tl_udb/49-GAL.usfm

288 lines
35 KiB
Plaintext
Raw Normal View History

2021-02-25 00:21:44 +00:00
\id GAL
\ide UTF-8
\h Mga Taga-Galacia
\toc1 Mga Taga-Galacia
\toc2 Mga Taga-Galacia
\toc3 gal
\mt Mga Taga-Galacia
\s5
\c 1
\p
\v 1-2 Ako, si Pablo, ay sumusulat sa aking mga minamahal na kapatiran sa lalawigan ng Galacia. Ako si Pablo, na apostol. Hindi ako ginawang apostol ng anumang pangkat ng mga tao, at hindi sinabi ng Diyos kaninuman na gawin akong apostol. Sa halip, ako ay apostol dahil ipinadala ako ni Cristo at ng Diyos Ama bilang apostol—oo, ang Diyos Ama, na bumuhay muli kay Jesus pagkatapos niyang mamatay! Ako at ang lahat ng mga kapwa mananampalataya na narito kasama ko ay bumabati sa inyong lahat na nasa mga iglesia sa lalawigan ng Galacia.
\s5
\v 3 Dalangin ko na ang Diyos, na ating Ama, at ang Panginoong Jesu-Cristo na tulungan kayo at bigyan kayo ng kapayapaan.
\v 4 Sinakripisyo ni Cristo ang kaniyang sarili sa Diyos para sa ating mga kasalanan, upang kunin tayo mula sa mundong ito na kung saan ang mga tao ay gumagawa ng masama. Ginawa niya ito dahil nais ito ng Diyos, na ating ama.
\v 5 Dahil iyan ay totoo, purihin natin ngayon ang Diyos magpakailanman.
\s5
\v 6 Gaya ng alam ninyo, na sa kaniyang kabutihan tinawag kayo ni Cristo upang magtiwala sa kaniya. Ngunit ngayon nagtaka ako na tumigil kayo sa pagtitiwala sa kaniya! Naniniwala na kayo sa ibang mensahe, na sinasabi ng ibang tao na totoong magandang balita tungkol sa Diyos.
\v 7 Walang sinabi kailanman si Jesus sa atin na ibang magandang balita, ngunit nililito kayo ng ibang mga tao. Gusto nilang palitan ang magandang balita tungkol kay Cristo; gusto nila kayong paniwalain na si Cristo ay nagsabi nga ng isang bagay na iba.
\s5
\v 8 Ngunit maging kami mang mga apostol o isang anghel mula sa langit ang magsabi sa inyo ng magandang balita na hindi katulad sa sinabi namin sa inyo noon, parurusahan ng Diyos ang taong iyon magpakailanman.
\v 9 Tulad ng sinabi na namin sa inyo, kaya ngayon sinasabi ko ulit sa inyo na may nagsasabi sa inyo ng isang anyo ng mabuting balita na sinasabi niyang mabuti, ngunit hindi iyon katulad sa inyong pinaniwalaan. Kaya hiniling ko sa Diyos na parusahan niya ang taong iyon magpakailanman.
\v 10 Hindi ko kailangang gustuhin ako ng mga tao, sapagkat ang Diyos ang sumasang-ayon sa akin. Hindi ko sinikap na pasayahin ang mga tao. Kung sinusubok ko pa ring magpasaya ng mga tao, kung gayon hindi talaga ako naglilingkod kay Cristo.
\s5
\v 11 Mga kapwa kong mananampalataya, nais kong malaman ninyo na ang mensahe tungkol kay Cristo na aking ipinapahayag sa mga tao ay hindi gawa ng ilang tao.
\v 12 Hindi ko nalaman ang magandang balitang ito sa tao, at walang taong nagturo sa akin nito. Sa halip, si Jesu-Cristo mismo ang nagturo sa akin.
\s5
\v 13 Sinabi na ng mga tao sa inyo tungkol sa kung ano ang ginawa ko sa nakaraan noong ako ay nagsasamba sa Diyos sa kaparaanan ng mga Judio. Hindi ako tumitigil sa paggawa ng masahol na mga bagay sa pangkat ng mga mananampalataya na itinatag ng Diyos. Sinubok kong sirain ang mga mananampalatayang iyon at ang kanilang mga pangkat.
\v 14 Ginalang ko ang Diyos ayon sa kaparaanan ng mga Judio ng mas higit sa sinumang Judio sa aking panahon. Galit na galit ako kapag ako ay nakakakita ng ibang mga Judio na nagpapabaya sa pagtupad sa mga tradisyon na iningatan ng ating mga ninuno.
\s5
\v 15 Gayon pa man, nasa loob pa lamang ako ng sinapupunan ng aking ina noong ako ay pinili ng Diyos na maglingkod sa kaniya, at ginawa niya ito sapagkat kagalakan niyang gawin ito.
\v 16 Ipinakita niya sa akin na si Jesus ay kaniyang Anak; ginawa niya ito upang masabi ko sa iba ang magandang balita tungkol sa kaniyang Anak sa mga rehiyon kung saan nakatira ang mga hindi Judio. Ngunit hindi ako kaagad pumunta sa sinumang tao lamang upang mas maunawaan kong mabuti ang mensahe.
\v 17 At hindi kaagad ako umalis sa Damasco at pumunta sa Jerusalem upang makita ang mga apostol doon, ang mga taong naging mga apostol bago ako naging apostol. Sa halip, umalis ako patungo sa rehiyon sa Arabia, isang rehiyon sa ilang. Pagkatapos noon, bumalik ulit ako sa lungsod ng Damasco.
\s5
\v 18 Pagkatapos ng tatlong taon na inihayag ng Diyos sa akin ang magandang balita pumunta ako sa Jerusalem upang makipagkita kay Pedro. Nakasama ko siya sa loob ng labinlimang araw.
