tl_udb/38-ZEC.usfm

632 lines
49 KiB
Plaintext
Raw Normal View History

2021-02-25 00:21:44 +00:00
\id ZEC
\ide UTF-8
\h Zacarias
\toc1 Zacarias
\toc2 Zacarias
\toc3 zec
\mt Zacarias
\s5
\c 1
\p
\v 1 Nang ikalawang taon ng pagiging emperador ni Dario sa Persiya, sa ikawalong buwan ng kaniyang paghahari, ibinigay ni Yahweh kay propeta Zacarias na anak ni Berequias at apo ni propeta Iddo ang mensaheng ito:
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 "Labis akong nagalit sa iyong mga ninuno.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Kaya sabihin mo ito sa mga tao: Sinasabi ito ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, "Bumalik kayo sa akin at kapag gagawin ninyo iyan, muli ko kayong tutulungan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Huwag kayong tumulad sa inyong mga ninuno. Patuloy na ipinahayag ng mga propetang namatay na sa inyong mga ninuno na dapat nilang itigil ang paggawa ng mga masasamang bagay na palagi nilang ginagawa. Ngunit hindi nila binigyan ng pansin ang aking sinabi.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Namatay na at nasa libingan na ang inyong mga ninuno. Hindi rin nabuhay magpakailanman maging ang mga propeta.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Ngunit hindi sinunod ng inyong mga ninuno ang mga kautusan at atas na iniutos ko sa aking mga lingkod na propeta na sabihin sa kanila, kaya pinarusahan ko sila. Kaya nagsisi sila at sinabing ako si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang gumawa sa kanila ng nararapat dahil sa kanilang mga masasamang pag-uugali tulad ng sinabi kong gagawin ko."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Nang ikadalawampu't apat na araw ng ikalabing isang buwan, nagbigay sa akin si Yahweh ng isa pang mensahe.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Sa gabi, nagkaroon ako ng isang pangitain. Sa pangitain, nakakita ako ng isang anghel na nasa pulang kabayo. Naroon siya sa makitid na lambak sa gitna ng mga puno ng mirto. Sa tabi niya ay mga anghel na nasa pulang mga kabayo, mamula-mula na kayumanggi at puting mga kabayo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, "Ginoo, sino ang mga anghel na nakasakay sa mga kabayong iyon?" Tumugon siya, "Ipapakita ko sa iyo kung sino sila."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Pagkatapos, nagpaliwanag ang anghel na tumigil sa ilalim ng mga puno ng mirto. Sinabi niya, "Sila ang mga anghel na isinugo ni Yahweh na magmamasid sa buong daigdig."
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Pagkatapos, ibinalita ng mga anghel na iyon sa anghel ni Yahweh na nasa ilalim ng mga puno ng mirto, "Nilibot namin ang buong mundo at nakita naming sinakop ng mga hukbo ng emperador ang mga bansa sa buong mundo, at ngayon, wala silang magawa at hindi makagalaw."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Pagkatapos, tinanong ng anghel, "Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel, gaano ka katagal magpapatuloy na kikilos nang hindi naaawa sa Jerusalem at sa ibang mga bayan ng Juda? Pitumpung taon kang nagalit sa kanila!"
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Kaya mabait na nagsalita si Yahweh sa anghel na nakipag-usap sa akin na nagsasabi ng mga bagay na umaliw sa kaniya.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Pagkatapos, sinabi ng anghel na nakikipag-usap sa akin, "Ipahayag mo ito sa mga taga-Jerusalem: sinasabi ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel na labis siyang nagmamalasakit sa mga taong naninirahan sa Bundok Sion at sa iba pang bahagi ng Jerusalem.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 At labis siyang nagagalit sa mga bansang mapagmataas at may pakiramdam na ligtas sila. Hindi siya gaanong nagagalit sa Juda, ngunit ms lalo nilang pinahihirapn sila.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Kaya, sinabi niyang babalik siya sa Jerusalem at tutulungan ang mga tao. Ito ay parang siya mismo ang nagsuri at nagsukat ng lahat ng lupain sa lungsod.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Sinabi rin ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel na sabihin sa mga tao sa kaniyang lungsod sa Juda na malapit na silang maging masagana. Hihikayatin niyang muli ang mga tao ng Jerusalem, at muli niyang pipiliin ang Jerusalem bilang kaniyang natatanging lungsod."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Pagkatapos, tumingala ako at nakakita ng apat na sungay ng hayop sa aking harapan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, "Ano ang mga sungay na iyon?" Sumagot siya, "Kinakatawan ng mga sungay na iyon ang mga bansang pumilit sa mga taga-Jerusalem, at ibang mga lugar sa Juda at Israel upang pumunta sa ibang mga bansa."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Pagkatapos, ipinakita sa akin ni Yahweh ang apat na panday.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 21 Tinanong ko, "Ano ang gagawin ng mga lalaking iyon?" Sumagot siya, "Ikinalat ng mga sungay na iyon na kumakatawan sa mga bansa ang mga tao ng Juda kaya labis silang nagdusa. Ngunit paparating ang mga panday na ito upang takutin at wasakin ang mga bansang iyon at upang itapon ang kanilang mga sungay, ang kanilang kapangyarihan, ang ng bansang iyon na sumalakay sa lupain ng Juda."
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pagkatapos, tumingala ako at nakita ko ang isang lalaki na may tali na panukat ng lupa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Tinanong ko siya, "Saan ka pupunta?" Sumagot siya, "Susukatin ko ang Jerusalem upang malaman ko kung gaano ito kalawak at kahaba."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 At nagsimulang umalis ang anghel na nakipag-usap sa akin at lumakad patungo sa kaniya ang isa pang anghel.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Sinabi sa kaniya ng ikalawang anghel, "Tumakbo ka at sabihin sa binatang iyon na may tali na panukat ng lupa: balang araw, magkakaroon ng napakaraming tao at mga alagang hayop sa Jerusalem, kaya hindi sila maaaring manirahang lahat sa loob ng mga pader ng lungsod at marami ang maninirahan sa labas ng mga pader sa labas ng bansa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Sinasabi ni Yahweh na magiging tulad siya mismo ng isang pader na apoy sa palibot ng lungsod at makakasama siya ng mga tao sa kaniyang kaluwalhatian."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Ipinahayag ni Yahweh sa mga tao na kinuha bilang mga alipin ng mga taga-Babilonia: "Tumakbo kayo! Tumakbo kayo! Tumakas mula sa Babilonia at tumakas mula sa mga lugar kung saan ko kayo ikinalat sa apat na hangin!"
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Tumakbo kayo! Kayong naninirahan ngayon sa Babilonia, tumakbo kayo patungo rito sa Jerusalem!"
