagsasabi sa kanila, "Kayo ay nagmula sa lupang ito, ngunit ako ay nagmula sa langit. Kayo ay kabilang sa mundong ito. Hindi ako kabilang sa mundong ito.
\v 24 Sinabi ko sa inyo na kayo ay mamatay at hahatulan kayo ng Diyos para sa inyong mga kasalanan. Ito ay tiyak na mangyayari maliban na lang kung kayo ay magtitiwalang ako ay Diyos, gaya ng sinabi ko."
\v 26 Maaari ko kayong hatulan at sabihin na kayo ay may sala sa maraming mga bagay. Sa halip, ito lang ang sasabihin ko: ang siyang nagsugo sa akin ang nagsasabi ng katotohanan, at sinasabi ko sa mga tao dito sa mundo kung ano lamang ang aking narinig mula sa kaniya."
\v 28 Kaya sinabi ni Jesus, "kung maitaas ninyo ako sa krus para patayin, ako na Anak ng Tao, - malalaman ninyo na ako ay Diyos, at malalaman ninyo na hindi ko ginagawa ang anumang bagay sa aking sariling kapangyarihan. Sa halip, sinasabi ko lamang kung ano ang tinuro sa akin ng Ama na sabihin.
\v 31 Pagkatapos sinabi ni Jesus sa mga Judio na ngayon ay nagsasabing sumasampalataya sa kaniya, "Kung kayo ay nakikinig sa aking tinuturo sa inyo at ipinamumuhay ito sa lahat ng bagay na inyong ginagawa, kayo ay tunay na aking mga alagad.
\v 32 Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magiging daan para kayo ay maging malaya mula sa lahat ng bagay na ginawa kayong mga alipin."
\v 33 Sumagot sila sa kaniya, "Kami ay mga kaapu-apuhan ni Abraham, at kailanman hindi kami naging alipin ninuman. Bakit mo sinasabi na kailangan naming maging malaya?
\v 34 Tumugon si Jesus, "sinasabi ko sa inyo ang katotohan: lahat ng nagkasala ay sumunod sa kanilang makasalanang pagnanais gaya ng isang alipin na pinilit na sumunod sa kaniyang panginoon.
\v 35 Ang mga alipin ay hindi mananatiling permanenteng miyembro ng pamilya ngunit maaaring maging malaya na bumalik sa kaniyang tahanan o ipagbili. Ngunit ang isang anak ay isang miyembro ng isang pamilya magpakailanman.
\v 37 Alam ko ikaw ay nasa pamilya ni Abraham; kayo ay kaniyang mga kaapu-apuhan. Gayon man, ang inyong mga tao ay sinusubukan akong patayin. Hindi ninyo pagkakatiwalaan anuman ang sinasabi ko.
\v 38 Sinasabi ko lahat ang tungkol sa mga kahanga-hanga at karunungan na ipinakita sa akin ng aking Ama, ngunit ginagawa lamang ninyo kung ano ang sinabi ng inyong ama na gawin ninyo."
\v 39 Sila ay tumugon sa kaniya, "Si Abraham ang aming ninuno". Sinabi sa kanila ni Jesus, "Kung kayo ay mga kaapu-apuhan ni Abraham, ginagawa ninyo dapat ang mga bagay na ginawa niya.
\v 40 Sinasabi ko sa inyo ang katotohanang narinig ko mula sa Diyos, ngunit sinusubukan ninyo akong patayin. Hindi ginawa ni Abraham ang mga bagay na gaya nito.
\v 41 Hindi! Ginagawa ninyo ang mga bagay na ginawa ng inyong tunay na Ama." Sinabi nila sa kaniya, "Wala kaming alam tungkol sa iyo, ngunit kami ay hindi mga anak sa labas. Kami ay may iisang Ama lamang, at iyon ay ang Diyos."
\s5
\v 42 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung ang Diyos ang inyong Ama, iniibig ninyo sana ako sapagkat ako ay nagmula sa Diyos at ngayon ako ay naparito sa mundong ito. Hindi ako naparito dahil sa sarili kong pasiya na pumunta ngunit dahil sinugo niya ako.