\v 19 Nakita ko rin si Santiago, na kapatid ng ating Panginoong Jesus sa ina at ang pinuno ng mga mananampalataya sa Jerusalem, ngunit hindi ko nakita ang iba pang mga apostol.
\v 20 Alam ng Diyos na ang aking sinusulat sa inyo ay totoong-totoo!
\s5
\v 21 Pagkatapos kong umalis sa Jerusalem, pumunta ako sa mga rehiyon ng Siria at Cilicia.
\v 22 Sa panahong iyon, ang mga mananampalataya sa mga kapulungan ng mga Kristiyanong nasa lalawigan ng Judea ay hindi pa kailanman ako nakikita.
\v 23 Naririnig lamang nila ang iba na laging nagsasabi, "Si Pablo, ang taong gumawa ng marahas na mga bagay sa atin noon, ay nagpapahayag na ng magandang balita na ating pinaniwalaan na sinisikap niyang pigilin!"
\v 24 Kaya patuloy silang nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari sa akin.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pagkaraan ng labing apat na taon, bumalik muli ako sa Jerusalem kasama si Bernabe at si Tito.
\v 2 Ginawa namin ito sapagkat sinabi sa amin ng Diyos na dapat kaming pumunta. Ipinaliwanag ko ng sarilinan sa mga mahahalagang pinuno ng mga mananampalataya ang nilalaman ng magandang balita na ipinapahayag ko sa rehiyon ng mga hindi Judio. Ginawa ko ito sapagkat gusto kong tiyakin na sumasang-ayon sila sa aking ipinapangaral. Gusto kong tiyakin na hindi ako nagpapagal ng walang saysay.
\s5
\v 3 Ngunit hindi hiningi ng mga pinunong iyong na matuli si Tito na kasama ko, na isang Gentil na hindi tuli.
\v 4 Ang mga tao na nagnanais na dapat siyang tuliin ay hindi tunay na mananampalataya, ngunit nagkukunwari sila na kapwa mga mananampalataya. Minamatyagan nila kaming mabuti upang makita kung papaano kami sumusunod sa Diyos nang hindi tinutupad ang lahat ng kautusan at mga ritwal ng Judio, sapagkat alam namin na pinalaya kami ni Cristo mula sa mga bagay na iyon. Ninanais ng mga hindi tunay na mananampalatayang ito na gawin kaming alipin sa mga kautusan.
\v 5 Ngunit kailanman hindi kami sumang-ayon sa kanila patungkol sa pagpapatuli. Tinanggihan namin sila upang magpatuloy ang tunay na magandang balita patungkol kay Cristo ay patuloy na mapakinabangan ninyo.
\s5
\v 6 Ngunit walang idinagdag na anuman ang mga pinuno sa Jerusalem sa aking ipinapangaral. Mahahalagang tao ang mga pinunong iyon, ngunit wala ito sa akin, dahil hindi pinapanigan ng Diyos ang isang tao nang higit sa isa.
\v 7 Sa halip, naintindihan ng mga pinuno na pinagkatiwalaan ako ng Diyos na ipahayag ang magandang balita sa mga hindi Judio, katulad ng ni Pedro nangangaral ng magandang balita sa mga Judio.
\v 8 Ang ibig sabihin, gaya ng pagbibigay ng Diyos ng kapangyarihan kay Pedro na pumunta bilang apostol upang dalhin ang magandang balita sa mga Judio, binigyan din niya ako ng kapangyarihan na pumunta bilang apostol upang dalhin ang kaniyang mensahe sa mga hindi Judio.
\s5
\v 9 Naintindihan ng mga pinunong iyon na sa kagandahang loob ng Diyos ibinigay niya sa akin ang natatanging tungkulin na ito. Kaya si Santiago, si Pedro, at si Juan, ang mga pinuno ng mga mananampalataya kay Cristo, mga pinuno na kilala ng maraming mga tao at ginagalang, nakipagkamayan sa amin dahil kami ay kapwa manggagawa nila. Nagkasundo kami na ipinadala kami ng Diyos sa mga hindi Judio, na hindi tuli, at sila ay ipinadala ng Diyos sa mga Judio na tuli.
\v 10 Hinikayat lamang nila kami na alalahanin pa rin na tumulong sa mga dukha na kapwa mananampalataya na nakatira sa Jerusalem. Ito mismo ang pinanabikan kong gawin.
\s5
\v 11 Ngunit hindi nagtagal habang ako ay nasa lungsod ng Antioquia, pagkatapos pumunta ni Pedro roon, tiningnan ko siya sa mata at sinabi ko sa kaniya na mali ang kaniyang ginagawa.
\v 12 Ganito ang nangyari. Pumunta si Pedro sa Antioquia at lagi siyang nakikisalo sa kainan kasama ang mga hindi Judiong mananampalataya roon. Hindi nagtagal may dumating na ilang mga Judiong mananampalataya sa Antioquia na nagsasabi na ipinadala sila ni Santiago na pinuno ng mga mananampalataya sa Jerusalem. At nang dumating ang mga lalaking iyon, huminto sa pakikisalo si Pedro sa mga hindi Judiong mananampalataya at hindi na nakikisama sa kanila. Nakatatakot siya na punai siya ng mga Judiong mananampalataya mula sa Jerusalem dahil sa pakikisama niya sa mga hindi Judio.
\s5
\v 13 Pati rin ang ibang mga mananampalatayang Judio sa Antioquia, sumama sa pagkukunwari ni Pedro sa pamamagitan ng paghihiwalay sa kanilang mga sarili sa mga mananampalatayang hindi Judio. Kahit si Bernabe ay inisip na kailangan niyang huminto sa pakikisama sa mga hindi Judio!
\v 14 Ngunit nang nabatid ko na hindi sila sumusunod sa katotohanan ng magandang balita patungkol kay Cristo, at nang nagtipun-tipon ang lahat ng kapwa mananampalataya, sinabi ko kay Pedro sa harapan nilang lahat, "Judio ka, ngunit namumuhay ka tulad ng hindi Judiong hindi sumusunod sa kautusan. Papaano mo kaya mahihikayat ang mga hindi Judio na mamuhay na tulad ng mga Judio?"