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang nagparangal sa akin sa pamamagitan ng pagsabi sa akin na pumunta sa mga bansang kumuha ng lahat ng inyong pag-aari, sapagkat ang mga nanakit sa inyo ay nanakit sa pinakamamahal niya! Pagkatapos niyang gawin iyon, sinabi niya ito sa akin,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 "Sabihin mo sa kanila na akong si Yahweh ang sasalakay sa kanila. Babawiin ng mga alipin nila ang mga ari-arian mula sa kanila, ang mga taong nagdala sa kanila sa lugar na iyon." Kapag nangyari iyon, malalaman ninyong mga Judio na si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel ang nagpadala sa akin, na si Zacarias bilang isang propeta.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Sinasabi ni Yahweh, "Sumigaw kayong mga tao ng Jerusalem, at magalak dahil darating ako at maninirahan kasama ninyo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Sa panahong iyon, maraming mga tao sa mga bansa ang makikiisa kay Yahweh at magiging kaniyang mga tao. Mananahan siya sa inyong lahat at malalaman ninyong si Yahweh na makapangyarihang Pinuno ng mga hukbo ng anghel ang nagpadala sa akin para sa inyo bilang isang propeta.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Ang mga taga-Juda ang magiging natatanging bahagi ng kaniyang sariling lupain at muli niyang pipiliin ang Jerusalem bilang kaniyang lungsod.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Dapat manahimik ang bawat isa sa lahat ng dako sa presensiya ni Yahweh dahil malapit na siyang bumabang muli mula sa langit na kaniyang tahanan upang gumawa ng mga dakilang bagay para sa atin.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Pagkatapos, ipinakita sa akin ni Yahweh si Josue, na ang punong pari na nakatayo sa harapan ng anghel na ipinadala ni Yahweh. At nakatayo si Satanas sa may kanan ni Josue na nakahanda upang paratangan siya ng pagkakasala.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Ngunit sinabi ng anghel ni Yahweh kay Satanas, "Sawayin ka nawa ni Yahweh Satanas! Pinili niya ang Jerusalem na maging natatangi niyang lungsod at sawayin ka nawa niya! Ibinalik mula sa Babilonia ang taong ito na si Josue; tiyak na tulad siya ng isang nasusunog na patpat na inagaw mula sa apoy."
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Ngayon, habang nakatayo si Josue sa harapan ng anghel, nakasuot siya ng maruming damit.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Kaya sinabi ng anghel sa iba pang mga anghel na nakatayo sa kaniyang harapan, "Tanggalin ang damit na nakasuot sa kaniya!" Pagkatapos nilang gawin iyon, sinabi ng anghel kay Josue, "Tingnan mo, tinanggal ko ang iyong mga pagkakasala at sa halip, susuotan kita ng mga magagandang damit."
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 At sinabi ng anghel sa kanila, "Suotan ng malinis na turbano ang kaniyang ulo!" Kaya nilagyan nila ng malinis na turbano ang kaniyang ulo at binihisan siya ng bagong damit, habang nakatayong tinitingnan ng anghel ni Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 At sinabi ito ng parehong anghel kay Josue,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 "Sinasabi ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, na kapag ginawa mo ang mga nais kong gawin at sundin ang aking mga tagubilin, ikaw ang magiging taga-pangalaga ng aking templo at ng aking mga patyo. At pahihintulutan kitang maging bahagi ng grupo ng mga anghel na ito na palaging nakatayo malapit sa akin at maaaring makipag-usap sa akin anumang oras.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Josue, ikaw ang pinakapunong pari, at ang iyong mga kasama ay nakaupo sa iyong harapan. Ang katotohanan na narito sila ay nangangahulugang magdadala ako ng isang natatanging lingkod ko, isang tao na tatawagin kong ang Sanga."
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Pagkatapos naglagay ang anghel ni Yahweh ng bato sa harapan ni Josue at sinabi sa kaniya at sa iba pang kalalakihang kasama niya: "Tingnan ninyo ang bato na inilagay ko sa harapan ni Josue. Mayroong pitong tapyas sa bato. Uukit ako ng mensahe sa batong iyon at sa isang araw aalisin ko ang kasalanan ng lahat ng mga tao sa bansang ito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Sa panahong iyon, aanyayahan ng bawat isa sa inyo ang kaniyang mga kaibigan upang pumunta at umupo sa ilalim ng puno ng kaniyang ubasan at ng puno ng kaniyang igos. Ito ang pahayag ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Pagkatapos bumalik ang anghel na nakikipag-usap sa akin at tinawag niya ako habang nag-iisip ako nang malalim na para bang nakatulog ako.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Tinanong niya ako, "Ano ang nakikita mo?" Sumagot ako, "Nakikita ko ang isang patungan ng lampara na gawa sa ginto ang kabuuan. May isang maliit na mangkok sa ibabaw para sa langis ng olibo at may pitong maliliit na lampara sa palibot ng mangkok at isang lugar para sa pitong mitsa sa bawat lampara.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Dagdag pa rito, nakikita ko ang dalawang puno ng olibo, isa sa kanang bahagi ng patungan ng lampara at isa sa kaliwang bahagi."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, "Ginoo, ano ang kahulugan ng mga bagay na ito?"
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Sumagot siya, "Tiyak na alam mo kung ano ang kahulugan ng mga ito." Sumagot ako, "Hindi, hindi ko alam."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Pagkatapos, sinabi sa akin ng anghel, "Ito ang mensahe na nagmula kay Yahweh para sa iyo, Zerubabel na gobernador ng Juda: 'Gagawin mo kung ano ang nais kong gawin mo ngunit hindi ito sa pamamagitan ng iyong lakas o kapangyarihan. Mangyayari ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng aking Espiritu,' sabi ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel."
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Nagpatuloy sa pakikipag-usap sa akin ang anghel: Zerubabel, mayroon kang maraming bagay na mahirap gampanan. Katulad ang mga ito ng mga matataas na bundok. Ngunit magiging katulad ng patag na lupain ang mga ito. At dadalhin mo sa bagong templo ang panghuling bato, ang pinakamataas na bato, upang tapusin ito. Kapag inilagay mo ito sa tamang lugar, paulit-ulit na sisisgaw ang lahat ng mga tao, 'Maganda ito! Pagpalain nawa ito ng Diyos!'"
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Pagkatapos, binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Sinabi niya sa akin, "Si Zerubabel mismo ang naglatag ng ilan sa mga bato para sa pundasyon ng templo, at ilalagay niya ang ilan sa mga huling bato sa tamang lalagyan ng mga ito." Pagkatapos, sinabi ko sa iba pang mga lalaking kasama niya, "Kapag nangyari iyon, malalaman ng mga tao na si Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng anghel ang nagsugo sa akin sa iyo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Ang mga taong humahamak sa mabagal na paraan ng kanilang muling pagtatayo ng templo—magagalak din ang mga taong ito kapag nakita nila si Zerubabel na may hawak na isang pampantay na linya sa kaniyang kamay. Kumakatawan ang pitong lampara sa mga mata ni Yahweh na pabalik-balik na tumitingin sa lahat ng mga nangyayari sa buong daigdig.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Pagkatapos, tinanong ko ang anghel, "Ano ang kahulugan ng dalawang puno ng olibo, isa sa bawat bahagi ng patungan ng lampara?
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 At ano ang kahulugan ng dalawang sanga ng olibo, isa sa tabi ng bawat gintong tubo mula kung saan dumadaloy ang langis ng olibo patungo sa mga lampara?"