\v 43 Sasabihin ko sa inyo kung bakit hindi ninyo maunawaan ang aking sinasabi. Ito ay dahil hindi ninyo tinatanggap ang aking mensahe o aking mga katuruan.
\v 44 Kayo ay kabilang sa inyong ama, ang diyablo, at nais ninyong gawin kung ano ang kaniyang gusto. Siya ay mamamatay-tao mula sa panahon na ang mga tao ay unang nagkasala. Pinabayaan niya ang katotohanan ng Diyos; ito ay wala sa kaniya. Sa tuwing siya ay nagsisinungaling, nagsasalita siya batay sa kaniyang pagkatao dahil siya ay sinungaling; lahat ng nagsisinungaling ay ginagawa ang kagustuhan ng diyablo na gawin niya.
\s5
\v 45 Dahil sinabi ko sa inyo ang katotohanan, hindi ninyo ako pinaniwalaan!
\v 46 Sino sa inyo ang makapagsasabi na ako ay nagkasala? Dahil sa sinabi ko sa inyo ang katotohanan, anong dahilan para hindi ninyo ako pagkatiwalaan?
\v 47 Ang sinumang kabilang sa Diyos ay nakikinig at sumusunod kung ano ang sinasabi niya sa kanila. Ang dahilan na hindi ninyo naririnig at sinusunod ang kaniyang mensahe ay dahil hindi kayo kabilang sa Diyos."
\s5
\v 48 Tumugon ang mga kalaban niyang Judio sa kaniya, "Kami ay tiyak na tama sa pagpapahayag na ikaw ay isang Samaritano - ikaw ay tila hindi talaga isang totoong Judio! - at ang demonyo ay namumuhay sa iyo!"
\v 50 Hindi ko sinusubukan na himukin ang mga tao na purihin ako. Mayroong iba pang tao na nagnanais na magbigay sa akin ng nararapat para sa akin, at siya ang maghahatol sa lahat ng bagay na aking sinasabi at ginawa.
\v 51 Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: ang sinuman sa inyo ang matatag na humahawak sa aking salita at nagtitiwala dito nang ibinigay ko ito, ang taong iyon ay hindi kailanman mamatay!"
\s5
\v 52 Pagkatapos ay sinabi ng mga kalaban niyang Judio sa kaniya, "Ngayon ay nakatitiyak nami na ang demonyo ay nananahan sa iyo! Si Abraham at mga propeta ay patay na matagal ng panahon ang lumipas! Gayon man sinasabi mo na ang sinumang matatag na humahawak sa iyong itinuturo ay hindi mamamatay!
\v 53 Ikaw ay hindi higit na dakila sa aming ama na si Abraham. Siya ay namatay at ang lahat ng propeta ay namatay kasama niya. Kaya sino ka sa akala mo?"
\v 54 Tumugon si Jesus, "Kung sinubukan kong kunin ang papuri ng tao, ito ay walang kabuluhan. Ang aking Ama ang siyang pumupuri sa akin, sa aking pagkatao at kabutihan, at gayon man siya ang sinasabi ninyong, "Siya ang aming Diyos.'
\v 55 Kahit na hindi ninyo siya kilala, nakilala ko siya. Kung sinabi kong hindi ko siya nakikilala, ako ay magiging sinungaling gaya ninyo. Kilala ko siya at ako ay laging sumusunod kung ano ang kaniyang sinasabi.
\v 56 Ang inyong amang si Abraham ay nagalak noon, bilang propeta, siya ay tumingin sa hinaharap at nakita niya ang kaya kong gawin."
\s5
\v 57 Pagkatapos sinabi ng mga pinuno ng Judio sa kaniya, "Ikaw ay wala pang limampung taon! Nakita mo na si Abraham? "Sinabi ni
\v 58 Jesus sa kanila, "Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: bago pa si Abraham, Ako Na.' "
\v 59 Kaya dumampot sila ng bato upang patayin siya. Subalit, itinago ni Jesus ang kaniyang sarili, umalis sa templo, at nagtungo sa ibang lugar.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Habang naglalakad si Jesus, nakita niya ang isang lalaki na bulag sa kaniyang buong buhay, mula ng araw na siya ay ipanganak.