\s5
\v 15 Ipinanganak tayo bilang mga Judio, hindi bilang mga hindi Judiong makasalanan na walang alam patungkol sa kautusan ng Diyos.
\v 16 Ngunit ngayon alam na natin na hindi dahil sinusunod ng isang tao ang kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moses kaya pinapawalang-sala ng Diyos ang isang tao. Gagawin lamang ng Diyos iyon kung nagtitiwala ang taong iyon kay Jesu-Cristo. Maging ang ilan sa atin na mga Judio ay nagtiwala kay Cristo Jesus. Ginawa natin iyon upang ihayag tayo ng Diyos na mabuti sa kaniyang paningin, dahil nagtitiwala tayo kay Cristo, at hindi dahil sinusubukan nating sundin ang kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises. Sinabi ng Diyos na hindi niya ihahayag ang sinuman na mabuti sa kaniyang paningin ng dahil lamang simusunod nila ang kautusan.
\s5
\v 17 Ngunit kapag hiningi natin sa Diyos na gawin tayong matuwid sa kaniyang paningin sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Cristo, hindi na natin sinusubukang sundin ang kautusan, kaya pinatutunayan ng kautusan na makasalanan tayo sa paggawa nito. Subalit tiyak na hindi ito nangangahulugan na pumapanig si Cristo sa kasalanan. Tiyak na hindi!
\v 18 Kung maniniwala akong muli na pinapawalang-sala ako ng Diyos dahil sinusunod ko ang kaniyang kautusan, magiging katulad ako ng isang tao na nagtayo muli ng isang lumang uuga-ugang gusali na minsan ko nang giniba. Makikita ng bawat tao na sinusuway ko ang kautusan ng Diyos.
\v 19 Habang sinusubukan kong sundin ang kautusan ng Diyos, naging katulad ako ng patay na tao; para bang pinatay ako ng kautusan. Nangyari ito upang maaari akong mabuhay upang sambahin ang Diyos.
\s5
\v 20 Para bang natapos ang aking lumang pamumuhay nang namatay si Cristo sa krus. Hindi na ako ang nangunguna sa aking buhay. Si Cristo na nabubuhay sa aking puso ang nangunguna na ngayon sa aking buhay. At kung anuman ang gawin ko ngayon habang nabubuhay ako, ginagawa ko ito na may pagtitiwala sa Anak ng Diyos. Siya ang nagmahal sa akin at inihandog ang kaniyang sarili bilang alay upang maibigay ang kapatawaran ng Diyos sa akin.
\v 21 Hindi ko isinasantabi ang kabutihan ng Diyos na para bang ang pagsunod ng kautusan ang makapagpapatuwid sa atin sa Diyos. Kung hindi, walang kabuluhan ang pagkamatay ni Cristo sa krus.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Kayong mga kapwa mananampalataya diyan sa Galacia labis ang inyong kahangalan! Marahil may isang tao na gumayuma sa inyo sa pamamagitan ng kanilang masasamang mata! Sinabi ko sa inyo nang tamang-tama kung paano nila ipinako si Jesu-Cristo, hindi ba?
\v 2 Kaya gusto kong sabihin ninyo sa akin ang isang bagay lamang: nang sumainyo ang Banal na Espiritu, siya ba ay sumainyo dahil sinusunod ninyo ang kautusan ni Moises? O ang Banal na Espiritu ay sumainyo dahil narinig ninyo ang magandang balita at nagtiwala kayo kay Cristo? Tiyak na ito ang nangyari.
\v 3 Napakahangal ninyo! Una kayong naging mga Kristiyano dahil sa tinulungan kayo ng Espiritu ng Diyos. Ngunit ngayon ay iniisip ninyo na magpatuloy hanggang kayo ay mamatay sa pagsusumikap na sundin ang kautusan.
\s5
\v 4 Ang lahat ng bagay na iyong naranasan pagkatapos ninyong sumampalataya kay Cristo--mabuti man o masamang mga bagay--ang mga ito ay walang halaga kung kayo ay hindi nagtitiwala sa kaniya.
\v 5 Kung ngayon ay ibinibigay ng Diyos sa inyo ang kaniyang Espiritu at gumagawa ng dakilang mga gawa sa inyo, iniisip ba ninyo na iyon ay dahil sinusunod ninyo ang kautusan ng Diyos? Tiyak na alam ninyo na iyon ay dahil nagtiwala kayo sa kaniya noong napakinggan ninyo ang magandang balita tungkol kay Cristo!
\s5
\v 6 Ang inyong naranasan ay katulad ng isinulat ni Moises sa mga Kasulatan tungkol kay Abraham. Isinulat niya na si Abraham ay nagtiwala sa Diyos, at bilang resulata, inihayag ng Diyos na mabuti si Abraham sa kaniyang paningin.
\v 7 Kaya dapat ninyong intindihin, na ang mga taong nagtitiwala na ililigtas sila ni Cristo, sila ang itinuring ng Diyos na mga kaapu-apuhan ni Abraham.
\v 8 Bago pa man gawin ng Diyos na mabuti sa kaniyang paningin ang mga hindi Judio nang sila ay nagtiwala sa kaniya, isinulat ng mga tao sa Kasulatan na gagawin niya ito. Inihayag ng Diyos ang magandang balitang ito kay Abraham, katulad ng nasusulat sa Kasulatan, "Dahil sa iyong ginawa, pagpapalain ko ang lahat ng lahi ng tao sa mundo."
\v 9 Kaya, alam natin na ang lahat ng nagtitiwala kay Cristo ang siyang pagpapalain ng Diyos kasama ni Abraham, na nagtiwala din sa Diyos.