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Sumagot siya, "Tiyak na alam mo kung ano ang mga ito." Sumagot ako, "Hindi, ginoo, hindi ko alam."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Kaya sinabi niya, "Kumakatawan ang mga ito sa dalawang lalaki na itinalaga ng Panginoon na namamahala sa buong daigdig.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Muli akong tumingin sa itaas at nakakita ako ng isang binalumbong kasulatan na lumilipad sa hangin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Tinanong ako ng anghel, "Ano ang nakikita mo?" Sumagot ako, "Nakikita ko ang isang lumilipad na malaking binalumbong kasulatan, siyam na metro ang haba at apat at kalahating metro ang lapad."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Pagkatapos, sinabi niya sa akin, "Isinulat ni Yahweh sa binalumbong kasulatang ito ang mga salita na kaniyang sinasabi upang sumpain ang buong lupain ng Juda. Nakasulat sa isang bahagi ng binalumbong kasulatan na papalayasin ang bawat magnanakaw. Nakasulat sa kabilang bahagi na papalayasin rin mula sa bansa ang lahat ng nagsasabi ng kasinungalingan kapag tumawag siya kay Yahwheh upang maging saksi na nagsasabi siya ng katotohanan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Sinabi ng pinuno ng mga hukbo ng anghel, 'Ipadadala ko ang binalumbong kasulatang ito sa mga lugar kung saan naninirahan ang mga magnanakaw at sa mga tahanan ng mga taong gumagamit sa aking pangalan kapag tumawag sila sa akin upang patunayan na nagsasabi sila ng katotohanan. Mananatili sa kanilang mga tahanan ang binalumbong kasulatang ito hanggang mawasak ang mga tahanang iyon at ang lahat ng kanilang mga kahoy at mga bato.'"
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Pagkatapos, lumapit sa akin ang anghel na nakikipag-usap sa akin at sinabi, "Tumingin ka sa itaas at tingnan ang paparating!"
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Tinanong ko siya, "Ano iyon?" Sumagot siya, "Malaking basket ito na panukat ng butil. Ngunit naglalaman ito ng talaan ng mga kasalanan na ginawa ng lahat ng tao sa bansang ito."
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Pagkatapos iniangat ng anghel ang takip ng basket na gawa sa tingga. May isang babaeng nakaupo sa loob ng basket!
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Sinabi ng anghel, "Kumakatawan siya sa mga kasamaan na ginagawa ng mga tao." Pagkatapos, itinulak niya ang babae pabalik sa loob ng basket at muling isinara ang napakabigat na takip.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Pagkatapos tumingin ako sa itaas at nakakita ako ng dalawang babae sa aking harapan. Lumilipad sila patungo sa amin na nakalatag sa hangin ang kanilang mga pakpak. Malalaki ang kanilang mga pakpak, katulad ng mga pakpak ng tagak. Itinaas nila ang mga basket patungo sa langit.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, "Saan nila dadalhin ang basket na iyon?"
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Sumagot siya, "Dadalhin nila ito sa Babilonia upang magtayo ng templo para rito. Kapag natapos na ang templo, ilalagay nila sa patungan ang basket upang sambahin ito ng mga tao."
\s5
\c 6
\p
\v 1 Muli akong tumingala at nakakita ako ng apat na karwahe na papalapit sa akin. Nagmumula ang mga ito sa pagitan ng dalawang bundok na gawa sa tanso.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Hinihila ng mga pulang kabayo ang unang karwahe, hinihila ng mga itim na kabayo ang pangalawang karwahe,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 hinihila ng mga puting kabayo ang pangatlong karwahe at hinihila ng mga kabayong kulay abo na may mga batik ang pang-apat na karwahe.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Tinanong ko ang anghel na kumakausap sa akin, "Ginoo, ano ang ibig sabihin ng mga karwaheng iyon?"
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Tumugon ang anghel, "Ang mga karwaheng ito at ang mga kabayo nito ay kumakatawan sa apat na hangin na papalabas mula sa langit, nagmula ang mga ito sa pagkakatayo sa presensya ng Panginoon na namamahala sa buong daigdig. Tatawid ang mga ito sa himpapawid sa apat na direksyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Pupunta sa hilaga ang karwahe na hinihila ng mga itim na kabayo, pupunta sa kanluran ang hinihila ng mga puting kabayo at pupunta sa timog ang hinihila ng mga kabayong kulay abo na may mga batik."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Nang lumisan ang mga makapangyarihang kabayong iyon, nasasabik ang mga ito na pumunta sa buong mundo. Habang papaalis ang mga ito, sinabi sa kanila ng anghel, "Pumunta kayo sa buong mundo at tingnan kung ano ang nangyayari!" Kaya umalis ang mga ito upang gawin iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Pagkatapos, tinawag ako ng anghel at sinabi, "Tingnan mo, pahuhupain ng mga karwahe na pumunta sa hilaga ang Espiritu ni Yahweh sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga tao sa rehiyon na iyon."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Pagkatapos, muli akong binigyan ni Yahweh ng isa pang mensahe.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Sinabi niya, "Ngayon, magdadala ng ilang pilak at ginto sina Heldai, Tobias at Jedaias mula sa mga taong ipinatapon sa Babilonia. Sa sandaling makarating sila, pumunta ka sa bahay ni Josias na anak ni Zefanias.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Kumuha ka ng ilang pilak at ginto mula sa kanila at gumawa ng isang korona. At ilagay mo ito sa ulo ng anak ni Jehozadak na si Josue na pinakapunong pari.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Sabihin mo sa kaniya na ako, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ay nagsasani na darating ang lalaking nagngangalang Sanga. Iiwanan niya ang lugar kung nasaan siya ngayon at pangangasiwaan niya ang mga magtatayo ng aking templo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Siya ang magsasabi kung ano ang gagawin ng mga magtatayo ng aking templo. Magsusuot siya ng kasuotang panghari, uupo siya sa kaniyang trono at maghahari. Siya rin ay magiging isang pari na uupo sa kaniyang trono at magkakaroon ng kapayapaan sa pagitan ng dalawang tungkulin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Dapat kang maglagay ng isang korona sa aking templo upang paalalahanan ang mga tao sa kung ano ang ginawa sa kanila nina Heldai, Tobias, Jedaias at Josias na anak ni Zefanias."
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Darating ang mga taong naninirahan sa malayo upang tumulong sa pagtatayo ng templo ni Yahweh. Kapag nangyari iyon, malalaman ninyong mga tao na si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang nagpadala sa akin sa inyong mga tao. Mangyayari iyon kapag tapat kayong lahat na sumunod kay Yahweh na inyong Diyos.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Nang si Dario ang emperador nang halos apat na taon, sa ikaapat na araw ng Kislev (kung saan ito ang ikasiyam na buwan sa kanilang kalendaryo), muli akong binigyan ni Yahweh ng isa pang mensahe.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Nagpadala ng dalawang lalaki ang mga tao ng lungsod ng Bethel, sina Sarazer at Regemmelec kasama ang ilang kalalakihan sa templo ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel upang hilingin kay Yahweh na maging mabuti sa kanila.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Itinanong din nila ang katanungang ito sa mga pari sa templo ni Yahweh at sa mga propeta. "Sa loob ng maraming taon, sa panahon ng ikalimang buwan at sa panahon ng ikapitong buwan ng bawat taon, nagdalamhati at nag-ayuno kami. Dapat ba naming ipagpatuloy na gawin iyon?"
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 At binigyan ako ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel ng isang mensahe.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Sinabi niya sa akin na sabihin ito sa mga pari, sa katunayan, sa lahat ng tao sa buong lupain. "Sabihin ninyo sa akin kung sino ang pinaparangalan ninyo nang hindi kayo kumain kundi naglibot nang may maruming damit. Hindi ninyo ako tunay na pinaparangalan, hindi ba?
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 At nang nagdiwang kayo sa aking templo, ginawa ninyo ito upang magkaroon lamang ng kasiyahan, hindi ninyo talaga binalak na parangalan ako, hindi ba?
