tl_jhn_text_ulb/16/19.txt

1 line
736 B
Plaintext

\v 19 Nakita ni Jesus na sila ay sabik na tanungin siya, at sinabi niya sa kanila, "Tinatanong ba ninyo ang inyong mga sarili tungkol dito, na aking sinabi, 'Sa kaunitng panahon ay hindi na ninyo ako makikita; at matapos ang kaunting panahon, muling makikita ninyo ako?' \v 20 Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, kayo ay mananangis at mananaghoy, subalit ang mundo ay magagalak; kayo ay magdadalamhati subalit ang inyong dalamhati ay magiging kagalakan. \v 21 Ang babae ay may dalamhati kapag siya ay nakararamdam ng pananakit ng tiyan dahil ang oras ng kaniyang panganganak ay malapit na; ngunit kapag naipanganak na niya ang bata, hindi na niya naaalala ang sakit dahil sa kaniyang kagalakan na isang sanggol ay naipanganak na sa mundo.