\s5
\v 10 Sinusumpa ng Diyos ang lahat ng nag-iisip na maaari nilang bigyang-lugod ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniyang kautusan. Ito ay gaya sa isinulat nila sa mga kasulatan matagal na ang nakalipas, "Parurusahan ng Diyos ng magpawalang-hanggan ang sinumang hindi patuloy at ganap na sumusunod sa lahat ng kautusan na isinulat nila sa Aklat ng kautusan."
\v 11 Ngunit sinabi ng Diyos na kung ihahayag niya ang sinumang tao na mabuti sa kaniyang paningin, hindi dahil sinunod nila ang kaniyang kautusan. Ito ay makikita dahil isinulat nila sa mga kasulatan, "Ang bawat tao na ipapahayag ng Diyos na mabuti ay mabubuhay dahil nagtitiwala siya sa Diyos."
\v 12 Sinumang sumusubok na sundin ang kautusan ay hindi nagtitiwala kay Cristo. Sa halip, isinulat nila sa kasulatan, "Sinumang magsimulang gumawa ng mga bagay na nasa kautusan ay kinakailangang sundin ang lahat ng nakasulat doon."
\s5
\v 13 Pinigil ni Cristo na sumpain tayo ng Diyos tulad ng nasusulat sa kautusan na kinakailangan niyang gawin. Ito ay nangyari ng sumpain ng Diyos si Cristo kapalit natin. Tulad ng isinulat nila sa kasulatan, "Isinusumpa ng Diyos ang lahat ng ibinibitin sa kahoy."
\v 14 Isinumpa ng Diyos si Cristo upang pagpalain ang mga hindi Judio na nananampalataya kay Cristo na tulad ng pagpapala niya kay Abraham. At pinagpala niya ang mga hindi Judio upang matanggap natin ang Espiritu, na ipinangako niya sa lahat ng nagtitiwala kay Cristo.
\s5
\v 15 Mga kapwa ko mananampalataya, ang pangako ng Diyos ay katulad ng kasunduan sa pagitan ng dalawang tao. Pagkatapos nilang pirmahan ito, walang makakapagpawalang bisa nito, ni makadaragdag ng anuman dito.
\v 16 Nangako ang Diyos na pagpalain niya si Abraham at ang kaniyang natatanging kaapu-apuhan. Hindi sinasabi ng kasulatan na, "ang iyong mga kaapu-apuhan," na tumutukoy sa maraming mga tao, ngunit sa halip "ang iyong kaapu-apuhan," ibig sabihin isang tao lamang, si Cristo.
\s5
\v 17 Ito ang sinasabi ko. Gumawa ng kasunduan ang Diyos kay Abraham na hindi kayang ipawalang-bisa ng kautusang ibinigay niya kay Moises pagkaraan ng 430 taon.
\v 18 Dahil kung ang ibibigay sa atin ng Diyos magpakailanman ay mapapasa atin dahil sinusunod natin ang kaniyang kautusan, kung gayon hindi na sana niya ibibigay ito dahil ipinangako niya na gagawin niya. Gayunman, ang katotohanan ay ibinigay ng Diyos kay Abraham ang kaloob na ito dahil ipinangako niya na ibibigay niya.
\s5
\v 19 Kung gayon bakit ibinigay ng Diyos sa ating mga Judio ang kautusan? Ibinigay sa atin ng Diyos ang kaniyang kautusan upang turuan tayo na sadyang nilalabag nating lahat ang kautusan. Ang kautusang ito ay ipinatupad hanggang dumating sa ating mga Judio ang kaapu-apuhan na ipinangako niya, iyon ay si Jesus. Hanggang sa panahong iyon, ang kautusang ibinigay ng mga anghel ng Diyos sa ating mga Judio sa pamamagitan ng kamay ni Moises, ang tao na tumayo sa pagitan ng Diyos at ng mga tao, ay ipinatutupad.
\v 20 Kung may taong namamagitan sa ibang tao, kung gayon laging may dalawang tao na kumikilos: Sa kalagayang ito, iyon ay ang Diyos at ang mga Israelita. Ngunit ang Diyos ay kumilos nang mag-isa, na walang namamagitan, nang ipinangako niyang pagpalain si Abraham. Kung kaya, ang pangako kay Abrahan ay mas dakila kaysa kautusan dahil walang tagapamagitan.
\s5
\v 21 Kung gayon ang mga salita ba ng kautusan ay nagsasalita laban sa pangako ng Diyos? Hinding-hindi. Kung masusunod natin ang kautusan at mabubuhay nang walang hanggan kasama ang Diyos, tiyak na ituturing niya tayo na mabuti sa kaniyang paningin.
\v 22 Ngunit iyon ay imposible. Sa halip, dahil tayo ay nagkakasala, ang kautusan sa kasulatan ang namamahala sa atin—at sa lahat ng bagay—na para tayong nasa bilangguan. Kaya nang ipinangako ng Diyos na papalayain niya tayo mula sa bilangguan, ang tinutukoy niya ay ang sinumang mananampalataya kay Jesu-Cristo.
\s5
\v 23 Bago ipahayag ng Diyos ang magandang balita tungkol sa kung papaano dapat magtiwala ang mga tao kay Cristo, ang kaniyang kautusang ay parang isang sundalo na nagpapanatili sa atin sa bilangguan, na hindi makagalaw.
\v 24 Katulad ng pangangalaga ng isang ama sa kaniyang maliit na anak sa pamamagitan ng pag-uutos sa isang alipin na alagaan siya, sinusubaybayan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang kautusan hanggang dumating si Cristo. Ginawa niya ito upang maipahayag niya ngayon na tayo ay mabuti sa kaniyang paningin, kung tayo ay magtitiwala kay Cristo.
\v 25 Ngunit ngayon na tayo ay maaari nang magtiwala kay Cristo, hindi na natin kailangan ang kautusan ng Diyos upang pamahalaan tayo.