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Ito ang katulad ng palagi kong sinasabi sa mga naunang propeta upang ihayag sa mga tao, nang dumami at sumagana ang mga tao ng Jerusalem at ang kalapit na mga bayan, nang nanirahan din ang mga tao sa katimugang ilang ng Judea at sa mga paanan ng bundok sa kanluran."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Nagbigay si Yahweh ng isa pang mensahe sa akin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 "Sabihin mo sa mga tao na ito ang sinasabi ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel. 'Sinabi ko sa inyo na gawin ang makatarungan, kumilos nang may kabutihan at may pagkahabag sa isa't isa upang parangalan ang aking kasunduan sa inyo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Sinabi ko sa inyo na huwag hamakin ang mga balo, ulila, dayuhan o mahihirap na tao. Sinabi ko rin na huwag mag-isip na gumawa ng masama sa sinuman.'"
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Ngunit tumangging magbigay ng pansin ang mga tao sa sinabi ni Yahweh. Tumanggi silang makipagtulungan sa kaniya, tumanggi silang makinig sa kaniyang sinasabi.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Ibinigay niya ang mga mensaheng ito upang ulitin ng kaniyang Espiritu sa mga propeta sa mga naunang panahon. Nangangahulugan ito na dapat ipahayag ng mga propeta ang mga mensaheng ito sa mga tao. Ngunit napakatigas ng ulo ng mga tao, ayaw nilang makinig sa batas ni Moises o kahit sa anong mensahe mula sa Diyos. Kaya labis na nagalit si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Sa mga panahong iyon, nang tumawag si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel sa mga tao, tumanggi silang makinig. Kaya sinabi niya, "Sa ganoon ding paraan, tatanggi akong makinig kapag tumawag sila sa akin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 At ikakalat ko sila sa maraming bansa, mga bansang hindi pa nila nararating noon. Ikakalat ko sila gaya ng isang bagyo na ikinakalat ang mga dahon. Pagkatapos nilang mawala, mawawalan ng saysay ang sarili nilang lupain at walang sinuman ang mamumuhay doon. Walang sinuman ang maglalakbay dito at walang sinuman ang babalik dito, dahil ginawa nilang ilang ang pinakamainam nilang lupain."
\s5
\c 8
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 "Akong si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel ang nagsabi nito: Iniibig ko ang mga tao ng Jerusalem; labis ko silang iniibig at labis akong nagagalit sa kanilang mga kaaway.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Kaya ito ang aking sasabihin, akong si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: Balang araw, babalik ako sa Bundok ng Zion at mananahan ako roon. Sa panahong iyon, tatawaging Lungsod ng mga Tapat na Tao ang Jerusalem at tatawaging Bundok na Pag-aari ni Yahweh ang Bundok ng Zion."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Sinasabi rin ito ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Balang araw, muling uupo ang mga matatandang kalalakihan at matatandang kababaihan sa tabi ng mga lansangan ng Jerusalem at may hawak ang bawat isa sa kanila na isang tungkod dahil sa kanilang labis na katandaan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 At mapupuno ang mga lansangan ng lungsod ng mga batang lalaki at babae na naglalaro."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Sinasabi rin ito ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Kapag nangyari ang mga bagay na ito, magiging kahanga-hanga ito para sa mga taong nabubuhay pa, ngunit tiyak na hindi ito kahanga-hanga sa akin!"
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Sinasabi rin ito ni Yahweh: "Ibabalik ko ang aking mga tao mula sa lupain patungo sa silangan—sa Babilonia—at mula sa lupain patungo sa kanluran—sa Egipto—kung saan sila nararapat pumunta.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Ibabalik ko sila sa Juda at muli silang maninirahan sa Jerusalem. Muli silang sasamba sa akin bilang aking mga tao at ako ang magiging Diyos nila. Magiging tapat ako sa kanila at kikilos sa kanila sa makatarungang pamamaraan."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Sinasabi rin ito ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Nang ilagay ninyo ang pundasyon para sa aking templo, may mga propeta doon na nagbigay ng mga mensaheng nagmula sa akin. Ang iilan sa inyo ang nakarinig sa sinabi ng mga propetang iyon. Kaya, maging matapang kayo habang itinatayo ninyo ang templo nang sagayon matapos ninyo ang pagtatayo nito.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Bago ninyo simulan ang muling pagpapatayo sa templo, walang pananim na makuha sa inyong mga bukirin, walang bumabalik na mga tao o hayop na nagtatrabaho dito. At natatakot ang mga taong pumunta kahit saan dahil hinayaan kong kalabanin ng mga tao ang isa't isa.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Ngunit ngayon kikilos ako sa inyo sa ibang paraan, kayong mga tao na nabubuhay pa, ibang-iba sa ginawa ko noong una. Iyan ang sinasabi ko, akong si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Mula ngayon, bibigyan ko kayo ng kapayapaan. Mamumunga ang inyong mga halamang ubas at tutubo sa inyong mga bukirin ang magagandang mga pananim. Magkakaroon ng ulan mula sa kalangitan. Lagi kong ipagkakaloob ang lahat ng bagay na ito sa inyong mga tao na nabubuhay pa.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Kayong mga tao ng Juda at Israel, iniisip kayo ng mga tao sa ibang mga bansa kapag pinag-uusapan nila kung ano ang kahulugan ng isang sumpa. Ngunit ililigtas ko kayo at bibigyan ko kayo ng maraming magagandang bagay. Kaya, huwag kayong matakot, magtrabaho kayong mabuti upang tapusin ang pagtatayo sa templo."
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Sinasabi rin ito ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Nang labis akong ginalit ng inyong mga ninuno, hindi nagbago ang aking isipan tungkol dito. Sa halip, tuluyan ko silang pinarusahan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Ngunit ngayon, gagawa ako ng isang bagay na kakaiba. Binabalak kong muling gumawa ng mabuti para sa mga tao ng Jerusalem at sa iba pang mga bayan sa Juda. Kaya huwag kayong matakot.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Ito ang mga bagay na dapat ninyong gawin: Dapat lagi ninyong sabihin ang katotohanan sa isa't isa. Sa mga hukuman, dapat magpasya ang inyong mga hukom nang naaayon sa kung ano ang tama at makatarungan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Huwag ninyong balakin na gumawa nang masama sa mga iba at huwag sang-ayunan na nangangako sa mga maling paratang laban sa iba. Kinamumuhian ko ang lahat ng mga bagay na iyon."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Muling nakipag-usap sa akin si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 Ito ang kaniyang sinabi: "Ang mga panahon ng pag-iwas ninyong mga taga-Juda mula sa pagkain sa ikaapat, ikalima, ikapito at ikasampung buwan ng bawat taon, sa halip, ay magiging panahon ito ng kaaya-aya at masayang pagdiriwang. Ngunit dapat naisin ninyong magsalita nang katotohanan at maging mapayapa."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Sinasabi rin ito ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Balang araw, darating dito sa Jerusalem ang mga taong nagmula sa maraming tribo ng mga tao at sa mga dayuhang lungsod.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 21 Pupunta sa mga tao sa ibang lungsod ang mga taong nagmula sa isang lungsod at sasabihin, 'Sama-sama tayong pupunta sa Jerusalem upang sambahin si Yahweh at hilingin sa kaniya na pagpalain tayo, kami mismo ay pupunta.'
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22 At darating sa Jerusalem ang mga tao mula sa maraming tribo at mula sa mga makapangyarihang bansa upang sambahin si Yahweh at hilingin sa kaniya na pagpalain sila."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 23 Sinasabi rin ito ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Sa panahong iyon, ito ang mangyayari sa lahat ng dako: Sa bawat taong Judio, magkakaroon ng sampung dayuhan, mga taong nagsasalita ng iba't ibang wika, na darating at susunggaban ang laylayan ng kaniyang balabal. Sasabihin nila sa kaniya, 'Narinig namin ang sinabi ng mga tao na kasama mo ang Diyos. Kaya pahintulutan mo kaming sumama sa iyo sa Jerusalem upang sumamba sa kaniya.' Gagawin ito ng mga taong nagmula sa bawat bansa at wika."
\s5
\c 9
\p
\v 1 Ito ang isa pang mensaheng natanggap ko mula kay Yahweh tungkol sa rehiyon ng Hadrac at lungsod ng Damasco. Sapagkat maingat na pinagmamasdan ni Yahweh ang mga ginagawa ng lahat, kabilang ang mga tao sa mga tribo ng Israel.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Ang mensahe na ito ay tungkol din sa mga tao sa rehiyon ng Hamath na malapit sa Damasco at tungkol sa mga tao sa mga lungsod ng Tiro at Sidon, mga taong nag-iisip na napakarunong nila.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Nagtayo ang mga tao sa Tiro ng isang mataas na pader sa palibot ng kanilang lungsod. Nagtambak sila ng napakaraming pilak at ginto tulad ng ibang mga taong nagtatambak ng lupa kapag naghuhukay sila sa mga lansangan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Ngunit ako na si Yahweh, hahayaan kong mawala sa kanila ang lahat, kabilang ang kanilang mga barko kung saan nakikipaglaban sa dagat ang kanilang mga kalalakihan. Matutupok sa lupa ang kanilang lungsod.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Makikita ng mga tao sa lungsod ng Ashkelon na mangyayari iyon at labis silang matatakot. Manginginig ang mga tao sa Gaza dahil labis silang natakot at manginginig din ang mga tao sa lungsod ng Ekron dahil wala na silang pag-asa upang makatakas sa mga kaaway. Mamamatay ang hari ng Gaza at wala nang mabubuhay pa sa Ashkelon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Sinasabi ni Yahweh, "Sasakupin ng mga dayuhan ang lungsod ng Asdod. Hindi ko na pahihintulutan pang magyabang ang mga tao sa lahat ng mga lungsod ng Filistia.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Hindi ko sila pahihintulutan pang kumain ng karne na mayroon pang dugo at pagbabawalan ko silang kainin ang mga pagkain na inihandog nila sa mga diyus-diyosan. Sa panahong iyon, sasambahin ako ng mga taong nakaligtas sa rehiyon ng Filistia, magiging katulad sila ng isang angkan sa Juda. Magiging bahagi na ng aking mga tao ang mga tao sa lungsod ng Ekron, tulad ng nangyari sa mga Jebuseo nang sakupin sila nga mga Israelita.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Pangangalagaan ko ang aking lupain at hindi ko pahihintulutan ang sinumang mga kawal ng kaaway na makapasok dito. Wala nang mga kaaway ang mananakit pa sa aking mga tao, dahil ako mismo ang maingat na magbabantay sa kanila.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Magalak nang labis, kayong mga tao ng Jerusalem at sumigaw nang may galak dahil darating sa inyo ang inyong hari. Matuwid siya at matagumpay, magiging magiliw siya at sasakay siya sa isang asno, sa isang batang babaing asno.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Wawasakin ko ang mga karwahe sa rehiyon ng Efraim na ginagamit sa digmaan at ang lahat ng mga kabayo sa Jerusalem na dinadala nila sa labanan. Babaliin ko ang lahat ng mga pana na ginagamit nila sa mga digmaan. Ihahayag ng inyong hari na gagawin niya ang mga bagay upang maging maayos at mapayapa ang mga bansa. Pamumunuan niya ang lugar mula sa Dagat Meditereneo hanggang sa Patay na Dagat at mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa malalayong mga lugar sa daigdig.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Ngunit para sa inyo, aking mga tao sa Jerusalem, dahil sa dugong dumaloy nang gawin ko ang aking tipan sa inyo, palalayain ko ang inyong mga tao na dinala sa ibang mga lugar, kung saan para silang mga bilanggo sa isang hukay na walang tubig.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Kayong mga taong nakabilanggo sa mga bansang iyon na naniniwala pa rin na tutulungan ko kayo, bumalik kayo sa Juda, sapagkat ipagtatanggol ko kayo roon. Ngayon, ipahahayag ko na bibigyan ko kayo ng dalawang biyaya para sa bawat pagsubok na inyong mararanasan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Gagawin ko ang Juda na magiging katulad ng aking pana at gagawin ko ang Israel na magiging katulad ng aking palaso. Bibigyan ko kayong mga kabataang lalaki sa Jerusalem ng kakayahan upang makipaglaban sa mga kawal ng Grecia, magiging katulad kayo ng espada ng isang mandirigma."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Darating ang araw na magpapakita si Yahweh sa langit sa kaniyang mga tao at magiging katulad ng kidlat ang mga palaso na kaniyang ipapana. Hihipan ni Yahweh na ating Panginoon ang kaniyang trumpeta at maglalakad siya kasama ang napakalakas na mga bagyong magmumula sa lupain ng Teman sa timog.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Pangangalagaan ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel ang kaniyang mga tao, lulusubin at tatalunin ng mga kawal ng Juda ang kanilang mga kaaway na lumulusob sa kanila gamit ang mga tirador at mga bato. Iinom at magdiriwang ang mga kawal ng Juda at sisigaw tulad ng mga taong lasing, magiging punung-puno sila ng alak gaya ng mangkok na sinasalo ang dugo ng mga hayop na pinapatay ng mga pari sa altar, ang dugo na iwiniwisik ng mga pari sa sulok ng altar.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Sa araw na iyon, ililigtas ni Yahweh ang kaniyang mga tao tulad ng pagliligtas ng isang pastol sa kaniyang kawan ng tupa mula sa panganib. Sa ating lupain, magiging katulad sila ng mga hiyas na kumikislap sa isang korona.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Magiging kaaya-aya sila at maganda. Magiging malakas ang mga kabataang kalalakihan sa pagkain ng trigo, at magiging malakas ang mga kabataang kababaihan sa pag-inom ng bagong alak.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Humingi kayo ng pagbuhos ng ulan kay Yahweh sa panahon ng tagsibol, dahil siya lamang ang gumagawa ng mga ulap na pinagmumulan ng ulan ng mga bagyo. Siya ang nagdudulot ng ambon na bumubuhos sa atin at nagpapalago sa mga pananin sa kabukiran.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Walang kabuluhan ang iniisip ng mga tao na sinasabi ng mga diyus-diyosan sa kanilang mga tahanan at nagsasabi lamang ng kasinungalingan ang mga tao na nagsasabing nakakapagpaliwanag sila ng mga panaginip. Kapag nagsasabi sila sa mga tao ng mga bagay upang aliwin sila, walang kabuluhan ang kanilang sinabi. Kaya ang mga tao na sumasangguni sa kanila ay gaya ng naligaw na tupa, nasa panganib sila dahil walang sinuman ang nagpoprotekta sa kanila kagaya ng tupa na walang pastol.