\v 26 Sinasabi ko ito dahil kayong lahat ay mga anak ng Diyos dahil kayo ay nagtiwala kay Cristo Jesus.
\s5
\v 27 Lahat kayo na nagtitiwala kay Cristo at nabautismuhan upang kayo ay makiisa sa kaniya, ngayon ay naging katulad na ninyo siya.
\v 28 Kung kayo ay mga mananampalataya, hindi mahalaga sa Diyos kung kayo ay mga Judio o hindi Judio, mga alipin o malayang tao, mga lalaki o mga babae, dahil lahat kayo ay samasamang pinag-isa kay Cristo Jesus.
\v 29 Higit sa lahat, yamang kayo ay pag-aari ni Cristo, ginawa niya kayong mga kaapu-apuhan ni Abraham, at matatanggap ninyo ang lahat na pinangako ng Diyos sa kaniya at sa atin.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Ngayon, tatalakayin ko pa ang tungkol sa mga anak at mga tagapagmana. Ang isang tagapagmana ay isang anak na lalaki na magmamana ng lahat pag-aari ng kaniyang ama. Ngunit habang bata pa ang isang tagapagmana, siya ay gaya ng alipin na pinapamahalaan ng iba.
\v 2 Hanggang sa dumating ang araw na dating napagpasyahan ng kaniyang ama, pangangasiwaan ng ibang mga tao ang anak at ang kaniyang mga pag-aari.
\s5
\v 3 Gayon din, noong tayo ay katulad ng mga bata, tayo ay nasa ilalim ng mga masasamang alituntunin na ipinamumuhay ng lahat sa mundong ito. Kinokontrol tayo ng mga alituntuning ito tulad ng pamamahala ng mga amo sa kanilang mga alipin.
\v 4 Ngunit kapag dumating ang panahon na napagpasyahan ng Diyos, isinugo niya si Jesus na kaniyang Anak dito sa mundo. Si Jesus ay ipinanganak ng isang babae at kinakailangan niyang sumunod sa kautusan.
\v 5 Isinugo ng Diyos si Jesus upang iligtas tayo mula sa kautusan na kumokontrol sa atin. Ginawa niya ito upang kupkupin tayo bilang kaniyang sariling mga anak.
\s5
\v 6 Dahil mga anak na kayo ngayon ng Diyos, isinugo niya ang Espiritu ng kaniyang Anak upang manahan sa bawat isa sa atin. Ang kaniyang Espiritu ang nagbibigay sa atin ng kakayahan upang tayo ay makatawag sa Diyos, "Ama, minamahal naming Ama!" Ipinapakita nito na tayo ay mga anak ng Diyos.
\v 7 Kaya, dahil sa ginawa ng Diyos, bawat isa sa inyo ay hindi na tulad ng isang alipin. Sa halip, ang bawat isa sa inyo ay anak ng Diyos. Yamang ang bawat isa sa inyo ay anak na ng Diyos, ibibigay din ng Diyos ang lahat ng kaniyang ipinangako. Ang Diyos mismo ang gagawa nito!
\s5
\v 8 Noong hindi pa ninyo kilala ang Diyos, kayo ay sumamba sa mga diyus-diyosan na hindi naman talaga buhay. Kayo ay mga alipin nila.
\v 9 Ngunit ngayong kilala na ninyo ang Diyos bilang inyong Diyos. Gayunman, marahil mas mabuting sabihin na kilala na ng Diyos ang bawat isa sa inyo ngayon. Kaya bakit pa kayo bumabalik sa pagsunod sa mahina at walang kabuluhang mga alituntunin ng mundong ito? Ayaw na ninyong maging alipin nila ulit, hindi ba?
\s5
\v 10 Para bang gusto niyo! Muli na naman ninyong sinusunod ang ipinipilit ng iba na dapat ninyong gawin sa mga mahahalagang araw at sa mga mahahalagang oras sa tiyak na mga buwan, mga panahon, at mga taon.
\v 11 Ako ay nangangamba sa inyo! Ako ay nagpagal nang lubusan para sa inyo, ngunit parang ang lahat ng ito ay mapupunta lang sa wala.
\s5
\v 12 Mga kapwa ko mananampalataya, hinihikayat ko kayo na maging katulad ko dahil hindi ko pinahihintulutang pamahalaan ako ng kautusan. Ako ay naging kagaya ninyong mga hindi Judio noong ako ay naging malaya mula sa kautusan, kaya dapat palayain din ninyo ang inyong mga sarili mula sa mga diyus-diyosan. Noong una akong pumunta sa inyo, hindi ninyo ako sinaktan kahit anuman, ngunit pinag-aalala na ninyo ako ngayon ng lubusan.
\v 13 Naaalala ninyo nang unang beses kong sinabi sa inyo ang mabuting balita, ginawa ko iyon dahil may sakit ako.
\v 14 Bagaman maaari ninyo akong hamakin sapagkat ako ay nagkasakit, hindi ninyo ako tinanggihan. Sa halip, tinanggap ninyo ako kagaya ng pagtanggap ninyo sa anghel na nagmula sa Diyos. Tinanggap ninyo ako kagaya ng pagtanggap ninyo kay Jesu-Cristo mismo!
\s5
\v 15 Ngunit hindi na kayo masaya ngayon! Nakatitiyak ako na gagawin ninyo ang lahat upang tulungan ako. Kung maaari lang sana dinukot na ninyo ang inyong mga sariling mata at ibinigay sa akin, kung iyon ay makatutulong sa akin!
\v 16 Iyon ang dahilan kung bakit napakalungkot ko ngayon. Parang iniisip ninyo na ako ay naging kaaway ninyo dahil ipinagpatuloy kong sabihin sa inyo ang katotohanan tungkol kay Cristo.
\s5
\v 17 Ang mga nagpupumilit na sundin ang mga kautusan ng mga Judio ay sinusubukan kayong hikayatin upang sumunod sa kanila, ngunit hindi nila ito ginagawa para sa inyong kabutihan. Nais nilang mailayo kayo sa akin, dahil nais nilang sila ang inyong sundin, hindi ako.
\v 18 Mabuting panatilihin ang paggawa sa mga mabubuting bagay, dapat ninyong gawin ito palagi at hindi lang kapag ako ay kasama ninyo. Ngunit siguraduhin ninyo na tama ang mga taong nagtuturo sa inyo ng mga dapat ninyong gawin!
\s5
\v 19 Kayo na para kong mga anak, muli akong nag-aalala sa inyo, at patuloy akong mag-aalala hanggang kayo ay maging katulad ni Cristo.
\v 20 Ngunit hinihiling ko na sana ay kasama ninyo ako ngayon upang maaari akong makapagsalita sa inyo nang malumanay, dahil ngayon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa inyo.
\s5
\v 21 Hayaan ninyong muli kong ipaliwanag ito. Ilan sa inyo ang nagnanais na sundin ang lahat ng kautusan ng Diyos, ngunit talaga bang pinagtutuunan ninyo ng pansin ang sinasabi ng kautusan?
\v 22 Sa kautusan, mababasa natin na si Abraham ay naging ama ng dalawang anak na lalaki. Ang kaniyang aliping babae, si Hagar ay nanganak ng isang lalaki at ang kaniyang asawa na si Sarah, na hindi alipin ay nanganak din ng isa.
\v 23 Si Ismael, ang anak ni Hagar, ang babaeng alipin, ay natural na nagdalang tao. Ngunit, si Isaac ang anak ni Sarah na hindi alipin ay himalang nagdalang tao dahil ipinangako ng Diyos kay Abraham na magkakaroon siya ng anak na lalaki.
\s5
\v 24 Ngayon ang dalawang babaeng ito ang sumisimbulo ng dalawang kasunduan. Ginawa ng Diyos ang unang kasunduan sa mga tao ng Israel sa Bundok ng Sinai. Hinihingi ng kasunduang iyon na mamuhay ang mga Israelita na tulad ng isang alipin sa kautusan.
\v 25 Kaya si Hagar, ang babaeng alipin ang sumisimbulo sa kasunduang ito. Kaya si Hagar ang sumisimbulo sa Bundok Sinai, sa lupain ng Arabia. Ngunit sinisimbulo din ni Hagar ang lungsod ng Jerusalem sa araw na ito. Ito ay dahil ang Jerusalem ay katulad ng isang aliping ina, siya at ang lahat ng kaniyang anak, na ang kaniyang mga tao ay katulad ng mga alipin, dahil lahat sila ay kailangang sumunod sa kautusan na ibinigay ng Diyos sa Israel sa Bundok Sinai.
\s5
\v 26 Ngunit mayroong bagong Jerusalem sa langit, at ang lungsod na iyon ay tulad ng isang ina nating lahat na naniniwala kay Cristo at ang lungsod na iyan ay malaya!
\v 27 Ang bagong Jerusalem na iyan ay mayrooong mas maraming tao kaysa sa lumang Jerusalem. Ito ay dahil sa isinulat ni propeta Isaias, "Ikaw na nakarita sa Jerusalem, ikaw ay magalak! Ngayon wala kang anak, tulad ng isang babae na hindi magkaroon ng anak! Ngunit isang araw ikaw ay mapapasigaw sa tuwa kahit na wala kang anak ngayon. Katulad ng babae na hindi magkakapagsilang ng mga anak at pakiramdam mo ay napabayaan. Ikaw ay magkakaroon ng mas maraming anak kaysa sa maaaring ipanganak ng babaeng may asawa."
\s5
\v 28 Ngayon, mga kapwa ko mananampalataya, kayo ay naging anak ng Diyos dahil naniniwala kayo sa ipinangako na ibibigay sa atin ng Diyos. Kayo ay tulad ni Isaac, na naipanganak dahil sa naniwala si Abraham sa ipinangako ng Diyos na ibibigay sa kaniya.
\v 29 Ngunit sa nakalipas na panahon, si Ismael na anak ni Abraham na ipinanganak sa likas na paraan ang nagdulot ng kapahamakan sa anak ni Abraham na si Isaac na naipanganak dahil sa gawa ng Banal na Espiritu. Ito ay tulad ng mga tao ngayon na mga alipin ng kautusan ng Diyos na umuusig sa atin na nagtitiwala sa ipinangako na ibibigay sa atin ni Cristo.
\s5
\v 30 Ngunit ito ang mga salita sa Kasulatan: "Ang lalaking anak ng babaeng hindi alipin ang magmamana sa pagmamay-ari ng kaniyang ama. Ang aliping anak na lalaki ay walang mamanahin. Kaya papaalisin sa lugar na ito ang babaeng alipin at ang kaniyang anak!"
\v 31 Mga kapwa ko mananampalataya, ang ating ninuno ay hindi isang aliping babae; sa halip, ang ating ninuno ay ang malayang babae!
\s5
\c 5
\p
\v 1 Pinalaya tayo ni Cristo mula sa kautusan upang hindi na ito maari pang mamamahala sa atin. Kaya pahintuin ang sinumang magsasabing ikaw ay bihag parin ng kautusan, at huwag mong hayaang pamahalaan kang muli ng kautusan tulad sa isang bihag.
\v 2 Isaalang-alang ninyo nang mabuti ang aking sinasabi ngayon sa inyo, ako na si Pablo, na isang apostol. Kung papayagan ninyong tuliin kayo ng sinuman, hindi na makakatulong sa inyo ang ginawa ni Cristo!
\s5
\v 3 Minsan ko pang ipapahayag nang taimtim sa bawat tao na kanilang tinuli, na kinakailangan niyang ganap na sundin ang kautusan, upang ipahayag siya ng Diyos na mabuti sa kaniyang paningin.