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Sinabi ni Yahweh, "Galit ako sa mga pinuno ng aking mga tao at parurusahan ko sila. Ako si Yahweh ang pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang mag-aalaga sa aking mga tao, ang mga taga-Juda. Kagaya ng isang pastol na nag-aalaga sa kaniyang kawan at gagawin ko silang tulad ng mga kabayong pandigma sa labanan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Magmumula sa Juda ang mga pinunong magiging napakahalaga. Magmumula sa Juda ang mga pinunong magpapabuklod sa mga tao, gaya ng isang tulos ng tolda na pinapanatiling nakatayo ang isang tolda. Magmumula sa Juda ang mga pinunong magdadala sa mga kawal patungo sa labanan. Kagaya ng isang hari na hawak ang kaniyang pana para sa labanan. Magmumula sa kanila ang bawat mamumuno sa kanila.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Silang lahat ay magiging katulad ng mga magigiting na mandirigma na tinatapakan ang kanilang mga kaaway sa putikan sa panahon ng labanan. Akong si Yahweh ay sasama sa kanila, kaya tatalunin at ipapahiya nila ang kanilang mga kaaway na nakasakay sa mga kabayo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Palalakasin ko ang mga taga-Juda at sasagipin ko ang mga taga-Israel. Ibabalik ko sila mula sa mga bansa kung saan sila sapilitang pinaalis. Gagawin ko iyon sapagkat naaawa ako sa kanila. At para bang hindi ko sila iniwan kailanman dahil ako si Yahweh, ang kanilang Diyos at sasagutin ko sila kapag mananalangin at humingi sila ng tulong.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Magiging gaya ng napakalakas na mga kawal ang mga taga-Israel, magiging masaya sila kagaya ng mga taong nakainom ng maraming alak. Makikita ng kanilang mga anak ang kanilang mga ama na napakasaya at magiging masaya din sila dahil sa ginawa ko sa kanila.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Huhudyat ako para sa aking mga tao upang bumalik mula sa malayo at titipunin ko sila sa kanilang sariling bansa. Sasagipin ko sila at magiging napakarami nila gaya ng dati.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Ikinalat ko sila sa maraming grupo ng mga tao, ngunit sa malalayong bansang iyoniisipin nila muli ang tungkol sa akin. Sila at ang kanilang mga anak ay mananatiling buhay at babalik sa Juda.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Ibabalik ko sila mula sa Egipto at mula sa Asiria. Ibabalik ko sila sa mga rehiyon ng Galaad at Lebanon, ngunit wala nang sapat na lugar para sa kanilang lahat upang mamuhay doon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Pangungunahan ko sila sa kanilang mga pagdurusa, na para bang naglalakad ako sa isang dagat, ngunit pakakalmahin ko ang mga alon na iyon at wawakasan ang kanilang mga pagdurusa, kagaya ng pagpapatuyo ko sa Ilog Nilo, tatalunin ko ang mga mapagmalaking mga kawal ng Asiria at bibigyan ko ng dahilan ang Egipto upang hindi na maging makapangyarihang muli.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Bibigyan ko ng kakayahan ang aking mga tao upang maging malakas, pararangalan at susundin nila ako. Iyan ay siguradong mangyayari dahil ako si Yahweh ang nagsabi nito."
\s5
\c 11
\p
\v 1 Kayong mga taga-Lebanon, dapat ninyong buksan ang inyong mga tarangkahan at hayaang sunugin ng apoy ang inyong mga punong sedar.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Magiging gaya ng mga tao na mananaghoy ang iyong mga punong sipres, dahil pinutol ng kaaway ang mga punong sedar. Nawala na ang lahat ng mga mararangal na puno. Magiging gaya din ng taong nananaghoy ang puno ng ensina sa rehiyon ng Basan dahil pinutol na ng mga kaaway ang mga puno ng ensina sa masukal na kagubatan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 At pakinggan ang mga umiiyak na pastol sapagkat nawasak na ang mga mainam na pastulan. Pakinggan ang atungal ng mga leon, umaatungal sila dahil nawasak na ang makapal na kagubatan na tinitirihan nila malapit sa Ilog Jordan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Ito ang sinabi sa akin ng aking Diyos na si Yahweh: "Gusto kong pangasiwaan mo ang kawan ng tupang ito hanggang sa mamatay ang kawan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Papatay ng mga mangangalakal ang mga tupa at walang magpaparusa sa kanila. Sasabihin ng mga nagbibenta ng tupa, 'Pinupuri ko si Yahweh dahil magiging mayaman ako!' At ang mga pastol na inupahan ng may-ari ay hindi maaawa para sa tupa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 At ganoon din na hindi ako maaawa sa mga tao sa bansang ito. Pahihintulutan kong apihin sila ng kanilang mga kababayan at kanilang hari. Wawasakin nila ang bansang ito at wala akong ililigtas sa kanila.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Kaya naging pastol ako ng isang kawan ng tupa na kakatayin ng mga mangangalakal upang ibenta ang karne. At kumuha ako ng dalawang tungkod ng pastol. Pinangalanan kong "kagandahang-loob" ang isang tungkod at "Pagkakaisa," ang isa pang tungkod. Ganito ako nagsimula sa pagpastol ng mga tupa,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Ngunit kinasuklaman ako ng tatlong pastol na nagpapastol sa mga kawan at nawalan ako ng pasensiya sa may-ari na umuupa sa aming lahat. Sa loob ng isang buwan pinatay ko ang mga pastol na iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Kaya sinabi ko sa mga mangangalakal, "hindi na ako magiging isang pastol para sa inyo. Hahayaan kong mamatay ang mga naghihingalo. Hahayaan kong mawala ang mga naliligaw. At hindi ko pipigilan ang mga naiwan na kainin ang bawat isa".
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 At kinuha ko ang tungkod na pinangalanan kong "Kagandahang loob" at binali ko ito. Ginawa ko ito dahil sinabi ni Yahweh na ipawalang bisa ko ang kasunduan niya sa lahat ng kaniyang tribo ng Israel.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Kaya natapos ang kasunduang iyon sa araw ding iyon. Nalaman ng mga mangangalakal na nanonood sa akin na nagmula kay Yahweh ang ginagawa kong pagbibigay sa kanila ng isang mensahe.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Sinabi ko sa kanila, "Kung iniisip ninyong mabuti ito, bayaran ninyo ako para sa aking paggawa. "Kung iniisip niyo na hindi mabuti huwag ninyo akong bayaran" Kaya binayaran lamang nila ako ng tatlumpung piraso ng pilak.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Pagkatapos sinabi sa akin ni Yahweh, "Iyan ay isang pangungutyang maliit na halaga ng pera na ibinayad nila sa iyong paggawa. Kaya ilagay mo ito sa kabang-yaman ng templo." Kaya dinala ko ang pilak sa templo ni Yahweh at aking inilagay doon sa kabang-yaman ng templo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Pagkatapos binali ko ang ikalawang tungkod na pinangalanan ko ng "Pagkakaisa." Ipinapahiwatig nito na hindi na magkakaisa bilang magkapatid ang Juda at Israel.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 At sinabi sa akin ni Yahweh, "muli kang magdala ng mga kagamitang ginagamit ng isang hangal na pastol,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 dahil magtatalaga ako ng isang bagong pastol para sa mga tao, isang taong hindi mag-aalaga sa aking mga tao. Magiging isa siyang hangal na pastol, ipagsasawalang-bahala niya ang mga naghihingalong tupa at ang mga nawawala. Kagaya sa mga malulusog na tupa, hindi niya papakainin ang mga ito, sa halip, kinakatay niya ang mga ito para sa kaniyang pansariling pagkain at tinatanggal ang mga kuko ng mga ito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Ngunit kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa hangal na pastol na iyon na nagpapabaya sa mga kawan. Hahampasin nawa ng kaniyang mga kaaway ang kaniyang braso at ang kaniyang kanang mata sa pamamagitan ng kanilang mga espada. Mawawalan nawa ng lakas ang kaniyang braso at tuluyan nawang mabulag ang kaniyang kanang mata."
\s5
\c 12
\p
\v 1 Ito ay isang mensahe mula kay Yahweh tungkol sa Israel--- Si Yahweh, na siyang lumikha sa langit, na lumikha sa lupa, at nagbigay ng buhay sa mga tao. Ito ang kaniyang sinasabi: "
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Gagawin ko ang Jerusalem na gaya ng isang tasang puno ng napakatapang na inuming nakalalasing, at ang mga tao ng ibang mga bansa na iinom nito ay magpapasuray-suray. Iinumin rin ito ng mga taga Juda, sapagkat magdurusa rin sila kapag sinalakay ng mga kaaway ang Jerusalem.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Sa panahong iyon, ang mga hukbo ng lahat ng mga pangkat ng tao ay magkakatipon-tipon upang lusubin ang Jerusalem, ngunit gagawin kong gaya ng napakabigat na bato ang Jerusalem at lubhang mapipilayan ang lahat ng susubok na magtaas nito. Mangyayari ito kapag lumusob sa Jerusalem ang mga hukbo ng lahat ng mga bansa sa mundo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Sa panahong iyon, sisindakin ko ang mga kabayo ng lahat ng kanilang kaaway, at magiging baliw ang kanilang mga mangangabayo. Pangangalagaan ko ang mga taga Juda, ngunit bubulagin ko ang mga kabayo ng mga kaaway.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 At sasabihin ng mga pinuno ng Juda sa kanilang mga sarili, 'Hinihimok tayo ng mga tao sa Jerusalem dahil si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbong anghel, ang sinasamba nila.'
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Sa panahong iyon ang mga pinuno ng Juda ay gagawin kong gaya ng isang palayok ng apoy na inilalagay nang sinuman sa tumpok ng panggatong at gaya ng isang nag-aapoy na sulo sa isang bukid ng aanihing butil. Sisirain ng mga pinuno ng Juda at ng kanilang mga kawal ang mga pangkat ng tao na nakapalibot sa kanila sa lahat ng panig. Ngunit ang mga tao ng Jerusalem ay mananatiling ligtas sa kanilang sariling lungsod."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Ipagtatanggol ni Yahweh ang mga naninirahan sa ibang mga lugar sa Juda bago niya iligtas ang mga tao ng Jerusalem, upang hindi parangalan ng mga tao ang mga kaapu-apuhan ni David at ang mga nasa Jerusalem nang higit kaysa sa mga tao sa buong Juda.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Sa panahong iyon, pangangalagaan ni Yahweh ang lahat sa Jerusalem. Ang pinakamahihinang mga kawal sa kanila ay magiging kasing lakas ni David, at ang kaapu-apuhan ni David ay magiging gaya ng Diyos; pangungunahan nila ang iba gaya ng anghel ni Yahweh.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 "Sa panahong iyon, sisimulan kong lipulin ang lahat ng mga hukbong sumasalakay sa Jerusalem."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 "Akong, si Yahweh, ang magdudulot sa mga kaapu-apuhan ni David na magkaroon ng habag sa iba at magmakaawa sa akin na kahabagan ko sila. Titingin sila sa akin na kanilang sinaksak." Iiyak sila nang may kapaitan, parang mga taong umiiyak para sa anak na lalaking panganay, ang nag-iisang anak na lalaki, na namatay.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Sa panahong iyon, maraming tao sa Jerusalem ang iiyak nang may kapaitan, gaya ng pag-iyak ng mga tao sa Hadad-rimon sa kapatagan ng Megido.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Maraming taga-Juda ang iiyak, bawat angkan sa kanilang mga sarili. Tatangis sa kanilang mga sarili ang mga lalaking kaapu-apuhan ni David at tatangis sa kanilang mga sarili ang kanilang mga asawa. Tatangis sa kanilang mga sarili ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Nathan, at tatangis sa kanilang mga sarili ang kanilang mga asawa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Tatangis sa kanilang mga sarili ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Levi at tatangis sa kanilang mga sarili ang kanilang mga asawa; tatangis sa kanilang mga sarili ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Semei at tatangis sa kanilang mga sarili ang kanilang mga asawa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Kaniya-kaniyang tatangis ang lahat ng mga angkan, ang kanilang mga lalaki sa kanilang mga sarili, at ang kanilang mga asawang babae sa kanilang mga sarili."
\s5
\c 13
\p
\v 1 Sa panahong iyon ito ay parang may isang bukal ng tubig na patuloy na dadaloy upang linisin ang mga kaapu-apuhan ni Haring David at ang lahat ng ibang mga tao sa Jerusalem mula sa bigat ng mga kasalanan na kanilang ginawa, lalo na ang pagiging hindi katanggap-tanggap kay Yahweh sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyus-diyosan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Sinasabi ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbong anghel, "Sa panahong iyon, pipigilan ko ang mga tao mula sa pagbanggit man lang ng mga pangalan ng mga diyus-diyosan sa kanilang mga bansa at walang sinuman ang sasamba sa kanila kailanman. Itataboy ko rin mula sa lupain ang lahat ng mga taong nagsisinungaling na nagsasabing sila ay mga propeta; Itataboy ko rin ang mga masasamang espiritu na nangunguna sa kanila upang sabihin sa mga tao ang mga maling mensahe mula sa akin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Kung magpapatuloy sa pagpapahayag nang kasinungalingan ang sinuman, sasabihin sa kaniya ng kaniyang sariling mga magulang kahit na siya ay kanilang sariling anak na, 'Nagsasabi ka ng kasinungalingan na si Yahweh ang nagbigay ng mga mensaheng iyan sa iyo, kaya dapat kang mamatay.' At sasaksakin nila siya at papatayin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Sa panahong iyon, mahihiya ang mga bulaang propeta na ipahayag na may natanggap silang pangitain. Hindi na sila kailanman magsusuot ng balabal na gawa sa balahibo ng mga hayop na karaniwang isinusuot ng mga propeta dahil gusto nilang isipin ng mga tao na hindi sila kailanman tunay na mga propeta.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Kaya sasabihin ng bawat isa sa kanila, 'Hindi ako tunay na propeta; ako ay magsasaka at ako ay naging magsasaka sa aking lupain mula pa nang bata ako!'