\v 4 Kung umaasa ka na ipapahayag ka ng Diyos na mabuti sa kaniyang paningin dahil nagsisikap kang tuparin ang kautusan, hinihiwalay mo ang iyong sarili mula kay Cristo; hindi na magiging mabuti ang Diyos sa iyo.
\s5
\v 5 Tayong binigyang kakayahan ng Espiritu ng Diyos na magtiwala kay Cristo ay naghihintay nang may pagtitiwala sa panahon na ihahayag tayo ng Diyos na mabuti sa kaniyang paningin.
\v 6 Hindi mahalaga sa Diyos kung tayo ay natuli o hindi natuli. Sa halip, pinahahalagahan ng Diyos kung tayo ba ay nagtiwala kay Cristo, na nagbunga ng pagmamahal sa iba dahil tayo ay nagtiwala sa kaniya.
\v 7 Sumusunod kayo kay Cristo nang mabuting! Sino ang pumigil sa inyo mula sa pagsunod sa kaniyang totoong mensahe?
\v 8 Ang Diyos, na siyang pumili sa inyo, hindi siya ang nanghihikayat sa inyo upang mag-isip ng ganito!
\s5
\v 9 Ang maling katuruang ito na itinuro ng isang tao sa inyo ay nanganganib na kumalat sa inyong lahat, katulad ng maliit na lebadura sa minasa na nagpapalaki sa minasa.
\v 10 Nakatitiyak ako na ilalayo kayo ng Panginoong Jesus na maniwala sa anumanag bagay maliban sa kaniyang tunay na magandang balita. Tiyak na parurusahan ng Diyos ang sinumang nanglilito sa inyo sa pamamagitan ng pagtuturo ng maling mensahe, sinuman siya.
\s5
\v 11 Ngunit, mga kapwa ko mananampalataya, marahil may nagsasabing itinuturo ko parin na dapat kayong magpatuli sa kanila. Totoong itinuro ko iyan bago ako sumunod kay Cristo, ngunit hindi ko na itinuturo ang iyan. Ngunit ang kanilang sinasabi ay hindi totoo; kung gayon nga, wala sanang umuusig sa akin ngayon. Hindi, sinasabi ko sa inyo kung iniisip ng mga tao na kailangan nilang matuli upang sumunod kay Cristo, kung gayon, ang katotohanan na si Cristo ay namatay sa krus ay wala nang kaibahan sa kanila.
\v 12 Sana ang mga nanglilito sa inyo ay tuluyan nilang kapunin ang kanilang mga sarili!
\s5
\v 13 Mga kapwa ko mananampalataya, tinawag kayo ng Diyos upang kayo ay palayain. Ngunit huwag ninyong isipin na pinalaya niya kayo upang kayo ay magkasala. Sa halip, mahalin at paglingkuran ninyo ang bawat isa, sapagkat kayo ay malaya nang gawin iyon!
\v 14 Alalahanin ninyo ang sinabi ni Jesus. Sinabi niya ang kahulugan ng lahat ng kautusan ay ganito: "Mahalin ninyo ang bawat tao gaya ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili."
\v 15 Kaya kung kayo ay magsusuguran at magsasakitan gaya ng mga mailap na hayop, baka ganap ninyong sirain ang bawat isa't isa.
\s5
\v 16 Kaya sinasabi ko ito sa inyo: Hayaan ninyong lagi kayong pangunahan ng Espiritu ng Diyos. Kung gagawin ninyo iyon, hindi kayo magkakasala, tulad ng gustong gawin ng karaniwang tao.
\v 17 Kapag gusto ninyong magkasala, tumataliwas kayo sa Espiritu ng Diyos. At ang Espiritu ng Diyos ay laban sa nais ng karaniwang tao. Ang dalawang ito ay laging nag-aaway laban sa isa't-isa. Ang bunga ay hindi ninyo laging ginagawa ang mga mabuting bagay na nais talaga ninyong gawin.
\v 18 Ngunit kapag pinapangunahan kayo ng Espiritu ng Diyos, hindi kayo pinapamahalaan ng kautusan.
\s5
\v 19 Ngayon kung ano ang nais gawin ng karaniwang tao ay madaling makita. Gumagawa sila ng mga mahahalay na gawain, mahahalay na gawa na laban sa likas na pagkalikha, at ninanais nila ang mga bagay na laban sa mabuting mga kautusan.
\v 20 Sinasamba rin nila ang mga diyus-diyosan at mga bagay na kumakatawan sa mga diyos na iyon. Sinubok nilang pakilusin ang mga masamang espiritu para sa kanila. Ang mga tao ay may pagkapoot, pagseselos, pagkakagalit. Sinusubok ng mga tao kilalanin sila ng iba at hindi isinaalang-alang kung ano ang kagustuhan ng iba. Hindi nakikisama ang mga tao sa iba. Nakikisama lamang ang mga tao sa mga sumasang-ayon sa kanila.
\v 21 Gusto ng mga tao ang pag-aari ng iba. Naglalasing ang mga tao. Naglalasing ang mga tao at nanggugulo. At ginagawa nila ang ibang mga bagay tulad ng mga ito. Binabalaan ko kayo ngayon, katulad ng pagbabala ko sa inyo noong nakaraan, na ang sinumang patuloy na gumagawa at nag-iisip tulad nito ay hindi makakatanggap ng inihanda ng Diyos para sa kaniyang mga tao kapag inihayag niya ang kaniyang sarili sa bawat isa bilang hari.
\s5
\v 22 Ngunit habang lumalago tayo sa ating pagtitiwala kay Cristo, ang Espiritu ng Diyos ay nagsimulang kumilos sa atin upang mahalin natin ang iba. Tayo ay nagagalak. Tayo ay mapayapa. Tayo ay matiisin. Tayo ay mabait. Tayo ay mabuti. Tayo ay mga taong mapagkakatiwalaan ng iba.