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Ngunit makikita ng iba ang kanilang mga peklat sa kanilang katawan at iisipin na sinugatan nila ang kanilang mga sarili upang bigyan nang kaluguran ang diyus-diyosan habang sila ay sumasamba sa mga ito. Kaya tatanungin nila, 'Bakit kayo may mga peklat?' At sila ay magsisinungaling: 'Kami ay nagkasugat sa away sa bahay ng aming kaibigan."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Sinasabi ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbong anghel, "Dapat may lumusob at pumatay sa isang tulad ng pastol na nagtatrabaho para sa akin, ang lalaki na malapit kong kasama. Ikaw na may espada! Kapag pinatay mo ang aking pastol, tatakbong gaya ng mga tupa ang aking mga tao. At Ako mismo ang lulusob sa aking mga pangkaraniwang tao, sila na gaya ng mga munting tupa."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Sinasabi rin ni Yahweh, "Dalawa sa ikatlo ng mga tao ng Juda ang mamamatay; Ikatlong bahagi lamang ng mga tao sa Juda ang mananatiling buhay.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Susubukin ko ang mga mananatiling buhay sa pamamagitan ng pagpaparanas sa kanila ng mga matinding kahirapan, upang malaman kung sila ay patuloy na sasamba sa akin. Dadalisayin ko sila gaya ng pagdalisay ng isang tao sa ginto o pilak sa pamamagitan ng paglalagay nito sa isang napakainit na apoy. At hihingi sa akin ng tulong ang mga tao at sasagot ako sa kanila. Sasabihin ko sa kanila na sila ang mga tao ko at sasabihin nila na Ako si Yahweh, ako ang Diyos na kanilang sinasamba at sinusunod.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Pakinggan ninyo! Malapit na ang panahon na hahatulan ni Yahweh ang bawat isa. Sa panahong iyon, kayong mga taga-Jerusalem, panonoorin ninyo na paghahati-hatian ng inyong mga kaaway ang inyong mga ari-arian.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Oo, sinasabi ni Yahweh na pahihintulutan niya ang mga hukbo ng maraming bansa na lusubin ang Jerusalem. Sasakupin nila ang lungsod at kukunin ang lahat ng mahahalagang bagay mula sa inyong mga tahanan at gagahasain ang mga babae. Dadalhin nila ang kalahati ng mga tao sa ibang mga bansa, ngunit hahayaan nila ang ibang mga taong manatili sa lungsod.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Ngunit lulusubin ni Yahweh ang mga bansang iyon. Makikipaglaban siya gaya ng pakikipaglaban niya sa mga labanan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Sa araw na iyon, tatayo siya sa Bundok ng mga Olibo sa silangan ng Jerusalem. Ang bundok ng mga Olibo ay mahahati sa dalawang bahagi sa pamamagitan ng isang malawak na lambak sa pagitan ng mga bahagi. Lilipat ang kalahati ng bundok sa dakong hilaga at lilipat sa dakong timog ang kalahati.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Kayong mga taga-Jerusalem ay tatakas sa lambak na iyon na umaabot hanggang sa kabilang bahagi ng bundok, hanggang sa daanan papunta sa nayon ng Azal. Magiging katulad ito ng pagtakas ng mga tao nang nagkaroon ng lindol noong si Uzias pa ang hari. At darating si Yahweh na aking Diyos at kasama niya ang kaniyang mga anghel.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Sa panahong iyon, wala nang liwanag mula sa araw, ngunit hindi maging malamig man ito o magyelo sa lamig.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Tanging si Yahweh lamang ang nakakaalam kung kailan ito mangyayari. Wala nang umaga o gabi, sapagkat mananatiling maliwanag kahit sa gabi.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Sa panahong iyon, dadaloy ang tubig mula sa Jerusalem. Dadaloy sa dakong silangan ang isang bukal ng tubig papunta sa Dagat na Patay. Dadaloy ang isa pang bukal ng tubig sa dakong kanluran papunta sa Dagat Mediteraneo. Patuloy na dadaloy ang tubig kahit sa panahon ng tag-araw gayundin sa taglamig.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Pagkatapos ng panahong iyon, si Yahweh ang magiging hari na mamumuno sa buong mundo. Malalaman ng lahat na si Yahweh at tanging si Yahweh lamang ang totoong Diyos.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Sa panahong iyon, lahat ng lupain sa Juda ay magiging patag gaya ng kapatagan sa tabi ng Jordan, mula sa bayan ng Geba sa hilaga hanggang sa bayan ng Rimon hanggang sa timog ng Jerusalem. Mananatiling mataas ang Jerusalem gaya ng dati. Aabot ang lungsod sa hilagang-silangan mula sa Tarangkahan ng Benjamin at sa Tarangkahan sa Sulok, na unang tarangkahan, hanggang sa tore ng Hananel at sa mga pigaan ng ubas ng hari hanggang sa timog-kanluran.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Maraming tao ang maninirahan doon at hindi na muling tatakutin ng Diyos ang lungsod sa pamamagitan ng pagkawasak. Ito ay magiging isang lungsod na ganap na ligtas para manirahan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Ngunit magdadala si Yahweh ng isang malubhang sakit sa mga lahi ng taong lumusob sa Jerusalem. Mabubulok ang kanilang laman habang nakatayo pa sila. Mabubulok ang kanilang mga mata sa mga ukit nito at mabubulok ang kanilang mga dila sa loob ng kanilang mga bibig.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Sa panahong iyon, sisindakin sila ni Yahweh. Susunggaban at hahawakan nila ang kamay ng bawat isa at sasalakayin ang isa't isa.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Kahit ang mga taong nakatira sa ibang mga lugar sa Juda ay sasalakayin din ang Jerusalem. Titipunin nila ang mga mahahalagang bagay, ang mga sinamsam, mula sa mga hukbong nakapalibot sa mga bansa, maraming ginto at pilak at mga kasuotan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Ang salot na magpapahirap sa mga tao sa ibang mga bansa ay ang salot na magpapahirap din sa mga kabayo, mga mola, mga kamelyo, mga asno at sa lahat ng hayop na nagtatrabaho sa kanilang mga kampo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Ang mga tao ng ibang mga bansa na dating kumalaban sa Jerusalem at lahat ng mga buhay pa ay babalik sa Jerusalem bawat taon upang sambahin ang Hari, si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbong anghel at upang ipagdiwang ang Pista ng mga Tolda.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Kung may mga tao sa mga bansang iyon na hindi pupunta sa Jerusalem upang sumamba doon, hindi uulan sa kanilang lupain.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Kung hindi pupunta sa Jerusalem ang mga tao sa Egipto, hindi sila magkakaroon ng ulan. At ipararanas ni Yahweh sa kanila ang ganoon ding salot na nagpahirap sa mga tao ng ibang mga bansa na hindi ipinagdiwang ang Pista ng mga Tolda.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 Ganito ang pagpaparusa ni Yahweh sa mga tao ng Egipto at sa mga tao ng ibang bansa na hindi pupunta sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Pista ng mga Tolda.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Sa panahong iyon, isusulat sa mga kampanilya na nakakabit sa mga kabayo ang mga salitang "Naitalaga kay Yahweh". Ang mga lutuang palayok sa patyo ng templo ay pag-aari na ni Yahweh, tulad ng mga mangkok na nasa harapan ng altar.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 21 Itatalaga kay Yahweh na Pinuno ng mga hukbong anghel ang bawat palayok sa Jerusalem at saan man sa Juda. Kaya lahat nang mag-aalay ng mga handog doon sa Jerusalem ay maaaring kumuha ng ilang karne na dinala para ialay at lutuin sa kanilang sariling mga palayok. At sa panahong iyon, hindi na bibili o magbebenta ang mga tao ng mga bagay sa patyo ng templo ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbong anghel.