\v 23 Tayo ay mahinahon. Napipigilan natin ang ating kilos. Walang kautusan na nagsasabing hindi dapat mag-isip at kumilos ang mga tao sa ganoong paraan.
\v 24 Higit pa rito, tayo na pag-aari ni Cristo Jesus ay tumigil sa pagkakahumaling sa mga masasamang bagay na nais nating gawin. Ito ay parang ipinako na natin ang mga ito sa krus at pinatay ang mga masasamang bagay na ito!
\s5
\v 25 Yamang binigysn tsyo ng Espiritu ng Diyos ng kakayahan ng mamuhay sa bagong pamamaraan, dapat mamuhay tayo ayon sa pangunguna ng Espiritu sa atin.
\v 26 Hindi natin dapat ipagmalaki ang ating mga sarili. Hindi natin dapat galitin ang iba. Hindi natin dapat kainggitan ang iba.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Mga kapwa ko mananampalataya, kung matuklasan ninyo na may ginagawang mali ang isang kapatid, kayo na ginagabayan ng Espiritu ng Diyos ay kailangang magwasto sa taong iyon nang mahinahon. At saka, sa inyong pagwawasto sa ibang tao, dapat kayong maging maingat upang hindi rin kayo magkasala.
\v 2 Kapag may mga kapatid na may suliranin, dapat ninyong tulungan ang isa't isa. Sa paggawa nito, gagawin ninyo ang iniuutos ni Cristo.
\s5
\v 3 Sinasabi ko ito sapagkat ang mga taong nag-iisip na sila ay higit kaysa sa kung ano talaga sila ay dinadaya lamang nila ang kanilang mga sarili.
\v 4 Sa halip, bawat isa sa inyo ay dapat palaging sinusuri at magpasiya kung sang-ayon kayo sa ginagawa at iniisip ninyo. Kung kaya ninyo, maaari na ninyong ipagmalaki kung ano ang nagawa ninyo, at hindi dahil mas maganda ang inyong nagawa kaysa sa nagawa ng iba.
\v 5 Sinasabi ko ito dahil kailangan ninyong gawin ang sarili ninyong gawain.
\s5
\v 6 Kung itinuro sa inyo ng mga kapwa mananampalataya ang katotohanan tungkol sa Diyos dapat ninyong ibahagi ang inyong mga ari-arian sa kanila.
\v 7 Hindi ninyo dapat linlangin ang inyong mga sarili. Tandaan ninyo na walang sinuman ang makalilinlang sa Diyos. Tulad ng isang magsasaka na aani ng tamang-tama sa uri ng pananim na kaniyang itinanim, susuklian ng Diyos ang mga taong ayon sa kanilang nagawa.
\v 8 Parurusahan ng Diyos magpakailanman ang mga nakagawa ng mga kasalanan na ninais nila. Ngunit ang mga nagbibigay kaluguran sa Espiritu ng Diyos ay mabubuhay kasama ang Diyos magpawalang hanggan dahil sa ginagawa ng Espiritu ng Diyos sa kanila.
\s5
\v 9 Ngunit hindi tayo dapat mapagod sa paggawa ng nakakalugod sa Diyos, dahil sa huli, sa panahon na ipinasiya ng Diyos, makatatanggap tayo ng gantimpala, kung hindi tayo hihinto sa paggawa ng mabubuting bagay na ginagawa natin.
\v 10 Kaya nga kung magkakaroon tayo ng mga pagkakataon, dapat gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng mga tao. Ngunit mas lalo tayong gumawa ng mabuti sa ating kapwa mga mananampalataya.
\s5
\v 11 Isinusulat ko ngayon ang panghuling bahagi ng liham na ito sa inyo sa aking sariling sulat kamay. Pansinin ninyo ang malalaking titik na aking isinusulat ngayon.
\v 12 Ang ilan sa mga Judiong mananampalataya ay nais kayong matuli upang isipin ng iba na sila ay nakahihigit sa iba dahil nakahikayat sila ng mananampalataya sa Judaismo. Ngunit ginagawa nila ito upang hindi sila usigin dahil naniwala silang namatay si Cristo sa krus upang iligtas tayo.
\v 13 Ang dahilan na sinasabi ko ito, wala ni isa sa mga taong iyon ang sumusunod sa kautusan ng Diyos; sa halip, nais nila kayong matuli upang maipagmayabang nila na nakahikayat sila ng marami sa pananampalatayang Judio.
\s5
\v 14 Subalit ako mismo ay labis na nagnanais na hindi magmalaki patungkol sa anumang tulad nito. Ang isang bagay na ipagmamalaki ko lamang ay ang tungkol sa ating Panginoong Jesu-Cristo at ang kaniyang pagkamatay sa krus. Nang namatay siya sa krus, ginawa niyang walang kabuluhan sa aking paningin ang lahat ng ninanais ng mga hindi mananampalataya, at ginawa niyang walang kabuluhan sa kanilang paningin ang ninanais ko.
\v 15 Labis kong ipagmamalaki ang tungkol dito, dahil hindi pinapahalagahan ng Diyos kung natuli ang mga tao o hindi. Sa halip, ang mahalaga lamang sa kaniya ay gawin silang mga bagong tao.
\v 16 Bigyan nawa ng Diyos ng kapayapaan at maging mabuti sa lahat ng nabubuhay tulad nito. Ang mga mananampalatayang ito ang tunay na bansa ng Israel na pagmamay-ari ng Diyos!
\s5
\v 17 Masasabi ko na inusig ako ng mga tao dahil ipinapahayag ko ang katotohanan tungkol kay Jesus, at ang bunga nito mayroon akong mga pilat sa aking katawan, hindi tulad ng bago ninyong mga guro. Kaya wala ng gugulo sa akin sa mga bagay na ito!
\v 18 Mga kapwa ko mananampalataya, nawa ay maging mabuti sa inyong lahat ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Amen!